Followers

Saturday, February 22, 2014

ROOFTOP 2: Art's Puppy Love



*** For my Tito Ninong Pete. RIP ***

CHAPTER TWO: ART’S PUPPY LOVE
BY: TIN FABIAN

Eric,
Thank you, dahil hindi mo ako iniwan sa mga araw na kailangan ko ng isang tunay na kaybigan, lagi kang nasa tabi ko para sabihin na ang mga hard times na nae-experience natin, kadalasan blessings in disguise. Tinuruan mo akong i-let go at harapin ng taas noo ang lahat ng mga takot, insecurieties at uncertenties ng buhay at hayaang patatagin ako nito. Na things will unquestionably change na hindi ko ito habang buhay na mararamdaman.
Eric sayo ko natagpuan ang matagal ko nang hinahanap, ang pagmamahal na matagal kong pinangarap simula pagkabata.
Art


Eric, ang lugar kung saan ako lumaki ay bayan na napapaligiran ng mga bundok at puno, hindi siya malaki hindi din siya maliit. Bunso ako sa apat na magkakapatid na pinalaki ng mga magulang na hindi mayaman at hindi din naman mahirap, isang tipikal na middle class family.

Art Dizon

March 1986 isang buwan matapos na ma-inagurate si Cory Aquino bilang bagong Presidente ng Pilipinas dahil sa tagumpay na nakamit ng kauna-unahang Edsa People Power Revolution, nagsimulang magbago ang pamumuhay ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa, kabilang na dito ang Bicol at ang maliit naming bayan, pero kasabay nito, sa mura kong edad, hindi ko inakalang magbabago din ang buhay ko at pananaw dito.
Bunso ako sa apat na magkakapatid, nagiisang lalaki kaya naman tuwang tuwa ang aking mga magulang at kapatid nang ako’y isinilang. Ako ang naging favorite sa bahay, kadalasang pinagpapasa-pasahan at pinagaagawan ng lahat, si Papa madalas sinasama ako sa favorite niyang past time, ang pagsasabong.
“Pete! Abay, iyan naba ang bunso mong anak?” salubong ng kumpare ni Papa habang papasok kami ng Arena kung saan nagaganap ang sabong, may katabaan ito at sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad ni Papa.
“Oo, Pareng Eduardo!” sagot naman ni Papa habang hinihimas himas ang dala-dala niyang panabong na manok. Ako naman ay nakahawak sa kayang T-shirt, nahihiya at walang imik.
“Napaka gwapong bata, paglaki niyan siguradong chick boy!”
“Oo naman Pare, maraming papaluhaing chicks to parang yung panganay mong anak! Kamusta nga pala siya,  si Jerry?”
“Si Jerry ba kamo, eh, dito siya magbabakasyon ngayon buwan, pinapauwi na nga namin yung bata nung nagsimulang magkagulo sa Manila dahil sa People Power, pero napaka kulit, sumama pa at ipinagpaliban ang pag-uwi dito sa’tin!” natatawa nitong sagot kay Papa habang kamot kamot ang ulo.
“Mabuti at makakauwi na si Jerry, mahirap ding magpaaral ng anak sa Manila ano Pare!?”
“Sinabi mo pa, mabuti nga’t sinuwerte ako dyan kay Jerry at hindi nagloloko, isang taon nalang at magtatapos na iyon ng kursong Arkitektura!” Pagmamayabang nito kay Papa.
 “Mabuti Pare! Eto naman si Art, napakataas din ng pangarap ko dito, balang araw magiging Engineer ito!”
“Kaya dapat mag-aral ng mabuti, ano Art?” nakangiting baling na tanong nito sakin. “Oo nga pala kumpare, sakto kasing kaarawan ni Jerry yung araw ng pag-uwi niya dito sa ating bayan, me konting salo-salo sa hapunan, sana makapunta kayo ni kumareng Lilian at mga bata.” Baling naman nito kay Papa.
“Abay sige kumpare, asahan mo kami.” Sagot naman ni Papa sa imbitasyon ni Mang Eddie.
Si Mama naman madalas sa mga birthday ng mga anak ng kanyang mga kumare ako sinasama.
“Lilian! Abay, iyan naba ang bunso mong anak?” Salubong ng isang kumare ni Mama habang papasok kami ng gate ng bahay nila Mrs. Velderama, birthday kasi ng nagiisang anak nila na si Mark Lenin.
“Oo Mareng Carla!” Nakangiting sagot naman ni Mama.
“Napaka-gwapong bata, sana lang wag tularan etong pamangkin kong si Jerry sa pagiging chickboy!” sabay kurot saking mga pisngi.
“Oo naman Mare, hindi yan magpapaiyak ng mga babae, syempre lahat ata ng kapatid nya babae kaya dapat kung ano ang paggalang sa mga ate dapat ganun din sa lahat ng mga babae, diba anak?” sabay baling sakin ni Mama.
Pero dahil sa likas na mahiyain ako, tumango lang ako sa tanong nilang dalawa.
Si Ate Apple naman, madalas sinasama ako sa mga date niya, hindi sa pagmamayabang pero si Ate Apple ang pinaka-maganda sa bayan namin, pano ko nalaman? Kasi pila-pila ang mga nanliligaw sa kanya.
“Me pasalubong ako sa napaka-cute kong kapatid!” salubong ni Ate Apple pagpasok ng bahay.
Dali-dali naman akong sumalubong dito kasi alam ko kung ano iyon.
“Yehey! Funny Komiks! Salamat Ate!” sabay yakap dito sa sobrang kasiyahan.
Hindi katulad ng mga ordinaryong bata na ka-edad ko na mas gugustuhing maglaro sa daan ng patintero o kaya naman langit lupa, ako naman ay mas gugustuhin ko pang mag stay sa bahay habang ginagawa ang mga bagay na gusto ko.
Maliban sa panonood ng mga cartoons dati sa TV katulad ng Daimos o kaya’y pakikipaglaro kay Kuya Bodgie ng Batibot, kahit sa telebisyon lang,  ang gustong gusto kong gawin ay magbasa ng mga komiks lalo na kung ang binabasa ko ay Funny Komiks, dahil hindi naman uso sa amin ang mga mamahalin at banyagang comics tulad ng Marvel at DC comics, nakuntento na ako dito. Ito din ang naging inspirasyon ko sa pag do-drawing, kadalasan ginuguhit ko ang mga character dito minsan umaabot pa ako sa point na gumagawa ako ng sariling kwento base sa mga ito.
Natatandaan ko pa nga na madalas gumagawa ako ng sariling comics sa intermediate pad na sampaguita brand at pag natapos ko, isa isa kong pinapabasa sa aking mga classmates, tuwang tuwa ako dahil sa mga positive feedback nila, nakakatuwa din na merong mga sumusubaybay.
“Pero syempre, tutulungan mo ulit si ate diba” lambing ni Ate Apple sa akin matapos ibigay ang pasalubong niyang komiks.
“Oo naman Ate, sino ba ngayon yung manliligaw sayo?”
“Si Kuya Ohmel mo!” kinikilig na sinabi ni Ate sakin.
“Bakit kasi hindi pa si Kuya Ohmel ang sagutin mo Ate, siya kasi yung pinaka favorite kong manliligaw mo.”
“Aruuu, kung alam ko lang, lagi ka kasing sinusuhulan ng adong (Local version na chocolate) ni Kuya Ohmel mo kaya favorite mo siya” niyakap ako nito habang nagsasalita. “Pero ang totoo bunso, gusto ko kasi ng isang lalaki na katulad ni Papa” duktong niya.
“Eh tatandang dalaga ka na niyan ate kung maghahanap ka ng katulad ni Papa!” biro ko kay Ate habang abala parin na binubuklat ang mga pahina ng Funny Komiks.
Sa totoo lang kahit hindi man ako bigyan ng suhol nitong si Kuya Ohmel ay botong boto parin naman ako sa kanya, masipag, maalalahanin, may itchura at higit sa lahat responsable, lagi lang idinadahilan ni Ate na gusto niya yung katulad ni Papa pero ang totoo kahit nasa tamang edad na siya para bumukod at mag-asawa, hindi niya ito magawa dahil saming pamilya.
Si Ate Potchie naman ang madalas kong kalaro, siguro dahil narin sa magkasunod kaming ipinanganak at limang taon lang ang agwat sa isa’t isa, naging magkasundo kami sa lahat ng bagay, pero simula nang tumungtong siya ng High School ay nagsimulang magbago ang mga hilig ni Ate Potchie, mula sa paglalaro ng piko, luksong baka at bahay bahayan nagsimula siyang mahilig sa mga magazine na punong puno ng mga nag-gwa-gwapuhang mga artista at modelo, naging fan din siya ng isang sikat na banyagang banda na ang tawag ay Menudo, halos mapuno nga ang kanilang kwarto ng mga posters nito.
“Hayyy, kailan kaya ako makaka-kita ng boyfriend na kamukha ni Ricky Martin!” kinikilig na sinabi ni Ate Potchie habang abala nito binubuklat ang bagong biling local showbiz magazine.
“Ate, sino siya?” aayain ko sana siyang maglaro pero na quirious narin ako sa kanyang binabasa kaya sumalampak narin ako sa kanyang kama at tinignan ang magazine.
Tinuro ni Ate Potchi ang litrato ng isang batang lalaki, siguro kasing edad niya pero makikitang me ibang lahi ito, isang banyaga. “Siya” turo nito sa larawan. “Diba napaka-gwapong lalaki” dagdag pa nito.
Ako naman, dahil sa alam ko narin naman ang naging pamantayan ni ate kung anong gwapo o magandang lalaki, tumango tango ako. Bata palang ako nun pero parang me kakaiba akong naramdaman habang tinitignan ang mga larawan ni Ricky Martin sa magazine, parang excitement at kirot sa dibdib, pero binalewala ko ito, inisip ko lang na ordinaryo lang ang nararamdaman ko, pero ang hindi ko alam nung mga panahong iyon, nag-sisimula na akong ma-attract sa kapwa lalaki.
Si Ate Bon naman madalas kong nakakasama sa panonood ng Sine sa bayan, mahilig siyang manood ng mga pelikula lalo na ang mga local films. Isa na dito ang Bagets na totoo namang sikat na sikat sa mga kabataan noon, kahit na mahigit dalawang  taon na pagkatapos nitong unang ipalabas. Naaalala ko pa noong pagkatapos naming panoorin ang pelikula pagkalabas na pagkalabas namin ng sinehan agad na nahumaling si Ate Bon sa cast nito, halos lahat ng mga magazines na merong mga article at pictures ng Bagets binibili niya.
Naaalala ko pa noong lumabas ang Bagets 2 ilang buwan lang pagkatapos ng unang pelikula.
“Ate Bon! Ate Bon!” excited kong taway kay Ate habang abala ito sa pagsusupot ng mga asukal na isa sa mga paninda namin.
“O bakit, Art?” nagtatakang tanong nito sakin.
“Ate, nabalitaan mo na ba?” pigil kong pagsasalita, gusto ko kasing i-suprice si Ate kung hindi pa niya alam ang balita.
“Ang alin, sabihin mo na kasi” tila naeexcite nitong sabi.
“Me Bagets 2 na ate!”
“Talaga?!” Naeexcite nitong binuksan ang TV, siguro umaasa siya na baka me balita kung ano ang details at kailan ipapalabas ang naturang pelikula. “Alam mo na ang gagawin natin Art.... tipid movement!” dagdag pa nito.
Di kasi katulad dati, allowed pa ang mga bata sa sinehan kahit walang kasamang matatanda at dahil ayaw ng halos lahat sa pamilya namin ang nanonood ng sine, kadalasan kami lang ni Ate Bon ang nanonood, at hindi namin hinihingi sa mga magulang namin ang pangbayad dito, pinagiipunan namin, tinitipid namin ang mga baon makapanood lang ng sine.
Bukod sa pamilya ko, wala na akong naging regular na kasama, me mga mangilan-ngilan na kalaro pero hindi kasi ako ganon ka-active noong bata ako kaya hindi ko din masasabing kaybigan ko ang mga ito. Loner ako in short, aral at bahay lang pag pasukan, kung bakasyon naman nagkukulong ako sa aking kwarto para mag drawing. Kaya naman madalas akong ma-bully dati ng mga classmates at kalaro ko.
Hindi katulad ng ibang mga kasing edad ko na binubully, ako palaban, pero kadalasan ako ang natatalo. Umuuwi akong madumi ang uniporme at puno ng putik, minsan sabog ang labi o kaya naman duguan ang ilong. Kahit na kadalasan ako ang laging talo sa mga away, lagi kong sinisigurado na maipagtatanggol ko ang aking sarili pag me nang-bu-bully sakin. Naging  routine na sakin yon pag pumapasok ng iskwela, akala ko laging ganon nalang, hanggang sa makilala ko si Mark Lenin.
Grade 3 ako noon nang unang ipakilala sa class namin si Mark Lenin, kalagitnaan na ng school year kaya naman nagulat kami ng merong additional na studyante sa klase namin.
“Dios marhay na aga Class (Good Morning Class), bago tayo magsimula, nais kong ipakilala ang bago nyong classmate” pagbati ni Mrs. Ante pagkatapos naming manalangin. “Tara dito Mark Lenin” dagdag pa niya.
Bumaling lahat ng ulo namin kung saang direksyon nakatingin si Mrs. Ante. Mula sa pintuan ng classroom na katapat lang ng teacher’s table lumabas ang isang lalaki. Nakayuko itong lumapit kay Mrs. Ante, pilit kong minumukaan ito pero hindi ko magawa dahil sa mahaba nitong buhok na two side, na halos matakpan na ang mga mata nito, kaya hindi kataka-takang una kong napansin ang matangos nitong ilong. Una kong naisip na hindi ito tiga sa’min, maputi at medyo me katangkaran sa edad nito.
Nakayuko parin ito habang ipinapakilala siya ni Mrs. Ante.
“Class, meet Mark Lenin Valderama, transferee galing Manila, alam nyo naman kung gano kagulo ngayon sa siyudad kaya napilitan ang pamilya ni Mark Lenin na dito nalang manirahan sa bayan natin, ang mga magulang niya ay doktor, si Mr. Manuel Valderama, ama ni Mark Lenin, ay nagmula din sa bayan natin, kaya tulad nyo nakakaintindi din si Mark Lenin ng lengwahe dito, pero hindi siya ganoon kabihasa kaya umaasa akong tutulungan nyo siya.”
Pinaupo si Mark Lenin malapit sa upuaan ko, nasa unahan ko siya kaya hindi ko parin makita ng buo ang kanyang mukha.
Matapos ang klase, katulad ng nakagawian ko, naglakad ako pauwi ng bahay, meron layong tatlumpung minuto mula school hanggang sa bahay namin, pero dahil sa kagustuhang makatipid nilalakad ko nalang ito.
Pero hindi paman ako nakakalayo ng school, pagsapit ko sa parte ng daan kung saan ginagawa ito, biglang may humawak sa balikat ko. Nagulat ako kasi walang tao sa paligid, malimit din ang mga sasakyan na dumadaan.
Laking gulat ko ng makita kung sino ang umakbay sakin, si Anton, a number one bully sa buhay ko, classmate ko siya, kalbo, mataba, maputi at singkit ang mga mata, kasama niya ay ang iba pa naming classmates na lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.
 “Ano, Art bayong (supot), itutuloy naba natin ang suntukan naudlot kanina? kung hindi lang dumating si Mrs. Ante kumain ka na ng lupa” biglan higpit ng kapit ng kamay nito saking balikat.
Tinapik ko ang kamay nito paalis ng aking balikat, dumistansya ng konti at sinabing “Bayong ka din! Akala mo kung sino kang makapanukso ng bayong eh bayong ka din!” kinakabahan kong ganti dito.
Nagtawanan ang mga kasamang lalaki ni Anton.
“Bakit kayo tumatawa!?” asar na bulyaw nito sa mga kasama. “Kinakampihan nyo ba’tong baklang to?!” dagdag pa nito, na ikinainit naman ng ulo ko.
Agad akong bumwelo at sinuntok ito ng kaliwa kong kamay, ramdam ko ang impact ng kamao ko sa panga nito at tila parang nabali ang mga buto ko dahil dito. Kahit na namamalipit ako sa sakit nakita kong tumumba si Anton sa lupa, sa unang pagkakataon napatumba ko siya.
Pero hindi paman ako nakakapag enjoy sa pagkapanalo biglang naramdaman ko na me sumuntok sa sikmura ko dahilan para tumumba din ako sa lupa, naramdaman ko nalang ng maraming paa na ang tumatadyak sakin.
Dahil ayokong magpatalo binalak kong tumakas nalang, dehado ako, isa laban sa apat. Nagawa kong makatayo para tumakbo pero wala pamang limang hakbang naramdaman kong pabagsak ang katawan ko sa isang butas na ginawa sa tabi ng daan.
Nalaglag ako sa ginagawang manhole, nakita ko nalang ang sarili na nasa ilalim ng nito at sina Anton naman ay nasa taas at pilit akong sinisilip sa kinalalagyan kong butas.
“Mabuti nga sayo!” si Anton
“Anton, tara na!” aya ng isa niyang kaybigan.
“Hindi ba natin tutulungang makalabas si Art?” nakokonsensya namang tanong ng isa pang kaybigan ni Anton.
“Hindi, bagay yan sa mga bading na katulad nya!” tumatawang sinabi ni Anton.
Narinig ko pang tumatawa si Anton hanggang sa unti unti itong humina, alam ko iniwan na nila ako. Dahan dahan akong tumayo at pinagpag ang damit sa mga dumi ng lupa’t alikabok na kumapit sakin, mabuti nalang walang tubig ang manhole pero nakakatakot ito at madilim. Doon ako nagpanic kasi alam ko mag-gagabi na at baka pag inabutan ako dito wala na akong makita, at lumabas ang white lady na sinasabi ng mga classmate ko na gumagala sa paligid ng school kapag gabi. Pero gustuhin ko mang makalabas, sadyang mataas ang manhole.
Dahil sa kaba hindi ko na napigilang umiyak habang binabanggit ang mga katagang “Tulong! Huhuhuhu Tulong!”
Hanggang sa isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa itaas ng manhole.
“Sino yan? Nasan ka?” sabi ng isang pamilyar na boses. Alam kong narinig ko na ito pero hindi ako sigurado kung sino.
“Nandito ako!” sigaw ko na tila nabuhayan ng loob.
“Saan?” tanong nito.
“Dito! Dito! Dito!” sunod sunod kong pasigaw na sinabi para matunton ako nito.
Isang batang lalaki ang dumungaw sa manhole kung saan naroroon ako. Pamilyar ito pero hindi ko maaninagan ang mukha dahil sa againts the light ito sa araw na kasalukuyang papalubog.
Dumungaw ito sa manhole na halos ipasok na ang kalahating katawan dito at sumigaw ng,
“Sandali, hihingi ako ng tulong sa school! Sanda.....” pero hindi nya na natapos ito dahil dumulas ang kamay niya mula sa pagkakawak sa gilid ng manhole at tuluyan iyong nalaglag sa loob.
Mabuti nalang at hindi grabe ang pagkakabagsak nito.
“Okay ka lang?” nagaalalang tanong ko dito.
“Okay lang” sagot nito habang pinapagpag ang sarili, nakatalikod ito kaya hindi ko maaninag ang mukha.
“Pasensya na pati ikaw nadamay, sino ka? Classmate ba kita? Kilala ba kita?” sunod sunod kong pagtatanong dito.
“Wag kang maalala sakin classmate...”
Laking gulat ko ng humarap ito sakin, matangkad, maputi kahit na puro dumi’t lupa ang mukha at katawan, two side ang buhok, matangos ang ilong, si Mark Lenin.
“Mark... Mark Lenin, anong ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong dito, hindi kasi ako makapaniwala na sa lahat ng taong makakakita sakin sa manhole, siya pa.
“Tinitignan ko kasi ang paligid ng school habang hinihintay sina Mommy, napadaan ako dito ng marinig kita....”
Hindi ko na nagawang sumagot pa, napansin ko kasing wala ang araw, kahit na kasama ko pa si Mark Lenin ng mga sandaling iyon hindi ko na napigilang umiyak muli, ngayon may kasama ng hikbi.
“Ano ka ba, wag kang mag alala, dalawa naman tayo dito, saka isa pa pag napansin nilang wala tayo hahanapin tayo ng mga magulang natin” pagpapatahan nito sakin, pero halata ko rin ang takot at pagaalala sa pagsasalita nito na sobra ko namang ikinakaba, kaya imbes na tumahan ako, mas lalo pa akong umiyak.
Di ko na namalayan ang oras, pareho na kaming nakaupo ni Mark Lenin sa maruming manhole, napagod narin ako sa kakaiyak, nagulat nalang ako ng makitang nakatitig na sakin si Mark Lenin, kahit madalim naaaninag ko ang kanyang mukha dahil sa liwanag ng buwan na tumatagas sa taas ng manhole. Noon ko lang napagmasdan sa unang pagkakataon ang mukha niya, maamo at expressive na mga mata, matangos na ilong, mapuputi ang mga ngipin halatang alagang alaga ito.
“Okay ka na?” sabay pat ng kanyang mga kamay sa likod ko, na tila ba sinasabi niyang hindi magtatagal at makikita din kami.
Napansin kong may suot tong relo kaya naman hindi na ako nag-alangan na tanungin ito.
“Alam mo ba kung anong oras na?”
Tinignan niya ang kanyang relo, tinitigan niya ito, maya maya pa ay inalog-alog saka tinapat ang relo sa kanyang tenga.
“Sorry, nasira ang relo ko sa pagbagsak ko...” malungkot nitong tugon ng makasiguradong sira nga ito.
“Baka kasi nagaalala na mga magulang natin”
“Classmate kita diba, ikaw yung nasa likuran ko?” tanong nito, na halatang gumagawa ng mapaguusapan dahil kahit siya ay natatakot sa sitwasyon namin.
“Oo, classmate tayo at ako yung nasa likuran mo” pilit na ngiti kong sagot dito.
“Anong pangalan mo?”
“Art.... Art Dizon”
“Art, Mark Lenin” sabay abot ng kanyang kamay sakin para makipag shake hands.
“Kinagagalak kitang makilala” ganti ko naman.
“Kanina sa school napansin ko na wala kang masyadong kaybigan sa klase natin, parang lagi kang mag isa, kahit pag recess time naiiwan ka sa table mo”nagaalangang tanong nito sakin.
“Ah, yun ba, mas gusto ko kasing nag dadrawing pag break kesa nakikipaglaro” palusot ko kay Mark Lenin, pero ang totoo gustong gusto ko din pero wala naman kasing nag-aaya sakin kaya nakundisyon na ang utak ko na mas pipiliin ko pang mag isa at gawin yung mga bagay na gusto ko.
“Talaga!” parang nagliwanag na tugon nito. “Wow! Talented ka pala! Ako gusto kong mag drawing pero hindi ko kaya hanggang stickman lang ako, turuan mo naman ako minsan!”
Parang nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Mark Lenin nang mga sandaling iyon, parang naging excited ako na matagpuan at makalabas kami sa manhole, na sa wakas parang me interesadong makipagkaybigan sakin.
“Sige ba!” excited na tugon ko dito.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal ni Mark Lenin sa manhole, magdamag puro drawing, cartoons at movies ang pinagusapan namin, kinuwento niya rin ang buhay nila sa manila kung gano niya na mimiss ang mga kalaro niya doon at kung gano kahirap mag adjust sa bagong tirahan niya.
May liwanag nang matagpuan kami ng mga gumagawa ng daan, dinala nila kami sa school kung saan nandoon ang aming mga magulan na magdamag na naghahanap samin, na sobrang nagalala. Doon ko din unang nakilala ang mga magulang ni Mark Lenin na sina Mr and Mrs. Valderama. Humahagulgol na sinalubong ako ni Mama, kasama sina Papa at mga Ate ko, sabay sabay silang nagsasalita kaya kahit ako wala ng maintindihan.
Si Mark Lenin naman ay sinalubong ng kanyang mga magulang, habang abalang pinagsasabihan ako ng mga magulang at ate ko na hindi ko naman naiintindihan ay nakita ko pang pumasok si Mark Lenin sa sasakyan nila pero bago ito umalis dumungaw ito sa bintana para kumaway sakin, gumati din ako ng kaway.
Mula nang mangyari ang pagkaka-stuck namin sa manhole naging mas close kami ni Mark Lenin, dahil sa transfer student ito, galing siyudad, cute at mayaman pa, ay naging sikat siya hindi lang sa klase kung di sa buong school namin pero sa kabila nito, ako ang sinasamahan niya.
Kasabay ng pagiging magkaybigan namin ni Mark Lenin ay ang pansamantalang patigil ng pangbubully sakin dahil kadalasan pag may kaylangan ang mga classmates namin sa kanya, ako ang nagiging tulay. Tulad ng kapag mga classmates kong babae ang mga lumalapit sakin alam ko na na love letter or pagkain yon para kay Mark Lenin. Kapag mga classmates ko namang lalaki alam ko na na nahihiya silang directly na lumapit kay Mark Lenin para humingi ng tulong sa projects o kaya naman sa pagpapasagot ng mga crush nila.
Hanggang mag Grade 5 kami ay nanatiling magkaybigan at mag classmates kami, akala ko noong mga panahong iyon, magiging close pa kami sa isa’t isa na habang buhay na sa pamilya at sa kanya lang iikot ang buhay ko.
Pero ang hindi ko alam, sa mga panahon nayon na una kong ma me-meet ang magpapatibok ng bata ko pang puso.
“Art!” tawag sakin ni Jam na isa sa mga classmate kong babae habang abala ako ng binubura ang blackboard.
“O, Jam, bakit?”
“Dumating kasi ang Kuya Jerry ko galing manila, me mga pasalubong siya sakin.” Sabay abot sakin ng isang supot kung saan naroroon ang iba’t ibang claseng mga chocolates.
“Sige, ako ng bahala dito, ibibigay ko mamaya kay Mark Lenin” walang reaksiyon kong tugon kay Jubail. Nasanay na kasi ako na pag may lumalapit sakin expected ko na para kay Mark Lenin ito.
“Hi-hindi, para sayo yan” nakayuko at nahihiyang sinabi nito.
“Ha?” hindi ko alam kung pano susundan ng sagot ang mga sinabi ni Jam, nagulat ako kasi eto ang unang beses na me lumapit saking babae na binigyan ako ng chocolates.
“Pinapasabi nga pala ni Ama na sa bahay nalang daw kayo maghapunan mamaya, nasakto din kasi sa kaarawan ni kuya kaya me konting salo salo.” Nakayuko parin nitong pagsasalita.
“Sige, sasabihin ko kay Papa pagkauwi, salamat sa chocolates”
“Walang ano man.” Sabay alis nito.
Itutuloy ko na sana ang pagbura ng chalk sa blackboard ng sakto namang pagdating ni Mark Lenin.
“Art! Ano tuloy tayo mamayang uwian, sabay tayong gumawa ng project natin sa science” bati nito sakin.
“Mark Lenin, pasensya na, me pinapasabi kasi si Mang Eduardo kay Papa baka doon narin kami maghapunan”
“Ah, ganon ba, nagpahanda paman ako kay Mommy ng makakain natin habang gumagawa” nanghihinayan nitong sagot sakin.
“Sa Sabado nalang, tutal lunes pa naman ang pasahan natin, pasensya na talaga”
“Sige, ayos lang”
Matapos ang klase dumeretcho ako sa bahay namin para sabihin kay Papa ang pinapasabi ng ama ni Jam na si Mang Eduardo.
“Eh, nakapagluto na kasi ako ng hapunan natin ngayon Pete” si Mama habang abala ito na naghuhugas ng mga pinaglutuan niya.
“Nakakahiya naman Lilian kay Pareng Eduardo kasi naka oo na ako sa kanya, noong isang araw pa kasi niya ako inimbitahan” si Papa
“Bakit kasi hindi mo sinabi samin ng mga anak mo ng mas maaga”
“Alam mo namang ulyanin ako, sige ako nalang ang pupunta, nakakahiya kasi, isasama ko narin si Art”
“Pa, ayokong sumama dito nalang ako sa bahay!” sabat ko naman, medyo tinatamad narin kasi akong lumabas ng bahay.
“Naku Art, samahan mo na Papa mo baka hindi na naman mapigilan yan sa pag-inom ng alak, bantayan mo.” Saway naman ni Mama sakin.
Wala akong nagawa, sinamahan ko si Papa sa bahay nila Mang Eduardo noong gabing iyon, malaki ang bahay nila kumpara samin, sabagay me businesses kasi ang mga Duran sa bayan namin, para ngang lahat ng klaseng pagkakabuhayan meron sila, katayan, pagkain at pataba sa lupa, ilan lang ito sa napakaraming pinagkakakitaan nila.
Sa gate palang sinalubong na kami ng asawa nito, si Mrs. Carla Duran, bata pa ang itchura nito, bilugan ang mukha, matangos ang ilong, mahaba at kulot ang mga buhok nito, maganda ngingiti tila ba napakabait na tao.
“Kumpareng Pete, mabuti at nakapunta kayo!” nakangiting salubong samin nito. “Nasan sina Lilian at mga anak mong babae?” tanong nito ng mapansin na kaming dalawa lang ng Papa ko.
“Ayon eh nakapaghanda na ng hapunan kaya kami nalang ang pumunta.”
“Sayang naman pero tayo na sa loob”
Matalik na magkumpare sina Papa at Mang Eduardo pero ngayon lang ako nakapasok sa bahay nila, maganda ito at malinis, isa pa sa kinamangha ko sa bahay ng mga Duran ay ang pagkakaroon nito ng pangalawang palapag, matatanaw mo ito mula sa kinatatayuan naming sala at ang nagduduktong nito ay isang malaking hagdan.
“Mabuti nakapunta ka, Art” sabi ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Humarap ako para lingunin ito.
“Jam!”
“Magandang gabi po Tito Pete.” Bati ni Jam kay Papa.
“Magandang gabi din Jam” sagot naman ni Papa dito. “Napakagandang bata ng anak mo Carla” baling naman ni Papa kay Mrs. Duran.
“Salamat kumpare, tara mauna na tayo sa hapag kainan, nasa taas pa ang mag ama, sasabayan nila tayo maya-maya” habang inaalalayan kami papuntang dinning area.
Laking gulat ko ng makapasok kami sa dining area ng makitang me mga taong naghihitay at nakaupo na sa mahabang hapag kainan ng mga Duran, ang mga Valderama.
“Kumpare, siguro naman kilala mo naman na ang mga Valderama.” Intro ni Mrs. Ante.
“Oo naman kumare, laging kasama ni Art yung anak nilang si Mark Lenin” at nagtungo si Papa sa pwesto kung nasan ang mga Valderama.
“Doc. Manuel, Doc. Ludy, Manuel Jr, magandang gabi sa inyo” bati ni Papa sa mga Valderama.
“Good Evening Pete, but where’s Lilian and your daughters?” sagot ni Mr. Valderama habang ginagala nito ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling kasama namin sina Mama.
“Ayun Doc, nakapaghanda na kasi ng hapunan, sayang naman daw kaya kami nalang ang pinapunta.”
Lumapit ako kay Mark Lenin, nagulat kasi ako na nandun sila.
“Oy! Ba’t nandito ka, akala ko ba gagawa ka ng science project?”
“Nagulat din ako pag uwi ko ng bahay sinabi ni Mama na sa labas kami kakain, hindi ko alam na kila Jam pala kami pupunta.”
Pero agad na naputol ang aming usapan ng biglang napalingon ang lahat sa dalawang tao na pumasok sa dinning area, nauna dito ang isang pamilyar na mukha, si Mang Eduardo, sinusundan naman ito ng isang lalaki, nakasuot ito ng puting polo shirt, tack-in, naka slocks matching with black leather shoes, halatang kagagaling lang nito sa byahe dahil sa postura. Matangkad ito at medyo may kaputian kumpara sa mga taong nasa loob ng bahay ng mga panahong iyon. Mapayat pero hindi naman siya yung tipong buto’t balat, sakto lang. Two-side ang buhok, bahagya itong kumaway at ngumiti sa direksyon namin ng mapansin na nakatingin kaming lahat sa kanila. Fainth smile pero makikita mo na me dimple ito.
Naalala kong bigla si Ate Potchie, siguro kung nandito lang siya ngayon, hihimatayin ito sa kung gano ka kisig ang lalaking pumasok sa dinning area ng mga Duran.
Habang tinitignan ang papalapit na lalaki, naramdaman ko na naman ang excitement at kirot sa dibdib na ang tanging nakakagawa lang sakin nito ay ang mga larawan sa magazines ni Ate Potchie. Naramdaman kong uminit ang dalawa kong tenga habang tinitignan siya, sinubukan kong ialis ang titig dito pero hindi ko magawa, namalayan ko nalang ang sarili na nagpang-abot ang aming mga mata.
Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko dali dali akong yumuko at nang makasiguradong baka inalis niya na ang titig sa direksyon ko agad ko siyang tinignan muli, pero laking gulat ko ng nakatitig parin ito at sinabayan ng kindat.
Bigla akong napatingin sa direksyon kung nasan si Mark Lenin.
“Art, okey ka lang? namumula ka.” Nagaalalang tanong sakin ni Mark Lenin.
“Ah.... eh.... okay lang ako.” Nauutal ko namang sagot dito.
Maya-maya pa ay ipinakilala na samin ni Mang Eduardo ang kasama niyang lalaki.
“Mga kumpadre, kumare ang anak kong panganay si Jerry.” 
Agad na lumapit sa kanya ang aming mga magulang para batiin ito.
“Welcome back to our provice and happy birthday Jerry.” naunang bati ni Doc. Manuel.
“Thank you Tito!” sagot nito habang kinakamayan si Doc.
“Oh! What a lovely boy!” si Doc. Ludy sinabayan niya ito ng paghalik sa magkabilang pisngi ni Kuya Jerry. “Napakagwapong bata, artistahin!” dagdag pa ni Doc.
“Thank you Tita” nahihiyang tugon nito.
“Tignan mo nga, Jerry Boy!” salubong naman ni Papa. “Huli tayong nagkita hindi ka pa bayong.” Dagdag pang biro ni Papa habang nakaakbay ito kay Kuya Jerry.
“Ninong! Hindi naman, last year lang nagkita tayo hahaha” dahil sa kaputian nito, halatang namula siya sa sinabi ni Papa.
“Ganon ba inaanak, pag-pasensyahan mo na si Ninong tumatanda na.” Palusot naman ni Papa.
 “Eto na ba si Art, Ninong?” sabay tingin kung saan kami nakatayo ni Mark Lenin.
“Oo, Jerry Boy”
“Wow, ang laki mo na ah!”
Sa totoo lang noon ko lang din nakita si Kuya Jerry at nalaman na kinakapatid ko siya, siguro dahil narin hindi ako labas ng labas sa bahay, meron mang mga pagkakataon na makihalubilo ako sa mga tao meron naman akong sariling mundo, in short di ko napapansin ang mga ito.
Nagulat nalang ako ng makita si Kuya Jerry sa harapan ko, bahagya itong lumuhod para makita ako ng eye level, ipinatong niya ang kamay sa ulo ko para guluhin ang buhok ko.
“Kayan naman pala crush na crush ni Jamaila itong si Art, napaka-cute!” nangaasar na sabi nito habang tinitignan si Jam na katabi ko lang.
“KUYAAA!” namumulang sigaw ni Jam habang ilang na tumitingin saming dalawa.
“Relaks lang bunso, wag kang pikon!” tumayo ito mula sa pagkakaluhod.
“Ina, Ama O! Tignan mo si Kuya inaasar na naman ako!” sumbong ni Jam sa kanyang mga magulang na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
“Oy Jerry! Umayos ka!” saway ni Mang Eduardo.
“Ama, na miss ko lang po itong si Bunso natin.” Palusot naman ni Kuya Jerry.
“Sya, tara na’t kumain, kanina pa nagugutom ang mga bisita natin.” Putol naman ni Mrs. Duran sa usapan ng mag-aama.
Pagkatapos naming kantahan ng Happy Birthday si Kuya Jerry sama sama naming pinagsaluhan ang napakaraming handa, bukod sa mga pansit at spagetti na sobrang favorite ko, me suman din, at hindi nawawala ang pinangat.

Habang abala kaming kumakain, kapansin-pansing walang kaimik-imik si Mark Lenin habang si Jam naman ay patuloy sa pagkukwento ng mga favorite niyang palabas sa telebisyon sakin.
Buong oras na nagsasalo salo kami, ang mga matatanda ay abalang iniinterview si Kuya Jerry tungkol sa mga balak nito sa pagtatapos ng College.
“Aba’y kailangan na ni Jerry na mag-asawa!” natatawang biro ni Papa dito.
“Kumpadre, bata pa itong si Jerry.” Depensa naman ni Mrs. Duran.
“Saka Ninong, mag boboard exam pa ako after, kaya wala pa sa isip ko yan!” sagot naman ni Kuya Jerry.
“Totoo ba iyan inaanak o hirap ka lang pumili sa dami na nakapila sa iyo? Hahahaha” dagdag pa ni Papa.
“Kumpare, hindi pa siguro nakakalimutan si Edna!” biro namang singit ni Mang Eduardo.
“Aba’y oo nga ano, eh nung mga bata iyan halos hindi mapaghiwalay ang dalawa.” Si Papa
Isang akward na katahimikan ang bumalot ng hindi makapagsalita si Kuya Jerry sa biruan ng mga matatanda, halatang naiilang ito sa topic na binuksan ni Mang Eduardo.
Nakahalata siguro si Mrs. Valderama. “Let’s toast for the birthday celebrant!” at inangat nito ang kanyang baso na sinundan naman ng iba pa.
Matapos ang kainan nagpasyang mauuna na ang mga Valderama kasama si Mark Lenin, marami pa daw silang gagawin kinabukasan, hinatid ko sila hanggang gate.
“Manuel Jr. Mauuna na kami sa sasakyan, magpaalam ka na sa kaybigan mo” si Mrs. Valderama
Tahimik parin si Mark Lenin kahit na kaming dalawa nalang ang naroroon.
“Kanina ka pa tahimik me problema ba?” nag-aalala kong tanong dito.
“Wala” matipid nitong tugon.
“Sige, ingat sa pag-uwi, si Papa kasi gusto pang makipaginuman kay Mang Eduardo kaya mukhang magtatagal pa kami dito.”
“Pansin ko nga, sige enjoy!” padabog na sinabi nito sabay alis.
Dahil sa wala akong idea kung bakit nagbago ang mood ni Mark Lenin pinagwalang-bahala ko nalang ito. Muli akong pumasok sa loob ng bahay nakita kong abala sina Papa na nagiinuman kasama si Mang Eduardo, sina Jam naman at kanyang ina ay abala sa pagliligpit ng mga pinagkainan, dahil wala akong magawa kaya sinubukan kong maglakad-lakad na buong bahay, hanggang sa makarating ako ng 2nd floor dito nakita ko ang tatlong kwarto isa dito ay naiwan nakabukas, bababa na sana ako ng mahagip ng mata ko ang mga laruan na nasa loob ng kwarto nito. Dahil narin sa pagkabata kaya naisipan kong pumasok para tignan ang mga laruan, habang papasok dito napansin ko na may naliligo sa CR ng kwarto, dinig ang shower na tumutulo pero hindi na ako nagabala pa para alamin kung sino ito dahil sa excitement na makakita ng malalaking laruan. Isa na dito ang isang live action figure ng robot sa Voltes 5, kinuha ko ito at sinumulang paglaruan ng...
“Art.” Tawag ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Humarap ako para alamin kung sino ito, laking gulat ko ng si Kuya Jerry pala. Katatapos lang nitong mag shower, walang damit pang itaas at nakatapis lang ng twalya. Basang basa pa pero una ko kaagad napansin ang hubog ng katawan nito, hindi mo aakalaing nagmamayari ito ng 6-pack abs at tone na chest.  Bigla na naman ako nakaramdam ng excitement at kirot sa dibdib matapos titigan ang katawan ni Kuya Jerry, dahilan para mabitawan ko ang action figure na Voltes 5 robot.
Nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng robot na bumagsak, dali daling lumuhod ni Kuya Jerry sa harapan ko para pulutin ito.
“So-sorry Ku-kuya Jerry, hindi ko sinasadya...” pabulong kong sinabi dahil sa hiya.
“Okay lang Art, don’t worry” sagot naman niya habang abala nitong pinupulot ang mga nakahiwa-hiwalay na parte ng Robot.
Dahil sa takot at alam kong mahal ang nasira kong laruan, tiyak na papaluin ako ni Papa pag nalaman niya ito pag-uwi nagsimula akong umiyak sa kinatatayuan. Ang totoo ay takot na takot ako sa idea na papaluin at papagalitan ako ni Papa, sobra itong magalit lalo na pag lasing, maraming beses na saking nangyari ito kahit sina Mama hindi mapigilan si Papa, meron isang beses na napilay ang kaliwang braso ko matapos akong paluin ng bakya nito, hindi ako nakapasok sa school ng isang linggo noon. Kaya ganun nalang ang takot ko.
“So... so.... hik hik...orry Kuya”  patuloy ko parin habang humahagulgol sa iyak.
Nahabag si Kuya Jerry sa pagiyak ko, dahan dahan niya akong pinaupo sa kanyang hita at pilit pinupunasan ng kanyang kamay ang mga luha ko.
“Tignan mo nga tong si Art, hindi naman kita sinisisi, wag ka ng umiyak.” Pag-amo sakin nito.
Pero hindi ko parin mapigilan ang sarili sa pagiyak.
“Tignan mo nga eto, mag bibinata na iyakin pa!” patuloy parin na pag-amo sakin ni Kuya Jerry “Hayaan mo na to.” Sabay hawak sa sira sirang robot. “Laruan lang to, tignan mo o, pumapangit ka!” sabay lamukos ng kamay niya sa basang basa sa luha kong mukha.
Natawa ako sa ginawa nito.
“O ngingiti na yan!” sabay kiniliti ako nito sa aking tagiliran dahilan para bumalikwas ako sa katatawa.
Hindi ko na nagawang lumabas ng kwarto ni Kuya Jerry noong gabi na iyon habang hinihintay na matapos ang inuman nila Papa.
Maya-maya pa ay sinamahan na kami ni Jam sa kwarto nito. Hinayaan naman kami ni Kuya Jerry na laruin ang mga laruan nito kahit na si Jam ay napipilitan lang dahil hindi naman ito ang kanyang mga hilig.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa paglalaro, nagising nalang ako ng maramdaman ko na nakapasan ako sa likod ng kung sino. Dahan-dahan kong iminulat ang mata, nagulat ako ng makitang pasan pasan ako ni Kuya Jerry habang naglalakad, nakita ko rin sa aking gilid si Papa habang inaakay ni Mang Eddie, lasing na lasing.
“Pauwi na tayo sa inyo...” si kuya Jerry ng mapansin na gising ako.
“Kuya.... yung robot... sorry ulit....” antok-antok kong sinabi sa tenga nito.
“Wag kang mag-alala okay lang....” pabulong din nitong sinabi.
“Si....papa.....kasi......pag nalaman... nya”
“It’s our secret, promise...”
At muli akong nakatulog sa likod nito.
Kinabukasan maaga akong nagising, naalala ko na nangako ako kay Mark Lenin na gagawa kami ng Science Project para sa huling linggo ng klase bago magbakasyon pababa ako ng makitang nagaalmusal na sina Mama at Papa kasama sina Ate pero nagulat nalang ako ng nakita ko na nandoon din si Kuya Jerry, kau-kausap nila Ate sa hapag kainan.
“O Art! Sakto, kumain ka na!” bati ni Ate Apple sakin ng mapansin niya ako sa taas ng hagdan kung saan tanaw na tanaw ang hapag kainan mula sa kinatatayuan ko.
Naiilang akong lumapit hindi dahil sa nakatingin saking ang buong pamilya ko kung di pati si Kuya Jerry nakangiti habang sinusundan ako ng tingin nito.
Nang makarating ako ng mesa umupo ako sa pwesto na lagi kong inuupuan pag kumakain, nagkataon naman na katabi ko lang si Kuya Jerry. Napansin ko na nakasando lang ito, dahilan para makita ko ang mga muscles sa kanyang braso. Napansin ko din si Ate Potchie na nakatitiglan kay Kuya Gerry, akala mo isang die hard fan kung makatitig.
“Nagpapasama si Kuya Jerry mo na libutin ang buong bayan natin, habang nandito kasi siya eh kinuha niya muna ang trabaho ni Mang Ador bilang tiga pag deliver ng mga liham dito satin” si Mama habang nilalagyan ng sinangag ang plato ko.
“Gusto ko sanang ako, kaso ayaw pumayag nila Papa at Mama” si Ate Potchie.
“Hayaan mo nalang itong si Art ang sumama kay Jerry” saway naman ni Papa.
“Art, okey lang ba na samahan mo ako ngayong umaga para mag deliver ng mga sulat sa bayan?” pakiusap naman ni Kuya Jerry, sabay kindat nito. Alam ko kung para saan yon kaya naman wala akong nagawa kung hindi samahan ito, hanggang ngayon kasi nakokonsiensya ako sa pagkasira ng kanyang laruan dahil sakin.
Lumabas kami ng bahay matapos mag-almusal, nawala na sa isip ko ang pag-gawa namin ni Mark Lenin ng project, ang tanging nasa isip ko lang ay makakasama ko buong umaga si Kuya Jerry. Hindi ko din alam kung ano ang naramdaman ko noon, ang alam ko, masaya ako pag nakikita ko siya.
Buong akala ko ay maglalakad lang kami, sana naman ako kaya walang problema, pero laking gulat ko ng makakita ako ng isang bike sa harapan ng bahay namin at kay Kuya Jerry ito.
“Tara! Umangkas ka sa likuran ko!” yaya ni Kuya Jerry ng maayos nya na ang sarili sa pagkakaupo sa bike.
“Pero natatakot ako Kuya!” nagaalangan kong sagot dito, di pa kasi ako nakakasakan ng bike kahit angkas lang.
“Akong bahala sayo, tara!”
Pilit akong sumakay sa likuran ng bike, nang mapwesto ko ang aking sarili inabot naman ni Kuya Jerry ang aking kanang kamay.
“Humawak ka nalang sakin para hindi ka matakot!”
Nakita ko nalang ang aking sarili na nakayakap kay Kuya Jerry, maya-maya pa ay umandar na kami sa una nakakatakot pero masarap din pala ang nakasakay sa bisekleta, pero kahit na nageenjoy ako hindi naman tumigil ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Mukhang kinakabahan ka parin ah Art, lakas ng tibok ng puso mo, nararamdaman ko!” biro nito sakin, siguro naramdaman nya rin ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakayakap dito.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako natatakot, iba ang dahilan kung bakit mabilis parin ang tibok ng aking puso, pero hindi ko ito masabi dahil pati ako nagtataka sa aking nararamdaman.
Palabas kami ng Barangay ng makita ko si Mark Lenin na naglalakad, mukhang papunta siya samin, tatawagin ko sana siya pero nauna na nito kaming napansin.
Napayuko nalang ako dahil sa quilt na nararamdaman ko dahil sa hindi pagtupad ng pangako ko dito sa sabay kaming gagawa ng project.
Halos dalawang oras din naming sinuyod ang aming bayan para magdeliver ng mga liham sobra akong nag enjoy dahil sa kasama ko si Kuya Jerry.
Matapos naming makabalik sa post office para ibalik ang mga liham na nagkamali ng address, dumeretcho kami sa kainan malapit sa plaza para kumain, treat ni Kuya Jerry.
“Pagkatapos nating kumain meron pa tayong pupuntahan.” Sabi nito sakin habang abala itong kinakain ang burger na inorder namin.
“Sige, Kuya, Saan ba yan?” tanong ko naman habang umiinom ng sago’t gulaman.
“Meron pa tayong idedeliver na sulat, saka namiss ko ang bukid gusto ko munang gumala!” sabay labas ng isang maliit na kulay pulang envelop na nasa kanyang bulsa.
“Para kaynino yan Kuya Jerry?”
Bahagya itong tumahimik “Para sa isang importanteng tao....”
Hindi ko na inosyoso pa si Kuya Jerry, matapos naming kumain tumungo na kami sa lugar na sinasabi nya, isa itong maliit na bahay malayo sa bayan, makipot ang daan papunta dito, walang gate ang bahay kaya pwede kang pumunta hanggang sa pintuan nito.
Hindi ko alam pero parang nahiya ata si Kuya Jerry na lumapit dito kaya ako ang inutusan niyang maglagay ng sulat sa harapan ng pinto. Gusto ko pa sanang kumatok para makatiyak na merong makakakuha ng sulat pero sumenyas si Kuya Jerry na aalis na kami, mukha itong nagmamadali kaya sumunod nalang ako dito.
“Kuya, san tayo susunod na pupunta.” Excited na tanong ko dito.
“Sa favorite place ko nung bata pa ako.” Nakangiting tugon nito.
Hindi ko alam pero parang may nagbago kay Kuya Jerry, parang mas naging masaya siya pagkatapos naming ihatid ang huling liham.
Nakarating kami sa bukid dito pumasok pa kami sa isang makipot na iskinita na puro puno hanggang sa marating namin ang ilog. Sa totoo lang napakaganda nito, malinaw ang tubig at parang hindi pa ito napupuntahan ng kahit sino.
Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo si Kuya Jerry habang hinuhubad ang kanyang mga damit, brief lang ang itinira nito at sabay na nagdive sa ilog.
“Art, tara!” yaya nito sakin.
“Kuya, baka malalim!” pagaalangan ko.
“Hindi” at tumayo ito, hanggang bewang niya lang ito.
Tumakbo din ako papuntang ilog, hinubad ko din ang aking pang-itaas na damit at itinira lang ang aking brief bago mag-dive.
Siguro me isang oras din kaming naligo sa ilog, matapos noon ay nagpahinga at nagpatuyo kami sa gilid nito.
“Art, me crush ko na ba?” walang ano-anong tanong nito habang nakahiga sa batuhan at nakatitig sa langit.
Nagulat ako sa tanong ni Kuya Jerry kaya napatingin ako sa kinahihigaan nito, napalunok ako sa nakita, para siyang modelo ng underwear sa mga magazine ni Ate. Pinilit kong sagutin ang kanyang tanong kahit na hindi ko alam ang sasabihin, hindi pa kasi ako nagkakaroon ng crush, hindi ko rin kasi masyadong naiintindihan ang kahulugan nito kahit na madalas sabihin ito ng mga Ate ko sakin pag meron silang nagugustuhang mga lalaki.
“Wa-wala pa Kuya?” alanganing sagot niya.
“Ha? Talaga? Anong grade ka na ba?” gulat na sagot nito.
“Gr-grade 5”
“Si Jam, hindi mo ba gusto?”
“Gusto, magkaybigan kami, ibig sabihin Crush ko siya?” nalilitong tanong ko.
Tumawa si Kuya Jerry sa sinabi ko. “Hahaha Crush, ibig sabihin... babaeng hinahangaan mo, pag dumadaan sa harap mo hindi mo alam kung ano ang gagawin, yung tipong hindi mo mapigilang kabahan pag malapit siya, yung parang gusto mo laging mag-pa-cute pa nandyan siya o kaya naman parang me kirot sa puso mo pag naiisip mo siya.” Biglang seryosong sagot nito habang patuloy paring nakatanaw sa kalangitan tila ba merong pinaghuhugutan ng kanyang mga sinasabi.
Ang hindi alam ni Kuya Jerry, dahil sa mga sinabi niya, tuluyan kong nalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Crush ko si Kuya Jerry. Gusto kong sabihin sa kanya pero alam kong mali itong nararamdaman ko, na dapat sa mga babae lang.
Matapos naming magpatuyo nag-decide na kaming umuwi ng bahay, mahahapon na ng makauwi ako, sinalubong ako ni Ate Apple sa gate palang.
“Art! Mabuti at nakauwi ka na, nagaalala kami baka kung na-pano ka na!”
“Ate Apple!” si Kuya Jerry. “Sorry, enjoy kasing kasama tong si Art kaya napatagal kami!” dutong pa niya na kinatuwa ko naman.
“Ganon ba, oo nga pala Art, si Mark Lenin dalawang beses ng bumabalik satin, gagawa daw ata kayo ng school project para sa finals nyo.”
“Oo nga pala Ate, nakalimutan ko na, bukas na yon.”
“Sige Art, Ate Apple, alis na ako, next week ulit Art!” paalam ni Kuya Jerry samin.
Dahil sa gabi narin, hindi na ako pinayagan pa nila Mama at Papa na pumunta kila Mark Lenin, may pasok naraw kasi, sakto pang huling linggo ng pasukan kaya ako nalang daw mag-isa ang gumawa ng project ko.
Nakokonsensya man ako kay Mark Lenin, sinunod ko nalang ang aking mga magulang.
“Aba! Mukhang inspired gumawa ng project si bunso!” sita ni Ate Apple ng pumasok ito sa aking kwarto at mahuli ako nitong sumisipol sipol habang gumagawa ng project namin sa school.
Ang totoo hindi ko mapigilan ang hindi maging masaya pag naaalala ko ang mga sinabi ni Kuya Jerry bago siya umalis kanina na “Masaya akong kasama”, ganon din naman ako sa kanya kaya excited akong makita ulit siya.
Kinaumagahan, maaga akong nagising para pumasok at para narin makausap ko si Mark Lenin bago magsimula ang klase. Nauna akong dumating sa aming classroom, matiyaga kong hinintay si Mark Lenin pero hindi ito dumating ng maaga katulad ng lagi naming ginagawa pag may regular na pasok.
Dumating si Mark Lenin sa classroom ng saktong magsisimula na ang klase, sinubukan ko siyang kawayan pero hindi ako pinansin nito. Nakaramdam na ako na nagtatampo si Mark Lenin kaya hindi ko na ito nilapitan nag decide ako na tetyempuhan ko nalang siya sa uwian.
“Mark Lenin!” Habol ko ng makita ito na nagmamadaling umuwi.
Hindi parin ako pinansin nito kaya napilitan na akong habulin siya at hablutin sa balikat niya.
“Ano ba?” galit na inalis nito ang kamay ko sa balikat niya.
“Galit ka ba sakin?” deretcho kong tanong dito habang hinahabol ang hininga dahil sa paghabol ko dito.
“Magsama kayo ng Jerry nayon!” galit na sigaw nito sakin.
“Nagtatampo ka ba? Sorry na kasi nakalimutan ko na gagawa pala tayo ng school project kahapon”
“Hindi!” matipid pero galit parin nitong tugon.
“E, bakit ganyan ka kung makakilos, kulang nalang isumpa mo ako sa galit!” galit ko naring tugon dito.
“Gusto mo ba talagang malaman? Sige sasabihin ko, pareho kayo ng Tito ko sa Manila, malamya, nagdadalawang isip ako ako dati baka kasi ganyan ka lang talaga pero nung dumating yung Gerry halatang halata na crush mo yung lalaki, tama mga classmates natin, bading ka! Kaya layuan mo na ako simula ngayon, ayoko ng kasama ka!” sabay takbo nito papalayo.
Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko, hindi ko kasi alam kung pano mag re-react sa mga sinabi ni Mark Lenin sakin, gusto ko ng umiyak noon dahil madami ding nakarinig sa sinabi niya saking mga classmates na pauwi. Nakita kong pinagbubulungan nila ako.
Matamlay akong umuwi noon habang naglalakad narealize ko na hindi lang pala sa mga laro o panonood ng mga cartoons at palabas sa TV natatapos ang buhay, ang totoo napaka kumplikado nito. Tama si Mark Lenin, me crush ako kay Kuya Jerry, hindi ako normal sa mga kasing edad ko na bata. Bigla akong natakot sa pwedeng mangyari pag nalaman ng aking mga magulat at kapatid kung ano ang nararamdaman ko noong mga panahon nayon. 
Pero gusto ko itong sabihin sa kanila, baka mabigyan kasi nila ako ng payo tungkol sa nararamdaman ko. Kaya hinanap ko agad sina Mama at Papa ng makarating ako sa bahay. Nakita ko silang naguusap sa sala habang nanonood ng TV. Lalapitan ko na sana sila lang marinig kong napasigaw si Papa.
“E tama lang na ginulpi ni Pareng Lloyd yang anak nyang si Dennis, babading bading kasi!” sigaw ni Papa.
“Ang sakin naman kasi Pete, hindi dapat sinasaktan ang bata, mas maganda siguro kung papangaralan” depensa naman ni Mama.
“Eh! Hindi uubra ang pangaral, eh pag satin nangyari yan, naku, patawarin ako ng Dyos baka mapatay ko!” nanggagalaiti nitong sagot kay Mama.
Bigla akong nakaramdam ng matinding takot sa mga salitang binitawan ni Papa kaya dali-dali akong pumunta ng kwarto ko at doon nagkulong.
Magdamag akong hindi lumabas ng kwarto, hindi naman ako ganito kaya nagalala na ang mga magulang at ate ko. Maya’t maya ay may kumakatok sa kwarto ko para yayain akong kumain pero sinasabi ko nalang na busog ako.
Kinabukasan ganon parin ako, naging matamlayin kasi sa school, ako narin ang lumayo kay Mark Lenin kasi natatakot ako na pag nilapitan ko siya ulitin na naman niya yung nangyari kahapon. Umuwi ako sa bahay ganon parin, sinubukan akong i cheer nila Ate Apple at pilit tinatanong kung bakit ako matamlay pero wala akong maisagot kung di “Okay lang po ako.”
Sa mga sumunod na araw hindi na ako nakapasok sa school tutal huling mga araw na naman ng pasukan at okay na lahat ng projects at test ko nagdahilan nalang ako sa mga magulang ko na masama ang pakiramdam ko. Nanibago din siguro si Papa sa katamlayan ko kaya pumayag ito na wag na akong pumasok dati kasi siya ang unang magagalit pag hindi ako pumasok pero that time parang naisip niya na me mali sa kinikilos ko.
Nagkukulong lang ako magdamag sa kwarto minsan dinadalhan ako ng pagkain ni Ate Apple pero hindi ko naman nauubos ito.
Hanggang sa isang araw, may kumatok sa pinto ko habang nagkukulong parin ako sa aking kwarto.
“Art.” Sabi ng isang pamilyar na boses. “Art si Ate Apple mo ito, meron kang bisita, buksan mo ang pinto.” Dagdag pa nito.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama alam ko kasing hindi rin ako matitiis ni Mark Lenin, nagaalala siya sakin kaya dinadalaw niya ako. Excited kong binuksan ang pinto ng aking kwarto, unang tumambad sa harapan ko si Ate Apple na kahit sa mga oras na iyon mukhang nagaalala parin sakin.
At napansin ko ang lalaki sa likuran ni Ate.
“Art, kamusta ka na?” si Kuya Jerry.
Hindi ko alam kung dissapointment ba talaga ang naramdaman ko ng malaman ni hindi si Mark Lenin ang dumalaw sakin. Ang totoo kasi masayang masaya ako na nandoon si Kuya Jerry pero sa kabilang banda isa nga siya sa mga dahilan kung bakit ako nagkakaganto.
“O, sige maiwan ko muna kayo, meron kasi akong ginagawa sa baba.” Paalam ni Ate Apple.
Ako naman bumalik sa pagkakahiga sa aking kama habang sinundan naman ako ni Kuya Jerry.
“Nabalitaan ko kay Ninong na matamlay ka daw ngayong mga nagdaang araw, hindi kumakain, laging nakakulong dito sa kwarto mo, me problema ba Art?” tanong nito sakin ng makaupo sa gilid ng kama ko habang ako naman ay nakahiga.
Umiling-iling lang ako bilang tugon sa mga tanong nito.
“Tignan mo nga ito, nakasimangot na naman!” sabay lamukus ng mukha ko gamit ang kanyang mga kamay hindi pa ito natuwa kiniliti pa ako.
Ang totoo masaya naman ako na naroroon si Kuya Jerry kaya noong ginawa niya iyon hindi ko napigilang tumawa.
“See, maganda pag naka smile ka wag ka ng sisimangot, tara! Tulungan mo nalang ako ulit na magdeliver ng mga sulat sa bayan!” yaya nito sakin.
Syempre ako pakipot kunwari kaya umiling iling ako na parang ayaw sumama.
“Tignan mo ito, sige anong gusto mo para pumayag ka?” tanong nito sakin.
Napaisip naman ako dahil matagal ko narin naman gustong matuto mag bike kaya. “Kuya, gusto ko turuan mo akong mag bike!” excited kong tugon dito.
“Yun lang ba, sure! Sige maligo ka muna” sabay amoy sakin nito. “Bantot mo na!” dagdag pa ni Kuya Jerry.
Naging close pa kami ni Kuya Jerry simula non, madalas siya ang naging kasa-kasama ko, sa umaga susunduin niya ako para samahan siya magbigay ng mga liham sa bayan pagkatapos kakain muna sa ABC Store ng burger bago pumunta sa huling bahay na lagi naming binibisita ni Kuya Jerry para bigyan ng liham.
Ang pinagtataka ko lang ay halos araw araw naming dinadaanan ito at binibigyan ng liham pero laging ako ang inuutusan ni Kuya Jerry na magdeliver sa mismong bahay, tatanawin nya lang ako sa malayo at bago paman bumukas ang pinto tatawagin na niya ako.
Pagkatapos naming dumalaw sa misteryosong bahay dedetercho kami sa ilog kung saan doon ako tinuturuan ni Kuya Jerry na mag-bike, meron kasi isang side doon na patag at dahil walang tao solo ko ito at magandang pag-practice-san.
Para sa akin iyon na ata ang pinakamasayang bakasyon na naranasan ko kahit na minsan hinahanap hanap ko parin ang pagkakaybigan namin ni Mark Lenin, hindi na kasi siya nagparamdam sakin pagkatapos ng huling araw namin sa klase.
Akala ko wala ng katapusan ang lahat pero nagkamali ako. Habang papalapit ang pasukan alam ko na aalis narin si Kuya Jerry pabalik ng Manila. Kaya naman nag-decide ako na sabihin ang lahat lahat ng tungkol sa nararamdaman ko bago siya umalis.
“Ate Potchie, ano ba yung love?” tanong ko kay Ate Potchie habang abala kaming dalawa na nakasalampak sa kanyang kama at nagbabasa ng mga magazines.
“Aba, in love ata si Bunso!” bulaslas nito.
“Hi-hindi ate!” nahihiya kong tugon dito.
“Nahiya pa ang mokong, love.... ummmm.... pag me isang tao na sobra mong hinahangaan, yung hindi siya maalis sa isip mo, masaya ka na lagi mo siyang nakikita, at kahit anong gawin nya okay lang.” Mahinhin nitong paliwanag habang hinahaplos ang larawan ni Ricky Martin na nasa magazine.
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Ate Potchie tugma kasi ito sa nararamdaman ko para kay Kuya Jerry. Doon napagdesisyonan ko na sabihin ang nararamdaman ko para kay Kuya Jerry bago ito lumuwas papuntang manila. Noong mga panahong iyon wala pa sa isip ko kung ano ang mangyayari pag sinabi ko ito, wala pa sa murang pagiisip ko na baka iwasan niya ako at hindi na kami maging magkaybigan, ang importante masabi ko kung ano ang bumabagabag sa isip at damdamin ko.
Biglang naputol ang usapan namin ni Ate Potchie nang bila siyang tinawag ni Mama.
“Potchie! Yung mga kaybigan mo nandito na sa baba!” sigaw ni mama na dinig na dinig kung saan kami naroroon.
Taranta namang nagayos ng sarili si Ate Potchie.
“Ate me lakad ata kayo?” nagtataka kong tanong dito.
“Oo, me sayawan kasi sa plaza manonood kami!” excited na tugon nito.
“Sama ako Ate!” excited kong pilit kay Ate ng malaman na sa sayawan pala siya pupunta, madami kasi akong narinig na maganda ang event na’yon.
“Hindi pwede bata ka pa! Kami nga sa labas lang kami manonood” nakasimangot na pagtanggi ni Ate Ptchie sa pagsama ko.
“Sige na Ate!” pilit ko dito.
“Yiii! Sige sige sumama ka na pero wag kang aalis sa paningin ko, bumuntot ka lang sakin ah, baka patayin ako ni Papa pag nawala ka.”
Katulad ng napagusapan sumama ako kila Ate Potchie kasama ng kanyang mga kaibigan na nakabuntot sa kanila dumating kami sa plaza na punong puno ng mga tao sa gitna nito makikita mo ang mga nakaayos na upuan sa gitna nito ang isang malawak ng sayawan pero ang lahat ng ito ay nahaharangan ng wire na bakod tanging ang mga nakapostura lang ang nakakapasok, me pinapakita itong mga ticket na wala kami.
Nakuntento kami na manood na lamang sa labas habang pinapakinggan ang magagandang tutog, hindi ko pa alam noon na Love Songs ang mga ito.
“Diba si Jerry yun?” tanong ng isa sa mga kaibigan ni Ate
“Nasaan?” sagot naman ni Ate Potchie.
“Ayun o, sumasayaw sa gitna!” kinikilig na turo nito.
“Ay, oo nga! At kasama niya si Edna!” si Ate Potchie habang minumukhaan ang itinuturo ng kaibigan.
Sinundan ko ng tingin ang itinuturo ng kaibigan ni Ate doon nakumpirma ko na si Kuya Jerry nga ang nasa gitna at me kasayaw itong magandang babae. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa pakiramdam, para bang umakyat ang dugo ko sa ulo.
“Alam mo ba, usap usapan sa bayan na sila na talaga!” dagdag pa ng kaibigan ni Ate habang abala parin sila sa panonood kila Kuya Jerry.
“Sayang mga eh Marj, crush ko din si Jerry, lagi nga yang pumupunta samin at nagpapatulong dito kay Art”
“Talaga! Naku super crush ng bayan yang si Jerry, napaka gwapo kasi, kaso taken na.”
“Sinabi mo pa! Napakaswerte nitong si Edna!”
“Pero Potchie, ayaw pa umamin ng dalawa na sila na, sabi nga ni Ina sakin eh pag natapos daw itong si Jerry sa kolehiyo eh me balak ng magpapakasal ang dalawa!”
“Talaga!” gulat na tugon ni Ate Potchie na kahit ako ay ikinagulat din.
Biglang nangilid ang luha ko, habang papalit palit ng tingin sa usapan nila Ate Potchie at pagsasayaw nila Kuya Jerry at Edna. Parang sasabog ang puso ko sa galit, ang malala pa niyan hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman.
Dahil sa hindi ko na kaya nagtatakbo ako palayo, narinig ko pa si Ate Potchie na tinawag ako at tinanong kung saan ako pupunta pero hindi ko na nagawang sagutin ito, ang importante kasi ay makalayo ako sa lugar na iyon.
Tumakbo ako ng walang tigil, ng hindi alam kung saan pupunta, magulo kasi ang isip ko, nagkahalo halo na, ang kakaiba kong nararamdaman para kay Kuya Jerry at ang pagbigat ng nararamdaman ko na parang sasabog ang puso ko sa galit sa nalaman na napipintong pagsasaisang-dibdib nila Kuya Jerry at Edna.
Nagulat nalang ako ng makita ang sarili na nakatayo sa mabatong parte ng ilog kung saan lagi naming tinatambayan ni Kuya Jerry, madilim, buti nalang maliwanag ang buwan at naaaninagan ang ilog. Pero ng dahil sa patuloy na pagtakbo, na out of balance ako at tuluyang gumulong pababa ng ilog, buti nalang at nalaglag ako sa gilid ng ilog sa parte kung saan walang tubig kung hindi nalunod na siguro ako.
Dali dali kong inangat ang aking sarili mula sa pagkakabuhal pero noong sinubukan ko ng tumayo, nabuhal ulit ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman sa kaliwang paa ko. Napilay ako at malala ito, hindi na ako makagalaw mula sa pinagkakaupuan. Doon na pumasok ang takot na baka hindi ako makauwi sa kalagayan ko. Natakot din ako dahil ako lang ang tao na naroroon, na realize ko na sobrang tahimik ng lugar. Nang hindi na kinaya ang takot doon na ako nagsimulang humagulgol.
Siguro sa aming magkakapatid pag nagmamaktol ako na ata ang me pinakamatagal na record ng pag-iyak, at nasubukan ito ng gabing iyon. Hindi ko na napansin ang oras dahil sa maya’t mayang pagiyak at pagtahan. Kumakalam narin ang tyan ko kaya alam ko na matagal na akong nandon.
Iiyak na sana ako ulit ng may marinig na papalapit na tumatakbo, tumaas ang mga balahibo ko dahil ako lang ang magisang naroroon, pinilit ko ang aking sarili na tumahimik at hindi gumawa ng kahit anong tunog sa takot na baka multo o mamamatay bata ang papalapit sakin.
Takot kong pinakinggang ang papalapit ng yabag, huminto ito at halatang hinihingal.
“ART! NASAN KA NA?!” sigaw na isang pamilyar na boses.
Nagulat ako dahil kilala ko kung sino ang sumisigaw, napahawak ako sa bato na nasa gilid ko dahilan para maglaglagan ang mga bato na nasa taas nito at lumikha ng isang ingay.
Natuwa ako dahil alam kong si Kuya Jerry ang sumisigaw pero ayoko sanang makita niya ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko para sa kanya pero huli na ang lahat, nakita niya ako ng marinig ang ingay na nilikha ng mga bato na nalaglag.
Dali dali siyang pumunta kung saan ako nakaupo. Nagulat ito ng makita ako ng puno ng galos at hindi makatayo.
“Art! Anong nangyari?” nagaalalang tanong nito sakin habang pinapagpagan ako nito sa mga dumi na kumapit sakin. Kitang kita ko na nakasuot parin siya ng barong na nakita kong suot suot niya sa sayawan, halatang pagod na pagod dahil sa pagtakbo, pawisan at hinihingal.
“Wala.....” matipid at mahina kong tugon, hindi ako makatingin dito.
“Anong wala, kanina ka pa hinahanap sa inyo, nagaalala na ang mga tao, mabuti at nakasalubong nila ako matapos ang sayawan, hinhanap ka nila!”
“Sige okay na ako, ako nalang uuwi!”
“Kaya mo ba, tara buhatin nalang kita!” akmang bubuhatin ako nito ng hawiin ko ang kamay nito, sign na ayokong magpavuhat.
“Ayaw ko, dun ka nalang sa Edna mo!” sigaw ko dito.
Biglang napaurong si Kuya Jerry, natahimik ito ng panandalian.
“Art, me problema ba?” malumanay nitong tanong sakin.
Para akong bata na nahuli sa aktong merong nagawang kasalanan, narealize ko na kaylangan ko ng sabihin ang lahat kay Kuya Jerry ng mga panahon na iyon.
Nagsimula na akong umiyak.
“Wa..wala, dun ka nalang kay Edna, mas gusto mo naman siya diba kaysa sakin.... saka isa pa ikakasal na kayo diba!” nilingon ko siya para makita kung ano ang reaksiyon niya, pero sa halip na sumagot, umiiling ito, para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko, kaya pumikit ako at sinabing “Mahal kasi kita Kuya Jerry!”
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa, pakiramdam ko napahiya ako sa pag-amin ng nararamdaman ko para kay Kuya Jerry ng hindi ko siya marinig na magsalita matapos ko itong sabihin sa kanya kaya nagsimulang umagos ang luha ko at tuluyan nang nagiiyak.
“WAHHHHHH” sigaw kong pag-iyak.
“TUMIGIL KA NA SA PAG-IYAK ART!” sigaw ni Kuya Jerry sakin.
Bigla akong napatingin kay Kuya Jerry dahil sa pag-sigaw niya, ngayon ko lang nakita ang galit na galit na mukha nito.
“Ka lalaki mong tao iyakin ka, tignan mo ang sarili mo ang laki laki mo na! Kaya ka binubully sa school dahil sa mga pinag-gagagawa mo!”
Hindi ako makaimik dahil natatakot narin ako sa galit nito.
“Iuuwi na kita, ayoko ng makulit pa, bababahin nalang kita!” sabay na tumalikod siya malapit sakin para bumaba ako sa kanyang likuran. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto niya.
Umakyat  si Kuya Jerry ng kalong kalong ako sa kanyang likuran, nang makarating kami sa daan walang kahit isa samin ang nagsasalita habang patuloy itong tinatahak pauwi samin.
“Art....” malumanay na pagsasalita ni Kuya Jerry tila ba parang inaamo ako.
Pero hindi ako nagsalita.
“Bata ka pa, marami pang dadating sa iyo, wag mong sayangin, kung ano man yang nararamdaman mo para sakin, siguro panandalian lang yan.... mahal din kita.... pero bilang kapatid.... at gusto kong maging ganon tayo habangbuhay...”
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, narealize ko kasi na hindi maibabalik ni Kuya Jerry ang nararamdaman ko para sa kanya, dire-diretcho lang ito at alam ko na alam ni Kuya Jerry na umiiyak ako dahil halos mabasa ko na ng luha ang kwelyo ng kanyang barong.
“Yung kanina... inimbitahan lang ako ni Edna sa samahan siya sa sayawan... ang totoo niyan hindi naman talaga kami, magkaybigan lang kami, ang totoo meron na akong ibang mahal.... pangako ipapakilala ko siya sayo...”
Nanatili akong tahimik habang umiiyak, hinayaan ko lang na si Kuya Jerry ang magsalita.
“Alam mo Art, sobrang sarap magmahal at mahalin ka pabalik, pag laki mo sigurado akong matatagpuan mo din ang taong para sa iyo, ang taong kaya kang mahalin pabalik kahit ano ka pa.”
“Kuya, tama sila, kakaiba ako, hindi ka ba naiilang sakin....” bigla kong nasabi dahil sa takot na baka hindi na ako puntahan pa ni Kuya Jerry pagkatapos nito.
“Ikaw parin naman ang Art na kilala ko diba, iyakin, matampuhin at kasi cute ko, kaya walang magbabago.”
Natuwa ako sa sinabi ni Kuya Jerry ng mga sandaling iyon kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkayakap dito habang naka-baba sa likuran nito.
Dumating kami sa bahay ng mag aalas tres ng madaling araw, lahat ng tao samin ay nagaalala, si Papa na nagpipigil ng galit, si Mama na halos himatayin sa pagaalala, si Ate Potchie na umiiyak, halatang napagalitan nila Mama at Papa dahil sa pagkawala ko, sumalubong din sakin sina Ate Apple at Ate Bon na alalang alala. Buong magdamag din nag stay si Kuya Jerry para siguraduhin na okay lang ako.
Sabado ng umaga, dahil sa pilay sa paa hindi ko nagagawang makapaglakad ng normal, malungkot ako kasi ito na ang huling araw ni Kuya Jerry sa aming bayan, luluwas na siya pabalik ng Maynila at hindi ko man lang siya maihahatid sa bus terminal.
Malungkot ako na nakatitig lang sa bisikleta na iniwan ni Kuya Jerry sa harapan ng aming bahay, nakaupo ako malapit sa gate habang ginagawa ito ng biglang...
“Ayan nakasimangot ka na naman, diba mas bagay kung lagi kang nakangiti!” si Kuya Jerry, nakatayo sa harapan ko.
“Kuya Jerry! Akala ko nakaalis ka na!” masayang bati ko dito dahil akala ko nakaalis na ito ng hindi nagpapaalam sakin.
“Syempre hindi ko kakalimutang magpaalam sa nagiisa kong lalaking kapatid!”
Umupo siya sa tabi ko.
“Ingatan mo ang bike natin ah, next year mag dedeliver ulit tayo ng mga sulat, saka me surprise gift ako sayo...” at nilaban nito ang tinatagong laruan sa likod.
“Wow! Gawa na siya!” laking gulat ko ng makita ang action figure ng Voltes 5 robot na sinira ko na nabuo na.
“Wag mo nang sisirain ah! O pano Art alam kong hindi mo na ako maihahatid sa Bus Station pero gusto ko magpakabait ka ha! Sulatan mo ako!”
“Oo naman Kuya Jerry!”
At katulad ng dati, bago ito umalis, ginulo nito ang aking buhok at sinabing “Wag na iyakin ah!” at saka siya nagpaalam. Babalik na sana ako sa loob ng bahay ng mapansin na me naiwang sobreng pula si Kuya Jerry, alam ko na sa kanya ito dahil ganitong mga sobre ang denideliver namin sa huling bahay na pinupuntahan namin bago pumunta ng tambayan naming ilog. Pero dahil nakaalis na si Kuya Jerry minabuti ko nalang na itago ang sulat at binalak na ako nalang ang magbibigay nito sa mga susunod na araw pag magaling na ako.
Malungkot akong bumalik sa loob ng aming bahay pero alam ko na next year babalik si Kuya Jerry. Ang hindi ko alam, iyon na pala ang huli naming pagkikita...
Linggo ng umaga, maaga akong nagising dahil alam ko magsisimba kami pero laking gulat ko ng makita si Ate Apple na nakaupo sa tabi ko, halatang hinihintay ang paggising ko. Mukha itong malungkot at parang me sasabihin ito pero nagaalangan.
“Ate bakit?” pupungas pungas kong tanong dito.
“Art.. wag kang mabibigla sa sasabihin ko ah... pero kasi...”
“Ano yon Ate Apple...” kinakabahan ko naring tanong dito.
“Wala na si Kuya Jerry po, naaksidente yung bus na sinasakyan niya, may nakabanggaan ng truck dahilan para tumilapon ang bus na sinasakyan ni Kuya Jerry mo sa bangin, pumanaw na siya Art...”
Para akong nabingi sa sinabi ni Ate Apple, di ko namalayan na umaagos na ang luha sa mga mata ko. Walang nagawa si Ate Apple kung hindi yakapin lang ako, alam kasi niya kung gano kami naging close ni Kuya Jerry.
Hindi ko na nagawang pumunta sa lamay ni Kuya Jerry dahil sa sobrang kalungkutan, hindi ako makakain at malimit na lumalabas ng aking kwarto, minsan pupuntahan ako ni Papa at sasabihing lumabas na ako para sa kapakanan ni Mama at mga kapatid ko, labis na kasing nagaalala sakin, minsan si Mama naman ang kumakatok sa pinto ko sinasabing lumabas na ako para sa kapakanan ni Papa at mga kapatid ko na sobrang nag-aalala para sakin.
Nagsinungaling sakin si Kuya Jerry, sabi niya babalik siya, pero ang totoo habang buhay ko na siyang hindi makakasama.
Isang linggo matapos na ilibing si Kuya Jerry hindi parin ako nakakarecover sa pagmumukmok, siguro na break ko na ang sariling record pag nagtatampo kina Mama at Papa ng biglang makita ko ulit sa loob ng aking aparador habang naghahanap ng maisusuot na damit ang sobreng naiwan ni Kuya Jerry bago siya umalis. Tinitigan ko lang ito, inisip na bukod sa bike at action figure na Voltes 5, ito nalang ang natitirang mga bagay na magpapaalala sakin kay Kuya Jerry. Ibabalik ko na sana ito ng biglang me sumagi sa isip ko.
“Balang araw ipakikilala kita sa kanya...” ang mga katagang nasabi ko habang binabalikan ang araw na nagtapat ako sa kanya.
Kahit na medyo masakit pa ang pilay, dali-dali kong inayos ang aking sarili at lumabas ng bahay para kunin ang aking bisekleta, saktong nandoon ang aking Papa at kita sa kanyang pagkabigla na lumabas na ako sa bahay matapos ang ilang linggong pagmumokmok, mi hindi na ako niya natanong kung saan pupunta.
Nagpadyak ako ng bike hawak hawak ang sulat ni Kuya Jerry na alam ko para ito sa kanya, ang lagi naming huling pinupuntahan pag nagdedeliver ng mga sulat, me kutob ako na siya ang sinasabi ni Kuya Jerry na mahal niya. Hindi ko alam pero noong mga oras na iyon na-excite ako sa idea na baka kahit papaano mawala ang kalungkutan na nararamdaman ko kung makikilala ko ang taong nagmamahal din at piniling mahalin ni Kuya Jerry.
Nakarating ako sa bahay na pagbibigyan ko ng huling sulat ni Kuya Jerry pero sa pagkakataong ito, i dedeliver ko ito ng personal, kinakabahan akong kumatok sa pinto, inaabangan kung sino ang lalabas.
Maya-maya pa bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki, maputi ito at mahaba ang buhok, maamo ang mukha.
“Anong kaylangan nila?” malamyang pagsasalita nito na ikinagulat ko, hindi ko kasi alakalaing kakaiba ang boses nito na parang katulad sa mga kilala at napapanood kong mga bading. Nakita kong tumitig siya sa sulat na hawak ko.
Sa pagkabigla sinabi ko nalang na “Ay, sorry po, maling bahay!” napagdesisyunan kong umalis nalang, alam ko kasi babae ang pinagbibigyan ni Kuya Jerry ng kanyang mga sulat.
Akmang paalis na ng bila akong pigilan nito.
“Sandali! Para sa akin ba’yang liham na hawak mo?” pagpigil nito sakin.
“Ah.. eh hindi po!” naisagot ko dito dahil alam ko para ito sa babaeng pinakamamahal ni Kuya Jerry.
“Sulat ba iyan ni Jerry...” dagdag nito na ikinahinto ko naman sa paglalakad paalis ng bahay.
“O...opo...”
Ngumiti ito at sinabing “Pwede ko bang mabasa?...” tumingin siya sa sobre na hawak hawak ko “Ang totoo nyan, magkababata kami nila Jerry at isa pang babae, si Edna, mula elementary hanggang highschool magkakaybigan kami, sa loob ng maraming taon na iyon ay nabuo ang nararamdaman namin para sa isa’t isa, si Edna kay Jerry at ako kay Jerry, pero wala saming dalawa ang pinili niya sinabi niya na ayaw niyang magbago ang tingin namin sa isa’t isa, magkakaibigan habang buhay, pero iba ang naging take ko sa mga sinabi ni Jerry dahil doon nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan bago siya umalis patungong Maynila para mag kolehiyo, sila ni Edna okay parin pero ako nagsimula nang umiwas, magaapat na taon na simula noong hindi kami magusap, nagulat nalang ako ng isang araw makatanggap ako ng sulat mula kay Jerry, nangangamusta at gustong makipagkita, pero dahil sa hiya narin siguro sa mga inasta ko dati binale wala ko ang sulat, pero nagulat ako ng mga sumunod na araw tuwing sabado nakakatanggap ako ng sulat kay Jerry na nagsasabing magkita kami...”
Nagulat nalang ako ng magsimulang umiyak ang lalaking nasa harapan ko habang patuloy siyang nagkukwento.
“Pero naging matigas ang puso ko kaya hindi ko pinansin, pero dumating ang kanyang huling sulat, sinabi niyang hihintayin niya ako sa Plaza matapos ang sayawan, aalis na kasi siya ng bayan sa susunod na mga araw kung hindi pa ako magpapakita tatanggapin niya na hanggang doon nalang, na hindi na siya talaga parte ng buhay ko. Doon ko na realize kung gano ko na-miss si Jerry na hindi ako papayag na hindi siya makita bago ito umalis, kaya pumunta ako.... pero.... siya naman ang nawala....”
Bigla kong naalala ang mga nangyari nung gabing iyon, alam ko na hinahanap ako ng mga magulang at kapatid ko kasama si Kuya Jerry at siya ang nakakita sakin sa tabing ilog.
“Siguro naisip narin niya na hindi ako importante sa buhay niya , pero.... pero kung alam ko lang na tuluyan na siyang mawawala dahil sa aksidente , di sana ako nagaksaya ng oras sa pagkahabag sa sarili at pinuntahan siya para makipagusap....”
Sobra akong naantig sa mga sinabi ng lalaki ka binigay ko dito ang hawak hawak ko sulat. Dahan dahan niya itong binuksan saka binasa.
Habang binabasa niya ito ay napatakip ng kamay nito sa kanyang bibig para bang nagulat siya sa laman ng liham, wala pang ilang minuto ng matapos niya itong basahin at ibalik ang sulat sa loob ng sobre at ibinigay muli sa akin.
“Para sa’yo ang sulat...” hindi katulad kanina, maamo na ulit ang mukha nito, para bang me nagbago matapos niyang basahin ang sulat, parang nabunutan siya ng tinik sa puso.
Nagtataka kong kinuha ang sulat babasahin ko na sana ito ng bilang me tumawag mula sa loob ng bahay.
“Dennis! Nasan ka ba? Tulungan mo ako dito para makapaghanda na ng tanghalian” boses ito ng babae.
“Sige po Ina!” sagot nito sabay baling ulit sakin. “Pano, tinatawag na ako ni Ina, salamat....” nakangiti nitong paalam at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Dali-dali kong binalikan ang aking bisekleta para umuwi na pero bago ako sumakay dito binasa ko ang huling sulat ni Kuya Jerry.
Parang nawala lahat ng lungkot ko matapos kong basahin ang sulat, napatingin ako sa langit na sa pagkakatong yon ay bughaw na bughaw at sinabing...
“Hindi na ako malungkot, at promise hinding hindi kita makakalimutan, salamat Kuya Jerry...”
.....
Art,
Biba pinangako ko sayo na ipakikilala kita sa taong pinakamamahal ko, ang totoo niyan nakilala mo na silang lahat, si Ina, si Ama, si Jamaila, ang dalawa kong bestfriend, si Edna at si Dennis na hindi mo pa nakikilala kasi me tampuhan pa kami pero umaasa ako na magkakabati din kami dahil mahal na mahal ko iyon.
O, alam kong nakasimangot ka na naman habang binabasa ang sulat kong ito kaya wag ka ng magselos, kasama ka sa mga taong pinakamamahal ko.
Tandaan mo parati na mahal ka ni Kuya, at ako lang dapat ang nagiisang kuya mo ah! Be strong, wag kang pumayag na magpabully sa mga classmates mo sabihin mo isusumbong mo sila sakin.
Hindi na siguro ako magkakaroon ng taong mamahalin kasi sa inyo palang kulang na ang sarili ko, o pano nag dadrama na ako magkikita pa naman tayo.
Nagmamahal,
Kuya Jerry
.....

To be continued

Next Chapter: Art’s Past Part II

13 comments:

  1. Gondo nomon author... next naaah..


    Mike

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Mike, patuloy lang po sa pagsubaybay. ^_^

      Delete
    2. Heavy drama. Naiyak aq. Kudos author. Alam kong madami pang aral ang mabibigay ng kwentong ito. Keep it up po.

      Delete
    3. Maraming salamat! Natutuwa ako dahil nagustuhan mo ang chapter. ^_^

      Delete
  2. Hi Author! Isa eto sa mga stories na inaabangan ko dito sa MSOB. Kaya sana pakibilisan ang update kasi medyo matagal ang installment eh. Sorry ha.. Medyo demanding lang.. He he.. Anway, it's worth the wait naman. Reading this story is like time travelling back to my childhood days during the '90s. Thank you so much for this one. God bless...

    ~ Noe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Noe! Natutuwa naman ako, pasensya na kasi natatagalan talaga pag-gawa dahil sa episodic nature ng per chapter pero promise to give you guys quality story every chapters. God Bless.

      Delete
  3. Maganda ang umpisa....Thanks you so muchd Mr Author....you made my day...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alfred you also made my day, maraming salamat ^_^

      Delete
  4. Anlupit! Mala- "mike juha" ka po author. Anggaling mo. Ganda ng kwento. How I wish na sana once or twice a week k sna mag post ng chapters. Kaabang-abang kasi. Almost perfect na maliban sa konting typo errors. Khit hndi nman msyadong nakaapekto sa daloy ng story eh mas maganda prin kng mkakabasa kami ng akda na tlgang sinuri at pinaglaanan ng oras at talento. Mahosay! Mahosay! ^_^

    -Vin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Vin, humihingi ako ng paumanhin sa mga typo errors, gusto ko din sanang weekly pero hindi kaya ng schedule dahil sa episodic nature ng story pero rest assured na monthly maglalabas ako ng bagong chapter ^_^

      Delete
  5. Isa pa itong naglaho na. Kauumpisa pa lang wala nang update. Sana ginawa na lang short story.

    ReplyDelete
  6. Teaser pa lang, hindi na nasundan! So Funny, Ha-ha-ha!! (LOL)

    ReplyDelete
  7. Ano nang nangyari dito! Hanggang intoduction lang!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails