Followers

Thursday, January 23, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 4



After the incident nang pagkaka aksidente nitong si Rusty sa Forecasting Center ay hindi na nagparamdam pa sa kaniya itong si Rex. 

It's a good thing naman ito for Rusty dahil ilang days na hindi pumasok at nangamba ang kaniyang isipan about sa Request Memo na pinapirmahan sa kaniya nitong si Councilor. Ang tanging bilin lamang sa kaniya nitong si Rex ay after their Flag Ceremony next week na lamang niya ito pipirmahan dahil may idinagdag pa siyang mga items sa listahan.

Kahit na ayaw niyang sang-ayunan ito'y batid niyang wala siyang magagawa kaya nama'y pinirmahan na lamang niya ito dahil naRealized niyang baka mapunta lamang siya sa bad side ni Rex at makabangga niya ito dahil sa kaniyang paniniwala't prinsipyo. Alam niyang hindi lamang si Rex ang may pakana nito and who knows ay baka may mga kakuntsaba pa ito na may matataas ding position sa Munisipyo.

Nagpaka Practical na lamang itong si Rusty for his own good at nagdecide na lamang siyang sumakay sa kalokohan ni Councilor.

Kurakot at Kawatan kung maituturing sa kaniyang paningin itong si Rex but because of the incident that happened ay medyo may nakita siyang magandang ugali nitong si Rex especially when they watched the sun rises at Basco Lighthouse.

"There's something in there..." Ang one time na nasambit na lamang ni Rusty nang sumagi sa kaniyang isipan ang gwapong mukha ni Rex.

Hindi lang talaga matukoy nitong si Rusty kung ano nga ba ang heartwarming na nararamdaman niya for Rex pero he's still hoping na mabait talaga but the only problema nga lang ay natatabunan ng pagiging ka-anomalyahan ang buong pagkatao nito.

But sa Guts nitong si Rusty ay naniniwala talaga siyang there's something that wants to shine brightly mula sa pagkatao nitong si Rex. Hindi siya totally naniniwalang masama itong Government Official.

Since kaka-iStart pa lamang niyang makaWork ito kaya nama'y naging kuntento na lamang siyang umaasang unti unti niyang makikita ito good side nitong si Rex sa darating na mga days, weeks, months or even years ng kaniyang pag-Stay sa Batanes.


*******Friday*******

*******At The Basco Municipal Hall********


Good mood na good mood itong si Councilor dahil kakatapos lang niyang iCompute ang kaniyang magiging KickBack sa mga items sa Memo request at ang lalo pa niya ng ikinagagalak talaga'y nagpaUnder na sa kaniya ang bagong DOST PAGASA representative na si Rusty.

Ang akala talaga niya'y makikipagbrasuhan pa siya dito para sumakay ito sa kaniyang kalokohan sa Munisipyo kaya nama'y laking tuwa talaga niya nang makita niyang pinirmahan na nito ang Memo request kaya lamang ay may kinailangan pa siyang idagdag sa mga items.  

Lalo pa siyang natuwa nang walang kahirap-hirap na pumayag naman itong si Rusty na pirmahan muli ang bagong Request Memo sa Monday.

This is a really big deal for Rex dahil nagbubulag bulagan na itong si Rusty at lumagay na ito in his right position na hindi ito magQuestion sa ginagawa niyang pangungurakot.

"Tuloy ang ligaya..." Ang naibulalas na lamang ni Rex sa kaniyang sarili kasabay ng pag-guhit ng isang ngisi sa kaniyang mga labi dahil tiba tiba na naman siya sa palagatasan niyang PAGASA DOST Forecasting Center.

"TOK TOK TOK!" Ang biglang pagkatok sa pintuan ng Office ni Councilor.

"Come in..." Ang mahinahong sambit ni Rex habang itinatabi niya ang hawak hawak niyang edited na Memo Request.

"Hi po Councilor! Lalo po kayong naGwapo!" Ang masayang bungad ng babaeng pumasok sa office na lalo pang nagpaNgiti sa vain na si Rex. 

Musika sa kaniyang mga tainga kapag may nagkakapagsabi sa kaniyang gwapo siya.

"Hi Nhinzy! Anong maipaglilingkod ko sa pinakamagandang babae sa accounting?" Ang mabilis na reply naman kaagad ni Rex sa babae.

"Ang hilig nyo po talagang mambola! Hi hi hi!" Ang malanding hagikhik nang biglang nagBlush na si Nhinzy from Accounting.

"Hindi marunong mag sinungaling ang mga taga Munisipyo ng Basco... Honesty is the best Policy!" Ang sambit naman kaagad ni Rex na lalo pang ikinagiti ni Nhinzy.

"Eto po... Nagluto ang Nanay ko ng Cassava Suman... Para po sa inyo yaan..." Ani ni Nhinzy sabay lagay niya ng 3 pieces ng suman sa ibabaw ng desk ni Rex.

"WOW NAMAN... Thanks... Paborito ko talaga ito... Pakisabi sa Mom mo eh Thank you ha..." Ang sweet na sweet na sambit ni Rex.

"Pwede pong manghingi ng Favor Councilor..." Ang next na sambit ni Nhinzy sa biglang napangiting si Rex.

"Hindi mo na kailangang maglagay sa akin Nhinzy kung manghihingi ka ng Favor... Matulungin ako sa magaganda..." Ang pagyayabang nitong si Rex dahil lampas na sa pinakaMaximum Level ang kaniyang pagkaGood Mood.

"Lalo kayong gwumagwapo talaga Councilor!"

"Alam ko yan! Ha ha ha!" Ang mayabang na sagot naman ni Rex.

"Pakibigay naman po ito dun sa bagong taga DOST PAGASA... Welcome gift ko po sa kaniya..." Ang mabilis na sambit ni Nhinzy sabay lagay niya ng isang malaking plastic bag ng suman sa desk ni Rex.

"Bakit ang dami ng sa kaniya..." Ang nagtatakang tanong kaagad ni Rex habang pinagmamasdan niya ang malaking plastic bag ng Cassava Suman while comparing it sa kaniyang Three Pieces lang.

"Hindi pa nyan nakakatikim si Rusty eh... At saka sawa na naman siguro kayo dyan... Thank You talaga Councilor... Bye..." Ang sweet na sweet na explain naman ng natatawang si Nhinzy at pagkatapos ay kaagad na lumabas na ito sa office ng nakangangang si Councilor.

Parang batang napanguso itong si Rex dahil nakaramdam siya ng kaunting pagseselos at that moment. Nasanay na kasi siyang siya ang Apple of the eye and bini-Baby ng mga Babaeng Municipal Employee.

Batid naman niyang good looking itong si Rusty pero mas naniniwala siyang mas gwapo naman siya talaga kaysa dito.

"Come in..." Ang tinatamad na sambit ni Rex nang may makarinig muli siya ng pagkatok sa labas ng pintuan ng kaniyang office.

"TGIF MY HANDSOME COUNCILOR!!!" Ang masayang pagbati kaagad ni Jai Cyrus from Sanitazion Department na nagpaLift up naman kaagad sa mood nitong si Rex.

"Bakit ba ang gaganda talaga ng mga Empleyado dito..." Ang hindi kumukupas na banat kaagad nitong si Rex na ikinahagikhik ng babae.

"Ansabe mo Councilor... Pakiulet at di ko narinig... Hi hi hi..." Ang malanding pagbibiro naman ni Jai Cyrus.

"Sabi ko eh MAGAGANDA TALAGA ang mga employee ng Munisipyo..."

"EH GWAPO NAMAN KASI ANG COUNCILOR EH!!!" Ang hindi papatalong banat naman ni Jai Cyrus na ikinatawa nilang dalawa.

"Anyways... For you Councilor..." Ang sweet na sweet na sambit ni Jai Cyrus sabay bigay niya ng isang Llanerang Ube Halaya kay Councilor.

"WOW! Thanks..." Ang sambit naman ni Rex dahil paborito din niya ang Ube Halaya.

"Pakiabot din po ito sa bagong DOST PAGASA Rep... I'm sure magugustuhan yan ni Rusty..." Ang mabilis na sambit ni Jai Cyrus sabay bigay niya ng magkakapatong na tatlong Llanera kay Rex.

"Busy kami sa Sanitazion... Mauna na po ako sa inyo Councilor.. Ang gwapo gwapo nyo talaga..." Ang mabilis na next na sinabi ni Jai Cyrus sabay labas niya sa Office ni Rex.

Kung kanina'y humaba ang kaniyang nguso but now ay sinabayan na ito ng paniningkit ng dalawa niyang mga mata't pagkunot ng kaniyang noo habang nakakaramdam siya ng isang nagbabadyang Threat sa kaniyang position na pinakaGwapo sa Munisipyo.

"Buti na lang..." Ang nasambit na lamang ni Rex habang itinatabi niya ang mga kakanin na ibinigay sa kaniya.

Medyo nagLighten up ang parang batang si Rex nang makapagReason out siya na siya pa din ang pinakaGwapo sa Munisipyo since ay nag-iiStay itong si Rusty sa DOST PAGASA Forecasting Center technically.

"Hello Vice..." Kaagad na sinagot ni Rex ang kaniyang phone nang makita niyang lumabas ang number ng kanilang Vice Mayor sa Caller ID.

"Heads up Rex... Bago ang ipapadala ng Commission on Audit sa atin at medyo mapapaaga ang inspection nila..." Ang urgent na sambit ni Vice Mayor na biglang ikinagulat naman ni Rex.

"Nak ng Teteng... Anyare sa dating Rep ng COA at bakit napaaga ang Audit..." Ang naiinis na sambit ni Rex on the other line.

"I don't know pero may inutusan na akong ipaCheck ang background nung bagong taga COA... Babalitaan kita kaagad but for now eh hinay hinay muna tayo sa ginagawa natin..." Ang last na sinambit ni Vice Mayor kay Rex.

Napabugtong hininga na lamang itong si Rex kasabay ng pagbaba ng kaniyang mood dahil isa itong masamang balita para sa kanilang mga bantay salakay sa Munisipyo ng Basco Batanes.

"Haissst... I need to relax..." Ang sigh na lamang ni Rex nang isalampak niya ang kaniyang katawan sa kaniyang swivel chair. Medyo nakakaramdam siya kasi ng Stress kapag iniisip niyang may bago silang auditor.

Kung kailan pa na nagpa-Under na sa kaniya itong si Rusty ay saka namang may bago na namang dadating sa kanilang Munisipyo...

"Bahala na si Vice..." Ang sambit muli ni Rex habang nagdi-Dial siya sa kaniyang mobile phone.

"Hello Irish... Pwede ka bang i-Date tonight..." Ang sweet na sweet na bungad ni Rex nang mag answer na ang kaniyang tinawagan on the other line.

"Naku sweetie... I'm not feeling well at dini-Disminoria kasi ako... Maybe next time Sweetie..." Ang usal kaagad ng babae.

"Sure... Take a good rest Sweetie..." Ang paalam ng napasimangot na si Rex sa babae.

Gusto talagang makapagRelax itong si Rex mamayang gabi kaya nama'y dadaanin na lamang niya ito sa pakikipagdate at pakikipag-Sex...

Muli na namang nagDial itong si Councilor...

"Hi Joyce... Pwede ba kitang ilabas tonight..."

"Naku Honey... Nilalagnat ang Puppy ko at naglalambing sa akin... Ayaw magpaiwan si Curly eh... May be next time na lang Rexie..."

...

...

...

"Hi Karen... Can we go out tonight..."

"I want to kaya lang eh may family dinner kami nina Mommy and Daddy... Next time na lang Darling..."

...

...

...

Ilang babae din ang tinawagan nitong si Rex kaya nga lang ay lahat ay busy at nag-Pass sa kaniyang invitation kaya no choice na itong si Councilor dahil gusto nga talaga niyang makipagDate at kahit hindi na siya makipagSex pa mamayang gabi eh kuntento na siya...

Pikit matang nagsimula na muli itong si Rex na tawagan ang last option niyang mga Girls ng Basco...

...

...

...

"Hi Auring... Pwede ka bang mailabas mamaya..."

"Ay naku Rex... Hindi pupuwede at marami kaming gagawing puto para bukas kaya maglalamay kami sa pagluluto... Sa ibang araw na lang ha..."

...

...

...

"Hi Ising... Labas naman tayo mamaya..."

"Wrong timing ka naman Rex... Maglalagay kami ng Uling sa sako... Maraming nag order kasi at nagpaRush ng delivery bukas..."

...

...

...

"Hi Rosing... Date naman tayo..."

"Pwedeng bukas na lang at kailangan kong matulog ng maaage eh... Magkakadkad kasi ako ng Niyog bukas at maraming nagreRequest kasi sa Carinderia namin ng Ginataan eh..."

Even ang mga Probinsyanang-probinsyanang mga girls nitong si Rex ay busy din kaya nama'y medyo nabaBadtrip na itong si Councilor pero hindi pa din siya nag Give up...

Hindi na ginawa pa nitong si Councilor ang kaniyang work and responsibility sa Munisipyo bagkus ay the whole day siyang nangulit sa kakatawag sa kaniyang mga babae at naghanap ng makakaDate...


*******That Evening*******


Dahil pleasant ang naging weather ng Batanes that day ay maagang sinundo ni Mang Melchor itong si Rusty upang hindi sila abutan ng gabi papauwi. Pagkadating nila sa bahay ay nakaPagrelax pa siya at nakapag take ng Hot Bath kaya nama'y ganadong ganadong nakaupo ngayon sa hapag ng mesa itong si Rusty at naglalaway sa inihahaing Laing ni Ka Leonor...

"Nagmamantika pa!" Ang masayang outburst ni Rusty nang magsimula na siyang kumain.

"Ginawa ko talagang Special yan at nakaraos ka ng matiwasay sa unang linggo mo dito sa amin..." Ang sambit ni Ka Leonor with matching heart warming na pag smile sa binata.

"Lagyan mo ng sili at kaunting bagoong..." Ang sambit naman nitong si Ka Melchor sa kaniya.

"Maraming salamat po talaga..." Ang paulit ulit na sambit ni Rusty habang magana silang nagsasalo-salo ng mag-asawa.

"BLAG!" Ang bigla na lamang pagkalabog ng pintuan na ikinagulat nilang lahat.

"Himala... Napadalawa ka ngayon ah... Di ba Biernes ngayon... Upo na't sumabay ka na sa amin..." Ang pabirong sambit ni Ka Leonor sa anak nang makalapit na ito sa mesa.

"Busog po ako... Kinain ko po yung mga ibinigay sa aking kakanin sa Munisipyo..." Ang sambit na lamang ni Rex at pagkatapos ay naupo na din siya sa hapag.

Tahimik lang itong si Rusty sa mesa dahil pasimple niyang binubusog ang kaniyang mga mata kay Rex. Gwapong gwapo talaga siya kay Councilor lalo na kapag nakasuot ito ng Polo Barong.

"Wala ka bang date ngayon..." Ang sambit naman ni Ka Melchor dahil alam nilang palaging may inilalabas na babae ang kanilang anak every Friday evening.

"Mga busy Tay..." Ang pagmamaktol nitong si Rex.

"Bigay sa'yo nina Nhinzy at Jai Cyrus..." Ang next na matabang na sinabi ni Rex habang iniaabot niya ang malaking plastic bag sa nagulat na si Rusty.

"Sa-salamat..." Ang nauutal na reply naman ni Rusty and just like before ay hindi niya maExplain kung bakit hindi siya makatingin tingin ng direcho kay Rex.

"May gagawin ka ba Iho bukas..." Ang sambit ni Ka Leonor sa anak.

"Wala naman po Nay..."

"Kung gano'n eh ipasyal mo naman itong si Rusty sa Lugar natin..." Ang nakaSmile na ani ni Ka Leonor na biglang ikinaTense nitong si Rusty.

Kaagad namang tahimik na tinignan nitong si Rex si Rusty kaya nama'y lalo pang naConscious ang isa...

"Sige... Kailangan ko ding naman kasing mag unwind eh..." Ang sambit ni Rex after a long silence.

"Matutuwa ka talaga at madaming magagandang pupuwedeng puntahan dito..." Ang masayang ani naman ni Ka Melchor sa nahihiyang si Rusty.

"4:30 am pa lang eh lalakad na tayo..." Ang paalala ni Rex kay Rusty.

"Ba't ang aga!" Ang gulat na tanong ni Rusty.

"Talagang dapat eh maaga..." Ang sambit naman ni Ka Melchor na lalo pang ikinaCurious nitong si Rusty.

"May mga lugar kasi dito na mas magandang puntahan kapag umagang umaga..." Ang explain naman nitong si Ka Leonor.

"Ah... Ganoon po ba..." Ani naman ni Rusty habang naalala niya ang nasaksihan niyang pagsikat ng araw sa Basco Lighthouse.

"See you tomorrow... Nay... Tay... Una na po ako..." Ang paalam ni Rusty sa mesa nang tumayo na ito.

"Teka magdala ka ng Laing..." Ang habol naman nitong si Ka Leonor sa anak.

"Sige po Nay..."

"Rusty... Mag Walking shorts ka na lang bukas para komportable ka at madami dami tayong papasyalan..." Ang last na paalala ni Rex bago ito tuluyan nang umalis pauwi sa kaniyang apartment.

"Kumain ka pa anak para may lakas ka bukas... Siguradong matutuwa ka talaga..." Ang excited na sambit ni Ka Leonor habang nilalagyan pa niya ng mainit na kanin ang plato ni Rusty.

Hindi na umimik pa itong si Rusty habang kumakain dahil nagsimula na naman siyang kuwentuhan ng mag asawa tungkol sa mga lugar na pupuwedeng pagpasyalan nila ni Rex...

Batid din ng binata ang halong halong emotions na nagwawating ngayon sa kaniyang dibdib...

Hindi niya maipaliwanag na sa kabila ng excitement na kaniyang nararamdaman ay nakakaramdam siya ng kaba't pagkahiya due to the fact na mamasyal silang dalawa ng gwapong si Councilor...


*******The Following Day*******


Wala pang 4:30 am ay gising na gising na ang ulirat nitong si Rusty at talaga namang hindi siya magkadaulayaw at masatisfied satisfied sa kaniyang hitsura. Kung pupuwede lamang na magreklamo't umiyak ang salamin sa kakatingin ni Rusty ay gagawin nito.

Nakailang palit na din siya ng get up dahil pakiramdam niya'y kailangan niyang magpaPogi talaga...

Gusto niyang maging presentable sa paningin ni Rex...

"Pwede na siguro ito..." Ang nasambit ni Rusty habang masusi niyang ini-Inspection ang kaniyang reflection sa salamin.

Naka semi fit white hanes lang siya at khaking cargo shorts...

Lalo pang napaDuck face itong si Rusty habang tinitiyak niya sa kaniyang panlasa kung tumiterno nga ba ang kaniyang suot suot na gray and brown combination na Merrell hiking shoes sa kaniyang get up...

"POT POT POT!!!" Walang anu-ano'y narinig na lamang ni Rusty ang malakas na pagbosina ng sasakyan ni Rex na kaagad agad naman niyang ikinataranta.

"SHIT!!!" Ang outburst ni Rusty habang nagmamadali siyang nagpa-final check sa kaniyang get up.

"Rusty... Nandito na si Rex..." Ang malakas na pagtawag ni Ka Melchor mula sa ibaba.

"Andyan na po..." Ang reply naman ni Rusty at pagkatapos ay kagaad siyang last na tumingin sa kaniyang Reflection and then ay lumabas na siya sa room.

...

...

...

"Okay na kami... Sa labas na lang kami magbre breakfast..." Ang sambit ni Rex nang pilit siyang inaabutan ng kaniyang Nanay ng isang supot ng pandesal.

Nakasanayan na din kasing gumising ng mag asawa tuwing madaling araw...

"Baka gustong mag almusal ni Rusty sa sasakyan..." Ang pangungulit muli ni Ka Leonor.

"Ako nang bahala sa kaniya... Pano po... una na po kami... Hindi na din po kami magdiDinner dito..." Ang sambit ni Rex.

"Tara na Rusty..."

"Sige po Nay Leonor... Tay Melchor... Alis na po kami..." Ang paalam naman ni Rusty.

"Ingat kayo..." Ang reply naman ni Ka Melchor sa kaniya.

"INGATAN MO SI RUSTY!!!" Ang malakas na pahabol naman ni Ka Leonor sa kaniyang anak na pinagbubuksan itong si Rusty ng pintuan ng sasakyan.

"Akong bahala..." Ang mayabang na usal naman nitong si Rex sa kaniyang mapag alalang Nanay.


****************


Naging tahimik ang ilang minutong pagbibiyahe nina Rex and Rusty at kahit na medyo'y akward na akward na para kay Rusty ang silence between them ay nanatiling tahimik na lamang siya sa passenger seat at kaniyang itinuon na lamang ang kaniyang attention sa labas ng bintana kahit hindi masyadong aninag ang view dahil hindi pa sumisikat ang araw...

Wala naman kasi siyang maisip na pupuwede niyang sabihin at bukod doo'y natameme siya dahil sa nagmumurang kagwapuhan nitong si Rex kahit na simpleng plain Black Tribal shirt at gray na Cargo shorts lamang ang usot nito...

Kaagad din namang napansin ni Rusty ang suot suot nitong original na Red Low cut Puma Ferrari rubber shoes kaya nama'y mas lalo pa siyang nabilib at naConscious kay Rex...

"Nagandahan ka ba sa sunrise sa Basco Lighthouse..." Ang biglang tanong ni Rex.

Hindi na nakapag Reply pa itong si Rusty bagkus ay tinunguhan na lamang niya' nginitian ang nagdri-Drive na si Rex...

"Mas maganda ang view ng sun rise sa pupuntahan natin..." Ang naka smile na sambit kaagad ni Rex.

"Saan?" Ang hindi mapigilang biglang tanong ni Rusty dahil sa kaniyang excitement.

"SECRET..." Ang ngisi na lamang ni Rex sabay kindat niya sa kasama. Mabuti na lamang ay medyo madilim pa dahil kaagad na nagblush itong si Rusty at nanahimik na lang itong muli sa kaniyang kinauupuan.

"Are you cold..." Ang next na sambit ni Rex nang mapansin niyang hinihimas himas at nakaCross arm itong si Rusty.

"Slight lang..."

"Kunin mo sa backseat ang jacket ko... Suot mo muna..."

"Okay lang ako Rex.."

"I insist..." Ang matigas na sambit ni Rex kaya nama'y kaagad na kinuha ni Rusty ang Jacket sa backseat at sinuot iyon.

"Ha ha ha!!!"

"Bakit ka natatawa?" Ang sambit kaagad ni Rusty.

"MGA POGI LANG MATIBAY SA LAMIG!!!" Ang parang batang outburst ni Rex habang tumatawa.

Insecure pa din siya since yesterday dito kay Rusty...

"Yabang mo..." Ang bulong bulong ni Rusty sa kaniyang sarili for Rex pero talaga namang nag Exert siya ng kaniyang effort para pigilan ang kaniyang pagtawa that time.

May nakita na naman siyang panibagong behaviour ni Councilor na lalong nagpaCute dito...

Kahit na may kaangasan ay nagustuhan iyon ni Rusty...

Unti unting nawala ang pagkaConscious nitong si Rusty nang magsimula nang i-introduce ni Rex sa kaniya ang statistic ng tourism sa Batanes...

"Malayo nga lang sa Manila ang Batanes kaya talagang kailangang magPrepare ng budget ang mga gustong bumisita dito..." Ang proud na proud na sambit ni Rex na masuyong pinakikinggan ni Rusty.

Habang nakikinig naman siya'y kunyari'y seryoso siyang nakatingin sa mukha nitong si Rex but the truth is ay nagpi Fiesta ang kaniyang mga mata sa kagwapuhan ng kaniyang kasama at inaabangan talaga niya ang pag smile ni Rex dahil lumalabas ang malalim nitong cute na dimples...

...

...

...

"Here we are..." Ang sambit ni Rex nang inihinto na niya ang kaniyang kotse. Hindi na namalayan pa ni Rusty kung gaano sila katagal na nagbiyahe at napansin na lamang niyang unti unti nang lumiliwanag ang kapaligiran.

"Baba na tayo para maabutan natin ang sunrise..." Ang parang batang pag aya ni Rex kay Rusty.

"WOW!" Ang tanging naibulalas na lamang ni Rusty habang pinagmamasdan niya ang malawak na green sceneries.

"This is the Vayang Rolling hills..." Ang parang tour guide na sambit naman ni Rex.

"Meron palang ganito dito..." Ang reply naman ni Rusty at hindi na niya mapigilang mapangiti habang nasasaksihan niya ang paggapang ng sikat ng araw at unti unti nitong nilulukuban ang malawak na kabuuan ng Rolling Hills.

Tahimik na nakatayo lamang for ilang minutes itong sina Rusty and Rex overlooking the view...

"Ako na lang kukuha ng picture mo..." Ang sambit ni Rex nang makita niyang ini-re-Ready na ni Rusty ang camera ng phone nito.

Nagpicture picture muna silang dalawa at talaga namang hindi palalagpasin nitong si Rusty na hindi ma iPost sa FB niya ang kaniyang picture na may background ng magandang semi bulubunduking view ng Vayang Rolling Hills...

"Breakfast muna tayo..." Ang nakangiting sambit ni Rex nang maSatisfy na ang mga mata nitong si Rusty sa kanilang unang pinasyalan.

Ilang minutes silang nagBiyahe and then ay nagStop sila sa isa na namang tourist spot...

"This is Vicente Port... Karamihan sa mga buildings dito ay nakatayo na since panahon pa ng Kastila..." Ang sambit ni Rex habang itinuturo niya kay Rusty ang mga lumang building.

"Mamaya ka na kumuha ng Picture at magBreakfast muna tayo..." Ang next na sambit ni Rex sabay hila niya kay Rusty.

Napa-iSmile na naman itong si Rusty dahil para talagang batang proud na proud itong si Rex sa kaniyang hometown.

"My treat..." Ang saway ni Rex nang makita niyang naglabas ng wallet itong si Rusty.

"Ah... Okay.. Marami ka namang pera..." Ang pabirong unconscious na sambit ni Rusty sa bigalang tumawang si Rex.

"Ganoon talaga ang mga gwapo... Tignan mo..." Ang mayabang na Reply naman ni Rex nang sumenyas siya sa waitress ng 24 hours open na Honesty Coffee Shop located in the heart of Vicente Port.

Gusto talaga niyang ipamukha kay Rusty na mas magandang lalake siya kaysa dito...

"On the house na po yan Councilor..." Ang sweet na sweet na sambit naman ng Waitress. Kilala ng mga staff ng Honesty Coffee Shop itong si Rex dahil palagi niyang dinadala ang kaniyang mga ka Date dito.

"Sabi ko sa'yo eh... Iba talaga ang gwapo..." Ang natatawang and mayabang na sambit ni Rex kay Rusty. Napansin din ni Rusty na medyo nagBlush ang waitress.

NagLoosen up na itong si Rusty dahil sa pagkaFree spirited nitong si Rex...

Nakalimutan na niyang boss niya ito at may hawak itong mataas na position sa Munisipyo...

"Kung hindi ka Konsehal dito eh siningil ka na ni Miss Ganda..." Ang banat naman ni Rusty na lalo pang ikinaBlush ng waitress.

"On the house ang breakfast natin kasi na gwa gwapuan sila sa akin..." Ang hindi papatalong sambit naman ni Rex.

"Sa akin kaya sila nagwa gwapuhan diba?" Ang mabilis na sambit ni Rusty sabay tingin niya sa natamemeng waitress.

"Sinong mas Handsome sa amin?" Ani naman ni Rex sa natarantang Waitress.

"Ahm... ahm..." Ang usal ng waitress habang pabaling baling ang kaniyang tingin sa gwapong mukha nina Rex and Rusty.

"It's a tie!" Ang outburst ng waitress at talaga namang uncomfy siya at that moment to choose between the two gentleman.

"Is there anything else Councilor..." Ang next niyang sambit para maiba ang usapan.

"I'm dissapointed talaga... Where's your manager?" Ang naiinis na sambit ni Rex na ikinanganga naman sa pagkabigla ng Waitress.

"Ano ka ba... Sige na ikaw na ang gwapo..." Ang gulat na usal naman ni Rusty kay Rex at talaga namang hindi niya ini-expect na aakto ito ng may pagkaBratinelo.

"Walang bawian yan ha... Ikaw ang witness miss beautiful..." Ang nakaSmile na matagumpay na usal ni Rex sa nakahinga ng maluwag na waitress.

Napailing na lamang itong si Rusty at napatawa tawa...

Totally ay wala na siyang nararamdamang inhibition para kay Rex...

Nag e enjoy na siya sa company nito...

"Let's go na para makarami tayo..." Ang next na sinabi ni Rex nang makaalis na ang waitress.

"Okay..." Ang nakasmile na reply naman nitong si Rusty at talaga namang looking forward siya sa magiging day niya sa pamamasyal sa Batanes with Rex.


****************


Mahigit 30 mins ding nagbiyahe sa bangkang de motor itong sina Rex and Rusty upang lisanin muna nila ang Vicente Port upang puntahan naman ang kalapit na Island ng Basco...

"Pati ba naman dito eh magpi Picture ka..." Ang sambit ni Rex kay Rusty habang nakasakay sila sa boat. Natatawa talaga siya dahil kahit medyo maalon ay hindi pinalagpas nitong si Rusty na makapag Selfie.

"Give me that at baka ka mahulog..." Ang next na sinambit ni Rex sabay kuha niya sa hawak na iPhone nitong si Rusty.

"Smile..." Ang ani ni Rex habang ipino Focus niya ang iPhone kay Rusty. Kahit na medyo nahihiya'y nagsmile itong si Rusty at nagPeace sign.

"Wacky naman..." Ang next na sambit ni Rex.

"Yoko nga... Di ako nagwa Wacky..."

"Sige ako na lang... Ayusan mo ang kuha..." Ang biglang sambit ni Rex sabay balik niya ng iPhone kay Rusty.

"Mukha kang abnormal..." Ang reklamo ni Rusty nang magWacky face na itong si Rex.

"Kaya nga Wacky eh..." Ang explain naman nitong si Rex. Natatawang binilangan na siya ni Rusty at kinunan ng picture.

"Isa pa..." Ang hirit muli ni Rex.

Nakadagdag sa masayang atmosphere between Rex and Rusty ang maligamgam na simoy ng hangin na malamyos na humahampas sa kanilang mga mukha habang umaandar ng mabilis ang kanilang motor boat na kanilang sinasakyan kaya nama'y ganadong ganadong magWacky face itong si Rex...

Masayang kinukuhanan naman nitong si Rusty itong si Rex at talaga namang sinamantala niya ang pagkakataon ito dahil baka hindi na muli pa itong mangyari in the future.

...

...

...

Pagkababang pagkababa lamang nina Rex and Rusty sa Isla ng Sabtang ay kaagad na may lumapit na matandang lalaki sa kanila...

"Magandang araw po Councilor..." Ang bati nito kay Rex.

"Mang Gusting... PaTour  po kami..." Ang cool na cool lang na reply ni Rex sa matandang lalaki.

"Sige po Councilor... Sino po ba ang kasama nyo..."

"Bagong taga DOST PAGASA..."

"May bago na palang taga PAGASA... Eh di tiba tiba na naman tayo n'yan Councilor..." Ang pabirong sambit ni Mang Gusting na ikinatawa naman ni Rusty.

"Shhhh..." Ang natatawang saway kaagad ni Rex sa matandang lalaki.

"Sa tricycle niya tayo sasakay..." Ang explain naman ni Rex kay Rusty habang sumusunod silang dalawa kay Mang Gusting.

"Proud ka ba sa pangungurakot mo..." Ang naitanong ni Rusty kay Rex habang nagbibiyahe ang kanilang tricycle na siansakyan.

"Nope..." Ang sambit lang ni Rex.

"Eh bakit mo ginagawa yun..."

"Personal reason... Huwag na nga nating pag usapan yan at malapit na tayo..." Ang reply na lamang ni Rex sabay kabig niya ng kaniyang hita sa hita ng katabi niyang si Rusty.

Slight na napangiti itong si Rusty dahil nararamdaman niyang wala sa nature nitong si Rex ang manamantala sa mga tao.

"Hinatayin nyo na lang po kami ha..." Ang sambit ni Rex kay Mang Gusting nang makababa na sila mula sa Tricycle nito.

"Welcome to Chavayan Traditional Ivatan Village..." Ang proud na introduction ni Rex kay Rusty nang mabungaran na nila ang entrance ng village na kaagad namang ikinalaki ng dalawang mga mata ng isa.

Hindi magkanda ugaga itong si Rusty sa kakapicture at kakalingon sa mga Vernalcular (architecture concerned with domestic and functional rather than monumental buildings) houses na nasa sa loob ng Chavayan Traditional Village.

Sa internet lamang nakikita nitong si Rusty ang mga ito kaya pakiramdan niya'y napakaSuwerte niyang personal niyang mapupuntahan ito. Lalo pa siyang napamangha nang malaman at makita niyang may talagang naninirhan sa mga lumang bahay na isa sa mga tourist attraction ng Batanes.

"Okay na ba yang mga nakuha mong mga picture..." Ang tanong ni Rex habang pabalik na sila sa kinaroroonan ng tricycle ni Mang Gusting.

"Rex..."

"Ano yun..."

"Thank you ha..."

"Huwag ka munang magThank you at may pupuntahan pa tayo..." Ang nakasmile na sambit ni Rex kay Rusty.

"What I mean is yung pagTreat mo sa akin..."

"Anong Treat... Ire Reimburse ko ito..." Ang pilyong sambit ni Rex at pagkatapos ay napangisi na naman siya nang maisip niyang malaki laki ang ipapatong niyang kick back sa reimbursement niya.

NapaSmile na lamang din itong si Rusty sa ipinakikita nitong si Rex sa kaniya...

Lalo pang gwumapo sa kaniyang paningin itong si Rex kahit na may bahid ito ng ka-anomalyahan sa Munisipyo...


****************


After ng kanilang pagTour sa Chavayan Traditional Ivatan Village ay sunod nilang pinuntahan ang Nakabuang Beach at doon na sila nagspent ng Lunchtime...

Dahil sa sobrang enjoyment at sa pagkabusy sa pagsa-sight seeing itong si Rusty with the company of Rex ay hindi na niya namalayan pa ang pagtakbo ng oras ng araw na iyon...

The whole afternoon nama'y ipinasyal nitong si Rex si Rusty sa Ivatan Fortress at kaniyang ikinuwento dito ang history ng nasabing lugar...

Habang manghang manghang pinagmamasdan ni Rusty ang mga nagtataasang mga pader sa Ivatan Fortress ay intelligently namang ini-explain sa kaniya nitong si Rex na itinayo iyon ng mga Locals to prevent pirates and invaders na makapaminsala sa nasabing lugar...

"This is the best place to watch the sunset..." Ang sambit ni Rex kay Rusty.

Kaagad namang napatingin itong si Rusty sa Horizon at kaniyang nasaksihan ang sinasabi nitong si Rex...

"Upo tayo doon..." Ang aya ni Rex sabay turo niya sa isang mababang wall ng fortress.

Naging tahimik lamang ang dalawa habang nagkukuyakoy silang nakaupo sa edge ng makapal na wall...

"Kainggit naman..." Ang bulalas ni Rex nang mapansin niya ang ilang couples na side to side na nakaupo din sa edge ng wall fortress at pinagmamasdan din ang paglubog ng araw.

"Madame ka namang babae di ba... Ba't ka naiinggit..." Ang nakaSmile na sambit ni Rusty habang tinitignan niya ang nakaFrown na mukha ni Rex.

"OIST... IBA YUN!" Ang defensive na sambit kaagad ni Rex.

"Ansabe mo..."

"Mga ka Date ko lang yun... Wala pa akong nakikitang pupuwede kong isama dito habang nanonood ng sunset..."

"Weh... Wala ka pang dinadalang ka Date dito..." Ang nagtatakang sambit naman ni Rusty na inilingan naman ni Rex.

"Special ang lugar na ito para sa akin..."

"Ha?"

"Sabi kasi ni Tatay eh dito daw sila nagkakilala ni Nanay eh..." Ang parang batang sambit ni Rex habang nakatingin siya sa Sunset.

Hindi maintindihan nitong si Rusty nang biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam ng mga saglit na iyon...

May nadiscover na naman siyang kakaiba kay Rex...

Imbes na sa sunset siya tumingin ay sa mukha ng nakaSmile na si Rex natuon ang kaniyang buong attention...

"Tha't why I made a promise to myself..." Ang kalmadong pagpaptuloy ni Rex.

Nagsimula na ding umihip ang preskong hanging amihan na tila ba sumasabay sa magandang paglubog ng araw...

"What promise..." Ang curious na tanong naman ni Rusty.

"Na isasama ko dito ang babaeng magiging partner ko habang buhay..."

"CORNY MO!" Ang usal nitong si Rusty upang baguhin niya ang mood between them dahil para bang may iba na siyang nararamdaman sa kaniyang puso that time.

Malinaw pa sa sikat ng araw sa wisyo ni Rusty na may slight na pagnanais siyang  nagwi wish na sana'y siya ang tinutukoy ni Rex...

"Inspired talaga ako sa Parents ko..." Ang nakangiting sambit ni Rex.

"Ikaw... Have you found someone na ba..." Ang next na usal ni Rex kay Rusty sabay tingin niya sa mga mata nito.

"Ahm... Ehm... Wala pa eh..." Ang nauutal na sambit ni Rusty.

Si Rusty naman ang tumingin sa sunset habang itong si Rex nama'y nakatingin sa kaniyang mukha...

"Haiiist..." Ang sigh na lamang nitong si Rusty bago siya nagsalita.

"Kahit na hindi ko siya hanapin eh alam ko na namang darating siya sa buhay ko..." Ang sambit ni Rusty na nahawa na din sa mood nitong si Rex.

"You sure..."

"Yup... I'm sure..."

"Goodluck..." Ang mahinang sambit ni Rex at pagkatapos ay sabay silang napa iSmile.

Lalong tumitindi ang mga emotion sa puso nitong si Rusty kasabay ng unti unti nang lumulubog ang araw...

"Kita mo ba yun..." Ang next na sambit ni Rex sabay hawak niya sa balikat ng katabi.

Kaagad na nag init ang dalawang pisngi nitong si Rusty kasabay nang pagpasok ng malakuryenteng nginig sa kaniyang balikat kung nasa saan nakapatong ang kamay ni Rex...

"That's Boulder Beach... Next na natin puntahan iyon..." Ang sambit ni Rex habang itinuturo niya ang isang Island na abot tanaw nilang dalawa sa kanilang kinauupuan.

"FUCK... HUWAG MUNA..." Ang malakas na sigaw ni Rusty sa kaniyang sarili at talaga namang nakakaramdam siya ng paghalukay sa loob ng kaniyang sikmura dahil sa tindi ng dating sa kaniya ng presence nitong si Rex.

"Talaga bang semi long hair ang style mo..." Ang next na narinig ni Rusty from Rex at walang pasabing hinawi nito ang buhok na tumatakip sa kaniyang noo.

"Ah... eh... Yup..." Ang tensyonadong usal naman ng nanliliit na si Rusty.

Kahit na nakatingin siya sa Sunset ay batid and ramdam na ramdam niyang nakaharap ngayon sa kaniya ang katabi niyang si Rex...

"May dimple ka pala..." Ang next usal ni Rex na nagpawating na nang tuluyan sa damdamin ni Rusty.

"NOT NOW PLEASE..." Ang malakas na naipanalangin nitong si Rusty that time dahil pakiramdam niya na malaki ang chance na baka mawalan na naman siya ng ulirat just like the first time that he met Rex.

"Rusty..."

"Ano yun..."

"May dugo ka sa ilong..."

"FUCK!!!" Ang outburst bigla nitong si Rusty at talaga namang napahiya siya sa gwapong si Rex.

"Eto gamitin mo..." Ang concern na concern na pagVolunteer nitong si Rex habang iniaabot niya ang kaniyang Hanky sa nagpa Panic na si Rusty.

"Shit..." Ang usal ni Rusty at talaga namang naliliit na siya ng mga sandaling iyon.

Hiyang hiya na talaga siya kay Rex dahil this is the third time na nakita siya nitong nasa isang akward situation. The first was noong nahimatay siya and the second was the time nang madatnan siya nitong nadadaganan ng Cabinet.

"Excuse me... I'll just answer this..." Ang next na usal ni Rex nang biglang tumunog ang kaniyang phone.

"WHAT???!!! Terror yung bagong taga Comission On Audit..." Ang narinig na lamang ni Rusty from Rex habang nakikipag usap ito sa phone.

"UUNAHING I-AUDIT ANG PAGASA CENTER..." Ang next na sambit ni Rex.

Hindi na kinailangan pa nitong si Rusty ng Above Average na IQ para mabatid ang situation nitong si Rex...

"Kakausapin ko ang bagong rep ng PAGASA... Akong bahala sa kaniya..." Ang muling narinig ni Rusty na usal ng nagpa Panic na si Rex to the otherline.

Kahit na nagNose bleed itong si Rusty ay hindi niya napigilang mapangisi...

That time ay nakaisip kaagad siya ng magandang plano at sure na sure siyang babait itong si Councilor sa kaniya...

Kung dati'y sumakay siya sa Request Memo Anomally nito ay ngayo'y tuwang tuwa itong si Rusty na mababaligtad ang kanilang situation ni Rex.

"Rusty..." Ang napalunok na sambit ni Rex nang mapansin niyang nakangisi sa kaniya itong si Rusty.

Kahit na extra strong ang ginamit ni Rex na anti Perspirant and Deodorant ay nakaramdam siya ng pamamawis sa kaniyang armpit...

Hindi niya maiwasang kabahan dahil sa nakakalokong pagtitig sa kaniya nitong si Rusty...

Alam niyang narinig siya nito at batid na din niyang may idea na itong si Rusty sa kaniyang situation...

"May bagong taga Comission On Audit..." Ang mahinang usal ng kinakabahang si Rex.

"I overheared... I laso heard na uunahing i Audit ang Forecasting Center..." Ang smirk ni Rusty sa lalo pang kinabahang si Rex.

Batid ni Rusty na na nagsisimula na ang pagbaligtad ng kanilang position nitong si Rex at alam niyang pupuwede itong mapaTrouble kapag isinagawa na ang audit sa Forecasting Center...

"Rusty..."

"Ano yun Rex..."

"Bati tayo ha..." Ang childish na sambit ni Rex habang binibigyan niya ng isang kabadong smile ang nakaSmirk at tuwang tuwang si Rusty.

"Oo naman..." Ang pagsisinungaling nitong si Rusty pero deep inside ay nakapagplano na siya upang mabigyan niya ng leksyon itong si Rex na bad ang nangungurakot.

Tanging katahimikan lamang ang namagitan sa dalawa hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw...

Walang kabatid batid itong kabado't pinagpapawisan ng malamig na si Rex at ang masayang si Rusty na nagsisimula na ang bagong chapter ng kanilang mga buhay...

Clueless na clueless ang dalawa na bibigyan sila ng isang pagsubok ng mapaglarong tadhana na kinakailangan nilang haraping magkasama...

Alam ng tadhana na ito ang lalo pang magpapalapit kina Rex and Rusty sa isa't isa...






To Be Continued

28 comments:

  1. Embedded Music comes from Whitney Houston's
    I Wanna Dance With Somebody

    Punta na tayo sa Batanes!

    Gudorning senyong lahat and Regards senyong mga Pamili ! ! ! INGATZ

    NaUpdate na pala ni Ponse ang JUNIOR HIGH!
    Just click the title below to read the story:

    Ang Ampon Ni Mang Renante 2

    ReplyDelete
  2. Astig talaga

    Boholano blogger

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to Meet you Kuyang Boholano Blogger! :))

      Tenchu sa pagbasa't pag iwan ng comment!

      TC PALAGE!

      Delete
  3. Replies
    1. Ang aga namang gumising ni Kuya Philip! :))

      TC Palage!

      Delete
  4. Replies
    1. Hello Kuya Ebenezer :))

      Tenchu po sa pagbasa't pagComment! Nice to meet you po!

      See you sa next part!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
  5. kahit maraming naka line-up na babasahin at binabasa ko na stories uunahin ko pa rin itong wholesome mo kuya ponse ;) pali muna ko ng panty at napkin..char! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huwag ka na lang kaya magpanty at Napkin Kuya Michael :)) LOL!

      Delete
  6. I hope sana hangang last chapters ma sustained ung sweetness ng 2 R nato ^__^
    More sweet chapters plsss

    One day makaka punta rin ako sa Batanes whahaha

    ReplyDelete
  7. More sweet chapters plsss....
    Wholesome at funny ang dating nito...Sarap Basahin !
    Thanks Kuya Ponse

    Someday makaka punta rin ako sa Batanes !

    ReplyDelete
  8. I hope sana hangang last chapters ma sustained ung sweetness ng 2 R nato ^__^
    More sweet chapters plsss

    One day makaka punta rin ako sa Batanes whahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. MagStart ka nang mag ipon Kuya Raffy para makalipad ka na papuntang Batanes this Summer! :))

      Delete
  9. Oh wanna dance with somebody! hahahaha!

    O loko ka Rex..pakabait kang mabuti..

    Thanks Kuya Ponse! enjoy na enjoy ko ang background music! love iiittt! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang din yang si Whitney Houston Kuya Riley -__-

      nag adik adik kasi!

      One of my favorite din na singer siya :))

      Delete
  10. 3rd time reading for the day..... Sana lng for a good cause yang pangurakot mo Rex.....ala Robinhood.... kung ang personal reason is a selfish one...... di na me pupunta ng Batanes.....hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Patryck talaga! :)) Asa pa kayo ni Rusty na mabaet yang si Rex :))

      LOL!

      Delete
  11. nako baka si COA commissioner Heidi Mendoza ang mag au-audit patay ka jan Rex dapat pakabait ka kat Rusty ng di ka nya ilaglag hehehhe

    ReplyDelete
  12. aw... hahaha baligtad na sitwasyon :))

    anu bang maitim na balak ni rusty? :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll give a hint sa FB Lawfer! :))

      Delete
  13. nice episode... hahahahaha.. bakit naman dumudugo ilong niya sa tense??? in-love na in-love lang rusty ah... hmmmmm.. napasaya mo ang gabi ko dito sa office... keep it up ponse! the best!

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's Ponse's pleasure na mapangiti ka Kuya Arejay! Sana huwag kang magsawa sa mga ka-Adikan ng Kuya mo ha! :))

      TC PALAGE!

      Delete
  14. Isa lang ang masasabi ko


    <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eto lang din ang masasabi ko Mr. Frostking!

      X O X O

      Delete
  15. Nice chapter mister author.

    ReplyDelete
  16. interesting... hmm... i think, i gonna read this...by the way, i'm from batanes

    ReplyDelete
  17. Kanina ko pa binabasa toh mula chapter 1 plano ko tapusin agad lahat ganda kase ,interesting and nakakaaliw basahin di boring

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails