Followers

Thursday, January 30, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 6


Part1 Part2 Part3 Part4 Part5


Maputlang maputla pa din itong si Councilor Alexander 'Rex' Alcazar habang ipina-Park niya sa harap ng DOST PAGASA Forecasting Center ang kaniyang sasakyan at pagkatapos ay matamlay na siyang bumaba't nanglalambot pa din ang kaniyang dalawang tuhod dahil sa panenermon sa kaniya kanina ng bagong Commission On Audit Representative na si Madam Belinda Ella 'Bella' Flores.
Wala na talaga siyang lusot sa mataray and sa matinik na Auditor ng COA at buking na buking na siya nito sa kaniyang ginagawang kalokohan sa Basco Batanes Funds ng kanilang Munisipyo.
Kahit na ang mga kapartido niyang mga nangungurakot di'y wala ding naitulong sa kaniya dahil kaniya kaniya na sila ng pagpapalitada ng kanilang mga transaction sa kanilang mga sariling Ofices upang hindi sila makitaan ng pagsusupetsiyahan ni Madam Bella.
Hindi naman nagagalit or nagdaramdam itong si Rex sa kaniyang mga kasamahan dahil ang usapan nila sa simula pa lamang na kung saka-sakali mang may ganiyang situation ay magtutulungan sila sa abot ng kanilang makakayanan para pagtakpan ang bawat isa but in case na it's too much to handle na at may isa sa kanilang mapupurnada't mabibisto just like what happened to Rex ay magsa-sarili silang lahat to save their own neck at hindi sila makikialam na sa situation para hindi sila madamay.
Kung dati-rati'y nabra Bribe nila ang dating COA Auditor at napagtatakpan nila ang kanilang mga ka-Anomalyahan sa Munisipyo'y ngayo'y hindi nila ito magawa-gawa pa dahil sa kasindak-sindak na bangis ni Madam Bella...
"Haaaaiiiisssstttt..." Ang mahabang nai-Sigh na lamang ni Rex dahil sa panglulumo.
Labis siyang nagsisisi dahil aminado naman siyang hindi siya naging Discreet and nag inggat sa kaniyang pangga-gantso at pang gagamit sa DOST PAGASA Branch sa kanilang lugar.
"Bakit po kayo nandito Nay?" Ang gulat na bungad ni Rex nang makita niyang nagwawalis sa loob ng Center si Aling Leonor.
"Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay kaya dito muna ako para makapaglinis linis..."
"Si Rusty po?"
"Umalis kasama si Melchor."
"Saan ho nagpunta?"
"Ang sabi lang ni Rusty eh marami silang pupuntahan...
Nabalik naman sila kapag magpapadala na ng balita si Rusty sa kanilang Main Headquarters...
Baka pabalik na dito ang mga yun..." Ang explain naman ni Aling Leonor sa anak.
"Rex..." Ang next na concern na sambit ni Aling Leonor nang makita niyang matamlay na nilagapak ng kaniyang anak ang katawan nito sa isang bakanteng swivel Chair.
"Ano po yun Nay..." Ang matamlay na reply naman ni Rex habang minamasahe-masahe niya ang kaniyang noo.
"May Problema ka ba..."
"Wala naman ho Nay..."
"Eh ba't ganiyan ang hitsura mo..."
"Hindi lang ho ako nakatulog kagabi kaya medyo masakit ang ulo ko..." Ang mahinang sambit ni Rex sa Ina.
Hindi na kumibo pa itong si Aling Leonor at nagpatuloy na lamang siya sa pagwawalis dahil kilalalang kilala niya ang kaniyang Anak. Alam na alam ni Aling Leonor na tinatamad and wala sa mood na makipag usap ngayon itong si Rex at batid niyang may malalim itong iniisip.
"Ayan na siguro sila..." Ang nasambit ni Aling Leonor nang makarinig ito ng tunog ng tricycle sa labas ng Center.
Parang nabuhayan ng loob itong si Rex at full of energy siyang tumayo't lumabas ng Center upang salubungin sina Rusty...
"Napasyal ka Nak..." Ang masayang bungad naman ni Mang Melchor kay Rex.
"Kailangan ko lang ho makausap si Rusty..."
"Kumusta Rex..." Ang masayang bungad naman ni Rusty at hindi niya namalayang hinawakan na pala niya ang braso nito.
Kaagad na napatigil itong si Rex at tinignan ang kamay ni Rusty na nakahawak sa kaniya...
"SHIT!" Ang mabilis na sigaw ni Rusty kasabay ng pag-alis niya kaagad sa kaniyang pagkakahawak sa braso ni Rex.
...
...
...
Hindi maipaliwanag naman ni Rex ang bigla niyang naramdamang pagka Upset nang inialis na ni Rusty ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang ma-mascular na bicep...
Batid din ni Rex na nakaramdam siya ng kaunting sense of security and comfort mula sa pagkakahawak sa kaniya ni Rusty...
...
...
...
"Tay... Pasok muna kayo sa loob ng Center at may pag uusapan lang po kami ni Rusty..." Ang patay malisyang sambit ni Rex kay Mang Melchor.
Nais pa sanang tanungin ni Mang Melchor kung okay lang ba si Rex dahil kitang kita niya't damang dama ang pananamlay nito ngunit nagkibit balikat na lamang siya't pumasok na kaagad sa loob ng Center...
"Where did you go..." Ang muling ulit ni Rex.
"May pinuntahan lang kami ni Mang Melchor... Kumusta na si Madam Bella..." Ang reply naman ni Rusty at kaagad na umasim ang mukha ni Rex kasabay ng pamumutla nito nang marinig niya ang name ng mataray na COA Auditor.
"She gave me a chance..."
"What chance?"
"Nabuking na ako ni Madam Bella and babalik siya bukas after lunch para marinig ang side and explanations ko tungkol sa mga Financial transactions ng Office ko and DOST PAGASA Center..." Ang malungkot na sambit ni Rex.
"Hindi mo siya sinuhulan..."
"Hindi... Sabi mo kasi eh..." Ang mahinang sambit ni Rex na medyo ikinatuwa naman ng loob ni Rusty dahil hindi siya makapaniwalang makikinig ito sa kaniya.
NapaSigh na lamang itong si Rusty at kahit na gustuhin niyang hawakang muli ang biceps ni Rex ay nagpigili siya't nagpaka Casual na lamang...
Slight din kasing nahihiya itong si Rusty at iniingatan niya ang kaniyang pagiging Paminta...
"Office mo pala at ang Center ko ang Questionable... Hindi ba in-Audit yung ibang Offices and Departments ng Munisipyo?"
"Nope... Sapat na daw yung Office ko and ang PAGASA Center for her Audit... Pero may mas malaking problema pa..."
"Wala na naman sigurong mas malala pa dun diba?" Ang optimistic na reply ni Rusty.
"Tha Result of The Audit sa Office ko and sa Center will be the deciding factor ni Madam Bella kung ipapa Audit niya ang buong Munisipyo ng Basco..." Ang negative na sambit naman ni Rex.
"That's good!" Ang masayang sambit kaagad ni Rusty.
"Anong That's Good... Ako ang unang malalagot..."
Napabugtong hininga na lamang itong si Rusty kasabay ng pag guhit ng isang malumanay na ngiti sa kaniyang mga labi na ikinakunot naman kaagad ng noo ni Rex...
"Relax ka lang Rex..."
"Paano ako magreRelax at kakatayin na ako bukas..."
"Pasalamat ka nga at binigyan ka pa ng palugit ni Madam Bella..." Ang hindi mapigilang pagbibiro ni Rusty at talaga namang aliw na aliw siyang iGoodtime itong si Rex.
"Basta huwag kang mag alala... Anong oras ka ba kakatayin ni Madam Bella..." Ang ulit muli ng nakangising si Rusty.
"Exactly 1:00 pm..." Ang nakaFrown na parang batang nagsusumbong na si Rex.
"Trust me..."
"Bakit... May plano ka na ba..."
"Wala pa..."
"Fuck!" Ang hindi mapigilang bugso ni Rex.
"Joke lang... Basta akong bahala..."
"Rusty..."
"Ano yun?"
"Bakit mo ginagawa ito..."
"Wala lang..."
"Anong wala lang..."
"Di ka na mabiro... Siyempre gagawin ko ito..."
"Gagawin mo para sa akin..."
"Sa ating dalawa..."
"Sa ating dalawa???"
"Yup...
Ikaw ang boss ko at kapag nalagot ka eh malalagot din ang PAGASA Center so I have to save my own neck...
Kahit hindi ako ang kaPartner mo sa kalokohan mo noon eh ako na ngayon ang nagha-Handle nag Forecasting Center..." Ang malumanay na pagpapaliwanag ni Rusty sa medyo nilalakasan ng loob na si Rex.
"Rusty... Sorry ha... Nadawit ka sa kalokohan mo..."
"Ansabe mo... Pakiulet... Di ko narinig..." Ang natatawang sambit ni Rusty.
"WALA!!!" Ang sambit na lamang ni Rex at hindi na niya inulit pa ang kaniyang sinabi dahil alam niyang narinig naman iyon ni Rusty.
"Rex..."
"Ano yun..."
"MagPromise ka sa akin kapag nalusutan natin ito ha..." Ang pagbibiro ni Rusty pero deep inside ay malakas na ang kaniyang kutob na magtatagumpay ang kaniyang napag Planuhan.
"Anything...
Gusto mo ba ng Kotse...
Apartment...
Bagong Gadget...
One week stay sa Hotel..." Ang sambit ni Rex na hindi pa din nawawalan ng Nature ng pangbra- Bribe.
"Huwag ka nang mangungurakot ha..."
"HA???!!!" Ang hindi makapaniwalang usal na lamang ng nabiglang si Rex.
"Sabi ko huwag ka nang mangungurakot pa and be an Honest Government Official..."
"HA???!!!" Ang hindi pa din ma-absorb absorb na pag-ulit ni Rex.
"Promise me that please..."
"Ahm... Ehm..." Ang nahihirapang pagde Decision ni Rex.
"Ano ba Rex... Madali lang naman gawin yun eh..."
"Ahm... Sige I'll promise that..."
"TALAGA!!!???"
"Kapag nakalusot tayo..."
"ANO???!!!"
"Yun na yun..." Ang sambit ni Rex at hindi na niya maulit ulit pa ang kaniyang sinabi dahil talaga namang kinikilabutan siya sa tuwing mai-Imagine niya ang kaniyang sariling hindi na  nangungurakot.
"Isa pang favor..."
"Ano yun Rusty..."
"Ako na ang magiging gwapo sa Munisipyo ha?" Ang pagbibiro pa din ni Rusty to Lighten up the mood between them.
"YOKO NGA... ISA LANG ANG PWEDE MONG HINGING FAVOR....
YUNG TITIGIL NA AKO SA PANGUNGURAKOT OR IBIBIGAY KO SA IYO ANG TITLE
NG PINAKAGWAPO SA MUNISIPYO...
MAMILI KA???" Ang parang batang usal ni Rex na lalo pang ikinaNgiti ni Rusty.
"I'll choose the first one... Ikaw na ang pinakaGwapo sa lahat!" Ang talunang sambit naman ni Rex.
"Basta huwag mo akong iiwanan sa ere ha..." Ang biglang naging serious na sambit ni Rex na ikinatahimik naman ni Rusty.
"Promise..." Ang seryosong tugon naman ni Rusty.
"A Gentleman's Word..." Ang dagdag muli ni Rusty to assur Rex and this time ay nakatingin na siya ng direcho sa mga mata ni Rex.
...
...
...
Lalong naging pursigido itong si Rusty sa kaniyang plan...
Hindi mawari-wari ng binata kung bakit napakalakas ng kaniyang pag nanais niyang tumino na itong si Councilor...
...
...
...
Isang ngiti lamang ang ibinigay ni Rex kay Rusty at pagkatapos ay walang pasabing niyakap niya ng mahigpit ito at saka mabilis siyang sumakay na ng kaniyang kotse't pinaandar ito...
"OMG..." Ang nasambit na lamang ni Rusty that time habang tinitignan niya ang papaalis na kotse ni Rex.
Hindi makapagReact itong si Rusty that time at kaagad na naging blanko ang laman ng kaniyang isipan...
Tanging ang mahigpit na pagyakap sa kaniya at ang mild scent ng ginamit ni Rex na men's cologne lamang ang tanging tumanim sa kaniyang pag-iisip at that time...

*******The Following Day*******
*******AT The Office Of Councilor Alexander 'Rex' Alcazar********

Nananatili pa din ang nakakabinging katahimikan sa apat na sulok ng opisina ni Councilor since nang pumasok itong si Madam Bella kanina...
Halos marinig ni Rex ang kabado't malakas na pagtibok ng kaniyang puso that time habang binabasa niya ang isang spreadsheet na ibinigay sa kaniya ng nakaSmirk na Auditor...
Mas lalong kinakabahan ngayon itong si Rex kaysa kagahapon dahil pakiramdam niya'y nag times 10 ang bangis nitong si Madam Bella at kahit na ang mga ginawang pagpapalakas ng loob at ang pagCheer sa kaniya ng kaniyang mga Padrino sa Munisipyo'y walang ding nagawa...
"Rusty..." Ang tanging naibulong na lamang ni Rex sa kaniyang isipan nang magtama ang paningin nila ng nakaSmile ng nakakalokong si Madam Bella.
Kanina pang umagang gustong makita ni Rex si Rusty kaya nga lamang ay hindi niya ito naabutan sa bahay at nang gumawi siya sa DOST PAGASA Forecasting Center ay hindi din niya ito nadatnan...
"I'll just call someone..." Ang kabadong excuse ni Rex kay Madam Bella at pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan sa kaniyang iPhone ang number ni Rusty.
"I'll start explaining If I were you..." Ang pang aasar naman ni Madam Bella habang pinapanood niyang naghihintay si Rex na sumagot si Rusty from the other line.
"FUCK!" Ang nasambit na lamang ni Rex sa sarili nang hindi sinagot ni Rusty ang phone nito.
Badtrip na badtrip na talaga itong si Rex dahil kanina pa niya hindi maContact si Rusty...
"Sino ba yang tinatawagan mo Councilor..." Ang muling sambit ni Madam Bella nang ibinulsa na ni Rex ang kaniyang iPhone.
"Ahm... Wala po..." Ang hindi iniisip na nasambit kaagad ni Rex.
Kaagad na napakagat siya ng kaniyang mga labi nang maRealized niyang nagkamali siya ng isinagot kay Madam Bella dahil labis talaga ang gulo ng pag iisip niya that time...
"ANONG WALA???!!! Huwag mo nga akong pinagloloko..." Ang nang gagalaiting biglang sinabi ni Madam Bella.
"I'm sorry..."
"I don't need your sorry Councilor... I - NEED - YOUR - EXPLANATION - AND - ANSWER - KUNG - BAKIT - ALMOST - A - MILLION - NA - ANG - NAGAGASTOS - NG - OFFICE - MO - SA - PAGASA- FORECASTING - CENTER - NINYO !!!" Ang galit na galit and may emphasize na usal ni Madam Bella na ikinaatras ni Rex.
"I can't..." Ang mahinang naitugon na lamang ni Rex.
 "Ansabe mo..."
"I can't explain that..."
"I can't accept that answer Councilor... Sasabihin mo lang ang totoo... Madali lang naman yun eh..."
I really can't..."
"THAT'S IT!!!" Ang mabangis na sambit ni Madam Bella.
"Kung nagloloko ang Office mo eh ano pa kaya ang ginagawa ng iba pang opisina dito sa Munisipyo???!!!" Ang next na sambit ni Madam Bella na lalo pang ikinaPanic ni Rex.
"At hindi lang yun..." Ang pagpapatuloy nito.
"Malalagot din ang dating DOST PAGASA Representative and ang pumalit sa kaniya!" ang pagtatapos nito na biglang ikinalaki ng dalawang mga mata ni Rex.
"Rusty doesn't have anything to do with this..." Ang mabilis na pagtatanggol ni Rex.
"Care to explain the meaning of what you have just said?" Ang biglang panghuhuli ni Madam Bella sa lalong nagulantang na si Rex.
"Saang walang kinalaman si Rusty??? Hmmmmm...."
"Ahm... Ehm...." Halos mablanko na ang isipan ni Rex that time dahil sa kaniyang pagkakadulas.
Hindi niya lubusang mai Explain sa kaniyang sarili kung bakit naging defensive siya para kay Rusty...
"I want to make a deal with you Madam Bella..." Ang next na nasambit na lamang ni Rex na ikinakuha ng 100% na attention ng kaniyang kaharap.
"I don't want your deal Councilor Alcazar... I want your explanation sa Financial Report ng Office mo at ng DOST PAGASA Center..." Ang matigas na reply naman ni Madam Bella.
"Just leave the DOST PAGASA Center alone Madam..." Ang seryosong sinabi ni Rex.
"It's under your precious office Councilor... Why should I leave it in my Audit... And you know what..."
"What's it Madam..."
"I want to tell you this... Nagsasawa na ako sa paligoy ligoy natin..."
"Pakinggan nyo po muna ang Deal na sasabihin ko Madam..."
"Ikaw ang makinig sa akin Councilor..." Ang sambit ni Madam Bella habang pinandidilatan niya ang biglang natamemeng si Rex.
"Kanina eh ayaw mong magsalita... Kaya pagbibigyan kita... Ako na lang ang magsasalita..." Ang pagsisimula ni Madam Bella.
"Based on all the copies and all the infos that I have... DOST PAGASA Forecasting Center is your Bread and Butter...
PALAGATASAN MO KASI IYON AT PUMAPAYAG NAMAN ANG NAMAMAHALA DITO...
LALO NA ANG BAGONG REP NITO...
Tama ba ako Councilor..."
"YOU GOT IT ALL WRONG!" Ang mabilis na sambit ni Rex sabay tayo niya sa kaniyang swivel chair.
"Hindi pa ako tapos Councilor..." Ang hindi matinag tinag na si Madam Bella.
"Let's finish this Madam...
Leave the DOST PAGASA Center at si Rusty and I'll tell you everything..." Ang kapit sa patalim na Decision ni Rex dahil wala na talaga siyang lusot.
Kahit labag sa kaniyang isipan ito'y mas malakas ang hatak ng isinisigaw ng kaniyang nararamdam sa kaniyang puso...
Kung babagsak siya'y mas mabuti pang siya na lamang mag isa...
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili pero yung ang ninanais niyang gawin...
"I'm curious on that deal..."
"Just leave them alone Madam..."
"It depends on what will you say Councilor..." Ang matagumpay na reply lang ni Madam Bella at wagas na wagas ang kaniyang mga ngiti dahil tumiklop sa kaniya itong si Rex.
Kitang kita naman ni Madam Bella ang ebidensya sa mga spread sheets pero mas gusto niyang manggaling personal mismo kay Rex ang explanation at pag amin nito...
"Please... Leave them alone..." Ang muling pakiusap ni Rex.
"I don't bargain Councilor... Sabihin mo muna sa akin ang gusto kong malaman bago ko pag iisipan ang Deal that you want to Offer..."
"HI COUNCILOR!" Ang masayang bungad ni Rusty nang bigla itong pumasok ng walang pasabi sa office ni Rex.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Rex nang makita niya ang hitsura ni Rusty...
...
...
...
Gulat na gulat talaga siya sa clean cut na buhok nito...
Hindi na ito semi long hair kaya nama'y nagmukha itong isang kagalang galang and bigating Government employee...
Plantsadong plantsado din ang suot suot nitong Polo Barong...
Ternong terno sa smart uniform ni Rusty ang matatamis na ngiti nito sa mga labi't kapansin pansing twinkles sa mga eyes nito...
...
...
...
Talagang pinaghandaan ni Rusty ang oras na iyon...
...
...
...
"AY... Busy ka pala..." Ang next na usal ni Rusty nang makita niya si Madam Bella na nakatingin din sa kaniya.
"Good Afternoon po Madam Bella..." Ang masayang pag greet ni Rusty.
"Timing na timing ka Iho... Dito ka muna at makinig sa sasabihin nitong si Councilor..." Ang masayang sambit naman ni Madam Bella habang itinuturo niya kay Rusty ang isang bakanteng swivel Chair.
Lihim na napangiti itong si Rusty dahil iyon ang kaniyang iniExpect talaga from Madam Bella...
"Can I be excused Madam at busy din po kasi ako...
I need to go back to the Center...
I just drop by lang po dito at may papipirmahan po akong Request Memo kay Councilor..." Ang sweet na sweet na explain ni Rusty na lalo pang ikinangiti ni Madam Bella.
Halos manlaki naman ang dalawang mga mata ni Rex at hindi niya napigilang lunukin ang kaniyang laway dahil sa mga sinabi ni Rusty...
...
...
...
Kasabay ng pagpapawis niya ng malamig ay unti unting naRealized niyang ilalaglag siya nitong si Rusty...
...
...
...
Gustong batukan ni Rex ang kaniyang sarili ng mga oras na iyon dahil ibinigay niya ang kaniyang buong pagtitiwala sa isang taong hindi pa niya lubusang kilala...
...
...
...
Alam ni Rex na labis niyang pagsisihan ito sa kaniyang tanang buhay...
...
...
...
"Can I see that please..." Ang sambit ni Madam Bella sa hawak na folder ni Rusty.
"Wala po ito Madam Bella... Request Memo lang po ito at nakaDrafts pa po... Ipapakita ko lang naman po kay Councilor..."
"KAKASABI MO LANG NA PAPIPIRMAHAN MO YAN!!!" Ang sambit ni Madam Bella.
"GIVE ME THAT AND SITDOWN!!!" Ang next na galit na galit na sermon ni Madam Bella sa natamemeng si Rusty.
Napaupo na lamang itong si Rex sa kaniyang swivel chair dahil unti unti nang nanlalambot ang kaniyang dalawang tuhod habang pinagmamasdan niya ang galit na galit na pagmumukha ng nagbabasang si Madam Bella...
Clueless na clueless sina Madam Bella and Rex na umaayon na sa plano ni Rusty ang situation...
"CARE TO EXPLAIN THIS!!!???" Ang galit na galit na outburst ni Madam Bella kay Rusty habang slight na naCrumple ang hawak niyang papel from the folder at pagkatapos ay iwinagayway niya ito sa harapan ni Rusty.
Napayuko na lamang itong si Rusty at hiyang hiya siya ng mga sandaling iyon...
"HINDI KA DIN MAKAPAGSALITA???" Ang next na sinabi ni Madam Bella.
"THAT'S IT... TALAGA NAMAN!!!" Ang outburst ni Madam Bella nang mubusan na ito ng pasensya.
"Sabihin nyo sa akin kung sinong may pakana nito..." Ang pagsisimula na ng pang gigisa ni Madam Bella sa dalawa.
...
...
...
Tameme lang itong si Rusty at itong si Rex nama'y nagsisimula nang maghimas ng kaniyang noo...
...
...
...
Hindi na siya nakatiis pa sa pananahimik ng dalawa kaya nama'y muling kumilos itong si Madam Bella at binasa sa harapan ng mga ito ng malakas ang nakasaad sa Request Memo...
"DOST PAGASA Region Two is in need  of the following items..." Ang pagsisimula ni Madam Bella.
"10,000 pieces of Tissue Rolls..." Ang nakangusong sambit ni Madam Bella na ikinagulat talaga ni Rex dahil mas malala pa ito sa kaniyang unang ginawang list.
...
...
...
Habang binabasa ni Madam Bella ang mga items ay hindi matinag tinag na tinitignan ni Rex ang nakayuko lamang na si Rusty...
Labis ang kaniyang pag iisip kung ano nga ba ang binabalak nitong si Rusty...
...
...
...
"And what are these...
5,000 pieces Good Morning Towels...
500 pieces Water Dispenser...
1,000 pieces of Chewable Vitamin C 100mg...
5,000 pieces of notebooks...
10,000 pieces of yellow pad packs...
5,000 boxes of Crayola 16 Colors...
10,000 boxes Mongol Pencils Number One..." Ang dissapointed na pagbabasa ni Madam Bella.
Nakayuko pa din itong si Rusty at ito namang si Rex ay tila ba medyo nabuhayan ng loob dahil sa narinig niyang mga items from the list...
...
...
...
Tila ba nagkaroon siya ng Idea sa list na ginawa ni Rusty...
...
...
...
"Rusty..." Ang umaasang taimik na naisambit na lamang ni Rex sa kaniyang sarili that time habang tinitigan niya itong si Rusty.
"ANO ITO... MAGTATAYO BA KAYO NG SCHOOL???!!!" Ang galit na galit na sambit ni Madam Bella kay Rusty.
Sinadya talagang hindi sumagot nitong si Rusty at nanatili pa din siya sa kaniyang pagkakayuko...

5 secs

10 secs

20 secs

30 secs

40 secs

50 secs
Saktong saktong one minute ay bigla na lamang napanganga itong si Madam Bella...
...
...
...
Biglang pumasok ang isang idea sa kaniyang isipan mula sa binasa niyang mga items na nasa sa list...
...
...
...
Naabsorb din niya't naRealized ang last niyang sinabi...
...
...
...
Tahimik lamang niyang tinignan ang nakayukong si Rusty...
"Rusty..." Ang sambit ni Madam Bella sa binata.
"... ... ..." Wala pa ding reply itong si Rusty.
"You signed this Request Memo... Nagtatayo ka ba ng School?" Ang next na sambit ni Madam Bella nang wala siyang natanggap na reply.
"Hindi po Madam... Sorry po talaga... Sorry po... Kala ko po talaga hindi busy si Councilor..." Ang sunod sunod na explain ng nagpaPanic na binata.
"Bakit ka nagso Sorry... May nagawa ka bang kasalanan?" Ang maunawaing sambit ni Madam Bella.
...
...
...
Nag iba ng tactic itong si Madam Bella para mahuli itong si Rusty...
...
...
...
"Sorry din po Councilor... Sorry po..." Ang pag hingi naman ng paumanhin ni Rusty sa biglang nagulat na si Rex.
"Naguguluhan ako Rusty... PakiExplain ang list na ito..." Ang muling malumanay na utos ni Madam Bella habang nagbabait-baitan ito.
"Ano po kasi..." Ang pagsisimula na ni Rusty na ikinangiti ni Madam Bella dahil napagSalita niya ito.
"Secret lang po talaga yang mga Request na yan... Gawain na po talaga ng mga taga PAGASA yan..."
"What do you mean Iho..." Ang curious na tanong ni Madam Bella at pati na din itong si Rex ay naCurious na din sa sasabihin ni Rusty.
"NagreRequest po kami ng maraming items para sa mga Public Schools po dito sa Basco..." Ang pagpapatuloy ni Rusty.
Since kahapon pa nagpapasama si Rusty kay Mang Melchor upang bisitahin ang mga Public Schools sa Basco Batanes at kumalap din siya ng mga infos about other Public Schools sa ibang Islands ng Batanes...
"Yan lang po ang paraan na alam namin para makatulong sa mga bata na pumasok sa School... Nakikipag ugnayan po kami sa lahat ng Public School dito sa Town Proper and sa ibang Islands ng Batanes na bigyan ng reward ang mga students kapag wala silang absent...
And para maEncourage din po namin silang kumuha ng Natural Science para makapagWork sa DOST...
Kulang na kulang po talaga kami ng tao..." Ang nahihiyang usal ni Rusty.
...
...
...
Tahimik lamang itong sina Madam Bella and Rex...
Parehong hindi nila iniExpect ang sasabihin ni Rusty...
...
...
...
"Sorry Councilor at nadamay po kayo... Sorry po talaga..." Ang paghingi muli ng paumanhin ni Rusty kay Rex.
"SO STUPID..." Ang naiusal na lamang ni Madam Bella na ikinagulat naman nina Rex and Rusty.
"NAPAKASTUPIDO NYONG GUMAWA NG LIST...
"TIGNAN NYO... NABUKING KAAGAD KAYONG MAY KAANOMALYAHAN KAYONG GINAGAWA..." Ang sunod sunod na pagratsada ni Madam Bella sa dalawa.
"NEXT TIME EH HUWAG NAMANG GANYAN KARAMI ANG NUMBERS NG MGA ITEMS AT TALAGANG KADUDA DUDA!!!"
Halos magulat talaga itong si Rusty dahil kinagat nitong si Madam Bella ang plano niya...
Naa-ayon na ang lahat on their side ni Rex...
"Eh kasi naman po dapat po eh noong November pa po yan kaya lang po eh nagDonate kami sa mga Public Schools na nasalanta ni Yolanda po..." Ang magalang na explain naman ni Rusty na lalo pang ikinamangha ni Rex.
"Kaya pala wala akong makitang item sa Center nyo..." Ang sambit naman kaagad ni Madam Bella.
"BAKIT HINDI NYO KAAGAD SINABI ITO SA AKIN... MALAWAK NAMAN ANG PANG UNAWA KO!!!" Ang galit na galit na biglang isinermon nito sa dalawa.
"Huwag nyo pong sasabihin sa iba na may ginagawa kaming ganyan..." Ang pakiusap ni Rusty kay Madam Bella.
"Wala bang budget ang DepEd?" Ang next na tanong ni Madam Bella.
"Kulang po..." Ang mabilis na sagot naman ni Rusty.
"EWAN KO SA INYO!
Next time ha...
Ayus ayusan ninyo ang ginagawa ninyo kung mangungupit kayo para walang magduda...
Sana ako pa din ang Auditor ninyo next time!"
"Huwag nyo po itong ipapaalam sa iba... Please..." Ang pakiusap muli ni Rusty.
"Bakit naman ayaw mong may makaalam..."
"Bawal po kasi yan eh at masasabit po talaga si Councilor...
Siya lang po kasi ang naglakas ng loob na tulungan kami sa Budget..." Ang explain ni Rusty at pagkatapos ay binigyan niya ng isang heart warming smile ang biglang nagBlush na si Rex.
"Tsk..." Ang nasambit na lamang ni Madam Bella habang nag aayos na siya ng kaniyang mga gamit.
"Alam nyo naman palang bawal pero ginagawa nyo pa din..." Ang bugtong hininga nito.
"Tapos na ang Audit natin Councilor and I'm very happy to say na nakapasa ka..." Ang next na sinabi ni Madam Bella habang nakikipag Shake hands siya kay Rex.
...
...
...
Tanging ngiti lamang ang naibigay ni Rex dahil Speechless na Speechless siya sa mga nangyari...
...
...
...
"NEXT TIME... Konting Discreet naman sa mga Request Memo para hindi kayo mabuking..." Ang pahabol na sermon ni Madam Bella nang kumilos na ito upang lumabas na sa office ni Rex.
"KUNG HINDI LANG KAYO MGA GWAPO EH PINAGALITAN KO PA KAYO!"  Ang last na sinabi ni Madam Bella sabay kindat niya kina Rex and Rusty bago na siya tuluyang lumabas ng Pintuan ng Office.

*************

Walang makuha kuhang sasabihin itong si Rex kaya nama'y ngini-ngitian na lamang niya ang nakaSmirk sa kaniyang si Rusty...
Hindi na din nakatiis itong si Rusty sa kahihintay niya sa kung ano ang sasabihin sa kaniya nitong si Rex kaya nama'y nagDecide na lamang siya na siya na mismo ang babasag ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa...
"Anong masasabi mo..." Ang pagyayabang ni Rusty habang wagas na wagas siyang nakaSmile kay Rex.
Proud na proud siyang nalusutan nilang dalawa ang isang napakalaking problema...
"Ba't ayaw mong magsalita... Hindi naman ako si Madam Bella ah..." Ang biro muli ni Rusty.
Umiling iling na lamang na natatawa itong si Rex at pagkatapos ay nilapitan niya ang nakatayong si Rusty...
"Hindi mo ako iniwanan..." Ang nakaSmile na mahinang sambit ni Rex habang tinitignan niya sa mga mata ang biglang naConscious na si Rusty.
...
...
...
Kung kanina'y masayang masaya ang feeling ni Rusty ay bigla naman ngayong nag 180 degrees itong bumaligtad...
...
...
...
Nabibiro biro na niya si Rex pero ibang pagkaShy ang bigla niyang naramdaman that time...
...
...
...
Napalunok bigla ng kaniyang laway itong si Rusty nang unti unting lumalapit pa sa kaniya itong si Rex...
...
...
...
"Salamat talaga at tinupad mo ang promise mong hindi mo ko iiwan sa ere..." Ang mas mahina pang pag ulit ni Rex.
"Thank you din at nagpagupit ka na..." Ang next na sinabi ni Rex habang nakakaramdam na ng pag iinit sa kaniyang dalawang pisngi itong napapa atras na si Rusty.
"I-i-ikaw d-din... Tu-tu-tuparin m-m-mo a-ang pro-pro-promise mo..." Ang nauutal na sambit ni Rusty.
...
...
...
Habang nag a Advance sa kaniyang stance itong nakaSmile na si Rex ay siya namang umaatras itong si Rusty...
...
...
...
Straight na straight ang mga pagtitig ng mga mata ni Rex sa mga umiiwas na mga mata ng kinakabahang si Rusty...
...
...
...
"Bakit ka ba umaatras..." Ang next na sambit ni Rex nang hinawakan niya ang mga braso ni Rusty upang hindi na ito maka atras pa.
...
...
...
"R-Rex... A-a-ang promise mo... Hu-hu-huwag mong ka-ka-kalimutan..." Ang utal utal pa ding pag iiba sa usapan ng naCorner na si Rusty.
"Saka na lang natin pag usapan yun..." Ang mas lalong napaSmirk na reply ni Rex at walang pasabing inilapit niya ang kaniyang gwapong mukha sa nagblu-blush na mukha ni Rusty.
...
...
...
Napapikit na lamang itong si Rusty nang maramdaman niya ang mga malalambot na labi ni Rex na dumantay sa kaniyang nanginginig na mga lips...
...
...
...
Dahil sa sobrang saya'y hindi talaga napigilan ni Rex ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling yaon...
...
...
...
Batid and kilalang-kilala na ni Rex ang damdaming iyon dahil since College pa niya naDiscover na may Hots siya towards the same sex...
Alam ni Rex na baka ikahiya siya ng kaniyang family at ng kaniyang mga kaibigan kaya nama'y inilagay niya ang feeling na iyon sa pinakamalalim na part ng kaniyang puso at pilit niya itong kinalimutan...
Since then ay alam ni Rex na hindi siya sigurado sa kaniyang sexuality at ito ang pinaka main reason kung bakit siya nagbibilang and nag iipon ng ng mga girlfriend...
Gusto niyang patunayang lalaki siya...
Okay na sana ang lahat lahat until nang dumating sa Batanes itong si Rusty...
Slight na nagparamdam ang kinubli't kinalimutang feeling na iyon kay Rex nang una niyang makita si Rusty...
Simula noo'y naging makulit na ang nararamdamang iyon ni Rex...
Kahit na anumang pilit niyang gawing paglaban ay lalo lang itong lumalakas especially noong nagView sila ni Rusty ng Sunset sa Ivatan Fortress noong ipinasyal niya ito sa Batanes...
Dahil sa sobrang saya ngayon nitong si Rex and hindi talaga bumitiw itong si Rusty at sinamahan siya sa kaniyang problema until the end ay hindi na nagawa pang ikubli ni Rex ang kaniyang nararamdaman towards Rusty...
"Thank you Rusty..." Ang nakaSmile na sambit ni Rex nang humiwalay na siya sa kaniyang paghalik sa lips ni Rusty.
...
...
...
"RUSTY!!!" Ang malakas na outburst ni Rex nang walang pasabing nawalan na naman muli ng malay bigla ang hawak hawak niya sa brasong si Rusty.

...

...

...

Umingit-ingit muna itong si Rusty at pagkatapos ay nakaramdam na lamang siya ng may kung anong malamig at basang ipinupunas sa kaniyang mukha kaya nama'y napadilat kaagad siya...
"Tinakot mo naman ako..." Ang concern na concern na bungad na pagsambit ng nakaluhod sa harapan niyang si Rex na nagpapatuloy sa pagpunas sa kaniyang mukha.
Nasa office pa din siya ni Rex at nakaupo siya ngayon sa isang Swivel Chair...
"Ganyan ka ba palagi..." Ang curious na tanong ni Rex na ikinalaki ng dalawang mga mata ni Rusty.
"BAKLA KA BA?" Ang hindi mapigilang tanong ni Rusty.
Kaagad na nagsisi siya dahil sa kaniyang nasabi pero yun ang unang thought na gumuhit sa kaniyang isipan...
Tila tuliro pa din siya sa ginawa nitong si Rex...
"Hindi ko alam... Ikaw... Bakla ka ba?" Ang balik tanong naman ni Rex.
"Hindi ko din alam..." Ang maang maangang sagot naman ni Rusty.
Kahit na malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawang pagKiss sa kaniya ni Rex ay nahihiya pa din itong si Rusty na magOut dito...
"What happened Rex..." Ang next na tanong ni Rusty at talaga namang hindi siya makapaniwalangsa nangyari.
"What heppened?" Ang pag ulit ni Rex.
"Yes... What happened Rex..."
"Ganito lang naman ang nangyari..." Ang nakaSmile na sambit ni Rex and just like before ay walang pasabi niyang binitawan ang kaniyang basang hanky at kaagad na sinapo niya ng kaniyang dalawang maiinit na palad ang cheeks si Rusty.
...
...
...
Hindi na nag aksaya pa ng sandali itong si Rex at kaagad niyang itinuloy ang matamis niyang pagKiss sa mga malalambot na lips ng natameme na namang si Rusty...
...
...
...
Sa bawat pagtakbo ng segundo'y unti unting na Absorb na din ni Rusty ang kinalalagyan niyang situation...
...
...
...
Labis ang pagkatuwa ni Rex nang maramdaman niyang napahawak na si Rusty sa kaniyang mga maskuladong mga balikat...
...
...
...
Unti unti na ding nagre React ang lips ni Rusty sa kaniyang ginagawang paghalik...
...
...
...
Hindi na nila namalayan pang ang kanilang matamis na pagli-Lips to Lips ay nag Evolve na sa isang mainit-init at nag-a-alab na pag-fre-French Kissing.

...

...

...

Wala silang kamuwang muwang na nakaNgiti ngayonsa kanila ang tadhana dahil naging matagumpay itong paglapitin sila...

Ngayon nama'y naghahanda muli ang mapaglarong tadhana upang tiyakin itong sina Rusty and Rex kung kakayanin ba talaga nila ang ibibigay nitong panibagong pagsubok upang masukat ang kanilang katatagan at pagsasamahan...






To Be Continued

28 comments:

  1. Embedded Music Comes From Diana Ross And The Supremes
    Ain't No Mountain High Enough Original Version (Instrumental)

    Good Evening po sa inyong lahat ! ! !

    Take Care and God Bless Po ! ! ! :)))

    ReplyDelete
  2. thanks poging ponse..cong xi fa cai!!xin nusn kuai le!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi sabi Pogi si Ponse Ih!

      HAPPY NEW YEAR DIN KUYA VHIN! :))

      GOD BLESS KA DIYAN!

      Delete
  3. Replies
    1. Nice to Meet you po Kuyang Anon!

      Next time po eh lagay ka naman ng name please :))

      Delete
  4. nice tactic rusty hahaha
    at etong c madam bella flores nman my crush dn pla sa dalawa tsk tsk tsk

    anyare ky joey boy bat anjan xa sa cover? :o

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hiniram ko muna siya Lawfer :)) LOL!

      Delete
  5. Kilig serye na tong story mo ponse...tnx sa update

    randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tawag po dyan Kuya Randz eh

      CHILLIGZ (Cheesy + Kilig)

      Tenchu po pagComment and sa pagsama po kina Rex and Rusty!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
  6. Replies
    1. Masarap Talag Kuya Russ ang French Kiss lalo na kapag
      may kasamang Feeling!!!

      Delete
  7. Sasabog na ako sa sobrang kilig! Tabi kayo at bka matalsikan kayo ng dugo! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napapakinggan mo ba Mr.FrostKing yung background music??? :3

      Delete
  8. Replies
    1. Nice to meet you Kuya Marco :))

      Hindi po yaan maganda... ADIK po yaan.

      Tenchu po sa pagbasa't pagComment!

      TC PALAGE AND GOD BLESS!!! :))

      Delete
  9. Napapanahon yata ang tema ng istorya sa nangyayari sa atin ngayon lalo na sa pulitika.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga Kuyang Anon :))

      Nice to meet you po and tenchu sa pagbasa't pag iwan ng Comment!

      TC po and God Bless Always! :))

      Delete
  10. Galing ni Rusty!haha! sa sobrang galing bumigay na din si Councilor :))

    Nice Kuya Ponse..isa ka talagang Adik! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu sa pagtawag mo Kuya Riley na Adik si Ponse :))

      Partida hindi pa alam ng dalawa na bakla sila :)) LOL!

      Delete
  11. yan... masaya na.. hahahaha.. ncie.. kilig-kilig talaga.. start na ng love-month... nice one ponse! salamat sa update..

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love love love Kuya Arejay :))

      X O X O

      Delete
  12. kinilig nmn ako dun sa kissing scene nila! ^^,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para lang naman silang kumakain ng French Toast with Butter and Maple Syrup Kuya Ferds :))

      Delete
  13. gusto ko na magbakasyon sa BATANES!hahahaha supernice talaga ponse. Superkilignes lols. Kaabang abang chap7! ^_^ -Robz J Cruz

    ReplyDelete
    Replies
    1. HUWAW NAMAN! :)) Nabuhay ka Chef Robz :)) lols!

      TC Palage!

      Delete
  14. Super like it.kilig much kuya ponce -yuan

    ReplyDelete
  15. NakakalLoka at kilig lalo na ng kiniss ni councilor si rusty d ba... Howow naman... Thanks kuya ponse... Mwah!!!

    ReplyDelete
  16. Aruuuuu Jossssskkkooowww hindi ko kinaya...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails