NICKO
A Promise of Forever
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Authors note: Para malinaw lang hehe baka kasi magreact yung kakilala ko na sya yung nasa story haha.. mahirap na.. lalo na nagbanggit na ko ng places haha.. uhm thank you sa pagbabasa ng story na to mwuah mwuah.. love yah mejo bumibusy ako pero hinahanapan ko talaga ng tym yung pagsusulat so don't worry.. any suggestions,reactions, comments very much welcome po..:)
Pag bukas ko palang ng pinto naramdaman ko na yung kahungkagan ng bahay.. Ang tahimik.. Bumuntong hininga lang ako mukhang maya maya pa uuwi si jonas. Haixtt tuloy tuloy lang ako sa sofa saka pabagsak na naupo natigilan lang ako ng makita si jonas sa pinto.
" oh kala ko magkukwentuhan pa kayo ni jenny.?"
" sino yung kasama mo.?"
" kasama ko.?"
" oo sino yun?"
" ahhh si mark yun yung cousin ni anthony na magpapatulong sa book report. Nakasabay ko lang sya dun sa kanto." pansin ko naman yung pagsimangot niya. " why what happened bakit ganyan mukha mo.. Si jenny ba.?"
" no.." maikling saad niya saka tuloy tuloy sa kwarto.
" jonas ok kalang ba.?" habol ko sa kanya sa kwarto naabutan ko lang syang naghuhubad ng damit ilang sandali naman akong natigilan.
" parang close na kayo nung cousin ni anthony ah anong pangalan nun.?" umiwas lang ako ng tingin ng lumingon sakin si jonas.. Haixt bakit ganito ba nararamdaman ko.
" ah.. Uhm mark."
" really? Mark.?" saad niya saka lumapit sakin na walang suot na tshirt. " kinuha mo pa number niya huh.?" napalunok lang ako ng mapagmasdan yung katawan niya ilang beses ko na nga bang nakita yun pero bakit ganito nararamdaman ko ngayon.. haixt
" uhm kasi itetext ko sya about dun sa book report niya." tumalikod lang ako saka pumunta sa sala at umupo sa sofa. Pinunasan ko lang yung pawis sa noo ko pag labas niya ng kwarto nakabihis na sya. " nag-away ba kayo ni jenny bakit ganyan ka.?"
" hindi kami nag-away.. May lakad daw kasi sya kaya hindi na kami natuloy tinatawag kita kanina kaso mukhang busy ka na dun kay mark eh.. Bakla din siguro yun noh.?"
" bakla ka jan. Ewan ko pa nga sayo.. Kung makahusga ka naman."
" sa panahon ngayon hindi mo na alam kung sino ba ang bakla at hindi.. Kaya wag kang magpakasigurado." sarkastiko niyang ngiti umiwas naman ako ng tingin sa kanya. " di ba tama naman ako.. Kaya pwede nicko wag ka masyadong maging close dun."
" ano ba problema mo jonas bawal na ba kong makipagkaibigan sa iba.?" umiwas lang sya ng tingin sakin saka pumunta sa ref at uminom ng tubig. " mabait naman sya jonas kaya kung pwede lang din huh wag mo agad syang husgahan.?"
" Wala akong tiwala sa kanya."
" pano kung sabihin kong may tiwala ako sa kanya."
" haixt nicko ewan ko sayo nakakainis ka hindi mo nalang lagi ako pinakikinggan."
" eh hindi kita maintindihan pwede ba jonas si jenny nalang asikasuhin mo hayaan mo na ko."
" bahala ka."
Kinabukasan reccess nun tumabay lang ako sa gilid ng gym pumikit lang ako habang pinakikingan yung hampas ng hangin sa mga dahon ng punong nanduon..sabi ni jonas antayin ko raw sya dito para ipakilala sakin si jenny Kakayanin ko to.. Haixt maya maya natanaw ko na si jenny at jonas na papalapit sakin humugot naman ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti .
" hi." bati ko lang dito.
" jenny si nicko ang napakagwapo kong kapatid." ngumiti naman sakin si jenny.. Ang ganda nga niya hindi nakakapagtakang magustuhan sya ni jonas.
" nakwento ka nga sakin ni anthony love your eyes." saad lang ni jenny.
" thanks mabait yan si jonas hindi ka magsisisi pag sinagot mo sya."
" nicko naman eh." nakita ko naman na natawa si jenny.
" binibuild up na nga kita eh."
" wag na kasi."
" bahala ka nga.. Nice meeting you jenny napakaganda mo." saad ko lang.
" thanks."
" uhm sige I have to go may gagawin pa ko sa room eh.." saad ko tumango naman si jenny ganun din si jonas agad lang akong naglakad palayo sa lugar na yun..hindi niya ko mamahalin at kailangan ko ng tanggapin yun..agad ko lang pinunasan yung luhang tumulo sa matan ko.. haixt.
Minsan nagpapanggap tayong okay lang ang lahat na masaya tayo pero di ba ang totoo deep inside nasasaktan tayo. Yung sakit na halos dumurog sa buo nating pagkatao, mahirap pero dapat natin gawin. Yung pagtatago ng nararamdaman lang naman kasi ang paraan para hindi magulo ang lahat.. para hindi masira kung ano man yung mga binuo niyong pagsasama.. Para hindi maging kumplikado.
" hey nicko.." gulat sakin ng classmate ko nakatanghod ako nun sa bintana ng silid paaralan namin nakakakunot ang noo naman akong tumingin dito.
" why.?" saad ko dito.
" uwian na po at ikaw nalang nandito oh." saad niyang lumingon sa paligid ilang sandali naman akong natigilan saka tumayo haixt. " ok ka lang ba.?" pinilit ko naman ngumiti.
" mukha ba kong hindi ok."
" oo eh.. May problema ka ba nicko.?"
" sofhie I'm ok.."
" are you sure? malapecific ocean ang Lalim ng iniisip mo eh." ngiti niya naglakad naman ako palabas ng room kasunod sya. " kamusta ka.. Kayo ni jonas nahihirapan na ba kayo.? Pwede kong kausapin parents ko if kailangan niyo ng tulong." marahan lang akong umiling.. Si sofhie since tumuntong kami ng highschool ni jonas classmate na namin sya isa sya sa mga naging kaibigan namin.. Isang matalik na kaibigan " balita ko may niligawan sya sa kabilang section ah.?"
" yeah si jenny."
" maganda sya huh pero mas maganda parin ako di ba." natawa naman ako sa sinabi nito. "nagkakilala na ba kayo nun.?"
" oo.. Pinakilala na ko ni jonas sa kanya mukhang mabait naman."
" parang hindi naman."
" sofhie tingin mo bagay sila.?"
" uhm ok lang.. Ikaw nicko bakit wala ka pang niligawan.."
" sofhie hindi ko naman kailangan ng lovelife eh."
" si jonas lang sapat na di ba.?" ngiti niya natigilan naman ako sa sinabi nito kaya umiwas ako ng tingin. " hindi naman ako manhid nicko."
" what do you mean.?"
" you love him right."
" yes I love him coz he is my brother."
" kapatid nga lang ba nicko o higit pa sa kapatid ang tingin mo sa kanya alam mo yun you and him together..hindi bilang magkapatid kungdi bilang lover.?"
" what? are you out of your mind kapatid ko sya sofhie pano mangyayareng magkakagusto ako sa kanya.? Hindi ka naman nag-iisip eh."
" nicko matagal na tayong magkakilala since 1st year classmate ko na kayo ni jonas.. The way you look at him the way you smile kapag kasama mo sya alam ko meron kang nararamdaman sa kanya..sa bawat kilos mo at galaw alam ko At ngayon nakikita kong nasasaktan ka kasi may nililigawan na sya."
" sofhie grabe imagination mo." ngiti ko lang.
" nicko kaibigan ako.. I can offer my shoulder.?" umiwas lang ako ng tingin saka nakatungong naglakad feeling ko tutulo na yung luha ko ng mga oras na yun. "minsan nagmamahal tayo ng tao kahit alam natin na imposible mahalin ka niya pabalik sa paraang gusto mo.. At ang sakit nun nicko, I know him sya yung tipong hindi magkakagusto sa kapwa niya lalake at lalo na sa kapatid pa niya." huminto lang ako sa paglalakad ng humarang sya sa daanan ko ng tingnan ko yung mukha niya nakangiti lang sya sakin. " hindi naman masama umiyak nicko eh.. Hayaang mo lang syang tumulo.." tumingala lang sya. " parang ulan. Kahit anong sayaw natin ng sundance babagsak parin sya..o kahit anong pagcrocross finger natin para hindi matuloy ang ulan still bubuhos parin ito Kasi kailangan mawala yung bigat kailangan niya ilet go yung bagay bagay na nagpapabigat dito."
" sofhie bakit mahal ko sya.. Kapatid ko sya eh.. Bakit ganito yung nararamdaman ko.?" tumulo lang yung luha ko agad naman niya yung pinunasan ng daliri niya yung tumulong luha sa pisngi ko " sofhie I love him.. I really love him at hindi ko alam kung pano ko pipigilan to.. Ayoko sofhie ayoko.."
" I know.." hinayaang ko lang pumatak yung luha ko yumakap lang sya sakin habang hinihamas yung likod ko. " you'll get over this nicko.. I'll help you."
" ehemm.." sabay lang kaming napalingon ni sofhie ng marinig yun.. Nakita ko lang si mark na nakangiting nakatingin samin. " hi?" nakakunot naman tumingin sakin si sofhie.
" sofhie si mark, mark this is sofhie." pilit na ngiti ko.
" uhm hi.." ngiti ni sofhie.
" umiiyak ka nicko.. Ok ka lang ba.?"
" uhm yeah ok lang ako.. May kailangan ka.?" tumingin naman si mark kay sofhie.
" bawal ko marinig.?"
" uhm no hindi naman sa ganun nakakahiya lang kasi.. Ok lang ba kung kausapin ko si nicko.. In private.?"
" wow private talaga.. Gano kaserious naman yung pag-uusapan niyo na hindi ko pwedeng marinig.. Close ba kayo.?"
" yeahh close na kami di ba nicko.?" pilit lang akong ngumiti saka tumango.
" oh really hindi mo nabanggit sakin nicko.. Ok since may pag-uusapan kayo exit frame na ko nicko.. Text or call me if you need my help ok.. I'm always here to listen.. I love you nicko don't cry na huh." pilit lang akong ngumiti dito.
" tatawagan kita mamaya."
" ok sige alis na ko at kailangan ka daw niya in private.. Don't forget to call me aantayin ko yun." sarkastikong ngiti ni sofhie at naglakad nang tingnan ko si mark napapakamot lang sya sa ulo.
" so ano naman pag-uusapan natin In private?"
" naistorbo ko yata kayo ng girlfriend mo." natawa naman ako sa sinabi nito.
" no she's not my girlfriend, bestfriend namin ni jonas my brother.."
" oh really bakit ka umiiyak.. Nag-away kayo.?"
" uhm no.. Wag na natin pag-usapan so anong kailangan mo.?"
" about sa book report ko.. Saturday bukas pwede na ba natin gawin next Friday na kasi yun eh."
" ah yeah sure sa bahay nalang namin ok lang ba..?"
" hindi kaya magalit yung kapatid mo.?"
" no mabait naman yun si jonas.. Kala ko naman kung ano sasabihin mo In private.." pilit na ngiti ko.
" ok tomorrow then.. Sabay na tayo umuwi mukhang busy yung kapatid mo sa panliligaw sa classmate namin eh."
"maglalakad lang kasi ako eh.." saad ko nalang.
" huh bakit maglalakad ka lang ang layo ah. Wala ka bang pamasahe.?" natawa lang ako.
" hindi naman masyadong malayo.. Saka may pamasahe ako gusto ko lang maglakad."
" sure ka nicko ililibre nalang kita ng pamasahe tara na." natigilan lang ako ng hinawakan ni mark yung braso ko agad ko naman yun tinanggal.
" wait wait mark may pamasahe ako its just that gusto ko lang maglakad kaya sakay ka na."
" wala ka lang pamasahe eh.. Yung kapatid mo busy sa panliligaw hindi man lang inisip na wala kang pamasahe nakita ko pa nilibre niya sa jenny kanina kapatid ba talaga tawag dun.?" nilabas ko naman yung wallet ko saka pinakita dito yung laman.
" see may pamasahe ako.. Gusto ko lang talaga maglakad.. Ok na so sumakay ka na." ngiti ko.
" bakit ka ba maglalakad.?"
" uhmm aixtt ayoko pa umuwi eh.. Wala naman akong kasama sa bahay kaya maglalakad nalang ako.. Nakakabingi kasi yung katahimikan sa bahay atleast pag naglakad ako madami akong makikitang tao makakarinig ako ng ingay."
" ahhhh ganun ba kung ayaw mo pa umuwi tara punta muna tayong heaven.." ngiti niya saka hinila yung kamay ko saka mabilis na naglakad natigilan naman ako sa sinabi niya. Heaven.?
" hoy wait lang nga.. Maglalakad lang ako hindi ko naman sinabing gusto ko na pumunta ng heaven ah.. Ang bata ko pa." lumingon lang sya ng may ngiti sa labi saka nagpara ng tricycle. " dadalhin kita sa heaven nicko." hinila niya lang ako pasakay ng tricycle wala naman akong nagawa kungdi tingnan yung mukha niya narinig ko lang na may binulong sya sa driver..
" papatayin mo ba ko.?" kunot ang noong tanong ko sa kanya kita ko naman yung mahina niyang pagtawa. " wag naman kawawa naman yung kapatid ko pag nawala ako."
" bakit naman kita papatayin.?"
" eh kasi sabi mo dadalhin mo ko sa heaven."
" di naman kailangan mamatay para makapunta sa heaven yung iba nga sa kama nila natatagpuan ang heaven eh.. Alam mo yun.. When two people make love its like heaven ika nga or yung rurok ng kaligayahan. Heaven na heaven yun sa iba."
" hoy bababa na ko san mo ba ko dadalhin.."
" relaks nicko.."
" san mo ba kasi ako dadalhin di pa naman tayo ganung kaclose eh."
" edi simula ngayon close na tayo." ngiti niya.
" agad agad.?"
"Were here na." ngiti niya huminto naman yung tricycle bumaba lang kami ni mark duon, " welcome to heaven nicko." ngiti ni mark nang umandar yung tricycle nakita ko lang yung malaking simbahan sa lugar namin. " welcome to st. clement parish ang church na magdadala sayo sa heaven." saad niya natawa naman ako ng payak saka tumalikod." wait nicko teka lang."
" uwi na ko.
" wait lang." pigil niya sa kamay ko.
" mark uuwi na nga ako."
" teka lang naman.. Katoliko ka naman di ba.... Naisip ko lang malungkot ka kasi I think you need someone na makikinig sayo.. And I think si god yun.. "
" mark ok lang naman ako eh."
" tara na pasok na tayo gusto ko din magpray eh."
" wow relihiyoso ka pala.?" hinila naman niya ko papasok sa gate ng simabahan na yun wala naman akong nagawa kungdi sumunod sa kanya.
" yeah sakristan ako.. Kahit si anthony pinalaki kasi kami na laging nasa simbahan at kapag nandito ako feeling ko nasa heaven ako." ngiti niya natitigan ko naman yung mukha niya hanggang makarating kami sa loob ng simbahan lumuhod lang sya. "tara lets pray." saad pa niya.. Lumuhod naman ako sa tabi niya.. Pakiramdam ko ng oras na yung ang gaan ng loob ko umusal lang ako ng dasal para sa parents ko ilang minuto pa kaming nasa ganun pwesto ng maramdaman ko na tumayo na si mark.ilang sandali pa ay tumayo na din ako saka umupo sa upuan. " feel better.?" ngiti niya.
" yeah."
" may pag-aalinlangan ka kay god noh.?"
" huh.?"
"halata naman eh.. Parang ngayon ka lang nakapasok sa simbahan." napabuntong hininga naman ako saka pinagmasdan yung imahe sa nasa pinakasentro ng simabahan..
"well tama ka actually simula nung nawala yung totoong parents ko ngayon nalang uli ako nakapasok sa simabahan.. Ngayon ko lang naamoy yung ganito kabangong lugar." dinama ko lang yung inuupuan namin. "nung bata ako nakakatulog pa ko sa misa." ngiti ko.
" si jonas at yung parents niya hindi nagsisimba.?"
" nagsisimba sila pero hindi ako sumasama.. Ayoko lang maalala pa yung nakaraan.. Masaya kasi yung memories dito ni mommy at nalulungkot ako pag naalala yun."
" ganun.. Alam mo nicko lahat naman ng nangyayare may dahilan eh maybe yung parents mo theyre both happy na.. Sa totoong heaven."
" thank you sa pagdala mo sakin dito.. Nakakagaan ng pakiramdam." ngiti ko.
" wala akong karapatan magtanong pero bakit ka umiiyak kanina.. Si sofhie yung kasama mo di ba.. Did she broke your heart.?"
" uhm no." iling ko lang.
" so bakit ka umiiyak.?"
" uhm sabihin nalang natin na I'm hurt."
" hurt kanino.?"
" basta tara na dito pa tayo nagkukwentuhan sa loob ng simbahan nakakahiya kay god.." saad ko lang saka tumayo at naglakad sumabay naman sya sakin sa paglalakad.
" ok kung ayaw mo sabihin." saad niya napalingon naman ako dito kita ko lang yung ngiti niya sa labi.. Ang gwapo niya.. " babye po muna god." lingon ni mark.
" di ba yung sakristan mark yun yung nagseserve every mass yung may hawak ng ensenso tapos may mga kandila.?"
" yeah.. Every Saturdays and Sundays nagseserve ako feeling ko pag nakapangsakristan ako napakabait kong tao."
" oh I see.. Ang gwapo mo naman sakristan." saad ko lang rinig ko lang yung mahina niyang pagtawa.
" I know gusto mo ng palamig? Kailangan mo matikman to." saad niya.
" palamig.?"
" yeah.. Dun oh." turo niya sa isang tindahan. " alam mo ba ilang years na tong tindahan na to and yung palamig nila yung specialty nila.. Masarap kasi.. Bata palang ako nagtitinda na sila nun." ngiti niya lang hanggang makating kami sa tapat nun.
" mark anong pinagkaiba ng palamig sa gulaman.?" tanong ko lang habang nakatingin sa lagayan ng palamig.. Nakasulat dito yung salitang gulaman natigilan naman si mark.
" uhm I don't know eh basta palamig yan pareparehas naman yan eh.. Ate dalawa po." hindi ko naman mapigilang matawa.. Inabot niya lang sakin yung palamig saka sya nagbayad.
" napapagastos ka dahil sakin.. Una yung pamasahe papunta dito tapos eto.?" taas ko sa palamig na hawak ko.
" para naman ang mahal niyan 5 pesos lang po yan tapos ten pesos sa pamasahe hindi naman mauubos yung pera ko noh." naglakad lang kami ni mark habang umiinom ng palamig.
" wow so 15 pesos ang nagastos mo sakin nakwenta mo talaga huh"
" uhm ibabawas ko kasi sa ibabayad ko sayo sa book report. " ngiti niya.
" ahh kaya pala.."
" joke lang ako ang taya ngayon make sure next time ikaw naman huh." saad lang niya.
" next time.?"
" yeah friends na tayo kaya dapat may next time na.. Dinala na nga kita sa heaven eh."
" sinusumbat?"
" uhm hindi naman.. Pinapaalala ko lang." huminto lang kami sa tulay tumanaw lang kami sa pag agos ng tubig sa ilog sa baba nito. " dito ka ba lumaki nicko.?"
" yeah.. Sa simabahan na yun ako bininyagan noh.. So bata palang ako nakapunta na ko ng heaven." ngiti ko natawa naman sya. " dati pag nagsisimba ako kasama ko si mommy."
" eh yung dad mo.?"
" uhm si daddy.. Lagi namang wala yun si mommy lang lagi kasama ko."
" ok lang bang magtanong ako.?"
" about what.?"
" pano namatay parents mo.?" napabuntong hininga lang ako saka pinagmasdan yung agos ng tubig sa baba. " ok lang kung ayaw mo sagutin."
" my mom killed him then after niyang patayin si daddy nagbaril sya sa sarili niya then one day may mga pulis na pumuta sa bahay dahil nakita yung katawan nila sa loob ng sasakyan." pilit na ngiti ko ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa ng lingunin ko sya nakita ko lang yung pilit na ngiti niya sa labi.
" bakit nagawa ng mommy mo yun sa daddy mo.?"
" he deserve that.. Naiintindihan ko kung bakit nagawa ni mommy yun, sa lahat ng pananakit ni daddy sa kanya sa lahat ng masasakit na salita siguro napuno na rin si mommy lalo na nung sinabi ni daddy na iiwan na niya kami dahil sa kabit niya. Isa lang ang hindi ko maintindihan bakit kailangan pati si mommy mawala bakit kailangan niya ko iwan."
" galit ka rin sa daddy mo.?"
" hindi na.. Moved on na ko matagal na yun.. Gusto ko na rin silang matahimik ni mommy."
" yung kabit ng daddy mo nakita mo na sya.. Or galit ka sa kanya.?"
"hindi naman ako galit may mga tanong siguro." ngiti ko. "hindi ko pa sya nakita pero ang alam ko may kapatid ako sa kanya.. Di ko lang alam kung ilan.. Grabe nakwento ko na sayo lahat ah." ngiti ko lang natawa naman sya.
" pero ang galing noh kahit ganun yung pinagdaanan mo hindi ka parin sumuko hindi ka parin tumigil mabuhay."
" uhm yun nalang pinagpapasalamat ko hindi ako nagmana kay mommy na sumusuko sa laban.. And maybe natulungan ako ng kapatid ko para ipaalala sakin na life is still beautiful.. Masaya parin mabuhay." ngiti ko.
" well thanks to him baka kasi kung wala sya baka wala akong nicko na kausap ngayon."
" malamang.. Tara na uwi na tayo malapit na magdilim eh.."
" gusto mo na umuwi.?"
" uhm wala na tayong ibang pupuntahan eh so uwi na tayo."
" nadala na kita sa heaven gusto mo pumunta ng hell.?" ngiti niya sinimangutan ko naman sya.
" hell? wag na oy."
" tara dadalhin nga kita sa hell." saad niya saka muling hinawakan yung kamay ko.
" hoy wait naman ok na ko sa heaven wag na sa hell.."
" basta." saad niya saka nagpara ng tricycle natingnan kolang yung kamay niya na nakahawak parin sa braso ko piniksi ko lang to para matanggal yung kamay niya.. Natawa naman sya. " sorry.?" muli binulong niya lang sa tricycle driver kung saan kami dadalhin.
" saan naman yung hell.?"
" pagpapawisan ka promise."
" grabe naman san ba yun.?" ngumiti lang sya sakin hanggang dalhin kami ng tricycle sa wawa lakeside..pagbaba ko napanganga lang ako ng mapagmasdan yung paglubog ng araw. " pano naman naging hell to.?" lingon ko sa kanya pero hindi ko sya nakita. " mark.?" tawag ko dito.. Natigilan lang ako ng makita sya sa malayo na nakangiting naglalakad papalapit sakin.. Ilang sandali naman akong natigilan habang pinagmamasdan yung mukha niya.
" this is hell." ngiti niya saka tinaas yung hawak niyang burger. " hey nicko.?!" gulat niya sakin napailing naman ako bakit ba ko natutulala. " sabi ko this is hell." nguso niya sa burger na hawak niya. " the hell burger."
" yan.?"
" yeah.. Ipapatikim ko sayo ang hell.." saad pa niya nilagay niya lang sa kamay ko yung burger na hawak niya. " this is your drink.. Tara upo tayo duon pagmasdan natin ang heaven habang tinitikman natin ang hell." wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya naupo lang kami sa isang bench duon na nakaharap sa papalubog na haring araw.
" ang ganda." ngiti ko.
" taste it na.. Promise hell talaga yan." turo niya sa burger na hawak ko.. Ngumiti lang ako saka kumagat dito ilang sandali lang akong natigilan ng malasahan yun. "ooppss bawal iluwa lasapin mo" ramdam ko naman yung pag-iinit ng mukha ko at pagtulo ng pawis sa noo ko.. Nginuya ko lang to saka agad uminom sa juice na binigay niya.
" damn! ang anghang..!!" iling ko habang nagpupunas ng pawis sa noo.
" congratz natikman mo na ang hell."
" sarap grabe..! Pano mo nalaman na i like spicy foods.?"
" uhm nahulaan ko lang.. Sarap diba.."
" yeah super.. Binuhos mo yata lahat ng hot sauce dito buti hindi nagalit yung tindera sayo.?"
" sanay na sakin yun." ngiti niya saka kumagat sa burger na hawak niya natawa lang ako ng makita yung pamumula niya at pagpupunas ng pawis. " grabe ang sarap noh. Ang anghang." ilang sandali kaming nanduon habang pinagmamasdan yung paglubog ng araw.. Napangiti lang ako sana jonas kasama kita ngayon.
" thank you sa pagdala mo sakin sa heaven and hell.. Its really a wonderfull experience."
" wow big word yun ah..yung heaven and hell pwede mo naman maranasan yun everyday. Siguro mas magiging special lang kung yung kasama mo ay yung mahal mo." saad niya habang nakatitig sakin.
" yeah right.. Bayaran ko nalang sayo mga nagastos mo sakin huh."
" sus wag na.. Treat ko na sayo yun nagenjoy naman akong kasama ka eh."
" basta babayaran ko pera mo yun baka maubusan ka pa ng allowance."
" ang pera napapalitan naman yan ang importante naman eh ay yung sinasabi mong wonderfull experience..priceless yun at yun ang binigay mo sakin nicko.. Yung experience na makasama yung mahal mo while nilalasap yung heaven and hell." ngiti niya natigilan naman ako sa sinabi niya.
" huh anong sabi mo.?"
" huh ano bang sabi ko.?"
" sabi mo binigay ko sayo yung experience na makasama mo yung mahal mo sa heaven and hell.?"
" huh sinabi ko ba yun.. Tara na nga uwi na tayo madilim na oh." saad niya saka tumayo.
" sinabi mo yun eh." saad ko saka tumayo din at naglakad.
" ah wala lang yun .. Wala lang akong masabi alam mo yun kapag nauubusan ka na ng kwento kung ano ano na lumalabas sa bibig mo." ngiti niya.
" sabagay ganun din ako minsan." natatawa kong saad kita ko naman yung ngiti niya sa labi.. " mark thank you again huh."
" wala yun.."
" wala ka na bang ipapatikim sakin how about purgatory meron ka pa nun.?" natawa namna sya sa sinabi ko.,
" purgatory..? Hayaan mo hahanapin ko kung saan yun saka kita dadalhin."
" sinabi mo yan huh. Promise.?"
" magpopromise ako kung magpapapromise ka din na bestfriend na kita.?"
" huh bestfriend agad.. Hindi ba pwedeng friend muna. Ang bilis naman.?"
" sa panahon ngayon uso na shortcut.. Kaya bestfriend na agad wag na natin daanan yung friend."
" ewan ko sayo."
" sige na bestfriend na tayo." pinagmasdan ko lang yung mukha niya para syang anghel sa heaven pero para rin syang demonyo sa hell. Hindi ko mapaigilan titigan sya..hindi ko naman mapigilang matawa. " why anong nakakatawa.?"
" naisip ko lang mukha kang angel sa heaven pero mukha ka rin demon sa hell."
" compliment plus lait yun ah.. Angel na nga tapos naging demon pa."
" angel kasi parang ang bait bait mo."
" eh bakit demon.?" kunot ang noong tanong niya.. Ang hirap mo kasing tanggihan saad ko lang sa isip ko kaya muli lang akong napangiti. " hoy nakangiti ka nanaman bakit nga ako naging demon.?"
" kasi isa kang malaking tukso." saad ko saka nginuso yung mga babaeng nakatingin sa kanya napakamot naman sya sa ulo.
" grabe ka naman demon agad hindi ba pwedeng namamangha lang sila sa perpectong pagkakagawa sakin ni god."
" woohhoo yan ang big word.. Perfect? Weehh." natawa naman sya.
" mark and nicko di ba ang ganda pakinggan.. So besfriend na tayo huh." ngiti niya.
" parang hindi naman maganda sa tenga." ngiti ko lang.
" I love your eyes nicko.. Pwede ko bang hawakan yung mahab mong pilik mata.?" saad niya kumunot naman yung noo ko.
" huh.?" natigilan lang akong dalhin niya yung kamay niya sa mga mata ko wala naman akong nagawa kundi pumikit at damhin yung dampi ng daliri niya sa mata ko.
" nice." rinig kong saad niya kaya dumilat ako nakita ko lang yung matamis na ngiti niya sa labi. " bestfriend nicko.?"
" sige na nga."
" yun ok promise hahanapin ko yung purgatory at dadalhin kita dun." tawa niya lang.. Hindi ko naman mapigilan pagmasdan yung mga pagtawa niya..
" tara na tama na tawa mo mark uwi na tayo.!"
" oo na.. Uhm nicko ubos na pera ko ikaw naman magbayad sa pamasahe natin huh."
" grabe sya baka naman eto yung hell na sinasabi mo.. Ako pala magbabayad pauwi.?" ngiti ko.
" ang mahal kaya nung burger kala mo hindi naman basta basta burger yun noh."
" wusshhuuu." ngiti ko lang.
" sige na next time promise hindi ka na gagastos pag punta natin sa purgatory."
" wehhh oo na sige ako na magbabayad.." ngiti ko nagpara lang kami ng tricycle na dumaan saka sinabi kung saan kami bababa. Salamat kay mark kahit paano gumaan yung pakiramdam ko. Nasa bahay na kaya si jonas.. Haixtt hanggang huminto yung tricycle sa tapat ng apartment namin bumaba lang ako. " bye mark see you tomorrow text nalang kita kung anong oras." aabot ko na sana yung bayad sa driver ng pigilan ni mark yung kamay ko. " oh bakit?"
" may pang bayad pa ko.. Ako ng bahala sige na."
" sabi mo wala ka ng pera. Ok lang naman ano ka ba."
" joke lang naman yun ako pa ba..? Gusto mo bilhin pa kita eh." ngiti niya kaya natawa ko.
" bahala ka na nga."
" ok sige hindi na ko bababa huh.."
" ingatz ka bestfriend." ngiti ko natawa naman sya saka sumaludo sakin. " ingat." saad ko umandar naman yung tricycle tinanaw ko lang to hanggang mawala sa paningin ko isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Back to reality. Naglakad lang ako papasok ng bahay madilim na nun siguro nasa loob na si jonas.
Pagbukas ko ng pinto nanlaki lang yung mata ko. Nakapatong si jonas kay jenny habang nasa sofa wala ng pang itaas si jonas si jenny naman nakabihis pa.. Parehas naman silang napaupo ng makita ako.
" may kwarto naman bakit nandito kayo sa sala." saad ko pinilit ko naman wag lagyan ng emosyon yung boses ko.. Ang sakit bakit ko ba kasi nakita to.. Gusto ko umiyak ng mga oras na yun pero pilit kong pinipigilan. Umupo lang ako sa tapat nilang dalawa saka mariin silang tinitigan kita ko lang yung pag-iwas ng tingin ni jenny nakasimangot naman si jonas.
" jonas uwi na ko." nakatungong saad ni jenny.
" sa kwarto nalang tayo." saad ni jonas.
" magbibihis pa ko sa kwarto.. Next time nalang niyo gawin pag wala ako ok.?" sarkastiko kong saad.
" jonas uwi na ko sige bye.. Nicko uwi na ko." tumango naman ako sa kanya agad lang nito kinuha yung bag saka lumabas ng bahay tumayo lang ako saka nilock yung pinto.
" jonas what are you thinking huh pano kung mabuntis mo yun.?"
" nicko hindi ko sya bubuntisin."
" wow pano mo naman masasabi na hindi sya mabubuntis ano naman alam mo sa ganun.. Jonas ang bata pa natin umayos ka naman." umiling naman sya.
" maayos naman ako ah."
" kayo na ba ni jenny ang bilis naman wala pang isang linggo ah.?"
" hindi pa kami.. Hindi pa nga niya ko sinasagot eh."
" eh kung dagukan ko kaya yang jenny na yan hindi pa naman pala kayo tapos muntikan ng may mangyare sa inyo.. Grabe naman."
" naiingit ka ba nicko bakit hindi ka maggirlfriend tapos dalhin mo rin dito."
" hindi ako baliw bakit ko gagawin yun.?"
" so baliw ako nicko kasi dinala ko si jenny dito.?"
" haixt jonas mag-isip ka naman.." hindi ko naman napigilan pumatak yung luha ko.. Kita ko lang na natigilan sya ng makita yun. " jonas hindi mo man lang ba ko inisip.?"
" bakit ka umiiyak.?"
" wala.. Magbibihis na ko." saad ko lang saka tumayo pero hinawakan niya lang yung kamay ko.
" why what happened bakit ka umiiyak.?"
" jonas bago ka gumawa ng isang bagay isipin mo naman kung masasaktan ako o hindi."
" huh.?" humugot lang ako ng malalim na hininga saka sya tinitigan.
" pano kung mabuntis mo yun pano na yung kinabukasan mo huh.. Masasaktan ako kung masisira yung buhay mo makakapag-antay naman yun di ba..?" natigilan naman sya saka tumungo. " jonas think.. Wag yung basta basta ka nalang gagawa ng isang bagay na hindi mo alam kung malulusutan mo."
" I'm sorry nicko."
" jonas naman eh malaki ka na alam mo na kung ano ang tama at mali."
" I'm sorry na.. Hindi mauulit wag ka ng umiyak.. Alam mo naman na ayoko makita kang umiiyak di ba.?"
" magbibihis na ko." saad ko lang yumakap naman sya sakin.
" sorry na nicko.. Hindi na mauulit."
" oo na sige na bitawan mo na ko." simangot ko lang pero mahigpit niya lang akong niyakap. " jonas.?"
" sorry sorry sorry talaga promise hindi na mauulit.. Mahal na mahal kita nicko.. Sorry sorry."
" mahal kita jonas kaya ayokong mapasama ka." saad ko humiwalay naman sya sakin saka hinarap yung mukha ko sa kanya napalunok naman ako ng magtapat yung mukha namin.. Dahan dahan niya lang nilapit yung mukha niya parang tumigil naman yung oras ng sandaling yun hangang halikan niya ko sa magkabilang pisngi.
" sorry na huh.." ngiti niya.
" ah eh.. Sige na magbibihis na muna ako.. Magtshirt ka nga baka sipunin ka pa." saad ko saka tumalikod at nagmamadaling pumasok ng kwarto parang nagsikip yung dibdib ko kala ko hahalikan niya na ko sa labi.. Haixt naman oh.
" nicko bumili nalang kami ni jenny ng foods natin ang tagal mo kasi hindi naman ako marunong magluto." narinig kong sigaw ni jonas mula sa labas humugot naman ako ng malalin na hininga saka nagsimulang magbihis nakakainis bakit ba ganito nararamdaman ko..haixt hindi niya dapat mahalata na apektado ako na nasasaktan ako. Hindi pwede paglabas ko ng kwarto nakita ko nakabihis na si jonas habang naghahain sa mesa. "sino yung kasama mo si tricycle.?"
" huh.?"
" yung kasama mo sa tricycle.?"
" pano mo nalaman na may kasama ako sa tricycle eh busy kayo ni jenny dito sa sala.?"
" ah eh.. Narinig ko lang."
" pano.?"
" basta sino nga yun?"
" si mark yung pinsan ni anthony remember.."
" sya nanaman.?"
" uhm yeah ayoko pa kasi umuwi kaya naglibang lang kaming dalawa.. Kanina pa ba kayo ni jenny dito.?"
" hindi naman masyado.. Next time pwede nicko wag kang sasama kung kani kanino baka kung saan ka dalhin nun mabalitan ko nalang lumulutang ka na sa ilog."
" to naman grabe ang oa mo pa nga."
" anong oa dun.?"
" ewan ko sayo at ikaw pwede next time magisip ka huh.. Kung nagiinit ka wag mong papuntahin si jenny dito dun ka nalang sa cr magparaos." simangot ko sa kanya.
" ehh."
" anong ehh manuod ka nalang ng mga porn mo sa computer iwas buntis less pagod pa.."
" ehh wag na nga natin pag-usapan yan nicko.. Hindi ako komportable." iwas niya ng tingin.. " barbeque yung binili namin miss na kasi natin to di ba."
" wow masarap yan ah."
" super tara kain na tayo." ngiti niya jonas susubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko sayo.. Susubukan ko.
SI JONAS
Nakahiga na kami ni nicko nun pero hindi parin ako dalawin ng antok nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang nag-iisip ng kung ano ano.. Haixt bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko jonas mali to maling mali.. Nung huminto yung tricycle na sinasakyan ni nicko kanina bubuksan ko palang yung pinto kasama si jenny nagsikip yung dibdib ko ng makita na may kasama sya kaya agad kong hinalikan si jenny pagpasok sa bahay saka dinala sa sofa. Haiixxxxtttttt iling ko lang saka naupo.
" bakit ba kasi ganito!" gigil na bulong ko napalingon lang ako kay nicko mahibing na tong natutulog. " nicko sorry." saad ko tinitigan ko lang yung mukha niya hanggang mapadako yung tingin ko sa labi niya.. No jonas no.. Pumikit lang ako saka dahan dahang nilapit yung mukha ko sa mukha niya..stop this jonas please.. Hanggang lumapat yung labi ko sa labi niya.
Salamat sa update. Sana mas madalas pa ang update. hehehe. Nkakaawa nmn c nicko. may gus2 din pla c jonas kay nicko. Mas mgaling lang magtago c jonas. can't wait sa next chapter.
ReplyDeleteyun may update na..
ReplyDeleteKelan kaya mag aaminan na tong dalawa.? Naiinip na ako. Lol. Thanks mr. Author. Ganda ng kwento. Pero masakit sa part ni nicko na makita si jonas na may ginagawang kakaiba. Haaist.
ReplyDeleteSa Wakas my update din... Paganda ng paganda ang story... Jonas in love ka din Kay nicko... Malamang magkagusto na din si nicko Kay mark
ReplyDeleteMark o jonas??? Jonas o mark???
ReplyDeleteWaaaahhh!!! Pareho naman silang bagay kay nicko... Kilig....
:))
---crayon
mark ako...
ReplyDeleteNicko-jonas pa din. Mas madami na silang pinagsamahan. ^_^ jonas, make a move na. Wag mo hayaang makuha ni mark c nicko.. Hahahaha. Pro feeling ko di pa kagad sasabihin ni jonas nararamdaman nia kay nicko. ^_^ next chapter please....
ReplyDeleteGaling mo mr. Author. Keep up the good work!
ReplyDeletebakit alam ni anthony na in love si nicko ky jonas, tapos hindi alam ni jonas? cguro, walang aamin sa kanila na in love sila sa isat isa. in the end they will only know it by their actions or by their words when something happens that would evoke their feelings unwittingly..
ReplyDeletegrey-
ako jonas...
ReplyDelete