Followers

Sunday, January 19, 2014

ANG LALAKI SA DIARY

By: Michael Juha

Author’s Note:
Hindi pa po ito ang “Ang Lalaki Sa Panaginip” na M2M Version. Sunod ko nang gagawin iyon.


Una kong nakita si Prince sa isang gym noong dinaanan ko ang isang kaibigan na naggi-gym doon. May pupuntahan kasi ako kasama ang kaibigan kong iyon at ang usapan namin ay daanan ko siya. Matagal na rin akong hinikayat ng kaibigan ko na mag-gym ngunit ako ang umayaw. Happy na kasi ako sa katawan ko. Hindi naman sa pagmamayabang, maganda rin naman ang katawan ko gawa ng araw-araw na push ups, sit-ups at jogging.

Habang nasa loob ako ng gym at nakaupo sa isang gilid, harap lang sa mga taong nagbi-bench press na nakatihaya, na-focus bigla ang atensyon ko sa sa isang instructor na siyang nag-assist sa kaibigan ko. Noon ko lang nakita ang instructor na iyon. Dati kasi nang magpunta ako roon, wala pa siya. Sa tingin ko ay bago lang siya. Nasa edad bente sais, may taas na nasa 5’10, moreno, makinis ang mukha, may magagandang mga matang chinito, may makakapal na kilay na mistulang iginuhit ng isang magaling na pintor. At syempre, dahil isa siyang gym instructor, matipuno ang kanyang katawan bagamat hindi kagaya ng ibang instructor na sobrang malalaki naman na parang sa isang wrestler. Ang sa kanya ay malalaki nga ngunit proportioned sa kanyang katawan at tangkad. Kumbaga, hayop sa porma!

“Tol… meet my instructor, Prince” ang pagpakilala sa akin ng kaibigan kong si Nathan. At baling kay Prince, “Prince, meet my friend, Jerome”. Doon ko na-confirm, instructor pala niya talaga iyon.

Nginitian ako ni Prince at inabot sa akin ang kanyang kamay. Para akong tinamaan ng kung ano sa ngiti niyang iyon. Killer smile kumbaga. At hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha niya habang ang kamay niya ay mistulang nag-freeze naman habang nanatiling inabot sa akin.

“Tol… tol… magshake hands kayo. Hindi magtitigan!” ang pabirong sambit ng kaibigan ko, pag-distract sa pagtitig ko kay Prince.

“Ay… sorry.” Ang sagot ko naman na tila binuhusan ng malamig na tubig. Napangiting-hilaw tuloy ako sa sobrang hiya habang tinanggap na ang kamay ni Prince. Nagshake hands kami. At anlakas pa niyang makahawak sa kamay ko. Hindi ko lang alam kung sinadya niya iyon o ganoon lang talaga siya kung makipag-shake hands. Anlalaki kasi ng kanyang mga daliri, at matitigas.

Natawa na rin si Prince. At ewan kung may napansin siyang kakaiba sa mga titig ko.

“Shit… ang guwapo talaga ng mokong!” sigaw naman ng isip ko.

Nang naglakad na kami ni Nathan patungo sa aming pakay, biniro niya ako. “Mukhang may tama ka sa aming bagong gym instructor ah!”

Na agad ko ring sinupalpal. “Tado!” Bagamat straight si Nathan, ramdam kong may duda siya sa aking pagkatao. Palagi kasi niya akong binibiro kapag may lihim na tinitingnan akong guwapo at nahuhuli niya. “O... o... lalaki iyan, hindi babae. Huwag magpantasya sa lalaki.” walang kyeme akong pagsasabihan. Ako kasi ay hindi nag-oopen sa kanya tungkol dito kaya wala akong formal affirmation sa kanya na hindi lang ako naa-attract sa babae kundi sa lalaki rin. Hindi ko rin alam kung biro lang niya ang ganyang pananalita o talagang sa loob-loob niya ay naaamoy na niya ang aking tunay kulay.

“Mabuti naman dahil kung bakla ka tol... mukhang hindi ko yata kayang makikipagkaibigan sa iyo.”

“Ganoon? At bakit naman?”

“Syempre, baka mamaya pagpantasyahan mo ako, o di kaya ay pagsamantalahan.”

“Wow!!! Assuming ka! Kapal ng mukha mo tol!” ang sagot ko naman.

“Hindi... syempre, kapag may kaibigan kang bakla, ang tingin ng tao sa iyo ay may pagdududa na rin, di ba? Ayaw ko ng ganyang may mga iniisp ang tao sa akin.” Ang sagot niya bagamat sa loob-loob ko, parang may namuong tampo ako sa sinabi niya. Parang ang babaw lang. Kapag kaibigan mo kasi, wala kang pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao sa iyo. Ang importante ay ang saya na naidudulot na kasama mo siya, na nariyan kayo para sa isa’t-isa, para magtutulungan, magdadamayan. Para sa akin kasi, mas mahalaga ang pinagsamahan. Kung wala ang ganyan, hindi mo talaga masasabing kaibigan mo ang isang tao. Iyan ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan.

Malalim din naman ang pinagdaanan ng aming pagkakaibigan ni Nathan. Taga Maynila ang pamilya niya at lumipat sa aming probinsya. High school pa lang kami noon. At nagkataong naging magka-klase kami. Sa panahong iyon ay payat na payat pa siya. At dahil galing siya sa Maynila, napag-initan siya ng ibang estudyante. Nabugbog siya, as in bugbog na bugbog kung saan ay sa ospital na siya nagkamalay. At ako at mga ka-klase namin ang tumulong sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa akin. Simula noon, naging mag best friends na kami. Palagi na kaming magkasama, nasi-share ng pagkain, nagtutulungan sa klase...

Ang insidente kung saan ay nabugbog si Nathan ang siyagn nagtulak sa kanya upang magpalaki ng katawan at mag-aral ng martial arts. At nagtagumpay naman siya rito. Gumanda ang kanyang katawan, at naging black belter pa siya sa karate.

Aaminin ko naman na may lihim din akong crush kay Nathan. Lalo na nang gumanda na ang kanyang katawan, lalo pa akong humanga sa kanya. Ngunit dahil magbest friend kami, pilit kong iwinaksi sa aking isip ang lahat. At nakayanan ko naman. Kaya, walang issue sa amin.

Ngunit sa pagdating ni Prince, doon na ako nakaramdam ng kakaiba. As in mas matindi talaga ang naramdaman kong paghanga na tila mababaliw ako sa kaiisip.

Kaya hindi ko talaga maiwasang hindi magtanong kay Nathan tungkol kay Prince. At hindi ko rin maiwasang palagi nang dumadaan sa gym nila upang kunyari ay dadaanan si Nathan, may nakalimutan, o kaya ay hihintayin lang si Nathan habang kunyari ay nagbabasa ako ng pocket book sa isang gilid bagamat lihim palang magmamasid kay Prince. At iyon lang ang tanging kaligayahan ko, ang inspirasyon ko sa araw-araw; ang makita siya.

Kapag nakita ko siyang naka-jogging pants o naka-shorts at naka-sando, kumpleto na ang araw ko. Masayang-masaya na ako. Halos araw-araw din ay ndidiskubre akong maliliit na bagay sa kanya. Kagaya ng pag-iinum niya ng isang brand ng bottled water, pagka-approachable niya, ang pagkapalangiti na nakakahawa, ang pagkamabait niya, ang paborito niyang isuot kapag tapos na ang session niya – maong na faded o itim at t-shirt na semi-fit na kulay puti o black o striped, na bagay na bagay sa kanya.

At ang lalo pang ikinakikilig ko ay ang mga pagkakataong nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin. At kapag ganoon na nagkahulihan kami ng tingin, ibabaling ko kunyari ang mga mata ko sa ibang bagay na parang wala lang bagamat sa kaloob-looban ko ay gusto kong maglupasay at maglulundag sa magkahalong kilig at tuwa.

Isang beses habang naghihintay ako kay Nathan sa loob ng gym, hindi ko namalayang tumabi pala sa akin si Prince. “Bakit hindi ka na lang mag-enrol dito? Halos araw-araw kasing nandito ka eh.” ang sambit niya.

Nagulangtang naman ako bigla sa pagkarinig sa kanyang boses. Syempre, gulat na gulat ako na parang nakakita ng multo. Akala ko kasi naroon pa rin siya sa kanyang puwesto. Ganyan naman kasi kapag may ginawa kang lihim para sa isang tao at kapag bigla siyang sumulpot, matataranta ka na.

Bigla kong isinara ang aking hawak-hawak na libro, nanlaki ang mga mata na tiningnan siya. “Eh... nand’yan ka pala, hehe...” ang nangingig kong sagot.

“Bakit? Ano ba sa tingin mo? Nasa isip mo?” ang sambit niya. At hindi pa man ako nakasagot ay sinundan na agad niya ng, “Jokeee!”

Napangiti na lang ako ng hilaw. Mukha kasing bull’s eye ang sinabi niyang nasa isip ko siya. Ewan kung may hinala siya o nababasa niya ang aking tingin sa kanya. Lalo pa tuloy akong nahiya.

“O ano... mag enrol ka na?” ang pag-giit niya sa tanong.

“A-ayoko. Palagi naman akong nagja-jogging eh. Atsaka nagpu-push up at sit-ups.” Ang sagot ko.

“Sabagay...” tiningnan niya ang aking porma na tila inusisa. “Maganda naman ang porma ng katawan mo. Pero mas lalo pang gaganda iyan kapag nag training ka.”

Binitiwan ko lang ang isang ngiti. “S-sige, pag-isipan ko.” Ang sagot ko. Sa isip ko kasi, baka naghanap lang siya ng dagdag na customer. Dagdag kita rin iyon sa kanya.

Iyon ang drama ko. Iyon ang aking simpleng kaligayahan, ang magpantasya sa kanya, ang mangarap ng lihim.

Medyo masakit nga lang dahil talagang itinago-tago ko ang aking naramdaman. Hindi ko kasi ito masabi kay Nathan gawa nang ayaw nga niya sa isang kaibigang bakla. Kaya sinasarili ko lang ang aking naramdam. At ang tanging paraan ko upang makapag-unload ako ay ang sa pamamagitan ng diary. Iyong traditional na notebook style. Wala naman kasi akong pambili ng laptop o computer kung kaya ay sa isang diary notes lang. Simula kasi nang magkaroon ako ng pagnanasa kay Nathan, natuto na akong magdiary at ipinagpatuloy ko na ito para sa naramdaman ko kay Prince.

Sa diary na ito ko ipinalabas ang lahat ng aking saloobin tungkol kay Prince. Minsan nga habang nasa gym ako, nagsusulat din ako. At ang diary na ito ang nagsilbi kong tunay na kaibigan. Wala akong bagay na hindi isinulat tungkol kay Prince. Pati ang naramdaman ko sa kanya ay naroon, pati ang mga bagay na nakakapagbigay sa akin ng kilig sa kanya at isinulat ko. At syempre, hindi nawawala ang ka-dramahan ko na isinulat ko rin doon. Doon sinasabi kong hanggang sa panaginip ko na lang siya dahil wala naman talagang paraan upang maging akin siya. Pero sinabi ko rin doon na tanggap ko ang lahat dahil alam kong imposible naman talaga. “Kaya hayaan mo akong sa diary na lang kita mamahalin...” ang isang linyang nakasulat dito.

Akala ko ay hanggang ganoon na lang talaga ang routine ko. Magpantasya, mangarap ng lihim at maging kuntento. Ngunit siguro, sadyang mapaglaro ang pag-ibig. Isang araw, nawala ang aking diary.

Syempre, matinding kaba ang aking nadarama. Naroon kaya ang lahat ng aking mga sikreto. Pinuntahan ko agad ang mga lugar na maaari kong napag-iwanan sa diary ko o mga lugar kung saan ay maaring nalaglag ito. Ngunit hindi ko pa rin nakita ito. Sobrang takot ang aking nadarama. Ang ipinagdarasal ko na lang ay sana, hindi iyon napunta sa kamay ni Nathan o ni Prince. O kung sa ibang tao man, iyong hindi nakakakilala sa amin.

Kinabukasan, nang dumaan muli ako sa gym upang sunduin kunyari si Nathan, nagtaka na lang ako nang biglang kinausap ni Nathan si Prince atsaka nagmadaling kinuha ang kanyang bag sa locker at walang pasabing umalis, dinaanan lang ako na nakaupo sa isang silya. “Nathan!” ang sigaw ko habang nagtatakbo akong sinundan siya.

“Nang malapit ko na siyang maabutan, huminto siya, halata ang galit sa kanyang mga mata. “Simula ngayon, huwag ka nang lumapit sa akin at huwag na mo na akong susunduin pa sa gym, ok? Nakakahiya ka!”

“B-bakit? A-ano ba ang problema?” ang tanong kong nairita sa kanyang sinabing nakakahiya raw ako.

“Ano ang problema???” Binuksan niya ang kanyang bag at may hinugot. Ang aking diary! At inihagis niya ito sa akin. “Iyan... at pati pala ako ay pinagpantasyahan mo! Bakla!” sabay talikod at nagpatuloy na naglakad.

Nasalo ko ang diary at nang nasa kamay ko na ito tila naman isang kandila akong unti-unting nalusaw. Hindi na ako nakakibo pa. Ni hindi ko magawang magtanong kung saan niya iyon napulot. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang dumaloy sa aking mga mata.

At iyon, umuwi na lang ako ng bahay at doon nagmukmok, umiiyak. Pakiramdam ko ay hiyang-hiya ako sa aking sarili. Pakiwari ko ay sobrang napakaliit ng aking pagkatao.

Sa loob ng kuwarto, hindi ko alam ang aking gagawin. Sinasarili ko na nga lang ang kahibangan ko kay Prince at hayun, pati pa ang matalik kong kaibigan ay mawawala rin sa akin. At syempre, ang hiya na aking nadarama lalo na sa senaryo kung makakaabot kay Prince ang lahat.

Nang napagod na ako sa kaiiyak at kaiisip, sumilip ako sa bintana. May mga dumadaang sasakyan sa harap na kalsada ngunit tila hindi ko na sila nakikita. Napakalyo ng aking tingin. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga katanungan kung bakit nangyari sa akin ang ganoon, kung magpapakita pa ba kay Nathan at Prince, kung aalis na lang sa lugar upang tuluyang malimutan ko ang sakit na aking nadarama...

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang sa gilid ng kalsada kung saan na roon an gplayground, napansin ko ang isang grupo ng mga bata. Masayang-masaya silang nagsisigawan nagtatawanan habang nagpapalitan sa pagsakay sa swing. Ngunit ang nakakuha ng aking atensyon ay ang isang batang may kapansanan. Napansin kong bingot pala siya at ngongo pa. At kaya pala nagtatawanan silang lahat ay dahil kahit alam ng batang iyon na ngongo siya, kinantahan pa niya sila, isinigaw pa na parang tuwang-tuwa pa sa kanyang ginagawa. At lalo pang naaliwa ang mga kasama niya. At sa pagmamasid ko sa kanila, tanggap siya ng mga kaibigan niya, nirerespeto siya, pinapalakpakan pa.  

Tila nawala sa isip ko ang aking sariling problema. Aliw na aliw akong pinagmasdan sila at natawa na rin sa pagkakanta ng batang may kapansanan, lalo pa kapag hihito siya sa pagkanta at tila tinuturuan pa niya ang mga kasama kung paano ang tamang pagbigkas sa liriko, at gagayahin naman nilang lahat. Pansamantala kong nalimutan ang sarilng problema dahil sa pagkaaliw ko sa kanya. Napabilib sa tapang niya, napahanga sa pagtanggap niya sa kanyang kapansanan na ginawa pa niyang asset upang makapag-bigay ng aliw sa iba at mapalapit sa kanila.

Nang nagsiuwian na ang mga bata, doon ko narealize na hindi pala hadlang ang isang kapansanan upang lumigaya. Kagaya ng batang nasa duyan, pinandigan niya ang pagiging siya. Walang kiyemeng ipinakita niya sa mundo na kahit ganoon siya, may karapatan din siyang lumigaya, na magkaroon ng mga kaibigan, na tanggapin kung ano man siya. Napakasarap ng aking pakiramdam sa nakita ong eksenang iyon. Isang bata ang nagmulat sa aking isip upang lumaban, upang manindigan, upang tanggapin ang lahat at maging maligaya pa rin. “At si Nathan... kung talagang tunay na kaibigan talaga ang turing niya sa akin, tatanggapin din niya ako. At kagaya ng mga kaibigan ng batang nasa swing, matuwa rin siya para sa akin.” Ang bulong ko sa aking sarili.

Kaya kinabukasan, nagpunta kaagad ako sa gym. “Prince, nakapagdesisyon na akong mag-enrol...” ang sambit ko. Hindi ko alintana kung ikinuwento ni Nathan kay Rondeny ang tungkol sa diary. Sa isip ko, wala na akong pakialam sa kung ano man ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin. Mag-isip sila kung anu-ano ngunit gagawin ko ang mga bagay na magpapaligaya sa akin basta wala lang akong inaagrabyadong tao, walang sinasaktan. Nakapagdesisyon na ako na harapin ang lahat, na tanggapin ang mga panlilibak o pangungutya kung mayroon man dahil hindi ko naman ginusto ahat na magkaroon ako ng ganoong klaseng pagkatao.

“Wow! Good!” ang reaksyon niya kaagad sabay sa pagbitiw ng isang ngiti. “So, magsimula ka na ba ngayon?” ang dugtong niyang tanong.

Doon ako natuwa. Sa tono ng kanyang pananalita. Ang ibig sabihin noon ay hindi niya alam ang laman ng aking diary. “Oo...” ang sagot ko.

At agad-agad ay in-assist ako ni Prince. Nang dumating si Nathan na bitbit pa ang kanyang mga personal na gamit, halata ang bigla niyang pagsimangot nang nakita akong naka-suot pang-gym na uniporme at nagtatakbo sa treadmill haban si Prince naman ay nakatayo sa aking gilid.

“Good morning bro! Lata ka ata ngayon! Are you ok?” ang sambit ni Prince kay Nathan.

“Okay naman. Thanks.”

“Okay ka lang ba d’yan? I-assist ko muna si Jerome ha? Nag-eenrol na siya!”

“Okay...” ang sagot lang ni Nathan na hindi man lang lumingon sa akin. Hinid ko lang alam kung ano ang nasa isip niya. Maaaring naisip niya na ginawa ko lang ang pag-enrol upang mapalapit kay Prince. Ngunit wala akong palialam kung ano ang laman ng kanyang isip.

Aaminin ko, nasaktan pa rin ako sa inasal ni Nathan. Ngunit pinilit ko ang sariling i-enjoy ang moment na naroon si Prince sa aking tabi.

Nang matapos na ang aming session, kinuha ko ang dalawang bote ng bottled water sa aking bag at nilagay ko ang isang bote sa ibabaw ng bag ni Nathan. Alam kung nakita niya ang paglagay ko noon. Nasa harap lang kasi niya ang locker kung saan niya ipinatong ang kanyang bag.

Ngunit nasaktan lang ako dahil nang matapos na siya sa kanyang session, iniwan niya ang tubig na ibinigay ko sa kanya.

Nakailang araw din na ganoon palagi ang aking ginawa. Ngunit hindi pa rin pinansin ni Nathan ang bigay kong tubig. Ang masaklap pa, napapansin ko na ang tila pagbubulungan ng mga kasama namin sa gym. Kapag pumasok na ako, parang ang sama-sama ng mga tingin nila sa akin. At doon ko nalaman mula sa isang nagmamalasakit na myembro ng club na kumalat daw pala ang tsismis tungkol sa pagnanasa ko kay Prince at Nathan dati.

Doon hindi ko napigilan ang hindi umiyak. Dali-dali akong pumunta sa locker room ng mga lalaki at dahil walang tao, doon na ako humagulgol. Naawa ako sa aking sarili at nag-isip na gi-give up na lang. Nahiya rin kasi ako kay Prince na baka kagaya ni Nathan ay magbago rin.

Nasa ganoon akong pag-iiyak nang narinig kung bumukas ang pinto ng locker. Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha upang huwag mahalata. Ngunit nang nilingoon ko ang pinto, bigla ring nawala ang kung sino man ang nagbukas. Marahil, napansin niyang ako ang nasa loob at kung kaya ay umiwas, o baka rin nakita niyang umiyak ako at kung kaya ay hindi na ako inistorbo.

Agad kong inayos ang aking sarili at muling isinigit na lang sa isip ang aral na natutunan ko tungkol sa batang nasa duyan. “Habang kaya ko... di ako susuko.” Ang bulong ko sa sarili at tumayo na ako, nagbihis at tinungo ang aking puwesto.

Si Prince uli ang nag-assist sa akin. At sa tingin ko, wala namang pagbabago sa kanya. Hindi ko lang alam kung alam na niya ang tsismis o nag-play innocent lang siya. At si Nathan, ganoon pa rin. Hindi pa rin niya ako pinapansin.

Nang matapos na uli ang aking session, nilagyan ko uli ng isang bote ng tubig sa tabi ng kanyang mga gamit. Ngunit may kasama itong sulat. “Nathan... hindi ako galit sa iyo. Kahit ipinagsasabi mo pa ang laman ng aking diary, hindi ako galit sa iyo. Kasi, kaibigan kita. At ang kaibigan ay hindi iniiwanan, hindi binibitawan. Kahit ano ang mangyari sa iyo, nariyan pa rin ako sa piling mo. Hindi kita masisisi kung galit ka sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit ano pa man, dahil kaibigan kita, naintindihan kita. Ang hiling ko lang sana sa iyo ay sana, tanggapin mo ako, bilang ako. Tao rin ako, at hindi ko ginusto ang magkaganito. Bilang tao, may karapata din akong lumigaya at magkaroon ng isang kaibigang tulad mo. Aaminin ko sa iyo, totoong nagkaroon ako ng crush sa iyo. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ayaw kong masira ang pagiging magkaibigan natin. Para sa akin, mas mahalaga ang ating pagiging magkaibigan kaysa aking naramdaman para sa iyo. Nagsakripisyo ako, tiniis ko ang aking naramdaman, kahit may mga pagkakataong muntik na akong bumigay. Ngunit mahalaga ka sa akin bilang kaibigan... Sana ay kausapin mo na ako... Ang iyong kaibigan –Jerome-”

Paalis na sana ako nang nakita kong nilapitan ni Nathan ang kanyang gamit. Inagat niya ang bote ng tubig atsaka binuklat ang sulat at binasa ito. Hinintay ko ang kanyang reaksyon. Nang matapos na siya sa pagbabasa, nilingon niya ako. Halatang may galit pa rin ang kanyang tingin. At dahil dito, tuloyan na akong umalis.

Kinabukasan nang nagreport uli ako sa gym, nagulat na lang ako nang may isang puting sobre sa ibabaw ng aking locker. Binuksan ko ito at binasa. Galing kay Nathan. “Mag-usap tayo, sa restaurant na dati nating kinakainan, alas 7 ng gabi. –Nathan–”

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga sa pagkabasa ko sa kanyang sulat. Pero may dala rin itong ecitement para sa akin.

Alas 6:30 pa lang ng gabi nang dumating ako sa restaurant na nasabi. Inorder ko ang paborito naming pagkain, walong barbecue na manok at iyong tinatawag nilang hanging rice, nakabalot sa dahon ng niyog na parang suman ngunit singlaki ng bola ng softball naman ang isa. Iyon lang naman talaga ang kinakain namin sa restaurant na iyon. Masarap kasi ang pagkaluto nila ng barbecue dagdagan pa sa masarap ding sawsawan. Nag-order na rin ako ng isang grandeng beer.

Wala pang bente minutos at nasa mesa na ang lahat na inorder ko. Dumating si Nathan. Tahimik na naupo siya sa harap ko. “N-nagpunta lang ako para kausapin ka... H-hindi ako kakain, m-may kasama ako, naghintay sa kabilang restaurant...”

Medyo nadismaya ako sa aking narinig. “Ah... ok.” Ang sambit ko na lang.

“P-puwede ba, doon tayo sa terrace?” ang pakiusap niya. May terrace kasi ang restaurant na iyon na overlooking sa dagat. Sa Terrace kasi ay may mga sound proof na cubicles. May privacy, at hindi naririnig ang ingay ng mga nagkakantahan sa videoke.

Tumayo ako at pinakiusapan ang waiter na sa terrace na lang kami. Tinumbok ko ang terrace, at pumasok sa isang cubicle. Sumunod siya. Dinala naman ng waiter ang order namin sa cubicle at inilatag ang mga pagkain sa mesa.

“S-sorry... nasaktan kita.” ang sambit niya kaagad nang nakaupo na kaming magkaharap sa mesa.

“O-ok lang iyon.”

“T-tanggap naman talaga kita Tol, eh. Naiinis lang ako sa aking sarili dahil kapag b-bakla na ang pinag-uusapan, naalal ako ang aking ama. Nasa elementarya lang ako nang iniwan kaming magkakapatid ng aking ama dahil sa isang lalaki. B-bakla kasi ang aking ama. Sobrang sakit na iyon bang may sarili sana akong ama ngunit pinabayaan kami, hinayaan ang aming inang magdusa sa paghahanapbuhay at kung anu-anong trabaho na lang upang mabuhay kami samantalang may pera naman sana siya ngunit napunta lamang sa kanyang lalaki. Sobrang galit ko sa aking ama na nasabi ko sa aking sariling isusumpa ko ang mga bakla. Awang-awa ako sa aking ina. Awang-awa ako sa aking mga kapatid na hindi nakapagtapos ng pag-aaral... dahil sa kanya. S-sana maintindihan mo ako.” At humagulgol na siya.

Tumayo ako at umupo sa isang silyang nasa tabi niya. Inakbayan ko siya. “Naintindihan naman kita Nathan eh. So sorry din, hindi ko alam ang kuwento mo.”

“Itinago ko sa kasi nahihiya ako...”

“O-ok lang iyon. Ako nga, alam na ng marami eh.”

“...At hindi ako ang nagpakalat sa tsismis tungkol sa iyo. Ang totoo niyan, napulot ng isang myembro sa gym natin ang diary mo at nang malamang sa iyo iyon, ibinigay niya sa akin. Alam ko binasa niya ito dahil biniro pa niya ako na huwag daw ma-shock.”

“Alam ko.” Ang sagot kong binitiwan ang isang hilaw na ngiti. “At alam ko ring si Jennifer ang nakapulot noon. Sinabi sa akin ng guwardiya. Pero hindi ako galit sa kanya. Kasi, naintindihan ko siya. Mahirap naman kung aawayin ko pa siya dahil sa aking katangahan.”

“Ngayon ko lang na-realize na ang swerte ko pala na nagkaroon ng mabuti at mabait na kaibigang kagaya mo.”

“Wuuuu, drama naman nito!” ang biro ko na. “So friends na uli tayo?”

“Oo...”

“As in kagaya ng dati?”

“Oo naman.”

“Hindi mo na ako ikinahihiya?”

“Ikaw nga, hindi mo ikinahiya ang sarili mo, ako pa kaya. Hindi lang nila alam kung gaano kabait ang kaibigan ko. Hindi na sila makahanap ng kaibigang kasing bait mo.”

At niyakap ko na siya. Niyakap niya rin ako. “Kahit bola... maniwala pa rin ako. Mabait ako eh.” Sambit ko.

Tawanan.

“Ang tubig ko hindi mo ininum. Salbahe ka.”

“Anong hindi! Di mo lang alam, lihim kong ipinasok iyon sa aking bag.”

Tawanan uli.

Nag message alert ang cp niya. Tiningnan niya ito. “Ay... nandoon na pala ang kaibigan ko. Alis na ako ha? Sensya na talaga.” sabay tayo at lumabas na ng cubicle.

“Nathan hintay!” ang sambit ko. Bigla na lang kasi siyang tumayo at lumabas, hindi man lang hinintay ang aking sasabihin.

Syempre, nalungkot ako. Hindi ko kasi alam kung sino ang kanyang kasama. “Baka may girlfriend siya kung kaya ay ganoon na lang ang pagmamadali niya.” Sa isip ko lang. Tumayo ako upang silipin na lang sana siya sa kanyang pag-alis sa restaurant.

Ngunit sa pag-labas ko nang paglabas pa lang sa cubicle, bumulaga naman sa akin ang, “Surprise!!!”

Si Prince at Nathan. “Kala mo ha...?” ang sambit ni Nathan.

Mistula naman akong nag-freeze sa aking nakita. Hindi ako kaagad nakapag salita. “S-siya ba ang s-sinabi mong kasama mo?” ang turo ko kay Prince.

“Oo... ngunit ngayong nandito ka, kayo na ang magsama. Inimbithan ko si Prince na mag-dinner kayo.”

“Grabeh. Hindi ko talaga inaasahan to...”

“Kaya nga surprise, di ba?” ang sagot ni Nathan. Napangiti lang si Prince.

“Sige na, kain na tayo dahil nagugutom na ako.” Sabay hugot niya sa isang silaya at muwestra sa akin upang maupo ako roon.

Pakiramdam ko ay isa akong babaeng sobrang haba ng hair.

Napangiti na rin si Prince at naupo paharap sa akin.

“Ehem!” parinig ni Nathan sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. “Aalis na ako guys! Enjoy!” sabay kaway sa kanyang kamay at bitiw ng isang kindat sa akin.

Kinawayan ko na rin siya. “Salamat...” ang sambit ko. Sobrang saya ko talaga sa sandalingiyon at sa sorpresa ni Nathan sa akin.

Nang kami na lang ni Prince ang naiwan, di ko na alam ang gagawin. Natahimik kaming pareho. At syempre, kinilig a na parang matatae o malulusaw. Pakiramdam ko ay nagmamasid siya sa aking mga galaw. Siguro ganyan talaga kapag may pagnanasa ka sa isang tao. Kahit walang meaning sa kanya ang kanyang ginawa, para sa iyo, ikaw ang sentro ng kanyang mga mata.

“S-sorry sa d-diary ko.” Ang sambit kong hindi makatingin-tingin sa kanya.

“Ok lang iyon. Wala sa akin ang mga ganoon. Hindi naman importante sa akin kung may magkagusto sa akin. Ang importante, kaibigan ko siya.

“S-salamat at hinid ka galit”

“Wala naman akong ikakagalit kasi. Hindi mo naman ako sinaktan. Maraming tao ang may mga diary sa buhay nila. Hindi kasalanan kung magkaroon ng diary ang isang tao. Ang kasalanan ay iyong nakikialam sa sikreto nang may sikreto.”

Hindi na ako umimik. Napatitig na lang ako sa kanya. Lalong humanga.

“Bakit? May dumi ba ang mukha ko?” tanong niya noong napansin niya ang titig ko.

“Eh… wala naman.” Ang sagot ko, nanatili pa ring nakatitig sa kanya.

“Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?”

“Ang cute cute mo kasi!” sigaw ng isip ko. Pero lumabas s aking bibig ay, “W-wala ah… hindi ikaw ang tinitingnan ko. Sa likod mo kaya ako nakatingin, hayun o… magandang babae!” sabi ko na lang, turo sa isang babaeng nanasisilip mula sa glass window ng cubicle.

Lumingon siya sa kanyang likuran at natawa nang tiningnan niya uli ako. “Ah…” tumango siya. “Type mo pala ang babaeng matrona ang dating” sabay tawa.

Tumawa na rin ako. Tawanan.

Maya-maya, ako naman ang tinitigan niya.

“Bakit??? May matrona ba sa likod ko?” ang biro ko.

“Hindi. Sandali lang…” at tumayo siya, hinugot ang kanyang panyo sa bulsa at lumapit sa akin, “May dumi kasi ang pisngi mo, eh. Huwag gumalaw at pupunasan ko.” at pinunasan nga niya ang aking pisngi.

Para akong na-shocked, hindi makagalaw habang pinahid niya ang aking mukha. Alam ko, walang dumi iyon, nag CR kaya ako pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa restaurant.

Hindi ko talaga alam kung sa inastang iyon ni Prince ay may gusto rin siya sa akin o nakisakay lang siya dahil nga sa diary ko.

Noong mag-uwian na, hinatid pa talaga ako ni Prince sa bahay namin. Pakiwari ko ay lumulutan ako sa ulap habang pumasok na sa aming bahay.

Kinabukasan, nag thank you kaagad ako kay Nathan. “Salamat sa pag-initiate mo ng dinner para sa amin ha? Happy ako. Grabe!”

“Ok lang iyon… Dapat ay may pabuya ako ha?” sabay tawa.

“Oo ba! Kapag maging kami...” biro ko.

“Bakit may nangyari ba sa dinner date ninyo?”

“Tado! Wala. At di ko alam paano simulan o paano ligawan.“ Sagot ko.

Sa dinner “date” naming iyon ni Prince ko naisip na tama nga siguro si Nathan; na naintindihan ni Prince ang nararamdaman ko at okay lang iyon sa kanya. At… may posibilidad nga sigurong magiging kami. Ewan… baka over-confident lang ako.

Kaya iyon. Sa kalagayan namin ni Prince, para bang nasabi kosa aking sarili na kami na talaga. Hinihintay na lang namin ang aminan, iyon bang trigger na mabitiwan ko ang salitang I love you at sasagutin din niya kaagad ako.

Isang araw, naisipan kong imbitahan si Prince sa bahay. Ikinatuwiran ko na lang na birthday ng aking kapatid na nasa Maynila. Nagkataon na ako lang din ang naiwang tao sa bahay dahil ang mga magulang ko ay may pinuntahan sa Maynila at hindi rin makakauwi ang nag-iisa kong kapatid na babae dahil may summer camp daw. Kaya, solo ko ang bahay.

Nag-inuman kami, kuwentuhan. Kaming dalawa lang. Pati si Nathan ay naki-kuntsaba rin, ang sabi niya ay may lakad daw siya sa araw na iyon kung kaya ay hindi siya makasali.

Syempre, tuwang-tuwa ako. Imaginge, alam niyang may gusto ako sa kanya ngunit pumayag siyang mag-inuman kami sa bahay ko na kaming dalawa lang na kung tutuusin, pwede naman niyang igiit na isama namin si Nathan. Kaya nabuo na talaga sa isip ko na may gusto rin sa akin iyong tao at handa siyang may mangyari sa amin sa gabing iyon.

“Alam mo Jerome, ngayon lang ako iinum. Hindi ako umiinum eh. Bawal sa akin. Pero dahil sa iyo, iinum ako.”

“Ha? Bakit? May allergy ka ba sa hard drink?”

“Hindi. Inaalagaan ko lang ang aking katawan. Habang bata pa kasi tayo, dapat maalaga tayo dito. Kasi, kapag hindi natin ito alagaan, isang araw, sisingilin na lang tayo nito. Gaya ng mga fatty foods, junk foods, nicotine, mga alcohol, caffeine, mga tinatawag na free-radicals, lahat ng iyan ay unti-unting sisirain ang ating sistema sa katawan…”

Namangha naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko lubos akalain na hindi pala pang superficial lang ang pagpapaganda niya sa kanyang katawan. Kasi, marami d’yang naggi-gym na superficial lang ang pakay; upang gumandang tingnan ang katawan at walang pakialam sa healthy lifestyle. “Woi… isang beses lang naman ito e. Atsaka, kailangan din naman ang alcohol sa ating katawan paminsan-minsan, di ba?”

“Lahat naman ng sobra ay hindi maganda… Ngunit kung maiwasan, bakit hindi gagawin.” ang sabi niya.

“Sabagay… at salamat dahil pinaunlakan mo ako.”

Ngumiti lang siya. “Kapag nalasing ako at sumuka… pasensya ka na ha? Kasalanan mo iyan. At ihatid mo ako sa bahay.”

“Walang problema boss. Pero bakit pa kita ihatid sa bahay mo? Pwede ka namang dito matulog eh… Mas safe ka pa dito.” ang sabi ko.

Hindi siya umimik. “Hmmmmm…” nag-isip siya. “Pwede rin. Ngunit kapag kaya ko, uuwi pa rin ako” ang sagot lang niya

At nag-inuman kami. Minsan din ay tsinatsansingan ko kagaya ng paghawak-hawak sa kamay niya, pag-aakbay na halos hahalikan ko na lang ang pisngi niya… Syempre, inutakan ko siya sa tagay. Ayaw ko kayang malasing nang todo.

Hanggang sa nalasing na talaga siya. Subsob ang mukha sa mesa at pulang-pula ang mukha.

Mistula akong isang sinaniban ng demonyo kung makapag-isip ng masama habang tinitingnan siya. Naglupasay sa tuwa ang aking budhi. Pakiramdam ko ay nag-iinit agad ang aking katawan at hindi alam kung ano unang gagawin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil iyon ang magiging kauna-unahang karanasan ko sa pakikipag-sex.

Inalalayan ko muna siya patungong kuwarto at pagkatapos, pinahigang nakatihaya. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Walang kamalay-malay sa nakaambang karumal-dumal na mangyayari.

Hinubaran ko siya. Hinila ang t-shirt pataas hanggang sa matanggal ito. Hindi naman ako magkamayaw sa paghanga sa napakaganda at matipuno niyang chest at biceps. “Shiiitttttt! Ang sarappp papakin!” sigaw ng utak ko.

Ang sunod kong tinanggal ay ang kanyang pantalon. Noong binuksan ko ang kanyang zipper, tumambad sa aking mga mata ang malaking bukol sa ilalim ng kanyang puting brief. Lalo pang lumakas ang pagkabog ng aking dibdib. Pinawisan ako ng malamig at tila natuyuan ng laway ang aking lalamunan.

At noong nahila ko na pababa ang kanyang pantalon, tuluyan na ring tumambad sa akin ang kanyang matipunong mga hita. “Ang ganda talaga ng katawan! Hita pa lang ulam na!” sigaw ko sa sarili.

Pingmasdan kong maigi ang kabuuan ng kanyang katawan. Ang mukhang maamo, ang matipunong dibdib at malalaking biceps, ang 6-pack abs na tila mga pan-de-sal sa kanyang tiyan, ang malaking bukol sa kanyang harapan sa ilalim ny kanyang puting boxers short, at ang mga maskuladong hita… Para siyang isang diyos ng kaguwapuhan. Kumbaga, isang perpektong nilalang. Hayop sa katawan, hayop sa kaguwapuhan.

Hinayaan ko munang ang boxers ang matira sa kanyang katawan. Sinamsam ko sa aking mga mata ang sarap ng angking ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Maya-maya, pinunasan ko na ng towel na binasa sa maligamgan na tubig ang kanyang mukha, ang leeg, ang dibdib, ang mga braso, ang tyan, hanggang sa hita. Pagkatapos, ay inilaglag ko na sa sahig ang towel. Binalikan ng aking kamay ang kanyang umbok. Hinipo-hipo ko iyon, sinalat, inenjoy ang sarap ng paglapat ng aking balat sa kanyang boxers kung saan ay naroon ang umbok ng kanyang pagkalalaki.

Noong hindi ko na natiis ang sarili, tinabihan ko na siya sa paghiga sa kama. Inilapat ko ang aking bibig sa kanyang mga labi habang ang aking isang kamay ay patuloy sa paghihimas sa kanyang alaga.

Maya-maya, naramdaman ko nang tumigas ito.

At dito na tuluyang bumalikwas ako sa pagkahiga. Hinubad ko ang kahuli-hulihan niyang saplot sa katawan, isinubo sa aking bibig ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki.

Wala pa rin siyang kamalay-malay sa aking ginawa. Bagamat paminsan-minsan kong naririnig ang kanyang ungol. Ewan kung dala lang iyon sa kanyang pagkalasing, o naramdaman na niya ang sarap ng paglalabas-masok ng kanyang alaga sa aking bibig.

At sa pagkakataong iyon, nangyari ang unang karanasan ko sa sex at naisakatuparan ang maitim kong balak sa kanya. At hindi lang isang beses o dalawang beses, o tatlong beses nangyari ang lahat. Apat na beses akong nagpapasasa sa kanyang katawan… At sa apat na beses na iyon, hindi pa rin siya nagising…

I mean, ewan ko lang din. Hindi lang din ako sigurado…

Kinabukasan, nagising akong wala na si Prince sa tabi ko. Wala ang kanyang mga damit. Wala ang kanyang sapatos…

Hinanap ko siya sa kusina. Wala. Hinanap ko sa CR. Wala rin. Hinanap ko sa labas ng bahay. Wala. Umalis siyang hindi nagpaalam.

Tinawagan ko si Prince sa cp niya. Walang sumagot. Tinext ko rin. Walang reply.

Kinahapunan, nagpunta ako ng gym. Ngunit hindi ko siya nakita roon. Ang sabi nila, hindi raw siya papasok sa araw na iyon.

“Ah… baka may hangover pa” sa isip ko lang bagamat nagtaka din ako kung bakit hindi man lang siya nagtext sa akin.

Sa sunod pang araw pumasok din siya sa gym. Syemre, excited akong makausap siya. Ngunit laking pagkadismaya ko dahil hindi man lang niya ako pinansin. Parang iniiwasan niya ako at imbes na siya ang mag-assist sa akin, hindi na siya lumalapit. Doon na ako nagtanong at nalungkot.

Pagkatapos ng session, tinext ko siya, kinumusta. Ngunit hindi pa rin siya sumagot. Na-guilty na ako. Sumiksik sa isip na maaaring ang ginawa ko sa kanya ang dahilan. Hindi niya nagustuhan ito kaya nagalit siya sa akin.

Gusto kong umiyak. Gusto kong sisihin ang sarili.

Ang ginawa ko, nakisuyo ako kay Nathan na kausapin si Prince; na gusto kong makipag-usap sa kanya. Iyon ay upang malaman ko kung ano ba talaga ang kasalanan ko.

Pumayag naman si Prince na mag-usap kami, sa gym mismo kapag nagsialisan na raw ang mga nag-gi gym.

“S-salamat at pinaunlakan mo ang pakikipag-usap sa akin. Gusto ko sanang humingi ng tawad Tol… nagkasala ako sa iyo. Patawarin mo ako.” Ang sabi kong hindi makatingin-tingin sa kanya.

“Madali ang magpatawad, tol. Ngunit ang tiwala, mahirap nang ibalik. Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo sa akin. Lasing lang ako, ngunit buhay na buhay ang aking isip. Alam ko ang mga pangyayari sa aking paligid. Alam ko ang mga ginagawa mo.”

Tahimik. Hindi ako magawang sumagot sa kanyang sinabi. Parang may bumara sa aking lalamunan. Hiyang-hiya ako sa sarili.

Alam mo bang na noong nalaman ko an gtungkol sa diary mo na crush mo ako, na kinikilig ka sa akin, na ako ang dahilan kung bakit ka nagpupnta sa gym upang lihim akong pagmasdan? Ang una kong reaksyon ay hindi makapaniwala. Akala ko kasi, lalaking-lalaki ka. Ngunit aaminin ko, na habang iniisip ko iyon, parang may unti-unti ding gumapang na excitement sa aking katauhan. Marahil ay nakita kong hindi ka lang physically attractive ngunit may malinis kang kalooban. Hangang-hanga ako sa iyo nang patuloy ka pa ring nagpupunta ng gym na parang wala lang, hindi mo ininda ang mga taong may mga sinasabi sa iyong likod.  Ni hindi ka nagalit. Sobrang pagpakumbaba ang ginawa mo. Pati kay Nathan, patuloy mo pa ring binibigyan siya ng tubig kahit nainis siya sa iyo. Doon pa lang, hinahangaan na kita. Sabi ko sa sarili ko, napakabait mong tao. Napakabusilak ng iyong puso, may malinis malinis na pagkatao. Higit sa lahat, naisip ko na siguro napakasarap mong maging kaibigan. May paninindigan. At alam mo bang sumagi rin sa isip ko ang posibilidad na baka ligawan mo ako? At alam mo rin ba kung ano ang nasa isip ko sa posibilidad na iyon?”

Hindi pa rin ako kumibo, nanatili lang na nakayuko habang pinapahid ang aking mga luha.

“… sinabi ko sa sarili na ‘Ok lang siguro’ kasi, malinis naman ang hangarin mo.”

Tahimik pa rin akong nakinig lang sa kanya.

“At alam mo ba kung ano ang nasa isip ko kung nangyaring niligawan mo ako?”

Hindi pa rin ako umimik.

“Sabi ko sa sarili na ‘Bahala na… bakit hindi ko i-try?’ Ito ay dahil sobrang bilib ako sa ipinakita mong kabaitan. Para sa akin, ok lang siguro kung magka-syota ako ng kagaya mo, dahil napakabait mo. Ngunit… nagkamali ako. Binaboy mo ang pagkatao ko. Hindi mo ako binigyan ng respeto. Bakit???”

At doon, napahagulgol na ako. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko na nga siya binigyan ng respeto, pati ang pagkatao ko ay sinira ko rin sa mga mata niya.

“Pumayag akong sumama sa iyo, makipag-inuman na tayong dalawa lang dahil nagtiwala ako sa iyo. Ngunit ano ang ginawa mo…? Sinira mo ang tiwala ko!” ang pagtaas na niya ng boses.

“M-mahal kasi kita, Prince!” ang paliwanag ko.

“Tanginang pagmamahal na iyan! Anong klaseng pagmamahal iyan? Babuyan? Hindi mo ba alam kung ano ang ibig sabihin ng respeto? Hindi ba kasali sa pagmamahal iyan? Ang pagmamahal ay kusang ipinaramdam, at ang pakikipag sex ay kusang ipinagkaloob, hindi dinadaan sa linlang!”

“N-naalipin ako ng tukso…”

“Pwes you don’t deserve my love kasi… kapag tunay kang nagmahal, pipilitin mong gawin ang tama, magbigay ng respeto, at labanan ang tukso para sa taong mahal. Bagsak ka d’yan! You don’t deserve to have my love.”

“P-paano ko maibalik ang tiwala mo sa akin, Prince?”

“Hindi ko alam…” ang sagot niya at tumayo. “Magsara na ang club kaya uuwi na ako” sambit niya.

Kaya tumayo na rin ako at naunang tinumbok ang pintuan, iniwanan siya sa loob.

Sa sunod pang mga araw, pinilit kong ibalik ang tiwala ni Prince. Nand’yang pinapadalhan ko siya ng pagkain, ng regalong damit, pantalon, brief, libro, at kung anu-ano pa.

Ngunit hindi pala niya nagustuhan ito. Kinausap niya ako at ibinalik sa akin ang lahat ng mga ibinigay ko. “Napakababaw naman ng tingin mo sa akin. Kung gusto mong maibalik ang dating respeto ko sa iyo, hindi sa mga bagay-bagay. Ginawa mo akong isang taong ipinagbebenta ang pagtitiwala eh. Hindi katumbas ng mga bagay-bagay lamang ang pagtitiwala ng isang tao. Mas malalim pa ito dito. Ang tiwala ay kinakamit; hindi binibili o idinadaan sa suhol… Ang pagmamahal ay ipinapadama, hindi ipinapataw.”

“Bigo na naman ako… Wala na yata akong nagawang tama.” ang malungkot kong sabi, punong-puno ng awa para sa sarili.

Ang saklap kasi ng nangyari. May isang pagkakamali akong nagawa at lahat na nang nagawa ko ay puro na mali. At isa pa, lalo pang umugong ang mga tsismis sa akin at kay Prince sa gym. Syempre, nakakasira iyon sa kanya. Kaya upang hindi na lumala pa ang lahat, tuluyan na akong umalis ako sa gym.

Lumipas ang isang taon, nabalitaan kong may girlfriend na si Prince at balak na raw niyang pakasalan ito.

“Good for him…” ang sabi ko kay Nathan na siyang naghatid sa akin sa balita.

“Wala ka na bang naramdaman para sa kanya?”

“I tried na kalimutan siya…”

“You tried. Pero nag-succeed ka ba? Burado na ba siya sa puso mo?”

“Hindi naman nawawala iyan eh.” Ang malungkot kong sagot. “Pero tanggap kong hindi siya ang taong para sa akin at manatili na lamang siyang isang ala-ala, isang pagmamahal na nakasulat lamang sa diary. Alam ko naman na sa kalakaran ng pagiging ganito, hindi mangyayaring magiging kami ni Prince. Lalaki siya; iba ang pangarap niya, at hindi ako bahagi sa pangarap niyang iyon...”

“A-ayaw mo na ba siyang kausapin? Kahit man lang iyong reconciliation para kahit papaano, magkaroon ng magandang closure ang lahat at manatili psa rin ang pagkakaibigan ninyo kahit may asawa na siya.”

“P-papayag kaya siya?” ang tanogn ko.

Ipinaabot nga ni Nathan kay Prince ang aking hiling. At pumayag si Prince. Sa restaurant na iyon kung saan kami unang nag-usap, doon uli kami nagkita. Sa muli naming pagkikitang iyon, parang hindi ako makapaniwalang ang taong mahal na pilit ko nang burahin sa aking puso at isip ay naroon sa aking harapan. Lalo siyang gumuwapo sa aking tingin. Nakasuot ng kasual simi-fit na grey na t-shirt at bakat na bakat ang kanyang matipunong pang-itaas na katawan, dagdagan pa sa straight cut niyang jeans na bakat din ang kanyang matitipunong hita. Hunk na hunk ang dating.

“Musta ka na?” ang tanong ko kaagad sa kanya.

“H-heto… ok naman” ang maiksi niyang sagot.

“P-parang kailan lang… dito tayo unang nag-usap.”

“Oo nga…”

“L-lalo kang gumuwapo…”

Napangiti siya. “Ikaw rin… mas pumogi.”

“Na-miss kita, sobra.”

“N-namiss din naman kita eh. Namiss ko ang thoughtfulness mo sa akin, ang mga biruan natin, ang bonding… ang mga activity na kasama ka sa gym, na-miss ko lahat iyon, kala mo ba…”

Napangiti rin ako. Natuwa sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko kasi ay wala na siyang hinanakit pa sa akin. Para akong maluha-luha sa ganda ng kanyang mga sinabi, kabaligtaran sa huli naming pag-uusap na sinigawan niya ako sa sobrang galit. “N-nice naman. P-pasensya ka na sa mga pinaggagawa ko ha? Sobrang hiya ko sa sarili… at kaya umalis na rin ako sa gym upang makalimutan kita at makaeskapo na rin sa mga pangungutya ng iba pang mga taga-roon... at upang hindi ka lalong mapahiya.”

“Salamat… Alam kong masakit iyon para sa iyo ngunit ginawa mo pa rin. Tiniis mo.”

At doon ko na naramdaman ang biglang pagdaloy ng mga luha ko. Iyon bang feeling na kahit hindi man mangyari na maging kami, ngunit naramdaman ko na na-appreciate niya kung gaano kasakit ang naramdaman ko sa ginawang sakripisyo. “W-wala akong choice e. Una, nagkasala ako. Kailangan kong umalis sa lugar na pakiramdam ko ay hindi na ako nararapat. Pangalawa, lalaki ka. Syempre, babae ang hahanapin mo, hindi isang katulad ko. Kaya tama lang na pilitin ko ang sariling layuan ka, limutin, isiksik sa isip na wala akong karapatang maranasan ang ganitong klaseng pag-ibig. Ganyan naman talaga. Ang ganitong klaseng pag-ibig ay nagkaroon lamang ng katuparan sa mga sulat sa diary...” pahiwatig ko sa diary kung saan ko isinulat ang pagmamahal ko sa kanya.

Napangiti siya ng hilaw. At pagkatapos ay natahimik ng sandali. “May aaminin ako sa iyo…” ang pagbasag niya sa katahimikan. “Alam mo bang napalapit na ang loob ko sa iyo noong mga panahong iyon? At kaya ako nagalit ay dahil nasaktan ako sa ginawa mo.”

Ako naman ang napangiti ng hilaw. Syempre, may naramdaman akong malaking panghihinayang. Ngunit ramdam kong wala nang pag-asa pa ito. “I guess ganyan talaga. Sabi nila, huli na ang pagsisisi. At huli na rin ito, di ba? May nagawa akong hindi maganda kaya dapat pagdusahan ko ang consequence. Di ko itatwa na may mga natutunang bagay din naman ako sa nangyari: ang pagpakumbaba, ang pagbigay respeto, ang pagtiis para sa taong mahal, at ang pagbigay daan upang lumigaya ang taong mahal...”

“Salamat.” Sambit niyang parang may panghihinayang ding nadarama.

“N-nalaman ko rin na ikakasal ka na. Congratulations. Ang swerte-swerte ng magiging asawa mo sa iyo. Mapapangasawa niya ang isang taong may paninindigan, mabait, at guwapo…”

Napangiti uli siya ng hilaw. “Hindi naman. Actually m-may problema pa kami.”

“Hayaan mo. Mahal mo naman siya, di ba. Malulusutan mo rin ang problemang iyan. Sabi nga nila, love will find a way.” ang sabi ko na lang na hindi na inalam kung ano ang problema nila.

“S-sana…” ang sagot niya.

“Gaano mo ba siya kamahal?”

“Mahal na mahal…”

“Paano ako makakatulong sa iyo?”

“Wala… salamat. Wala kang maitutulong” ang sagot niyang bakas sa mukha ang lungkot. Gusto ko pa sanang itanogn kung ano ang problema nila ngunit pinigilan ko na lang ang aking sarili. Ayaw ko nang manghimasok. Ayaw ko nang masaktan pa. Sa sinabi niyang mahal na mahal niya ang kasintahan niya, alam kong malulusutan din nila ang lahat. Para sa akin, ok na ako na nagkausap kami, nagkaibigang muli at nagkaroon ng magandang closure an glahat sa amin. At... simulana iyon upang tuluyan ko na siyang malimutan.

Malaki ang pasasalamat ko kay Nathan sa pag-uusap naming iyon.

“May binanggit siyang problema nila ng kanyang girlfriend, Nathan?” ang tanong ko kay Nathan nang nagkausap kami.

“Oo… kasi ang babaeng iyan ay may pagka-gold digger ata? Tama bang magdemand kay Prince ng isang diamond na singsing para sa kanilang wedding ring? 250K ang halaga! Saan kukuha ng ganoong halaga ang pobreng tao? E, sa sweldo niya nga sa gym halos kulang pa ito sa kanyang pag-araw-araw na pangangailangan? Ni boarding house nga niya ay pino-problema niya dahil hindi halos magkasya ang kanyang suweldo.”

Nagulat naman ako sa narinig. “Iyan ang problema niya? Sobrang mahal nga. At grabe naman ang babaeng iyon…” Ang sambit ko. At lalo naman akong naawa kay Prince. Alam kong kapos siya sa pera. Nasabi nga rin niya sa akin isang beses na kung may mahanap lang siyang boarding house na mas mura ay doon na siya lilipat. Nanghinayang nga siya noong isang beses habang naglalakad kami sa may labasan lang ng gym nila, may nadaanan kaming isang house and lot for sale na hindi kalakihan ang halaga. Sabi niya, “Kung may pera lang sana ako, bibilhin ko na ang house and lot na iyan.” Hindi ko malimutan iyon. Kasi nasabi ko ring pabiro sa kanya na, “Kung may pera din lang ako, bibilhin ko na iyan para sa iyo.”

“Oo. At napaka arte pa, at snob ng girlfriend niya. Palibhasa, maganda at isang beauty queen. Nagtaka nga kami kung paano nagustuhan ni Prince iyon sa kabila ng kanyang ugali.” Dagdag ni Nathan.

“Tunay nga siyang nagmahal. Kasi, kapag nagmahal ka raw, hindi mo na nakikita pa ang mga kapintasan ng taong mahal. At sabi nga ni Prince, mahal na mahal daw niya ang girlfriend niya. Kaya no wonder, gagawin niya ang lahat.”

“Tsk! tsk! Kawawang Prince” ang dugtong ni Nathan.

“Tutulungan ko si Prince, Nathan.” Ang nasambit ko.

“Ano? Huwag mong sabihing agawin mo siya sa babaeng iyon?”

“Hindi ah! Dapat silang magkatuluyan. Mahal na mahal siya ni Prince…”

“Bibilhin mo ang singsing para sa kanya? Saan ka kukuha ng pera? Ni iyong inutang mong laptop ay hanggang ngayon hindi mo pa nga nabayaran ng buo?”

“Basta… may naisip ako.”

Kinagabihan, nagresearch ako sa internet tungkol sa naisip kong paraan upang matulungan si Prince. At nakahanap naman ako ng tamang-presyo sa naisipan kong ibenta. Nagkasundo kami.

Bago tuluyang naisagawa ang operasyon, ipinaalam ko ito kay Nathan. “Nathan, ibibenta ko ang aking kidney sa halagang 250,000 pesos. May isang milyonaryong nagpa-advertise sa internet ng kidney donor at qualified akong mag donate.”

“Nabaliw ka na ba? Imbes na gagawa tayo ng paraan upang hindi mapunta si Prince sa gold digger na iyon, kinonsente mo pa ang haliparot na iyon?”

“Trust me, Nathan, matutuwa si Prince sa gagawin ko.”

“Matutuwa siya, ngunit ikaw naman ang mawalan ng kidney!”

Gusto mang tumutol ni Nathan, ngunit buo na ang pasya ko. Itinuloy ko ang pagpapaopera.

Napaiyak ako nang nakahiga na ako sa stretcher at itinulak na ito patungong operating room. Hindi ko alam kung bakit. Biglang nagtanogn ang aking isip kung worth ba talagang ibigay ko ang aking kidney para sa pagmamahal ni Prince sa kanyang girlfriend.

Ngunit sa bandang huli, ang mukha pa rin ni Prince ang nakikita ko, ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya at ang kanyang sinasabing, “Ang tiwala ay kinakamit; hindi binibili…”

Hanggang sa inilagay na sa aking bibig at ilong ang isang tila isang gas mask at nawalan na ako ng malay-tao.

Noong magising ako, nasa tabi ko na si Prince. Malungkot ang kanyang mukha at bakas sa kanyang mga mata ang awa.

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “M-matuloy na rin ang kasal mo…” ang sabi ko.

Ngunit isang tanong ang kanyang isinagot sa sinabi ko. “Bakit mo ginawa ito???” ang

“B-bakit? Kagustuhan ko naman ito eh… Para, matuloy ang kasal mo. P-para ka lumigaya.”

“Paano ako liligaya? Hiniwalayan ko na ang babaeng iyon?”

Parang may isang malakas na pagsabog akong narinig sa sinabi niya. “B-bakit??? Di ba mahal na mahal mo siya? Iyan ang sabi mo sa akin?”

Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Sobrang taas ng presyo ng kanyang pagmamahal. Sa isang hamak na manggagawa lamang na katulad ko, hindi ko maaabot ang presyo niya. Makasarili ang pagmamahal niya, nakatali sa mga materyal na bagay. Hindi iyan ang hinahanap kong pagmamahal. Ang hinahanap kong pagmamahal ay iyong ipinadama, at lalong hindi iyong may katumbas na halaga...”

Hindi ako nakaimik. Naalala kong sinabi niya dati sa akin. “Ang pagmamahal ay ipinapadama, hindi ipinapataw...”

“At… ramdam ko sa puso ko ang pag-ibig mo. Bilib ako sa ipinakita mong pagmamahal at pagmamalasakit; ito ay hindi makasarili. At ang ang pagparamdam mo nito ay tumagos sa kaibuturan ng aking puso.” Ang dugtong niya.

At namalayan kong dumaloy na pala ang luha sa aking mga mata. Pinahid iyon ni Prince.

“S-salamat. Hangad ko lang naman ang kaliga—“

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pagdampin ng mga labi niya sa mga labi ko. Naghalikan kami, hindi alintana ang nurse at si Nathan na nakatingin sa amin.

Iyon ang simula ng pagiging magkasintahan namin ni Prince.

Dalawang buwan ang nakalipas, dinala ko si Prince sa isang lugar, para sa isang sorpresa.

“Waahhhh! Bakit mo ako dinala rito?” ang tanong niya.

“Kasi po… dito na tayo titira. Di ba nangarap kang bilhin ang house and lot na ito? Pwes binili ko na!”

“Huh! T-talaga? S-saan ka kumuha ng pera? P-paano natin mababaya--”

“Uhmmmmmmmpppp!!!” Hindi na magawang ituloy pa ni Prince ang kanyang sasabihin gawa ng paglapat ko ng aking mga labi sa mga labi niya.

Nang mahimasmasan, iginiit uli niya ang kanyang tanong sa akin. “Saan ka nga kumuha ng pambili nito?”

At doon, itinuro ko ang hiwa ko sa may bandang tiyan. Hindi na siya nagtanong pa. Muling naramdaman ko ang paglapat ng bibig niya sa mga labi ko...

Wakas.

10 comments:

  1. Ganda kuya mike pero tanong lang po.. Si dalawang kidney na ang naibenta nya ?

    ReplyDelete
  2. dba ndi n tuloy ung kasal ibg sbhin ung pngbentahan nung una kidney nya un ang pngbyad dun s bhay.....

    ReplyDelete
  3. Parang nabasa ko na itong story na to! di ko lang matandaab kung saan? Iba lang ang title.

    Ben

    ReplyDelete
    Replies
    1. http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2011/10/punit-punit-na-tiwala-2-last-part.html#comments

      Delete
    2. Yeah nabasa ko na sya inaba lang ni Idol haha

      Delete
  4. Baka dito mo nabasa http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2011/10/punit-punit-na-tiwala-2-last-part.html#comments

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Bakit hindi na nasundan ung PENPAL?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails