Followers

Friday, January 17, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 3


Part1 Part2


*******At PAGASA DOST Forecasting Center*******

Kahit gusto pa ng isipan nitong si Rusty ay kabaligtaran naman ang kasalukuyang nararamdaman ng kaniyang katawan ng mga oras na iyon at talaga namang ilang oras na niyang sinusubukang buhatin ang malaking cabinet na nakadagan sa kaniyang mga binti.
"Lord..." Ang taimtim na panalangin na lamang ni Rusty ng mga sandaling iyon habang nakalupasay siya sa sahig at unti-unti nang tumitindi ang pagkirot sa kaniyang mga binti.
"Last try..." Ang sambit ni Rusty at pagkatapos kaniya siyang humugot natitira niyang lakas upang subukang iangat muli ang malaking cabinet.
"Aaaaaggghhh..." Ang naibulalas ni Rusty nang hindi siya nagtagumpay sa kaniyang ginawa and after ilang seconds lamang ay tuluyan na siyang nanglambot dahil sa panghihina kaya nama'y nag give up na lamang siya nang mga sandaling yaon.
Hinimas-himas na lamang niya ang kaniyang mga hita dahil medyo nakakaramdam na siya ng pamamanhid sa part na iyon ng kaniyang legs dahil ilang oras nang nakadagan sa kaniya ang malaking cabinet kaya nama'y nakaapekto na ito sa blood circulation ng kaniyang mga binti.
Masyado kasing malakas ang hangin kanina kaya nama'y medyo nagpanic itong si Rusty at talaga namang nakakatakot talaga ang pagkalampag ng mga bintana sa Center kaya kaagad na nag assume siyang baka ito mabasag kaya humanap siya ng paraan para ma-reinforce ang mga ito. Hindi naman akalain ni Rusty na mababagsakan siya ng malaking cabinet nang sinubukan niya itong iusog upang gawing pangharang sa bintana ng Forecasting Center.
Labis ang pagsisisi ngayon ng binata sa kaniyang ginawa habang pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili...
Kada patak ng bawat segundo'y nagle level up ang pagkatakot sa kaniyang puso...
Batid niyang malakas pa ang buhos ng ulan at ang daluyong ng hangin sa labas kaya baka matagal pa ang pagsundo sa kaniya ni Ka Melchor...
Ano pa mang gawing pagConvince ni Rusty sa kaniyang sarili that everything will be fine ay hindi nito napigilang pumatak ang kaniyang mga luha dahil sa matindi niyang pangamba't pagkatakot dahil parang manunuksong naglalaro sa kaniyang isipan ang idea na baka hindi na tumila pa ang sungit ng panahon at magdamag siyang nasa sa ganoong situation...
That was the first time na makaExperience ng ganoon itong si Rusty...
Ipinikit na lamang ni Rusty ang kaniyang mga mata upang magpahinga't makabawi ng kaniyang lakas...
Awangawa itong si Rusty sa kaniyang kawalang magagawa...
Habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha'y bigla biglang narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng Forecasting Center...
"MANG MELCHOR... TULONG PO..." Ang malakas na panaghoy ni Rusty at kaagad naman siyang nakarinig ng mga mabibilis na yabag.
Unti-unting nabuhayan ng loob itong si Rusty dahil dumating na itong si Ka Melchor upang saklolohan siya...
"FUCK!!!" Ang malakas na naibulalas ng binata sa kaniyang isipan nang makita niya kung sino ang dumating sa Center.
Gulat na gulat talaga at nanlalaki ang dalawang mga mata ni Rusty nang makita niyang mabilis na lumapit sa gilid ng cabinet itong si Councilor...
Hindi talaga ini-Expect ng binatang ang kurakot na si Rex ang taong sasaklolo sa kaniya nang mga oras na iyon...
"YAAAARRRRGGGGHHHH..." Ang malakas na outburst ni Rex nang iniangat niya ng buong lakas ang malaking cabinet na dumadagan sa mga binti nitong si Rusty.
Tila ba nabakanteng bigla ang utak nitong si Rusty habang bumubulusok ang pagle-level up muli ng kaniyang pagkaConscious...
Unconsciously na napatanga siya sa namumulang pagmumukha nitong si Rex...
Dahil nag-i-exert ng matinding effort sa pag-angat ng malaking cabinet itong si Rex ay nakangiwi ito kaya nama'y lalo pang nakadagdag ito ng kaniyang pogi points sa paningin nitong si Rusty...
"ANO PANG HINIHINTAY MO... UMALIS KA NA DYAN!!!" Ang sigaw ni Rex na nagpabalik sa nakatangang diwa ng natulalang si Rusty.
Mabilis namang kumilos itong si Rusty at kahit na nakakaramdam siya ng masidhing pagkirot sa kaniyang mga binting nadaganan ay tiniis niya ito upang mabitiwan na ni Councilor ang mabigat na Cabinet.
"BLAG!" Kaagad-agad namang ibinagsak na ni Rex ang cabinet nang makita na niyang nakaalis na itong si Rusty at pagkatapos ay mabilis na nilapitan ni Councilor ang nakahandusay sa sahig na si Rusty at maingat niyang inalalayan itong itinayo.
"Are you okay..." Ang concern na tanong kaagad ni Councilor nang maiupo na niya itong si Rusty.
Hindi talaga mapakali itong si Rusty dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin at that time...
Iniisip kasi niyang suklayin muna niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang buhok upang maging presentable siya sa harapan ni Councilor...
Iniisip din niya na nakakahiya talaga kay Councilor at nadatnan siya sa ganoong situation at baka isipin nitong tatanga-tanga siya...
"Masakit ba?" Ang next na sinambit ni Rex nang magSquat siya at walang pasabing hinawakan ang isang binti ni Rusty.
"OUCH!!!"
"Shhhh..." Ang pagpapakalma ni Councilor at kaagad na nakaramdam na naman ng pag iinit sa kaniyang cheeks itong si Rusty nang itinaas na ni Rex ang laylayan ng kaniyang pantalon at sinimulan ng marahang minasa-masahe nito ang kaniyang binti.
"Balbon ka pala..." Ang out of nowhere na nasambit ni Rex habang patuloy niyang minamasahe ang binti ni Rusty.
Lalo pang na-Conscious itong si Rusty sa sinabi sa kaniya ni Councilor...
"Okay na ba?" Ang sambit muli ni Councilor na tinunguhan na lamang ng tahimik ng hindi makatingin ng direchong si Rusty. Kaagad namang ibinaba ni Councilor ang laylayan ng kaniyang pants at pagkatapos ay dumako naman siya sa isa pang binti ni Rusty.
"Mabuti na lang at dumating pala ako..." Ang concern na naibulalas ni Councilor habang minamasahe na niya ang isa pang binti ni Rusty.
Hindi malaman nitong si Rusty kung magreReply ba siya o hindi dahil talaga namang hiyang hiya siya kay Rex kaya nama'y nagdecide na lamang siyang manatiling tahimik...
"Okay na ba?" Ang tanong muli ni Councilor.
...
...
...
"HOY!!! OKAY NA BA!!!???" Ang malakas na sambit ni Councilor nang hindi siya makatanggap ng reply from Rusty.
"Ha... Ah... Eh... Okay na Councilor... Sa-sa-salamat..." Ang nahihiya't nauutal na sambit naman ni Rusty and then ay sabay na tumayo itong sina Councilor at Rusty ngunit biglang nakaramdam ng pamamanhid sa kaniyang legs itong si Rusty kaya nama'y naOut of balance siya.
Nanlalambot din kasi ang kaniyang tuhod dahil sa malapitang presence nitong si Councilor...
"Take it easy..." Ang sambit ni Councilor nang hawakan niya sa mga balikat itong si Rusty upang i-steady ito sa pagkakatayo.
Parang may kung anong kuryenteng gumapang sa mga balikat ni Rusty nang maramdaman niyang matikas ang mga kamay nitong si Rex...
"Thanks..." Ang sambit muli ni Rusty at sa hindi inaasahang pagakakatao'y nagtama ang kanilang mga mata sa isa't isa.
...
...
...
Nagkaroon ng ilang seconds ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang magkahinang ang kanilang mga paningin...
Tanging ang malakas na malakas na pagkalampag ng ulan sa bubong at ang paghampas ng hangin sa bintana lamang ang kanilang naririnig sa kanilang paligid...
...
...
...
"Ahm... Maupo ka na lang muna..." Si Councilor na ang bumasag sa kanilang Akward silence at pagkatapos ay marahan niyang iniupo muli itong si Rusty.
Tila ba nakaramdam din ng pagkaConscious itong si Councilor...
...
...
...
"Thank you po Councilor..." Kahit na nahihiya'y nagpasalamat muli itong si Rusty upang hindi na muling magkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Rex na lang... Call me Counsilor kapag nasa Munisipyo tayo..."
"Ah... Ba't ka pala naligaw dito..."
"Wala ka kasing kasama eh..." Ang sambit kaagad ni Rex na ikinatahimik bigla ng napatingin sa kaniyang si Rusty.
Kahit si Rex ay nabigla din sa kaniyang sinabi...
"Ah... Eh... Sabi mo kasi you'll be dropping by my Office before five para ibigay yung Request Memo mo..." Ang bawi kaagad ni Rex sa kaniyang pagkakadulas.
This time ay si Rex naman ang nakaramdam ng pagkaHiya sa kaharap...
"Kukunin ko lang yung Memo sa desk ko..." Ang mahinang sagot naman ni Rusty.
"Huwag ka munang kumilos..." Ang pigil naman ni Rex nang akmang tatayo na itong si Rusty.
"I'm okay na... Mabuti na lang at dumating ka..." Ang sambit ni Rusty at hindi na niya pinansin pa ang sinabi ni Rex at kahit na slight na masakit pa ang mga paa niyang naipit ay kumilos na siya.
"Bukas na lang natin pag usapan yung Request memo mo... Hatid na kita pauwi..." Ang sambit naman ni Rex.
Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam itong si Rusty...
Kung kanina sa Munisipyo'y nai-imagine niyang napakahaba ng sungay nitong si Rex ay kabaligtaran naman ang nakikita niya dito ngayon...
Kapansin pansin ngayon ang maamong mukha nitong si Rex...
"Okay lang ako dito... Kailangan kong bantayan ang readings ng mga machine at baka magkaroon ng Low Pressure vicinity natin eh..."
"Ganito lang talaga ang panahon dito sa Batanes..."
"I know... Pero kailangan ko talagang magStay dito hangga't hindi kumakalma ang panahon..."
"Trust me Rusty... Lahat ng mga locals dito eh alam kung magkakaroon ng bagyo... It's in our guts..."
"I know that... But I need to do my Job for the safety ng mga taga dito... Hindi ako pupuwedeng magpabaya..." Ang mahinahong explain naman ni Rusty na ikinatahimik ni Rex.
"You go ahead..." Ang next na sambit ni Rusty pero nanatiling nakatayo pa din itong si Rex.
...
...
...
"I'll just stay here..." Ang sambit ni Rex at pagkatapos ay kaagad siyang umupo sa isang bakanteng swivel chair at ginawa niyang komportable ang kaniyang sarili dito.
"There's no need Rex... Okay na ako dito... Magpahinga ka na..."
"I insist..." Ang matigas na sambit ni Rex na hindi na tinugunan pa nitong si Rusty dahil ayaw din naman niya kasing magsimula na naman silang magtalo nitong si Rex.
Tahimik na nagsimula na muling kunin muli nitong si Rusty ang mga reading from the forecasting machine habang si Rex nama'y tahimik siyang tinitignan...
Medyo naConscious muli itong si Rusty kaya nama'y hindi na niya iginawi pa ang kaniyang tingin at ang kaniyang pansin sa kinauupuan nitong si Rex at ini-Imagine na lamang niyang hindi niya ito kasama.
...
...
...
Ilang minutes ding naging tahimik ang loob ng Forecasting Center...
...
...
...
Out of curiousity ay hindi na talaga napigilan nitong si Rusty na sulyapan kung ano na nga ba ang ginagawa nitong si Rex...
...
...
...
Napangiti na lamang siya nang makita niyang nakanganga na't nakapikit itong si Rex sa kinauupuan nitong swivel chair habang nakaCross arm pa ito...
"Haissttt..." Ang bugtong hininga na lamang ni Rusty habang tinitignan niya ang nahihimbing na si Rex.
Hindi talaga niya maitatangging napakaGwapo pa din nito kahit tumutulo na ang laway nito habang marahang naghihilik.

*******After Two Hours*******

Naalimpungatan na lamang itong si Rex nang makaramdam siya ng pagkangalay sa kaniyang leeg kaya nama'y hinimas himas muna niya ito bago siya tuluyang tumayo upang mag-inat-inat...
Habang humihikab itong si Rex ay bigla siyang napangiti nang mapansin niyang nakatalungko ang ulo nitong si Rusty at mahimbing na natutulog sa mesa ng Forecasting Machine...
Nag inhale and exhale muna si Rex bago siya lumapit sa puwesto ni Rusty...
Maingat siyang hindi gumawa ng ingay upang hindi magising itong si Rusty...
NakaSmille pa din itong si Rex habang pinagmamasdan niya ang payapang mukha ng walang kamalay malay na si Rusty...
Unconsiously ay automatic na hinubad ni Rex ang suot suot niyang Jacket at maingat niyang ikinumot ito sa dalawang balikat ni Rusty...
Hindi niya maintindihan ang sarili pero yun ang nais niyang gawin that time...
Kaagad din namang napansin ni Rex ang Request Memo na nasa sa harapan ng natutulog na si Rusty kaya nama'y agad niya itong kinuha...
"Hay Salamat..." Ang maluwag na paghingang sambit ni Rex dahil pirmado na ito ni Rusty.
Muling pinagmasdan ni Rex ang nahihimbing na si Rusty habang nagtataka siya kung ano ba ang pumasok sa isipan nito upang pirmahan ang request memo.

***************

Kaagad na pumikit-pikit itong si Rusty nang mailimpungatan siya't pagkatapos ay binasa niya ng kaniyang laway ang nanunuyo niyang bibig...
"Nakatulog pala ako..." Ang sambit ni Rusty sa kaniyang sarili at pagkatapos ay tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan upang mag-inat-inat.
Pagkatayo niya'y nakaramdam siya ng kung anong bagay ang dumulas sa kaniyang balikat at nalaglag ito sa sahig...
...
...
...
"What's this..." Ang nasambit ni Rusty nang makita niya ang bagay na nalalaglag mula sa kaniyang balikat.
...
...
...
Napasmile na lamang itong si Rusty nang makita niyang jacket iyon na suot suot kanina nitong si Rex. Agad naman niyang pinulot ito mula sa sahig at pagkatapos ay napatingin siya kinauupuan ni Rex.
Lalo pang napai-Smile itong si Rusty nang makita niyang nakasalampak at nakanganga pa ding naghihilik itong si Rex kaya nama'y marahan siyang lumapit dito at pagkatapos ay kaniyang ikinumot ang jacket sa natutulog na si Rex...
"Nakita na pala niya ito..." Ang sambit ni Rusty nang mapansin niya sa ibabaw ng desk na katabi ni Rex ang pinirmahan niyang pinag awayan nilang Request Memo sa Munisipyo.
"Teka..." Ang next na naibulong ni Rusty nang makita niyang may nakasulat ng kung ano sa request memo kaya nama'y kinuha niya ito't binasa.
Umiiling na napapangiti ng wagas na wagas itong si Rusty dahil may mga nadagdag pang mga items sa Request Memo na isinulat ni Rex...
...
...
...
Additional:
20 pieces blanket
10 pieces foldable matresses
20 pieces pillows
50 pieces pillow cases - just incase na magstay ang PAGASA rep overnight sa center
10 pieces new filing cabinets -nasira na ang dati and dapat medium size na ang mga cabinet para                                                       walang maaksidente
100 pieces first aid kits - for emergency purposes
...
...
...
Hindi malaman ni Rusty kung mata-Touch ba siya sa ginawa ni Rex o matatawa na lamang siya dahil bilib na bilib talaga siya kung gaano kabangis sa pangungurakot ang kaniyang bagong boss...
"Remembrance..." Ang masayang sambit ni Rusty sa kaniyang sarili at pagkatapos ay muli niyang ibinalik sa pinaglalagyan nito ang request memo and then ay mabilis siyang pumunta sa kaniyang desk upang kunin niya ang kaniyang phone.
"Mabait ka naman... Lalo na pag tulog..." Ang natatawang sambit ni Rusty habang kinukuhanan niya ng picture ang nakanganga't natutulog na si Rex.
"Rusty..." Ang biglang narinig na lamang ni Rusty na Boses ni Ka Melchor.
"Mang Melchor..." Ang bati kaagad ni Rusty nang makita niya ito.
"Hindi na kayo umuwi... Eto may dala akong mainit na tubig, Kopiko Brown at pandesal... Mag almusal na kayo..."
"Anong oras na ho ba..."
"Alas singko na..." Ang reply naman ni Ka Melchor.
"SHOOT!" Ang naibulalas ni Rusty at pagkatapos ay kaagad niyang kinuha muli ang mga reading sa Forecasting Machine.
Nagising na din itong si Rex dahil sa ingay at sa amoy ng Kopiko Brown na itinitimpla nitong si Ka Melchor...
Habang pinapadala na ni Rusty ang mga Readings sa PAGASA DOST main headquarters ay naririnig niyang ikinukuwento ni Rex sa kaniyang Tatay ang nangyari kagabi...
"Yun nga ho ang nangyari... Buti na lang at pumunta ako dito... Teka kailangan din pala ng water dispenser ng Center para kapag may gustong magkape...
At ng mga Kopiko 3-in-1..." Ang mga narinig ni Rusty from Rex.
Napataas din ng kaniyang kilay itong si Rusty dahil paniguradong sobra sobra na naman ang ilalagay ni Rex na mga item sa edited na request memo upang maging wagas na wagas ang Kick Back ito...
"Coffee Rusty..." Ang next na sambit ni Rex upang tawagin na itong si Rusty para makapag almusal na.
Masaya naman ang naging almusal nilang tatlo at muli na namang ipinaliwanag ng mag ama kay Rusty na dapat ay masanay na siya sa Weather ng Batanes...
"Tignan mo sumikat-sikat na ang araw ngayon..." Ang natatawang sambit ni Ka Melchor kay Rusty sabay turo niya sa labas ng bintana.
"Punta tayo sa Basco Light house at mas maganda ang sunrise doon..." Ang proud na proud namang sambit ni Rex kay Rusty.
Hindi na kumibo pa itong si Rusty at tinunguhan na lamang niya ang suggestion nitong si Rex dahil nakaramdam din siya ng excitement at talaga namang since noon pa'y nagnanais siyang makita sa malapitan ang Basco Light House...
"Itayo muna natin itong Cabinet..." Ang sambit ni Ka Melchor nang makita niyang tumayo na itong sina Rex and Rusty.
"Huwag na Tay at ipapakuha ko na yan at papa-palitan ko na iyan..." Ang sambit naman ng parang batang si Rex sa kaniyang Tatay.
"Tara na!" Ang excited na muling sambit ni Rex kay Rusty upang yayain na itong lumabas sa Forecasting Center at tumungo na sa Basco Lighthouse.

***************

Hindi nakakaramdam ng ngalay sa leeg itong si Rusty kahit ilang minuto na siyang nakatingala't pinagmamasdan ang kamangha-manghang katayugan ng Basco Light House...
"Yan ang isa sa mga Pride ng Basco..." Ang parang batang sambit nitong si Rex dahil kanina pa niyang masayang-masayang pinagmamasdan ang namamanghang pagmumukha nitong si Rusty.
"Yan ang isa sa mga tourist attraction namin dito..." Ang dagdag pa nito.
Proud na proud talaga itong si Rex sa kaniyang Hometown...
Hindi pa din makapagsalita itong si Rusty dahil sa kaniyang pagkamangha at ngayon lamang niya naikita kasi ng personal at sa malapitan ang Basco Light house...
"HAAAAAAIIIISSSST!!!" Ang malakas na pagYawn ni Rex na kaagad namang nilingon ni Rusty.
NapaSmile na din itong si Rusty habang pinagmamasdan niya itong si Rex na nag uunat at nagbibilad sa malamyos na sikat ng araw...
NapaSigh din itong si Rusty at that moment kasabay ng pagdampi sa kaniyang mukha ng preskong simoy ng hangin...
...
...
...
Kagabi'y napakasusungit ng panahon ngunit ngayo'y napakapayapa na ng buong kalangitan ng Basco Batanes...
...
...
...
Tumatagos at damang dama ng puso ni Rusty ang kapayapaan ng bukang liwayway...
...
...
...
Muling nag inhale and exhale itong si Rusty at ginaya na din niya itong si Rex...
...
...
...
Kasabay ng pagsikat ng araw ay unti unting nalukuban ng maligamgam na init ng sikat nito ang buong katawan ni Rusty...
...
...
...
Hindi na napigilang manalangin ni Rusty na sana'y palaging ganito na lamang ang ipinakikita sa kaniya nitong si Rex...
Alam niyang napakaimpossibleng mangyaring tumino itong si Rex ngunit katulad ng ibinibigay na init ng haring araw ay umaasa ang binata na sana ay mangyari iyon.



To Be Continued

20 comments:

  1. Embedded music comes from Rihanna's Umbrella (Covered By Alex Goot)

    CHILLIGZ!!! (Cheesy + Kilig)

    Ingatz kayo palage and Regards senyong mga Pamili!!! :))

    P.S.
    Naupdate ko na ulet yung Bambino! (please click the title below if you want to read it)

    BMBINO 8: Magdamagang Salo-Salo

    ReplyDelete
  2. Nice.. Update na ulit.. Hahahaha bitin kasi. 😉

    Jan santos

    ReplyDelete
    Replies
    1. As sson as possible po Kuyan Jan :))

      TC Palage and God Bless!!!

      Delete
  3. Lapit na mabuo ang damdamin ng dalawang bida...gandang story na ito. Updata agad...tnx ponse

    randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron na siguro Kuy Randz di lang siguro nila pansin :)) HAHAHA!!!

      See you sa next part! :))

      Ingatz palage and God Bless to you and your Family!!!

      Delete
  4. hhhmmmm..ganda! keep it up ponse! salamat sa update..

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu din sa pagbasa't pagComment Kuya Arejay! :))

      See you sa next part naten! :))

      Delete
  5. Hangang ilang chapters to?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hangang 10 Mr.FrostKing but kung hindi kakayanin eh mag e extend si Ponse :))

      Delete
    2. Alright... looking forward sa susunod na chapter... ang ikli kc nito... :(

      Delete
  6. Pangarap ko
    Sana tayo’y di magkalayo
    Ang tangi kong hiling
    Ay ang pag-ibig mo

    Dahil sa ‘ting mundo
    Ikaw ay matutukso
    Ningning at karangyaan
    Ang nais makamtan
    Di ba

    Kahit umulan man o umaraw
    Payong ko’y iyong maaasahan
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Kahit ang bagyo ay kakayanin
    Huwag kang lalayo sa akin
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

    Ating bituin
    Kailan ba mararating
    Tayo’y magniningning
    Pagkatapos nang dilim

    Umiikot ang mundo
    Para sa akin at sa yo
    Liliwanag ang lahat
    Pag-ibig ay sapat
    Di ba

    Kahit umulan man o umaraw
    Payong ko’y iyong maaasahan
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Kahit ang bagyo ay kakayanin
    Huwag ka lang malalayo sa akin
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

    Sukob na sa payong ko
    Yakap ko ang init mo’t tanggulan (tanggulan)
    Kahit bumuhos ang ulan
    Payong ko’y nakalaan
    Di ba

    Kahit umulan man o umaraw
    Payong ko’y iyong maaasahan
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Kahit ang bagyo ay kakayanin
    Huwag ka lang malalayo sa akin
    Di ka na mababasa nang ulan
    Di ka na mababasa nang ulan

    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde
    Mababasa nang ulan
    Di na, di na, hinde, hinde, hinde, hinde, hinde

    Umuulan ohh umuulan… umuulan…
    Umuulan ohh umuulan… ohh umuulan… umuulan… (2x)

    HAHAHAHAHA TRIP KO LANG ANG PAYONG NI MISS GANDA

    ReplyDelete
  7. while reading this story, it makes me interested to see Batanes, ginoogle ko yung images ng Basco Light house at napa wow ako, ang ganda nga. sana nga mapasyal ako ng batanes pag nagbakasyon ako this year sa Pinas.
    BTW nice story, cant wait to see the next chapter. Thank you mr author sa mabilis na update

    Ben of Australia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iniingit ko talaga kayo Kuya Ben! :)) LOL!

      Nice to meet you po! Take care po kayo palagi dyaan and God Bless!

      Delete
  8. Replies
    1. Hindi pogi si Ponse Kuya Vhin. ADIK Ang Kuya Ponse mo! :))

      Delete
  9. Kung bakit gusto ko nang pumunta ng Batanes LOL!
    Nakakainggit huhu

    Kaibig ibig na lalo mga susunod na kabanata haha

    Thanks Kuya Ponseng Super Adik!

    Ella Ella Eh Eh Eh :D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails