Guys eto na pala ang update for this week.... Try kong mag update ulit sa sunday ha... konting hintay na lang at matatapos na to kaya ayown. hahaha
Salamat sa patuloy na nagbabasa at nag cocomment kahit di na ako nakakapag reply pa... salamat talaga... Love you guys.
#mouse
-----------------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 46
[Alex’s POV]
Hinawakan niya ang kamay ko na nakadampi sa
kanyang mukha at saka ko naramdaman ang mga luhang gusto nang lumabas kanina
pa.
nakaramdam naman ako ng pagpiga sa aking puso nang makita siyang
nagkakaganyan.
Tinitigan ko ang kanyang mukha at nakikita mo ang sakit na
mayroon siya.
“Tahan na… lalo kang pumapanget. Ang panget
mo na ngayon eh umiiyak ka pa jan.” sabi ko.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang gulat na gulat siya.
Tahimik lang siya....
Hanggang sa lumipas ang ilang sandali at nagawa niyang maibuka ang kanyang bibig.
“I… I miss you…”
Agad niya akong niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya na patuloy pa ring tumitibok para sa
akin.
Agad din siyang kumalas sa akin at pumunta sa kanyang kama.
Sinarado ko ang pinto at saka binuksan ang
sliding door papunta sa kanilang veranda.
Agad naman siyang nagreklamo.
“Isara
mo.” Sabi niya
“Kailangan mo to… sariwang hangin.” Sagot
ko.
“Pwede ka nang umuwi. Okay lang ako.”
“Alam mo, ikaw lang ang kilala kong tao na
nagtataboy sa taong mahal niya. Ayaw mo ba akong makita?”
“Wow ah… ginagmit mo na pala ngayon ang
nararamdaman ko para tuksihin at lokohin ako.”
“Hindi naman… kamusta ba?” tanong ko.
“Maayos naman. Eto, nakakabagot dito sa
bahay. Tinatamd na akong pumasok kaya naman nag drop na ako.” Sabi niya
“Oh? Kaya naman pala din a kita nakikita sa
school.”
“Miss mo na ako?”
“Hindi ah. Mas Masaya nga ako nung wala
ka…” ang nasabi ko na lang.
“Nagsisinungaling ka at alam ko iyon.”
“Paano mo naman nasabi yun?”
“Pupuntahan mo ba ako dito kung hindi mo
ako namimiss? Oh come on. umamin ka na. hindi mo kayang mabuhay nang wala ako.
Sabihin mo nga, mas mahal mo na ako kaysa kay Kieth ano?”
“Feelingero mo naman… pumunta lang naman
ako dito dahil maniningil ako ng utang.”
“Hahah. Di bale na nga lang. yaan mo
mababayaran din naman kita…”
“Sana nga lang mulat pa ako…” sabi ko.
“Dapat nga ako ang nagsasabi niyan sayo…”
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming
dalawa. Natigil naman ito anng muli siyang magsalita.
“Kamusta ba kayo?” tanong
niya
“Okay lang kami… eh ikaw ba? Kamusta ka ba
talaga?”
“malusog ako…”
“Haixt… nakakpagod na rin namang
magpanggap…” sabi ko.
“Alam mo namang mas mabuti na ganito tayo…
na ganito lang angnangyayari… wag kang mag-aalala, di naman magtatagal ay
mawawala na rin ang sakit sa ulo mo… ang taong nag…”
“TUMIGIL KA!” sigaw ko.
“Yats…”
“Alam mo ba ang nararamdaman ko?! Alam mo
ba kung ano ang iniisip ko ngayon?! Hindi mo kasi alam kung ano ang feeling na
ang isa sa taong pinapahalagahan mo ay malapit nang wala nang dahil sa walang
kwentang dahilan!”
“Walang kwenta?! Yun ba ang tingin mo sa
pagmamahal ko sayo!”
“napaka-immature mo na isipin na dahil sa
napaka walang sense mong dahilan ay hindi ka na magpapagamot!”
“Mahal kita at wala namng kwenta ang buhay
ko kung hindi din naman tayo magkakatuluyan!”
“Bakit ka ganyan?! Bakit ka umabot sa
ganito? Kasalanan ko ito eh, dapat din a lang kita minahal.. dapat din a kita
kinausap.. dapat pinabyaan ko na ang nakaraan…”
“Pinagsisihan mo ba na nakilala mo ako?!”
“Wala akong sinabing ganyan.”
“HINDI EH, NARARAMDAMAN KO NA PINAGSISIHAN
MO! ANG SAKIT!”
“Sabi nang wala akong sinasabi na ganyan.”
“Dapat hindi ka na alng pumunta dito… lalo
mong pinapabigat ang kalooban ko.”
“Tabs… please… please naman, magpagamot ka
na… importante ka sa akin...”
“Buo na ang desisyon ko.”
“Isipin mo ang mama mo, ang kuya mo, ang
papa mo… ang mga kaibigan mo. Paano na lang sila kung wala ka? Paano sila
mabubuhay anng Masaya kung mamatay ka?”
“Eh ako Alex… paano ako? Paano ako
mabubuhay nang wala ka? Paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko gayong ang buhay na
sinasabi mo ay nasapiling ng iba? Paano ko ipagpapatuloy ang pagiging Masaya
kung ang taong pinanggagalingan ng saya ng puso ko ay may pag-aari na?! sige
sabihin mo sa akin. Paano ha? Paano?!”
“Maraming iba jan RD. mas okay sa akin, mas
gwapo, mas mabait ata baka nga mas mahal ka pa eh. Wag na ako… mayroon na akong
Kieth!”
“Alex… akala ko pa naman matalino ka…”
“RD… di naman sukatan ang talino dito…”
“Ikaw na ang nagsabi sa akin noon na hindi
mo matuturuan ang puso… ikaw ang tinitibok ng puso ko.. ikaw lamang…”
“RD mahihirapan lang tayo kapag hindi natin
kinalimutan ang lahat ng ito…”
“Ganun ba ako kapanget para di mo ako
magustuhan? Lahat naman ginawa ko ah. Handa kong ibigay sayo ang lahat para lang
sumama ka sa akin, pero wala eh. Ano bang mayroon si Kieth na wala ko? Sabihin
mo!”
“Mahal ko si Kieth!”
“Pero mahal mo din naman ako ah!”
“Mahal kita bilang isang kaibigan… pero si
Kieth… mahal ko siya bilang katuwang sa buhay… sana naman maunawaan mo… sana
naman matanggap mo na…”
“Ang saya… ang saya ng buhay ko grabe…”
“RD…”
“Hindi ba sapat lahat ng ginawa ko para
mahalin mo ako? Ang saklap lang kasi… di ko matanggap…”
“RD… wake up… please…”
“Umalis ka na… di mo na rin naman ako
makukumbinsi na magpagamot…”
“RD… nag mamakaawa ako…”
“bakit ako ba? Nung nagmamakaawa ako na
mahalin mo ako… anong ginawa mo?”
“RD stop making an argument.. you are just
aking the whole situation miserable.. napaka invalid naman ng mga reasons mo.”
“Then let me live my own way… let me die on
my own way…”
“You’re crazy…”
“Crazy in love to you…”
“Bakit ba ako? Bakit kasi ako ang minahal
mo?”
“Itanong mo sa puso ko…”
Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto.
Nangangahulugan lamang ito na gusto niya akong paalisin.
Lumapit ako sa kanya
ang niyakap siya.
nahihirapan na ako sa kalagayan niya.
“Please… magpagamot ka na.. hindi ka na ba
talaga naawa sa mama mo?”
“They are good without me… mas luluwag ang
kalagayan niya kapag wala na ako.”
Lumuhod ako sa harapan niya.
“RD…”
“Tumayo ka jan…”
“Anong gusto mong gawin ko para lang
magpagamot ka? Lahat gagawin ko… please…”
“Hindi mo rin maibibigay ang gusto ko…”
“RD…”
“I want you mine… I want your body, your
presence and your heart to be mine… kapag napasaakin ka at ako ang pinili mo,
magpapagamot ako… oh ayan, Masaya ka na? bakit magagawa mo ba?”
“RD… ano na naman ba ito?”
“Sabi na at di mo ako mapagbibigyan…”
“Alam mo namang napakahirap nang hinihingi
mo…”
“Then go… alis ka na… gusto ko nang
magpahinga… please.. umalis ka na… gusto ko munang matulog at makalimot…”
Wala na naman akong magawa kundi ang
umalis.
Ano pa ba ang magagawa ko kung ganito ang hinihingi niya.
Pero nang
dahil sa akin ay nagkakaganyan siya.
alam kong nasasabi lamang niya ang mga
bagay na ganyan dahil pakiramdam niya ay nag-iisa siya. pakiramdam niya ay
nag-iisa siya.
“ANong nangyari? nakarinig kami ng mga
sigawan.”
“Tita… sorry po…”
“Mukhang wala anng pag-asa… ayos lang yun
anak… kami na ang bahala sa kanya…”
“Tita don’t worry.. gagawa ako ng paraan…
pangako ko sa inyo mag undergo siya sa gamutan. PANGAKO po iyan.”
[Kieth’s POV]
Kanina ko pa napapansin na walang kibo si
Alex.
Ni hindi nga siya nagsasalita mula pa kanina na nagkita kami.
Mukhang may
problema siyang hindi sinasabi sa akin.
Malalim lagi ang kanyang iniisip pero
di naman siya nagkwe-kwento sa akin.
“Hindi ko alam kung malulunod ba ako o
hindi…” ang sinabi ko.
“Ha?” tanong niya
“Hindi ko kasi alam kung ako ba ang iniisip
mo o iba.”
“Tss… daming alam…”
‘Smile ka naman jan oh… please?”
“Oh ayan.” Then he smile, a fake smile.
“Konti lang…”
“Adik to…”
“ANong meron?”
“Saan?”
“Sa akin? Hahah. Malamang sayo. Come on
babe…”
“Wala naman… ikaw talaga… iniisip ko lang
yung mga paper works na dapat kong tapusin…”
“Yun lang ba? Baka naman may problema ka sa
work mo?”
“Wala… they are nice to me.. at isa pa
marami rami din naman akong artista na nakikita kaya okay na rin yun…”
“So may natitipuhan ka sa kanila?”
“Nah… ikaw lang ang nag-iisa para sa akin…”
“Yun oh…”
“Sorry pala…” sabi niya
“Bakit naman?”
“Baka kasi nabobbored ka na sa akin.”
“Hindi ah..”
“Haixt…”
“Speak up nga… may problema ka eh…”
“Wala nga…”
“Hindi ako naniniwala sayo…”
“Babe naman… wala tala…” hindi siya natapos
magsalita dahil biglang tumunod ang phone niya. ‘Wait lang…” sabi niya
Sinubo ko na lang ang pagkain na inorder
namin.
Bakit parang nakakaramdam ako na may mali sa amin ngayon?
Feeling ko
lang ay may mabigat siyang pinagdadaanan.
“Sige po papunta na ako jan…” ang huli kong
narinig sa pag-uusap nila.
“Ano yun babe?”
“Emrgency… may kailangan akong punatahan…”
“Samahan na kita…”
“Di na babe… hassle pa sayo.”
“Hindi babe.. ihatid kita.. kahit yun na
lang…”
“Babe… no need… kailangan ko nang umalis…
Sorry babe…”
“Okay…”
Tinitigan ko na lang siyang papalayo at
naniago ako sa nararamdaman ko, nakaramdam ako ng sakit nang makita ko siyang
papalayo.
Bakit ako nakaramdam ng sakit at pangamba?
Bakit ganito ang
nararamdaman ko ngayon?
Ano ang mayroon?
Nakakapanibago.
“Hello.” Tinawagan ko si Jake.
“O pre napatawag ka?”
“Asan ka ngayon?”
“Andito sa parking… bakit?”
“Tara shooting tayo…” sabi ko.
“Pre rong timing pupunta ako sa school ng
utol ko… bukas na lang tayo maglaro ng basket ball.”
“Tsk.. saying pre…”
“Sumama ka na lang sa akin… manonood ako ng
laro dun sa school ng kapatid ko eh.”
“Bakit anong meron?”
“Kapatid ko kasi nagpapasundo, eh sila mama
eh sinabihan ako. Tapos ayon, nalaman ko na may laro pala sa school nila.
Kalaban ata nun eh yung dating school natin. Xciting diba?”
“Kasama mo ba si Charlene?”
“Hindi pre… may klase eh.. nagpaalam na
naman ako… Hindi ba magkasama kayo ni Alex ngayon asan siya?”
“May pinuntahan eh…”
“Kow kaya naman pala.”
“Tsss. Daming satsat. Punta na ako jan
parking ah.”
“Wala kabang whels na dala?”
“Meron…”
“Yun na lang gamitin natin…”
“Si Ate na mag-uuwi nun. Nasiraan siya
kaninang umaga eh.”
“Siya pa-gas na lang ikaw sagot.”
“Pakyu ka pre, pineperahan mo pa ako.”
“Dali na…”
“Oo na… I-full tank ko pa yang sasakyan mo
eh.”
“Yan ang maganda. Labyu pare.”
“Pakyu ka. Sige na pupunta na ako.”
Dinaanan ko lang ang office ni ate at
nagpaalam ako na aalis ako.
Agad ko amang ibinigay ang susi ng kotse at umalis
na. mga 5 minuto bago ako nakarating sa parking.
Nakita ko naman si Jake na
naghihintay sa may shed sa tapat ng kanyang kotse.
“Pre…” sabi ko.
“Ang tumal naman nito kahit kelan oo. Bakit
ang tagal mo?”
“Dinaanan ko lang si ate… teka bibihis lang
ako.”
“Nak ng, wag na…”
“Takte, pawisan ako oh.”
“Tsss. Jan ka na magbihis.”
“Sa kotse mo na.”
“Sige na tara na. nagtext na kapatid ko.
Nagpareserve ako ng upuan natin. Tuwang-tuwa na pupunta ka.”
“Gwapo ko talaga.”
“Kapal mo pre…”
“Diba nga crush ako ng kapatid mo.”
“Exotic lang talaga type nun.”
“Paksyet ka talaga.”
“Pre yung pang gas ha.”
“Yan tayo eh. Tsk. Napaka kuripot kahit
kailan.”
“Mayaman ka naman eh kaya ayos lang yan.”
“Sus… mahal na mahal mo talaga ako pre
kapag may kailangan ka sa akin eh.”
“Yaan mo pre regaluhan kita sa birthday
mo.”
“Mag drve ka na lang jan.”
Pinagasulinahan na muna niya yung kotse
saka kami umabante papunta sa school ng kapatid niya. Agad naman siyang
nagtanong sa kung ano ba ang nangyari na sa akin.
“O pre, kamusta kayo ng jowa mo?”
“Ayo slang naman.” Sagot ko.
“San daw siya pumunta?”
“Di ko alam eh.”
“Kow… jan nagsisimula yan…”
“Tumigil ka nga… igaya mo pa ako sayo.”
“Loyal to pre…”
“Faithful naman ako.. at ganun din ang
mahal ko.”
“Tsk… nga pala pre… anong balak mo sa
birthday mo?” tanong niya
“Sila mama na ang nagprepare. Sa bahay lang
siguro yun.”
“Mukhang malaking party ang mangyayari ah.”
“Hindi naman. Family and friends lang
naman.”
“Ah okay…”
“Pre may itatanong sana ako sayo…”
“Ano yun?”
“Feeling ko kasi may problema si Alex… ayaw
lang niya magsabi.”
“Tanungin mo.”
“Napakatalino mo kahit kailan… sinabi ko na
nga na ayaw magsabi eh.”
“Kulitin mo…”
“magagalit lang yun.”
“Sabagay, parehas naman kayong stubborn.”
“Batukan kita jan eh. Pero pre seryoso.”
“Alamain mo. I think you should know his
problem. Kayo na kaya dapat alam mo.”
“Ayoko namang mag gawa ng kung anu-ano
behind his back.”
“Wala ka namang gagawin eh.”
“haixt.”
“baka naman nanlalaki na yun.”
“Di yun ganun.”
“Just kidding.”
“By the way… may alam ka pa bang pwede
naming puntahan this valentines?”
“Di na pwede.”
“Bakit?”
“Pupuntahan naming yun ni Cha…”
“Ang damot eh. Parang di ka best friend.”
“Pre naman, gambalain pa ninyo kami.”
“Kow… mukhang pagsasamantalahan mo si
Charlene ah. Sumbong kita kay Alex.”
“Baka naman… ayoko lang masira gabi naming
nang dahil sa inyo.”
“Ang saklap pre… ganyan ka pala…”
“Ang arte mo.”
“SIge na pre… bubukod naman kami eh.”
“Tsss. Pag-isipan ko.
“Damot eh. Ako na nga nag pa gas sayo.”
“Ano tayo pre sumbatan ha?”
“wag na… gayan ka pala.”
“Paksyet pre, ang arte mo ha.”
“Tangunu mo pre batukan kita eh.”
“Hahahah… medyo malapit na tayo.” Sabi
niya.
“Okay…” sagot ko.
“Teka pre, alam mo nab a yung balita?”
“Ang alin?”
“Si RD…”
“Anong meron?”
“Nag drop na daw siya sa school.”
“Ha?”
“Oo…”
“Paano mo nalaman? Ang tsismoso mo kahit
kailan.”
“May nagsabi lang sa akin…”
“Oh? Bakit daw?”
“Di ko alam eh.”
Bakit kaya nag drop si RD?
hindi kaya siya
yung pinuntahan ni Alex?
May mga bagay ba akong hindi alam na nangyayari?
Bakit
parang kinabahan ako?
Bakit parang natakot ako bigla?
“Oh pre natahimik ka jan?”
“May naisip lang.”
‘Wag mong sabihing si Rd yan?”
“Tsk.”
“Pre ano ka ba naman…”
“feeling ko si Rd ang pinuntahan niya.”
“Easy ka lang pre… napaparanoid ka lang.”
“Di mo kasi alam pinagdadaanan ko.”
“Drama talaga. Oh andito na tayo.”
“teka papalit nga pala ako ng damit.”
“Sige na habang naghahanp pa ako ng pwedeng
mapagparkingan.”
Hinubad ko na agad ang damit ko at kumuha
ng damit sa may bag ko. Nagsuot na lang ako nang v-neck na kulay pink na
binigay sa akin ni Alex dati.
“Tara na.” sabi niya
“Sige tara na.”
Agad naman kaming pumasok sa gate.
Hinanapan kami ng pass ng guard at agad namang ibinigay ni Jake ang pass niya.
Sinabi na rin niya na kasama niya ako.
Sumunod lang ako sa kung saan pumunta si
Jake. As expected ay maraming mga mata ang nakatingin sa amin. Hindi lang puro
mga babae pati na rin mga lalaki. Iba talaga ang alindog ko.
“Oh pre, wag maoverwelm, kasama mo ako.”
“Pakyu pre.” Sabi ko.
“Hahaha. As expected talaga…”
“Baka mamaya may stampede na dito.”
“Hahaha. Iba talaga hatak mo sa mga babae.
Ibang klase ka. Tsk tsk.”
“Wala eh, gwapo eh.”
“Yabang kahit kelan oo.”
“Hahah.” Tumawa na lang ako. Biglang ay
narinig kaming boses, kay Jenny.
“Kuya!” sigaw nito.
Kumaway si Jake at agad namang tumakbo si
jenny papunta sa kinalalagyan naming.
“Hi kuya Kieth.” Sabi nito.
“Hi…” sagot ko.
“Ako ang kuya mo pero si Kieth pa rin un
among binate. Ano ba namang klaseng kapatid ka.”
“Chaka mo kuya. Tara na nga.”
Agad namang pinulupot ni Jenny ang kamay
niya sa braso ko. “Ang gwapo mo talaga kuya Kieth.” Sabi nito.
“Salamat.” Tapos bigla akong ngumiti.
“Oh my Gosh…” sabi nito.
“kakireng babae oo.”
“Kuya naman.”
“Tara na nga.. dami pang satsat oo.”
“Inggit ka lang kuya.”
“Tsk. Kung pwede nga lang ibigay na kita
jan sa Kieth ong yan.”
“Pre naman.. wag ka nang magselos.”
“Madiri ka nga pre. Ako magselos? Iwww.”
“Ang arte mo kuya.”
“Chura mo.”
“Nga pala, tabi tayo Kuya Kieth ha. Tapos
si Kuya tatayo lang.”
“Aba’t…”
“Wag ka nang magreklamo.”
“Wow ah.. ako ang susundo sayo… tapos sabit
lang tong Kieth na to.. pero siya pa pinagpareserve mo ng upuan? Yung totoo?”
“Ang panget mo kasi kuya period.”
At tumawa na lang ako. Dinala agad kami ni
Jenny sa may gym. Maraming taong nanonood, maging ang ibang school ay nakita
naming nanonood.
Halos sa amin napukaw ang atensyon nila
nang makita nilang pumasok kami sa may gym. Haha. Imba na talaga ang hatak
naming ni Jake.
Agad naman kaming dinala ni Jenny sa may upuan namin. Gusto ko
mang aliwin ang sarili ko sa panonood ng laro, hindi ko pa rin magawa dahil ang
isip ko ay umiikot pa rin sa pag-iisip k okay Alex.
I hope na hindi siya kay RD
pumunta dahil masasaktan ako kapag nalaman ko na siya nga ang pinuntahan niya.
[Alex’s POV]
“Tita ano pong nangyari?” tanong nito.
“Ayaw niyang kumain, kahapon pa yan. Hindi
ko na alam ang gagawin ko. Kami nang papa niya ay nawawalan na ng pag-asa sa
pagkumbinsi sa kanya.”
“AKo na po ang bahala.”
Kinuha ko ang pagkain ni Rd at agad
pinuntahan siya sa kanyang kwarto.
Agad naman itong bumukas nang marinig ni Rd
ang boses ko.
Nakakita naman ako ng ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.
“Hindi mo ako matiis?” tanong niya
“Para kang bata kaht kailan.”
“Busog ako…” sabi niya nang makita niya ang
hawak ko.
“Mabubusog ka pa ba kung ako ang
magpapakain sayo?”
“Sabi ko nga gutom ako…” sabi na lang niya
Ako na ang nagkusa na subuan siya.
habang tumatagal
ay lumalala ang ginagawa ni Rd sa kanyang sarili.
Natatakot ako nab aka masnay
na siya na nandito ako sa tabi niya at hindi niya makayanan na wala ako.
Paano
si Kieth?
Ayoko naman na masira kaming dalawa.
“Salamat…” sabi niya
“Saan?”
“Kasi nagtitiyaga ka sa akin…”
“Ayoko lang mawala ang best friend ko.”
“Hanggang best friend na lang ba talaga?”
“RD napagusapan na natin ito…”
“Umaasa pa rin naman ako eh…”
“Bakit baa yaw mong kumain ha?”
“Gusto ko nasa tabi kita lagi… kaya
ginagawa ko ito…”
“Pinapahirap mo lang ang sitwasyon.”
“Gusto ko pang kumain…” pag-iiba niya ng
usapan.
“Sige kukuha lang ako sa kusina.”
Habang tumatagal ay nahihirapan ako sa
sitwasyon ko.
Kinakain ako ng oras. Ano ba ang dapat kong gawin?
Hindi ko
maiwanan si Rd sa ganitong kalagayan.
Sa ngayon ay malakas pa siya, pero habang
nagtatagl at hindi siya nagagamot ay mahihirapan lang siya.
baka lalong lumala
ang kalagayan niya.
(Itutuloy)
Hey mr. Author..gusto ko lng sbhn n last week nkita ko tong story mo sa msob..at masasabi q n isa ang story mo sa mga gusto ko at binbasa q ng my puso..hehe korni pero totoo un..sa totoo lang para skin mganda ang flow ng story..at tapos q n hanggang dito..kaya sana may update n ulet..sana hndi mtagalan..hehe..xencia na demanding ang..idol n din kita..salamat sa story mo..galingan mo pa..hehe..
ReplyDelete--paul jhon--
hey paul john.. taga HAU kba ngaaral?? hahaha.. just curious
Delete..hey sorry ngayon ko lang nbasa.
Deletesorry bro hndi n ko ngaaral..hehe..sana my update kna..tagal n kc