Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
1 (Umamin Siya, Umamin Ako,Nagka-aminan Kami!) 2 (Out-of-this-World Interrogation) 3 (‘Di Lahat ng RulerStraight, ‘Yung Iba Bendable!) 4 (Pagkabakla at Mga Pundasyon ng Bahay, Anong Connect?) 5 (The Reason I Like you, Naks!) 6 (Naging Kami!) 7 (Ang Limang Kasunduan!) 8 (Ang Kaibigan kong si Chong?) 9 (Ang Birong Hindi Biro, Bow) 10 (Second Monthsary Namin!) 11 (Bawal ang Babe at Honey?) 12 (Salamat, Habanera!) 13 (Ang Request ni Dad) 14 (The Natural Complementaries of Man and Woman, AnoDaw?) 15 (Third Monthsary Namin!) 16 (Ang Pagkidnap kay Chong) 17 (Ang Date saRooftop ng Company Building) 18 (Mga Pangarap at mga Bituin) 19 (Si Carl Alfred Santiago) 20 (Mga Pahiwatig ) 21 (Ang Makapagpapasaya kay Chong) 22 (Si Christopher Santos, Alyas Christie) 23 (Pag-aaway at Pagkakasundo) 24 (Pagkahulog) 25 (Ang Engagement) 26 (Ang Unang Submission Signal) 27 (Tadhana) 28 (Ang Dating Christopher Chong) 29 (Pagtataksil) 30 (Laro ng Puso) 31 (Mga Katwiran at mgaDamdamin) 32 (Sa Kapakanan ng Lahat)
--------------------------------------------------------------------------------
PASASALAMAT
- Una’y MARAMING, MARAMING, MARAMING, MARAMING
SALAMAT kay KUYA MIKE. Tandang-tanda ko pa nung nabasa ko ‘yung ‘Tol..I
Love You’. Tulala akong nakatitig sa labas ng bintana ng classroom habang
nagdidiscuss ang prof namin ng torque at moment sa Physics. Buti na lang
walang recitation that day. At dahil depressed ako at nahalata ng kaibigan
kong lalaki, sinubukan kong ikuwento sa kanya, pero ginawa kong tomboy si
Warren…XD But anyhow, wala pa rin siyang paki. How I wished lumindol at
that instant…
Lahat ng ito’y hindi imposible kung hindi ka pumayag na
ma-ipost ko ang kwentong ito dito sa MSOB (kunwari pinakapilipili mo ‘yung
ginawa ko at dumbfounded ka nung nabasa mo iyon…XD). I must say nga lang na
medyo natakot ako’t parang hindi ka po naniwala na ako ang gumawa ng ‘Dilemma’.
I guess natratrauma na talaga kayo Sir sa mga kumokopya ng kwento ng may
kwento…XD
Pasensiya na pala Sir, at medyo kulang ang involvement ko sa
MSOB, broadband na madalang iload lang po ang kaya ko’t madalas na nasa café
lang ako XD. Parang naging pabigat pa tuloy ‘yung kuwento ko imbis na makahatak
ng readers sa blog mo…XD
Anyhow, I won’t expect na mababasa niyo po ‘to. Mas active na
po kayo sa Facebook eh…XD
Again Sir Mike Juha, maraming, maraming, maraming, maraming,
maraming, maraming salamat!
- Maraming salamat kila Nico, Mark13, ramy, alejojohn, mjap, jhay_jhay, foxriver, riley delima, robert_mendoza94, Josue Altoveros, anita baker, Marshy, rascal, caranchou, iansky, Keanu Reeves, Darkboy13, Lawfer, Kio, Antonio Cam, enzaree, patrickjr, silent reader, jd, dino, tzekai balaso, dino, tzekai balaso, andzmesia, rascal, ryan, Jims Gregorio, Brown Temptation, GDJ, hardname, kirk, drake, , MARK13, K!ng, rukiya, OGLUM, marc abellera, Leo, Daryl M. Sibangan, Migz, James at James Santillan. Bilang na bilang ko kayo sa kamay ko, at kung tutuusin dapat pa akong mahiya at taob na taob ako pagdating sa list ng commenters compared sa ibang writers. Kahit isang comment lang ang ginawa niyo, malaking tulong iyon sa akin. Bukod sa sarili kong resolve, ang comments niyo ang naging “deadline” at drive ko sa paggawa ng bawat chapters. Oo, hindi lang dahil sa comments kaya gumagawa ang mga author dito sa MSOB ng kwento, pero hindi niyo TALAGA alam kung anong nagagawa ng comments. APPRECIATION yun sa part ng author, at siguro alam niyo ang feeling kapag hindi ka appreciated. At ang mas masakit, kahit kailan hindi mo mafoforce na mabigyan ka ng appreciation. Isang maling hakbang sa kwento, isang maling salita, isang click lang sa mouse ang katapat ng ilang oras mong pinagpuyatan at inuna sa ibang bagay. Maraming MAGAGANDANG kwento sa MSOB ang hindi naiitutuloy dahil sa kawalan ng appreciation. Kaya hindi mo rin maisisi ang iba kung nagbibigay sila ng kondisyones bago tumuloy.
Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa lahat ng
mambabasa ng kwentong ito, kahit na isang chapter lang o isang salita. Kahit na
‘yung title lang, salamat pa rin. Kahit pang-ookray na ang boladas ko daw
maglahad ng kwento. XD Alam ko sa sarili kong wala naman talagang tatangkilik
ng kwentong ito, kasi unang-unang, hindi nito kinukunsinti ang pangarap nating
lahat…XD At hindi ko rin hangad na ulanin niyo ako ng comment na “ang ganda ng
kwento.” Kapag ganoon ang nangyari, malamang na may mali sa ginawa ko, at
ititigil ko ang Dilemma kahit na may 1000 comments na XD. Higit sa lahat gusto
kong bumagabag ng isipan. Kaya overwhelmed ako at disturbed nang kahit
papaano’y nagsimulang may mag-comment sa mga naunang chapters. Well I guess,
parte ng pangarap nating habulin ng lalaking gusto natin at maging isang
malaking romcom ang buhay…XD
Alam kong marami sa mga mambabasa ang bumitaw sa kwento,
pagkatapos ng sampu, lima, o isang chapter. Mas lalo na siguro ng mabasa niyo
ang kahalayan ng author nang hindi siya mag-update ng tatlong buwan. Pero sapat
na ang sampu, lima, isa, o kahit sulyap lang para pasalamatan ko kayong lahat.
Maraming salamat at kahit minsan lang ay hinayaan niyong madantayan ko ang
inyong buhay.
- Sa’yo na pinaghalawan ko ng katauhan ni Carl Alfonse Santiago, MASAYA KA! Joke lang. Kahit na walang anumang mangyari sa atin at hanggang sulyapan lang tayo, okay lang sa akin. Parang mas okay na manatiling ganoon. Sapat ng nakagawa ako ng ganitong kwento dahil sa nararamdaman ko sa’yo. Asahan mo na lang bukas ang epekto ng gayuma ko…
- Sa’yo na pinangakuan ko ng una kong nobela, kung matatawag nga bang nobela itong ginawa ko, ito na iyon!
- At lastly, sa aking KATINUAN at sa aking DAMDAMIN
XD. It’s been a roller coaster ride for you two, up to heaven and down to
hell XD, minsan sa planet B534 pa nga. You’ve both overcome insecurities
and boastfulness in doing this work. Maraming beses na kayong nastress
over failed quizzes dahil inuna niyong gawin ‘tong walang kapararakang
kwentong ito. Maraming beses na rin kayong nag-overthink over commentless
chapters. Maraming beses na kayong naging masaya at matibay sa
pagpapatuloy kahit na mukhang walang kapupuntahan lahat. Maraming beses na
rin kayong natuwa dahil ginagawa niyo ‘yung bagay na gusto niyo ng hindi
dahil sa kung ano pa man kundi dahil gusto niyo lang.
Hindi ko maitatangging magka-iba kayong dalawa. Minsan
naiisip kong parusang mag-kaiba kayo, at kung magpapatuloy tayong tatlong ng
ganito’y wala tayong mararating. Tapos saka ko naman maiisip na hindi naman
pala natin kailangang pwersahin ang sarili nating may marating, dahil in the
first place, saan ba talaga tayo dapat naroon? Tayo-tayo lang rin naman sa
sarili natin ang gumagawa ng kapupuntahan natin. Wala tayong KAILANGANG
patunayan sa iba. Pero kung meron man, sana’y dalhin tayong tatlo ng
pagkaka-iba niyo sa kung saan tayo dapat dalhin ng tadhana.
Pero mali ako sa pag-iisip ng ganoon, dahil sa pagkaka-iba
niyo umusbong ang A Dilemma of Love, at sana’y hindi ito ang huli.
P.S. Try niyo namang magpakadalubhasa sa Mathematics.
Nangungulelat na kayong pareho sa course niyo. Magkaiba man kayo, alam kong
ayaw niyo pareho ng mediocrity. Try rin nating magpacheck-up minsan, kasi
parang ‘’di na normal ‘tong pinaggagagawa natin.
---------------------------------------------------------------------
“It is only in the heart that one can
see rightly; what is essential is invisible to the eye.”
- The Little Prince, Antoine De
Saint-Exupery
----------------------------------------------------------------------
“I do.”
Pumatak sa malamig at marmol na sahig ng lumang simbahan ang
luha ni Alfonse.
Tila nakahingang maluwag ang paring pinagpawisan ang noo.
“Mylene, do you take Carl Alfonse, here present to be your lawful husband
according to the rite of our Holy Mother, the Church?”
Nilingon ni Alfonse ang kanyang katabi nang nakakunot ang
kilay at malamlam ang mga mata. Ngunit sa mata ni Mylene ay wala siyang makita
kundi lubos na ligaya.
Unti-unting bumuka ang mga labi ni Mylene. Sa mga salitang
magmumula dito matatapos ang lahat.
Napapikit na lamang si Alfonse.
“Tomboy ‘yang babaeng ‘yan!” Umalingawngaw sa loob ng
simbahan ang isang sigaw na tinalupan ang iyak ng mga kampana, kasabay ng
pagbalot ng liwanag sa buong simabahan.
Wari’y bumagal ang pagtakbo ng oras. Lumutang sa hangin ang
himig ng biyolin, maski ang samyo ng bulaklak ay sandaling tumigil. Nakatuon sa
eleganteng pinto ng lumang simbahan ang bawat gulat na tingin.
Itinuon ni Alfonse ang kanyang namumugtong mga mata sa landas
ng ilaw. Sa tarangkaha’y naroon ang isang taong pasuray-suray maglakad, may
maigising buhok, nakasumbrero, at may matigas na kilos. Datapwat hindi
maikakaila ang paglapat ng malulusog na dibdib sa ordinaryong t-shirt na suot
ng tao.
Nilingon ni Alfonse ang ama, ang ina, ang lahat ng tao.
Ngunit maski sila’y nakatuon ang tingin sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa
kawalan.
“Hindi pwedeng matuloy ang kasal, dahil tomboy ‘yang babaeng
‘yan!” Ubod lakas ang sigaw ng babae.
Nagkasalubong ang tingin ni Alfonse at ng kanyang ama. Tila
nagtatanong ang mga mata ni Carlos kung kilala ng anak ang babae. Walang
naisagot si Alfonse kundi marahang pag-iling at ang kanyang nagtatanong ring
ekspresiyon sa mukha.
“Putangina Alfonse, sino ‘yan?” Madiin ang pagkakapisil ni
Carlitos sa balikat ng kapatid. Ngunit walang nadaramang sakit si Alfonse.
Nakatunganga pa rin siyang nakatunghay sa babaeng nakadamit panlalaki.
Puno ng takot at hindi maipaliwanag na pagbalisa ang mukha ni
Mylene ng lingunin ito ni Alfonse.
“Mylene, ‘wag mo ng lokohin ang sarili mo!” Halos magwala na
ang babae. “Magpapakasal ka sa lalaki eh ako ang mahal mo!”
Lahat ng mata ng tao sa loob ng simbahan ng dumako kay
Mylene. Bawat tinging iyon ay nakasusugat sa kanyang puso.
Tila gumuho ang buong simbahan sa mismong harap ni Fonse.
Saka bumalik sa kanya ang lahat, ang araw na lumabas sila ni Mylene, ang oras
na natulog ang babae sa loob ng kanyang kotse, ang pagkakataong nasulyapan niya
ang cellphone ng dalaga, at ng makita niya ang litrato ng isang taong hindi
makilala kung babae o lalaking nagsisilbing wallpaper ni Mylene.
Ang tomboy na nanggugulo sa kasal niya ay ang tomboy na nasa
wallpaper ni Mylene.
“Tigilan mo na ako!” Mabilis na naglakad si Mylene papunta sa
babaeng lasing nang hindi alintana ang mahabang belo ng kayang trahe.
Unti-unting nabahiran ng dumi ang dalisay niyang damit. “Umalis ka na!”
Humalakhak si Desiree. “Bakit ako aalis, para makasal ka? ‘Di
ako papayag! Lahat ng desisyon ko sa buhay palpak! ‘Di na ko papaya na maski
sa’yo pumalpak ako!”
Hindi mapanatag na luminga-linga si Ferdinand Chua. Sa bawat
paglinga niya’y may nakatanghod na matulis na tingin. “Pigilan niyo si Mylene!”
pigil niyang sigaw.
Sa altar ay nakatulalang nakikinig si Alfonse, sa kanyang mga
mata’y namumuo ang mga luha. Ang kanyang kamay ay nanginginig, naglalaro sa
pantalon niyang sutla at kulay itim.
“Itigil ang kasal na itechiwa!” Mula sa liwanag ay humubog
ang hugis ng isang taong buhaghag ang kulot at naka blond na buhok. Ang mukha
niya’y tila plinasteran ng puti at pulang pintura, datapwat halata pa rin ang
uka ng bawat tigyawat sa kanyang pisngi. Muli’y nakasisilaw ang kanyang suot na
neon yellow na sando at leotard na leggings.
Sa pintuan ay nakatayo si Christie at nakapamewang.
Iilang grupo ng mga lalaki ang lumapit kay Desiree upang
siya’y ilabas, ngunit siya’y nagpumiglas. “Kung kailangan kong tanggapin lahat
ng masasakit nilang salita tsaka
pang-iinsulto, kakayanin ko! Mahal kita eh! Kaya ko naman isakripisyo lahat
basta hingin mo! Kahit di mo na nga hingin eh, kasi mahal kita!”
Nakadama si Alfonse ng hindi maipaliwanag na pangingilabot.
Tila bumilis ang daloy ng dugo sa kanyang katawang nais kumawala. Dinig niya
ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nakapagpapalaya. Nakapagpapasaya. Muli’y
nadama niyang siya’y malaya, siya’y tila isang kandilang sumasayaw sa saliw ng
hangin, maaari mang mamatay dahil na marahas na ihip, ikakagalak niya ito
sapagkat ito ang kanyang nais.
Namalayan na lamang niya ang sariling tumatakbo papalabas ng
simbahan.
“Si Juan naman ang
pumili…” Muling
sumagi sa isip ni Alfonse ang biro ng ama.
Tila napakagaan ng kanyang mga paa. Wari’y may pakpak ang mga
ito’t tila nakalutang sa kasiyahan si Alfonse.
“…Dahan-dahan niyang
kinuha ‘yung batong pinili niya sa kamay ng hari, tapos alam niyo ba kung anong
ginawa…”
Nadama niya ang dantay ng malambot na kamay sa kanyang
brasong pilit siyang pinigil sa tuluyang pagtakbo.
“…alam mo ba kung ano
ang ginawa ni Juan?”
Sa salamisim niya’y banaag ang masayang mukha ng ama.
“Fonse, don’t do this…” Humigpit ang kapit ni Mylene sa braso
ni Alfonse. Kulang na lamang ay lumuhod ang dalaga. “Matutuloy ‘yung kasal,
itutuloy pa natin ‘yung kasal…”
Muli’y hahalakhak si Carlos ng ubod lakas. “Nilunok ni Juan ‘yung bato!”
“ ’Wag mong sabihing
naging superhero si Juan…” Iyon ang laging komento ng nanay niyang walang palyang magpapatigil sa
saya ng amang tila nawalan ng gana sa kawalan ng sense of humour ng asawa.
Hinawakan ni Alfonse ang kamay ni Mylene, mahigpit, puno ng
pag-aalaga.
Nag-angat ng tingin si Mylene na tila nakahingang maluwag.
Lalong humigpit ang kanyang pagkakayapos sa braso ni Alfonse, tila pasasalamat.
“I’m sorry, Mylene…” Tuluyang umalis si Alfonse
“Teh, anong ganap ditey? Anong kadramahan itetch?” Pauli-ulit
na tinapik-tapik ni Christie ang matandang babaeng posturang-postura, ngunit
iwinawalang bahala lamang ito ng hermana.
“Christie!” Naghuhulagpos na tumakbo si Alfonse papunta sa
malaking pinto. Kumukumpas ang kanyang kamay na tila kinukuha ang atensiyon ng
baklang makapal ang kolorete sa mukha.
Naiwan ang lahat ng tao sa simbahang hindi alam ang gagawin
at biglang-bigla. Napa-upo na lamang na tila hapong-hapo si Ferdinand Chua. Ang
babaeng sana’y ikakasal ay nakatulala na lamang sa gitna ng pulang carpet nang
lumuluha.
Unti-unting lumapit si Desiree sa kanya. "Tama na, 'wag
ka ng umiyak..." Saka niya inihilig sa kanyang balikat ang ulo ni Mylene.
Sa mukha ni Carlitos ay bakas ang matinding galit. Alam
niyang tumakbo si Alfonse hindi dahil sa nasaksihang eksena kundi dahil sa
sarili niyang dahilan. Wala siyang magawa kundi sumumpa sa hangin. Nadako ang
kanyang tingin sa kanyang ama. Sa ‘di malaman na dahila’y nakangiti si Carlos
ng napakatamis.
“…Mukhang nagets na niya ‘yung joke…” saka humingang malalim
si Carlos.
-----------------------------------------------------------------
“Alam ba ni Papang ‘itong green niya ang ginamit mo…”
Humihingal na pumasok si Alfonse sa loob ng van, katabi ni Alfred. Sumunod
naman si Christie sa likod, katabi ni Sandra na medyo halata na ang
pinagbubuntis.
Ikinambiyo ni Alfred ang sasakyan. “Si Papa ang nag-utos
nito.” Ngumisi siya. Natulala na lamang si Fonse na tila nag-iisip.
“GAWWWDDDD! Kahit naman pala hindi umeksena ang beauty ko,
hindi pa rin tuloy ang kasal! Sayang lang ang foundation ko!” Hindi mapigilang
hindi matawa ni Sandra sa sinasabi ni Christie.
“Teka, paano niyo nakilalala ‘tong si Christie?”
Aligagang-aligaga si Alfonse, tila hindi makapaniwala sa lahat ng nagaganap.
“Edi ba muntik na niya kayong idemanda ni Chong. Kaming
dalawa ni Ronnie umayos nung gulo, kahit na buwisit pa ako nun kay Chong.”
Nagpatuloy sa pagmamaneho si Alfred.
“CORRECT!!! MAY TAMA KA!!!” Halos mabingi ang tatlo sa lakas
ng sigaw ni Christie. “Kung hindi lang talaga ako anghel na bumaba sa lupa,
idinemanda ko na kayo…”
Ngunit hindi siya pinansin ng dalawang lalaki sa harap.
“Fred, puntahan natin si Chong…” puno ng pag-aalala ang tinig
ni Fonse.
“Eh doon naman talaga tayo pupunta eh…” Tila napakahaba ng
daang kanilang tinatahak.
“Hindi, parang may iba eh. Tinetext ko kasi siya kanina,
tapos, tapos…” Kagat-kagat ni Alfonse ang kanyang labi. “Parang may kakaiba,
‘yung mga reply niya pare-pareho tapos walang connect sa tinetext ko…”
Naningkit ang mga singkit ng mata ni Fred. "Tinetext ko
rin siya eh. Parang paulit-ulit din ang reply niya sa akin eh…” Nilingon niya
si Sandra sa likuran. “Beh, paki-abot ‘yung phone kay Fonse…”
Inabot ni Alfonse ang cellphone mula kay Sandra, ngunit
siya’y natigilan. Bumungad sa kanya ang screen na nanghihingi ng password.
“Maria Ozawa pa rin ang password niyan…” Nag-angat ng tingin
si Alfonse. Nakangiti sa kanya ang kanyang kambal.
“Teh, tanggap mo ‘yun, Maria Ozawa ang password ng hubby mo?”
Malisyosong tanong ni Christie.
“Ihahagis kita sa tabi!” Pabirong sabi ni Alfred.
Nakakunot noong binasa ni Alfonse ang mga text sa inbox ng
kambal. Naroon ang mga mensaheng ‘Oo, pupunta ako,’ at ‘Ang kulit mo, pupunta
nga ako! Okay lang naman kung civilian lang ‘diba?’ mula kay Chong. Walang
labis, walang kulang.
“Parehas na parehas ‘yung reply niya sa ating dalawa.” Hindi
maipinta ang mukha ni Alfonse. “Sinubukan mo na bang i-call?” Saka niya niya
tinawagan ang numero ni Chong.
“Ilang beses na, walang sumasagot…” Patuloy sa pagmamaneho si
Alfred.
At naputol ang tawag na puro ringtone lang ang nadinig niya.
“Shit, hindi sumasagot!” Muli’y tinawagan niya ang numero. Sa
hita ni Alfonse patapik-tapik ang kanyang palad.
Ngunit wala pa ring sumasagot sa kanyang tawag.
“SHET!” Bulalas ni Christie. “Wait! Mukhang alam ko na ang
ending nito.”
Natigil si Alfonse at Mylene sa inusal ni Christie. Maski
nagmamaneho’y palinga-linga sa likod si Alfred.
Saka humalukipkip si Christie at pinapungay ang kanyang mga
mata. “Popular ang ending na itey… Suicide!!” Maarte niyang sabi.
Napapreno ng ‘di oras si Alfred.
Nagulat sa narinig si Sandra.
Naglikot ang mga mata ni Alfonse at ‘di napakali.
Nabalot ng katahimikan ang kanina’y lugar ng ingay.
“Hindi, hindi magpapakamatay si Chong.” Pagbasag sa
katahimikan ni Alfonse. “Masyadong maraming pangarap ‘yung taong ‘yun, hindi pa
siya nakakapag board exam. Masyado siyang matalino para maisipang
magpakamatay…”
“Ang serious niyo naman mga teh! Syempre nagjojoke lang naman
aketch!” Iwinasiwas ni Christie ang kanyang buhaghag na buhok, tila magpapagaan
ng nadarama ng lahat. Hinawakan ni Sandra ang kanyang kamay at saka ngumiting
alanganin. “Sorry…” pabulong na nasabi na lamang ni Christie.
Muling pinaandar ni Alfred ang kotse. “Bakit niyo ba naisip
na magpapakamatay si Chong, eh ang huling bagay na gagawin nun eh magpakamatay?
Hindi ‘yun gagawa ng ganoon…”
Nakatingin lamang sa labas ng bintana si Alfonse,
nakahalukipkip at kagat-kagat ang kanyang daliri.
“Tama si Beh, hindi niya gagawin ‘yun. Malakas na tao si
Chong…” Nakangiting sabi ni Sandra pagkatapos hawakan sa balikat si Fonse.
Umayos ng tindig si Alfonse. “Tarantado ‘yung taong ‘yun pero
hindi niya gagawin ‘yun, hindi siya magpapakamatay…” Saka niya muling
kinagat-kagat ang kanyang daliri.
“Correct, nagawa nga niya akong jombagin eh!” pahabol sa sabi
ni Christie.
Nakakunot kilay lamang na tiningnan ni Alfonse ang kawalan.
Nabalot muli ng katahimikan ng lugar lalo na sa puso ng bawat
isa.
“ ‘Yan ‘yung bahay ni Chong!” biglang sigaw ni Alfonse. Kulang
na lamang ay mapatalon sila Alfred sa pagkabigla. “Itigil mo!”
Tiningnan sandali ni Alfred ang bahay sa kanilang tabi, isang
may kalakihang bahay na gawa sa semento, may ikalawang palapag at terasa.
“Hindi ‘yan ang bahay ni Chong, sa ikalawang kanto pa…” nakakunot-kilay niyang
sagot.
“ETO NGA IYON!” Lumakas ang boses ni Fonse. “Dito ko siya
hinatid nung induction! Diyan siya nagpababa!”
“Sinundan ko na siya minsan at hindi siya diyan umuuwi…” Nanatili
ang atensiyon ni Alfred sa pagmamaneho. “Hindi iyan ‘yung bahay na ‘yun,
sigurado ako!”
Madiing hinimas ni Alfonse ang kanyang noo. “Putangina, ‘yun
‘yung bahay ni Chong!” ubod lakas niyang sigaw. Walang magawa si Christie at
Sandra kundi ngumiwi.
“Bakit ba mas alam mo pa sa akin? Sinundan mo na ba siyang
umuwi?!” Hindi na rin napigilan ni Alfred ang sumigaw.
“Ako mismo ‘yung kasama niyang umuwi! Kaya alam kong ‘yun ang
bahay niya!” Pinalo ni Alfonse ang pinto ng sasakyan.
“Mas sigurado ako sa bahay niya dahil nakita ko mismong kasama
niya ang nanay niya!” Bakas na ang galit sa mukha ni Alfred.
“Tang ina! Itigil mo na ‘tong sasakyan! Hindi ko na alam ang
iisipin ko! Hindi ko alam ang gagawin kung nagpakamatay si Chong!”
Muli’y tumigil ang sasakyan.
Biglang nadinig ang marahang hikbi ni Alfonse, iilang luhang
kanyang pinipigil ang tuluyang umagos sa kanyang pisngi. Pilit na pinunasan ng
kanyang palad ang bawat patak ng luha.
“Hindi nga nagpakamatay si Chong, hindi niya gagawin ‘yun…” Hinaplos
ni Alfred ang likod ng kakambal.
“Hindi ko alam, hindi ko alam…” Nagpatuloy ang kanyang
pag-iyak. “Hindi ko alam kung magagawa niya ba ‘yun o hindi. Pero hindi ako
magtataka kung magagawa nga niya ‘yun…”
Bumagsak na lamang ang balikat ni Alfred.
“Eh baka naman ini-echos lang kayo ni Chong. Baka isa sa
bahay na na-sight niyo eh japeyk?” sabat ni Christie.
Napatingin si Alfred sa katabi at si Alfonse naman ay natigil
sa pagluha.
“Tumuloy na tayo sa bahay na alam mo!” Biglang bulalas ni Fonse
na puno ng lakas.
Kahit na hindi pa tuluyang nahihinto ang makina ng sasakyan
at mabilis na bumaba mula rito si Alfonse.
“Nasaan ‘yung bahay?” Hindi niya alam kung saan idadako ang
mga paa at paningin.
Matuling lumakad si Alfred. “’Yung kulay orange…”
Namasdan ni Alfonse ang tinutukoy ng bahay ng kanyang kuya. Gawa
ito sa semento at kahoy, datapwa’t nangingibabaw ang huli. Hindi maitatangging
may itinatagong kalumaan ang bahay sa likod ng pintura nitong lila, na
kumukupas na rin. Purong kahoy ang bakod ng bahay na kasintaas ni Alfonse,
ngunit hindi nito naikubli ang anyo at laki ng bahay na hindi salat para sa
isang pamilya.
“Sigurado ka…” Natigil si Alfonse sa sinasabi. Tuluyang
bumagsak ang kanyang mga balikat. Siya ay natulala na lamang sa kawalan.
Nasa harap niya ngayon ang isang babaeng naka-upo sa likod ng
bakod at naka-itim mula ulo hanggang paa.
“O bakit?” sambit ni Alfred sa kapatid. Maski siya’y natigil
sa nakita. Hinawakan niyang mariin sa balikat si Fonse. “Hindi siya
nagpakamatay, hindi…”
“Heller…” sambit ni Christie na mistulang kinakain ang mga
salita. “Manang na naka-itim, heller!”
Biglang tumayo ang babae mula sa upuan ng walang reaksiyon sa
mukha. Tila natakot si Christie na inasal ng babae habang si Alfonse naman ay
lalong kinabahan.
“Ano ‘yun?” Walang buhay ang tinig ng babae.
Sinubukang magmukhang masigla ni Christie. “Itetchiwa bang
balur ni Chong?”
Kumunot ang kilay ng babae.
“Ah, eto po ba ang bahay ni Chong, Christopher Chong?” Pinandilatan
ni Sandra si Christie.
Kinuyom ni Fonse ang kanyang palad.
Biglang lumiwanag ang mukha ng babae. “Ah, oo mga anak, pasok
kayo…” Binuksan ng babae ang bakod.
“Ah manang, bakit po kayo kayo naka-itim? Ano pong meron?” Nag-aalangang
tanong ni Alfred na pumasok siya sa tarangkahan.
Kaagad na nawala ang ngiti ng babae, saka niya tiningnan ang
suot mula ulo hanggang paa. “Bakit anak? Bawal na bang magsuot ng itim ngayon?
Pati ba mga damit nilagyan na rin ng MMDA ng coding?” Kalmanteng sagot ng
babae.
Pinigilang humalakhak
ni Christie at Sandra. Sa mukha ni Alfred ay nabakas ang pagkapahiya.
Gayunpama’y pumasok siya sa loob ng bahay. “Alam ko na kung kanino nagmana si
Chong…”
Ngunit nanatiling walang kibo si Alfonse.
“Tita, nanay po ba kayo ni Chong?” wika ni Fonse. Mataman ang
kanyang titig sa babaeng naka-itim.
“Ah, oo ako nga…” Ngumiti ang babae. “Matet ang pangalan ko…”
Sa kung anong dahila’y tila natigatig si Alfonse. Kumurap
siyang paulit-ulit at tila nawawalan ng hininga. “Asan po si…” Kagat niya ang
kanyang labi. “…si Chong?”
Tumaas ang kilay ni Matet sa narinig. “Hindi ba niya
nabanggit sa inyo?” Tinapunan niya ng tingin sila Alfred, Christie, at Sandra
ngunit wala siyang nakitang anumang pagsang-ayon mula dito. “Nasa Saudi na,
doon magtatrabaho…”
Panlulumo ang tanging nadama ni Fonse.
“Upo kayo…” Pinagpagan ni Matet ang sofa sa sala. “Kuha lang
akong maiinom ah…”
Walang kalakas-lakas na umupo si Alfonse sa sofang unti-unti
nang nasisira. Dama niya ang paghaplos ng kamay ng kakambal sa kanyang likod at
ang kamay ni Sandra sa kanyang balikat, ngunit wala siyang ibang madama kundi
panghihina.
Karaniwan ang ayos ng loob ng bahay. May bakal na display
kung nasaan ang telebisyon at altar na may tatlong imahen ng Sto. Nino. Sa
paligid nito at may mga figurine ng anghel, oso, at kung ano-ano pa. Sa
kusina’y may malaking larawan ng Last Supper. Lahat ng ito’y balot ng alikabok.
Nakasabit sa ding-ding sa harap ng sala ang mga larawan at
diploma. Family picture, first communion, recognition day. May isang larawan na
karga-karga ni Santa Claus ang isang batang nakangiti ng matamis. Tumayo si
Alfonse at dahan-dahang lumapit sa larawan.
Si Chong ang batang iyon.
Hinawakaang isa-isa ni Alfonse ang mga medalyang nakasabit sa
graduation picture ni Chong. Karamihan sa mga ito ay ginto at dadalawa lamang
ang pilak. Pinaiikot niya sa kanyang mga daliri ang bawat medalya. Kahit lamang
sa mga ito’y masabi niyang nasaling niya si Chong.
“Oh mga anak, kain lang ah, ‘wag mahiya…” Ibinaba ni Matet sa
lamesa ang Spanish bread, platong laman ay chicken roll at bote ng soft drinks.
“Pasensiya na kayo’t ‘yan lang ang meron, tira lang ‘yan kaninang tanghali eh…”
Walang ano-ano’y dumampot ng chicken roll si Christie. “Teh,
ang sarap ah…”
Napangiti si Matet. “Recipe ni Chong ‘yan, tinuro lang niya
sa akin…”
Si Alfonse ay na-alimpungatan sa narinig. Pagkalingon niya’y
dumiretso sa kanyang mata ang isang kwartong nakabukas at maka-agaw pansin.
Bawat hakbang ay puno ng buong
galang, pag-iingat, at hinhin.
Matamang tiningnan nila Alfred, Sandra, at Christie si
Alfonse.
Bawat tingin sa kawalan ay hindi maipaliwanag na damdamin.
Matamis ang ngiti sa labi ni Matet habang sinusundan siya ng
tingin.
Bawat pamumuo ng luha ay hindi matanggap na pamamaalam.
Nasa harap niya ngayon ang isang kwartong laman ay pawang mga
libro na nasa tatlong estanteng kasinlaki ng aparador.
Sinuri ni Alfonse ang bawat libro na naroon. History, Theory
of Structures, National Geographic pamphlets, Hydraulics, 100 Psychology Concepts,
Guinness World Book of Records, Did You Know That?, 100 Facts You Need to Know,
A Quirky World: Surprising Infos About Earth, 1,001 Facts that Will Scare the
S#*t Out of You: The Ultimate Bathroom Reader. Sa bawat marahan niyang hakbang
ay dumadampi sa kanyang darili ang bawat librong karamihan ay trivia books.
“Koleksiyon ‘yan lahat ni Christopher…" Lumapit si Matet
sa kanyang blanko ang mga titig. “Malay ko ba sa batang ‘yun. Mahilig ‘yun sa
libro, pero ‘yung ganito kadaming libro, kulang na lang magtayo siya ng
library…” Napahagikgik si Matet ngunit nanatiling
malamlam ang titig ni Alfonse “Sinimulan niyang ipunin lahat ‘yan nung nag-college
siya, pero mas dumalas ang bili niya nung mga nakaraang buwan…”
Napuno ng pagtataka ang mata ni Alfonse.
“Kailan pa po siya umalis?”
“Mga ilang lingo pagkatapos ng graduation. Nagmamadali ngang
umalis eh, eh may kamag-anak kaming engineer na nagtatrabaho sa Dubai kaya
andaling naka-alis.” Biglang tumunog ang cellphone ni Matet sa kanyang bulsa. “Ikakasal
ka ngayon diba?”
Kumunot ang noo ni Alfonse. “Paano niyo po nalaman?”
Lumamlam ang mga mata ni Matet. “Iho ‘yung mga suot niyo. Ikaw
rin ‘tong nagtetext na ito ano? ‘Yung text mong ‘Bilisan mo. Malapit na ako sa simbahan. Sana magkita muna tayo…’ ngayon
lang dumating…”
“Kayo po ‘yung nagtetext sa akin?” gulat na tanong ni Fonse.
Tila natauhan si Matet. “Ah, oo, ako nga… Bago kasi umalis si
Chris nag-iwan muna ng dalawang text na irereply ko sa’yo kung magtetext ka. Kaya
‘yun, dalawang message lang ang paulit-ulit na sinesend ko sa’yo…” Napakamot
siya sa leeg. “Pero sinabihan niya akong ‘wag ko daw gagamitin ‘yung dalawang
text kapag malayo daw ang tanong. Ako na daw ang magreply basta walang shortcuts
dahil ganon daw siya magtext. Pero ‘di ko sinunod para mahalata mo talagang may
mali. ‘Wag kang magsusumbong ah, malilintikan ako sa batang ‘yun…”
Nabakas ang kalituhan sa kanyang mukha.
“Ikaw si Alfonse, iho?” Tinanguan lamang siyang marahan ng
kausap. Iniharap ni Mayet kay Alfonse ang isang librong kulay white at green
ito na hinahati ng orange na banner. Halatang kulay-kape ang mga pahina nito.
“Pinabibigay niya kung sakaling pumunta ka daw dito. Maiwan muna kita ah.”
Kalipulan ng nakatuping papel ang naka-ipit sa bandang likod
na pahina. Karaniwang bond paper. Binasa
niya ang pahina kung saan ito naka-ipit, at nakita niyang muli ang mga katagang
matagal nang tumatak sa kanyang isip.
“According to research,
reading trivias can suppress the hormone responsible for making us fall in
love.”
Bigla’y napa-iyak si Alfonse, piping saksi ang mga librong
nasa kanyang harap.
Sa kahoy na sahig ng kwarto’y nalaglag ang naka-ipit na sulat
at ang letter ‘C’ na pendant ng kwintas na ipinagawa niya para kay Chong. Pinulot
niya ang ito’t inilapag ang libro sa istante.
Hindi mapalagay ang kanyang mga kamay nang buksan niya ang
sulat.
Napansin mo bang ang korny ng simula, maski
dear na ‘yung ginamit ko ang pangit pa ring pakinggan. Oh wait, dumudugo ‘yung
cochlea ko…
Hindi ako sigurado kung mababasa mo pa itong
sulat na ito. I wouldn’t be surprised kung nagpapakasasa ka ngayon sa piling ni
Mylene at makalimutan mo na ako. Oh, well, such is life. Pero seriously, kung
mababasa mo man ‘to, malamang nasa ibang bansa na ako, at malamang kasal ka na
rin. Malamang rin na isinusumpa mo na ako dahil nalaman mong peke ‘yung bahay na
pinagbabaan mo sa akin nung induction. Pwede ring bigla mo na lang akong maalala
at saka mo na lang mabasa ito after 50 decades. Pero posible rin na hindi mo na
ito mabasa kahit kailan. Alam kong hindi ‘yun imposible, at gaano man kasakit,
tatanggapin ko. Pero susugal pa rin ako. Chances are all we have in a world
full of uncertainty.
Ano nga bang dapat kong sabihin? Ah oo nga
pala, gusto ko lang sabihin na panalo ka na. Nakuha mo na ang atensiyon, oras,
resources, energies, values, at balun-balunan ng taong akala mo’y hindi
mangyayari. Napasuko mo na ako. Tama ka na walang makakatiis sa iyo, kahit
isang tao, at kahit sino makukuha mo basta gustuhin mo. Sobrang pogi mo pre eh!
Hindi mo na ako kailangang alalalahanin
at hindi mo kailangang maghabol pa sa akin, kasi wala ka ng hahabulin at nasayo
na ang gusto mo. At hindi ko na kailangan sabihin pa kung ano ‘yun dahil sa
tingin ko may kaunti ka namang utak.
Pero kung kulang talaga sa bitamina ‘yang
bungo mo, i-eexplain ko.
Provided na sumunod ang pasaway kong nanay sa
bilin kong ipakita lang ‘tong sulat kapag dumating ka sa bahay, malamang nasa
harap ka na ngayon ng kwarto kong puno ng libro. That’s my mini library. Pero
‘wag kang hungkag at ‘wag kang ma-overflatter, dahil 1/5 ng mga librong iyan ay
binili ko nung 4th year high school para makamove on kay Jasper!
‘Wag kang ngumiti, walang nakakatuwa. Baka bigla akong dumating diyan at
ipagroller coaster kita!
Pero magseseryoso na ako.
Naalala mo ‘yung recording na naka-ipit
sa notebook kong hiniram mo…
“Thank you, thank you talaga…”
Muling
isinukbit ni Chong ang gray na body bag sa kanyang kanang balikat. “Wala kang
dapat ipagpasalamat…”
...sinadya ko ‘yun…
Bigla’y
nasagi ng kanyang kamay ang notebook ni Chong. Tiningnan niya ito’t bukod sa
kwaderno’y may nakaipit rin ditong nakaplastic na CD.
…hindi ko alam,
simula’t sapul alam ko namang mangyayari ‘yun eh, na maeengage ka sa isang
babae dahil ‘yun ang kalakalan sa pamilya niyo. Sa nagdaang isang taon,
nakatatak na sa isip kong darating ang araw na iyon at wala akong magagawa
kundi tanggapin ‘yun ng maluwag, na parang wala lang sakin. Pero ang sakit nung
nakita ko ‘yung singsing sa loob ng bag mo. ‘Di ko alam kung bakit pero ang
sakit. Gusto kong mag-sorry, kung hindi ko ginawa ‘yung hindi kayo magkakagulo
ni Alfred at hindi ma-oospital ang tatay niyo. Pero parang at some point maganda
na rin. Tingnan mo, napilit kang magpakasal kay Mylene.
Pero gusto ko ring magpasalamat sa’yo kasi
kung hindi naging tayo, or at least naging tayo man lang sa imahinasyon ko,
hindi ko mararanasan ‘yung mga sayang hindi ko naranasan noon. Nadama ko ‘yung
mga ngiti na madalas sa overrated na mga dramas ko lang napapanood. At oo
inaamin ko, kahit na hindi bukal sa loob ko, na kahit paano’y naging masaya ako
habang magkarelasyon tayo.
Tandang-tanda ko pa ‘yung isinigaw mo nung
sinabi kong gusto kita…
“Hindi pa ba sapat na dahilan yan para sa’yo?
Gusto kita, ibig sabihin bakla ako. Okay?”
...tawang-tawa
ako nun...
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”
...’wag
kang bolang, hindi kilig ang tawag doon! Pero tawang-tawa ako, or should I say
tuwang-tuwa? Kaya siguro pinagtitinginan ako nung mga taong nakasalubong ko
habang lumalakad kasi kulang na lang humagalpak ako sa tawa. Eh napapansin mo
ba ‘yung gray kong body bag kapag nalalaglag, maski nung nasa canteen tayo at
in-interrogate kita...
“…Can you please stop calling me Chong for God’s sake. Are we even
close?” Saka siya tumayo ng diretso at isunukbit ang kanyang body bag sa
kanyang kaliwang balikat.
…right-handed ako. Pero
kapag nagkikita tayo at may ginagawa kang anumang kalokohan, nalilito na lang
ako’t naisusukbit ko na lang sa kaliwa kong balikat ang body bag ko. Haaay, ang
tanga diba. Pero alam ko ‘di mo napansin ‘yun. ‘Yung nakasulat na Alibata sa
green na specialty paper, natatandaan mo? ‘Wag kang mabibigla pero pangulam
‘yun. Joke lang. ‘Hindi ko kailangan si Carl Alfred Santiago’ ang nakasulat
doon. ‘Di ka man lang kasi nagresearch eh.
Maraming salamat din kasi kahit paano
nakaranas ako ng date, pero kapag naalala ko ‘yun, napapa-iling na lang ako. Tapos
mapapangiti. Nung nakasandal ako sa balikat mo…
“Chong...”
Pagkalipas
ng isang minuto’y wala pa ring sagot si Chong. Inaalog na niya ang kanyang
balikat para malaman kung anong nangyari dito.
…gising ako nun at
pinipigilan kong ngumiti…
“Chong?”
Saka niya
narinig ang paghilik nito.
…Hindi ko maintindihan ang
sarili ko, dapat naiinis ako kasi kababawan ‘yun. Pero habang sinusulat ko ‘to ay
hindi ko mapigilang ngumiti. Buset! Malamang tawa ka ng tawa ngayon! Eto pa, nung
nasa Manila Bay tayo pagkatapos nating magpakain ng mga batang kalye at niyakap
mo ako…
“Anong
ginagawa mo?” Nagtatanong ma’y kalmante ang boses ni Chong.
Nakangiti
lamang si Fonse habang nakasandal sa balikat ni Chong. “Niyayakap ka. Lagpas 3
months na tayo, diba sabi mo, kapag three months na tayo, pwede na kitang
yakapin...” At saka siya uli ngumiti, bakas sa mukha ang lubusang saya.
…hindi ko alam pero
muntik na rin kitang mayakap non…
“Ikaw lang
ang natuwa sa ginawa mo...” Saka inayos ni Chong ang bag niyang nagulo sa
pagkakayakap ni Fonse. “Manyak...”
… Aaminin kong
biglang-bigla ako nun. Pagkayakap mo sa akin, parang may kuryenteng dumaloy sa
katawan ko na hindi ko maintindihan. Kulang na lang mapapikit ako. At
mahabaging langit! Buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Nung nag-away tayo
naalala mo?...
Tinangkang
pigilan ni Fonse ang kanyang mga braso ngunit siya’y nahuli. “ANONG GINAGAWA
MO?” buong lakas niyang sigaw.
…baka maweirduhan ka
pero ang saya-saya ko nun…
“GINAGAGO
kita. Hindi ba’t GINAGAGO kita?” Nakangiting sagot ni Chong. Saka niya iniabot
ang kanyang kamay sa compartment at inihagis ang kanyang bagay na naabot.
…para kasi sa akin
hindi tunay na magkarelasyon ang dalawang tao kung palaging nagkakasundo. Boring…XD
Parang hindi normal, parang may mali. Parang kapag ganoon, walang patutunguhan.
Kung magkasundong-magkasundo tayo, ibig sabihin tanggap natin ang lahat sa atin
at wala tayong gustong baguhin sa isa’t isa. Hindi ganon ang pagmamahal para sa
akin. At least, kapag nag-aaway tayo, nasusubok kung totoo ba talaga ang meron
sa atin. Kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng makababa ako ng van mo.
Sobra na ba? Maligaya ka na bang mabubuhay sa
darating na sampung dekada dahil sa nababasa mo? Itodo na natin…XD
Naaala mo nung nakikipaghiwalay ako sa’yo
pagkatapos nating pumunta sa Enchanted Kingdom…
“…Fonse…”
…ginawa ko ‘yun kasi
pakiramdam ko nahuhulog na ako sa’yo…
“…Maghiwalay
na tayo…”
…Hindi ko na alam kung
anong dapat kong maramdamam sa puntong iyon. Lahat ng bagay ginagawa mo para sa
akin, ibinibigay mo sa akin, kahit kadalasan pinapakita ko lang sa’yong wala
akong pake. Gusto kong sabihin sa sarili kong pinapatunayan mo pa rin sa sarili
mong kaya mo akong pasukuin. Pero kahit anong pigil ko iba ang pumapasok sa
isip ko. Para akong nasasakal na hindi ko maintindihan, kaya naisip kong habang
maaga pa at kaya ko pa, umurong na ako.
Kaso wala. Walang nangyari.
Alam mo bang may tatlong ibig sabihin ang
‘Aloha’…
Lumingon muli
si Alfonse. “Bakit? Maghihiwalay na naman tayo?”
“Hindi,
uhmmm, Aloha.”
…’yung isa ay ‘Hello’,
‘yung pangalawa ay ‘Goodbye’, Alam mo kung ano ‘yung pangatlo?...
“Aloha.
Sayonara. Goodbye…”
...I love you…
“Ah okay.
Aloha!”
...pero sigurado naman
akong ‘Goodbye’ ang ibig kong sabihin sa Aloha nun, kaya ‘wag assuming XD.
Totoo rin lahat ng narinig mo sa recording. Gusto
ko talagang sa’yo magmula ang realization na hindi mo ako kayang panindigan, na
tama ako sa iniisip kong kapag nakuha mo na ang gusto mo ay babalik na ang
lahat sa dati, na parang walang nangyari, magkakasalubong tayong naglalakad ng
walang pansinan. Gusto kong ikaw mismo ang makipagbreak sa akin. ‘Yun ang plano
ko nung una. Pero nagbago rin nung huli. Mukhang hindi ka susuko eh. Assuming
na kahit papaano’y may naramdaman ka talaga sa akin kahit kakapiranggot, mukhang
hindi tatalab ‘yung gusto kong ikaw ang makipagbreak. Eh ilang beses na rin
kitang nabwisit pero walang epekto. Kaya naisip kong ipagpapatuloy na lang ang
relasyon natin hanggang makagraduate tayo, hanggang gusto mo ako, hanggang
kailangan mo pa ako. Kesa naman sa ibang bakla ka pa pumatol, at least alam ko
sa sarili kong hindi kita aabusuhin XD.
Halos mangilabot ako ng maisip ko ‘yun. Bakit
nga ba hindi? Susulitin ko ‘yung ano mang namamagitan sa atin hanggang nandiyan
pa, mararanasan kong kahit minsan sa buhay ko’y magkaroon ng boyfriend, and at
the same time, maisasakatuparan ko ‘yung gusto kong magsawa ka sa akin at
piliin mong magpakasal ka na lang sa babae. Aminin mo, effective. Hitting three birds with one stone. Ngayon,
naranasan kong kahit papaano’y maging masaya, kasal ka na, makakabuo ka na ng
pamilya mo at ikaw naman ang magiging masaya.
Pero hindi rin pala, nakatama nga ako ng
tatlong ibon, pero bumalik sa akin ‘yung bato. Ako ngayon ang nagkabukol. At
ang matindi hindi sa ulo ang sakit kundi sa puso.
Pero okay lang, hindi mo kailangan mag-aalala
o makonsensiya. Kasi ginusto ko ‘to, wala akong dapat sisihin kundi ang sarili
ko.
Naalala mo ‘yung sinabi ko sa’yo sa Enchanted
Kingdom, that ‘Love is Need’. Hindi ‘yun gaanong totoo. Well, medyo, kasi ‘yun
ang karamihan ng pag-ibig na meron tayo ngayon. Pero meron ding mga taong
umiibig na walang ibang hangad kundi ang ikabubuti ng mga minamahal nila. Mga
taong handang magsakripisyo at masaktan para lang ipakita sa mahal nila ang
landas na dapat nilang tahakin, na pwera sa pag-ibig na maaari nilang
ipaglabang dalawa, napakarami pang landas na dapat piliin kung saan maaari
silang maging tunay na masaya. Sila ‘yung mga taong handang pakawalan sa
kanilang bisig ang taong minamahal nila dahil ang pag-ibig ay hindi mapanupil. Gusto
kong maalala mo ako bilang ganon. Gusto kong maalala mo ako bilang taong naging
susi ng kaligayahan mo, na sa bawat ngiti ng anak mo na nakapagpapasaya sa iyo
ay maalala mo ako. At magiging masaya ako kasi sa tingin ko tama ang ginawa ko.
Love is Sacrifice.
Assuming na gusto mo rin ako, and the feeling
is mutual. Hindi pa rin ako matutuwa kung magka-happy ending tayo. Oo sasabihin
ng nararamdaman kong dapat magkatuluyan tayo, pero paulit-ulit akong iuuntog ng
utak ko at sasabihin niyang kahibangan iyon. Kasi para sa kanya, true love
lamang iyon kung tragic ang ending. Magpafrontal lobotomy na kaya ako?
Wala naman talagang ‘happy ending’, meron at merong mawawala, hindi lang
natin nakikita dahil masaya tayo sa ating nadarama. Darating din ang panahong
mawawala ang saya na iyon, at doon masusukat ang totoong ‘happy ending’. Walang
katapusan ang tunay na pag-ibig sapagkat ‘di tayo tiyak kung kailan ito
nagsisimula. Ang pag-ibig na may dahilan ay ‘di pag-ibig kailanman.
See, simula’t sapol sumuko na ako, hindi ka lang naghanap at nagpatuloy
kang naghabol sa kawalan. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin. Hindi ko
alam kung anong nakikita sa akin ng ibang tao. Pero kahit ano man ‘yun,
maraming salamat kasi siguro dahil doon, naging parte ako ng buhay mo, at
naipadama mo sa akin ang mahalin.
Masyado bang assuming nung sasabihin kong mahal mo ako? XD
‘Wag na ‘wag mong tatangkain na sundan ako. Oo, alam kong kaparaningan
‘yan pero alam kong possible ‘yan. Mayaman ka at maraming koneksiyon, matutunton
mo ako. Pero malalaman at malalaman ko, at kapag nalaman ko, kahit na walang
eroplano o barko, at paglangoy lang ang paraan para makalayo ako sa’yo, gagawin
ko.Kilala mo ako! Maging masaya ka na kasama si Mylene, isipin mo ang
mararamdaman niya kapag nalaman niyang may gusto ka sa kapwa mo lalaki? Siguro
matatanggap niya, pero magiging masakit pa rin para sa kanya. ‘Wag na ‘wag kang
gagawa ng hakbang na pagsisisihan mo.
Ayoko ko ring lokohin ang sarili ko , pero alam ko ang posibilidad na
umatras ka sa kasal. BAHALA KA SA BUHAY MO! ISA KANG MALAKING BUWISIT KAPAG
GINAWA MO IYON! Kapag nangyari ‘yun ako ang papatol kay Mylene, ang ganda kaya
niya!
Kalabisan ba kung dinala ko ‘yung letter ‘F’ dun sa pendant ng kwintas na
binigay mo? ‘Wag kang umasa na ginawa ko ‘yun para hindi kita makalimutan na
parang sa mga teledrama. Ginawa ko ‘yun para hindi ko makalimutan ang lahat ng
bagay na natutunan ko mula sa’yo. Isang beses sa buhay ko’y kailangan kong may
mapanghawakan, mapanghawakan na tama ang ginawa ko at wala akong dapat
ipangamba.
Siguro hinihintay mo pa rin na sagutin ko ang
panlalandi mong ‘I Love You’ ano? SWELO MO! May natitira pa akong pride sa
katawan ano, at may ego pa ako na iniingatan. Kaya manigas ka!
P.S. May pahabol sa likod ng trivia
book. XD
Nanginginig at lumuluhang kinuha ni Alfonse ang trivia book
na inilagay niya sa tabi ng istante ng libro. Puno ng luha ang kanyang mga mata.
Dahan-dahan niyang binuklat ang huling pahina ng trivia book.
Muli niyang nasilayan ang ‘trivia’ na isinulat niya doon
ilang buwan na ang nakakaraan. “Did You
Know? …That Carl Alfonse Sy Santiago LOVES Christopher De Lara Chong…” Napangiti
siya ng mapait.
Ngunit hindi maipaliwanag na silakbo ng damdamin ang kanyang
nadama ng mabasa ang nasa ibaba ng mga linyang iyon.
“Did You Know? …That
Christopher De Lara Chong LOVES Carl Alfonse Sy Santiago…”
Tumigil ang mundo ni Alfonse.
“…Pero may mga bagay na
hindi natin hawak. May mga bagay na ayaw nating gawin pero kailangan nating
gawin dahil ‘yun ang dapat sa atin. Sigurado akong naintindihan mo ako ng
magpakasal ka kay Mylene. At siguradong mas maiintindihan mo ako kung mahahagkan
mo ang panganay mong bagong panganak o habang pinagmamasdan mo ang lumalaki
mong pamilya.
“Hindi-hindi ako
makikipagkita sa iyo hanggang hindi ka pa rin marunong tumayo sa sarili mong paa. That's a deal! Magsimula ka sa direksiyon na ibinigay ko sa'yo. Siguro hanggang dito na lang talaga ang papel ko sa buhay
mo. Pero sana wala kang pinagsisihang kahit anupaman. Sana wala, please.
“Paalam.”
Isang patak ng luha ang dumantay sa puting papel, pinakupas
ang marka ng huling salitang iyon, hanggang sa ito’y tuluyang mawala.
Author's Note:
ReplyDeleteThough labag sa kalooban kong gawin ito dahil ang gusto ko ay maging open for interpretation 'to, I'll give in for humanity's sake. XD Magbibigay ako ng happy insight tungkol sa ending nito.
Kung tutuusin 'happy ending' ito. Bakit? Kasi finally nakapagdesisyon na si Alfonse kung ano talaga ang gusto niya, ng hindi idinidikta ng ibang tao, kundi desisyon niya. 'Yun nga lang, nahuli na ang lahat, katulad ng madalas na nangyayari sa atin sa katotohanan: kung kailan desidido na tayo sa gusto natin, saka natin malalaman na huli na ang lahat.
Sino ang talagang matapang at may direksiyon ang buhay? Si Alfonse na naive sa galaw ng buhay pero nakapagdeisyon kahit huli na? O si Chong na 'matalino', may direksiyon ang buhay pero kaya lang ipakita ang kahinaan kung kailan tapos na ang lahat?
Ayoko ng happy endings sa kwento. Sobrang gasgas na nga mga happy endings sa kwento na sa kwento na lang sila nangyayari. Kundi sa kwento, sa mga teledrama sa TV. Sabi ni Walt Disney sa Saving Mr. Banks, 'storytellers use their imagination to restore order'. That's right. Pero hindi ba mas maganda pa rin na ang isang maganda kwento ay magmula sa katotohanan at hindi ang kabaligtaran?
Yun din siguro ang isa sa mga disadvantages ng mga simbolismo sa paligid natin. Lagi lang silang nandyan at maaari nating mapanghawakan kung kailan lang natin gusto. Pero wala ang pagbabago sa loob natin kundi simbolismong pinanghahawakan natin. Hindi natin namalayan na naging simbolismo na lang ang happy ending.
Ikaw! Oo, ikaw! I think you are taking a refuge of happy endings in the stories you read! Pero lagi mong tandaan na hindi isang kwento, hindi opinyon ng mga tao ang magdidikta ng happy ending mo. Ikaw mismo sa sarili mo ang gagawa noon.
Isipin niyo na lang na nirereverse psychology ko kayo, though I must say na hindi yata epektibo ang ganoon sa mga Pilipino at nag-wowork lang sa mga GC na estudyante...XD Magkakaroon ng happy ending sila Chong At Fonse, pero sa pamamagitan natin. Tayo ang gagawa ng happy ending nila.
Adios!
Wow...clap* clap* exceptional. Update agad sir.
ReplyDeleteANONG UPDATE!!!! TAPOS NA ITO!!!! XD
ReplyDeletehahaha. taray mo naman. halikan kita dyan eh.
Delete-yuan
Haha, try mo sa virtual world...XD
DeleteEnd na yon...baka gusto mo bigyan ng part 2...para naman hnd hanging Yong ibang tanong sa isip namin....pls...akala ko my update pa ....clap* clap*
Deleteend na pala yon hay...you left a hanging questions in my mind...clap* clap*
DeleteHaha, wala, wala na talagang update. 'Yun nga ang gusto ko eh, ang mag-iwan ng tanong sa isip niyo...:-)
Deletemore update
ReplyDeleteFinale na po ito, icoconceptualize ko na yung susunod na kwento...:-)
DeleteEvery story has it's own ending. And this is one of those 'it's not tragic but it has to end sad' type. Kudos! :)
ReplyDelete-James
:-D
DeleteMaraming, maraming, maraming, maraming salamat OC James...XD
Thank you po sa pag update.....
ReplyDeleteSugar214
Welcome Sugar 214. Pasensiya na at halos inabot ng isang buwan. Maraming, maraming, maraming, maraming heartfelt thanks!!!
DeleteMaraming, maraming salamat!!!
Nung umpisa knikilig ako s story nato.pti un pagkakomplikado ni tsong sakto s pagko happy go lucky ni fonse.pro nun tumgl na at s ending..nbdtrip lang ako.... parang s dinmi dami ng effort ni fonse..ng mga natutunan nya s love and as a person... pti s fmily nya..end up ng story sya pdin ang nagsuffr or sya pdin ang talunan... ok nmn n di happy ending e..pro sna lng .. as a person.may pinatunguhan un mga scrifices nya..naisip ko lang,binigay n lahat.nganga pdin
ReplyDeleteNaiintindihan kita, kasi maski ako nung natapos ko 'tong ending na ito kaninang 6 am, nalungkot din akong kailangan kong gawin na ganoon ang ending ng Dilemma.
DeleteNakakabadtrip man, pero yun ang paulit-ulit na isinasampal sa atin ng buhay. Or should I say pananaw ng lahat ng tao, kaya naging parte na ng buhay natin.
Wala nga bang pinatunguhan 'yung sacrifices ni Alfonse? Siguro kung ibabase natin sa returns, oo. Kasi di sila nagkatuluyan ni Chong. Pero 'yun lang ba ang return na maaari nating makuha mula sa mga leksiyon ng buhay?
Lagi tayong ganoon, kaya tayo natatakot na gawin ang isang bagay, kasi baka hindi magbunga at mapunta sa wala. Pero isipin mo lahat ng bagay na pwede mong gawin kung walang mawawala.
HIndi lang naman si Fonse ang nawalan. Maski si Chong. Parehas silang nawalan. Si Alfonse, biktima ng pagiging indecisive niya. Si Chong biktima ng pagiging desidido niya.
Patunayan mong mali ako. Patunayan mong mali ang Dilemma. Patunayan mong marami pa ring 'happy ending' sa mundo...:-)
Been waiting for this! Wow. Hahah. Hindi ko alam sasabihin kung ano sasabihin ko....
ReplyDeleteUna sa lahat salamat kasi namention mo ako sa "Pasasalamat" mo XD nakakatuwang isipin kasi naappreciate mo yung pagappreciate ko sa kwento mo... atleast hindi one-sided pagappreciate natin HAHAHA. Naappreciate mo, Naappreciate ko din. The feeling is mutual. LOL
Pangalawa, Ang smooth ng flow ng ending. Para akong kumakain ng Angel's Burger... Sa unang kagat, tinapay lahat. dejk ang light kasi ng finale.. tapos habang binabasa ko yung story, hindi ko namamalayan na paubos na pala yung burger na kinakain ko.. pero sa huli, nabusog ako. :))
Pangatlo, realistic sya... oops mali. may part na realistic, may part na hindi LOL. kasi masyadong random. Yung tipong hindi mo talaga aakalain (pero oo pwedeng mangyari.) sabi nga nila, life is full of endless possibilities kasi kahit napakaliit ng chance na mangyari ang isang bagay, possible pa ring mangyari ito.
Pang-apat, gusto ko lang sabihing masyadong MIXED EMOTIONS naramdaman ko sa story mo! :)) Yung nakakainis na feeling kasi pagpunta ko sa MSOB, wala pa ding update yung story mo. Yung nakakatuwang feeling kasi pagpunta ko sa MSOB, updated na after 43947892174871 years. Yung nakaka"oo nga no" na feeling kasi habang binabasa ko yung story mo, napapa-agree ako sa mga thoughts na gusto mong ishare at ipaisip sa aming mga readers. Yung nakakaasar na feeling kasi kung kailan hindi ako nagpupunta sa MSOB dun lumalabas yung update mo tapos makikita ko may mga nagcomment na. Yung nakaka"anu daw" na feeling kasi dahil sa typo minsan, at sa napagpapalit palit yung character, nalilito ko sa story pero babasahin ko lang ulit, tapos maiintindihan ko na. At yung nakakalokong feeling dahil kahit na naglolokohan lang tayong lahat kasi fiction yung story, patuloy pa rin akong naghihintay ng update at binabasa ko pa din story mo (though hindi na ngayon kasi tapos na nga... ayaw ko naman nang maghintay sa wala.. [hashtag hugot])
Pang lima, yung sinulat ko kanina sa simula ng comment na ito na "Hindi ko alam sasabihin kung ano sasabihin ko...." syempre kasinungalingan lang yun kasi ang dami ko nga nasabi. HAHAHA Hindi na ako magtataka kung magiging libro ito. At pag naging libro ito, hindi na ako bibili kasi nabasa ko na. hahahah joke lang. bibili pa din ako at papapirmahan ko sayo kasi gusto ko may pinanghahawakan sa lahat ng bagay na natutunan ko. Salamat ulit sa story na ito... Hanggang sa susunod na 'Happy Ending'! :))
-K ! n g
Shet, nakaka-touch, I never expected 'Dilemma' would be appreciated like that. Seriously. I guess sa huli hindi naman nasayang lahat ng pagod at puyat ko. Maraming salamat talaga. Naiiyak ako. (hashtag OA) XD
DeleteI really like the parallelism with Angel's Burger, makakain nga nun...XD
Hay, parte ng Dilemma ang nagkakaktotoo. May isang taong gumagamit ng mga ginawa kong linya ni Chong sa sarili nitong author. GRABE, HAUNTING! XD
Tama K!ng, hanggang sa susunod na Happy Ending...:-D
Maraming salamt uli. Taos puso yan.
Kanina ko pa gustong basahin to kaso natakot ako na hindi ko magustuhan yung ending kaya ngayon ko lng binasa. Alas tres n ng madaling araw. Alm ko kasing mapapaisip na naman ako sa chapter na to kaya rin ngayon ko lng binasa. XD mdyo mahaba tong conment ko. Lol
ReplyDeleteHindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot ako sa ending. Natutuwa ako kasi pinanindigan mo na ayaw mo ng cliche. Hindi siya sad ending. Open to interpretations as a matter of fact. Nasanay lang siguro tayo, kami na kpag happy ending kelangan sealed with a kissand the likes. Well, i guess, its not about how the story ended but the journey itself. Yung mga ginawa ni chong para takasan si fonse at ung mga ginawa ni fonse para kay chong at yung mga natutunan nila tungkol sa buhay hindi lamang sa pag-ibig, na hindi lamang umiikot ang buhay sa iisang tao, na maraming variations ang love.
Dun sa sulat ni chong kung saan nbanggit ung "love is need". Un ba ung sinasabi mong revision n ginawa dahil sa pinag-usapan natin? :-)
Gusto ko ung last part. Dun n navoice out ung mga iniisip ni chong. Ung point of view ng bida. Kudos to that!
Naiinis nga lang ako kasi nging selfish si chong ng pangunahan niya si fonse sa kung ano mkakapagpasaya ky fonse. He understimated his love for him. Though naintindihan kong gusto niya lng magkaroon ng paninindigan si fonse. Still is unfair pa rin kasi nanindigan na siya sa una pa lang, si chong ang hindi nanindigan pero dahil open ended ung kwento, lusot k p rin. Lol
Nasabi ko n sayo to perobsasabihin ko ulit. Gusto ko ung pag-incorporate mo ng philosophical thoughts mo. Youre one of the few authors who can execute it perfectly leaving readers to contemplate and relate it to reality. Superb kasi alam kong galing talaga yun sayo. :-)
Madami p akong gustong sabihin pero itetext ko nlng siguro. I need to collect my thoughts first. Hehehe. Congrats. We will wait for your next story.
-james santillan
Ah, kaya pala, KAYA PALA ANG DAMI MONG DRAMA...XD Ininterpret ko ng lahat-lahat 'yung nasabi ko sa'yong panaginip, 'yun pala 'yan ang dahilan...XD DRAMA MO! XD
DeleteActually hindiko rin alam kung matutuwa ako o malulungkot na hindi mo alam kung matutuwa ka o malulungkot...XD Pero ang galing na natutuwa kang pinanindigan kong walang cliche, labas na kasi 'yun sa kwento...XD 'Yan ang ayaw ko kapag may nakapangalan sa isang bagay, pero lusot ka na rin...XD
Tama, it's not about how the journey ended but the journey itself. Isa 'yun sa mga dahilan kung bakit pinapakadetelye ko 'yung mga chapters, pinaka-aaral ko yung mga dialogues, kasi nandun ang development. Masyado tayong concern sa kung anong patutuguhan natin na hindi na natin na-ieenjoy 'yung in betweens, na kung tutuusin eh mas matagal...XD
'Yung love is need? Actually hindi. Lahat nung thoughts ni Chong sa sulat plinano ko na sa simula, though nakalimutan ko lang kung paano sasabihin kaya siguro naka-apekto sa kung paano ko pinasabi kay Chong. Dapat matagal ko ng inilagay sa Enchanted Kingdom chapter 'yung convo about love as a sacrifice, kaso kung ilalagay ko, para namang engot 'yung charactr ni Fonse kung hindi niya mahahalata. Kung may na-impluwensiya ka man sa sulat, 'yun ay 'yung part na sinabi niyang hindi niya alam kung anong nakita sa kanya ni Alfonse....XD Wala 'yun sa original kong naisip...XD
Pero alam mo, I've consider giving this the CONVENTIONAL HAPPY ENDING, PRIOR OUR CONVERSATION....XD Pero I'd stick to the original ending...XD
Sabi ko naman sa'yo eh, CHONG IS WEAK. EVERYBODY IS STRONG AND WEAK. Katulad din ng nasabi ko sa'yo dati, sinadya kong lagyan ng flaws si Chong at Fonse at lahat ng characters sa abot ng makakakaya ko. Hind lahat ng sinasabi at ginagawa ni Chong o ng kung sino pa man, tama o makatwiran. In the end, nasa mambabasa ang desisyon...
Open ending really did the trick...XD
Sa tingin ko naman nacollect mo na 'yung thoughts mo...XD
James, gusto-gusto kong magpasalamat sa'yo. Maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa lahat. Kulang pa lahat ng pasasalamat na 'yan. Kung tutuusin ako pa nga dapat ang manlibre sa'yo at hindi ako dapat ang magpalibre sa'yo. Sige kapag ako nagkapera, papadalhan kita ng bouquet sa trabaho mo. LOL...XDXDXDXDXD
Salamat uli. :-D
-Menalipo Ultramar
Tapos na pala ang "Dilemma", tama yung comment sa taas para kang kumakain ng isang masarap na burger, without realizing na paubos na pala.
ReplyDeletePero sa isang banda, nag iwan siya ng masarap na "after-taste", muli niyang ituturo sa yo kung anong pagkain ang masarap balikan at uliting kainin kapag nagutom ka.
Ganun ko na appreciate ang likha mong Ito Mr. Author! Para bang naka "pasak" na sa kukote ko kung kaninong likha ang dapat kong basahin kung gusto ko ng mga kwento/nobela na hindi stereotype, at mag iiwan ng challenge sa mambabasa nito. Dito lang sa "Dilemma" ako nag comment kahit pa marami na rin akong nabasa sa MSOB, feeling ko kailangan kong makisawsaw pa minsan minsan.
True love is unconditional and full of sacrifice, cliche na yan, but still you were able to deliver the real essence of that quote. Tama naman talaga, nasa atin ang pag papasya kung paano natin bibigyan ng "happy ending" ang mga buhay natin. Naala ko tuloy yung reply mo Mr. Author sa tanong ko dati: talaga po bang bihira ang happy ending sa mga m2m relationships.
Salamat po sir sa magandang kwento, antayin ko yung bago mong obra. Sana lang wag abutin ng 100 years ang mga updates... XD. God bless po! ....OGLUM
Ganon ba talagang nakakabitin, o kasi ewan lang 'yung author...XD
DeleteAng galing ng nagawa niyong symbolism, pwede na kayong magsulat...XD
Pro tandaan mo OGLUM, lahat ng bagay may kagandahan, basta maghahanap ka ng kagandahan. Lahat ng akda may taglay na ganda, dahil binuhusan yan ng enerhiya ng taong maygawa nun. Ayokong ipasak mo sa kokote mo kung kaninong likha ang dapat mong basahin. Ang isang gawa pwedeng maging maganda habambuhay, pero ang taong may gawa nun hindi makakagawa ng kabutihan habambuhay...XD Pero nevertheless, maraming, maraming, maraming salamat...:-)
Salamat.
Ahahaha, 'yung publisher ko ay prinepressure akong magpost ng chapter ng bagong kwento sa March 1....XD Sana mangyari, sa lang...XD
Uli, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, araming salamat...;-)
Naisip ko na din to eh..na wala na yung usual na happy ending..hindi yun ang nasa utak ni author..eh kita mo naman ang mga banat,makabakbak utak Lol!
ReplyDeleteThe important thing is bumigay pa din si Chong :)) parehas naman silang may natutunan sa isa't isa..
Thanks Mr. Menalipo Ultramar :))
Wahahahahaha, ang galing mo...XD Makabakbak ba talaga...XD
DeleteYeah that's right. Optimism. I'm glad you're seeing things that way...:-)
Maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming, maraming salamat din Riley Dilema, este Delima...XD
Finally, the last part has arrived hehe… isa ako sa matagal na naghintay ng update nitong final chapter na ito. I really like the flow of the story.
ReplyDeleteSad sa ending pero habang papatapos ang aking pagbabasa ay may nabubuong isipin o karugtong na kwento sa isip ko dahil nga sa hindi naman naging happy ending and it’s actually real, napakadalang ng happy ending kapag same sex relationship.
Walang naging bunga ang paghihirap ni Fonse sa pag-ibig nya kay Chong dahil hindi naman sya umamin o inilantad ang pag-ibig nya kay Chong. Huli na nang makapagdesisyon sya, wala na si Chong. Si Chong naman sa lahat ng pahirap o pagsubok na ginawa nya to avoid Fonse, at the end of the day, umamin sya na nahulog rin sya kay Fonse and it’s too late also. Pareho ng kapalaran ang dalawa. Doon pumasok ung imahinasyon ng mambabasa na, paano kung ganito ang nangyari or paano kung ganito ang gawin ni fonse or ni chong. Pero tapos na ang kwento at sabi ko nga kanina sa isip nalang naming mambabasa kung anu ang gusto naming idugtong sa kwento ng author.
Mr. Author, nagamit mo rin ang halukipkip hehe… Hindi ako nagbabasa ng sobrang haba na kwento dahil inaantok ako, pero ito 2 days ko lang binasa at hindi ko binitawan.. ito lang huli dahil nung umpisahan kong basahin ito ay later na ang January 2014.. so naghintay din ako sa finale ng kwento.
Good luck sa author at aantabayanan ko ang susunod mong kwento. God bless you.
-Nan-
FINALLY talaga ano? Tanggap ko naman eh, makupad talaga 'yung author. Lagpas dalawang taon niya 'to ginawa. I could have killed him...XD
DeleteMaraming salamat that you liked the flow of the story...:-)
That's what I liked, an ending made by you, not by everyone else :-D Oo napakadalang ng happy ending sa same sex rel, pero I must say na sa lesbians eh hindi ganoon ang case. Nasa atin pa rin ang problema, lalo na sa mga lalaki, at kung gugustuhin natin, mababago natin 'yun.
May naging bunga naman, it's just that labas sa kung anong namamagitan sa kanila. Siguro kung anong nangyari sa kanilang dalawa, naging mas mabuti silang tao at natutunan nilang tumayo sa sariling mga paa. :-)
Wahahaha, grabe ano? Inabot na ako ng last chapter bago ko magamit 'yung halukipkip... XD Pero it's never too late, I'll edit this out. Baka ipost ko rin sa Wattpad kapag nakahithit ako...XD
Maraming, maraming, mraming, maraming, maraming SALAMAT!!! XD
-Menalipo Ultramar
Well pangalawa na toh dun sa mga story na di happy ending napaka realostic kudos kahot gusto ko isipin na magka happy endong pero I'm sire meron knowning fonse he wouldn't give up just like this naamaze ako wala gusto ko yung kwento sarap lang ganyan realitu kailangan magparaya sa mahal mo at kahit gaano nio pa kamahal isat isa may unos pa din.
ReplyDeleteSalamat :-)
DeleteSabi nga ng status ng friend ko sa Facebook, "hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan..." :-)
I'm glad that you liked it. XD
Balita ko may epilogue daw to? XD
ReplyDelete-james santillan
At kaya pala nagtatanong ka sa akin kung nakakakita ako ng notifs kapag may nagcocomment, HUNGKAG!
DeleteHA? Saan mo nabalitaan 'yan? Sure ka ba diyan? Malay ko sa author. Pero alam ko kung magkakaepilogue open ending pa rin? XD
Hahaha. Malay ko ba na bka nmn mkaramdam k pag may notification. Medyo naiinip na nga ako eh kung MERON man. XD
DeleteActually, nasa phone ko pa yung pruweba. Gusto mo ng screenshot? Di ko lng alam kung sino nagsabi. Pero kung open ending pa rin baka mangyari ulit ung hiroshima at nagasaki bombing which you dont want to happen, right? XD
-james santillan
May nalalaman ka pang WALA NAMAN. Sabi ko na nga ba...XD
DeleteHindi. Kapag open ending 'yung epilogue, mangungulit ka naman, ng kung ano-ano, na kailangan mo ng compensation at kung ano-anong bagay. Tapos I'll give in. Tapos open-ended pala. And the cycle never ends. XD
Ipakita ang screen shot, and I'll sue you in court...XD
Love and it's misconceptions , ang galing ng ending parang romeo and juliet , kasi kahit pareho silang namatay (which is dahil sa katangahan ) eh masasabi pa ding perefect ito in a way na ikaw na ang magiisip, i must say nabitin ako at na lungkot dahil tuluyang dinala ng hangin ang cold pero sweet na si chong sa malayong lugar, at ang hopeless romantic namang si alfonse ay naiwang loveless , pero anyway it's still perfect. Sana lang magkaron ng clarification ang dalawa (kahit epilogue lang hihi) at oo nga pala si Alfonse at Chong ang bago kong favorite na character at ikaw ang favorite author ko! ( walang halong biro, kung meron man para gumawa ka pa ng bagong book) first time ko mag comment kaya linabis ko na
ReplyDeletelastly sana gumawa kang bagong book , and surely susuporta ako!
Love and it's misconceptions, WOW! XD
DeleteParang maski ako eh nabitin. XD
Maraming salamat sa mga favorite favorite na yan, pero mas magandang buksan mo rin ang isip mo para sa ibang mga akda. :-)
May nagrerequest na ng epilogue, kaya magdedemandahan kami. XD
May bagong kwentong naiisip kaso matagal pa...XD
Sir!..Thank.you!!!!!!!
ReplyDeletesalamat.sa.pagshashare.ng.magandang.story.I.will.treasure.your.story!!!
salamt.din.naspecial-mentioned.pa.ako.hehehe...
-KIO
P.S:.Yung.stone.na.nulinok.ni.Juan.,just.wondering.Sa.Seon.Deok.un.right?.hihihi...Isa.un.sa.pinakagusto.kong.scene.dun...;))))
Maraming salamt din... :-)
DeleteP.S. Yah, Yah, Yah, halaw nga yun sa Seon Deok. Inelaborate ko lang para makita yung pagkakatulad ng event sa circumstances ng pagpili natin. May kapwa Seon Deok fanatic pala ako dito. XD
hanggaling mo author :))
ReplyDeletepuyat ng tatlong araw sa pagbabasa -_- ndi ko kc kaya ng isang araw e, sakit sa mata ...
sana my book 2 :(
--esod
Wala na po 'tong book 2, Swear, lock, double lock. XD
DeleteI read this in one sitting. I hope am not yet too late in joining the bandwagon. Haha
ReplyDeleteUhmmm I can honestly say that I loved the story. Yea, I do. I can see myself in Chong's character, of course not totally. Sometimes I can't see the sense in what he's saying. Maybe he's just that intelligent for me to comprehend or perhaps he's trying hard too hard to be deep or probably he's just crazy. Haha After reading this, I can't still fully comprehend how he mustered to conceal all his feelings for Fonse. I can't imagine or maybe I'm in denial that there is an existing being like him. It's insulting that he's way beyond my IQ. Haha But if there's one thing I liked about him, it's his unpredictability. Who the hell in his proper mind, in this lunatic world would ever think of those silly rules. If there was one thing I wish he wouldve done, it's to at least honeslty be himself and accept the love given to him face-value. But, I guess he has his reasons and I think his letter explained it all. Hmm I think I'm in love with him. Hahaha I want to test if he's really that genius.
Anyway, as for Fonse, I'm in awe of his love and admiration for Chong. Again, akin to Chong, it's rare to see such being really breathing in this world.
I know that you really wanted your story to be unpredictable, to be unconventional and different. To some extent, I think you managed to do so. There are minor things that really didn't make sense to me. Some dialogues that, like the others, didn't feel correct. But we are not the author, maybe it just didn't come across as you've wanted it to be.
Sad that there wouldn't be a continutation to this marvel, but if I were to give it my own ending, I see Fonse striving to become successful as Chong wanted him to be. And in their own right time, they'd meet again, this time, no inhibitions and no holds barred.
If only I had known this site existed for quite some time now, I would have been one of your avid supporters and commenters. But making this one comment I hope would give just a tinny bit of inspiration to create more of this genius-type-of-work.
Thank you for this sublime piece of lunacy. Haha
PS. Are you really an engineering student. It seems you know a tad about medical stuff. Sometimes it made me think how accurate they are, but I trust that since your Chong's alter ego, I'd have to trust your cerebrum. :-D
Marvs
Grabe lang, currently experiencing epistaxis. XD
Delete"Conceal his feelings for Fonse.."? Try that game. That's very exciting and thrilling. XD
Sana mabigyan mo ako ng mga lines na talagang medyo out of context, o yung tipong di talaga maintindihan. I've always wanted na makakuha ng in-depth review sa story na to. :-)
You thank me for a 'sublime piece of lunacy', na contestable XD, I thank you for a sublime piece of an hardcore review. It's been months since this story ended, and I really appreciated your comment. This made me smile. :-)
P.S. I am indeed an engineering stud. XD But I'm interested in psychology and philosophy. Don't trust my cerebrum. Question everything. ;-)
nadissapoint po ako sa ending... :( parang nagsayang lng ako na mabasa to kasi feeling ko parang di siya tapos.. bitin na bitin as in! super! parang di ko po naramdaman na ito na pala ung ending... ang ganda p naman ng kwento at inlab p nmn ako kay fonse tas na inspired p nmn ako sa katalinuhan ni chong! hayst! ung author talaga ung may kasalanan! hahaha.. dabest na sana itong story na to sa lahat ng nabasa ko kaso ung ending lng talaga na parang hindi naman ito ung ending! siguro sinadya talaga ni author to para.mabaliw kami sa kaiisip kung ano nangyari pagkatapos nun? pls! im begging u author ! dugtungan nyo po ung kwento plss??? :"((( ito ung pinakamagandang kwento n nabasa ko kaya sana ituloy ng maayos ... hahaha ... :))))
ReplyDeleteNapaisip ako. Ginawa lang ang tama at ang dapat. Sangayon ako sa author nito. Alam kong yan din ang gagawin ko. Kaya nagustuhan ko.
ReplyDeleteHmmmmmmmm
ReplyDelete