Unang-una, sobrang SORRY dahil sa delay ng update na ito. Na-confine kasi ako ng 3 araw sa ospital, missed a week of school (so kailangan ko ng time habulin ang requirements), and nag-exams. So sobrang stressed talaga ng past 2 weeks. :(
Sana ay huwag niyong tigilan ang suporta sa series na ito. I'll do my best to post the next update sooner. :)
Maraming salamat at sana magustuhan niyo.
Leave your comments at the comments section below.
Happy Reading!
--
Chapter 17
“Caleb.” gulat na gulat kong
pahayag nang madatnan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang takas ang kaba,
at ang pagtataka na namumutawi sa mukha ko dahil sa kamalas-malasan ba naman ay
nakagawian ko ng umupo sa tabi ng driver palagi. Nginitian niya ako ng isang
matabang na ngiti at ibinaling ang atensyon niya sa kalsada. Natatakot akong
magtanong, natatakot akong magsalita, dahil in the first place ay hindi ko alam
ang sasabihin ko. Moreover, naiilang pa ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya
sa akin dati. Alam kong masakit pa iyon, ngunit napatawad ko na siya dahil
aaminin kong medyo naging conceited ako noon at hindi ko na-realize na hindi
niya ginusto ang mga nasabi niya noon na marahil ay dala lamang ng bugso ng
damdamin niya.
“Gab, would you mind na makisama
sa kahit anuman ang gagawin ko tonight? Please huwag mo munang unahin ‘yang
galit mo sa akin.” pahayag niya habang nagmamaneho. Tiningnan ko lamang siya,
dahil hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi niya. “I know, right? How
retarded of me na humingi ng pabor sa’yo ganoong galit ka pa sa akin, pero
please do it for me.” pagmamakaawa niya. Buti na lamang ay nakatuon ang mga
mata niya sa daan kundi ay mapapansin niya ang pamumula ng mga pisngi ko.
“O-okay.” nauutal kong sagot sa
kanya. Napansin ko naman ang paglabas ng biloy sa isang pisngi niya, isang
indikasyon na natuwa ito sa sinagot ko.
Ngayon ay bigla akong napaisip sa
mga nalaman ko mula kay Matt kanina, at kung paano ako binalaan ni Caleb, at
kung paano ako hindi nakinig sa kanya at imbes ay nakipag-away pa. Natamaan
noon ang konsnesya ko at ngayon ay pakiramdam ko lulubog na ako sa kinauupuan
ko ngayon dahil sa labis na guilt sa inakto sa kanya. Ngayon ay naiintindihan
ko na kung saan siya nanggagaling, na may basehan lahat ng akusasyon niya laban
kay Justin, at ako si tanga, naging biktima na naman ng sarili kong paniniwala.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko
dito. Napansin ko namang gumawi ang tingin niya sa akin at ngumisi ito. “It’s a
surprise.” pahayag niya.
--
Hindi ko namalayang nakatulog na
pala ako habang bumibyahe kaming dalawa ni Caleb. Nagising na lamang ako nang
maramdaman kong niyuyugyog ako nito para bumangon na at bumaba ng kotse.
Pagbaba ko ay nadatnan kong nasa loob kami ng isang parking lot, kaya naman
wala akong ideya kung anong klaseng lugar ang pinagdalhan nito sa akin.
“Gab, patulong naman ako magbaba
ng groceries, nasa likod lang.” request niya na siya ko namang sinunod. Kumuha
ako ng dalawang plastic bags at siya naman ay kinuha ang natirang isa. Ni-lock
na niya ang kotse niya at sinabihan akong sumunod sa kanya papasok ng building.
Nang makapasok kami sa entrance ay doon ko nalaman na condominium pala itong
pinasukan namin dahil sa magkakasunud-sunod na pintuang may mga numero. Alam
kong hindi iyon hotel, dahil simple lamang ang paligid at may kanya-kanyang
distinction ang bawat pintuan na tila sinasabing iba-iba ang nagmamay-ari ng
bawat unit.
Umakyat kami ng dalawa pang set
ng hagdanan bago siya tumigil sa isang unit at i-unlock ito gamit ang susing
kanina pa niya pinaglalaruan sa isa niyang kamay. Walang sabi-sabi ay pumasok
siya sa loob kaya naman sumunod na ako sa kanya. Pagpasok ko naman ay napansin
kong bukas ng TV nito at isang ulo ang nakadungaw mula sa sofa. Nagulat ako
nang makita ko ang isang babaeng ka-edad ko. Maganda ito at nakasuot ng tank
top at shorts, in short, parang nakapambahay. Naisip ko tuloy kung sino siya sa
buhay ni Caleb.
“Uhm, Gab meet Sari. Sari, meet
Gab.” atat na pahayag ni Caleb habang inaayos ang groceries. Napansin kong
nagkatinginan ang dalawa at pinandilatan ni Caleb si Sari na siyang ikinataka
ko. Lumapit sa akin ang magandang babae, nginitian ako ng mabilisan, at kinuha
mula sa akin ang dalawang plastic ng groceries at nagpunta sa kinatatayuan ni
Caleb sa kusina. Sumunod ako sa kanilang dalawa at napansin kong inilingkis ni
Sari ang mga braso niya sa katawan ni Caleb at tiningnan itong mabuti. “Siya ba
‘yung sinasabi mo, Cal?” tanong niya. Natigilan naman ako dahil parang gaguhan
lang na pag-uusapan nila ako sa harap ko. Napansin ko naman na parang nagtense
si Caleb at tumango na lamang.
Napahagikgik si Sari, tumungo sa
direksyon ko, at bigla na lamang akong hinalikan sa pisngi bago tuluyang
pumasok sa isa sa mga kwarto sa loob ng unit na iyon.
“Sorry, ang weird niya. Pero
masasanay ka rin sa kanya.” paghingi ng paumanhin ni Caleb. “Mas weird si
Trisha, sinasabi ko sa’yo.” sagot ko sa kanya. Looking back, napaisip naman
talaga ako ng tunay dahil sa napansin kong body language nila, at ang set-up ng
sitwasyong ito. Una, nakita kong sweet sila sa isa’t-isa, at to think na tila
magkasama silang dalawa sa loob ng iisang bubong already says something.
Nakaramdam ako ng isang sensasyon na hindi ko dapat maramdaman sa loob-loob ko.
Selos?
Umiling na lamang ako at ibinalik
ko ang atensyon ko kay Caleb. “Nasaan nga pala tayo? Unit niya?” tanong ko sa
kanya. Umiling ito at ngumiti ng matamlay. “Hmmm, no. Actually, this unit is
mine.” pahayag niya na siyang ikinagulat ko dahil wala naman akong naririnig,
at wala naman siyang naikkwento sa akin tungkol sa condo niya, na meron pala
siyang ganito in fact. “It’s my high school graduation gift. I wasn’t using it
so, I had Sari rent it, sayang naman ‘yung property, and I still get to use it
the way I want even though she’s here.” paliwanag niya.
“Uhhh, okay.” ang nasabi ko na
lamang at doon ay naramdaman ko na naman ang pagka-awkward ng sitwasyon naming
dalawa. “Gab, nood ka muna ng TV or movie or whatever. Make yourself busy. I’ll
prepare dinner.” pag-utos niya sa akin kaya naman tumalima na ako dahil truth
to be told, hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa kanya. At isa pa, hindi
rin naman ako marunong magluto.
Whew.
--
“Gab, kain na tayo.” pagtawag sa
akin ni Caleb kaya naman tumayo na ako at nagpuntang kusina niya. “I’ll just
check on Sari.” pahayag niya habang
tinatahak ang daan patungo sa kwartong pinasukan ng babae. Iniisip ko tuloy
kung sila ba ni Caleb, ngunit wala namang nababanggit sa akin si Selah o
Justin. Palagi pa nga nilang sinasabi na walang love life ang kuya nila, eh. Magtigil ka, sabi ng conscience ko. Kaya
naman sinunod ko ito dahil ayoko na ng mga bagay na naiisip ko.
Lumipas ang limang minuto at wala
pang Caleb at Sari na lumalabas mula sa kwarto, at ang gago kong utak ay kung
anu-ano na ang napag-iisip. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa
harap ng pintuang pinasukan ng dalawa. Hindi ko ugaling makinig o manghimasok
sa pribadong buhay ng ibang tao, ngunit I found myself making an exception this
time. Idinikit ko ang tainga ko sa may pintuan at sinubukang pakinggan kung
anuman ang pwede kong marinig sa kabilang side.
“Gawin mo na, Caleb! Ang bagal mo
naman, eh.” narinig kong boses ni Sari mula sa kabilang side. “Hindi pwede,
andyan lang ‘yung kapatid ko sa labas, oh. Halika na, Sari. Baka naghihintay pa
siya.” reply ni Caleb and I took that as my cue to leave. Dali-dali akong
bumalik sa dining area at sinubukang i-compose ang sarili. Kung anu-ano ang mga
bagay na naiisip ko sa kung ano ang tinutukoy ni Sari na gagawin nila ni Caleb
ngunit hindi nila magawa dahil nga nandito ako sa condo nila. Hindi ko
maiwasang mainis sa mga bagay na naiisip ko at ang bumaba ang tingin sa sarili
ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako ‘belong’ sa set-up na ito.
Kaya kahit nang makakain na kami
at kahit nagustuhan ko ang nilutong ulam at salad ni Caleb ay hindi ko
ma-aappreciate lahat ng iyon. Masyadong clouded ang utak ko dahil sa maraming
tanong tungkol sa kung ano nga ba ang rason kung bakit ako dinala dito ni
Caleb, at kung sino nga ba talaga si Sari sa buhay niya.
“Halika, Gab. Let’s get out of
here.” natatawang pahayag ni Caleb na bigla-bigla na lamang akong itinayo mula
sa kinauupuan ko. Dahil nga sa gulong-gulo ako ay wala na rin akong nagawa at
hindi na rin ako nakapagreklamo. “Bye, Sari! Thanks.” pamamaalam niya. “Go,
Caleb!” pahayag ni Sari bago sumara ang pinto ng unit niya na siyang ikinataka
ko.
--
“I don’t get it, bakit mo ako
dinala sa condo mo?” pagsisimula ko. Kasalukuyan kaming nakatambay sa isang
coffee shop sa may BGC. Tumawa ito bago ako sagutin. “Dapat talaga doon muna
tayo, but I figured something made you feel uncomfortable. Care to tell me?”
tanong niya na tila siguradong-sigurado siya sa sarili niya. Natigilan ako
dahil sa hindi ko ikakailang hindi ako nag-effort para hindi nila makita ang
discomfort ko, and now I am faced with
the million-dollar question na siyang kinakainis ko sa sarili ko.
Tumahimik ako.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga
niya. “Anyway, I should be the one who does the talking, dahil ako rin naman
ang nagdala sa’yo dito in the first place. First, Gab, about what I said, alam
kong napaka-low for me to say it, and wala akong karapatan. Kahit pa i-dahilan
kong nadala lang ako, that doesn’t give me the right to say anything like that
to you. So... sorry. Alam kong wala ‘tong magagawa and ang dami ko ng atraso
sa’yo dati pa, pero still, I just want you to know how sorry I am.” si Caleb.
“I’ll do my best na hindi na
gumawa ng kahit ano pang bagay na makakasakit sa’yo. Promise ‘yan, Gab.”
pagtatapos niya. Agad ko namang sinagot ang sinabi niya. “Huwag ka magpromise,
Caleb.” seryosong sabi ko sa kanya, dahil alam kong walang magandang naidudulot
ang mga pangako kung hindi rin naman ito matutupad, kaya naman mas magandang
wala ng promises involved. “Basta, Gab. I’ll never hurt you again.” sincere na
pahayag niya at ‘di ko naman mapigilan ang matuwa kahit pa alam kong mahirap
iyong panindigan. What he said pulled on my heartstrings, and gave me such an
unexplainable feeling.
Katahimikan.
“Okay na ‘yun, swear... So sino
si Sari? Girlfriend mo?” at dahil sa sobrang nakakailang na katahimikan ay
hindi na rin ako nakatiis at tinanong ko na rin ang bagay na kanina ko pa
iniisip. “Why?” tila curious niyang tanong and I was caught off-guard because
of that. “Uhm, kasi ‘yung set-up niyo and wala naman kasi akong naririnig sa
bahay na may love life ka. Iyon lang. Curious lang ako.” I tried to say
everything coolly para naman magmukha itong kaswal na tanong lamang.
“Si Sari. Hmmm, I don’t know if I
can call her a girlfriend, really, because we have a complicated relationship.”
si Caleb.
“Huh?” taka kong tanong.
“Look, kasi totoo naman ‘yung
wala akong love life. Never pa akong nagkaroon since noong high school, but
that’s another story. Si Sari kasi nakilala ko lang when I entered college, and
to be frank sobrang lakas ng pagka-crush niya sa akin kaya kami naging close.
She stalks me almost everywhere I go, tapos parang binabakuran niya ako sa
lahat ng classmates kong babae.” pagsisimula niya, dinig ko ang tuwa sa boses
niya habang kinukwento kung sino si Sari sa buhay niya. “You know that I don’t
really mingle with people, and since persistent siya na maging close kami, I
gave in. Then, ayun na nga, we became really close kasi she understands me, she
puts up with all of my shit, kahit gaano pa katindi. And we have a contract.”
sabi niya.
“Contract?” ako.
“Yup, kapag 30 na kami and both
of us are still single, kami na lang ang magpapakasal.” matter-of-factly niyang
sagot. “So that explains it. Medyo nakatali ako sa kanya, and siya sa akin, but
we’re free to search for people. I guess okay na rin ako if siya ang
makakatuluyan ko kasi compatible naman kami so far. Though may nagugustuhan
talaga ako ngayong tao.” sabi ni Caleb na siyang nakapagspark ng interest ko.
“Sino naman? Saan mo nakilala?
Kaibigan mo?” sunud-sunod kong tanong, at hiniling ko na lamang na hindi sana
ako nagmukhang sobrang eager na malaman.
“Not really. Basta sobrang
complicated ng situation namin. As in, when I say complicated, it’s VERY
complicated. I can’t even court that person dahil for sure hindi papayag ang
parents niya. So huwag na lang.” at doon ay napansin ko ang lungkot sa boses niya,
na tila sobrang invested niya sa taong tinutukoy niya at dahil wala siyang
magawa tungkol dito ay sobrang naffrustrate siya.
“Why don’t you give it a try?
Sayang naman, baka maging pinakamalaking what-if mo siya sa buhay mo.” ang
sagot ko sa kanya.
“May problema pa, eh.” siya.
Tinaas ko ang isang kilay ko
bilang paraan ko ng pagtanong.
“Hindi ko rin kasi alam kung may
gusto siya sa akin.” sagot niya.
“Oh... okay. I don’t know what to
say, pero I think dapat ipaalam mo sa kanya.”
“No. I probably won’t. Hindi niya
maiintindihan. Hell, ako nga hindi ko maintindihan sarili ko, eh. I fell in
love with the wrong person.” mapait na buntong-hininga niya.
“Sometimes, ganyan naman talaga
ang pag-ibig. Bigla-bigla na lang susulpot.” wala sa loob kong sabi.
Tinitigan niya ako ng matagal, na
siyang dahilan para mailang ako at basagin ang nagbabadyang katahimikan. “Hindi
mo pa rin sinagot ‘yung tanong ko. Bakit ba kailangan mo akong ipakilala kay
Sari?” tanong ko sa kanya. Natigilan siya ng panandalian at napansin ko na
parang natigilan siya, dahil sa paglaki ng mapupungay niyang mga mata.
“I do some things for personal
reasons.” sagot niya, tila hindi komportable sa naging tanong ko.
--
Kinabukasan.
“Gab, Trisha, may dapat kayong
malaman.” humahangos na bungad sa amin ni Juno nang magkita kami sa isang fast
food chain para mag-agahan. Kaming dalawa naman ni Trisha ay nagitla sa inaakto
nito kaya naman tinanong na namin siya kung ano ba talaga ang ikinahihimutok ng
buchi niya kagabi pa. Kagabi pa kasi siya text ng text sa amin, na kesyo dapat
daw magkita kami bago ang klase, dahil may napaka-importante siyang sasabihin
sa amin.
“Ano ba talaga ‘yan, Juno? Kagabi
ka pa, ah.” reply ni Trisha. Umupo ito at bumuntong-hininga. “I don’t know how
you’re going to take it, but I have some bad news.” pagsisimula niya, at dahil
sa sinabi niya ay naging interesado kami ni Trisha kaya naman tutok na tutok na
kami sa kung anuman ang sasabihin ni Juno sa amin. “Gab, alam kong napapansin
mo na nawawala ako lately, pero may rason naman kung bakit nangyayari ‘yon. I
did some investigating.” si Juno.
Kumunot ang noo ko dahil sa
narinig ko. “Actually, alam ni Trisha na may balak ako, pero I didn’t want her
to be involved. Kaya naman ako ang gumawa ng mag-isa.” pagpapatuloy niya. “Okay,
now I’m confused... Ano ba ‘to? And bakit alam ni Trisha, pero ako hindi?” sabi
ko kay Juno. Bumuntong-hininga muli siya bago magpatuloy.
“Gab, I don’t know if maniniwala
ka. Wala pa akong evidence ngayon, pero—“ si Juno, pero pinutol ko siya dahil
nauubos na ang pasensya ko. Ang dami pa kasi niyang pasubali, eh. “Just go
straight to the point.” irita kong saad. Tiningnan niya ako, tila nabasa ko ang
pag-aalala sa mga mata niya base sa kung paano niya ako titigan.
“Gab... niloloko ka lang ni
Justin.” pahayag niya.
Napansinghap naman si Trisha. “So
it’s true.” bulalas niya. Ako naman ay nanatiling tahimik. Hindi na bago sa
akin ang nalaman ko, kaya naman ay hindi na ako nagulat. Napansin kong
hinihintay ng dalawa ang magiging reaksyon ko. “Gab, say something. Okay ka
lang ba?” alalang pahayag ni Juno. Bumuntong-hininga ako.
“I know.” simpleng pahayag ko, na
parang hindi ito big deal sa akin. “Wait... what?” hindi makapaniwalang tanong
ni Juno. Si Trisha naman ay naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Matt told
me. Apparently they’re close friends.” turan ko. Tila na-sense ko naman ang
pagka-disappoint sa aura ni Juno kaya naman pinasalamatan ko pa rin ito. “But
hey, I appreciate what you did for me. Thank you because you’re looking after
me. Salamat, Juno.” pahayag ko. Nginitian naman niya ako ng matabang at
natahimik na lamang.
“So... how did you find out,
Juno?” at finally ay nagsalita na si Trisha. “May friend ako na taga-IE.
Orgmate ni Justin. He told me na may ka-thing daw iyon sa org nila. Casey ang
pangalan.” pagkkwento niya. At naramdaman ko naman ang pagbagsak ng sistema ko
dahil sa narinig ko. Mali pala ang pagtanggi kong pag-isipan sila ng masama,
dahil sa nakita ko noon sa parking lot. Totoo palang naglalandian sila.
“Wait ulit. Kung alam mo na
kahapon pa, paano mo siya tinrato? Hindi ba hinahatid ka niya sa school
everyday?” tanong ni Trisha sa akin na siyang sinagot ko. “Sinabi kong busy
ako, kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang magiging pakikitungo ko sa
kanya after ng nalaman ko. What Juno said just validated Matt’s claim.” pagod
kong tanong.
“So wala ka ng gagawin about it?”
tanong ni Juno. Umiling ako. “I’m tired. I’ll just call it quits one of these
days. I’ll find out what’s the reason behind kung bakit niya ako niloko. After
I get some answers, I’ll be through with him. Ayoko na ng away.” walang gana
kong sagot sa kanya.
“Gab, you can’t do that. Niloko
ka noong tao! Hindi basta-basta ‘yon. Gab, for once, learn to fight for
yourself, okay? Ang hirap kasi sa’yo, masyado kang mabait kaya ka nauungasan ng
mga tao sa tabi-tabi diyan... I’m disappointed with Justin, mad even. Akala ko
kasi siya na para sa’yo...” si Trisha. Tila na-sense kong hindi pa siya tapos
magsalita kaya naman hinintay ko muna siyang matapos bago ako mag-react.
“I have a plan.” si Trisha.
--
Itutuloy...
Ayan na tama nga naman si trish di pa ba pagod si gab maging mabait matutu naman siang kumaban nuh at si valeb feeling ko si gan ang tinutukoy nia haha kinikikig naman ako haha sana mabikis at may pambawi na update. Pero sana maging okay kana author kain ka ng fruits and vits. Para luamakas ka. You can do it. :-) :-) :-) thanks ulir.
ReplyDeleteGo trisha.. What plan is it? Care to tell us? Hahaha update na mr author. Ang ikli kasi ng update ngayon at matagal ko po itong hinihintay.. Huhuhu i want an update right away. Demanding?? Peace yoh.. Sino kaya ang gusto ni caleb? Spill it na.. I want to know.
ReplyDeleteJan santos
C Gab kaya ang gusto ni Caleb? Justin be a man sabihin mo na ang iyong panloloko. Gab wag sobrang mabait lumaban din pag may time. Tnx sa update. Sorry for what happen to you author take care of ur health.
ReplyDeleteRandzmesia
Shit let us all support Trisha! And... si Gab kaya yung gusto ni Caleb???? Take care of your health, mister Author. Update din agad!
ReplyDelete