NICKO
A Promise of Forever
Oras ng Reccess nun ng magpasya kaming sa gilid na ng gym kumain malilim sa parteng yun kaya pwedeng tumambay at kumain.. Madadama mo yung sariwang hangin at maririnig mo yung nakakakalmang huni ng mga ibon at pagaspas ng mga sanga ng matandang punong nanduon.
" you know what nicko yung girl na bumangga sakin kanina parang kuto.?" saad ni jonas habang nakatingin sa malayo kumunot naman yung noo ko.
" pano naman sya naging kuto ang sama mo talaga noh."
" kasi nicko hindi na sya nawala sa utak ko simula kaninang umaga.. Yung magaganda niyang mata at napakapula niyang labi para nga syang si snow white eh." wala sa sariling saad ni jonas napagmasdan ko naman yung mukha niya.. " nicko do you believe in love at first sight.?" lingon niya sakin agad ko naman iniba yung tingin ko.
" hindi eh."
" ako rin hindi eh pero kaninang umaga parang gusto ko na maniwala."
" huh what do you mean.?"
" nicko I think I'm inlove." ngiti niya sakin..ilang sandali akong Natigilan sa sinabi nito.. Inlove.? " nicko Inlove ata ako.?"
" jonas are you serious.?"
" oo nga nicko ngayon ko lang naramdaman to.. Yung parang may libo libong tumatambol sa dibdib mo.. Ganun yung feeling.. Alam mo yun parang rebisco nagkaroon ng choco coated yung heart mo.. Nabalot ng napakatamis na chocolate yung puso mo." nakangiti niyang saad. Umiba lang ako ng tingin ng marinig yung sinabi niya.. Inlove na sya.. Bakit ba ko umaasa.. Bakit ba.. Gusto tumulo ng mga luha ko ng mga oras na yun pero pilit kong pinipigilan. " nicko ok lang naman na mainlove ako di ba hindi ka magagalit.?" tumingin naman ako sa kanya saka marahang tumango.. Napangiti naman sya.
" ok lang." maikling saad ko saka uminom sa juice na hawak ko.
" sigurado ka ba nicko baka kasi ayaw mo."
" no ok lang talaga."
" yes nicko.. Gusto ko malaman yung name, address, contact number, favorite color at bibigyan ko sya ng suklay.."
" suklay.?"
" nicko hindi mo ba nakita yung buhok niya kanina parang one year hindi nagsuklay eh.. Mukha snow white na hindi marunong magsuklay." natatawa niyang saad.
" baliw ka pasagutin mo nalang ng slumbook."
" ano naman yun.?"
" ito naman parang hindi high school.. Pero sabagay babae lang kilala kong may ganun.?" pilit na ngiti ko.. Hindi ko mapigilan yung sarili kong titigan yung mukha ni jonas ng mga oras na yun kita ko lang yung saya dito.
" nicko alam mo ba kung anong section yun..?"
" uhm nakikita ko sya before kasama ni anthony."
" anthony yung bakla.?"
" oo.. Oh baka sabihin mo nanaman na kadire yun.. Mahiya ka naman."
" oo na sige na hindi na.. Punta tayo sa room nila.." ngiti niya sakin saka tumayo.. Tumingala naman ako saka tumingin sa mga sanga ng puno na nanduon.. alam ko konti nalang tutulo na yung luha ko.. Konti nalang papatak na yung mga luhang gustong magunahan bumagsak sa mata ko.. Ito na ba talaga yun.
" anong gagawin natin dun.?" saad ko nalang habang nakatingala.
" gusto ko lang makita si snow white." natatawang saad niya. "nicko bakit ba ganito yung nararamdaman ko.. Alam mo yun parang nakalutang ako.. Parang makita ko lang sya magiging buo na yung araw ko." nanatili lang akong nakatingala dahil baka hindi ko mamalayan yung mga luha ko hindi niya pwedeng makita na nasasaktan ako. "Ayoko ng nararamdaman ko sa kanya kasi alam ko mali pero alam mo yun ayoko sya mawala sakin ayokong magbago kung ano meron kami. Nicko ayaw kong masira yung mga pinagsamahan namin. Tuwing hawak ko yung kamay niya parang ayako ng bitawan." seryosong saad niya habang nakatungo napatingin naman ako sa mukha niya na nakakunot ang noo.
" nahawakan mo na yung kamay niya.?"
" ah eh I mean pag nahawakan ko na yung kamay niya baka hindi ko bitawan.." pilit na ngiti niya.
" ewan ko sayo.. Mamayang uwian mo nalang sya puntahan malapit na magsimula yung next class natin eh." saad ko saka tumayo at nagsimulang maglakad ayoko na marinig yung mga sasabihin niya baka lalo lang akong masaktan.
" nicko wait lang." habol niya saka sumabay sa paglalakad at umakbay sakin.. Kumunot lang yung noo ko ng marinig yung pagbuntong hininga niya.
" why.?"
" give me your hand."
" why.?"
" uhm basta nicko akin na yung kamay mo." saad niya saka kinuha yung kamay ko ngumiti lang sya saka may nilagay sa palad ko. " munting regalo para sa nagiisa kong kapatid.." pag tingin ko sa palad ko nakita ko lang dun yung monami na candy pag tingin ko sa kanya nakita ko lang yung ngiti niya sa labi Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko ng mga oras na yun kaya mabilis na kong naglakad. " wait nicko teka lang umiiyak ka.?" habol niya sakin.
" no napuwing lang ako." pilit na ngiti ko.
" sure ka hilamos ka muna baka mainfect yan eh.?"
" no jonas I'm ok." kinuskus ko lang yung mata ko saka ngumiti sa kanya pero tuloy parin yung mga luha ko.
" teka nga lang." pigil niya sakin sa paglalakad.
" ok nga lang ako jonas."
" hihipan ko steady ka lang." saad niya saka hinawakan yung mukha ko marahan lang syang umihip sa mata ko.. Ramdam na ramdam ko lang yung init ng palad niya sa pisngi ko.. Marahan ko lang syang tinulak. " teka lang hihipan ko pa."
" ok na look." saad ko saka dinilat yung mata ko sa kanya. " ok na di ba."
" nagluluha parin yung mata mo eh."
" mawawala na yun in a while.. Tara na malelate na tayo."
" sure ka nicko.?"
" oo nga."
Nang hapon na yun mag-isa lang akong umuwi sa bahay.. sabi ni jonas susubukan niya daw iapproach yung babae kaninang umaga. Haixt bakit ba ang sakit sa puso alam ko naman na darating talaga yung panahon na magkakaroon sya ng gusto..akala ko tanggap ko na pero masakit parin talaga. Masakit tanggapin yung katotohanan na kahit kailan hindi kami pwedeng dalawa..na kahit kailan hindi niya ko mamahalin ng higit sa isang kapatid.. Masakit oo pero ano naman magagawa ko. Isang buntong hininga lang yung painakawalan ko ilang sandali pa kong nanatiling nakatayo sa harap ng pinto ng apartment namin ni jonas ng marinig ko yung pagbukas ng pinto ng bahay nila aling mercy.
" nicko anong ginagawa mo jan ? si jonas.?"
" may dadaanan pa po eh."
" kumain ka na ba iho.?"
" yes po aling mercy salamat po."
" ok sige." ngiti nita tumango naman ako saka pumasok sa bahay dumeretso lang ako sa tv para isaksak yung usb na hawak ko saka nagsimulang magpatugtug umupo lang ako sa sofa saka sumandal
"sana'y di na tayo magkahiwalay kahit kailan pa man.. Ikaw lamang ang aking minamahal Ikaw lamang ang tangi kong inaasam.. Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta wala na kong hihilingin pa.. Wala na." bigkas ko sa lyrics ng kanta.. Ngumiti lang ako saka umiling haixt binuksan ko naman yung bag ko saka nagbuklat ng notebook napalingon lang ako sa pinto ng marinig yung katok duon agad naman akong lumapit dito saka binuksan.. Nakita ko lang yung si anthony na nakangiti.
" anthony why.?" tanong ko dito pag bukas ko ng pinto.
" uhm wala lang narinig kasi kitang kumakanta kaya kumatok ako.. Baka kasi umulan eh." ngiti nito hindi ko naman mapigilang matawa. " malungkot ka noh.?"
" huh hindi ah."
" sus. Hindi mo ba ko papasukin.? May dala akong corneto."
" uhm anthony wala kasi dito si jonas eh may dadaanan pa daw." napapakamot na saad ko.
" I know nakita ko sya kanina kausap si jenny.. I think nagkakapalagayan sila ng loob." ngiti nito natigilan naman ako sa sinabi niya " papasok na ko.?"
" ah eh sure.." saad ko saka tumabi.. pumasok naman sya saka umupo sa sofa. " pasensya na huh mejo magulo."
" hindi naman masyado. Sakto lang. Nice music huh silent sanctuary.?" ngiti niya tumango naman ako saka niligpit yung gamit ko.
" uhm anthony ok lang magtanong.?" saad ko tumingin naman sya sakin na nakakunot ang noo. " kung ok lang naman.?"
" yung tatanong mo ba ay kung bakit ako nandito gayong alam ko naman na wala si jonas dito.?" pilit lang akong ngumiti saka tumango tinaas naman niya yung hawak niyang plastik. " si jonas nagbigay neto istorbo daw kasi ako sa kanila ni jenny then I asked him kung pwede kitang puntahan dito.. Ayaw nga nung una eh pero napapayag ni jenny." ngiti niya.
" eh di ba si jonas ang gusto mo eh bakit gusto mo ko puntahan dito.?"
" ang ganda kasi ng eyes mo eh.. Gusto ko lang makita." ngiti niya. " gwapo ka nicko hindi naman masama na magustuhan kita di ba.?"
" uhm anthony kasi uhm"
" kasi.?" ngiti niya saka tumayo at pinatay yung tv.
" wala pa kasi sa isip ko yan eh."
"joke lang ito naman.. Alam ko naman kung sino talaga yung gusto mo eh.."
" huh? Gusto ko.?"
" yeah.. Nicko nakikita ko sa mga mata mo." saad niya saka nilabas sa plastik yung dalawang corneto. " tara kainin na natin tong libre ni papa jonas."
" anthony sino gusto ko..?"
" hindi lang kapatid yung turing mo sa kanya di ba.. Nakikita ko yun sa mga mata mo kaya hindi mo madedeny yun." natawa lang ako sa sinabi nito saka kinuha yung corneto. " bakit ka tumatawa.?"
" kasi kalokohan yung sinasabi mo."
" anong kalokohan dun.. Seryoso yun nararamdaman ko talaga.. Saka halata ka naman eh.."
" no hindi talaga seryoso."
"Shut up na kahit anong sabihin mo at pagdedeny hindi parin ako maniniwala. Mahal mo si jonas tapos."
" anthony nagkakamali ka."
" shut up kainin mo na yan.. Makakapagpagaan yan ng loob mo kahit kay jonas galing yan." tiningnan ko naman yung cornetong hawak ko.
" pero anthony mali ka ng ini-"
" shhss."
" pero mali tala-"
" haixtt uuwi na ko sa bahay ko nalang to kakainin inaantay na ko ng sister ko sa bahay.. Nicko oo nga pala ok lang bang tulungan mo yung cousin ko sa book report..kay jenny kasi sana ako magpapatulong eh si jonas epal sabi niya magaling ka daw dun kaya sayo nalang. Magbabayad nalang daw yung cousin ko don't worry."
" teka lang kainis talaga yun si jonas."
" basta huh.. Sige na alis na ko.. Wag ka masyadong magsenti nakakabaliw yan." saad niya saka lumabas ng bahay napakamot naman ako sa ulo saka napabuntong hininga.. Pano niya kaya nalaman na gusto ko si jonas kainis naman oh.. Haixxtt.. Ganun ba ko kahalata sa nararamdaman ko.. Pabagsak lang akong naupo sa sofa. kainis.
Nakapagluto na ko ng sinaing at hotdog para sa hapunan namin ng dumating si jonas kita ko lang yung ngiti nito sa labi.. Yumakap lang to sakin ng makita ako sa kusina marahan ko lang syang tinulak.
" nicko si jenny I think type niya rin ako.."
" really."
" yeah ang tagal namin nagkwentuhan ayoko pa sana umuwi eh kaso papagalitan na daw sya."
" san kayo galing.?"
" sa park lang ok sya kausap.. Mejo wierd nga lang halos lahat ng kwento niya puro school related.. Hindi katulad natin na pag nasa bahay bawal muna ang topic about school." ngiti ni jonas habang nagkakamot ng ulo. " pero nicko gusto ko parin sya kahit wierd. yung mga mata niyang super ganda tapos yung labi niya na parang ang sarap halikan." ng lingunin ko sya umiwas lang sya ng tingin saka pumunta sa mesa. " wow ang sarap nito ah."
" sus hotdog lang yan.. Wala na kong maluto sa ref eh.. Kain na tayo." saad ko nalang saka naglagay ng plato sa mesa..
" pumunta dito si anthony.? Binigay ba niya sayo yung corneto.?"
" yeah.."
" wala naman syang ginawa sayo di ba...?"
" ano naman gagawin niya sakin.?"
"uhm baka kasi nirape ka niya eh.. Naku masasapak ko talaga yun.. Sabi niya magpapatulong lang sya sa book report ng cousin niya eh."
" ang oa mo naman rape agad.. Bakit mo naman sinabi mo na magaling ako gumawa nun.. Nakakainis ka pa nga."
" ano ka ba nicko magbabayad daw kasi yung cousin niya extra income din yun may mga kakilala pa ko na gusto din magpagawa eh mga tamad.." natatawang saad niya. " Magagamit mo yang katalinuhan mo para kumita ka ng pera pero don't worry nicko yung perang makukuha mo dun sayo lang yun hindi ako makikihati.. Utak mo naman yung gagamitin mo eh." ngiti niya.
" oo nga noh.. Pera din yun basta hati tayo.."
" wag na noh."
" hati tayo para may pangdate ka naman kay jenny mo."
" alam mo na yung name niya.?:
" nabanggit lang ni anthony.."
" basta sayo lang yun ayoko na makihati sayo.. May pera naman akong sarili saka maghahanap din ako ng pwedeng pagkakitaan.. Hindi man gamit yung utak i have a face naman magagamit ko to." natawa naman ako sa sinabi niya. " bakit totoo naman ah.?"
" ano naman pagkakakitaan mo using your handsome face.?"
" wow handsome talaga.. Uhm pwede akong model or sasali ako sa mga contest kala mo.. Basta ako ng bahala."
" malamang sa contest kailangan may utak ka din noh."
" hoy minsan nadadaan yun sa pacute noh." ngiti niya saka nagpacute sinimangutan ko naman sya. " nicko bast wag mo na ko hatian ok."
" basta hati tayo ikaw maghahanap ng tao na pwede natin pagkakitaan." napangiti lang ako ng makita yung pagtawa niya.
" ang iligel ng tunog nicko.."
" anong ilegal dun basta ikaw ang maghahanap ng tao na kailangan yung tulong ng napakatalino mong kapatid.."
" yabang.."
" yabang ka jan totoo naman di ba.?" ngiti ko.
" oo na nga sabi mo eh.. Nicko papakilala kita kay jenny huh tomorrow." kumunot naman yung noo ko saka tumingin sa kanya. " nakwento kasi kita sa kanya eh sabi ko napakatalino mo."
" kilala ko na nanaman sya kaya ok lang."
" basta tomorrow ok. I'm sure magugustuhan mo sya." napakamot naman ako sa ulo saka umiling. " Bahala ka na nga kain na tayo nagugutom na ko eh.."
" yes aking kamahalan,." saad ko nalang. Simula ngayon kailangan ko ng burahin yung nararamdaman ko sa puso ko.
Si Anthony
Malayo palang ako tanaw na tanaw ko na si kuya mark na nag-aantay sakin sa gate ng bahay namin. Ngumiti lang ako dito saka tinapik yung balikat nito.
" confirmed kuya." pilit na ngiti ko dito.
" what do you mean.?"
" hindi lang kapatid turing niya kay jonas.. Hindi niya inamin pero halata naman sya eh.. Do you still like him.?"
" yeah gusto ko parin sya.. Natanong mo na ba sya about sa book report malay natin baka ito na yung way para mapalapit tayo sa kanya." ngiti ni kuya mark napagmasdan ko naman yung mukha nito.."
" sana kuya mark gusto ko nga sya yakapin kanina eh kitang kita ko kasi yung lungkot sa mata niya.."
" hey isali niyo naman ako sa usapan tungkol ba yan kay kuya nicko.?" bungad sakin ni annalyn paglabas ng gate ngumiti lang si kuya mark saka tumango. " so what happened.? Teka teka kuya mark walang chance noh.. Sabi ko naman sa inyo hindi ganun si kuya nicko eh.. Ang gwapo gwapo niya eh."
" annalyn mukha malungkot sya." saad ko lang.
" bakit sya malungkot.?"
" kasi si jonas mukhang may nililigawan na."
" you mean kuya may gusto sya kay jonas.. My god.." tumango naman ako. " aixt naman sayang naman si kuya."
" so annalyn since nagkagusto sya kay jonas I think I have a chance.." ngiti ni kuya mark napakamot naman sa ulo si annalyn . " oh bakit.?"
" kainis naman pinakita ko nga yung picture ni kuya nicko sa mga classmate ko.. Crush na crush nila si kuya nicko. Ang gwapo gwapo daw ng kapatid ko tapos lalake din pala ang hanap.. Btw may plano na ba kayo kung kelan natin sasabihin sa kanya..kinukulit ako ni mommy eh."
" wala pang plano. Pero mas ok siguro kung wag muna." saad ko lang.
" kuya mark if magkagusto rin sya sayo wag mong saktan yung kapatid namin huh..Alam mo Nung nakita ko sya sa tindahan gusto ko sya yakapin ang ganda ganda ng mga mata niya tapos yung smile niya super cute.. Buti hindi niya napansin na mejo pagkakahawig kami."
" basta annalyn wag mo muna sya lapitan huh baka madulas yang makati mong dila.." natatawang saad ko.
" sana kuya anthony mayaya mo sya dito sa house natin huh."
" subukan ko.." saad ko lang.
" teka kuya anthony ang alam pa rin ba nila bakla ka.?"
" oo.. Ok na rin yun para makalapit ako sa kanila.. Pero tingin ko naman hindi ko na kailangan magpanggap yung classmate ko kasi yung type ni jonas.. So kuya mark chance mo na to.."
" haixt sayang talaga si kuya nicko.." nakita ko naman na lumabas ng bahay si mommy saka naglakad papunta sa gate.
" hey pasok na kayo dinner na.. Mark dito ka magdidinner.?"
" uhm no po tita uuwi po ako.." saad ni kuya mark tumango naman si mommy.
" oh kayong dalawa pasok na.. Lalamig yung pagkain."
" yes mom." ngiti ni annalyn tumalikod naman si mommy saka pumasok sa bahay. " kuya mark sige na kain na kami goodluck nalang."
" kuya mark sige bye kitakits tomorrow."
" sure.." saad ni kuya mark saka naglakad patungo sa bahay nila.. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad.. Nung unang pinakita ko sa kanya yung picture ng kapatid kong si nicko hindi na sya tumigil sa kakatanong.. Alam ko hindi normal yung pagkakagusto niya kay nicko pero mabait si kuya mark.. Mga bata palang kami kilala ko na sya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pumasok sa bahay.
SI Nicko
Kinabukasan ng hapon muli magisa lang akong naglakad pauwi sa bahay.. Si jonas may usapan daw sila ni jenny.. Nasasaktan ako pero siguro dapat ko ng tanggapin yung katotohanan.. Natigilan lang ako ng isang lalake yung sumabay sa paglalakad ko.. Ilang sandali kong pinagmasdan yung mukha niya.. Yung mahahaba niyang pilik mata yung mapula niyang labi at matangos na ilong.
" hi." lingon nito sakin agad naman akong umiba ng tingin.
" uhm hi.. Schoolmate right.?"
" yeah.."
" so what can I do for you.?"
" cousin ako ni anthony.. Nicko di ba.?"
" ah yeah so ikaw yung cousin ni anthony na magpapatulong sa bookreport.?" ngiti ko.
" uhm yeah nabanggit niya na pala sayo.. I know mali yung magpatulong pero kasi alam mo na mejo nakakatamad kasing gawin yun.. Ok lang naman di ba.?"
" oo naman.. Magbabayad ka naman di ba.?" ngiti ko natawa naman sya sa sinabi ko. " well sa panahon ngayon wala ng libre." ngiti ko lang.
" oo naman kahit magkano pa yan."
" wooohhh talaga baka pag siningil kita ng malaki magreklamo ka... Alam mo kasi yun super nakakapagod mag-isip.?" natatawa kong saad kita ko naman na napakamot sya ng ulo saka umiba ng tingin.
" uhm nicko wag naman masyadong mahal mauubos allowance ko.?"
" joke lang..so kailangan ko gagawin.?"
" ikaw next week na pasahan nung samin eh.. Gusto ko sana kasama mo ko sa paggawa nun.."
" huh bakit naman.?"
" uhm para masabi ko sayo kung may gusto akong baguhin or palitan sayang naman yung effort mo kung hindi ko magugustuhan di ba.?"
" wala kang tiwala sakin.?"
" hindi naman sa ganun sige na gusto ko din makita kung pano ka gumawa nun saka malay mo pag katabi mo ko gumawa nun mahawa ako sa katalinuhan mo." ngiti niya.
" sige bahala ka." saad ko nalang tumango naman sya kita ko lang yung ngiti niya sa labi.. Perfect set of teeth.. Saad ko lang sa sarili kaya napangiti ako.
" bakit ganyan ngiti mo.?"
" huh ah eh wala lang.. Totoo ba yang ngipin mo?" saad ko lang tumigil naman sya paglalakad kaya npahinto din ako. " uhm so pustiso yan.?"
" grabe hindi ah.?" ngiwi niya lang saka pinakita sakin yung ngipin niya. " look totoo lahat yan walang pustiso jan kahit bagang buo yan.. Hawakan mo pa"
" totoo talaga..?"
" oo nga.. Well asset ko yan.. " saad niya pa saka ngumiti na kita yung ngipin niya.. Ilang sandali ko lang syang pinagmasdan saka napailing.
" well that's a gift."
" hindi ah nasa pagaalaga yan." saad nito tumango naman ako saka muling naglakad. hanggang makarating kami sa tapat ng apartment namin ni jonas. " number mo para matext kita." saad ko lang.
" kukunin mo number ko.?" ngumiti lang ako saka inabot yung cellphone ko sa kanya kinuha naman niya yun.
" oo naman.. Ano nga name mo.?"
" mark.. Yan nasave ko na.. Text mo ko agad huh." ngiti niya saka inabot yung cellphone sakin nagtype lang ako saka sinend narinig ko naman na tumunog yung cp niya sa bulsa. " yun thanks."
" sige pasok na ko text text nalang kung kailan natin gagawin yung bookreport mo." saad ko lang tumango lang sya saka sumaludo napangiti lang ako sa ginawa niya.
" bye nicko." saad pa nito saka tumalikod at nagsimulang maglakad.. Ang gwapo kaso mukhang maloko. Napailing lang ako sakan pumasok sa gate ng apartment pag bukas ko palang ng pinto naramdaman ko na yung kahungkagan ng bahay.. Ang tahimik.. Bumuntong hininga lang ako mukhang maya maya pa uuwi si jonas. Haixtt tuloy tuloy lang ako sa sofa saka pabagsak na naupo natigilan lang ako ng makita si jonas sa pinto.
" oh kala ko magkukwentuhan pa kayo ni jenny.?"
" sino yung kasama mo.?"
" kasama ko.?"
" oo sino yun?"
" ahhh si mark yun yung cousin ni anthony na magpapatulong sa book report. Nakasabay ko lang sya dun sa kanto." pansin ko naman yung pagsimangot niya. " why what happened bakit ganyan mukha mo.. Si jenny ba.?"
" no.." maikling saad niya saka tuloy tuloy sa kwarto.
" jonas ok kalang ba.?" habol ko sa kanya sa kwarto naabutan ko lang syang naghuhubad ng damit ilang sandali naman akong natigilan.
" parang close na kayo nung cousin ni anthony ah anong pangalan nun.?" umiwas lang ako ng tingin ng lumingon sakin si jonas.. Haixt bakit ganito ba nararamdaman ko.
" ah.. Uhm mark."
" really? Mark.?" saad niya saka lumapit sakin na walang suot na tshirt. " kinuha mo pa number niya huh.?" napalunok lang ako ng mapagmasdan yung katawan niya ilang beses ko na nga bang nakita yun pero bakit ganito nararamdaman ko ngayon.. haixt
Haist. Bitin na naman. Update kagad. pleasr author... ^_^
ReplyDeletenice, so magkapatid sila. inaabangan ko talaga to. sana matapos..tingin ko kay jonas me gusto rin sya ky nicko..masaya to. sino kaya ang unang bibigay? tnx author.
ReplyDeletegrey
wow... paganda na ang flow ng story ni nicko boy... kaabangabang na ...ang mga chapter... si anthony pala kapatid sa ama....ano kaya ang maging reaksyon ni nicko..
ReplyDeleteramy from qatar.
Isa to sa mga aabangan ko..
ReplyDelete- Mike
A promise of forever nina nicko at jonas. Kaya kahit anong mangyari, cla pa ein sa huli. Eto ang isa sa mga stories na nabitin tayo dahil d natapos sa kabilang blog
ReplyDeleteSana ngayon walang iwanan. Hanggang katapusan to. Author ha
Deal yan ha
Galing talaga.. so far di pa ako binibigo.ng blogsite nato... pansin ko lng ung napili kong Ang Kuya kong Crush ng Bayan at uting NIcko ay may similarity.. hmmm. Encore!
ReplyDelete*** Rhaf
Ang Galing! So far di pa ako binibigo ng blogsite nato... every chapter ng kwento parang andun talaga ako... feel at home ako dito.. kudos sa Author!
ReplyDeleteParang gaya din ng ANG KUYA KING CRUSH NG BAYAN tong NICKO
Ang Galing! So far di pa ako binibigo ng blogsite nato... every chapter ng kwento parang andun talaga ako... feel at home ako dito.. kudos sa Author!
ReplyDeleteParang gaya din ng ANG KUYA KING CRUSH NG BAYAN tong NICKO
------ Rhaf