Followers

Tuesday, January 28, 2014

KUNDIMAN: A Seafarer's Love 21 - 25



Chapter 21

Jason

Nahuli nga ako ni Kuya Zander dahil sa kaliitan ng lugar ko. Habang ginugulo niya ang buhok ko, biglang tumawag si Sir Keith. Nagflash ang pangalan niya sa screen. Nabigla ata si Kuya Zander sa pagvibrate ng phone ko dahil biglang napaatras ito at napabaligwas.

"Yes po?, ......ay pupuntahan po kasi kami ng pinsan ko eh.......... Sorry po talaga ha? .............Next time po promise! ............Sige po ...........bye", sabi ko rito. 

Siyempre si Kuya Zander muna ngayon sana nga lang naintindihan ni Sir Keith.

Nang lingunin ko si Kuya Zander, namutla talaga ito ng sobra. "Ok ka lang kuya?", tanong ko rito.

Tumango naman ito kahit ramdam ko ang moodshift niya.

"Alam mo kuya Zander, gutom lang yan. Sagot mo lunch natin ha? Ikaw ang big time eh", paglalambing ko sa kanya sabay akbay-sakal ko sa kanya.

Nang makawala siya sa akin, "Saan nga pala CR mo?", tanong niya.

"Ngek najejebz ka? Doon sa dulo nito", sabay turo ko sa bandang likuran ng inuupahan ko.

"Baliw magsha-shower ako bago ang date ko sa pinsan ko. Nyahaha", sabi nito pabalik habang hinuhugot nya ang tuwalya at ang mga bihisan niya sa bag niya.

Ngumisi naman ako habang binubuksan ang nakakarton pang laptop.

Excited ako dahil at last nagkalaptop din ako. Naisip kong ibalita ito kila Mama at mga kapatid ko pati na rin kay Grace ko. Naalala ko rin di pa pala siya nagrereply sa mga text ko sa kanya. Dahil siguro na rin sa busy ito sa pag aaral niya. Third Year na rin kasi siya at HIM student. Todo support naman ako sa kanya lalo na nang manalo siyang Ms. Intrams noong high school kami.

Asset niya kasi ang mata at smile niya. Napakamisteryosa at napamakahulugan ng mga titig niya. Ang mga yan ang nagustuhan ko sa kanya. Kaya siguro ikamamatay ko kung mawawala siya sa akin.

Agad ko namang nai-dial ang number ni Grace.

Walang sumagot sa kabilang linya. Siguro busy siya. Itinigil ko na lang ang pagtawag sa kanya at tinawagan ko naman sila Mama agad agad. Sumagot naman sila. Si Kevin ang nasa kabilang linya.

"Oh Kevot musta na braki?", sabi ko sa kapatid ko. Ganun kasi kami ng kapatid ko, tropa. 

"Asaan si Mama?", tanong ko rito.

"Tawagin ko lang kuya, anjan na ba si Kuya Andeng?", tanong nito.

"Oo kanina pa kaso naliligo", sagot ko.

"Pakisabi sa kanya yung pasalubong ko ha? Oh eto si Mama", sabi nito.

"Hello anak, kumusta si Zander? Ipinaalam niya na isasama ka niya sa tutuluyan niya ah. Tsak mukhang big time na kuya mo", pamungad ni Mama.

"Opo nga po Mama, niregaluhan nga po ako ng laptop eh", sabi ko at tuluyan na akong napangiti. Sakto namang lumabas si Kuya Zander sa banyo nakatapis. Wala pa ring nagbago sa ini idolo kong katawan. Naasar naman ako dahil mas maganda pa rin ang katawan niya kaysa sa akin. Tinanong niya kung saan ang shampoo.

"Si Tita Sandra?", tanong niya. Tumango ako. "Pwede pakausap?", iniabot ko naman ang phone at kinuha ang shampoo ko sa lababo. Agad ko namang binalikan si Kuya Zander.

"........ Basta tita promise yan. Secrets are secrets. Bye.. Tawag na lang po ako kapag nakalipat na kami nitong si Jason", tinapos na nito ang usapan nila ni Mama. Inabot ko naman sa kanya ang sabonera ko.


Chapter 22

Zander

Parang nabuhusan ako ng kumukulo at nagyeyelong tubig ng makita ko ang pangalang nagflash sa cellphone ni Jason. 'Sir Keith' ang nakita ko rito. Napaatras ako. Hindi. Ayokong mabiktima niya ang inosenteng pinsan ko. Hinding hindi ako makakapayag!

Pero agad akong nag isip ng mabuti. Hindi ko pwedeng tanungin na lang si Jason ng basta basta. Baka dito pa mabuko ang sikreto ko. Nag isip ako at di naman ako nabigo. Unti unting nabuo ang mga plano ko at sa tingin ko, mas magiging epektibo ito para sa paghihiganti ko.

Para makabawi sa pagkagulat ko agad kong tinanong kay Jason kung saan ang CR. Tinuro naman niya ito. Gusto ko kasing presko ako kapag namili kami ng gamit at kapag kinuha ko na si Secretariat, ang Ford Mustang ko. Agad agad akong pumasok sa loob at naghubad. Lumabas akong nakatapis lang at tinanong kung nasaan ang shampoo. May kausap siya sa cellphone.Si Tita Sandra. Binigay naman niya sa akin ito para makausap ko si Tita at saka umalis para kunin ang shampoo.

"Tita, alam niyo po ang pagkatao ko dahil di ko po inilihim sa inyo ito. Tanong ko lang po kung alam na ba ni Jason?", sunod sunod kong sabi.

"Hijo, wala pa siyang alam tungkol diyan. Pero anak sana mapagtapat mo rin yan sa kanya sa tamang oras. Mabait na bata ang anak ko siguradong maiintindihan ka niya at ayoko ko rin manggaling sa akin yan", sagot ni Tita Sandra.

"Salamat po kung ganoon Tita. Ako na po ang bahala kay Jason. Basta Secrets are secrets Tita. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nakalipat na kami ni Jason", sagot ko.

Sakto namang dumating si Jason dala ang sabonera nito.

Inabot ko sa kanya ang cellphone at pumasok sa banyo.

"Jason may pupuntahan tayo bukas. Debut ng anak ng Boss sa Shipping Company ko. I-clear mo mga schedules mo. Kailangan kita doon", sabi with authority para hindi na ito makatanggi pa.

Kakain na sana kami ni Jason sa Chowking ng makita ko ang pamiliar na mukha.

"Shit!!", naibulalas ko. Alam kong hindi niya ako nakita kaya dali dali kong hinila si Jason upang mag lunch na lang sa ibang lugar. Alam kong si Keith iyon. At hinding hindi ako namamalikmata lang. Sa KFC kami kumain ni Jason. Unli-gravy kaya tuwang tuwa siya. Napangiti naman ako. Sana hindi ko na lang kamag-anak itong si Jason. Mabait kasi ito at laging concern sa akin. Ayoko rin naman na maging incest kasi sobrang kadiri naman yata nun.

"Kuya ipapakilala kita sa kaibigan ko next time pag di na kayo busy", sabi ni Jason sa akin.
"O sige. Chicks ba yan?", biro ko rito.

"Kuya seryoso po ako. Mabait po siya tsaka pareho kayong mahilig sa Pokemon", nakangiting sabi nito.

Tama nga ako. Si Keith nga sinasabi ng pinsan ko. Ngayon maisasagawa ko na ang plano ko dahil sigurado akong kasama siya sa salosalo bukas.

Mayamaya pa, namili na kami ng susuotin namin bukas at kinuha na rin namin si Secretariat sa ParaƱaque at umuwi sa inuupahan niyang lugar. Pinag empake ko na rin siya ng kanyang mga gamit. At nang matapos siyang mag empake ay binitbit ko na rin ang mga gamit nito at inilagay sa kotse ko. Sumunod naman ito.

Sa biyahe naming papuntang Malate ay agad na nakatulog ito sa back seat. Pingako ko naman sa sarili ko na hindi na magagalaw pa ni Keith ang pinsan ko at sana nga hindi pa niya ito nagagalaw, pagkatapos ng mangyayari bukas. Sisiguraduhin ko iyon.


Chapter 23

Keith

Kumakain ako sa Chowking nang mapansin ko si Jason napadaan dito. Hinding hindi ko magkakamali dahil sa tindig nito at ang paglakad ay talagang kakaiba. Lakad sundalo. Bahagya akong napatayo pero nawalan ako ng lakas ng makita ko ang kasama nito. Si Zander. Feeling ko Pinagtakloban ako ng langit sa aking nasaksihan. Si Zander nga ang pinsan ni Jason. Kailangan kong makausap si Jason tungkol dito pero ayoko namang pangunahan si Zander tungkol dito. Naguguluhan na naman ako pero napag-isip isip ko rin na kailangan kong maging tapat kaya bahala na tutal galit din naman sa akin si Zander.

Mabilis lumipas ang mga oras dahil sa pagbili ko ng mga susuotin ko para bukas. Napili ko ang isang formal suit na americana na sakto ang fitting sa akin. Tatanggalin ko na lang ito pag nainitan na ako.

Umuwi na rin ako para makapagpahinga.

Pag uwi ko agad agad akong nag isip. Mali siguro ang magkamali pero mas mali ay ang di magsisi sa pagkakamali.

Tinawagan ko si Mabelle. Buo na ang loob kong makipagrelasyon dito.

"Hello Mabelle, si Keith to..... Naalala mo yung sabi mo sa akin na pwede na maging tayo after your debut?....", tanong ko sa kabilang linya.

"Syempre Kuya, pero kailangan mo munang manligaw!", natatawang sambit naman ni Mabelle pero bakas dito ang pagkagalak sa narinig niya sa akin. Hindi ko na mababawi ang nasabi dahil masasaktan lamang ito. Basta bahala na. Ipagtatapat ko naman kay Mabelle ang past ko kapag handa na ako. Sa ngayon dapat tuparin ko ang pangakong bagong buhay. Isang parte ng isip ko ang kumirot. Paano si Zander? Kinontra ko iyon. Di ko na siya mahal.

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa kahihinatnan ng desisyon ko.

Nagising na lang ako dahil sa isang tawag. Si Mang Fabian.

"Sir tulog na po ata kayo? Pasensiya po sa abala. Pinuntahan po kasi ako ni Maam Mabelle kanina at tinatanong kung may problema ka. Meron nga ba Sir?", tanong niya.

"Oo nga ho eh nakatulog na ho ako pero ok lang. At saka wala ho akong problema kaya wag po kayong mag-alala. Sinabi ko po kasi sa kanya na liligawan ko po siya. Bakit naman kaya niya naisip na may problema ako?", sagot at tanong ko sa kaniya.

"Ah eh oo nga ho parang wa-wala pong problema. Kaso sir ano eh basta saka ko nalang sasabihin. Tapos nga pala sir. Kami ang inimbitahan na mag catering sa debut ni Maam Mabelle", saad nito.

"Eh di mabuti po kung ganoon. Astig", sabi ko sa kanya sabay hikab.

"O sige sir kita kita nalang po bukas. Bye", binaba na rin niya ang tawag niya. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog matapos ang pag-uusap naming dalawa subalit bigo ako. Alam kaya ni Mabelle ang pagkatao ko? Sana nga hindi, dahil magiging hadlang ito para sa bagong buhay ko.

Sinubukan kong tawagan ulit si Mabelle kahit pasado alas dose na. Sinagot naman niya ito.
"O sir Keith, napatawag ka. Ano sa atin?", magiliw niyang tanong.

"Ok lang ako. Napadalaw ka raw kay Mang Fabian at tinatanong mo raw kung may problema ako. Pwede mo namang tanunging direkta sa akin", may halong pagtatampo kong pagkasabi.

Mukhang naguluhan naman si Mabelle sa pagkakasabi ko."Pasensya ka na sir kasi nag-aalala ako sa inyo", saad nito.

"Ok siya sige. Pero dahil nagkamali ka, may parusa ka", sabi na mas lalo niyang ikinaba. "Bukas, ako ang magiging escort mo at di mo na ako popoin at tatawaging Sir o Kuya at manliligaw na ako sa iyo", sunod sunod kong pagkakasabi.

"Ano?!!!!", napasigaw niyang sabi. "Talaga ssss-Keith?, cge game ako!!", bulalas niya.

"O sige kita nalang tayo bukas! Fries", tawag ko sa kaniya.

"Teka bakit Fries?", pahabol na tanong niya.

"Kasi Burger ang itatawag mo sa akin para pares na tayo", sabi ko tapos natawa sa ka-corny-han ko.

"Oh sige Burg's para pares sleep tight, bye", naguguluhan niyang paalam pero bakas ang saya sa boses niya.


Chapter 24

Jason

Nakaidlip ako sa back seat ng magpatugtog si Kuya Zander ng mga music piece ni Yiruma tulad ng 'Riverflows in you', 'Kiss the rain', 'Maybe' at iba pa. Ang mga ito kasi ang mga pampatulog music piece ko sa phone ko.
 
Nagising na lang ako ng tapikin ako ni Kuya Zander. Nakapark na ang kotse nya sa basement ng building.

"Nasa taas ang Unit ko. Maganda doon insan. Promise mag eenjoy ka. Well maintained iyon. Pinalagyan ko narin ng additional na kama para sama tayong matulog", sabi ni Kuya Zander.

Binitbit ko na ang gamit ko ng mapansin ko na marami ang nagmissed call sa phone ko. Nakasilent mode kasi ito. Binasa ko ang mga ito. Sila Mama at Sir Keith ang mga ito. Agad ko rin naman nasagot ko ang tawag ni Mama dahil muling tumawag ito. "Kuya si Brownie patay na!", ang umiiyak na sabi ni Milton, kapatid kong eight years old.

"Ipag-pray mo na lang siya Milton. Ikukuha na lang kita ng iba pag nakauwi na ako. Yung imported galing ibambansa!", magiliw kong sabi sa kanya.

Tumigil naman ito sa pag iyak at nagpaalam na. Akala ko naman kung ano na kasi kanina pa ako may nararamdamang may mangyayaring masama. Ganun kasi ako, naging mas malakas ang instinct ko nang magkaroon ako ng military training. Pero sana wala ngang mangyaring masama. Agad ko namang nakita si Kuya Zander na nakangiti.

"Grabe ang tanda ko na pala, noon baby lang yan si Milton nong huli kong makita ngayon, pacell phone -cellphone na", sabi nito.

"Eh ikaw kuya, kailan ka magse-settle down?", biro ko.

Tapos pumasok na kami sa Elevator at umandar na rin ito. Biglang nag iba ang timpla ng itsura nito.

"May mga bagay pa akong dapat asikasuhin. At may mga tao pa akong dapat mabigyan ng leksiyon", matalinghaga niyang pahayag.

Nagkatalinghagaan naman na eh di nagpahaging na lang ako.

"Kuya mukhang may galit ka ha? Si Ate Reah pa rin ba yan(Si Reah ay naging girlfriend ni Reah four years ago na nakipagbreak sa kanya dahil sa isang issue na ayaw sabihin sa akin) Tandaan mo kuya- There is just thin line separating hatred and love. Kung sino man yan kuya, Tiyak mai-inlove ulit siya kapag nakita ka niya....", sabi ko ngunit nasigawan niya ako.

"Shut up Jason. Im not asking for your opinion!", sigaw nito.

Dumipensa naman ako dahil black belter kaya ito sa taekwondo no.

"Sorry na kuya, chill masyado mainit ang ulo niyo. Baka mag-apoy kayo", biro ko rito. Mukha kasing tinamaan siya sa sinabi ko.

"Pasensya ka na ha. Pagod lang kasi ako. Tsaka huwag mo ng ipapaalala sa akin si Reah", bawi niya.

Wala kaming imikan hanggang magbukas ang pinto ng elevator at makapasok kami sa loob ng unit niya.

Iniayos ko na ang gamit ko sa may aparador na walang laman. Ayos talaga sa unit niya. Mas malaki ito kumpara sa unit ni Sir Keith. Pero mas maganda ang kay Sir Keith kasi personalized na yun. Itong kay Kuya Zander, halatang bago kasi ang motif nitong maroon-white-black ay hindi pa nadi-disarrange. Well maintained naman kaya maganda pa rin.

"Ihanda mo na ang isusuot mo. After lunch bukas sisibat na tayo kasi sa Bataan gaganapin ang debut. Kaya medyo matagal ang biyahe", sabi ni Kuya Zander.

Agad agad rin naman ako nakatulog dahil na rin sa pagod at pag-iisip tungkol sa kutob ko kani kanina.


Chapter 25

Zander

Mahimbing na ang tulog ni Insan pero ako di parin madalaw ng antok. Past one na kanina sa huling time check ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pahaging ni Insan Jason. Paano kung tama nga siya? Paano kung maputol ang linyang nagdidikit sa galit at pag-ibig? Wala pamanding pumalit sa kanya sa puso ko dahil nga nabalot ito sa poot at galit? Naasar tuloy ako sa sarili ko. Pero buo na ang isip ko sa pagganti ko sa kanya. Kailangan nyang maramdaman ang naramdaman ko. Hindi ko na napansing nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko, wala na si Insan Jason sa kama niya. Maayos na rin ang higaan nito. Sanay naman kasi ito dahil sa training nila sa academying pinasukan niya. Lumabas ako kwarto matapos kong magsipilyo. Nasa kusina pala ito nagluluto.

"Kuya pasensya ka na sunny side up egg at tocino lang ang niluto ko for breakfast kasi hindi naman ako marunong magluto. Pero masarap naman po akong magluto hindi nga sanay", sabay halakhak naming dalawa. Napawi na ata ang bad mood nito kahapon.

"Kuya saan sa Bataan ang pupuntahan natin?", tanong nito sa akin habang sumasandok ng kanin sa rice cooker.

"Sa isang resort sa Mariveles. Tsaka balita ko marami ring aattend doon na officer sa school niyo", sabi ko sa kanya.

"Ganun po ba? Baka kasi kupalin ako ng mga yun eh", sabi nito at nagkamot ng ulo.

"Ako bahala sa iyo basta dikit ka lang sa akin. Ninong ko sa bunyag si Com.__________ naalala mo?", sabi ko naman dito. "Tsaka naka-maskara naman tayo dun", dagdag ko.

Pinagsaluhan naman namin dalawa ang inihanda niya na agahan.

Matapos makakain ay agad naman niyang inayos yun at hinugasan sa lababo.

Ako naman, dumiretso sa sala upang manood ng balita.

Hindi ko na namalayan ang paglakad ng oras dahil pagkatapos ng pinapanood kong documentary sa ANC ay pasado alas nuebe y media na. Wala namang naging imik itong si Jason dahil busy sa pangangalikot ng bago niyang laptop na bigay ko.

Ako pa mismo ang nagpaalala sa kanya na may pupuntahan kami.

"Kaya naman pala eh, si Grace ang kausap! Ganda niya insan! 'Pag pinaiyak mo yan kukunin ko yan sayo", biro ko rito.

Naging serious naman ang mood nito sa joke ko.

"Sapagkakaalam ko kuya wala sa lahi natin ang pagpapaiyak sa minamahal natin. Mas bale ng tayo ang magparaya para sa ikaliligaya ng mahal natin", sunod sunod niyang sabi.

Ako naman ang napatulala. At napansin niya na naapektuhan ako.

"Sorry na kuya! Hindi ko naman po akalaing affected ka pa rin eh. See? tayo ang nagpaparaya!", bawi niya.

Napaisip ako. Totoo ba? Hindi ko nga ba pinaiyak ang mahal ko? Then immediately, I made a bracket Keith is excempted. I do not love him. Then sino ang minahal ko? Si Reah? For God sake lalong hindi dahil tinulungan ko lang itong magmove on.

Napagtanto kong napalalim ang pag-iisip ko dahil sa nagpaalam na si Insan Jason upang maligo. Tapatango na lang ako.

Mayamaya pa ay lumabas na rin ito dahil tapos na siyang maligo.

Bumuntong hininga na lang ako ng makita ko ang katawan ng pinsan ko. Hanggang kailan ko itatago sa mundo na ganito ako?

Binura ko muna ang ideyang iyon dahil hindi pa naman ito ang problema ko sa ngayon.

Ang plano ko ay magdusa si Keith. 

At iyon muna.

1 comment:

  1. ooohhh shit sana mas mahaba pa yung updates..





    cant wait for the next installment

    -Hiya!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails