Wew! It has been a long time ne? Hahaha
Medyo pumapalya na rin ako.
Practice lang.
Hope you enjoy reading guys :)
♪♫♪
Unbreak
my heart
Say
you'll love me again
Undo
this hurt you caused
When
you walked out the door
And
walked outta my life
Uncry
these tears
I
cried so many nights
Unbreak
my heart
My
heart
♫♪♫
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang kanta
kasabay ng paulit-ulit na pag-alala sa tagpong labis na dumurog sa kaniyang
puso. Muli siya ay naiyak. Pulang pula
na at magang maga ang kaniyang mga mata. Madungis na rin ang kaniyang maamong
mukha sa luhang ilang araw na ring umaagos sa kaniyang pisngi. Ngunit hindi
niya iyon alintana sapagkat ang tanging nararamdaman lamang niya ay ang pait at
sakit ng pagkasawi.
“Ayoko na!!!” paos niyang sigaw. Nais na niyang wakasan ang sakit na nadarama.
Napansin niya ang cutter na ginagamit niyang pantasa ng lapis niya. Agad niya itong kinuha at pinalabas ang talim nito. Pinagmasdan ng kaniyang lumuluhang mga mata ang pagkislap ng talim ng cutter. Dahan-dahan at manginig-nginig niyang itinapat ang talim sa kaniyang pulso. Pumikit siya’t huminga ng malalim.
Subalit bigla niyang naalalang takot pala siya sa dugo. Sa sobrang inis ay ibinato niya ang cutter sa dingdin na tumalbog naman patungo sa kaniyang higaan. Tumama ito sa laptop, dahilan upang mag-on ang monitor nito.
Napatingin si Rue sa monitor. Lumapit sita upang pagmasdang
mabuti ang monitor kung saan makikita ang catalog ng isang produkto sa EBAY.
Iginalaw niya ang kaniyang mga kamay upang itapat ang pointer sa “Add to Cart”.
Natigilan siya. Nag-isip. Alam niyang sa oras na i-click niya ang “Buy” button ay tuluyan ng magbabago ang kaniyang buhay and there is no way back.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay tanda ng nakapagdesisyon na siya. Iginalaw niya ang kaniyang daliri upang i-click ang button.
Isang nakakasilaw na kidlat ang gumuhit sa kalangitan
kasunod ang nakabibinging kulog. Bumuhos ang malakas na ulan.
“Makki!!!” inis na inis na sigaw ni Berto. Tulad ng dati’y
magtatatlong oras na naman itong nagbibihis.
“Si Rue gisingin mo na rin.” Wika naman ni Zeky habang
nagtitipa sa kaniyang laptop. “Proofread ko lang saglit ito bago ko i-post
tapos alis na tayo.” Dugtong pa niya.
“You think makakatulong ang plano nating ito para maka-move
on si Rue?” tanong ni Berto dito.
“Yeah. Alam mo namang adik sa anime yun. Makakalimutan agad
niya yung mga nangyari pag nandun na tayo.” Sagot naman ni Zeky rito habang ‘di
pa rin inaalis ang mata sa kaniyang laptop.
Pinlano nina Zeky at Berto na pumunta muna sila ng Japan
upang tulungan ang nagmumukmok na si Rue dahil isang lingo na rin itong hindi
lumalabas sa kaniyang kuwarto. Double purpose din ito dahil nais din nilang
makapagbakasyon mula sa mga weird na nangyayari sa kanila nitong mga nakaraan.
Patayo na si Berto upang tunguin ang kuwarto ni Rue nang
biglang lumangitngit ang pinto nito.
Napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng tunog. Rumehistro sa kanilang
mga labi ang ngiti nang iluwa ng pinto si Rue subalit nabura rin ang mga
ngiting ito nang mapansin nila ang malaking pagbabago sa kanilang kaibigan.
Humaba ang buhok nito na dati’y semi kalbo, ngayo’y halos
matakpan na ang kaniyang mga mata. Ang mga mata naman niyang dati nang
mapupungay ay lalo pang lumamlam na tila ba nawalan ng buhay. Ang labi niyang
dati’y laging nakangiti , dahilan ng paglitaw ng biloy sa kaniyang kanang
pisngi, ngayo’y hindi mawari kung
malungkot ba o galit. May tangan-tangan siyang isang stuffed toy na hindi
mawari kung mabalahibong pusa ba o leon. Mabagal siyang naglakad pababa ng
hagdan na parang isang zombie.
“K-kamusta?” bati ni Berto dito sabay tayo upang salubungin
ito. Walang kabuhay-buhay siya nitong pinagmasdan ngunit nagulat siya ng ibang
boses ang sumagot sa kaniya.
“Okay lang si Rue.” Wika ng boses na para bang robot.
“Ikaw bay un?” baling ni Berto kay Zeky na sumagot lang ng
pag-iling. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat. Muli ay pinagmadsan niya si
Rue. “Ikaw bay un, Rue?”
“Hinde.” Sagot ni Rue na siyang boses nang nakasanayan ng
kaniyang mga kaibigan subalit ‘di na maramdaman sa boses na ito ang sigla.
Nagkibit balikat na lamang si Berto dahil alam niyang
masakit pa rin para kay Rue ang mga nangyari. Pinili na lamang niyang ibahin
ang usapan. Napansin niya ang yakap-yakap na stuffed toy ni Rue kung kaya ito
na lamang ang kaniyang binalingan.
“Ang cute naman. Saan mo galing yan?” Masiglang tanong ni
Berto.
“EBAY.” Walang buhay na sagot ni Rue.
“May surprise pala kami sa’yo.” Pagsingit naman ni Zeky na
binitawan na ang kaniyang laptop. “We’re going out of the country!” maligalig
na bulalas nito sabay talon papalapit kay Rue.
“Kaya you better pack up na, ako na muna ang bahala sa
laruan mo.” Dugtong pa niya at walang pasabing inagaw ang stuffed toy na pusa
mula kay Rue.
“Defense system activate.” wika ng boses na parang robot at
sa isang iglap ay bigla na lamang nanginig at umusok si Zeky sa bolta-boltahe
ng kuryenteng dumaloy sa kaniyang buong katawan. Bumagsak siya pabalik sa sofa
na kanina lamang ay inuupuan niya.
“Napaano ka?” nagulat na tanong ni Berto habang inaalalayan
si Zeky na tumayo.
“Si Rue lang ang puwedeng humawak sa’kin.” Muling wika ng boses.
“Wow robotic na stuffed toy!” masayang bulalas ni Berto nang
mapagtanto niyang sa stuffed toy na leon pala nanggagaling yung robotic na
boses. Sa sobrang excitement ay nabitawan niya si Zeky na bumalibag naman sa
floor.
“What’s your name, cute stuffed toy?” baby talk na tanong ni
Berto sa stuffed toy.
“May tililing yata ang mamang ito, stuffed toy binebeyby
talk. Anyway for your enjoyment, I am ESD Stuffed toy model number
574NL3Y-P454W4Y-F0R3V3R…”
“Tantan…” walang buhay na pagsingit naman ni Rue, hindi
pinatapos ang napakahabang serial number ng kaniyang stuffed toy.
“Wow ang gandang pangalan ng binigay mo sa’kin Rue. The best
ka talaga! Isa kang genious! Guwapo na nga matalino pa!” pambobola ng stuffed
toy na ang bagong pangalan ay Tantan kay Rue.
“Ang galing!” manghang mangha si Berto sa laruan.
“Isa yang halimaw!” bulalas naman ng nahimasmasang si Zeky.
“Muntik na akong mapatay niyan tapos naku-cutan ka pa!” galit na wika nito kay
Berto. “Itapon mo yan, Rue. Bakit mo ba binili yang halimaw na yan?” baling
naman niya kay Rue.
“For your information mister poste ng meralco na may buhok
na sunog, hindi ako halimaw! Isa akong emotion storage device o ESD. Ikaw itong
halimaw na gusto akong agawin sa pinakamamahal kong si Rue!” sagot naman ni
Tantan.
“Anong tinawag mo sakin?! Teka… Emotion store… ano?!”
naguluhang tanong ni Zeky.
“’Di ko alam kung bingi ka ba o shunga ka lang talaga.
Emotion storage device!” sagot ni Tantan.
“Para saan yun?” halos sabay na tanong nina Berto at Zeky.
“I’m ready guys!!!” excited na sigaw ni Makki nang sa wakas,
matapos ng tatlong oras na pag-aayos ay lumabas na siya ng kuwarto. Suot niya
ang paborito niyang Ray Ban, white sando at light green na walking shorts at
beach sandals habang nakasukbit sa kaniyang balikat ang isang sports bag.
Napalingon ang tatlo sa kaniya’t napanganga sina Zeky at Berto habang si Rue
nama’y walang kahit anu mang reaksyon.
“Why? May hindi ba tama sa suot ko? Magpapalit ako.”
nagtatakang tanong ni Makki na papasok
na sana muli sa kaniyang silid
“Huwag na!” sigaw naman ni Berto’t hinabol si Makki upang
huwag nang makapasok pang muli sa kuwarto niya. Alam nilang baka abutin na
naman ng ilang oras bago ito matapos magpalit.
“Magtulak ka kaya kaysa makipag-usap sa telepono?! Itatapon
ko yan!” reklamo ni Berto na hirap na hirap at nanggigitata na sa pagtulak ng
sasakyan nila. Isang kilometro pa lang kasi ang tinatakbo nila’y tumigil ang
sasakyan ni Zeky kaya napilitan silang magtulak. “Buwisit kasi ang mga sasakyan
ninyo mga topakin!” dugtong pa niya sa inis dahil katulad ng sasakyan ni
Makki’y lagi rin nasisira ang kay Zeky.
“Wait lang!” maktol naman ni Makki sabay lapat muli ng
telepono sa kaniyang tainga. “Wait lang babe ha? Magtutulak muna ako. Love
you.” Kinikilig nitong wika bago ibinulsa ang telepono.
“Tulak ka din.” Matamlay na wika naman ni Rue saka
pinagduldulan ang mukha ni tantan sa sasakyan.
“Basta para sa’yo kahit bundok itutulak ko. Madamdaman lang
ang mga palad mo sa katawan ko’y dumadaloy ang lakas sa aking buong katauhan. Pakiramdam
ko ako si Superman.” Dakdak ni Tantan kahit pa puno na ng putik ang mukha nito
dahil sa dumi ng likuran ng sasakyan ni Zeky, di rin nito alintanang nayuyupi
na ang mukha niya sa marahas na pagtulak ni Rue sa kaniya.
Tokyo International
Airport
“Nakakainis naman kayo! Akala ko out of town lang, out of
the country pala. Sana sinabi niyo agad para nakapagbihis ako ng maayos.” Inis
na wika ni Makki sa mga kasama habang kinukuha ang kaniyang telepono sa
kaniyang bag. Mas lalu pa itong nainis nang makitang walang signal ang
cellphone niya. “Hindi pa naman ako nakapagpa-Roaming. Paano ko makakausap ang
babe ko?!”
“Hoy, hoy, huwag kang magtatalak diyan dahil sinabihan ka
namin ng maayos no!” pagtataray ni Zeky dahil sa kanina pa siya naiirita sa
kakabulong at pagmamaktol ng nauna sa NAIA pa lang.
“Masyado ka kasing busy kaka-skype at telebabad kaya hindi
mo na kami napapansin. Hindi mo na alam ang mga nangyayari sa’min.” may himig
ng pagtatampong wika naman ni Berto sabay lingon kay Rue na wala namang kahit
anong reaksyon.
“Ang ganda naman dito, ang daming tao. Napaka high tech ng
mga nasa paligid ko, at home na at home talaga ako. Ang sweet mo talaga Rue,
ang ganda ng pinagdadausan ng first date natin. Magiging napaka memorable nito
sa’kin…” Walang prenong daldal naman ni Tantan na ikina-roll eyes naman ng
iritadong si Zeky.
“Saan ba yung hotel natin? Gusto kong magpahinga muna. Para
na din makigamit ng WiFi.” Tanong ni Makki kay Zeky na ikinagulat naman ng
huli.
“Hotel? Ah… Ehh…” kinabahang tugon nito.
“Nakapagpa reserve ka naman ‘di ba?” butt in naman ni Berto.
“”H-hindi eh.” Pinagpapawisang tugon ni Zeky.
“What?!” exaggerated na sigaw naman nina Tantan, Makki, at
Berto. Dahil nga si Zeky ang nagplano ay inakala nilang nakapagpa-reserve na
ito.
“Eh akala ko kasi dederetso tayo sa anime fair kaya yung tickets talaga yung
inasikaso ko.” Depensa naman ni Zeky sabay dukot sa mga tickets.
“Ako na nga ang hahawak niyan baka pumalpak ulit kung ikaw
hahawak!” ika ni Berto sabay hablot sa mga tickets.
“Tonta kasi! ‘Di gumaya kay Rue na laging perfect ang mga
plano. ‘Di ba mahal kong Rue?” singit ni Tantan na bigla namang hinampas ng bag
ni Zeky sa inis tapos ay tinapak-tapakan ito.
“Buwisit kang halimaw ka!” gigil na outburst ni Zeky sa
stuffed toy na si Tantan.
Dahil sa wala pa nga silang hotel ay napagdesisyunan
nilang dumeretso nalang sa Tokyo
International Anime Fair. Sa labas pa lang ay makikita ang masayang mga anime
freks na nagpapa-picture sa mga cosplayers na galing pa ng iba’t ibang bansang
dumayo pa para lamang sa convention na iyon. Aliw na aliw ang tatlo habang
patungo sa entrance pa lang ng convention na kabaligtaran naman ng hindi
maipintang mukha ni Makki sa inis dahil sa wala talaga siyang makuhang signal.
Pagdating sa entrance ay ipinakita agad ni Berto ang mga
tickets at akmang papasok na nang pigilan sila ng guard.
“Something wrong?” takhang tanong ni Berto.
“Your tickets prease.” Wika ng guard. Nagbubulungan na ang
ibang mga nasa pila habang ang iba naman ay parang galit na.
“That’s our tickets you’re holding.” Sarcastic na sagot
naman ni Zeky sabay pinagtaasan niya ito ng kilay.
“This, expired.” Sagot ng guard na lalong ikinaingay ng mga
nakapila.
Nanlaki ang mga mata ni Berto sa narinig. Pinagmasdan niya
ang tickets ng mga nakapila’t napansin niyang iba ang print ng mga iyon. “Anak
ng…!” pigil-murang naisambit ni Berto sabay agaw niya sa mga tickets na hawak
ng guard. Tinignan niya ang date sa mga tickets at nakitang last year pa pala
ang mga ito. Napapalatak siya. Halos atakihin na siya sa galit. Tiim bagang
niyang pinahawak ang mga tickets kay Zeky at nagpaumanhin siya sa guard bago
itinakip ang bag sa kaniyang mukha sa kahihiyan at nakipagsiksikan sa mga
nakapila upang makalayo sa lugar na iyon. Takip-mukha ring nakasunod sa kaniya
ang mga kaibigan maliban kay Rue na wala pa ring reaksyon sa mga nangyari.
“Pagod na pagod na ‘ko, kumanap muna tayo ng hotel o kahit
motel man lang.” Hingal na wika ni Zeky. Inabot na sila ng gabi sa paglalakad,
makalayo lamang sa convention na iyon.
“Eh kung nagpareserve ka sana eh di nagpapahinga na tayo
ngayon! Sana magka-chat na kami ni Babe.” Si Makki na halatang latang lata na
rin.
“Sige.” Sang-ayon ni Berto na lumipas na din ang galit sa
kapaguran.
“May malapit na Inn dito na may hot spring pa sa murang
halaga. Marunong pang mag-english ang mga employees.” Wika ni Tantan.
“Pa’no mo nalaman iyon halimaw?” na-excite na tanong ni Zeky
na tila ba nabuhayan sa narinig.
“Hindi kasi ako bobita like you. May built-in GPS ako kaya
hindi ako puwedeng maligaw. Sinadya ni Rue na ako ang orderin sa dami ng ESD
models kasi alam niyang tonta ang mga kaibigan niya.” Mapanginsultong sagot ni
Tantan na pinalampas na lamang ni Zeky dahil sa wala siya sa mood makipagtalo.
Minabuti nilang tunguhin ang nasabing Inn subalit hindi pala
sila tumatanggap ng Philippine Peso o US Dollars. Suwerte naman at may nadaanan
din silang money changer on the way to the inn. Binalikan nila ito upang
papalitan ang kanilang pera. Mabuti nalang at bukas pa ito kahit lumalalim na
ang gabi.
On their way back to the inn ay bigla silang kinilabutan sa
malamig na simoy ng hangin. Sa ‘di kalayuan ay may isang kanto. Duo’y may isang
babae sa ilalim ng liwanag ng poste na para bang may hinihintay. May tangan
itong baby. May bakas ng dugo sa damit ng babae na para bang kakapanganak
lamang nito.
“Kawawa naman. Tara lapitan natin.” Paanyaya ni Berto.
“Huwag na! Dadalhin pa natin yan sa hospital, mabawasan pa
ang okane natin!” sagot naman ni Zeky.
“Napaka walang puso mo naman.” Si Makki. “’Di ka ba naaawa
sa babae? Eh kung mamatay silang mag-ina diyan, ‘di ka ba uusigin ng konsensya
mo?” pangongonsensya pa niya kay Zeky.
“Walang puso! Puro balun-balunang mabaho!” si Tantan.
“Tumigil ka diyan halimaw kung ayaw mong itapon kita!” inis
na tugon ni Zeky sa stuffed toy na pusa. “Sige na nga! Pero huwag ninyong
asahang gagastusan ko yan, konti lang dala kong pera!”
Nilapitan nila ang babae. Kitang kita ang pagmamakaawa sa
mukha nito na para bang hirap na hirap. Nagsalita ito ng hapon na hindi nila
naintindihan.
“Translating… Sabi niya parang awa niyo na, pakihawak ang
anak ko. Hirap na hirap na ako.” Wika ni Tantan.
“Wow! Kayang mag translate!” manghang bulalas ni Berto.
“Oo naman. Kaya kong mag-translate ng 76 languages at
dialects. Kaya ako ang inorder ni Rue kasi alam niyang wala kayong silbe.
Ganuon katalino si Rue! ‘Di ba mahal kong Rue?” pagmamayabang ni Tantan.
“Konti na lang, konting konti na lang at may susunugin akong
laruan.” nagpipigil ng galit na naiwika ni Zeky dahil talagang naiinis na siya
sa bagong laruan ng kaniyang kaibigan.
Muling nagsalita ang babae na ikinakuha ng pansin nila.
“Ganun pa din ang sinabi niya. No need to translate.” Wika
ni Tantan.
“Okay.” Wika ni Berto’t lumapit sa babae. Dahang-dahan
niyang kinarga ang baby at niyakap ito. “You will be fine baby, don’t cry.”
Pagpapatahan niya sa bata.
“Arigato.” Wika ng babae.
“Translating…” ‘di natapos na wika ni Tantan nang bigla na
lamang lumipad paitaas ang babae at parang bulang naglaho sa kalangitan.
“Anghel yata yun.” Bulong ni Makki na manghang mangha sa
nasaksihan.
“Oo nga.” Sagot naman ni Berto’t niyakap ng mahigpit ang
baby sa pag-aakalang regalo mula sa kalangitan ang bata. Lihim kasi niyang
pinpangarap na mabuntis na imposible namang mangari. Pakiramdam niya’y ito ang
sagot sa kaniyang matagal nang panalangin.
“Don’t worry baby, aalagaan kita’t palalakihin nang puno ng
pagmamahal. We will live together as a family…” pag-eemote nitong si Berto’t
feel na feel na niyang maging isang ina nang maramdaman niya ang pamamasa ng
kaniyang balikat. Naramdaman din niyang dinidilaan siya ng bata sa leeg.
Nakiliti siya’t napahalinghing. “Nagugutom na ang baby ko…” wika niya’t
iniangat ang bata upang pagmasdan ang mukha nito. Natigilan siya’t nanlaki ang
kaniyang mga mata.
“Oh my God!!! Ang anak ni Janice!!!” sigaw niya nang makita
sa liwanag ang bata.
Binatukan naman siya ni Zeky. “Gaga! Hindi haponesa si
Janice!”
“Oo nga ‘no?” nalinawang tugon ni Berto.
“Si Sadako yan!” si Makki.
“Isa ka pa!” sabay batok ni Zeky kay Makki. “Si Sadako
babae, lalake yan eh!”
“Malay mo beki paglaki yan.” Depensa naman ni Makki.
“Ubume…” parang zombie na pagsingit naman ni Rue.
“Ang galing galing mo talaga Rue alam mo! Kaya mahal na
mahal kita eh, napakatalino mo’t napaka guwapo pa!” muling pambobola ni Tantan
sa amo nito.
“Ano naman iyon?!” naguluhang tanong ng tatlong kasamahan.
“Tsk! Tsk! Tsk! Mga wala talagang alam!” komento ni Tantan.
“Para sa kaalaman ng mga bobita sa paligid, ang Ubume ay isang multo ng namatay
na mag-ina sa panganganak. Ibig sabihin, ang batang iyan ay ang anak ng Ubume
na kumakain ng mga tao dahil gustong maghiganti dahil hindi inilibing ng maayos
silang mag-ina.” Paliwanag niya.
“Ahh…” ang tanging naisagot ng tatlong naliwanagan na. Muli
nilang pinagmasdan ang batang hawak ni Berto na ngayo’y tinubuan na ng
matatalim na ngipin.
“Ahhhhh!!!!” sigaw nila sabay hagis sa bata’t kumaripas sila
ng takbo habang nagtititili na parang mga luka-luka.
“I can’t believe na hanggang dito bubuntutan tayo ng kababalaghan!”
hinihingal na outburst ni Zeky pagdating nila sa inn.
“Something wrong?” nag-aalalang tanong ng inn attendant nang
makita niyang humahangos ang apat niyang guest.
“Nothing. Just please, show us our room?” tugon naman ni Makki
na gusto nang magpahinga dahil sa pagod.
“And the hot spring too.” Pahabol naman ni Zeky.
Magiliw naman silang sinamahan ng attendant sa kanilang
magiging silid. Hinatiran sila nito ng kanilang masasarap na pagkain na
masayang pinagsaluhan ng magkakaibigan. Matapos kumain ay nagpaalam na
magbababad muna sa hot spring si Zeky na sinundan naman nina Berto at Rue
habang si Makki naman ay nagpasyang maiwan dahil may WiFi sa silid nila.
Habang nasa locker silang tatlo at naghuhubad ay napansin na
naman ni Zeky si Tantan. “Hanggang dito ba naman dala-dala mo yang halimaw na
yan?” wika niya, hindi napansin ang tunog na parang may nag-dive sa tubig.
“Narinig niyo yun?” natigilang tanong ni Berto habang
nagtatapis ng puting tuwalya.
“Ang alin?” tanong ni Zeky dito.
Tinignan ni Berto si Rue na wala namang reaksyon. “W-wala.
Guni-guni ko lang siguro.” Sagot niya.
Sa kuwarto:
“Matutulog ka na agad?” malungkot na tanong ni Makki nang
magpaalam na matutulog na ang kaniyang boyfriend na kausap niya tru skype.
“Okay. Sleep well. Love you.” Talunang sambit niya. Hindi niya ito mapilit na
mag-stay online dahil alam din naman niyang busy ito sa pag-aaral at maaga pa
itong papasok sa trabaho. Napa-sigh na lamang siya’t inabot ang remote upang
manuod ng TV.
Palipat-lipat lang iya ng channel dahil hindi niya
maintindihan ang mga palabas. “Anu ba yan! Hindi man lang sila nagpa-cable!”
buwisit na naiwika niya.
Tumayo siya upang tunguhin ang cabinet. Balak niyang kumuha
ng pampaligo upang sumunod sana sa mga kaibigan nang mapansin niya sa drawer
ang isang VHS tape. Kinilabutan siya nang maalala ang napanuod niyang movie
dati. Kinuha niya ang VHS tape.
“Could it be?!” ang naiwika niya.
Natatakot man ay na-excite siya. Agad niyang isinalang ang
tape at mabilis na bumalik sa kama’t nagtalukbong ng kumot. Pinindot niya ang
“Play” button sa remote.
“This is it!” magkahalong excitement at kaba ang
nararamdaman niya habang hinihintay matapos ang static.
‘Di nagtagal ay lumitaw ang picture sa TV. Black and white
ang palabas at isang malumot na balon ang makikita.
Nanlaki ang mga mata ni Makki nang lumabas ang isang babaeng
nakaputi mula sa balon. Mahaba ang buhok nito na tumatakip sa kaniyang mukha.
Biglang nagstatic ulit ang TV at pinakitang naglalakad ang babae. Palapit nang
palapit hanggang sa lumuhod ito’t gumapang.
“Hayan na siya!!” takot na takot na sigaw ni Makki ngunit
ayaw pa rin niyang umalis dahil sa gusto rin niyang makaharap ang babaeng ito.
Nanginginig niyang hinigpitan ang kapit sa kumot.
Tulad ng inaasahan ni Makki’y lumabas ang ulo ng babae mula
sa telebisyon. Gumapang ito palabas ng TV nang dahan-dahan. Nang makalabas
ito’y tumayo ito ng dahan-dahan. Naglakad palapit sa natatakot na si Makki.
Naglabas ito ng patalim na kumislap sa paningin ni Makki.
“S-sadakooo!!!” garalgal na nasambit ni Makki.
“Excuse me?!” tugon naman ng babaeng nakaputi.
Para namang nabosesan siya ni Makki’t dahan-dahan siyang
lumabas sa kumot. Hinawi niya ang buhok
ng babae’t nasindak sa hitsura nito.
“Manong?!” ang naibulalas niya. Kilala nga niya ang babae.
Nagtataka lang siya dahil sa ayos ng babae ngayon. Bukod sa may hawak itong
kutsilyo’t nakaputing damit ay may suot din itong surgical mask.
“May shampoo ka ba diyan?” tanong ng babae.
“M-meron. Ano’ng gagawin mo sa shampoo?” naguluhang tugon ni
Makki.
“Pampapaligo syempre! Naliligo kasi ako dun sa balon eh
nakalimutan ko dalhin yung toiletries ko. Nakita kita kaya hihiram sana ako.”
Sagot naman ng babae.
“Bakit sa balon ka naliligo?”
“It’s near TESDA kasi.”
“Anong ginagawa mo sa TESDA? At bakit may hawak kang
kutsilyo?”
“Nag-aaral ako mag bake. Ganun kasi ang magaganda dapat
marunong mag bake. Heto namang kutsilyo ipang-slice ko laang ng cake kanina.
Nalagyan ako ng icing sa face kaya nagpasya akong maligo.”
“Ahhh…” ang sagot na lamang ng nahimasmasang si Makki. “Dun
sa drawer na yun, dun yung shampoo ko. May conditioner na din diyan para fresh
lagi ang anit ko.” Sabay turo niya kung saan nakalagay ang kaniyang gamit
pampaligo.
“Salamat.” Masayang tugon ng babae sabay tungo sa drawer.
“Nga pala, manong. Bakit may suot kang surgical mask?” ‘di
mapigilang itanong ni Makki.
Natigilan ang babae. Pumihit siya paharap kay Makki.
Dahan-dahan siyang lumalapit habang tinatanong ito, “Maganda ba ako?”
Napakunot noo si Makki sa tanong na ito ng kaniyang Manong.
“Oo naman. Siyempre, maganda ka.” Ang sagot niya.
Matapos marinig ang sagot ni Makki ay bumilis ang paglapit
ng babae sa kaniya’t mabilis na tinanggal ang surgical mask. Duo’y lumadlad ang
tinatago nito. Ang bibig nito’y may hiwa sa magkabilang gilid na abot hanggang
tainga, exposing a horrific view of her mouth’s inside.
“Eh ngayon?! Maganda pa rin ba ako?!” ang nakakatakot na
tanong ng Manong.
Nagulantang si Makki, hindi alam ang isasagot. Hindi maganda
sa kaniyang paningin ang nakikita pero ayaw niyang ma-offend ang kaniyang
manong. Kung kaya kahit kinakabahan at takot na takot, ang isinagot na lamang
niya ay “Oo naman, manong. M-maganda ka pa din. Okay nga yan eh, kahit batuta
ng negro kasyang kasya diyan.”
“Kung ganoon gagawin kitang kamukha ko!!!” ang tuwang tuwang
sigaw ng babae saka hinabol si Makki.
Dito na tuluyang nasindak si Makki. Ayaw niyang maging
kamukha ang kaniyang manong. “Paano nalang ako magugustuhan ng babe ko kung
maging ganuon ang bunganga ko?!” ang nasa isip niya kung sakaling magkatulad
sila ng babae.
Naghabulan ang dalawang luka-luka sa loob ng kuwarto habang
nagtititili si Makki, tinatawag ang mga pangalan ng kaniyang mga kaibigan.
“Rue, Berto, Zeky, HELP!!!” sigaw niya na di naman nakaligtas sa pandinig ng
kaniyang mga kaibigan.
Sa Hot Spring:
Nakababad ang tatlong kumag sa nakakarelax na hot spring
habang kumakain ng nilagang itlog.
“Ang sarap magbabad dito.” Masayang wika ni Zeky.
“Oo nga. Pero sas masarap sana kung di mo kinakalikot ng
itlog ko ng mga paa mo.” Sabi naman ni Berto.
“Ay sa’yo pala yun? Kaya pala parang rambutan.” Sagot naman
ni Zeky sabay bawi ng paa nito.
“Ah akala mo pala kay Rue?!” bwisit na sagot naman ni Berto.
“Oo. Siya kasi nauna, nilalaro din niya ang itlog ko.” Sagot
naman Zeky sabay baling ng paningin kay Rue na umahon pala upang maghilod.
“Kung nandun si Rue, ibig sabihin ang naglalaro ng betlog
ko…” ang napagtanto ni Zeky sabay dakma sa paang nasa pagitan ng kaniyang mga
hita. Sa ginawang ito ni Zeky at biglang lumubog si Berto sa mainit na tubig at
umangat ang paa niya na hawak ni Zeky.
“Mga manyak!” outburst naman ni Tantan. “Kayo-kayo
nagmamanyakan!” dugtong pa niya.
“Rue, Berto, Zeky, HELP ME!!!”
“Si Makki!!!” ang outburst nina Zeky at Berto nang marinig
nila ang sigaw ni Makki. Dali-dali namang umahon at nagtapis ng tuwalya ang
dalawa upang tugunin ang paghingi ng saklolo ng kanilang kaibigan.
Naiwang naghihilod si Rue na nakatalikod sa hot spring
habang ang kaniyang stuffed toy na si Tantan ay nasa kaniyang harapan. Hindi niya
napapansin na may bumubula sa hot spring na parang may kung anong hayop na
nandodoon.
“Makki! Buksan mo tong pinto!!!” sigaw ni Berto habang
pinipilit buksan ang pinto.
“I can’t! hinahabol ako niya ng malaking sandata niya!”
sigaw naman pabalik ni Makki na halatang humihingal pa.
Nagkatinginan sina Berto at Zeky sa narinig. Napangisi si
Zeky habang si Berto naman ay napasimangot.
“Sige, ‘di na namin bubuksan. Enjoyin mo nalang yang
malaking sandata ng boylet mo.” Sagot ni Zeky sabay hagikhik.
“Kala ko kung napa’no na.” maktol naman ni Berto. “Masakit
talaga pag first time! Tiisin mo nalang!” dagdag pa niya saka iniwan nila ang
silid, walang clue ang dalawa sa tunay na nangyayari kay Makki.
“No!! Help!!!” Sigaw naman ni Makki upang pigilan ang pag-alis
ng dalawang kaibigan ngunit hindi na ito pinansin pa ng dalawa.
Pagbaba ng dalawa sa hagdan ay may narinig si Zeky na
kumakatok. Napalingon siya sa entrance ngunit wala ang attendant duon.
“Una ka na, tignan ko lang yung kumakatok.” Sabi ni Zeky na
tinunguan naman ni Berto saka umalis pabalik ng hot spring.
Naglakad muna si Zeky patungo sa desk ng attendant kanina’t
sumilip sa ilalim baka kaniya nagtatago ang attendant duon. Subalit wala.
Nagkibit balikat nalamang siya’t tinungo ang pinto.
Paglabas ni Zeky ay bigla siyang kinilabutan sa sobrang
lamig. Puro yelo ang nakikita niya ngayon sa labas na kanina naman ay wala.
Nangangatog na sa lamig si Zeky kung kaya ninais niyang pumasok na lamang ulit
subalit lalo pa niyang ipinagtaka nang pagpihit niya’y wala na ang inn. Nasa
gitna siya ng kawalan na ang tanging makikita ay puro snow.
Napangiti si Zeky nang may bigla siyang naisip.
“Ehem!” paglilinis niya sa kaniyang throat.
Umaaura ang snowbelles shunayt
Wiz ko keri ang lamig
Shumushogo sa aking closet
Kumekemeng Ms. U rin
Chumacharot na maharot aketch inside
Wit ko na ma-keep, bet ko nang magfly
Anetch man ang i-say nila
Keber lang, i-push mo lang 'yan teh
Wit nang magpaka-paminta
I-spluk mo na...
Kembot na, kembot na
Iladlad na ang iyong kapa
Kembot na, kembot na
Gora na sa pagrampa
Wiz ko care
Sa chismax nila
Nakakalurkeeeeey...
Imbyerna chaka naman sila
Wiz ko keri ang lamig
Shumushogo sa aking closet
Kumekemeng Ms. U rin
Chumacharot na maharot aketch inside
Wit ko na ma-keep, bet ko nang magfly
Anetch man ang i-say nila
Keber lang, i-push mo lang 'yan teh
Wit nang magpaka-paminta
I-spluk mo na...
Kembot na, kembot na
Iladlad na ang iyong kapa
Kembot na, kembot na
Gora na sa pagrampa
Wiz ko care
Sa chismax nila
Nakakalurkeeeeey...
Imbyerna chaka naman sila
Feel na feel ng luka-luka ang pagkanta ngunit ‘di nagtagal
ay gininaw na siya. Nagpabaling-baling siya ngunit wala siyang makitang daan.
“Naliligaw ako… Tama, naliligaw ako. Kailangan kong
baligtarin ang suot ko.” Ang naisip ng nangangatog na si Zeky.
“Shit!” outburst niya nang mapagtantong tuwalya lamang pala
ang suot niya. “Paano ko babaligtarin to?!”
Nang hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang tuwalya upang
tignan kung paano ito pwedeng baligtarin ay bigla namang lumakas ang hangin at
kasabay niyon ang pagbagsak ng niyebe.
“Shit! Shit! Shit!” ang tangi niyang nasabi dahil talaga
namang namamanhid na ang kaniyang buong katawan sa lamig.
“Ezekiel…” ang narinig niyang tinig.
“Sino yan?!” mamaos-maos niyang sigaw.
“Ezekiel…” muling pagtawag ng tinig. Tinig ng babae.
Hinanap ni Zeky ang pinanggagalingan ng tinig. Sa gitna ng
bizzard ay may nakita siyang anino. Naningkit ang kaniyang mga mata upang
i-adjust ang kaniyang paningin. Unti-unting lumilinaw ang imahe. Imahe ng isang
magandang babaeng may suot na puting kimono.
“Sumama ka sa’kin…” wika ng babae.
“Ayoko! Nilalamig ako!” pagtutol naman ni Zeky.
“Kapag sumama ka sa’kin, hindi ka na makakaramdam pa ng
lamig.” Pangungumbinsi ng babae.
“Ayoko sabi!” mataray na tugon naman ni Zeky. “Sino ka ba?!
Bakit mo ako kilala?!” tanong niya.
“Ako si Yolly.”
“Yolly?” kunot-noong tanong niya rito.
“Yolanda. Yolly for short.” Wika ng babae sabay yakap kay
Zeky.
“Shit!” ang nasabi na lamang ni Zeky dahil sa parang milyun-milyong
mga karayom ang tumarak sa kaniyang balat sa sobrang lamig ng yakap ng babae.
Samantala…
Pabalik na si Berto sa hot spring nang marinig niyang
lumangitngit ang kahoy na dingding. Natigilan siya’t sinundan ng tingin ang
tunog. Napadako ang kaniyang tingin sa bintana. Lumapti siya dito’t binuksan
ito. Dumungaw siya’t tumingin sa harap, sa kaliwa, sa kanan, ngunit wala siyang
nakita. Nagkibit balikat na lamang siya.
Nang isasara na niya ang bintana at bigla na lamang siyang
sinunggaban ng kung anong bagay mula sa ibaba, mabuti na lamang at nasalo niya
ito. Ngunit nagulantang siya nang makitang ang hawak-hawak niya ngayon ay ang
batang karga-karga niya kanina.
“Argh!” sigaw niya’t ibinato ang baby palayo. Bumaligtad ang
bata, gumagapang siya na ang nakataas ang ang kaniyang tiyan at ang ulo niya’y
nakaharap kay berto.
“Layuan mo ‘ko!” sigaw ni Berto’t binato ito ng vase.
“Kachan…” garalgal na wika ng halimaw na bata.
“Buwisit ka! Tiyan ko naman ngayon ang pinansin mo!” asar na
tugon ni Berto sabay taro ng silya dito, inaakalang inaasar siya ng bata.
“Okasama…” muling panawagan ng bata nang makaiwas ito sa
silya.
“Ayaw kitang isama, anu ba?! Lumayo ka sa’kin!” sigaw ni
Berto’t mesa naman ang ibinato sa bata na muli naman nitong naiwasan.
Sumampa ang bata sa mesa’t sumigaw, “Okasan!” Kumapit ito sa
leeg ni Berto’t naglambitin.
“Huwag!!!” sigaw ni Berto.
Sa kuwarto:
“Manong tama na! Pagod na ‘ko!” humahangos na pakiusap ni
Makki na gumagapang na lamang sa sobrang kapaguran.
“Anong oras na?” tanong ni Manong.
“Ha?” takhang tugon ni Makki.
“Anong oras na?!” Galit na pag-uulit ni Manong.
“11:15 P.M., Bakit?” tugon ni Makki matapos tignan ang
kaniyang relo.
“Kasi pag kasama kita, tumitigil ang oras ko.” Sagot ni
Manong.
“Ay, Na-Karen
Carpenter Lang?”
Tumawa lang si Manong. “Siya, maliligo na ako at mag-uupdate
pa ko ng Batanes.” Paalam ni Manong na para bang walang nangyari. Sumuot siyang
muli sa TV.
Naiwang nakatanga si Makki, nirerecall ang mga nangyari.
Sa kawalan:
Alam ni Zeky na mamamatay siya sa lamig kapag wala pa rin
siyang ginawang paraan.
“S-sandali lang… Saan ba tayo pupunta kung sasama ako
sa’yo?” tanong ni Zeky.
“…”
“Ano?” muling tanong niya nang wala siyang makuhang sagot.
“H-hindi ko alam.” Ang sagot ni Yolly.
“Ganito na lang… Ibalik mo na lang ako sa kinaroroonan ng
mga kaibigan ko. Tapos ikaw nalang ang isasama ko.” Suhestiyon ni Zeky.
Biglang pinamulahan ng mukha ang babae. Ang pagkakaintinidi
kasi niya’y itatanan siya ni Zeky. “T-talaga?! Isasama mo ako sa inyo?!”
excited na paniniguro nito.
“O-oo. B-basta ibalik mo lang ako. Mamamatay ako dito sa lamig,
wala pa naman akong suot.” Tugon ni Zeky. Sa sobrang lamig na nadarama ay naihi
pa siya.
Naramdaman naman ni Yolly ang pamamasa ng harapan ni Zeky.
Lalu siyang pinamulahan ng mukha sa pag-aakalang nag-pre cum itong si Zeky sa
ka-sexyhan niya. Lalung na-excite itong si Yolly.
“Sige. Heto na!” wika ni Yolly sabay yakap kay Zeky at
pinalibutan sila ng umiikot na niyebe na ikinakilabot ni Zeky. The next thing
Zeky knew is nasa harapan na sila ulit ng inn na tinutuluyan nila kanina.
“Yung promise mo ha?” malambing na bulong ni Yolly sa tainga
ni Zeky na lubos na ikinakilabot naman ng huli.
Pagpasok ni Zeky sa inn ay nadatnan niyang humahagalpak sa
tawa si Berto.
“Zeky h-help! Hahahahaha” tumatawang paghingi ng tulong
nito.
“Anyare teh?” tugon ni Zeky habang pnipilit na kumawala sa
pagyapos ni Yolly.
“Nakikiliti kasi ako hahahaha!” paliwanag ni Berto na walang
tigil na dinidilaan ng bata sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
“Akala niya yata lechon ka.” Pagsingit naman ng kakababa
lang na si Makki.
“Tapos na kayo?” mapanuksong tanong ni Zeky sabay ngisi dito.
“Tapos ang alin?” clueless na tanong ni Makki. “And who’s
the chick?” dugtong pa niya nang mapansin ang babaeng kanina pa nakapulupot kay
Zeky.
“Si Yolly. Snow Queen yata ‘to na ewan.” Tugon ni Zeky.
“Ah… Eh si Rue?” tanong ni Makki.
“Oo nga pala!” natarantang bulalas nina Zeky at Berto.
Dali-dali silang nagbalik sa hot spring kahit pa hirap na hirap sila sa mga
nakakapit sa kanila. Nakasunod naman sa kanila si Makki.
“Rue!” sigaw nila nang ‘di nila natagpuan si Rue sa hot
spring. Ang tanging naroon ay si Tantan.
“Kinidnap si Rue ng isang kappa! Tulungan niyo ang mahal
kong si Rue!!” pagmamakaawa ng stuffed toy.
“Saan sila nagpunta?” agarang tanong ni Makki na nakaramdam
ng concern. Kahit isip bata kasi itong si Rue ay hindi pa rin niya maitangging
may pinagsamahan pa rin sila at ayaw niyang mapahamak ito.
“Sa kakahuyan!” pagtuturo ni tantan.
Agad namang sinuong ng tatlo ang masukal na kakahuyan.
“Huwag niyo akong iwan dito!!!” sigaw ni Tantan at nagulat
na lamang siya nang magbalik ang babaeng kanina lamang ay nakakapit kay Zeky.
“Kawaii!” tuwang tuwang nasabi ni Yolly.
“Hi miss Yuki Onna. Pwede mo ba akong isama sa kanila?”
tanong ni Tantan dito.
“Sure!” sagot naman ni Yolly at nanggigigil na niyakap si
Tantan na unti-unti namang nabalot ng yelo.
“Nasaan ka na ba, Rue?!” inis na outburst ni Zeky.
“Malapit na siya!” dinig naman niyang sagot ng robotic na
boses ni Tantan.
Napalingon si Zeky sa kaniyang likuran at nakita nga si
Yolly na lumilipad na karga-karga si Tantan.
“Saan dito?!” tanong ni Makki.
“Stop!!!” sigaw ni Tantan na sinunod naman nila. Sa kanilang
harapan ay isang batis na kumikinang sa liwanag ng buwan.
“Saan dito?!” muling tanong ni Makki.
“Basta nandito lang! Nararamdaman ko siya dito eh!” si
Tantan.
“Rue! Nasan ka ba?!” panawagan ng magkakaibigan subalit wala
silang marinig na pagtugon.
“Baka kinain na siya ng kappa!” takot na wika ni Tantan at
nag-iiyak. “Kawawa naman ang mahal kong si Rue, isang araw pa lang kaming
magkasama iniwan na niya ako. Huhuhuhu…”
“Tumigil ka diyan halimaw! Hindi pa patay si Rue!” outburst
naman ni Berto.
“Oo nga! Ramdam kong buhay pa siya!” si Zeky.
“Hindi kami titigil na hanapin siya kaya huwag kang nega
diyan!” si Makki naman.
Napatahimik naman si Tantan sa sinabi ng mga kaibigan ni
Rue. Na-touch siya dahil ramdam niya ang pagmamahalal ng magkakaibigan.
“Please be okay, Rue…” ang nasambit na lamang ni Tantan.
TOK!
Tunog ng nagpukpukang kawayan ang narinig nila.
TOK!
Sinundan nila ang pinanggagalingan ng tunog…
TOK!
Di nagtagal ay nakarating sila sa bahagi ng batis na para
bang may party.
Doon ay nakita nila ang mga nilalang na parang unggoy na may
kaliskis at may platito sa ulo na nagsasayawan at nagkakasiyahan.
“Yan ang mga kappa! Isa sa mga yan ang kumidnap sa mahal ko…”
mahinang paliwanag ni Tantan.
“Eh nasaan si Rue?” tanong naman ni Zeky.
“Ewan ko. Huwag ka ngang magulo!” reklamo naman ni Berto
dahil sa kakakalabit sa kaniyang likod.
“Ikaw itong magulo kalabit nang kalabit!” si Makki naman.
“Hindi kita kinakalabit ah! Ako itong kinakalabit niyo!” depensa
naman ni Berto sabay hawi sa kamay na kanina pa kumakalabit sa kaniya.
“Anu ba?!” si Zeky naman ngayon.
“Anong tinitignan ninyo diyan?” tanong ng pamilyar na boses.
“Hinahanap ka namin! Huwag kang magulo!” sagot naman ni
Makki.
“Nakita niyo na ba ako?” muling tanong ng boses.
“Hindi pa kaya steady ka lang diyan…” si Berto naman.
Cricket sound
Natigilan silang lahat at dahan-dahang pumihit patalikod
upang tignan ang pinanggalingan ng boses. Duon ay nakita nilang nakatayo si Rue
at may hawak na basong kawayan at umiinom ng mabangong tsaa.
“Rue!!!” sabay-sabay na outburst nilang tatlo at mabilis na
niyakaw si Rue.
“Akala ko ‘di ka na namin makikita.” Mangiyak-ngiyak na sabi
ni Zeky.
“Oo nga, tinakot mo talaga kami.” Si Berto na lumuluha din.
“Huwag ka nang aalis nang ‘di nagpapaalam ha?!” pahid-uhog
na winika ni Makki.
“Okay…” walang kabuhay-buhay na tugon ni Rue.
“Kappa! Kappa!” narinig nilang boses na parang nanggaling sa
isang palaka.
“Kappa!” boses pa ng isa.
Dahan-dahang lumingon sa likod ang magkakaibigan at nakita
nila ang mga kappa. Base sa hitsura nila ay parang galit ang mga ito dahil sa
ingay nila.
“Kappa!!!” sigaw ng isang kappa na may hawak na trident.
Matapos nito’y tumakbo ang mga ito patungo sa kinaroroonan ng magkakaibigan.
“Mamamatay na tayo~” wika ni Rue.
“Takbo!!!” sigaw naman nina Zeky sabay kumaripas ng takbo.
“Babay mga kapa… Salamat sa tsaa!” paalam naman ni Rue
habang kumakaway habang karga-karga siya ni Makki.
“What happened?” nag-aalalang tanong ng attendant sa
magkakaibigan nang makita niyang pagod na pagod ang mga itong pumasok sa inn.
“Nothing. We just want to rest…” sagot naman nila’t naglakad
paakyat sa kuwarto nila.
Pagpasok na pagpasok nila sa kuwarto ay ngumiti ang
attendant. Unti-unting nagbago ang hitsura nito. Mula sa magandang dalaga ay
naging matandang mahaba ang ilong ito.
“Heee heee heee!!! Enjoy your stay… Hee hee hee…” wika nito
bago unti-unting nawala.
Kasabay ng pagkawala ng matanda ay ang unti-unting pagkawala
din ng inn…
Kinaumagahan
“Berto? Makki? Zeky? Rue?”
Isang pamilyar na tinig ang kanilang narinig habang bagahya
silang niyuyugyog.
Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa pagbukas ng
kanilang mga mata.
“Anong ginagawa niyo diyan?” tanong ng boses.
“T-tomas? Tommy ikaw ba yan?!” nabuhayang tanong ni Berto
sabay balikwas.
“A-ako nga! Anong ginagawa ninyo dito sa dsementeryo? Ba’t
dito kayo natutulog?” tanong ni Tommy.
Napalingon ang apat na magkakaibigan sa kanilang paligid.
Isa ngang sementeryo ang lugar na iyon.
“Nasaan na yung inn? Yung hot spring?” tanong ni Makki.
“Hot spring? Inn? Walang ganuon dito. Yung pinaka malapit na
ganun sasakay ka pa ng bullet train.” Paliwanag ni Tommy. “Teka, ano nga ba
kasing ginagawa niyo dito?” muling tanong niya.
Napa-sigh na lamang si Berto bago sumagot. “Mahabang
kuwento.”
“Bobita kasi yung isa diyan!” pagsingit naman ni Tantan.
“Hoy huwag mo akong sisisihin!” depensa ni Zeky.
“’Di ba ikaw itong may plano kuno na palpak naman? Tsaka
ikaw itong bumili ng expired na ticket ‘di ba?! Nasayang tuloy ang araw ko,
dapat magkausap kami nai Babe eh!” si Makki.
“Hoy! Malay ko bang expired yung binenta ni Tomas sa’kin?!”
muling pagdedepensa sa sarili ni Zeky na natigilan nang mapagtanto ang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ni Tommy. “Ah… Eh… Guys…” ‘di
makahagilap ng sasabihin itong si Tommy dahil sa talim ng mga tingin nina
Berto, Makki at Zeky sa kaniya. Tumakbo siya nang mabilis ngunit ‘di naman siya
tinantanan ng tatlo.
“At least it’s nice and quiet… May moment na tayo, mahal
kong Rue.” Wika ni Tantan habang inuupuan siya ni Rue at umiinom ng tsaa.
Sa Eroplano
“Makakauwi na rin, sa wakas.” Wika ni Makki habang
nag-iinat.
“Oo nga. Grabe, kung anu-anong nararanasan natin ano? Kahit
sa ibang bansa na tayo. ‘Di ba, Rue?” Wika naman ni Berto.
“Masarap ang tsaa.” Ang sagot naman ni Rue.
“Haay… Basta ako pag-uwi natin, magpapahinga ako ng bonggang
bongga! Sa wakas nakawala din ako sa babaeng yelo na yun.” Wika naman ni Zeky.
“I don’t think so…” pambabara naman ni Makki sabay turo sa
bintana.
Tumingin sila sa bintana at nakita nila ang isang babaeng
nakasakay sa isang sagwan at kumakaway sa gawi nila.
“Hi Zeky! Sasama ako sa’yo para ipakilala mo sa parents mo
para mapagplanuhan na ang kasal natin ♥” kinikilig
na bati nito sa kanila.
Samantala…
“Guys mahilig ako mag-cosplay… Pero huwag naman ganito!!!” nagmamakaawang
sigaw ni Tommy.
Nakatali siya sa isang poste at nakapaligid sa kaniya ang mga stray cat.
Takam na takam ang mga pusa kay Tommy at sa suot nitong Dyesebel costume.
“Guys!!!!” sigaw niya…
Ngunit tulad ng dati….
Tanging alingawngaw lang ang tumugon sa kaniyang panaghoy.
No comments:
Post a Comment