Followers

Friday, January 17, 2014

KUNDIMAN: A Seafarer's Love 6 - 10


Chapter 6



Keith




Napansin ko na kanina pang nakatulala si cadet sa akin. Marahil ito ay dahil sa nangyari kanina. Si Mang Fabian, isang inmate dati na naghahanap ng trabaho at pumasok bilang driver ko nang naaksidente ako last last year (mahabang istorya at ayoko ng maalala pa). Nginitian ko na lang si cadet. Kinakabahan kasi siya. Halata ko iyon dahil napahigpit yung hawak niya sa akin Binabaybay na namin ang EDSA ng napansin kong nakatulog siya. Marahil pagod din ito. Napahinga ako ng malalim at napatanong sa sarili ko. 

"Kaya mo ba tong gawin?".


Pero dinaig ako ng demonyo kong pag-iisip kaya nung magkaroon ng konting pagtigil ng usad dahil sa trapiko, agad kong inaninag ang kabuoan niya. Jackpot. Iyan lang ang nasabi ng demonyo kong isip. Halatang bagets pa ito dahil totoy na totoy niyang itsura. Red lips. Halatang hindi naninigarilyo. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Padilim na kac. Naamoy ko ang buhok niya. 

Light mentholated ang shampoo niya. Preskong presko. Nang ilalapat ko na ang labi ko upang halikan siya ay biglang bumusina ang kotse sa likuran ko. Naka-go light na pala. Agad ko namang pinaandar ang sasakyan at nagising si cadet. Nag-unat at tila nabigla. Napatawa ako. Napaka cute niyang tingnan.

"Sorry po sir akala ko po nasa apartment po ako",paumanhin niya. Tumango lang ako at tumawa. 

Nag-open up siya ng topic. Tungkol sa mga klase ng barko. Sabi niya, first time niyang aakyat but his age ay 19 lang. Biglang napangiti ako dun. At least di na siya minor. 

Nang mapunta ang topic namin sa mga babae sa ibang bansa katulad ng Brazil, Netherland at sa Japan ay napansin kong natablan siya ng libog dahil iniayos niya ang kanyang upo at bahagyang napaigtad. Natawa naman ako dahil iniayos din niya ang kanyang pagkalalaki. Napatawa siya at nagpaumanhin. 

Grabe para talagang walang kamuang muang ang mokong na ito. At sa wakas, pagkatapos ng pagkakakilanlan namin sa isat isa, nakarating narin kami sa condo ko. Agad na pumunta sa elevator at pumanhik papuntang 20th floor kung nasaan ang room ko. Sunod pa rin siya sa akin at pasipol sipol pa. Sa maikling sandaling nakasama ko si cadet, feeling ko kababata ko ito at tulad ng kabataan ko na wala pa ring muwang sa mundo. Na bestfriends kami tulad ni Zander, si Zander na bestfriend ko, nailayo nung nagcollege kami. And after eight years, nagkita, pinasakay sa barko at nagbakasakaling tanggapin at mahalin ako. Pero dahil sa maling gawain, ang idinulot lamang ay lumbay at pighati sa part ko. 

Dahil sa pagkabalisa ko, agad na pinukaw ni cadet ang atensyon ko. Nasa 20th floor na pala kami. Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko siya sa kuwarto. At isa pa sa ikinabahala ko, hindi Leonard o Jonard ang pangalan niya kundi Jason na siyang ikinabahala ko. Siya ba yung nag-alok sa akin? Bahala na si Batman!!!???


Part 7



Zander




Palapit na papalapit na ang pagdaong ng barko namin sa next port sa Korea. Matatapos na rin ang 6 month contract ko pero sa katunayan, halos dalawang taon na akong walang bakasyon. Gusto ko kasing makalimot pero sa tingin ko, wa-epek eh. Andito pa rin siya sa isip ko hindi dahil mahal ko pa siya kundi sa kinamumuhian ko siya sagad sa buto. 

Dahil sa kanya ay uminog ang mundo ko noon pero hindi ko akalain na hahantong sa puntong iibig rin siya sa akin kung kailan wala na akong pag ibig sa kanya. Masakit iyon para sa akin dahil kahit papaano ay kaibigan ko siya sa mahabang panahon. Ako nga pala si 2/E Lernon, Zander. Oo, me dugo akong Austie dahil anak daw ako ng nanay ko sa una niyang kasintahan sa Sydney na nanloko at nagpaasa sa kanya (na akala niya).


Matangkad ako sa height na 5'11". Matikas dahil sa hilig kong magswimming at mag gym kahit noong kabataan ko. Sa edad na 26 maituturing kong successful na rin ako. Dahil ito sa ilan taong ko ring pagsakay sa barko. Halos nasa akin na ang lahat. Pag nasa lupa, lahat ng gusto kong bilhin kaya ko. Pero isa lang talaga ang wala. LOVE. 

Hay, kung sino ba naman kasi ang nagpasimula niyan. Ang hirap makarelate. Kasi ang totoo niyan, naloko kasi ako nun ng babae kaya ewan ko lahat ng babae sa paningin ko ay iisa lang ang mukha, lahat manloloko. Kaya tinuon ko ang atensyon ko sa aking pamilya at career. Napagpasyahan ko rin kasi na mag aral ulit pagkatapos pa ng isang kontrata.
Nahiga ako sa aking cabin at nag-isip isip.

At nakatulog nga ako. At isang napakasayang sandali sa buhay ko ang aking nasulyapan. 
Grade 5 kami noon. Transferee ako at walang kakilala. At dahil sa wala nga akong kakilala, kaya pumunta ako sa may likod ng library. Maya maya may napansin akong nakasunod sa akin. Mga Grade 6 yung mga un dahil na rin sa bara na suot nila at ganun kac ang uniform namin. 

Agad agad nila akong nilapitan at tinanggal ang suot kong polo at sinabihan akong hold up daw. Dahil na rin sa maliit at totoy na totoy pa rin ako noon. Wala akong nagawa kundi ibigay ang purse ko sa kanila. Gusto ko na'ng umiyak dahil sa awa ko sa sarili ko. Bigla na lang nagulantang ang tatlong nambu bully sa akin ng may sumigaw sa likuran nila. 

"Si Kapitan!", sigaw ng isa sa kanila.

Humarap sa kanila ang sumigaw. Agad niyang kinuwelyuhan ang isa sabay sipa sa sikmura sa isa.

"Gusto niyo ilabas ko si Charizard at Blastoise ko?", saad nito na seryoso at nakakapanindig balahibo. Agad namang nagsitakbuhan ang mga bully pero ng bumitaw ang isa sa akin ay sinuntok ako nito sa batok. Hindi ko alam pero nahilo ako sa nangyari kaya hinimatay ako.



Chapter 8



Zander




Pagkagising ko, ay nasa hindi ako pamilyar na lugar. Nasa tabi ko si Mama at ang boyfriend niya noon na stepdad ko ngaun. Tulog. Sa isang sulok naman ay yung batang nagligtas sa akin na agad lumapit sa akin dahil sa nakita akong nagising.


"Uy gising ka na Austie Boy!", pambungad niya.

Agad ko naman sana siyang sasagutin ng mapansin kong me mga benda ang ulo ko.

"Oh saglit lang wag ka muna masyadong gumalaw dahil me bali ka raw sa Neck!", sabi nito.

"Ako nga pala si Keith Angelo Salvador, ang nawawalang kakambal ni Ash at Boyfriend ni Nurse Joy", pakilala niya sa sarili at napaghalataan ko ng adik sa gameboy game na pokemon.

"Dikit ka lang sa akin. Takot sila sa akin kaya huwag mo ng isipin yung mga yun. Isang Erruption at Hydro Cannon lang ung mga yun. Sorry ha? Wala kasi akong bulbasaur eh tsaka ayoko nun, mahina", sabi nito ulit na ngayon ay with action pa. Gusto ko ng matawa kaso di ko magawa dahil sa benda sa ulo ko. At least may kaibigan na ako.

"Anak gising ka na pala", nagising na pala si Mama. 

"Salamat ulit Keith ha? Sa pagligtas diyan kay Zander. Mahina pa tuhod niyan eh. Kagagaling sa Australia", saad ni Mama na ikinapula ko pa lalo.

"Walang anuman tita. Its may plesyur", pilit na salita niya sa ingles. Gusto ko mang awatin si Mama sa pagkukuwento sa mga kahinaan ko ay hindi ko naman magawa.dahil may mga benda nga ang aking ulo. Kasama na run ung paggulong ko sa hagdan ng dati naming bahay na siyang dahilan ng pilat ko malapit sa kilay.

Pati na rin yung muntik kong pagkalunod nong nasa isang beach kami sa Melbourne. Aaminin ko naman na simula noon ay total loser na ako mapasa pamilya o school. Matalino naman ako pero hindi palakibo. Puro gameboy console lang ang hawak o di naman kaya libro na laging isinisiksik ni Mama sa utak ko. Kaya ngayong nakilala ko Keith ay lubos na nasiyahan ako. 

"Sakto po pala! Kac swimmer po ako at yellow belter po ako sa taekwondo. Bale basketball po ang next target ko next summer", walang patid niyang sabi.

"Tsaka tita sanggang dikit na kami niyan! Pakikilala ko yan sa mga chicks na classmate namin. Tsaka sectionmate po kami niyan", sabay tapon ng tingin sa akin. Natuwa naman si Mama dahil kalog at bibo si Keith. 

Simula noong elementary kami di na kami mapaghiwalay niyan. Maputi naman siya pero mas maputi ako sa kanya. Nung tumuntong kami ng high school, mas lalo kaming naging magbuddy. Parehas kaming nasa liga ng baranggay at varsity team ng basketball ng school namin. 

Fourth year high school na kami nun ng naging black belter siya at ako brown palang. Matagal kaming naging magbestfriend ni Keith hanggang sa inamin ko na sa sarili kong higit na sa pagiging magkaibigan ang ang turing ko sa kanya. Ayaw ko namang aminin ang preference ko dahil sa takot na layuan niya ako. Nang nasabi ko ito kay Mama at nalaman pa ni Papa(boyfriend nuon ni Mama), agad silang tumutol at sinabing hindi na kami magkikita pa muli ni Keith at ipinadala ako sa Sydney at doon na magpatuloy ng pag aaral. Parang gumuho ang mundo ko nung time na yon. Naiwan ang puso ko sa Pinas. That time kasi na kinuha na rin ako ng dad ko sa Australia napag isip isip rin nila mom na mas makakalimutan ko ang maling pag ibig na ito pag nalayo ako sa kanya.


Chapter 9



Jason




Promise dahil sa takot ko kanina sa mga lumapit sa amin sa parking lot, nahalata yata ako ni Sir Keith na takot na takot. Napahigpit kac ang hawak ko sa kanya. Matapos ang insidente kanina ay diretso sakay ako sa kotse niya. Napa Wow talaga ako dahil si Bumblebee yata to. Latest model ata to ng Chevrolet Camaro. Pagkaupo ko na pagkaupo ay agad kong pinilit ang sarili kong matulog upang di na niya matanong kung bakit ganun nalang ang takot ko sa mga yun. Ayoko na ring maungkat ang aking mapait na kahapon. At hindi naman ako binigo ng aking sarili at ako ay nakatulog.




Akala ko natanggal ko na sa buhay ko ang mapait na alaala dahil sa hindi ko na ito inaalala pa nung magcollege ako pero sa pagtulog ko ngayon, sumariwa ang sakit ng lahat.


Tandang tanda ko ang tagpo na ito. Nakita ko ang sarili ko nung second year high school ako. Masaya pa akong naglalakad noon kasama si Grace, ang girlfriend ko sa kasalukuyan pero bestfriend ko palang noon. Kumakanta pa kami ng 'Bakit ngayon ka lang' habang papauwi kaming dalawa galing sa eskuwelahan. 

Hindi namin alintana ang sakit ng tama ng sikat ng araw. Tanda ko pa kung gaano ako katorpe noon. Na anjan na xa sa tabi ko eh wala pa rin akong ginagawang aksyon. Ampon si Grace ng isang kilalang negosyante sa lugar namin. Mabait maputi at maganda. Pero hindi yon ang masalimuot na pangyayari. Dahil natalisod ako dahil hinintuan ko ang isang bagay na napansin ko sa gilid ng kalsada. Isang singsing at mukhang mamahalin. Lumuhod ako upang pulutin iyon. Agad na pumasok sa isip kong magtapat na sa kanya pero hinablot ito ni Grace. 

"Uy Jayz singsing to ah? Sabi ko na nga ba eh. Crush mo ako noon pa eh! May paluhod luhod ka pang nalalaman. Tsaka teka, sasagutin palang kita, engagement ring agad ang ibibigay mo? Maria Clara kaya ako no!", sunod sunod niyang bitaw ng salita. 

Ngumiti na lang ako at sumagot at nagtanong, " Ayaw mo nun? Pang PHR (Precious Heart Romances, madalas kasi siyang manuod ng Somewhere in my Heart ni Kaye Abad at Gugi Lorenzada) ang dating? Tsaka oo na ba ang sagot mo?".

"Oo naman no!", sagot niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. 

Humalik naman ako sa kanya sa noo. Ang saya ko noon. Para akong kalapating napakawalan dahil sa pagkakasabi ko sa kanya ng aking nararamdaman. Pakiramdam ko kac nasa alapaap ako. Hinatid ko siya sa kanila at nagpaalam upang makauwi. Sasabihin ko agad ito kay inay. 

Teacher siya ng elementary at wala akong inililihim sa kanya. Samantalang si itay, foreman at sa sandaling iyon ay tambay lang muna sa bahay. Masayang masaya pa akong sumisipol ng pagdating ko sa bahay.

"Inay! Sinagot na niya ako! Sinagot na ko ni Grace", buong sigla kong pagsigaw dahil sa katuwaan kong nadarama.

Ngunit naaninag ko si Mama nasa sulok kasama ng dalawa ko pang kapatid, umiiyak. Gagalaw na sana ako upang pumanhik sa kanila nang may bumalibag sa aking dos por dos na kahoy. Si Itay ang may hawak non.

"Tang ina ka, anong ipapakain mo diyan sa Grace na yan? Yang ninakaw mong pera ko? Ilabas mo yang pera ko!", sigaw niya sa akin pagkatapos kong matumba at lahat ay nagdilim na.


Chapter 10



Jason




Pagdilat ko ng mata nakita ko agad si Grace na tulog sa tabi ko hawak ang aking kanang kamay habang si Inay ay nakatulugan ang pagrorosaryo dahil hawak pa nito ang rosaryo na lagi niyang dala tuwing kami ay nagsisimba. 

Ramdam ko agad ang sakit ng likuran ko at pagkahilo dahil agad akong napahiga ng tinangka kong bumangon. Isang malakas lang na ungol ang nagawa ko dahil sa hapdi ng naramdaman ko. Agad namang nagising si Inay at niyakap ako habang humihikbi. Nagising na rin si Grace at napaluha.


"Anak salamat at nagising karin", sabi ni inay.

"Isang linggo ka na kasing nakahilata jan eh. Muntik ko na ring ipakain sa iyo tong singsing na to!", garalgal na patawang sabi ni Grace sabay turo sa singsing niya.

"Hiniwalayan ko na anak ang tatay niyo", saad na sabi ni inay. 

"Kaya simula ngayon tawagin mo na akong Mama", sabi ni Inay/Mama. 

"Tumakas siya matapos kang mabagok. Hanggang ngayon pinaghahanap siya. Alam mo bang laging sigaw mo sa panaginip mo. Tama na itay", sabi ni Mama. 

"tsaka si Grace anak ang swerte mo sa kanya, laging nagbabantay sa yo", panudya ni Mama. 

"Gusto ko siya ha anak. Happy weeksary sa inyo", tawa ni Mama sabay nguso kay Grace na namumula. Gusto ko na sanang tumawa nang biglang magbukas ang pinto at niluwa si Itay. Nakangiting aso ito.

"Kumusta na ang madrama kong anak?", sarkastikong tanong nito sabay irap sa akin.

"Tulong Nurse Dok!", sigaw ni Mama. Agad naman akong nagulantang di makagalaw dahil sa takot na bumabalot sa akin.



Siguro dahil sa sobrang takot at trauma ay bigla ulit akong hinimatay habang nangingisay. Pagkatapos nun ay dinampot na ng pulis si itay at nilagak sa selda. Agad naman akong inattendan ng mga nurse dahil sa nagpupumiglas ako. Gusto kong tumakbo, umalis maglaho kapag nakakakita ako ng lalaking may malagong buhok, may balbas at bigote. Palagay ko ang lahat ng mga ganito ay addict. 

Kung pwede lang sana magpatiwakal na nang marami pang mabuhay ng normal sa mundo. At sa sandaling iyon ay agad akong nagising dahil sa malakas na busina at dahil na rin sa parang may tao sa malapit sa akin. Haynako, buhay Maynila. Sagad sa noise pollution. Pagkagising ko hindi ako muna nagmulay ng mata. Humikab muna ako at nag unat. At huli na ng maalala ko kasama ko pala si Sir Keith! At nakatulog ako sa kotse niya!


Agad naman akong nagpaumanhin sa kanya at lalo pa itong natuwa sa akin. Ginulo niya ang buhok at nagtanong tanong ng kung ano ano tungkol sa akin. Pasalamat nalang ako at di kalaliman ang mga ito. Ng mapunta ang usapan namin tungkol sa mga babae sa ibang bansa ay d ko na kinayanan ang mga kwento niya. 

Biruin mo? Ang artista na dto sa pilipinas, tindera lang sa Brazil? Prostitute hotel sa Netherlandsu at Ideal Sex sa Japan. Agad ko namang inayos si Junjun. Nakakahiya naman kay sir. Sobrang familiarizing na ako. 

Ng makababa na kami sa kotse, ay pumunta na kami sa elevator. Ako naman tong pasipol sipol na pumasok. Sa loob napansin kong naging balisa si Sir Keith kaya nanahimik na lang ako.

2 comments:

  1. Maganda story kaso ang ikse? Hehe pero nice I'm always looking forward sa updates mo hehe galing. Thanks. :-) :-) :-)

    ReplyDelete
  2. OK na sana sa umpisa pero kung anu anong kabaklaan yung pumasok. yun tipong kwentong parlorista na puro kaek ekan, walang logic, pakinggan mo na lang, wag ka nang magtanong dahil maiinis ka lang!

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails