Chapter 26
Keith
Pasado ala una palang ay nasa SM City Pampanga na ako. Hindi ko naman kasi akalaing ganito kabilis ang magiging biyahe kahit na may mga aberya sa daan kanina. Kaso ayos lang naman kung mapaaga ako ng punta sa debut ni Mabelle. Para na rin makausap ko siya ng masinsinan at mapadama ko rin na magiging seryoso ako sa kanya.
Alam kong pag nagkamabutihan kami ni Mabelle ay mapropromote din ako sa posisyon ko sa company ng Daddy nitong si Boss William at makakapagbagong buhay na ako. Habang binabaybay ko ang daan ay di pa rin ako mapakali. Binuksan ang beer na binili ko habang nagdra-drive, umiinom. Kailangan ko bang ituloy ang pagsisinungaling ko para sa bagong buhay na inaasam ko?
Bandang alas tres na ng makarating ako sa Resort nila Mabelle. Wala pa masyadong tao doon. Pawang mga service crew lang ng catering na binayaran ang mga nandoon. Hindi pa rin naman ako nakabihis at medyo masangsang ang amoy ko dahil sa alak na nainom ko sa daan. Balak ko lang naman na magpalakas ng loob kaso napaisip ako ng malalim kaya nakalimang can ako ng beer. Medyo may tama nga ako at nahihilo.
Agad namang may lumapit sa akin. Si Mang Fabian pala. Bukod kasi sa pagiging mekaniko in weekdays, sumasideline ito na service crew sa isang Catering Service ng isang classmate ko noong college ako twing may pagkakataon at mostly weekends.
"Kanina pa kayo hinihintay ni Maam Mabelle sa kwarto niya. May balak ata siyang kausapin kayo ng masinsinan", sabi nito. Tumango naman ako at nagtanong kung saan.
Inihatid naman ako ni Mang Fabian.
Pinagbuksan naman ako ni Mabelle.
"Maiwan ko muna kayo Bossing Maam", paalam ni Mang Fabian at lumabas.
Nanloloko pang sumenyas sa akin ng ok.
"Keith, may aaminin ako sa iyo", pauna ni Mabelle sakin.
"Alam ko nang hindi ka na buong Lalake. Na hindi na ikaw ang inaakala kong DreamBoy ko", sabi nito at nangilid ang mga luha nito.
"Pero tanggap kita. Wala eh ikaw ang laman nito eh", sabay turo sa bandang dibdib niya.
Sa mga sandaling iyon, wala na akong pakialam kung magkasingkahulugan ang 'pag ibig' at 'pagtanggap'. Ang alam ko lang tanging kami lang ang tao sa daigdig. Siya ang kaunaunahang tao na nakaintindi at nakatanggap kung sino ako.
Wala akong masabi sa mga oras na iyon. Ang alam ko lang unti unting naglapat ang aming mga labi at umindayog ang buong daigdig kasabay sa pagsalo naming dalawa sa sukdulan ng aming mga nararamdaman sa isat isa. Tumigil ang oras sa pagpitik at ganun din ang mundo sa pag-ikot nito. Naging isa kami sa lilim ng pag-ibig at pagtanggap sa bawat isa. Wala kaming pakialam sa oras at kahit sa ano man. At maski si Zander ay nakalimutan ko.
Parehas na hubot hubad kami matapos ang aming eksena. Napansin ko ang dugo sa unan na pinagpatungan ko sa kanya kanina. Virgin pa nga siya at ako ang nakauna sa kanya. Wala naman daw siyang pinagsisisihan sa aming pagnininiig dahil pareho namin itong ginusto.
Nakahiga kaming dalawa ng marinig namin ang room service.
Mag-aalas singko na. Hindi pa bihis ang magdedebut. Tinanong ko kung masakit pa. Umiling ito at naglakad papuntang banyo.
Matapos ang ilang minuto, lumabas ito at nagpaalam na magpapaayos nalang daw siya sa labas. Nakangiti itong humalik sa akin. Ako rin. Nagsimula ko ring ayusin ang sarili ko para sa party mamaya. Sigurado na ako sa desisyon ko. Ang pagbabagong buhay ko at ang paglimot sa mapait na nakaraan.
Chapter 27
Jason
Nahalata kong hindi mapakali si Kuya Zander sa pagdra-drive kasi kanina pa ito may tinatawagan.
"Kuya alam mo bang 70% ng vehicular/ road accident ay dahil sa pag-o-operate ng electronic device habang nagdra-drive?", biro ko sa kanya.
"At may batas ng nagbabawal niyan?", dagdag ko pa.
"Sorry na insan may kinausap lang ako. Importante. Kasi pagdating doon, i-fla-flight mode na lahat ng electronic device para maitutok ang atensiyon para sa celebration", sagot nito.
"Ganun po ba?", pang-iitindi ko rito.
Wala namang naging laman ang mga pinag-uusapan namin hanggang sa mapadaan kami sa pasukan ng school namin. Malapit na rin yun sa pupuntahan naming resort ng Boss niya. Naging topic namin kung anong plano niya sa buhay.
"Gaya ng sinabi ko, may mga taong dapat may matutunan at ngayong gabi ako ang magiging guro niya", sabi niya ng may ngitngit.
"Wala po ako sa lugar para po pangunahan kayo kuya Zander sa desisyon niyo. Pero sana pagkatapos nito. Mag move on na kayo. Sabi nga nila, 'people got beaten up, got caught helpless, got lose, got hurt and aim for revenge but after they got what they want, what's next?'. Kuya sana hindi mauwi ang buhay niyo sa puro paghihiganti lang. May mga taong handang magbigay sa inyo ng rason para mabuhay. Kuya, walang huli na hindi pinasisihan kung mali ang naging desisyon niyo", mahaba habang pangaral ko dito.
Akala ko tuloy mapagtatanto na nito na hindi na nito itutuloy ang pagganti nito sa kanino man pero bigo ako dahil sumagot ito.
"Tama ka nga sa lahat ng sinabi mo, pero gaya ng sinabi mo wala ka sa posisyon ko para pangunahan ako. Paano pa malalaman ng isang tao ang pagkakamali nya kung walang magsasabi sa kanya na mali ang ginawa niya at paano niya mapagtatanto ang kanyang pagkakasala kung walang magpapamukhang may nasaktan siya", pambabara niya sa akin.
Wala na akong nagawa pa kundi manahimk na lang. Mukhang mabigat ang rason niya para mabago pa ang desisyon upang maghiganti. Napabuntong hininga ako. Sana lang hindi siya makapanira ng buhay kung sakali mang makanakit siya ng damdamin. Hanggang ngayon kasi palaisipan pa rin sa akin kung sino ang tinutukoy nitong tao.
Hindi ko pa rin kasi matumbok kung bakit ganito na lang ang galit niya sa taong binabanggit niya. Tapos napag isip isip ko rin, paano kaya kung paaminin ko siya?
Not a good idea. Maski ako na magaling magpayo ay napapasuko ni Kuya Zander.
Wala na akong magagawa kundi ihiling na walang mangyayaring mas malala kaysa sa inaasahan ko.
Pagdating namin ni Kuya Zander sa venue, nakahanda na ang lahat.
Marami na ring tao at halos bumabati sa amin. Mga pawang nakamaskara ang mga bisita tulad namin. Humiwalay ako kay Kuya Zander para mahanap niya ang mga kakilala niya. Ang ikinasaya ko pa ay companymate pala kaming tatlo ni Kuya Zander at Sir Keith.
Wala naman akong makilala sa mga bisita pero napatigil ako ng may kumalabit sa akin.
Si Msgt. _________, tactical officer namin sa academy. Binati ako at binirong ayos daw ako dahil imbitado ako sa ganoong pagtitipon. Iniwan din niya ako agad matapos makipag usap.
Hindi rin nagtagal, nagsimula na ang programme. Tinawag na rin kaming mga mag aabot ng rosas at magsasayaw sa magde-debut sa back stage. Hindi ko pa rin mahanap si Kuya Zander. Nagulat na lang ako ng tinanong ako kung ako raw ba ang papalit muna kay Zander Lernon.
Napa-oo naman ako at napaisip kung ano ba talagang plano ni Kuya Zander.
Chapter 28
Zander
Bahala na.....
Yan ang mga katagang iniisip ko ng magsimula na ang selebrasyon. Lalo lang kasing gumulo ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Insan Jason kanina. Pinagpaalam ko naman sa event organizer na si Jason Rodriguez ang magiging substitute ko as dance ng debutante.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na kung ipagpapatuloy ko pa ang plano ko. Buo ang aking loob sa paghihiganti ko kay Keith.
Wala ako sa wisyo ng agawin ko ang microphone sa M.C. ng programa. Tiningnan ko ang dance floor. Sakto. Last Dance. Nabigla ako ng makita ko ang pagluhod ni Keith sa harapan ng debutante at inabot ang isang singsing. Malakas ang sigawan ng mga tao at lahat ay nakatayo dahil sa tanawin. Maski si Boss William ay tuwang tuwa sa nangyari. Lahat ay nagtanggalan na rin ng maskara. Sa sandaling iyon, parang binagsakan ako ng langit.
Doon ko inaming "there is just a thin line separating love and hatred".
Lumakad ako sa sentro ng dance floor at tinungo silang dalawa. Wala na akong pakialam kung ano pang sabihin ng tao. Hindi ko kayang isiping ganun ganun na lang ang kahinatnan ng lahat.
Simple lang naman ang gusto ko ang sabihing pareho kaming nagmamahalan ni Keith at papaasahin ko ito at papahirapan dahil kapag ito ang nangyari siya ang maghahabol sa akin. Siya ang masasabing bakla sa aming dalawa at ang lihim ko ay di pa mabubunyag kaya magkakaroon pa ako ng pagkakataon para maipaliwanag ang aking tunay na Sexual preference sa iba. Ngunit ang nangyari ngayon ay iba.
Hindi ko akalaing may iba na si Keith.
Masakit iyon sa akin.
Makirot.
Taliwas ang lahat sa plano ko.
At ang nasaktan sa huli ay ako.
Dala ang microphone na inagaw ko sa M.C. kanina, sinugod ko ang dalawa. Lahat ay napatigil sa pagpalakpak. Lahat ng mata ay naituon sa amin. Halo halong bulungan ang naulinigan ko. Pero wala akong pakialam. Nakita ko si insan Jason na lumalapit sa akin pero iniwasan ko siya. Mamaya ko ng ipapaliwanag ang lahat sa kanya. Parang engot ako sa ginawa ko ng sumunod.
"Siya ba ang ipinalit mo sa aaa...akin?", garalgal kong sabi kay Keith.
Napatulala ang lahat sa narinig. Tila walang makawari sa nangyayari. Batid sa mga matang nakatingin sa amin ang pagkagulo ng pangyayari. "Keith?", dagdag ko na mas lalong nagpagulo ng sitwasyon.
Hindi kumibo si Keith, naiwan sa itsura niya ang pagkabigla marahil hindi niya inaasahan ang pagtatapat ko o maski na nandito ako sa debut. Biglang kumaripas ang debutante papalayo sa amin matapos mapakawalan ang isang matining na sampal sa pisngi ni Keith.
Hahabulin na sana ni Keith ang debutante ng bigla itong natumba dahil sa lakas ng suntok na dumapo sa mukha nito. Sinuntok siya ni Boss William bago pa ito makalayo. Ako naman, naiwang nakatanga sa gitna ng dancefloor. Si Boss William na rin ang humabol sa anak nitong debutante. Imbes ako ang aluhin ni Jason, nakita ko siyang lumapit kay Keith at binangon ito sa pagkakatumba. Nang makatayo si Keith ay may sinabi ito kay Jason at pagkatapos ay hinabol nito ang mag-ama.
Agad akong nilapitan ni Jason at tumingin sa akin ng matalim. Alam kong galit ito sa akin. Hindi naman ako lalaban sa kahit anong gawin niya.
Chapter 29
Keith
Ramdam ko ang lahat ng mata ay nasa amin ni Mabelle. Parang Fairy Tale ang nangyayari. Kitang kita ko sa mata niya ang saya. Pero lalong mas naging fairy tail ang dating ng lumuhod ako sa harapan niya at tinanong siya, "Can you be my Girl?".
Tumingin siya kay Boss William. Nakangiti ito at naka-thumbs up. Ayos, sang-ayon ito sa lahat ng gusto ko. Sa gilid, nabigla ako ng nakita ko si Jason, pero mas natuwa ako na masilayan ang ngiti niyang mala-anghel.
Naghubad na rin kasi ang mga nagsidalo ng kanilang mga maskara. Nakita ko siyang masaya para sa akin. Sumenyas din ito ng ok sign sa akin. Bukod kasi kay Mabelle at kay Mang Fabian, isa rin ito sa nakakaalam ng sitwasyon ko. Nakita ko rin si Mang Fabian sa mga service crew na di maipinta ang saya. Mas lalong naglakasan ang mga tili ng sumagot si Mabelle.
"Yes! Pero syempre mag aaral muna ako bago ang kasal!", sigaw nito sabay tingin kay Boss William. Humagalpak sa tawa ang marami kasama na rito si Boss at mga kasama nitong nakauniporme na pawang mga marino at mga sundalo. Napansin ko dito ang isang lalaking ilag sa lahat pero nakatingin sa isang lalaki na nakidalo sa salo salo.
Napangiti na lang ako. (Alam niyo na. Ika nga nila, it takes one to know one.)
Bukod dito, wala na akong napansing iba pa.
Bago pa humupa ang excitement ng lahat, lumuhod ako sa harapan ni Mabelle at isinuot ang singsing na magsisimbulo na akin na siya. Lalong tumaas ang antas ng kilig dahil dito. Wala namang tumutol.
Hindi ko man kapiling ang taong minahal ko, andito naman sa tabi ko taong tumanggap sa akin ng buo at dapat kong mahalin.
Akala ko ayos na ang lahat pero nagkamali ako.
Nagsimula ang lahat ng may umagaw ng mikropono sa M.C.
Nakamaskara pa ito pero halata na ang magandang pangangatawan nito. Marahil ay ico-congratulate kami ni Mabelle. Pero napatunganga ito ng tumayo na ako at yinakap si Mabelle. Takbo lakad itong tumungo sa amin ni Mabelle. Pigil ang hikbi.
Lalo akong nagulantang ng tanggalin niya ang maskara niya. Si Zander!!!!! Sigaw ng isip ko dahil naging estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Nangungusap ang mga mata nito, nagsusumamo. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko. Magagalit? Matutuwa? Di ko alam.
"Siya ba ang pinalit mo sa akin?", tanong nito.
Walang halong galit ang boses nito bagkus ay panghihinayang at sa muling buka ng kanyang bibig ay nabaligtad ang aking mundo.
"Keith?", patuloy nito.
Tuluyan ko ng nabitawan si Mabelle at kumaripas ito sa pagtakbo. Umiiyak. Hindi naman ako makaalis sa pwesto ko. Gusto ko siyang yakapin pero ng gagalaw na ako, naisip ko si Mabelle. Ayaw ko itong masaktan, marami na rin kasi siyang isinakripisyo sa akin.
Tumalikod ako kay Zander kahit labag pa sa loob ko. Pero bumagsak ako dahil isang suntok ang kumawala sa mukha ko. Si Boss William ang may gawa nito at pagkatapos ay hinabol nito si Mabelle. Nakita kong gumalaw si Zander kaso napahinto ito ng aluhin ako ni Jason at ibangon mula sa pagkakatumba.
"Jason hindi ko akalain na andito ang bestfriend ko at mahal niya pa ako. Favor naman please kausapin mo siya. Pinsan mo siya di ba?", sabi ko rito.
Agad naman siyang tumango at sumunod ako naman hinabol si Mabelle.
Chapter 30
Jason
Nagulat talaga ako nang maghubad ng maskara ang huling sayaw ni Mabelle, ayon na rin sa mga posters kung saan nakasulat ang pangalan nito. Dahil si Sir Keith pala iyon. Astig, talagang desidido na rin ito para magbagong buhay at limutin na ang nakaraan niya. Bakas rin ang tuwa sa mga ng magsing-irog sa gitna ng dance floor.
Parang ngang nobela sa PHR ang nangyayari lingid nga lang sa kaalaman ng iba, may konting twist lang sa part ni Sir Keith.
Lalo pang lumakas ang tilian ng mga tao ng tanungin ni Sit Keith si Mabelle kung pwedeng maging sila. Hindi naman binigo ni Mabelle ito at sinagot nya ito ang kondisyon ay dapat muna siyang makapagtapos bago abg kasal. Napakasaya ko ng mga oras na iyon at ganoon din ang marami para sa kanila.
Tapos naalala ko si Kuya Zander. Saan nagsususuot yung taong yun? Simula kasi ng iwan niya ako kanina, hindi ko na rin ito nahagilap pa. Agad ko rin namang naisip na may masama siyang binabalak. At kanino naman kaya?
Lahat ng mga tanong ko ay nasagot sa mga sumunod na eksena.
Biglang naputol ang sinasabi ng M.C. ng may umagaw sa mikropono nito. Hinding hindi ako magkakamali. Si Kuya Zander iyon. Ang suot niyang maskara ay tinanggal rin niya nong pumunta na siya sa Dancefloor. Pigil ang hikbi. Lahat ng atensyon ay naituon sa kanya. Ultimo spotlight. Nilapitan ko ito pero umiwas siya at dirediretso sa magkasintahan. Mas lalo akong naguluhan at tuluyan ring napatigil ng magtanong si Kuya Zander.
"Siya ba ang pinalit mo sa akin?", tanong ni Kuya Zander pero di ko mawari kung kanino sa dalawa.
Siguro kay Mabelle pero paano? Bakit? Maraming naglaro sa isip ko pero mas nabaliw ako ng ituloy ni Kuya Zander ang sinabi niya. "Keith?".
Naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Napagdikit dikit ko na rin ang lahat. Si Kuya Zander ang kababata ni Sir Keith. Na ito ang minahal ni Kuya Zander ng lubusan sa buong buhay niya. Kung bakit niya pinakawalan at agad agad na nalimutan si Ate Reah. Kung bakit hindi niya sinipot ang libing nila tita at tito. Kung bakit siya nabigla ng magflash sa screen ng phone ko ang pangalan ni Sir Keith.
Wala akong maisip na reaksiyon.
Pagkatapos nun, kumaripas ng takbo si Mabelle papalayo. Agad agad rin na sumugod ang dad ni Mabelle. Pinakawalan nito ang isang suntok na nagpabagsak kay Sir Keith at paGkatapos nun ay hinabol na rin niya si Mabelle.
Inalo ko si Sir Keith at itinayo ito.
"Jason hindi ko akalain na andito ang bestfriend ko at mahal niya pa ako. Favor naman please kausapin mo siya. Pinsan mo siya di ba?", ang tanong ni Sir Keith at pagsusumamo.
Hinabol narin nito ang mag-ama. Ako naman bumaling sa kinaroroonan ni Kuya Zander.
Galit ako pero pinilit kong mag self control. Ito pala ang pagganti na balak ni Kuya Zander.
"Anong problema mo kuya Zander? Nakapanira ka ng buhay! Ok ka na?", duro ko rito.
"Insan, sa bakla ka pa kakampi?", balik niya sa akin.
"Oo kuya, bakla si Sir Keith, pero ngayong gabi, nasa sa kanya ang respeto ko", bulyaw ko sa kanya.
"Alam mo bang buti pa siya gustong magbagong buhay at nais ng kalimutan ang lahat sa nakaraan. Eh ikaw walang ibang gusto kundi gumanti. Ngayon, ano na? Masaya ka na?", sumbat ko sa kaniya at pumunta na ako sa Parking lot kung san nakapark si Secretariat na Mustang ni Kuya Zander.
Siya naman, naiwang nakatunga at hindi alam ang gagawin.
BASA MODE
ReplyDelete