Followers

Tuesday, January 28, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 5




*******Monday Morning*******
Suot suot na ni Rusty ang kaniyang bagong Polo Barong at Slacks na personal na inihatid pa sa bahay nina Ka Melchor ng mananahing pinagpapatahian ng mga uniforms ng Munisipyo for their employees. Maganda ang pagkakatabas at pagkakagawa ng uniform ni Rusty at higit sa lahat ay tamang tama lamang ang pagka Fit nito sa kaniya kaya nama'y gwapong gwapo siya sa paningin ng mga babaeng Municipal Employees.
"Bagay na bagay talaga sa iyo yang uniform!" Ang panglalandi kay Rusty ni Nhinzy from Accounting.
"Oo nga!" Ang ani naman ni Jai Cyrus from Sanitation department habang hinihimas himas niya ang manggas ng Polo Barong ng nakaiSmile na si Rusty.
Nginingitian na lamang ni Rusty ang mga ito at talaga namang Flattered na flattered siya sa mga papuri ng dalawang magagandang mga dalaga.
"Bagay din sa iyo yang shades mo!" Ang dagdag pa ni Nhinzy kay Rusty.
"EHEM!!!" Ang biglang ubo ni Councilor mula sa kanilang likuran na ikinatigil naman kaagad nina Nhinzy and Jai Cyrus.
Nakapila ulit sila sa Municipal Grounds para sa ginagawa nilang Flag Ceremony every Monday Morning sa Munisipyo.
"Can you remove your glasses please." Ang seryosong sambit ni Rex sa nakaShades na si Rusty.
"Bawal po ba Councilor?" Ang tanong naman kaagad ni Rusty.
"Kaya nga pinapatanggal ko sa iyo." Ang masungit na reply naman ni Councilor.
"Eh bakit po kayo nakaShades Councilor?" Ang puna naman ni Nhinzy kay Rex.
"Ako lang ang pupuwedeng magShades kapag flag ceremony." Ang explain lamang ni Rex na ikinahagikhik nina Nhinzy and Jai Cyrus.
"Tanggalin mo na yang Shades mo." Ang serious na ulit muli ni Rex kay Rusty.
"Sorry po..." Ang mahinang sambit na lamang ni Rusty at kahit na ayaw niyang hubarin ang shades niya'y wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang kay Councilor.
"ANYARE?!" Ang gulat na tanong kaagad ng dalawang dalaga nang makita nila ang dalawang mga naglalalimang mga eyebags ni Rusty.
"Hindi ako nakatulog kagabi."
"Umayos na kayo." Ang ang authorative na utos naman ni Rex sa tatlo at pagkatapos ay naglakad na siyang muli upang ipagpatuloy ang kaniyang pag i inspect sa iba pang mga employees before their flag ceremony.
"Kahit may Eyebags ka eh gwapo ka pa din." Ang sambit nina Nhinzy and Jai Cyrus sa nahihiyang si Rusty.
Pilit na tinatakpan nitong si Rusty ng kaniyang semi long hair ang kaniyang mga Panda Eyes at talaga namang pagkagising na pagkagising niya kanina'y prino problema na niya ito.
Hindi kasi nakatulog talaga itong si Rusty kagabi dahil pabalik balik lang sa kaniyang mga ala-ala ang kanilang pamamasyal ni Rex kagahapon.
Not only that...
Pinagmumuni munihan ni Rusty kagabi ang 'Something' na naramdaman niya when he's with the company of Rex...
Slight lang naman iyon at kahit na ayaw mang tanggapin ni Rusty sa kaniyang sarili ay mas maliwanag pa sa pagsikat ng araw na aminado siyang attracted siya kay Rex.
Another reason din na nagka eyebag itong si Rusty ay excited na excited siya sa nalaman niyang may Audit ang COA sa Munisipyo at itong Office ni Rex at ang DOST PAGASA Basco Center ang uunahin...
"May I have all of your attention please." Ang sambit ni Rex sa microphone upang pukawin ang attention ng lahat.
Finished na itong nakaShades na si Councilor sa kaniyang pag-i-Inspection...
Kaagad na napansin ni Rusty ang isang punggok na matabang babaeng kulot na nasa sa tabi ngayon ni Rex.
"Makakasama natin this morning sa Flag Ceremony ang bagong representative ng Commission On Audit." Ang next na masayang sambit ni Rex sa Microphone habang iprini-Present niya sa lahat ang katabi niyang matabang babae.
"No other than Mrs. Belinda Ella Flores..." Ang next na sambit ni Councilor sa microphone.
Napansin kaagad nitong si Rusty na hindi man lamang ngumiti ang COA Representative or nagbigay ng kaniyang acknowledgement sa sinabi ni Councilor...
"Kahapon pa pala dumating dito sa atin si Mrs. Flores kaya let's give her our warm welcome!" Ang next na sambit ni Rex at pagkatapos ay pumalakpak siya na sinundan naman ng lahat ng mga nakahanay na Municipal Employees.
Wala pa ding reaction itong Auditor na si Mrs. Flores...
"Would you like to say something to the Employees Ma'am Belinda?" Ang muling usal ni Rex Addressing the New COA Representative.
"MADAM BELLA!" Ang masungit na reply naman ni Mrs. Flores na umabot sa microphone na hawak ni Rex na nagpakilabot sa lahat nang marinig nila ito from the speaker.
"Call me Madam Bella!" Ang masungit na pag ulit muli nito kay Rex.
"And I have nothing to say. Proceed with the Flag Ceremony!" Ang dagdag pa nito.
"O-o-okay..." Ang nauutal na reply naman ni Rex na narinig din sa Speaker.
Halos magtinginan ang lahat ng Employees na nakapila na tila nabigla sa kasungitan ni Madam Bella sa kanilang gwapong gwapong Councilor...
Tanging si Rusty lamang ang may ngisi sa kaniyang mga labi at nag iEnjoy ito sa nangyayari kay Rex.
"Let's start our Flag Ceremony please..." Ang utos ni Rex sa maintainance.
"CAN YOU GIVE SOME LITTLE RESPECT TO THE PHILIPPINE FLAG!" Ang sambit bigla ni Madam Flores.
"Ansabe nyo po Madam Bella..." Ang gulat na nasambit ni Rex.
"Tanggalin mo yang salamin mo at magbigay galang ka sa Flag Ceremony...
Ke aga aga eh nakaShades ka!" Ang masungit and dire direchong sambit ni Madam Bella.
Tense na tense itong si Rex that time at nawala na sa kaniyang isipang i-Off ang microphone kaya nama'y dinig na dinig ng lahat ang panenermon sa kaniya nitong si Madam Bella.
"GIVE ME THAT!" Ang next na utos ni Madam Bella habang hinihingi niya ang suot suot na shades ni Rex.
Just like Rusty ay parang batang napilitang hubarin ni Rex ang kaniyang Shades at ibinigay kaagad niya ito kay Madam Bella...
Feeling ni niya'y isa siyang estudyanteng na kinompiskahan ng isang masungit na Principal...
Hiyang hiya talaga itong si Rex nang mga sandaling iyon at nakayukong tumabi na siya kay Madam Bella para sa gagawing Flag Ceremony...
Habang tumutugtog ang National Anthem ay nakakarinig itong si Rusty ng paghagikhik mula kina Nhinzy and Jai Cyrus...
Hindi na din napigilan nitong si Rusty na mapangiti habang tinitignan niya ang nakatayong si Councilor...
Hindi na din niya ikinubli ang kaniyang smirk nang makita niyang tinignan siya ng masama nitong si Rex...
Tuwang tuwa talaga itong si Rusty dahil pakiramdam niyang nakabawi na siya sa pangbu-Bully sa kaniya kanina nitong si Rex...
During the Flag Ceremony ay aliw na aliw talaga si Rusty na tignan ang maiitim at malalalim na ilalim ng dalawang mga mata ni Rex na tantiya niyang mas malaki at malala pa kaysa sa kaniyang eyebags...
Mestizo kasi itong si Rex at maputi kaya nama'y kahit na nasa sa malayo ay kapansin pansin ang Panda Eyes nito...
Hindi din kasi nakatulog itong si Rex kagabi dahil kinakabahan siya ng bigtime kakaisip sa bagong auditor na ipinadala ng Commision On Audit sa kanilang Munisipyo.

*******At The Office Of Councilor Alexander 'Rex' Alcazar*******

Naging tahimik lang itong si Rusty habang nag uusap sina Councilor and Madam Bella...
Tanging si Rex lamang itong nagsasalita at pansin ni Rusty na parang ini X-ray ito ng mga mata ni Madam Bella...
"I can't wait to show you some of our local restaurants here. I know that you'll be enjoying your stay here." Ang nakaSmile na pagpapaCharming ni Rex.
"... ... ..." Wala pa ding reply itong si Madam Bella.
"Coffee... Tea... Iced Tea...?" Ang next na alok ni Rex ngunit wala pa ding reply ito sa kaniya.
"We could go out and have some breakfast..." Ang next na sambit ni Rex sabay tingin niya ng malagkit at pagbibigay ng matamis na ngiti kay Madam Bella.
Halatang halata ni Rusty na nagpapa pansin itong si Councilor...
"COUNCILOR!!!" Ang bigla bigla na lamang na bungad ni Madam Bella na ikinagulat naman ng dalawa.
"I want to do rightaway what I need to do here para matapos ko na at marami pa akong trabaho! Hindi lang kayo ang Munisipyong handle ko!" Ang masungit na sambit ni Madam Bella.
"Sayang naman po ang pagpunta nyo dito kung hindi po kayo magto tour dito" Ang next na banat ni Rex.
"I can always come back here with my family to have a vacation! Trabaho ang pinunta ko dito!"
"Alam ko pong pagod kayo sa biyahe at may ipinahanda po kaming relaxation for you today sa isang famous well known SPA dito. Bukas na po kayo mag audit para makapag relax po kayo." Ang pagpapaCharming ni Rex.
"I want to start now! Give me all of these papers!" Ang matigas na sambit ni Madam Bella sabay lagpak niya ng isang piece of paper sa desk ni Councilor.
"Ahm... Eh... Ahm..." Ang usal ni Rex habang binabasa niya ang nakasaad sa papel.
"Ipapa Prepare ko pa po ito sa Secretary ko and bukas na bukas po maibibigay ito sa inyo..." Ang sunod na explain ni Rex pero ang totoo'y pinapa-edit at pinababawasan na niya ang mga figures and numbers sa mga nasabing papeles sa list para maging malinis and hindi magkaroon ng duda ang bagong taga COA.
"No need to prepare that! Just give me all what I need to check."
"Baka maguluhan po kayo Madam Bella."
"Sa tagal ko ng nagtratrabaho sa COA eh maguguluhan pa ba ako?!"
"Nag-aalala lang naman po ako eh."
"Hindi ka mag aalala kung wala ka namang dapat ipag-alala sa gagawin kong Audit!" Ang mas masungit na Reply kaagad ni Madam Bella.
"Meron ba akong makikitang kaduda-duda sa Office mo?!" Ang straight to the point na next na sinambit ni Madam Bella sa natamemeng si Rex.
Tama pala ang sinabi kagabi sa kaniya ng kanilang Vice Mayor na Terror ang bagong Representative ng COA...
"By the way po pala, Let me introduce to you Rusty. He's the new DOST PAGASA Representative." Ang mabilis na pagChange of topic naman ni Rex habang sinesenyasan niya itong si Rusty na lumapit sa kaniyang Desk.
Medyo napaatras din itong si Rusty nang pagtuunan siya ng tingin ng masungit na si Madam Bella pero binalewala lang niya ang nararamdaman niyang panlalamig habang tahimik siyang ini-inspection nito from head to toe...
"Good Morning..." Ang magalang na sambit ni Rusty.
"... ... ..." Walang ini-reply itong si Madam Bella habang binibigyan siya ni Rusty ng isang heart warming na smile.
"Why don't we tour you first on our Municipal Hall before everything else." Ang pagpaparamdam na namang muli nitong si Rex.
"Di ba sinabi ko sa iyo na kailangan ko na ang mga papers na hinihingi ko..." Ang mabilis na resbak naman ni Madam Bella.
"And bakit kayo may mga Eyebags?" Ang next na puna niya kina Rex and then kay Rusty.
"Dahil po sa inyo." Ang sarcastic na bulong ni Rex.
"ANSABE MO?"
"Dahil po sa pagbisita nyo po sa amin at talagang we're honored by your visit in our humble Municipality kaya po kami naglamay kagabi to make sure na magiging memorable ang pagbisita po ninyo sa Batanes." Ang mabilis na pagbawi ni Rex.
Pilit na pinipigilan talagang tumawa nitong si Rusty nang mga sandaling iyon dahil sa pag-i-effort ni Rex na ma-iStall ang gagawing Audit ni Madam Bella...
"I - NEED - TO - DO - WHAT- I - CAME - HERE - TO - DO !" Ang mabagal na pag emphasize muli ni Madam Bella sa bugbog saradong si Rex.
Slight na naawa naman itong si Rusty sa parang batang nasermunang Councilor...
"Hindi pa po ready yung mga papers..." Ang nahihiyang sambit naman ni Rex.
"Kung hindi pa ready eh I shall use what I have here." Ang sambit ni Madam Bella sabay labas niya sa kaniyang shoulder bag ng isang folder.
"Do you know what's this... Hmmmm..." Ang may tonong tanong niya kay Rex.
"Ahm... I don't..." Ang sambit ni Rex habang kinukutuban na siya sa hawak hawak na mga papeles ng kaharap.
"Well, Ito lang naman ang mga previous statement of account ng DOST PAGASA ng Region na ito..." Ang nakangiting sambit lang ni Madam Bella na ikinalunok ng laway ni Rex.
Kahit na extra strong ang ginamit na anti perspirant and Deodorant ni Rex ay nakaramdam siya ng unti unting pagpapawis sa kaniyang mga armpits...
"Where did you get that..." Ang kinakabahang sambit ni Rex.
"Well, I took the time to get this in our archives before I flew here." Ang nakasmile pa ding reply ni Madam Bella.
Pansin ni Rusty na nag iEnjoy itong si Madam Bella sa pang-to-Torture kay Rex...
Hindi niya maiwasang mag alala for Rex dahil pakiramdam niyang seryoso sa gagawin niyang Audit si Madam Bella...
"If the papers isn't ready yet eh I will consider a tour..." Ang sweet na sweet na sambit ni Madam Bella.
"TALAGA PO!" Ani ni Rex na parang nakaJackpot sa Lotto.
May balak kasi itong si Rex na iBribe ang bagong tagaCOA habang ipinapasyal niya ito sa Batanes...
"Indeed! With this Gentleman here!" Ang mabilis na usal kaagad ni Rusty sabay hawak niya sa isang braso ng nabiglang si Rusty.
"I want to visit your DOST PAGASA Forecasting Center so that I can see if all the Items in this Liquidation form is in there..." Ang next na sabi ni Madam Bella na ikinaputla na nang tuluyan ni Rex.
"Sure..." Ang masayang sambit naman ni Rusty habang nginingitian niya itong si Madam Bella.
"Lagot ka!" Ang isip isip ni Rusty nang tinignan niya at nginisian ang kabadong si Rex.
"Ihatid mo muna ako Iho sa CR at I need to freshen up before we go..."
"Sige po Madam Bella..." Ang mabait na sambit ni Rusty sabay labas nila sa office.
Hinintay muna ni Rex na lumipas ang one minute at pagkatapos ay kaagad siyang lumabas na din sa kaniyang office at mabilis na sinundan kaagad itong sina Rusty and Madam Bella...
"Rusty..." Ang sambit ni Rex nang makita niyang nakatayo't naghihintay sa labas ng Girl's CR itong si Rusty.
"Yes Councilor..." Ang malokong ngisi naman ni Rusty.
"Ganito ang sasabihin mo kay Madam Bella..." Ang nagmamadali't nagpapanic na pagsisimula ni Rex.
"Teka lang..."
"Anong teka lang?"
"Alam ko ang sasabihin ko sa kaniya..."
"Anong sasabihin mo?" Ang lalo pang nag aalalang si Rex.
Kasabay ng lalo pang pagtamis ng mga ngiti ni Rusty ay kitang kita niya ang pagtulo ng malalaking butil na pawis sa noo ng kaniyang kausap...
"Eh di yung totoo..." Ang smart ass answer ng nang aasar na si Rusty na ikinaFrown naman ni Rex.
Just like what he expected ay nabaligtad na ang kanilang situation at ito ng si Rusty ang may upperhand kay Rex...
"Is he bothering you Iho..." Ang biglang sambit ni Madam Bella nang makalabas na ito sa CR.
"Hindi po Madam Bella."
"Ihahatid ko na po kayo sa Forecasting Center." Ang alok kaagad ni Rex.
"Sure." Ang sambit naman ni Madam Bella at kaagad na umalis na itong si Rex para mauna nang lumabas sa Munisipyo't kunin ang kaniyang kotse.
"I change my mind. Let's go to your Center kung paano ka pumupunta doon..." Ang usal ni Madam Bella nang makaalis na si Rex.
"Inihahatid lang po ako ng tricycle eh..."
"Okay lang yun! Let's go na iho." Ang sambit ni Madam Bella kaya nama'y kaagad silang lumabas at pinuntahan na nila ang nag aantay na tricycle ni Ka Melchor.
"Mang Melchor, Si Madam Bella po! Sasama po siya sa Center." Ang pag introduced ni Rusty.
"Magandang umaga po. Sakay na po kayo!" Ang masayang bati naman ni Ka Melchor.
"POT! POT! POT!" Ang biglang narinig na lamang nila na bosina at pakatapos ay tumigil sa kanila ang isang magarang white na latest style ng Toyota Corolla.
"Dito na lang kayo po sumakay." Ang sambit ni Rex nang makababa na ito ng sasakyan ngunit parang walang narinig itong si Madam Bella at kaagad na sumakay na ito sa loob ng Tricycle ni Mang Melchor.
"Sa'yo yan?" Ang hindi mapigilang tanong ni Rusty kay Rex dahil ang natatandaan niyang kotse nito'y isang Titanium Colored na Honda Civic.
"Akin din ito."
"Kailangan mo ba ng dalawang kotse?"
"Tatlo ang sasakyan ng anak ko. Land Cruiser yung isa." Ang singit naman ni Ka Melchor.
"HMMMMMM..." Ang malakas na sambit ni Madam Bella nang marinig nito ang kanilang usapan na ikinaPanic pang lalo ni Rex.
"Let's go na! ANO BA RUSTY!" Ang masungit na muling usal ni Madam Bella kaya nama'y kaagad na sumakay na din ng Tricycle itong si Rusty at pagkatapos ay pina-i-start na iyon ni Ka Melchor.
"Susunod na lang ako." Ang sambit ni Rex sa Ama.
"DON'T COME! ASIKASUHIN MO YUNG MGA PAPERS NA HINIHINGI KO! KAILANGAN READY NA ANG MGA YUN PAGBALIK KO MAMAYA!" Ang malakas na outburst ni Madam Bella kay Rex bago tuluyang pinaandar na ni Ka Melchor ang kaniyang tricycle.
"SHIT! SHIT! SHIT!" Ang outburst na lamang ni Rex nang makita niyang nilingon siya ni Rusty at nginisian.
"TAE!" Ang asar talong nasambit ni Rex habang pabalik na siya sa loob ng munisipyo upang siguraduhing malinis ang mga papeles na titignan ni Madam Bella.
Lalong napapakunot ang kaniyang noo't nagngingit ngit ang kaniyang mga ngipin sa tuwing maiisip niyang baka ilaglag siya ni Rusty sa COA Auditor.
Ngayon siya nagsisisi kung bakit lantaran at ipinagmayabang niyang ipinaalam kay Rusty ang kaniyang pangungurakot sa Munisipyo...

**************

Habang on the way naman itong sina Rusty sa DOST PAGASA Forecasting Center ay nagsimula na itong si Madam Bella na mag investigate at kaagad na pinaulanan na niya ng mga katanungan itong si Rusty.
"Bakit tricycle lang ang sinasakyan mo papunta sa Work?" Ang pagsisimula ni Madam Bella.
"Ah... Kasi po eh mas safe po ako kapag hinahatid po ako ni Mang Mechor." Ang magalang na sagot ng Binata.
Nag iingat din itong si Rusty sa kaniyang sasabihin dahil nakilatis na niya itong si Madam Bella at batid niyang wala itong sina santo santo...
"Ganun ba..."
"Opo..."
"Marunong ka bang magDrive?"
"Marunong naman po Madam..."
"Marunong ka naman pala eh... Sana tinanggap mo ang pinapagamit sayong sasakyan..."
"ANO PO?!" Ang naguguluhang usal ni Rusty na ikinatawa naman ni Madam Bella.
"Yung dating DOST PAGASA Representative kasi ay binigyan ng sasakyan ng Office ni Councilor Alcazar and may transpo allowance pa siya..." Ang explain ni Madam Bella habang tinitignan niya ang hawak niyang folder.
"Hmmmmm... May budget din sa gasolina and car repair ang munisipyo para sa kaniyang sasakyan...
Iba pa ang commuting allowance pa pala siya..." Ang namamanghang pagpapatuloy ni Madam Bella habnag binabasa niya ang kaniyang listahan ng mga gastusin ng Office ni Rex.
"Ganun po ba..." Ang nagtatakang reply naman ni Rusty.
"Hindi ka ba inalok ng sasakyan ni Councilor..."
"Hindi po eh..."
"Hmmmmm..." Ang nagdududang si Madam Bella.
"Kahit alukin naman po ako ni Councilor eh tatanggihan ko po iyon kasi mas comfy ang ganito at safe na safe po ako kay Mang Melchor..." Ang malumanay and nakangiting explain naman ni Rusty.
Binigyan na lamang ng isang heart warming na smile ni Rusty si Madam Bella nang tinignan siya nito na parang inaalam kung nagsisinungaling ba siya or hindi...
"Palagi ka bang hinahatid sa tricycle..." Ang next na tanong ni Madam Bella.
"Opo... Mababait po sina Mang Mechor and Aling Leonor... Pinagbabaon pa nga po nila ako..."
"Ayaw ho talaga ng misis ko na umalis ng bahay yang si Rusty hangga't hindi nag aalmusal!" Ang masayang entrada naman ni Mang Melchor.
"NAKATIRA KA SA KANILA?!" Ang gulat na usal ni Madam Bella na masayang tinunguhan na lamang ni Rusty.
"Hindi ka binigyan ng apartment ni Councilor?!"
"Hindi po..."
"Yung pinalitan mo sa PAGASA eh binigyan ng budget sa Apartment... Kasama pa ang food allowance... Sagot din ng Munisipyo ang kuryente't tubig..."
"Doon din po din Madam sa bahay tumira yung pinalitan ni Rusty..." Ang ani ni Ka Melchor habang nagdra-drive siya ng kaniyang tricycle.
"Hmmmmm..." Ang muling usal ni Madam Bella habang nag iisip naman kaagad ng magandang alibi itong si Rusty.
Alam niyang masasabit itong si Councilor sa pagsagot ni Ka Melchor sa mga itinatanong nitong si Madam Bella...
Kahit alam ni Rusty na siguradong patong patong ang kickback ni Rex sa dating DOST PAGASA Rep ay pagtatakpan pa din niya ito. Hindi naman plano kasing ilaglag ni Rusty si Councilor but nais lamang niyang turuan ito ng lesson about honesty.
"May ibinibigay ba sa inyong budget si Rex? Ay teka nga pala! Tatay po pala kayo ni Rex..." Ani ni Madam Bella.
"Sapat lang naman po ang ibinibigay ni Rex na panggastos sa pang araw araw at hindi naman po gaanong mataas ang bilihin dito at saka kahit hindi kami bigyan ng anak namin ng panggastos eh masaya po kaming nakakatulong..." Ang explain naman ng clueless na clueless na si Ka Melchor habang slight na kinakabahan na itong si Rusty dahil sa mga nakakalap na info nitong si Madam Bella.
"Mas gusto ko pong tumira sa bahay po nila..."
"Bakit naman? Ayaw mong may sarili kang apartment?" Ang tanong ni Madam Bella.
"Alagang alaga po kasi nila ako and para na din po akong may Nanay at Tatay dito kaya po hindi po ako masyadong naho Home sick." Ang explain naman ni Rusty.
"Si Aling Leonor po ang naglalaba at nagplaplantsa ng mga damit ko, Pinag iinit din po nila ako ng pampaligo at lagi po nila akong hinahainan sa mesa kapag meal time..." Ang parang batang dagdag pa nitong si Rusty.
Medyo napangiti itong si Madam Bella sa sinabi nitong si Rusty...
"Dito na po tayo..." Ang sambit naman ni Ka Melchor nang iparada na niya sa harapan ng DOST PAGASA Forecasting Center ang kaniyang sasakyan.
"Kanina pa ako dito... Akala ko eh nandito na kayo!" Ang bati ni Aling Leonor nang lumapit siya sa Tricycle.
"Napasyal po kayo dito! Eto po pala si Madam Bella...
Madam Bella, Si Aling Leonor po..." Ang pag papakilala naman ni Rusty sa dalawa.
"Magandang umaga ho..." Ang bati naman ni Ka Leonor kay Madam Bella.
"Ba't ka naparito Leonor..." Ang tanong naman ni Ka Melchor.
"Nagdala ako ng agahan at merienda. Hindi na kayo nakapag agahan kanina..."
"Tamang tama yan para makasalo natin si Madam Bella..." Ang masayang usal naman ni Ka Melchor.

****************

Inasikaso kaagad ng mag asawa ang agahan nila while entertaining Madam Bella habang itong si Rusty nama'y kinakalap na ang mga infos from the forecasting machine.
Tahimik lamang itong si Rusty at pasimple niyang pinakikiramdaman si Madam Bella...
Napangiti kaagad siya nang naging warm ang personality nito habang nakikipag usap sa mag-asawa...
"Kung nasa apartment po ako eh wala pong ganitong special treatment..." Ang masayang sambit ni Rusty nang makaupo na siya't nakisalo na sa pagbre breakfast ng tatlo.
"Kita ko namang asikasong asikaso ka nila talaga. You're so lucky..." Ang masayang address ni Madam Bella sa binata.
"Para na naming anak yang si Rusty..." Ang ani naman ng mag asawa.
Nakalimutan na nilang tagaCOA itong si Madam Bella habang masaya nilang pinagsasaluhan ang dala ni Ka Leonor na Coffee, Pandesal, Kesong Puti, Fried Scarmbled Eggs and Boiled Sweet Kamote. Lalo pang sumaya ang kanilang pagbre breakfast nang magawi ang topic nila about Family.
"Do you have a tissue..." Ang tanong ni Madam Bella kay Rusty.
"Ako na po dyan..." Ang mabilis na pag volunteer naman ni Ka Melchor nang makita niyang nagSpill ang coffee sa cup ni Madam Bella.
"Ako na lang po Mang Melchor. Pahingi ng Tissue Rusty..." Ang sambit ni Madam Bella.
"Wala po kaming tissue dito eh. Eto na lang pong basahan..." Ang ani naman ni Rusty habang pinupunasan niya ang mesa.
"Eh nasan na ang 500 pieces na tissue rolls na niRequest ng dating Rep?" Ang panghuhuling tanong ni Madam Bella habang ipinakikita niya kay Rusty ang list mula sa folder niyang dala-dala.
Nanlaki talaga kaagad ang mga mata ni Rusty nang makita niya ang summarized list ng mga allocated budget and items ng DOST PAGASA Forecasting Center for the past few months.
Hindi na  siya nagulat kung napakaOA sa dami ng mga items and naglalakihan ang mga budget sa listahan ngunit ang ikinagigitla't pinangangambahan ngayon nitong si Rusty ay the fact na nakita na and may idea na itong si Madam Bella sa pang-ga-gatas ni Councilor sa DOST PAGASA Center.
"Hahanapin ko na lang at baka nandito lang sa loob ng Center ang mga tissue..." Ang next na sambit ni Madam Bella.
"Excuse me ho..." Ang paghingi ng paumanhin nito kina Ka Melchor and Ka Leonor bago ito tumayo mula sa maliit na mesa sa Forecasting Center.
"Hmmmm..." Ang narinig ni Rusty habang nag-i-inspection itong si Madam Bella sa loob ng Center.
Pabaling baling ang paningin ng Auditor sa mga kagamitan ng center at pagkatapos ay tumitingin din siya sa hawak niyang folder...
Kung last night ay excited na excited itong si Rusty na ma-Audit itong si Rex  but now ay  kabaligtaran naman ngayon ang kaniyang nararamdaman...
Hindi malaman ni Rusty ang bigla bigla na lamang na gumulo sa kaniyang puso't isipan...
Unti unti siyang kinakabahan for Rex...
"Antique na itong Cabinet na ito ah... Sira-sira na din..." Ang puna ni Madam Bella sa malaking Cabinet na dumagaan noon kay Rusty.
"Nasaan na Rusty yung 15 na Locker Cabinets na ni-Request ng dating PAGASA Rep? It was approved by By Councilor Alcazar..." Ang next na sinambit ni Madam Bella.
This time ay hindi na nakapagsalita pa itong si Rusty at pakiramdam niyang parang guilty din siya sa mga patama ni Madam Bella...
"Alam kong may alam ka na Rusty. More than a week ka na dito kaya spill it out!" Ang mabagsik na sambit ni Madam Bella na ikinagulat talaga ni Rusty.
Pakiramdam ng binatang para ba siyang lalapain ng isang BullDog nang mga sandaling yaon...
Hindi niya malaman-laman ang kaniyang gagawin...
"Anong milagro ang meron sa Office ni Councilor Alcazar at ang DOST PAGASA Center ninyo?" Ang next na sinabing pag interogate ni Madam Bella na lalo pang kinatameme ni Rusty.
Kahit na anumang pilit na Brainstorming ng binata'y ay wala siyang maisagot dito...
Gusto niyang ipagtanggol itong si Rex kahit na alam niyang hindi tama ang ginagawa nito...
Batid ni Rusty na may nagbabadyang hindi maganda kay Rex...
"May problema ho ba Madam..." Ang sambit naman nina Ka Melchor and Ka Leonor nang marinig nila ang galit na tinig ni Madam Bella.
"Speaking of the Devil!" Ang masayang bungad ni Madam Bella at kaagad na nilingon naman ni Rusty ang tinitignan ng kaniyang kaharap.
"Shit!" Ang malakas na sigaw ni Rusty sa kaniyang isipan nang makita niyang nakatayo sa entrance ng Center si Rex.
"Okay na po ang mga Papers! Tara na po sa Munisipyo!" Ang masayang bungad ni Rex kay Madam Bella.
Labis talagang nag-aalala itong si Rex kaya nama'y tumungo na din siya sa DOST PAGASA ForeCasting Center...
"No need for that one Councilor. Tapos na ako sa Audit ko."
"HA?!" Ang sabayang usal nina Rex and Rusty.
"Let's go Councilor at marami tayong pag uusapan..." Ang matagumpay na ngiti ni Madam Bella sabay labas niya ng Center without taking any seconds to glance at Rex.
"Nice meeting you po. Salamat po ng madami sa napakasarap na almusal." Ang biPolar na pagpapaalam ni Madam Bella sa Parents ni Rex bago siya tuluyan nang lumabas sa Center.
"What happened?" Ang nagpapanic na tanong ni Rex kay Rusty.
"Nag-inspection dito si Madam Bella at hinanap niya dito ang mga Items na inApproved mo for the past few months." Ang tugon kaagad ni Rusty.
"FUCK!" Ang usal na lamang ni Rex.
"Isang tanong, Isang Sagot..." Ang matigas na sambit ni Rusty na ikinapukaw  ng attention ni Rex.
"Nangungurakot ka ba talaga..." Ang next na usal ni Rusty.
Hindi na siya tinugunan pa nitong si Rex bagkus ay talunang tinunguhan na lamang siya ni Councilor.
Kahit na lantarang umamin na itong si Rex ay nanatiling may liwanag ng pag-asa sa puso ni Rusty na hindi masamang tao itong si Councilor...
"COUNCILOR! LET'S GO NA AT GUSTO KO NANG SUMAKAY SA MAMAHALIN MONG KOTSE!" Ang malakas while emphasizing the word 'Mamahalin' na usal ni Madam Bella mula sa labas ng Center.
"Anyare Rex?" Ang nag aalalang tanong nina Ka Leonor and Ka Melchor ngunit hindi na sila pinansin pa ni Rex dahil nagmamadali na itong lumabas ng Center.
"COUNCILOR!" Ang malakas na pagtawag ni Rusty na ikinatigil naman kaagad ni Rex.
Parang nagkaroon ng kaunting saya sa puso ni Rex nang maramdaman niyang taos puso siyang tinawag na 'Councilor' ni Rusty.
"What will you do?" Ang nag aalalang bulong ni Rusty kay Rex nang makalapit siya dito.
"I'll bribe her." Ang desididong tugon naman ni Rex.
Alam niya na kung hindi siya makakalusot sa Audit ay madadamay pati ang iba pang mga may mga matataas ang position sa Munisipyo.
"Don't do something stupid." Ani ni Rusty.
"Hindi mo naiintindihan ang situation ko. This is do or die for me..." Ang sambit na lamang ng talunang si Rex.
"Gagawa ako ng paraan..." Ang nasambit ni Rusty and unconsciously ay naipinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ni Rex.
...
...
...
Sa hindi maipaliwang na kadahilana'y parang naibsan ang mabigat na dalahin and saloobin nitong si Rex nang maramdaman niya ang kamay ni Rusty sa kaniyang balikat...
...
...
...
Kasabay ng pagtama ng kanilang mga paningin'y para bang nagConnect ang kanilang diwa...
...
...
...
"Don't do something stupid..." Ani muli ni Rusty na lalo pang nagpaKalma kay Rex.
Hindi maintindihan ni Rex ang kaniyang sarili at matamlay na lamang niyang tinunguhan itong si Rusty...
First time ni Rex na ibibigay niya ang buong tiwala niya sa ibang tao...
...
...
...
Kahit hindi pa niya lubusang kilala itong si Rusty ay nagkaroon siya ng sense of Confidence dito...
...
...
...
Sinunod ni Rex ang isinisigaw ng kaniyang puso't damdamin na magtiwala kay Rusty...
...
...
...
"Help me..." Ang namutawi na lamang sa mga labi ni Rex that time.
"I will..." Ang mahinang reply lamang ni Rusty at pagkatapos ay tahimik na lamang niyang tinignan itong si Rex na lumabas sa Center upang ipagDrive na si Madam Bella papuntang Munisipyo.
"May problema ba Rusty?" Ang nag aalalang tanong kaagad ni Ka Leonor.
"Wala po iyon Aling Leonor."
"Bakit ganoon ang hitsura ng anak ko? Parang pinagsakluban ng langit at lupa."
"Huwag po kayong mag-alala... Kakayanin po namin ito..." Ang nakaSmile na sambit ni Rusty habang nakakaisip siya ng Idea kung papaano niya matutulungan si Rex.
"Haiiissst..." Ang pagbugtong hininga na lamang ni Rusty that time.
Napapailing na lamang siya dahil alam niyang isasalang niya ang kaniyang sarili for Rex...
...
...
...
Medyo na-Weird-an itong si Rusty dahil imbes na pag-a-agam-agam at pagdadalawang isip ang kaniyang dapat maramdaman sa kaniyang ginawang decision...
...
...
...
Batid ni Rusty that this is a do or die situation para sa kanilang dalawa ni Rex pero nagtitiwala siya sa sinasabi ng kaniyang puso...
Kailangan niyang tulungan itong si Rex no matter what...
"Kakayanin ko ito!" Ang usal ni Rusty sa kaniyang sarili.
"Mang Melchor..."
"Ano yun iho..."
"Samahan nyo naman po ako..."
"Saan..."
"May pupuntahan lang po tayong mga lugar..." Ang nakangiting usal ni Rusty habang unti unting nabubuhayan siya ng loob.
Kahit na medyo mapanglaw ang success na nakikinita-kinita ni Rusty sa kaniyang naPlanong way upang matulungan niyang makalusot si Rex sa mga kamay ni Madam Bella'y hindi siya nawalan ng pag-asa...
He will trust his guts dahil pakiramdam niya'y Luck is on their side ni Rex...
"Tara na po..." Ang masayang pag aya ni Rusty kay Ka Melchor habang iniisip niya si Rex.
Batid ni Rusty na lalo pang lumalakas ang kaniyang loob sa tuwing gumuguhit sa kaniyang puso't isipan ang gwapong larawan ng mukha ni Rex...
"I can do this..." Ang pursigidong na i sigh na lamang ni Rusty that time.



To Be Continued

22 comments:

  1. Embedded Music Comes From Cindy Lauper's
    GIRLS WANNA HAVE FUN Covered By Miley Cyrus

    AYIEEEEE!!!

    Gudorning Senyong lahat! Take Care palage and Regards Senyong Mga Pamili!!! :))

    P.S.

    May bagong Story sa Pinoy Daddies!
    Please Click The Title Below If You Want To read It:

    ANG BIYUDO

    ReplyDelete
  2. Waaahhhh ,,, nakakabitin tong chapter nato neng , hahaha

    Bumaliktad na talaga ang mundong ginagalawan nilang dalawa ...

    ReplyDelete
  3. Nasa kalagitnaan na tayo Ate Joy kaya pwede nang mambitin :)) LOL!

    prepare ko na yung 'ATWANG :)) Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan ka naman neng ih , hahaha ...

      Kung san ung exciting na chapter bibitinin mo kami .. ,hehehe

      Delete
  4. Replies
    1. As soon as possible ang update ng Next Mr.FrostKing :)))

      Delete
  5. ahay..nakakabitin! haha lalo ako naeexcite!

    Myk Tan :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa soon as possible ang next part Kuya Myk!

      KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
  6. ponse....... bitinnnnnn....heheheh
    Paano kaya makakatulong si Rusty...hahahaha.
    Dapat mabigyan ng leksiyon si Rrx.... aka Bong Revilla ng Batanea....hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas gwapo pa si Rex kaysa kay Kap Kuya Patryck! :)) Hahaha!

      Asap ang update nito! LPWAMIS!

      Delete
  7. Maygash.
    Napi-preyssure ako.
    Char!

    Myk Tan ⌒.⌒

    ReplyDelete
  8. tawa much sa "bella flores" xD

    iyun ba ang dahilan kung bakit "kakayanin natin ito" ang title?

    anyways, akala q may maitim na balak si rusty, d nman pla maitim :)

    peo curious aq sa naisip na paraan ni rusty to help rex... pnu kea nila malulusutan ito? hmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. HINDI PA YAN LAWFER! NYAHAHAHAHA!!!!!!! :))

      Delete
  9. Bitin! Gusto ko to! Next chapter na! -Ken

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you Kuya Ken! As soon as possible ang update!

      YIHAAAA! :))

      Delete
  10. Replies
    1. Adik sabi si Ponse Kuya Vhin :))

      Si Rex ang Wafu!

      Nasa FB wall ko ang DP nya ;)

      Delete
  11. eto lang masasabi ko, nice! nice! nice! iba ka talaga ponse.. ang ganda ng kabig.. kilig kilig lang ng light.. hhahahahaha.. thanks for the update!

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch din Kuya Arejay :))

      Add mo naman si Ponse sa Fb oh :))

      Adin Ng Japan

      Delete
  12. Ayyy bet ko yang si Madam Bella!hahahah! basta mga Bella talaga matatalas l

    Ano kaya gagawin ni Papa Rusty? to the rescue ihh.. :))

    Thanks Kuya Ponseng Adik na Adik :))

    ReplyDelete
  13. Pasensya na Kuya Ponse at nale late ang comment ko kasi chaka magpost ng comment sa mobile kaya eto ol ako lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naman Kuya Riley! Mas magana kapag Online para may Music! :))

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails