The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter – 3
“The Start of Something New”
By: Jace Knight
Author’s Note:
Hi po. Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay sa akda kong ito.
Salamat kela Vince, Jeff from Mindoro, Raffy, Ken, at sa iba pang
naka-appreciate ng gawa ko. Anyways, sa mga nagtatanong through emails about
myself, im originally from Zamboanga del Norte province (Bisaya brad!), but im
currently in the Visayas area. I’m a third year Finance student, and I’m in a
happy relationship with a much older guy. Yun lang muna. Send me your thoughts
via email and fb at jaceanime@gmail.com.
Enjoy reading guys! :)
========================================
== The Leaf ==
“Hi there! Im your partner. Kumusta?” Napatingin lang ako sa likod
ko ng kalibitin niya ako. “We meet again.” Sabay ngiti niya sa akin.
“What?! Ikaw na naman? I love this day. I love my life.”
Sarkastikong sabi ko.
“Wow naman! You love this day kasi magkakakilala na talaga tayo?
Nice naman o.” sabay lipat ng upo sa tabi ko. “Ok. So let’s start this over
again. Hi, im Yukito Ramirez. Pero Yui nalang for short.” Sabay ngiti sa akin
ng ubod ng tamis…
Napasimangot naman ako. “Anak ng kwek kwek naman o! I was really
paired with this annoying Japanese guy huh? Tsk.” Nasabi ko nalang ng palihim.
Hindi ako tumitingin sa kanya, I was pretending na nakikinig ng music sa
headphones na sinuot ko kanina pero wala namang itong tugtug kasi in-off ko
kanina nung dumating ang prof namin.
Sa totoo lang, ayoko talaga magkaroon ng kaibigan. Siguro takot lang
ulit magtiwala, whatever. Basta I really prefer working alone. Dati rati, pag
ganitong mga group activities, sinasabihan ko nalang ang aking mga groupmates
na ako nalang ang gagawa. At lahat sila, sumang-ayon naman.
“Haaay. I LOVE THIS DAY! Grabe! Ke malas malas mong lalaki ka.” Sabi
ko sa sarili.
“Hey. I know na naging di masyado naging maganda ang introductions
natin kanina, pero I’m very willing na simulan natin ito ulet.”
Napabuntong-hininga siya at saka ngumiti ulit. “Ako nga pala si Yukito Ramirez,
kung hindi mo narinig kanina.” Napangiti siya maya-maya. “Hey, alam kong hindi
ka nakikinig ng music. Eto o...” Sabay taas ng end ng chord na hindi ko
namalayang natanggal sa ipod ko.
Tsk. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito? Ano ba kailangan niya?
“What do you want?” walang kagana-ganang tanong ko sa kanya, without looking at
him.
“Bakit ba ang sungit mo? You’ve heard Miss Tayko right? May
presentation tayo sa Monday, at GROUP PRESENTATION yun. So we better do this
together.”
“Kaya ko ng gawin yung magiging presentation natin. Madali lang yun.
Ako na ang bahala.” Sabi ko at tumayo agad at naglakad palabas. I just gave him
the cold shoulder. Naiinis ako sa kadaldalan niya.
Nahawakan niya naman ang braso ko. “What? So ano tingin mo sa akin,
tau-tauhan lang na ipapasa sayo lahat ng dapat gawin? No way.”
“Ayokong may makulit at madaldal na umaaligid-aligid sa akin okay?
Ako na ang gagawa nun. So please, bitiwan mo ako.” Irap ko sa kanya.
“Look. If you still insist of doing it all by yourself, Miss Tayko
will hear about this. You wouldn’t want me to do that, do you?” Sarkastikong
nasabi niya. “Group Activity nga diba?”
“Mr. Ramirez, I’m dully capable of doing the activity alone and I
assure you---“
“No. Sa ayaw mo man o gusto, we will do it together.”
Napabuntong-hininga siya, at ngumiti. “ So friends?” sabay abot ulit ng kamay
sa akin.
Nilagpasan ko lang siya. “Go away!” pagsusungit ko.
Hinabol ulit niya ako. When will this man ever stop? Kumukulo na ang
dugo ko.
“So you’re last name is Gonzales right? Ano first name mo?” He was
walking by my side at nakangiti lang ng parang nanloloko.
Hindi pa rin ako umiimik. Direcho lang akong naglakad.
“Know what Mr. Gonzales? I’m not giving up on you. Ikaw lang kasi
ang tumaboy sa akin ng wagas. Tas hindi pwede sa akin ang itaboy nalang ako ng
basta-basta.”
Hinarap ko naman siya at sinamaan lang siya ng tingin. “I’m sorry if
I’ve hurt your ego Mr. Ramirez. I’m just not comfortable having friends. There,
happy?” At naglakad lang ulit sa gitna ng ground ng school. Maraming estudyante
na ang nakakapansin sa amin. I can’t draw too much attention, kaya binilisan ko
lang ang paglalakad. Akala ko hindi na siya sumusunod, ng biglang hinabol niya
ako at hinarang ako sa dinadaanan ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang
balikat. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Hindi kita bibitawan hangga’t di mo pina-promise na magiging
kaibigan mo ako at tayong dalawa ang gagawa ng activity.”
“Baliw ka na Ramirez. Let me go!” pagpupumiglas ko upang mabitawan niya ang mga
balikat ko. Grabe, ang lakas ng mokong na ito. At isa pa, mas mataas ito sa
akin. Nasa 5’7 lang ako, at sa tantya ko nasa 5’12 or 6’feet na ata siya.
Pagtingin ko sa gilid, madami ng estudyante ang nakatingin sa amin. Nakakahiya.
“Promise me, and bibitawan na kita. Unless you still insist, may
gagawin akong hindi mo magugustuhan.” Ngisi niya sa akin.
“At ano naman? Susuntukin mo ako?! Sige lang. Tingnan natin kung
sino’ng mukha ang mababasag.” Tiim-bagang sagot ko.
“Promise me first. Pero kung ayaw mo talaga, hahalikan kita dito sa
harap ng maraming tao.” Bulong niya sa akin.
“What?!” Bakla ba ang taong ito? Pero hindi naman halata sa kanya.
Nagpumiglas ulit akong makawala sa kanya pero hindi ko magawa.
Aktong papalapit na ang mukha nya sa akin, at naririnig ko na rin
ang pangangantyaw ng mga nakatingin sa amin ng “Kiss!” Wala na akong choice,
ayokong mapahiya.
“Ok fine! I promise. Now get off me.” Irap ko sa ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin ng ubod ng tamis. Kala mo naman nanalo sa
Olympics. Makangiti, wagas.
“Good. So this is the start of our friendship.” Naglakad naman ako ng mabilis, pero humabol
ulit siya. Haay nako! Gusto ko ng suntukin ang mokong na ito.
“Ano nga ulit pangalan mo? When are we going to start making the presentation?
Sa bahay nyo ba? Or sa amin nalang? Ano phone number mo?” Sunod sunod niyang tanong.
Kinuha nya naman ang phone niya para makuha ang number ko.
This is really it! Ubos na pasensya ko. Pagod na akong makinig sa
daldal niya. Hinarap ko ulit siya at sinamaan ng tingin. “Jay Denzel Gonzales.”
Kinuha ko yung phone niya at dinial ang phone number ko. “I’ll just text you
tonight. Happy?“ Tsaka iniwan na siyang nakatayo lang at ngingiti-ngiting
parang baliw.
No choice na ako. I need to shut his trap. At hindi siya titigil
kung palagi ko siyang susungitan. “Haay, sana hanggang dun lang yun.” Nasabi ko
sa sarili. Ayoko talagang makipagkaibigan sa mga di ko kakilala. Napailing lang
ako ng maalalang tinangka niya akong halikan sa harap ng maraming tao. Putek.
================
== The Wind ==
Yes! Nakuha ko rin sa wakas ang phone number niya. Hindi ko na siya
kinulit pa, atleast, alam ko na ang pangalan niya, at ang phone number niya.
Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa kasiyahan ko. Ewan, hindi ko alam. Basta
masaya ako.
Jay Denzel Gonzales huh? Simula ng marinig ko yan kanina, parang
hindi na siya maalis sa isip ko. Haay ano ba to? Am I falling for him? Pero
bakit sa kapwa ko lalaki? Siguro na challenge lang talaga ako sa kasungitan
niya.
I was on my way home ng makita ko’ng naglalakad si Jay. Sinundan ko
lang siya. Dala ko ang motor ko nun at ayokong mahalata niya ako. Kaya
hinay-hinay lang ako sa pagsunod. Napansin ko namang naka-headphones na naman
siya at nakikinig ng music. Maya-maya, huminto siya sa tapat ng isang 2-storey
house na hindi naman masyadong kalakihan. “Siguro, bahay nila to.” Anang isip
ko.
Pumasok siya sa gate at tumuloy sa loob ng bahay. Pero habang
sinasara niya yung gate, napansin ko lang na nagpupunas siya ng mata.
“Umiiyak siya?” tanong ko sa sarili ko. Siguro nga. Kasi simula ng
makita ko ang mga matang iyon kaninang umaga, puro kalungkutan lang ang
nakikita ko.
Pumasok na siya sa loob ng bahay. At ako nama’y may naisip na plano.
Pinaarangkada ko lang ang motor ko at pumunta sa may malapit na fastfood.
Pagkatapos ng ilang minuto, I’m back here sa tapat ng bahay nila Jay.
Nagdoorbell ako. Maya-maya pa’y may lumabas na matandang babae, na sa tingin
ko’y nasa early 50’s na. “Mama ni Jay?” tanong ko sa isip ko.
“Yes hijo? Ano kailangan nila?” Tanong niya.
“Good afternoon po.” Pag yuko ko na nagpapahiwatig ng respeto sa Japan.
“Ako po si Yui, classmate po ako ni Jay. Andyan po ba siya?”
.“Oo hijo, sigurado ka bang kaibigan ka niya?” May pag-aalinlangan
sa mukha niya.
Napakunot naman ang noo ko. “Ahh, yes po. Actually, magka grupo kami
sa klase namin sa English. Hindi niya kasi ako tinext kung kelan kami gagawa ng
activity. Itatanong ko lang sana po?”
Bigla namang tumuwa ang ekspresyon ng matanda. “Ay ganun ba? Oh
sige, pasok ka hijo. Aakyatin ko lang si Jayden sa itaas.” Anang matanda. Kita
ko naman na nabuhayan ito ng loob. Ewan ko.
“Thank you po.” Naglalakad kami papasok sa bahay ng makarinig ako ng
tunog ng violin. Napakalungkot ng tugtug. Si Jay kaya yun?
“Maraming salamat naman sa Panginoon at sa wakas ay nagkaroon na ng
kaibigan ang alaga kong iyon.” Maya-maya’y nasabi ng matanda. “Pasensya ka na
sa bahay namin hijo ha? Di kasi nagdadala ng mga kaibigan si Jayden dito. Sa
tingin ko nga ikaw lang ang kaibigan niya. Napakamalungkutin kasi ng batang
yun. Sige, feel at home ka lang jan ha? Aakyatin ko lang siya.” Sabi ng matanda
at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
“What? Wala siyang kaibigan? At alaga, meaning, yaya siya ni Jay.
Tas Jayden pala nickname niya. Interesting.” Nasabi ko lang sa isip ko. Napaupo
naman ako sa may sala nila. Hindi kalakakihan ang kanilang bahay, pero
well-maintained naman ito.
Inilibot ko lang ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. May nakita
akong mga photo albums sa ilalim ng center table. Kumuha ako ng isa, siguro
naman hindi magagalit si Yaya nito. Hehehe.
Namangha ako ng makita ko si Jayden na maliit pa. Isa iyong picture
kasama ang isang babae. Siguro mama niya yun. Maraming pictures na ang aman ay
ang batang Jayden. Kitang kita sa mata niya nuon ang kasiyahan kasama ang mama
niya. Siguro nasa 6 or 7 years old siya sa album na to.
Kumuha ulit ako ng isa pang photo album. Dito, nakita ko ang 11th
birthday ni Jayden. Sila lang ng matandang sumalubong sa akin ang nakita ko sa
picture. Masaya ang matanda, pero malungkot si Jayden. Nasaan nga ba ang mama
niya dito? Tinitignan ko lang ang mga pictures niya sa pangalawang album at
lahat ng nakikita ko sa kanya ay puro malulungkot na mga mata.
“Anong ginagawa mo dito?” Napalingon naman ako sa may hagdanan. Si
Jayden.
Itutuloy
Nakakabitin naman pero i like the flow of the story keep it up at sanahabaan naman kahit kunte ;)
ReplyDeleteFranz
salamat po. will make it longer sa mga susunod na updates.
Deletebitin.. hehe
ReplyDeletesana mas mahaba ung chapter next update
1st read super nice kaso bitin xobra
ReplyDeletecord of bulacan
bitin ba pareng Cord? sige, hahabaan natin yan..
DeleteIdol na talaga kita :))
ReplyDeleteGood choice dto ka sa MSOB puro magagaling mga author dto...and isa ka dun ^__^
Hoping for the next more exciting and sweet chapters to come
Sir raffy! Naku, salamat po. Lumubo tuloy atay ko. ahahaha. Thanks for the words of encouragement :)
DeleteHello po sa lahat! Maraming salamat kay Kuya Mike at kay Kuya Ponse, sa pagbibigay ng chance na maishare tong gawa ko. At pangalawa, medyo matatagalan ang susunod na chapters kasi hahabaan ko pa, as per the readers na matiyagang pinagpapasensyahan ang gawa ko. Pero no worries, dalawang chapters, 4 and 5, ang sabay naming ipopost soon. SALAMAT! :D
ReplyDeletestart of a new friendship na ba nila jay at yui? galing mo author detailed ang bawat eksena you are a good writer. keep it up.
ReplyDeleterandzmesia
ui randz. salamat po. di naman, nagsisimula pa lang po ako. pero anyways, salamat pa rin..
DeleteGusto ko yung story and masyadong bitin nga lang..hiihihi sana nxt time habahabaan and atleast trice a week ang update kasi ang tagal at para na din di masapawan ng ibang story..good job Mr author!
ReplyDeletewala pa po kasi akong personal access sa blog na to eh. pero yaan nyo, di po ako mangbibitin ng matagal. salamat brad vince :)
DeleteI like Yui's character. He's so persistent. Ang lakas makababae sa part ni Jayden... ha ha..
ReplyDelete~ Noe
ANG IKLIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII -_-
ReplyDeleteKeep it going! Love it! Medyo bitin nga lang though. Great job! ~Ken
ReplyDeleteIm looking forward on this novel. Actually im hooked up since the first I read the 1st chapter :)
ReplyDeleteMaganda nga. Piranggot nman ang update. Minsanan pa. Sana nman author yung tipong magtagal man lang kmi sa tapat ng computer o cp sa pagbasa ng kwento nyu. It's not hard to see, maganda nga ung flow ng kwento. Kaso ayun nga. Maghihintay kami ng matagal para lang sa piranggot na chapter? NO OFFENSE Mr. Author. I just want to go straight to my point. Make your updates worth the reader's patience. Hope u wont see this post as an attack. Both of us, u and ur readers, would benifit from here. I want to read a d*mn long chapter nxt time. I'm a fan. Don't get me wrong, baby. Mwah! :*
ReplyDelete-Vin
Salamat sa reaksyon Sir Vin. Ganito po yan.
DeleteUna, baguhan pa lang ako sa blog nato, and there are some restrictions for NEWBIES like me. So hindi nasa akin ang chance para ipost mismo ang gawa ko, atleast not now, Pero yaan nyo, pag nabigyan na po ako ng access dito, ako na mismo ang mag-a-update. Busy po kasi siguro ang mga admins dito, at sabi ko nga, may GRACE period silang tinatawag para sa mga newbie.
Pangalawa, yung updates po, ginagawan ko na ng paraan. Actually po, yung 6th chapter na ginawa ko lately ay hinabaan ko na talaga. Pagpasensyahan nyo na muna ako, dahil baguhan pa lang naman po ako. pero we will get BETTER in time..
Salamat Sir Vin sa reaction. di ako na offend, in fact, this is a great way of reaching out to my readers. maraming salamat po! :)
I'm glad u understand me well. Big thanks to you author. I'm looking forward to the next chapters. ;)
Deletehehehe. Opo naman. I see negative comments as challenged para mag-improve pa. Medyo busy lang kasi mga admins kaya di pa napopost nila ang 4th and 5th chapters. Sensya na po. Pero yaa nyo, babawi ako starting from the 6th chapter. :)
DeleteAno ba to bakit paulit ulit, kala ko duon lamg sa previous chapter then ngayon eto na naman! Paano yan kung tatlong character yung nag uusap, ibig sabihin nun tatlong beses din ikukwento ang mga nangyare, one each character? Sana naman di na maulit sa mga susunod pang mga chapter
ReplyDeleteBen