Followers

Friday, January 24, 2014

KUNDIMAN: A Seafarer's Love 16 - 20



Chapter 16

Zander

Mag-aalas siyete y media na nang maaninag ko ang isang lalaking papalapit sa akin nang ako ay mapatingin sa bandang kaliwa ko. Nakangiti ito at aaminin ko, nabigla ako. Si Jason na pala iyon. Aba di na ito baduy magdala at matikas na rin ito sa porma niya. May silbi nga ang ilang taong military training ng mga katulad nitong kadete sa loob ng napasukan nitong akademya. Nyahaha mana sa pinsan niya! Gwapings! Kaya agad akong napabati sa kanya!

"Jayz, putris, dinasalan mo ata ang picture ko ah? Paanong pumogi tayo ng ganyan?",  sunod sunod kong biro sa kanya. Agad itong pinamulahan sa mga narinig.

"Oo nga ho eh, lumabas lang tunay na dugo ng mga Rodriguez kuya. Lamang ka lang ng konti dahil nahaluan ka", ganti niya habang ginugusot ko ang buhok dahil tuluyan ko na itong niyakap. 

"Kumusta Tita Sandra, Milton at Kevz?, at saka si Grace mo?", panunukso ko rito. Agad sumiryoso ang mukha nito.

"Kuya, dun na tayo sa inuupahan ko upang lubos na makapag-usap. You owe me a lot of explanations and stories", saad nito dahil napansin ko ang pagbabago ng aura nito. 

Wow ha? 

Nakapasok lang sa isang regimented school, makapanindak wagas. 

Di na ako nakaimik pa ng bitbitin niya ang cargo bag ko. Hindi ma-spelling ang mood niya sa ngayon. Ganito na ba ka mature mag isip ang pinsan kong nooy tampulan ng tuksong lampa at uhugin. Pero sa kabilang banda, natuwa ako dahil nakita ko ang kabataan ko sa kanya. Sa ganyang edaran ko kasi dati, naging seryoso ako sa lahat ng bagay.

Pumara siya ng Taxi at isinakay ang mga bagahe ko sa loob. Sinabi niya kung saan kami bababa.

Hindi na ako naglakas loob magsalita ng makapasok na kami loob. Parang katabi ko ang kapitan ko kasi feeling ko, naalinsanganan ako. Ninenerbiyos ako sa di malamang dahilan. Grabe maka aura ang pinsan kong ito. 

Tagos sa utak. Parang may katabi akong naval officer. 

Ramdam ang tensiyon sa loob. Mga 30 minute na nang Naramdaman ata ng driver ang tensiyon sa loob kaya nagbukas ito ng topic.

"Grabeng lamig ngayon sa Amerika ano mga bossing?", panimuka ng taxi driver sabay silip sa salamin sa unahan ng taxi.

Nagulat ako nang sumagot si insan.

"Opo nga ho eh. Dulot kasi yan ng Arctic Winds na lumilibot sa buong America. Frost Vortex po ang tawag dito na kung saan kapag inihagis mo ang kumukulong tubig sa labas agad agarang nagiging ice droplets ito dahil lamig, hindi ka rin mabubuhay kung hindi naka-70°Celcius ang heater niyo sa bahay kaya maraming nafrost bite at nagkakahypothermia doon sa ngayon", sagad sa butong explanation niya.

Napatanga ako sa kanya. Boom!!m Ang galing talaga ng pinsan ko. Pati yung taxi driver napatameme.

"A, eh, oo nga ho eh", sabi nalang nito.

"At ganun din rito sa atin medyo apektado dahil sa hanging amihan. Nagkakafrost injury na ang mga halaman, gulay, prutas sa Baguio",ang dagdag ng henyo kong pinsan. Walang kupas, kaya hindi na ako nagtaka kung nakapasa siya sa entrance exam ng dream academy ko. Yong training lang na semi-regimented ang mahirap talaga rito.


Chapter 17

Keith

Nang makaalis si Cadet Jason, hindi na ako mapalagay. 

Nagsimula akong kabahan kagabi ng may tumawag sa kanyang "Zander" ang pangalan. 

Nadagdagan pa ang pagkabalisa ko nang sabihin niyang pinsan pa niya ito. Aaminin ko naprapraning na ako sa kakaisip dahil maski kagabi na nasa espirito pa ako ng alak eh di ko na alam ang gagawin ko. Sumariwa ang mga alaala ng kahapon. Pero nahimas masan ako ng nabunggo ng tuhod ko ang isang mesa ko. 

Napahiyaw ako sa sakit, "Shit shit shit", usal ko ng may nakita akong nabuong dugo sa loob. Namaga agad. 

Nag-oover react kasi ako. Sumingit ang kirot sa dibdib ko nang masilip ko ang family pictures namin. Siya pala ang dahilan kung bakit ulila na ako, buwelta ko sa sarili ko at napalakad malapit sa litrato ng pamilya ko. Sa isang banda ng utak ko, may sumisigaw ng ganti laban sa kanya. Sa isang banda naman ay kalimutan na at magmove on. Tama na yung nabalian ako dati at nadisgrasiya. 

Agad kong binatukan ang sarili dahil baka tuluyan akong mapraning sa pagkausap ko sa sarili ko. 

"Adik lang?", sabi ko sa sarili ko. Chineck ko ang oras ko, alas diyes. 

Halos tatlong oras na pala ako na ikot ng ikot at isip ng isip. Nagring naman ang phone ko. Si Mabelle, isa pato. Ang haliparot. Kung pwede lang sanang sabihin na di ako interesado sa iyo, sinabi ko na noon pa. Pero wala akong magawa eh. Pero ok na iyon dahil may pantakip ako. 

Ansama ko no?

"O ano iyon Mabelle?", tanong ko rito.

"Sir, debut ko na po bukas punta po kayo ha?", sabi nito.

"O sige, I'll review my schedule tomorrow....",hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, bigla siyang sumagot.

"Dad told me you are free these weekend. And He's expecting you to come over for my eighteen roses and dances", sabad nito. 

nairita talaga ako sa sinabi niyang iyon. 

"Bye, see you tomorrow Sir Keith", patapos nito sa linya. 

Naiwan naman ako nakatunganga. Parang wala talaga akong magagawa. Nang maulila kasi ako, wala akong malapitan kaya kinupkop ako ng boss ko, Si Boss William o Sir Will, dad ni Mabelle. Kumpare kasi ito ni Dad at Mom. Si Mabelle ang nag asikaso sa akin ng ako ay maaksidente. Naalala ko tuloy noong nagkwekwentuhan kami.

"Basta kuya Keith, kapag nag eighteen na ako ikaw ang isa sa magiging dance ko ha. Tapos manliligaw ka ha? Sasagutin kita agad. Ok? Tiyak na magugustuhan ka ni Dad para sa akin", sabi nito sa akin minsan.

Tumango na lang ako noon kasi nakakatuwa siya dati hindi rin naman ako makailing dahil sa benda ng ulo ko. Sixteen palang siya noon and I've never expected na siseryosohin niya iyon. Sana nga hindi. Siguro nakahanap naman na iyon ng boyfriend niya.

Si Mabelle ay isang nursing student sa isang sikat na unibersidad sa Manila. Lagi itong kasama ng kapatid ko noon sa mga galaan. Nahirapan din siya nang biglaang maaksidente at mamatay ang mga kapamilya ko. Ang mga bahay na naiwan nila Dad ay pinangangalagaan ng caretakers namin sa aming probinsya at dito sa Manila. Kaya ako, sa condo nalang para makalimot sa nakaraan.


Chapter 18

Jason

Nanabik talaga akong makita si Kuya Zander. Kaya noong makita ko siyang nabigla dahil sa itsura ko ngayon, talagang natuwa ako ng sobra. Hindi raw kasi siya makapaniwala na ganito na ako ngayon. Nang matanong niya kung kumusta sila Mama at mga kapatid ko, biglang nag iba ang timpla ko. Well, galit pa rin ako sa kanya. Unang una, iniwan niya kami noong iniwan kami ni Itay, kung saan nagkaroon ako ng phobia. 

Tapos nang namatay ang Mama niya at stepdad ay hindi man lang niya ito sinilip. Sumakay kasi raw siya sa barko. Iyon ang sabi ni Mama. It really sounds convincing kasi alam ko namang wala kang magagawa pag tinawag ka ng barko. Seaman din naman ako eh. Pero alam ko may iba pang dahilan at iyon ang sisiyasatin ko mamaya pag nakarating na kami sa tinutuluyan kong bahay.

Nang hindi kami nagkikibuan sa loob ng taxi, napansin ata ng driver kasi bigla siyang nag open ng topic. Tungkol ito sa Frost Vortex sa America. At sinagot ko naman yon. Napansin ko na natahimik ang dalawang kasama ko sa loob. Nautal pa nga ang driver sa sinabi ko eh. Samantalang si Kuya Zander, napatulala sa akin. 

Yumuko nalang ako at dumugtong sa sagot na kahit na ang mga taga Baguio, ay nakakaranas din ng pagbaba ng temperatura dahilan upang masalanta ang mga gulay, prutas iba pang pananim doon. Kasunod nun, katahimikan. Hanggang sa makarating kami sa sinabi kong bababaan namin.

Hindi pa rin umiimik si Kuya Zander, totoo nga. May dapat nga siyang sabihin at ipaliwanag sa akin. Hindi rin kasi siya makatingin ng diretso sa akin. Nasa paradahan kami ng tricycle ng may tumawag sa cellphone ni Kuya Zander. 

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cellphone pero pormal ang itsura nito at lumingon sa akin, ngumiti at sumenyas ng 'wait'. Mukhang importante ang pinag uusapan nila. Dahil may pila at nasa unahan na kami, pinauna ko nalang ang mga kasunod ko sa pagsakay ng trycy. Si Kuya Zander naman ay tumatawa sa kausap niya. 

Lumapit na sa akin si Kuya Zander pero may kausap pa sa phone tapos tinanong ako.

"May lakad ka bukas?".

Umiling ako.

"Sumama ka sa akin may pupuntahan tayo", magiliw nitong saad.

Tumango nalang ako. Sayang, ipapakilala ko sana si Sir Keith kay kuya Zander. 

Pero ok lang next time nalang.

Natapos na rin ang pakikipag usap ni Kuya Zander at sumakay na kami sa tricy.

"Manong sa Dahlia St. po", agad kong sabi sa driver. Pinatakbo na rin nito ang tricy.

"Samahan mo ako mamaya. Punta tayo sa bahay ng katropa ko doon sa ParaƱaque. Kukunin ko lang yung Mustang ko", sabi nito.

Napawi naman lahat ng tampo ko nang marinig ko pangalan ng kotse niya.

"Weh? Di nga kuya. Meron ka?", tanong ko na parang bata sa kanya.

Imbes na sumagot, humalakhak ito.

"Oo birthday gift sa akin ni Dad last last year iyon. Kaso di rin masyado nagagamit kasi lagi naman akong wala rito sa lupa. Tapos mag empake ka na pagdating natin sa tinutuluyan mo. Ipinagpaalam na kita kay Tita Sandra na isasama kita sa bagong condo ko", sagot nito na talagang ikinaaliw ko pa lalo.


Chapter 19

Zander

Sa tingin ko medyo naibsan ang tensiyon sa loob naman ngayon ng tricycle dahil sa pagkasabi ko na ililipat ko siya sa isang medyo maayos ayos na paupahan sa isang subdivision at kukunin namin ang Ford Mustang ko sa isang bahay ng katropa sa ParaƱaque. Hindi na rin ito nakatanggi pa dahil ipinagpaalam ko na rin ito kay Tita Sandra.

Nang makarating kami sa inuupahan niyang lugar, wala na siyang imik na naman. Ano ba yan ibang iba na talaga itong si Jason, hindi na siya yung tipong madaldal at palabiro. Marami na talagang nagbago. 

Nasa second floor ang inuupahan niyang kwarto kaya pumanaog kami sa loob ng isang building at umakyat. Pansin kong maraming tao sa corridor ng building. Ilan na rito ang mga babaeng maiiksi ang suot. Halatang mga menor de edad pa ang mga ito. Meron ding mga batang naglalaro at mga lalaking naninigarilyo. Huminto siya sa tapat ng isang pinto. Malamang ito na ang inuupahan niya. Nang papasok na sana siya, may babaeng nagtanong kung bakit wala siya dito kagabi.

"Nasa isang bahay po ako ng kaibigan ko Ateng", sagot ni Jason.

Tumango naman ito.

"Eh sino siya?", tanong ulit ng babae sabay nguso at tingin sa akin ng malagkit.

"Ah si Kuya Zander, pinsan ko", sagot ni Jason

Lumapit naman sa akin ung babae at nakipagkamay.

"Raquel", sabi nito sabay kindat at kagat sa labi nito. Halatang bayaran ito. Ngumiti ako pero umiling.

"Bahala ka", sabi nito at umalis na.

"Kuya, pasok na. Mag ingat ka dun. Pero kung gusto mo bahala ka", sabi ni Jason.

Pumanhik naman ako. Maliit lang ang kwarto na inuupahan niya. Parang mas malaki pa ang cabin ko sa last na barkong nasakyan ko.

Binasag ko ang katahimikan namin sa paglalabas ko ng isang kahon. Ireregalo ko ito kay Jason dahil alam kong kailangan niya ito.

"Jason, insan para sa iyo oh, laptop. Alam ko magagamit mo yan", inabot ko sa kanya ang karton ng Lenovo laptop.

Bakas naman sa kanya ang tuwa at galak ng iabot ko ito. Nanlaki nga ang mata nya eh. Nagulat ako sa sagot niya.

"Tatanggapin ko to kasi talaga namang kailangan at wish ko to kuya. Pero simulan mo ng magpaliwanag", sabi nito.

Nakaramdam ako ng pressure sa pagkakasabi nya. Huli na ng mapagtanto kong bumuka na ang bibig ko at pumatak ang luha ko. Sumambulat ang emosyon kong itinago ng ubod na tagal.

"Pinagtaksilan ako, Jason at ang masakit ay kahit ang mga magulang ko noon ay nanakit sa akin!", bulalas ko at tuluyan ng bumagsak sa kama nito. 

Parang nahigop ang buong lakas ko. Humagulgol ako. Niyakap ako ni Jason ng tuluyan.

"Sabi ko sayo kuya, mabilis ako magpaamin at magaling akong makinig", sabi nito.

"Nakakahiya tong ginagawa ko insan. At ikaw pa talaga ang magsasabi niyan ha? Pati ba pangsa-psycho tinuturo diyan sa academy niyo?", sabi ko.

"Hindi kuya pero kung iyong ginawa ko ang alam mong pagsapsycho, siguro ganun na nga", pambabaliktad niya sa akin. 

"Pero pamilya mo pa rin kami kaya mahal ka namin kuya. Eto panyo. Laging may baon akong ganyan para kung may chicks na umiyak, meron akong maibigay", dagdag nito.

"Chicks ka ba kuya? Wahahhahaha!!!!!", panunukso niya sa akin matapos niyang magdrama sa harap ko kani-kanina lang tapos tumakbo papalayo sa akin. Hinabol ko naman siya. At dahil sa maliit lang ang lugar niya ay agad ko itong nahuli. 

Kinaltokan ko nga ang loko just like the old times....

"Loko ka talaga!!", sigaw ko rito.


Chapter 20

Keith

Lalo pang nakagulo sa isipan ko ang kaninang pagtawag sa akin ni Mabelle. Ayon kasi dito ay mismo si Boss William ang nag imbita sa akin. Kaya ayun no choice. Naisip kong tawagan si Cadet Jason. Tama baka may maitulong sa akin ang batang iyon. Pero nang ida-dial ko ang number niya, nagdalawang isip ako. Paano kung iyong pinsan niya ang makasagot. At ang siste, paano kung ang pinsan niyang iyon ay si Zander nga mismo? 

Letse, napa-paranoid na naman ako. Ang hirap kasi eh, medyo malayo ang features nila kasi si Cadet Jason ay pure Filipino at si Keith ay may halong lahi. Ano ba yan? Bakit sa tingin niya siya lang ba ang may karapatang magalit? Pikit mata kong pinindot ang 'call' sa cellphone ko. Sumagot naman ito.

"Hello Cadet Jason, pwede ba kitang maabala? Pwede ba tayong magkita uli?", tanong ko.

Nadismaya ako ng kaunti sa aking narinig pero ok lang. Bakit ko nga naman siya kailangang ipasok sa gulo ko. Ahahay, may lakad daw sila ng pinsan niya maghapon. Mag-aalas dose na. Agad agad naman akong nagbihis. Sa Chowking na lang ako magla-lunch tutal weekends naman at nasa kabilang kalye lang naman ang fastfood chain na iyon. Pagkatapos rin nito, magsha-shopping para sa idadamit ko bukas sa debut ni Mabelle. Nakakahiya naman na ang ginagamit kong pang-opisina ang idadamit ko bukas?

Mayamaya pa nagtext si Mabelle.

"Just be prepared. The motif tomorrow is formal at dapat nakamaskara #paracuteomg", ika ng message. Halatang group message iyon.

So kailangan pa palang mag maskara. Ang arte naman nito.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakaligo at nakabihis na ako tapos bumaba para makakain at makapamili ng mga isusuot ko.

Isang alaala naman ang bumalik sa akin habang pababa ng elevator. Si Mang Fabian. Siya kasi ang isa pang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay sa ngayon. Promise nakakainspire rin kasi siya. Malungkot rin ang naging buhay niya. Isa rin siyang katulad ko dati noong kabataan niya. At nang magpakasal siya sa isang babae dahil nagkaanak siya rito, nag-amok ang dating boyfriend nito at napatay ang asawa niya. Napatay rin ni Mang Fabian ang ex-boyfriend niya dahil wala na itong karapatan sa kanya dahil niloko rin siya nito subalit kailangang sundin ang batas at ito ang naging sanhi ng pagkakakulong niya ng ilang taon.

Nang maaksidente ako last last year, siya ang nagtakbo sa amin sa ospital dahil itinakbo rin niya sa ospital ang anak niyang dinedeliryo rin.

Sa kanya ko nakita ang tatag ng isang lalaki para sa kanyang pamilya. Na kahit gaano kagulo ng mundong ginagalawan niya, walang takot siyang lumalaban at tumatanggap ng mga pagsubok. Kaya nang nagkamalay ako, isa siya sa mga punaghuhugutan ko ng lakas. Sa kabutihang palad, gumaling ako at ganun din ang anak niya. That time kasi naghahanap siya ng trabaho pero dahil nga nakulong siya, naging mailap ang swerte sa kanya. Bilang ganti ko sa kabaitang pinakita niya, ginawa ko siyang driver habang di pa ako magaling. Di kalaunay, naipasok ko siya bilang mekaniko sa isang shop malapit lang sa office ko. Pero kung tatanungin kong nagkarelasyon kami?, hindi dahil maski ako, ayoko ng commitment that time at tsaka physically and emotionally damaged ako nun no!

Dahil na rin sa bali ko sa bandang likuran ko, di na rin ako nakasakay ng barko. Pero dahil sa angking kagalingan ko, nabigyan ako ng pwesto sa opisina ng shipping line nina Mabelle. Pero isa na siguro ang factor na big time crush ako Mabelle kaya nalagay ako sa pwesto.

1 comment:

  1. ang gulo ng kwento ah. may condo nmn pala si zander bakit naghotel pa? Ang nakakatuwa pa, nagtaxi tapos sumakay pa ng tricikel? Tas isiningit pa talaga yung taxi driver para lang mapagusapan ang lamig. kailangan ba talaga na pag sumakay ka ng taxi e obligado magdaldalan? sabagay kwento lang haha. Naaliw ako promise. salamat po.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails