Followers

Sunday, January 5, 2014

A Dilemma of Love 31 (Mga Katwiran at mga Damdamin) at Mga ‘Dilemma’ ng ‘A Dilemma of Love’ 4

Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------
Mga Dilemma ng ‘A Dilemma of Love’ 4
  1. Nabanggit ko dati na hinalaw ko ang title nito sa isang article na ang pangalan ay ‘A Lover’s Dilemma’. Parte ng article na iyon ay tungkol sa ‘reciprocity ng love’. Kailangan mo bang mag-expect ng pag-ibig mula sa pag-ibig na ibinigay mo? Paano daw kapag mahal mo ang isang tao pero hindi ka niya mahal, anong mangyayari sa love na ‘yun?
Hindi ko man sinasadya pero nagalaw ko ng kaunti ang ganoong dimension, sa pamamagitan ng limang kasunduan. It wasn’t certain from the start kung mahal ni Chong si Alfonse, at ang tanging nasabi niya ay gusto niya at may mahalagang parte si Fonse sa puso niya. Ang sabi rin ni Alfonse, gusto niya si Chong, though naging vocal siya sa mahal daw niya si Chong later on, na kadalasang isinasawalang bahala lang ni Chong (As if buhay talaga ‘yung mga characters ano, pagbigyan niyo na ako…XD). Sa pamamagitan ng limang kasunduan, walang makukuhang kahit ano si Fonse mula kay Chong. Maski emotional return, wala rin, at least physical manifestations ng emotional return (halik, yakap, sex). Gusto ni Chong si Alfonse, but in his own terms, at hindi niya maibigay ng buo ang hinihingi ni Fonse. Mahal ni Fonse si Chong pero hindi niya alam kung mahal talaga siya nito. Sila pero parang hindi. Hindi sila pero parang sila.
  1. Balik tayo sa pagiging mapalabok ng kwentong ito. Narealize ko na isa rin sa mga nagpapahaba sa kwentong ito eh ‘yung justifications ng actions ng mga bida. Kung paano sila napunta doon? Bakit ganito ‘yung naging reaction ni Chong? Kung bakit may dalang chainsaw si Chong, at kung ano-ano pa? Kailangan kong gawin ‘yun kasi, in the first place sinusubukan kong gawing logical ang character ni Chong.  Dapat lahat ng bagay may pinagmulan, may pundasyon sa kwento, kasi isa ‘yun ang isa sa pilosopiya ni Chong, na may pinagmulan at may ibig sabihin ang lahat ng bagay, kung lilimiing mabuti lahat ng sinasabi niya.
  2. Bukod sa justifications, Korean-TV style writing, detailed gestures, intentional dangling thoughts at opium na hinihithit ng author, isa rin sa mga naghaba ng kwento ay ang mga nakatagong bagay na may ibig sabihin (ayokong tawaging simbolismo – masyadong pa-deep...XD) at mga foreshadowing devices. Iisa-isahin ko...XD
  3. Umpisahan natin sa mga nakatagong bagay na may ibig sabihin…XD Una na dito ‘yung trivia book ni Chong na naging simbolo ng pagmamahalan daw nila ni Fonse. Bukod doon, it signifies the logical and FACTUAL nature of Chong (Pero inamin niyang ‘yung triviang nakahighlight sa libro ay huwad, another thing to think about…). Pangalawa ‘yung magnet na regalo ni Chong sa second monthsary nila, na bulgar na sa mismong chapter ang ibig sabihin. Actually maski ‘yung chicken roll na paborito ni Chong may ibig sabihin…XD Joke lang.
  4. Isa pa eh ‘yung kwintas na ipinagawa ni Fonse para kay Chong at ‘yung engagement ring ni Mylene at ni Fonse. The ring is a conventional token of love, isang bagay na nakasanayan na at ginagawa ng lahat ng ikinakasal. Some sort of dictated by the people around us. Pero kapag isinuot mo ang kwintas at ang singsing, ano ang mas malapit sa puso? Ano o (sino) ang mas malapit sa puso ni Fonse? (Oha, oha…XD)
  5. Isa pang lagi kong ineexplain sa mga chapters eh ‘yung sunset, lalo na kapag date ni Chong at Fonse. Balak ko lang talagang idescribe ang sunset sa unang date nila, it gives the atmosphere of romanticism kasi eh. Pero may naisip akong iba. Simula nun, kada may sweet na bagay na nangyayari kila Chong at Fonse, lagi ko ng idinedescribe ‘yung sunset. Nung una nilang date (Chapter 17), maliwanag pang sunset at wala pang makitang mga bituin. Nung nadako sila sa Manila Bay at nagpakain ng mga bata’t niyakap ni Fonse si Chong (Chapter 21), mas madilim na sunset na maorange-orange ang idinescribe ko. Nung nag-away sila dahil sa sarili nilang mga kagaguhan at nung nagkabati sila’t nagholding hands (Chapter 23), mamula-mula na ‘yung langit at mas maliwanag na ang mga bituin. Nung nagdate sila sa Enchanted Kingdom (Chapter 24), gabi na, bituin at buwan na lang ang makikita sa langit.
The day symbolizes Chong while the night is Fonse. Nung una magkasama sila’t lamang ang araw (Chong). Then unti-unti na ring kinain ng gabi (Fonse) ang liwanag. Hanggang sa tuluyang mag-gabi (pananaig ng gusto ni Fonse sa relasyon nila ni Chong).
The day also symbolizes Chong’s clarity and sensical, untrusting and cynical perception of his relationship with Fonse. Habang lalo silang nagkakalapit, papalubog ng papalubog ang araw at lumilitaw ang mga bituin.
Nang malaman ni Alfonse ang engagement niya, dinescribe kong natatakpan ng maiitim at makakapal na ulap ang langit, covering the stars.




---------------------------------------------------------------------

"How about my heart?" asked the Tin Woodman.
"Why, as for that," answered Oz, "I think you are wrong to have a heart. It makes most people unhappy."
-The Wonderful Wizard of Oz, L. Frank Baum

----------------------------------------------------------------------


Payapa silang umupo sa isang bench sa labas ng ospital.
Huminga ng mataimtim si Chong, at saka ngumiti. “Wala ka bang itatanong sa akin?”
Lalong dumilim ang kalangitan. Nakakubli ang buwan at maski isang bituin ay walang masilayan. Ang mga puno sa kanilang paligid ay malayang nakikisayaw sa saliw ng marahas na hampas ng hangin. Nagbabadya ng unos, nagbabanta ng luha.
Nakatingin sa kawalan si Alfonse. Nakasandal siya sa upuang kahoy.  Ang kanyang mga mata’y malamlam. Tiningnan niya ang katabing walang bakas ng kalungkutan ang mga mata. “Those eyes, why are they smiling?”
Ang ngiti ni Chong ay sinuklian niya ng ngiting puno ng pait.
Tumingin si Chong sa madilim na langit. “We perceive things differently. Sa mga nasa tuyong lupa, saya ang dala ng mga maiitim na mga ulap. Sa ibang dumaranas ng pagsubok, walang ibang dala ang mga ito kundi ulan at lungkot.”
Ngumisi si Fonse. “Yeah, tama. Minsan ‘yung mga bagay na akala mong nakapagpapasaya sa’yo, eh isang laro lang pala para sa iba…” Nabasag ang kanyang tinig. Tumingala rin siya sa langit, tila pinipigilan ang kanyang mga luha. “…then, if they are not smiling, sabihin mo naman sa akin kung anong sinasabi ng mga mata mo…”
Itinuon ni Chong ang kanyang mga mata kay Alfonse. Nagtama ang kanilang mga tingin. Ang mga mata ni Chong ay puno ng hindi maipaliwanag na kinang. Ang mga mata ni Alfonse ay puspos ng lungkot, pangamba, at walang kasiguraduhan.
“Sabihin mo sa’kin…” Nagsusumamo ang tinig ni Fonse. “Please…”
Inilihis ni Chong ang kanyang tingin ng nakangiti. “I, myself, don’t know what does it mean. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, o kung ano ang dapat kong maramdaman…”
“Well,” Si Alfonse naman ang huminga ng malalim. Hindi niya alintana ang mga pasa niya sa mukha. “…iibahin ko ‘yung tanong, sa dalawang taon na naging tayo, minahal mo ba talaga ako?”
Nilingon siya ni Chong. Hindi ikinubli ng madilim na gabi ang malayang pag-agos ng mga luha sa pisngi ni Alfonse.
“…or at least, kahit ‘yung sinabi mo man lang sa Pangasinan nung naging tayo na may espesyal akong parte sa puso mo, totoo naman ‘diba?”       
Tinitigan lamang siya ni Chong.
“Kaya ba lahat ng paglalambing ko sa’yo eh balewala lang, kasi niloloko mo lang ako? ‘Yung mga regalo kong tinatapon-tapon mo na sabi mong ayaw mo lang na magkaroon ng utang na loob, hindi naman 'diba? Kasi tatanggap ka lang naman talaga ng mga regalo mula sa mga taong mahal mo…” Hindi maiwasang mapayuko ni Alfonse. “Kaya ba may limang kondisyon, kasi, sa loob ng dalawang taon…” Pagkatapos ng ilang pagtulo ng mga luha’y tumingala siya.
Hindi niya tuluyang mabigkas ang mga salitang iyon. Ang sagot ni Chong ay kinatatakutan niyang marinig.
“…kasi…pinaglalaruan mo lang ako?”
Ibinaling ni Fonse ang tingin sa katabi. Wala siyang narinig at naaninag na kahit ano mula kay Chong. Nakatingin lamang itong tuwid, nakatuon ang mga mata sa kawalan.
“Kailangan ko pa bang magtanong, o hindi ko lang tanggap ang sagot?” Tiningnan niya sa mata si Chong. “Pero hindi eh, bakit ganoon? Naging malambing ka rin naman sa kin di’ba? Alam ko nung una malamig ka sa akin, pero habang tumatagal alam ko minahal mo na rin ako. ‘Yung mga yakap mo, ‘yung mga ngiti mo? Minsan halaklak pa nga. ‘Yung mga pagpisil mo sa kamay ko kapag naghoholding hands tayo, totoo naman lahat ‘yun diba? Imposibleng arte ‘yun. Totoo naman diba?”
Nanatiling nakatulala si Chong na tila nag-iisip.
“Sagutin mo naman ako…” Muli’y pumatak ang luha ni Alfonse. “Kahit na ‘di totoo, papaniwalain mo man lang akong totoo lahat.” Desperado ang tinig at mga titig niya. “Kahit kaunti, minahal mo naman ako di’ba?”
Dumampi sa kanilang mga balat ang hampas ng hangin. Napakalakas. Napakalamig.
“Kung sasabihin ko bang oo, papayag ka ng pakasalan si Mylene?” Nagbaba ng tingin si Chong, kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat.
Kumunot ang noo ni Fonse. Kagat-kagat niya ang kanyang labing tila nanginginig. “…Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako ipagtutulukan sa iba…” Tila isa siyang batang tinakasan ng pagmamahal.
Walang naging sagot si Chong.
“Alam ko na ‘yung tungkol sa recording. Nakaipit dun sa notebook na ipinahiram mo sa akin…” Pinunasan ni Fonse ang kanyang mga luha. “…alam ko na lahat…”
Walang nabakas na reaksiyon sa mukha ni Chong.
“Hindi ka man lang ba mag-eexplain?” Dinig ang nagtatagong galit sa tinig ni Fonse.
Muling ngumiti si Chong. “There’s nothing to explain…”
Walang anumang damdamin ang kanyang tinig.
“Ganoon na lang ‘yun? Kung para sa iyo wala, para sa akin, marami. Sa loob ng dalawang taon, bakit? Lahat ng bagay na gusto mo ginawa ko, nagmukha akong tanga sa pagsunod sa limang kondisyon mo. Tapos, there’s nothing to explain? Ganoon na lang ba kadali iyon?” Unti-unting nawala ang pagtitimpi ni Alfonse.
Nakakunot ang mga kilay na tiningnan ni Chong ang katabi. Malamlam ang kanyang mga mata. “Magiging madali ang lahat kung magpapakasal ka kay Mylene…”
Natigilan si Fonse sa kanyang narinig. Kinuyom niya ang kanyang palad. Sa kanyang basang mga mata’y tumulo ang isang luha. “Ang sama mo Chong, wala kang puso…”
“You’re the first to say that…” Ngumiting napakatamis si Chong. “I believe the people around me don’t have the courage to say that in my face…” Kaagad ding pumanaw sa kanyang mukha ang saya.
Napangisi si Fonse, mapangutyang ngisi.
“Tama ka, napakasama kong tao. Nasaktan kita hindi ba? Gumanti ka sa akin. Saktan mo rin ako.” Ang tinig ni Chong ay sa isang taong patay.
Tiningnan lamang ng buong pagtataka ni Fonse ang katabi. Ang kanyang namumugtong mga mata’y hindi naging tabing upang makita niya ang malinaw na pahiwatig ng mga mata ni Chong: pag-aalala.
“Magpakasal ka kay Mylene.”
“Naririnig mo bang sinasabi mo!” Lumakas ang tinig ni Fonse. Isang pigil na hiyaw, mula sa puso’y isang sigaw. Tuluyang nabasag ang kanyang tinig. “Paano mo nagagawang saktan ako ng paulit-ulit? Hindi pa ba sapat sa’yong halos isampal mong kalokohan lang ang pagsasama natin ng dalawang taon?”
Bumagsak ang mga balikat ni Chong. “At anong gusto mong sabihin ko sa’yo? Na nananiginip ka lamang at pagkagising mo’y maglalaho na lamang na parang bulang inatake sa puso ang tatay mo’t nasa panganib ang lahat ng pinagpaguran niya? Na kakayanin mo lahat ng problemang ito kahit na wala kang gawin at manatili kang nagmumukmok dahil sa niloko kita? Gusto mo ba, ayain kitang magtanan at takasan ang lahat ng problema? Sa tingin mo ba gagana ang lahat ng iyan?” Malambing ang kanyang tinig, ang kanyang karakas ay sa isang taong desperado.
Sinulyapan lamang siya ni Alfonse ng patigilid habang patuloy na lumuluha, nagmamaka-awa, nagsusumamo, tila gustong tumakas.
Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Chong, kasabay ng kanyang pagtingala sa langit. “Fonse, hindi mga sikat na telenobela ang buhay natin. At mas lalong hindi tayo mga tauhan sa isang romantic love story na pwede paikot-ikutin ng author ang kwento para lang magkaroon ang bawat isa sa atin ng happy ending. Inaasahan mo bang kapag umalis ka’t bumalik, babalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari? Kapag tinakasan mo ang lahat ng ito, wala kang kahit isang taong pwedeng asahan na mag-aayos ng gusot na ginawa mo. Hindi na lang kusang tutubo ang 'Happily Ever After' na parang kabute.  ‘Yung mga ganyan, nangyayari lang sa mga bestseller na mga nobela’t pocketbooks…”
“At anong iniisip mo?” Naihampas ni Fonse ang kanyang kamay sa kahoy na upuan. “Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”
Sandaling tumigil si Chong, at humingang marahan, buong paggalang at buong pag-iingat. Hinawakan niya ang kamay ni Fonse na nangingig, pinisil niya itong napaka-ingat. “Pakasalan mo si Mylene…”
Tumindi ang pagtangis ni Alfonse. Ang galit sa kanyang mukha’y napalitan ng hinagpis.
“…Yun lang ang pwede mong gawin…” Puspos ng pakiki-usap na sabi ni Chong.
“HINDI KO GAGAWIN ‘YUN! HINDI KO SIYA MAHAL! WALANG KASALANG MAGAGANAP!” Marahas na inalis ni Fonse ang kanyang kamay sa upuan. Umugong sa paligid ang kanyang sigaw at tinalikuran niya si Chong. “Ikaw… kahit na parang wala lang sa’yo lahat, ikaw ang mahal ko…” Bumaba ang kanyang tinig, kasabay ng pagsapo ng mga palad niya sa kanyang mukha.
“Fonse, aanhin mo ang pagmamahal kung ganito ang nangyayari?” Nag-aalangang lumapit si Chong. Hinawakan niya sa balikat si Alfonse. Ramdam niya ang kapagurang taglay ng lalaking katabi, nananamlay at pinanawan ng pag-asa. “Walang magagawa ang sinasabi mong pag-ibig, lalo na ang pag-iibigan ng dalawang lalaki. Hindi mo man mahal si Mylene pero ‘yun lang ang solusyon. Hindi mapipigilan ng tunay mong pag-ibig ang pagbagsak ng kumpanya niyo. Ang kasal sa inyo’y hindi simbolo ng pag-ibig, kontrata ito sa inyo…”
Nanatiling tahimik si Fonse at humikhikbi, maski ang kanyang mga kamay ay basa na rin ng kanyang mga luha.
Huminga siyang malalim, at saka tinangkang iharap sa kanya si Alfonse. Dahan-dahan itong humarap sa kanya, nang may tinging puno ng luha, karakas ng isang batang walang depensa, salamin ng lungkot. Hinakawang mabuti ni Chong ang kamay ni Fonse, hinaplos-haplos, puno ng pag-iingat at pagmamahal, at saka ito inihilig sa kanyang kanlungan.
“Hindi ko gustong lokohin ka. Hindi ko gustong guluhin ang isip mo, at mas lalong hindi ko gustong saktan ka. Ang tanging gusto ko lang ay tulungan ka…” Walang tono ng pagpapaliwanag sa pagsambit ni Chong, mas nangingibabaw dito ang pagmamakaawa at pag-aalala.
Tiningnang mabuti ni Alfonse ang kaharap, ang nakakunot na mga kilay ni Chong, parang sa isang magulang na pinapangaralan ng tapat ang anak, at ang mga bilugang mata nitong nagiging malinaw ang ipinapahiwatig. Sa isip niya’y sinamsam niya ang mukha ng lalaking alam niyang minahal niya’t minamahal niya hanggang ngayon.
Nababatid ni Fonse na maaring sa ilalim ng maitim na langit ang huli nilang pagkikita ni Chong.
“…hindi ako makakatulong sa’yo kung sasabihin kong ipaglaban mo ang gusto mo. Maski sa sarili ko hindi ko alam kung makakaya kong gawin ‘yun. Hindi laging tama ang gusto natin, Alfonse, hindi laging tama. Ang tanging gusto lamang natin ay pansariling kaligayahan, kung gugustuhin man nating maging maligaya ang iba, ito’y pangalawa lamang. Pero hindi natin naiisip na ang pansariling kaligayahan na gusto natin ay mararamdaman lamang natin sa piling ng ibang isinasawalang bahala lamang natin…” Inilapit niya ang kanyang ulo sa nakayukong si Fonse.
“Hindi ko lang gustong maging masaya, ang gusto ko maging masaya kasama ka. Ang gusto ko maging masaya ka kasama ako. Ang gusto ko maging masaya tayong dalawa!” Tumigil ang pagluha ni Alfonse. Tila naibsan ng pasakit ang kanyang mukha’t lumakas ang kanyang tinig.
Nagtama ang kanilang mga tingin at tila tumigil ang oras. Ilang sandali’y natauhan si Fonse at yumuko. “…pero, hindi pala ‘yun ang gusto mo…”
“Kahit na gusto ko o hindi, hindi ka pa natatakot sa mga sinasabi mo?” Maski tinig si Chong ay lumakas, ngunit nananatiling mapagkumbaba at payapa. “Gusto mong maging masaya kasama ako? Paano ang pamilya mo? Paano ang nanay mo, ang tatay mo, si Fred? Sa tingin mo magiging masaya sila habang nagpapakasaya ka kasama ako?”
“Maiintindihan nila…” Tumigas ang pananalita ni Alfonse. “Kung mahal talaga nila ako, maiintindihan nila kung ano ang gusto ko. Kung makikita lang nilang totoo ‘yung ginagawa ko at nararamdaman ko sa’yo, alam ko malalaman nilang hindi ako nagkamali…”
Pumikit si Chong at humingang payapa. “Oo, maiintindihan nila pagkatapos mapunta sa pamumuno ng iba ang conglomerate niyo at maging empleyado kayo sa sarili niyong kumpanya. Maiintindihan nila habang nililimi ng tatay mo kung paanong nawala sa inyo lahat ang pinaghirapan niya ng dahil sa mahal ka nila at pag-intindi sa mga gusto mo…” Huminga siyang malalim. “At walang kasiguraduhan ‘yang lahat ng iyan, maski ang sinasabi mong maiintindihan ka nila. Dahil habang unti-unting nawawala lahat ng yaman niyo, mas lalong humihigpit ang kapit nila sa dahilang hindi ka nagpakasal sa babaeng dapat ay naging dahilan ng pananatili ng tinatamasa niyo, dahil umibig ka sa kapwa mo lalaki. Kasusuklaman at kagagalitan ka nila, hindi ka nila papatawarin hanggang sa nakaratay na lamang silang naghihingalo sa kama…
 “O, sige… Matatanggap ng mga magulang mo lahat…” Unti-unting nababahiran ng sarkasmo ang tinig ni Chong. “Iisipin ng tatay mong mababawi niya ang anumang kanya. Pero sa tingin mo ganoon lang kadali iyon? Paano kung mas umunlad ang kumpanya niyo sa pamumuno nung bagong luklok? Paano kung mas lalong yumaman ang shareholders niyo dahil sa bagong pamumuno? Tandaan mo, lugmok ngayon ang kumpanya niyo. Kapag nangyari iyon, sa tingin mo mananatili sa kung nasaan ang tatay mo ngayon, dahil sa pagkaka-ibigan at for old times’ sake? Hindi. Aanhin nila ‘yang ang loyalty at friendship kung unti-unting nauubos ang kaban ng yaman nila…
“At anong naiisip mong solusyon? Na magmatigas at sundin ang isinisigaw ng puso mo, dahil maiintindihan rin nila? Anong pake nila sa’yo Alfonse, ha? Anong paki nila na sinusundan mo lamang ang tibok ng puso mo at ang kasiyahan mo? Wala silang pakialam sa lahat ng iyan. Hindi nila maiintindihan na pare-pareho lamang kayong sinusundan ang gusto niyo sa buhay. Ang tanging panghahawakan lang nila ay IKAW ang naging dahilan ng pagkabawas ng kayaman nila. Ikaw ang sisihin nila dahil makasarili sila…”
Nanatiling nakayuko si Alfonse at hindi umiimik. Magkahawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay.
“At ngayon sinasabi mo na ayaw mong magpakasal at gusto mong sundin ang isinisigaw ng puso mo? Hindi mo ba narerealize na nagiging makasarili ka, at hindi ka ba kinikilabutan na nagiging katulad ka ng mga ganid niyong kasosyong walang ibang iniisip kundi pera…”
“Hindi kami magkapareho…” Unti-unting nababalot ng galit na sambit ni Fonse. “…sila, ang gusto lang nila pera, at wala akong pake doon. Ang gusto ko makasama ka!”
“Parehas lang kayo ng gusto, ang kamtan ang lahat ng gusto niyo ng umaasa sa iba pero walang paki-alam sa kanila. Pagkatapos ng lahat at pakinabanagan niyo ang isa’t isa, aasta kayong parang hindi magkakakilala. Parehas lang kayong nagmamahal, sila, sa mga barya’t mga papel na mahalaga sa kanila pero walang saysay sa’yo, ikaw, sa isang kapwa mo lalaki walang saysay sa kanila pero mahalaga sa’yo…” sabi ni Chong.
“Edi dapat mas naiintindihan nila…” Hinarap ni Fonse ang katabi. Wala ng luha ang kanyang mga mata. Tila lumiwanag ang kanyang mukha’t mga mata. “…minsan eh nagmahal na rin sila, sa asawa, sa anak, sa mga kapatid. Maiintindihan nila na nagmamahal lang rin ako, alam nila kung anong nararamdaman ko’t malalaman nilang sinusundan ko lang ang gusto ko…”
“Nagmamahal?” Tila nawalan ng lakas si Chong. “Ganyan ba para sa iyo ang pagmamahal, ang unahin ang sariling kapakanan at isantabi ang iba? Oo, lahat kayo nagmamahal. ‘Yung mga kasosyo niyo’y nagpapakahirap na kumita ng pera para sa kapakanan ng mga mahal nila sa buhay hanggang dumating sila sa puntong pera na ang mahalin nila’t kalimutan ang pinakarason kung bakit nais nila ng pera. Si Ronnie na tinitiis lahat ng kabaklaan natin para hindi ka lang masaktan at patuloy siyang magkatrabaho, para sa mga mahal niya sa buhay. Si Manang Elsa na tinitiis at pinapasan lahat ng kapalaluan mo para lang patuloy na kumita sa anak niyang bakla. At lahat ng mga katu…”
“WALA AKONG PAKI-ALAM SA KANILA!!!” sigaw ni Alfonse. “Ikaw ang inaalala ko, ikaw ang iniisip ko dahil MAHAL kita!!!”
Natigilan si Chong. Unti-unting lumuwag ang kanyang kamay ng nakakuyom. Nakabuka lamang ang kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang namumula ng mukha ng katabi. Humihingal si Alfonse.
“Kung gayon, sinasabi mo bang hindi mo inaalala ang mga magulang mo, hindi mo sila iniisip, at hindi mo sila mahal?” Kumalma ang tinig ni Chong. Muling nanumbalik ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Si Alfonse naman ang natigilan, tila nahimasmasan at nalimi ang mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig.
“Isipin mo rin sila. Wala silang hinangad kundi ang ikabubuti mo. Kaya nila ginagawa ang lahat ng ito para sa sarili mong kapakanan. Ipinagkasundo ka nila para magkaroon ng asawang maipagmamalaki mo, na mabibigyan ka ng mga anak, ng isang pamilyang uuwian mo ng masaya. Kaya nila ginawa ‘yun para lalong umunlad ang kumpanya niyo, lalo itong kumita at lumago na pagdating ng panahon ay walang ibang magmamana kundi kayo…”
“Pero hindi ‘yun ang gusto ko…” hinaing ni Fonse, muli’y nabasag ang kanyang tinig. “Hindi ko hiningi sa kanilang gawin nila lahat iyon. Gusto ko lang makasama ang taong mahal ko.”
“Sa parehong paraan na hindi nila gustong maghirap, dahil mahal ka rin nila…”
Itinaas ni Fonse ang kanyang tingin at nagitla siya sa nakita. Namumuo sa mga mata si Chong ang mga luha, at ang mukha niya ay bakas ng panghihina.
“Ang pag-ibig ay pag-intindi, Alfonse…” Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mata. “…pag-intinding hindi lamang ikaw ang may kakayahang umibig, at pag-intinding ang kaligayahan natin ay nakatali sa kaligayahan ng iba. Ang umibig ay umintindi…”
Pinunasan ni Chong ang basang pisngi ni Fonse.
“Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko…” Hinawakan ni Fonse ang kamay ni Chong na nakadantay sa kanyang pisngi.
“Alam kong alam mo ang dapat mong gawin at hindi ka takot.” Madaling natuyo ang mata ni Chong. “Kaso ay gusto mong makuha ang lahat ng gusto mo… at hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Pero imposible ‘yun Alfonse, kahit kailan ay hindi pwede ‘yun…”
“Pinapipili mo ba ako?” Unti-unti na ring natutuyo ang mga luha ni Alfonse.
“Isipin mo ang lahat ng hirap ng nanay mo. Siguro hindi talaga siya ang nag-aalaga sa inyo, dahil may yaya kayo, pero isipin mo lahat ng pag-aalala niya sa’yo, nung unang beses kang na-ospital, lahat ng tuwa niya, lalo na nung grumadweyt kang Salutatorian, o ‘di kaya nung una mong nasambit ang salitang ‘Mama’, lahat ng plano niya sa’yo, na magkaroon ka ng maganda, maginhawa at masayang bukas…
“Isipin mo ang tatay mo. Isipin mo lahat ng pagod at puyat niya upang hindi bumagsak ang kumpanya niyo. Isipin mo lahat ng pagsasakrispisyo niya, lalo na kapag may mga meetings at inaantok na siya. ‘Diba nasabi mo minsan na joker ang tatay mo? Isipin mo lahat ng mga biro niya, kahit na halata sa mukha niya ang pagod. Isipin mo ang pagmamahal niya sa iyong hinding-hindi mo masusukat o maikukumpara sa pag-iibigan ng dalawang tao. Dahil doon nagawa niyang makisama sa nanay mong ipinagkasundo rin sa kanya.
Hinagkan ni Chong si Alfonse.
“Hindi kita pinapipili at hindi mo kailangang pumili. Pumipili ka lamang kung mayroong pagpipilian…” Hinaplos-haplos ng kamay ni Chong ang likod ni Fonse. “Napakaswerte mo, puno ka ng pagmamahal na hinahanap mo. Ang kailangan mo lang ay maghanap at buksan ang isip mo…”
Inihilig ni Fonse ang kanyang ulo sa balikat ni Chong, tila ayaw na niyang kumalas mula dito. “Pero…” Natigilan siya. Hindi niya alam kung itutuloy ang sinasabi. “…paano ka?” Muli’y nababasa ng luha ang kanyang mga mata.
Narinig marahang halakhak ni Chong. “Tae ka ba, niloko nga kita ‘diba, tapos ngayon tatanungin mo ang taong lumoko sa’yo kung paano na siya? Hindi mo ako kailangan isipin… Ah sige, para para maging madali ang lahat, isipin mong ako ang kontrabida sa buhay mo. At syempre lagi talagang natatalo sa dulo ang mga kontrabida. Hindi mo ako iimbitahan sa kasal mo pero pupunta ako. Mula sa malayo, manonood ako habang hinahalikan mo ‘yung asawa mo. Makakaramdam ako ng sakit, pagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sa’yo at luluha ako…” Muli’y narinig ni Fonse ang marahang ngiti ng kayakap. Ramdam niyang totoo ang mga iyon. “’Diba, ang sarap na paghihiganti non…”
Pumatak ang luha ni Fonse sa likod ni Chong.
“Goodness, stop the drama, para tayong mga bata.” Bumilis ang haplos sa likod ni Fonse. “Eh ang ganda kaya ni Mylene, nakita ko sa diyaryo. Eh ako nga itong bakla eh nagagandahan pa sa ilang babae to the point na minsan eh natutulala ako, tapos ikaw kung maka-iyak parang sa pangit na babae ka ikakasal. Eh gusto mo rin naman si Mylene ‘diba?” Alam ni Fonse na sa kabila ng kanyang mga luha’y nakangiti si Chong.
“Pero may isa akong hiling…”
Nanatiling nakayakap si Alfonse. Tahimik niyang sinamsam ang yakap ni Chong. “Ano ‘yun…”
“Pwedeng ibigay mo sa muna sa akin ‘yung trivia book, ‘yung may trivia about sa hormones…”
Hindi sumagot si Alfonse. Hinigpitan niya ang yakap kay Chong.
Dahan-dahang binuksan ni Alfonse ang pinto. Gayunpama’y lumikha ito ng ingay pumukaw sa kanyang kuyang si Carlitos.
“Fonse…” Inilayo ni Carlitos sa kanyang tainga ang kanyang cellphone. Ang kanyang mukha’y halatang sa isang dismayado.
Lumakad lamang ng diretso si Alfonse, walang bahid ng anumang emosyon ang kanyang mukha. Maingat ang kanyang bawat hakbang, para siyang lumulutang. Sa kama’y nakita niyang nakaratay ang kanyang ama, mahimbing na natutulog. O kung hindi ma’y ‘yun ang gusto niyang isipin.
“Fonse…” Lumapit siya sa kapatid. “Totoo ba? Totoo bang bakla ka?”
Natigil si Alfonse sa kanyang mga hakbang.
Kagat ni Carlitos ang kanyang mga labi. “Alfonse, kailangan mong pakasalan si Mylene… Masamang lagay ng kumpanya. ‘Wag ka ng dumagdag…”
Muling inihakbang ni Alfonse ang kanyang mga paa.
“Maya’t maya ang tawag ng shareholder’s. Hindi daw sila sigurado sa magiging lagay bukas. Fonse, pakasalan mo si Mylene, saka lang matatahimik ‘yung mga tarantadong ‘yun…”
Ramdam ni Alfonse ang panlalamig ng kanyang kalamnang kanina pa niya nadarama mula ng maghiwalay sila ni Chong.
“FONSE!” Pigil ang sigaw ni Carlitos.

Narating ni Fonse ang kama ng ama. Pinagmasdan niya ang mukha nito, puno ng pasakit at pagod. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.
------------------------------------------------
Last TWO chapters! (At last...XD)

14 comments:

  1. How sad.. Why is it so painful to love? Even my heart is crying in this chapter.. Brilliant chapter author..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why is it so painful to love? Bakit nga ba? XD

      Delete
  2. Bkt ganyan c Chong...


    #rukiya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napa-isip ako sa comment mo...XD

      Delete
  3. AHHHHH!!! ang ganda talaga ng kwentong ito :) nakakiyak... T_T

    ReplyDelete
  4. dooonnneeee!!!

    cant.wait.to.read.the.last.two.chapters...:D

    -Kio

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kio, pasensiya na, gusto kong mag-sorry...

      Delete
  5. Happy ending is iideal. Pero kailangan natin maging realistic....OGLUM

    ReplyDelete
  6. Gondo! I admire chong so much siguro ganun talaga nuh di lahat ng bagay ni ginusto natin makukuha natin mahal din naman ni chong si fonse pero alam nia yung consequences na mangyayari when it comes to love your willing to sacrifice everything you have pero hindi din tama na maraming mawawala sa mga taong mahal mo dahil lang gusto mong sumaya life is so good to be true talaga! Kudos to sir galing dito ko naramdaman yung character ni chong i wonder kung paano ba talaga buhay nia?? Hhe superb!! Cant wait sa last chapters at sana may epilogue. 😊😊 God bless you.. ☺️☺️☺️

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala na 'tong epilogue, hanggang Chapter 35 na lang... Wala naman kasing prologue...XD

      Delete
  7. Bakit ba napakakumplikado ng pag-ibig? Di ba pwedeng mahal kita, mahal mo ako, tapos ang usapan. I can relate to fonse's character. I cant be chong. He is too understanding and open-minded. Im not. XD it made me realize many things. Menalipo, di talaga siya happy ending?

    -james santillan

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails