Followers

Tuesday, January 21, 2014

KUNDIMAN: A Seafarer's Love 11 - 15


Chapter 11


Keith



Nagulat ako sa tapik ni Cadet Jason sa tagiliran ko dahil nga nasa 20th floor ba kami. Natulala pala ako sa pag alala sa matamis-pait kong kahapon kasama ang bestfriend/lover/hater kong si Zander. Ubod na gulo kasi ang storya namin. Nakangisi ito pero nababasa ko rito ang malungkot mapait na nararanasan. Masaya naman ako sa piling niya dahil kahit papaano ay nakikinig siya sa akin. Pagkapasok namin sa room ay agad siyang tumawag sa Nanay niya.


"Ma, nakapasok na po ako sa Condo! Grabe sa kaelegantehan at kasosyalan pala ng mga ganito. Balang araw titira rin tayo rito kasama nina Kevin at Milton tsaka ni Grace ko", saad nito. Nahinto naman ako sa sinabi niyang "Grace ko". 

Straight nga siya at inosente. Naala ko tuloy noong kabataan ko. Inosente, walang muwang at masaya. Doon na rin nabuo ang isip ko na hindi nga siya ang lumapit sa akin. Iba lang ang paper na nakuha ko kahapon sa office. Gayunpaman, hindi ako nagsisi dahil nagkaroon ako ng kaibigan at makakausap. 

Sabi ko nga naging hindi ako palakibo simula ng maaksidente ako last year. 

At puro flirt at one night stand lang at walang commitment sa kahit sino. 

Ayon na lang sa mga nakalalapit sa akin, marahil ito ay dahil sa aksidente. Nawala kasi ang lahat sa akin ng maaksidente ako. I mean kami. Ako lang ang nakaligtas nang magkaroon ng road accident ang family ko. Kasama sa nasawi ang Mom Dad at kapatid kong babae na si Janice. Sa palagay ko ay kaedaran sana ni Cadet Jason. 

Napaluha ako sa mga naalala ko.

*******

Agad namang nataranta si Cadet at nagpaalam sa magulang sa phone tsaka lumapit sa akin. Naalala ko ang closeness ko sa kapatid kong si Janice. Todo suporta kasi un sa akin at sanggang dikit kami tulad ni Zander. Haay, isa pa sa nagdagdag sa kalungkutan ko sa ngayon.

"Sir, sa tingin ko po may problema po kayo. Magaling po akong makinig, peer counselor po ako sa _________", sabay titig sa akin.

Nabigla ako dahil isa pala siyang scholar. Alam ko ang school na sinasabi niya dahil sa sikat ito at bago tapos may kredibilidad sa pagpapa aral ng mga kadeteng naging mga successful sa larangan ng seafaring. Lalo akong humanga rito dahil sa pag uusap nila ng kanyang nanay. Agad ko namang pinunas ang luha ko at humarap sa kanya.

"Wala, naalala ko kasi yung pamilya ko eh, wala na sila eh", ang tanging nasabi ko bago naupong tuluyan. Nagkuwento ako ng tuluyan sa kanya at halatang nakikinig siya dahil sa kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Mas lalong napako siya sa kunatatayuan niya ng pinagtapat kong bisexual ako. Wala akong narinig sa kanyang panghuhusga pero alam kong medyo nabigla siya sa narinig.

Huminga siya ng malalim at hinimas himas ang likod ko.

"Sir, unang una,wala ako sa lugar upang husgahan kayo. Ang kaligayan ng bawat tao ay nakukuha sa ibat ibang paraan. Ang bawat paraan na iyon ay mahirap makamit maraming sakripisyo at marami kang masasagasan. Pero sana sa mga masagasahan mo ay humingi ka ng paumanhin, kapatawaran at pag unawa",sabi niya.


Chapter 12


Keith



Tuluyan ng nabura sa isipan ko ang pagiging manyak ko sa tingin ko sa kanya dahil napalitan na ito ng paghanga at respeto. Napakalalim ng binitawan niyang salita. Sa puntong iyon, napag isip isip kong ituring siyang parang nakababatang kapatid dahil sa ulila na rin ako. Tutulungan ko siyang umangat sa buhay at gagawin ko siyang inspirasyon upang magbagong buhay. Buo ang isip kong magsimula muli. 

Dahil sa buong pagtanggap niya sa akin. Inamin ko ring di talaga siya ang dapat na nasa harap ko pero nagpapasalamat ako dahil siya ang pinadala ng diyos para sa akin. Natanong ko na rin kung pwede siyang maging isang kaibigan ko. Hindi naman siya tumanggi at binigyan ako ng yakap na very brotherly, assuring as if sasalagin niya lahat ng bala na tatama sa akin. 

Lalo ko pang ikinabigla ng sabihin niya ang lihim niyang phobia. Homophobia. Isang mind state na kung saan natatakot siya sa mga lalaking may certain feature tulad ng mahabang balbas buhok etc. Nabiro ko siyang magpapatubo ako ng balbas pero ngumiti lang ito bilang response. At sinabing parang kuya na nga raw niya ako kaya di na siya matatakot sa akin. Hinugot ko ang phone ko at nag order sa yellow cab ng pizza para may pagsaluhan kaming dalawa. Binuksan ko ang Smart TV ko at inilagay sa Starmovie, at nanood ng pelikula si Cadet Jason. 

"Wi-fi zone dito pwede kang mag internet dito", sabi ko sa pagbasag ng katahimikan naming dalawa. Pagkatapos niyang magconfess tungkol sa phobia niya.


Agad niyang kinuha ang phone niya at inOperate ito.

"Ay low-batt po ako Sir", sabi nito.

"May charger ako jan o kung gusto gamitin mo na lang yung laptop ko. Dun ka sa incognito windows", sagot ko. Nakita ko ang ngiti niya sa sobrang excitement at pagkagalak na pinayagan ko siyang gamitin ang laptop ko. Kaya pagkatapos kong kumuha ng in-can iced coffee ay tinungo ko ang laptop ko at inopen ko ito upang mapahiram si Cadet Jason. Mayamaya pay dumating na ang pizza namin. 

Naglabas naman ako ng beer. Habang kumakain ay nagbukas ako ng topic tungkol sa relationship with same sex at nakinig naman siya. Halatang walang kaalam alam si Cadet Jason na may gantong sexual preference na discreetly gay hindi lang kasi kapareho ng mga loud gays kasi ayaw naming magdamit babae. Na gusto ay maging gwapings at makaakit ng gwapings. Takang taka ito at sabing parehas naman kami ng nararamdaman. Kumislap ang mata ko ng marinig ko ang pahayag niya.

"Ganun po ba yun? Eh kahit na naman po ako nakakaramdam ng paghanga sa lalaki pero hanggang dun lang naman po yun", sagot nito. 

Niloko ko siya kung may experience na siya with sex ngunit namula ito. 

Confirmed virgin pa nga ito. 

Nalasing na rin siguro dahil sumasagot na ito ng confident at di na nahihiya. Tinanong ko siya about kissing. Wala rin siyang naisagot. Kahit pala sa kissing ay wala rin itong alam. Makaporma wagas tapos wala pa lang alam. Niloko ko siya kung gusto niya ng experience sabay tabi sa kanya. Ngunit ng akmang hahalikan ko na ito, ay bumagsak ito sa lap ko. Napangiti nalang akong mag isa.

"Sayang!!!!", sigaw ng demonyong isip ko pero pinalampas ko ito dahil nangako na rin ako na ituturing kong kapatid si Cadet Jason.


Chapter 13

Keith

Nang matumba sa lap ko si Cadet Jason agad na sumagi sa isip kong pagsamantalahan ito pero pinangunahan na ako ng desisyon kong magbago kaya hindi ko na ito tinuloy. Agad agad ko naman siyang inalalayan papunta sa kama ko kung saan pinalitan ko siya ng damit liban sa underwear. Pinunasan ko siya. Talagang nalasing ang kadeteng ito. Napatitig nalang ako sa tent nito habang pinipigilan ang sarili kong pagnasaan ito. 

Kailan nga ba umusbong ang nararamdaman kong ito? 

Noong high school? 

Noong elementary? 

Hindi ko na maalala pa. 

Basta ang alam ko, kung ang tunay na pagmamahal ay iyong handa mo siyang ipaglaban, sanggang dikit kayo, kung anong meron ka ay meron din siya. No secrets. Iyon na yon. Wait, except the last one, naglihim pala ako. Hindi ko kasi inamin sa sarili ko na mahal ko na pala siya noon. Inunahan ako ng takot. Isa pa, Bigla kasi siyang nawala noong malapit na ang graduation nung high school. Hindi man lang nagpaalam. Nasaktan ako at naghanap ng affection ng iba. Lihim na napariwara. 

Naging tuluyan akong bisexual at naging hayok sa laman. Pero lahat ay naging palihim dahil sa iniingatan kong imahe ng amin pamilya na kung hindi militar ay seaman, pawang mga matitinik sa chicks. Ganyan ang naging ako noong nawala ang bestfriend kong si Zander, tuluyan na akong napaluha dahil sumariwa lahat ng sakit at hapdi ng nakaraan. Naalala ko ang bigla niyang pagdating ulit sa buhay ko. That was last last year. Bigla ulit nagliwanag ang buhay ko. Walang nagbago sa samahan namin. Sa tingin ko nga lalo kaming naging sanggang dikit nong time na iyon.

Sabay kami sa lahat. Sinariwa namin ang aming kabataan. Ang paglalaro ng pokemon sa nds na nooy diamond version palang. Pagandahan ng mga nahuling legendaries. Nagtapos rin pala siya sa Pilipinas ng kursong BS MarE pero talagang wala kaming naging komunikasyon dahil na rin sa biglang higpit ng magulang niya sa kaniya. Natanong ko kung bakit pero pinilit niyang ibahin ang topic namin. Kaya hinayaan ko nalang. 

Nalate rin siya ng paggraduate ng college dahil narin sa pag aaral niya sa Australia. 

Sinabi niyang bigla siyang kinuha ng Dad niya sa Austie upang doon mag aral. Nagkaayos na rin pala ang dad at mama niya at napagkasunduan siyang doon mag aral. Pero ng nagcollege na siya ay bumalik siya dito. Natuwa naman ako dahil napadpad siya sa shipping company kung saan ako ngaun nagtratrabaho matapos akong isuggest na mag office nalang. 

Maayos na sana ang lahat kaso, may nangyaring di ko inaasahan, ang makita niya akong may kalaguyong lalaki sa condo ko. Ewan ko noong time na iyon. Dahil sa gusto ng kadeteng iyon na makaakyat, nag offer siya sa akin ng laman at pumayag ako. Pareho naming kilala ni Zander ito. Naging close rin kasi kaming tatlo noon dahil tinulungan ko ito ng nakita namin itong nahagip ng jeep sa may Kalaw.


Dahil siguro sa sakit ng pangyayari sa kanya, Napagtapat niyang mahal na pala niya ako noon pa. Na pareho kami ng nadarama. Pero huli na ang lahat. Inunahan siya ng pandidiri dahil na rin sa nakita niya. That time pasakay na siya sa barkong naka assign na sakyan niya. 

At gustong personal na magpaalam sa akin. Dahil sa pagsabi ko sa pamilya kong kailangan ko ng tulong nila sinama ko sila sa pagrereconcile sana kay Zander. Doon ko rin nalaman na tanggap na ako ng pamilya ko maski si Dad dahil nasabi na ito ni Janice sa kanila.Kahit ang pamilya ni Zander ay ganoon din. Sila pa nga mismo ang nagsabing makipagkasundo ako sa kanya. Ok na sana ang lahat. Pero isang aksidente ang nangyari. Namatay ang pamilya ko kasama ang Mama at Papa(stepdad) ni Zander. 

Dahil sa sakit nito, Tinuloy niya ang pagsakay niya sa barko at hindi na nakupag usap at nagpakita muli sa akin. Dahil doon, naging balisa ako. Sana kung inamin ko lang noon na mahal ko siya di sana walang problema? Walang nangyaring masama. Pero tapos na eh.

Natauhan na lang ako ng magring ang phone ni Jason. Nagflash sa screen nito ang pangalang "Kuya Zander". Ng makita ko iyon, Feeling ko, sinabugan ako ng bomba.


Chapter 14

Zander

Hindi ako mapakali simula ng nagchange course kami. Nilapit ako sa bansa na aking kinalakhan at nagdulot sa akin ng nga matatamis at mapapait na alaala. Pinaabot din sa akin ng aming kapitan na pwede na akong bumaba dahil last week ko na ito. Sakto na raw para di na sayang ang gastos noong nasa Hongkong kami. Pumayag naman ako. Napag isip isip ko rin na hindi lang si Keith ang pwedeng rason ko upang mabuhay. Ang pamilyang naiwan ko sa Pinas. 

Sila Tita Allesandra at mga pinsan kong sina Milton, Kevin at Jason. Lalo na si Jason. Idol ako nun lalo noong magcollege ako sa kanilang lugar. Habulin kasi ako ng chicks at kasama siya lagi sa mga lakad ko. Nabalitaan ko pa na ang loko ay nakapasa sa dream academy ko. Kaya naisip kong tawagan ito ng makababa na ako sa barko. Kukumustahin ko sana siya tungkol sa inApplyan niyang kumpanya. Nagring naman ang phone niya. Nakailang ring ito bago niya ito sinagot. 

Mukhang lasing ang loko dahil pautal utal ito sa pagsasalita. Nasa isang kaibigan daw siya at ipapakilala niya raw ito sa akin. Mas natuwa pa ako ng malaman kong makakasakay na siya. Gusto ko rin siya kasing makaangat sa buhay. Sila na kasi nila tita Alessandra ang naging pamilya ko noong nag aral ako ng college dito sa Pilipinas. Si Tita Alessandra ay pinsan ni Mama motherside. Kaya second degree cousins kami. Magaling ang loko kasi simula noong high school nasa ranking ito kaya noong nakapasa siya akademya, hindi na ako nagtaka pa. Mabait na bata rin ito. Ngayon sa pamilya niya muna ako tutuloy.

Dahil na rin sa andito siya sa Manila, tutuloy muna ako sa inuupahan niya. Dahil Alam kong hindi ko siya makakausap ng maayos dahil sa lasing ito, maghohotel na muna ako at saka na pupunta sa inuupahan niyang lugar. Wala na rin kasi sila Mama at Papa(stepdad ko). Last last year, nadisgrasiya sila dahil sa paghabol sa akin ng nagkaroon kami ng alitan ng bestfriend kong si Keith. Alam kong si Keith lang ang nabuhay sa aksidente. 

At maski siya ay namatayan din ang masakit nun, buong pamilya niya. 

Ang Mom Dad at kapatid nitong si Janice. Pero hindi iyon ang naging dahilan upang kami ay magkareconcile. Hindi na nga siguro pa. Si Dad na lang ang pamilya ko sa ngayon at nasa Australia ito at may ibang pamilya na. May mga kapatid rin akong dalawa kay Dad si Lesther at Mindy pero sa kasamaang palad kila Mama ay wala. Kaya sa uulitin, kila Jason na lang ako muna ako. Tutulungan ko ang mga ito sa buhay kasi kahit papaano ay naging pamilya ko sila. 

Pag kababa ko ng phone ko, tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel malapit sa inuupahan ni Jason. Napasilip rin ako sa relo ko, alas-diyes. Maaga pa kung tutuusin. Pero pagod na ako eh. Pagkagaling ng NAIA, dirediretso ako ng biyahe eh. Andami na palang nagbago sa Pinas, mantakin mo bang si Dating Pangulong Erap ang naging mayor ngayon ng Manila? Tapos may sixth generation na ang PokeMon? Wahehe, makabili nga ng console!!! May mga bagong legendaries. Hindi rin kasi nagbago ang mga hilig ko eh. Simula kay Bulbasaur, hanggang kay Arceus, kumpleto ang pokedex ko wahehe. 

Adik talaga ako sa pokemon simula pa noong kabataan eh. Pagkatapos na pagkatapos ng duty ko sa barko, iyan na rin ang pampalipas oras ko kaya nga mga current events sa Pinas nakaligtaan ko narin eh. Haay buhay, hindi dapat itigil kundiman kayo sa huli mayroon at mayroong darating na para sa iyo.


Chapter 15

Jason

Mag uumaga na nang magising ako. Kinabahan ako ng iba ang suot ko. Agad agad ko namang nakita ang pantalon ko at poloshirt kong nakahanger malapit sa bintana. Nalasing pala ako ng sobra kagabi. Mahina kasi ako sa inuman kaya tumba ako agad. Medyo masakit pa ang ulo ko sa hang over pero, kailangan akong umuwi sa inuupahan ko. Dumating kasi si Kuya Zander na super idol ko. 

Gusto kong ipakita sw kanya na di na ako baduy at alam kong matutuwa iyon. Naaalala ko pa kac noong maaksidente sila Tita Claire at Tito Jimmy last last year. Wala ako noon kasi nasa academy na ako nun pero naiburol sa amin ang Mama at stepdad ni kuya Zander. Hindi naman sinabi pa ni Mama kung bakit basta sabi niya, wala akong dapat problemahin at mag aral lang ng maayos. Simula noon wala na akong narinig na balita kay Kuya. 

Sabi ni Mama bumalik sa Australia pero alam kong bumalik ito sa barko. At tama naman. 

Nasasabik ako sa pagdating nito kasi noong high pa ako noong naghiwalay sila Mama at Papa siya yung tumulong sa pag aaral ko. Idol ko nga iyon eh. Gwapings astig at lapitin ng chicks. Tutularan ko lahat ng ugali niya except the last one kasi may Grace na ako eh at mahal na mahal ko iyon. Tsaka mahilig manlibre iyon! Saktong sakto paubos na ang allowance ko! Ipapakilala ko rin siya kay Sir Keith. Tiyak na magugustahan niya itong si Sir Keith bilabg kaibigan kasi pareho sila ng hilig- pokemon! Andami kayang pikemon features dto sa condo ni Sir Keith. 

Halata na pina personalise niya ito. 

Maski table lamp niya ay si Foongus, adik lang. At napansin ko ring ang boxer na suot ko ngaun ay sina Dialga at Palkia ang print. Adik talaga. Tapos parehas silang mabait. Nang makita ko ang family picture niya sa desk, parang familiar sa akin ang mga mukha rito. Agad namang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Si Sir Keith pala, nakangiti.

"Gising ka na pala, kain na. Day off ko naman eh", sabi nito.

"Thank you po, pero pagkatapos po nito aalis din po ako at susunduin ko yong pinsan ko. Kadarating lang daw niya eh", sagot ko at napansin ko na parang namutla si Sir Keith ng sobra at tila napako sa kinatatayuan nito.

"Bakit po sir? Parang nakakita po kayo ng Multo at namutla kayo?", bawing tanong ko."At saka Sir, magsisimba po ako sa Quiapo bukas. Aanyayahan ko po kayo sana kung pwede", agad kong sabi. 

Tumango naman na wala sa wisyo. Lumabas na rin kami upang magbreakfast. 

Mag aalas siyete na ng makaalis ako kila Sir Keith. 

Pinahiram niya ako ng jeans at t-shirt matapos kong maligo. Dahil sa amoy alak ang mga ito. Dumiretso ako sa elevator upang makaalis. Nagtext naman si Sir Keith ng ingat at pasasalamat sa akin. Sabi rin niya ay sa Lunes mismo ay ang pag aasikaso niya sa mga papeles ko at siguradong by next month makakaalis rin ako. 

Tuwang tuwa talaga ako dahil dito. At tingin ko rin matutuwa si Kuya Zander dahil dito!!! Salamat Lord makakasakay na ako! Pagkababa ko sa building dumiretso ako sa may mga taxi at nagpahatid sa lugar na sinabi ni kuya Zander.

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails