Can't We Try? 4
Maraming salamat po sa mga nagbasa at nagcomment sa Chapter 3, sana po kahit papaano ay natutuwa at kinikilig kayo sa aking storyang ginagawa, pasensya na kung minsan ay hindi niyo maintindihan ang ibang words.
Salamat sa gustong tumulong, Dee. Ako na lang bahala, inaayos ko na ang lahat. Thanks.
Guys parang napa-boring po ata ang chapter na ito, pasensya na kailangan 'to para sa flow ng story eh, babawi po ako sa next chapter. :))
Sincerely, sa aking mga minamahal na readers, pwede po bang paki-comment yung part na pinaka-nagustuhan niyo sa chapter na ito pati nadin po sa mga susunod na chapters, please? Haha, iniisip ko po kasi kung may nagugustuhan kayong part or kung may part na nagpakilig sa inyo habang nagbabasa po kayo. Honestly guys, comments niyo ang nag-iinspire sa akin para magsulat, excited lagi ako magcheck ng comments para malaman yung reactions niyo eh, dun ako lagi nagkakaroon ng gana na magsulat. Again, salamat guys, muahh.
Lastly, nanghihinayang at nalulungkot ako sa mga BiCouples na nagsisi-break up ngayon, sana magka-ayos pa sila, follower nila ako sa fb at hinahangaan ko sila :)) I do salute them. #OffTopic.
Enjoy Reading guys.
--
Naabala naman ako sa naalalang usapan namin kahapon, paano kung maghintay nga iyon? Ahhhhh.
Bigla namang umulan, napakalakas, masyadong biglaan ang bagsak.
"Jaja anak tara doon muna daw tayo sabi ng ate mo at makasilong tayo, dali ang lakas ng ulan oh." pagsigaw ng aking inay.
Nakasilong naman kami, nguni't sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay nababasa padin kami kaya kailangan naming lumipat sa may kainan.
Nanlaki naman ang aking mga mata sa naisip at biglang nag-init ang aking dibdib tanda na ninenerbyos ako, paano kung naghihintay nga si Kyle sa akin? Sabi niya pamo sa akin kahapon na nagmo-motor lang siya, ahhh yung talagang tisoy na yun oh..
"Ah ma, sige doon na kayo, may pupuntahan lang ako." pagsigaw ko rito dahil sa ang lakas na ng ulan at dali-dali na akong tumakbo.
Ewan ko pero ninenerbyos ako habang tumatakbo sa kalagitnaan ng malakas na ulan, basang-basa na ako. Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo, halos gusto ko nang lumipad.
Nakikita kong pinagtitinginan ako ng mga taong naka-silong, sobrang lakas kasi ng ulan pero hindi ko ito pansin dahil nagmamadali talaga akong makapunta sa napag-usapang lugar namin ni Kyle.
"Girl tignan mo yung tumatakbo oh, ang gwapo."
"Ayy bet ko yan."
"Chinito oh."
Mga ilang sandali pa ay nakarating na ako sa lugar kung saan ako susunduin ni Kyle.
Napatigil ako sa aking nakita, nag-init ang buong katawan ko sa aking napagtanto,.. may isang lalaki na naka-upo sa malapit sa kanyang motor, nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga tuhod at yakap-yakap niya ang kanyang binti, dahan-dahan akong lumapit dito, nanginginig ito at basang-basa.
Halos maiyak ako sa aking nakikita, kasalanan ko 'to at naiinis talaga ako sa aking sarili, naiiyak ako sa sobrang awa rito, lalo na at gusto ko itong taong ito at ang realidad pa na dahil sa akin kaya ito nagkakaganito. Dali-dali akong tumakbo papunta sakanya.
Niyakap ko agad ito habang nakasubsob lang ito sa kanyang mga tuhod, ramdam ko ang panginginig nito.
"J-j-jus-tin?" putol-putol nitong sabi, ramdam ko ang panginginig nito habang naka-akap ako dito, niyakap ko ito nang napaka-higpit.
"I'm sorry Kyle." mahina kong sabi rito.
Nagtagal kami sa ganung pwesto ng halos isang minuto.
Naramdaman ko namang kumawala ito sa aking pagkakayakap, tumayo ito, mas lalo akong nahiya dahil tiyak na galit na galit ito sa akin, napaduko lang ako.
Nagulat naman ako rito, hinawakan ako nito sa aking mga balikat saka marahan ako nitong itinayo, nakatingin lang ako sa mga mukha nito, pareho kaming basang-basa, alam kong nagpipigil ito ng panginginig tulad ko. nagtitigan kami saka ako nagulat sa sunod nitong ginawa.
Niyakap ako nito ng mahigpit, saglit akong natulala dahil ang buo kong akala ay galit ito at sasabihan ako ng masama, at dahan-dahan ko na rin itong niyakap.
"Kyle naman eh, ba't hindi ka man lang sumilong?" tonong panenermon ko rito.
"Diba sabi ko maghihintay lang ako dito? Kaya hindi ako umalis at talagang hihintayin kita kahit hanggang bukas pa." ramdam ko ang sinsero sa boses nito.
"Ahh ikaw talaga, tara na nga nanginginig ka pa oh, baka magkasakit ka, tara punta na tayo sa inyo." saad ko rito, saka ako kumawala sa pagkakayakap.
Tinitigan lang ako nito, nakipagtitigan naman ako, ang tagal naming nagtitigan, bandang huli ay ako din ang bumitaw.
"Kyle let's go, baka magkasakit kapa." seryoso kong sabi rito pero nginingitian lang ako nito.
"Kyle? Ano kaba? Tara na at ang lakas ng ulan oh." saad ko ulit nguni't talagang nginingitian lang ako nito.
"Ay bahala ka nga aalis na lang ako." inis kong sabi rito, aktong tatalikod na ako para umalis ng hinawakan nito ang aking kamay saka hinila ito dahilan para mapaharap ako rito at mabilisan ako nitong niyakap.
"Ang bilis mo palang mapikon Justin." rinig kong sabi nito habang naka-akap ito sa akin. "Sige na nga tara na." dagdag pa nito, lihim naman akong kinilig sa ginawa nito.
Saka naman kami sumakay sa kanyang motor at bago kami umalis ay,...
"Justin yumakap ka sa akin, papaka-bilis ko umuulan eh, dali." saad naman nito, wala na akong nagawa kaya yumakap na ako rito, ramdam ko ang tigas ng tiyan nito, halatang wala itong taba o bilbil, 6pack abs nga ito, naiinis na natatawa naman ako sa kalandiang naiisip ko.
Lord naman eh, sabi ko okay na yung nakikita ko yung crush ko at hindi yung ganito na niyayakap ko pa, natawa na lamang ako sa aking nasabi sa aking sarili.
Mga ilang minuto lang ay nakarating nakami sa bahay niya, ang ganda at napakalaki, susyalan talaga.
May sumalubong sa amin na isang matandang babae pero halata dito ang pagkasusyal.
"Oh anak ito tuwalya oh, alam kong darating kang basa eh. Oh may kasama ka pala." ito na nga siguro ang inay nito, ang bait bait pala, sumigaw naman ito at nagpakuha ng tuwalya.
"Good evening po." pagbati ko rito saka ako nagmano.
"Good evening din, bless you. Sandali lang ah." tugon naman nito na naka-ngiti, saka ito pumasok para siguro kunin yung tuwalyang ipinakuha nito.
Nagulat naman ako kay Kyle, hinubad nito ang kanyang t-shirt na suot, nakita ko ang maganda nitong katawan, hindi nga ako nagkamali dahil may 6pack-abs nga ito at umiwas naman ako ng tingin rito ng mapatingin sa akin ito.
Ahhh nakakahiya, naghubad nadin ako, hindi naman kahiya-hiya ang katawan ko, oo payat ako pero yung sakto lang pero may 6pack-abs din naman ako 'di na nga lang katulad ng kay Kyle na napakasarap tignan, pero masarap rin naman tignan yung akin eh ang kaso nga lang mas masarap tignan yung kay Kyle, ahhh ano ba itong naiisip ko?
"Eto tuwalya, dali baka magkasakit ka." biglang sulpot ng nanay nito, nagpasalamat naman ako rito saka ngumiti.
"Ma siya po yung sinasabi ko sa inyo." nakangiting saad ni Kyle rito, ano kayang ka-abnormalan ang ibig sabihin ni Kyle? asungot talaga ito.
"Pansin ko nga anak. Oh pumunta na kayo sa kwarto mo at hinihintay na kayo ng mga kaibigan mo dun, maligo muna kayo para 'di kayo magkasakit ah?" malumanay nitong sabi, ang bait pala ng nanay nito.
Iniabot namin ang tuwalyang ginamit namin sa katulong nila saka na kami tumungo sa kwarto nito, habang naglalakad kami ay napaka-laki talaga ng loob ng bahay nito, napaka-ganda ng pagkaka-ayos ng mga kagamitan nila.
Pagkapasok namin sa kwarto niya ay kaagad naming nakita ang mga kaibigan nito, may yakapan pa talaga ah? well as expected ay kasama nga nila ang mga boyfriend nila, halos magkaka-edaran lang kaming lahat, ang gagwapo ng mga ito.
Napansin ko naman ang kwarto ni Kyle, maging ito ay malaki at maganda din.
"Oh Kyle, ba't basa kayo? Hindi ba kayo nagkotse?" tanong naman ni Ivan.
"Good evening guys." pagsingit ko at nginitian naman ako ng mga ito.
"Yah, nagmotor lang pero okay nadin kahit nabasa kami." pagngiti ni Kyle sa mga ito. "Aba talagang, ang lakas-lakas ng ulan at ang lamig-lamig na nga pero naka-aircon pa kayo ha?,... ahhh kaya pala eh, yakapan nanaman kayo." pagpansin nito sa mga kaibigan niyang nakayakap sa kani-kanilang boyfriend.
"Syempre, naiinggit ka lang." pamumusit naman sakanya ni Matthew.
"Ahm Kyle, ligo muna ako." pagbulong ko rito, tinanguan naman ako nito saka ako sinamahan papunta sa banyo, talagang mayaman ito, nasa dulo ang banyo nito at napakalaki nito, daig pa ang kwarto ko.
"Ahm Kyle wala nga pala akong isusuot niyan." biglang sabi ko rito.
"No worries, madami akong extrang damit, share nadin tayo sa tuwalya ko okay lang?" pagngiti nito, tinanguan ko lang siya at nagbigay din ako ng isang ngiti.
Aalis na sana ito ng bigla kong tinawag,..
"Kyle,." napatigil ito sa pagtawag ko. "Maligo kana din sa baba, baka magkasakit ka eh." pag-aalala ko rito.
"Don't worry Justin, sige ikaw muna next na lang ako sayo." tugon naman nito.
"Eh magkakasakit ka nga, ang kulit mo naman Kyle." medyo inis kong sabi rito, ayoko naman kasing magkasakit ito eh.
Nagulat naman ito sa sinabi ko, saka ito ngumiti.
"Why?" kuno't noong tanong ko rito.
"Sige sabay na lang tayo, okay lang?" pansin kong nag-aalanganin at nahihiya ito sa kanyang sinabi.
"Hah?!" gulat kong tanong rito.
"Sige ka, pagka ako nagkasakit,.... ikaw may kasalanan." saka pa ito nagposturang nalulungkot.
"Edi sa baba ka maligo, dalian mo baka magkasakit kapa niyan." pagmamadali ko rito.
"Hmm wag na nga, maghihintay na lang ako dito kahit magkasakit ako." parang isip bata nitong sabi saka pa ito naupo.
"Ahh sige na nga, oh bilisan mo." inis kong sabi rito, wala eh no choice.
Agad naman itong ngumiti, mabilisan din itong tumayo.
"Wait kuha lang ako ng tuwalya at damit natin sandali lang ah." saka nagmadali itong tumungo sa kanyang mga lalagyan ng damit.
Oh my god,... talagang pinapahirapan niyo na po ako sa crush ko, pero somehow natutuwa ako hahaha.
Nakita ko naman itong pabalik na, nagmamadali pa talaga, pasimple akong sumusulyap sa katawan nito, ang ganda talaga.
Nasa loob na ako ng banyo at nakatago lang sa likod ng pinto nito, nakasilip lang ako, aktong papasok na ito ng pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pinto.
"What?" natatawa nitong sabi.
"Kainis ka naman kasi Kyle eh." saka ko na binuksan ang pinto para makapasok ito.
Ipinatong lang nito ang gagamitin naming tuwalya pati na ang aming mga susuoting damit.
"Ayun Justin sa bathtub tayo, masarap dun." saad naman nito, huhubarin na sana nito ang kanyang short nang,.....
"Woy Kyle stop." biglang sigaw ko rito, nakita kong napatigil naman ito agad.
------
Ngayon ay kasama ko nang kumakain ang mga barkada nito, nagkakasiyahan kami at sila naman ay umiinom nadin.
"Pareng Justin, try mo one shot lang." pagpansin naman sa akin ni Ivan, umiling lang ako rito.
"Wuy Ivan ang kulit mo, hindi nga siya umiinom." pagsagot naman sakanya ni Kyle, katabi ko nga pala si Kyle habang nakapalibot kami sa flat nitong table glass na napaka-baba talaga, parang korean set-up lang kami.
"Eh ba't ka nagagalit?" natatawang sabi naman sakanya ni Matthew, kanina ko pa tinitignan ang mga ito pati na ang kani-kanilang mga boyfriend, sinungaling ako kung sasabihin kong may panget sa loob ng kwarto ni Kyle dahil sa totoong mga gwapo talaga ang mga ito.
Komportable ako sa mga ito, hindi ko nararamdaman ang salitang "OP" dahil sa palitan kami ng mga jokes at tawanang malalakas, at isa pa itong si Kyle na inaasikaso pa talaga ako at laging kinakausap at kinukulit kaya naman parang matatagal ko nang kaibigan ang mga ito. Ipinakilala nadin nila ako sa mga boyfriend nila kanina lang.
"Justin pabayaan mo na lang ang mga asungot ha?" saad ni Kyle sa akin, tumango lang ako rito habang nagpipigil ng tawa.
"Oh guys, what if let's play a game?" singit naman ng isa.
"What kind of game then?"
"Spin the bottle!" suggest naman ni Kyle, bigla namang nag-init ang aking dibdib, ayaw ko kasi ng larong ganito, ayaw ko ng truth at mas lalong ayaw ko ng dare, ahhh.
Sumang-ayon naman ang lahat, ngayon ay may bote na sa gitna, masyado atang excited si Kyle at nagmadaling kumuha kanina. Tsk tsk.
"Guys, no one is allowed to lie, whoever tries to,.. well,. be ready sa parusa." sabi naman ng isa, na tinanguan naman ng lahat maliban sa akin, buti na lang at hindi ako napansin.
"Also, kung ano man ang ipagawa sa inyo sa dare part ay dapat niyong gawin, katulad nga ng sinabi ko may parusa ang hindi susunod." pagtatapos ni Bryle, sira talaga 'to, napaka-higpit,... huwag sana ako ang masalang.
"Ano namang parusa?" tanong ng boyfriend ni Ivan.
"Kiss." maiksing tugon nito.
Nagreact naman ang lahat.
"Halimbawa, ako,... hindi ko sinunod ang inuutos sa akin edi ikikiss niyo akong lahat, kahit saan huwag lang sa lips." pagpapaliwanag naman nito, mas lalo naman akong kinabahan sa kiss kiss na nalalaman niya.
"Okay then, let's start?" sabi naman ng isa.
"Wait lastly, guys be open-minded okay? kung sinabihan kayo na magkiss edi magkikiss okay? kung torrid,,. torrid okay? kung smack,... smack okay?" pahabol naman ni Matthew, oh my god,... ang lulupet naman ng mga asungot na ito.
Ipinaikot na ang bote, itinuro nito si Ivan.
"Bryle,.. truth or dare?" tanong nito, agaran namang sumagot si Bryle ng dare.
"Well, Bryle and your boyfriend Ralph, show us your sweetness by doing Torrid Kiss for 30 seconds." saad ni Ivan sa mga ito, oh my,... ano ito? wild ata 'tong mga ito, napapalunok na lang ako sa aking mga naririnig.
Nakita ko namang unti-unting naglalapit ang mukha ng dalawa, hanggang sa nagsimula na sila maghalikan, marahan, walang pagmamadali,.. hanggang sa napatayo na lang ako ng dahan-dahan saka pumunta sa CR.
"Ano ba ito?" pagbagsak ko sa aking sarili paharap sa malaking salamin ni Kyle sa banyo.
"Ano bang kasalanan ko?" natatawa kong sabi.
"Don't tell me pati ako niyan ah? Huwaaaaaaaahh!!" medyo malakas kong sabi pero alam kong hindi nila ako maririnig at medyo malayo ang banyo ni Kyle sakanila.
"What happened?" pagsulpot ni Kyle, sinundan pala ata ako?
"Ah,.. ah a-ako ba kausap mo?" tanong ko rito.
"Ahm actually sarili ko, teka,.." sagot naman ni Kyle, saka ito lumapit sa salamin at kinausap nga ang sarili, hindi ko mapigilan ang hindi matawa rito.
"Oh ayan ngumiti kana din, tara balik na tayo dun?" nakangiting sabi nito.
"Ah eh,.." hindi ko alam ang sasabihin dahil sa hindi ko talaga kayang makita silang naghahalikan doon, hindi naman ako nandidiri kasi maging ako man ay pabor sa ganun, ang akin lang ay nahihiya akong makita silang ganun, ahh ewan.
"Sabi ko na nga ba eh, hindi ka sanay dun sa halikang ganun?" pagngiti nito.
"Honestly first time ko lang makakita sa personal, nahihiya lang ako na nakikita ko sila,... ahhh basta." sagot ko rito.
"No worries ako bahala sayo." pagngiti nito saka naman nito hinawakan ang aking kamay saka hinila pabalik doon.
"Truth or dare?" rinig kong sabi ni Matthew habang palapit kami sakanila.
"Truth." si Ivan pala ang napili nito.
"Sensya na sa itatanong ko pare ah pero meron nabang ano?.. yung ano,... basta alam mo na yun." natatawang sabi naman ni Matthew.
"Yah. Since 4 months nadin kami kaya pinagbigyan ko na, mapilit kasi eh." sagot naman ni Ivan saka nito hinalikan ang kanyang boyfriend sa pisngi.
Nanlaki naman ang aking mga mata sa narinig,... sobra sobra na po ito lord.
Saka naman ito pina-ikot ni Kyle pagka-upo namin. Naharap naman ito kay Bryle.
"Okay,... Kyle." ngiti ni Bryle, si Kyle naman ang napili nito..
"Dare." ang agaran namang saad ni Kyle, wala pa man ah?
"Okay, ahm,.. Kyle,.. can you please kiss Justin for 5 seconds. Smack! pero five seconds." utos nito kay Kyle, nag-init naman ang aking dibdib sa narinig, huh? kiss? halos gusto kong maglaho na lamang o kaya naman ay mahimatay na lang kunwari.
Oh my god, ano po ba ito?,....
Nakita ko namang humarap sa akin si Kyle ng nahihiya at nagdadalawang-isip.
"Ahm Justin?" sa tonong humihingi ng permiso.
"What?" ninenerbyos kong balik rito, napalunok pa ako ng mapatingin ako sa labi nito, oo gustong-gusto ko itong angkinin na para bang akin na lang pero iba pala kapag ganito ang mangyayari.
"I'm sorry, dare eh." saka dahan-dahan nitong inilalapit ang kanyang mukha sa akin, kita ko naman sa mukha nito na hindi ito nagbibiro o napipilitan, seryoso naman ito at pumikit, hindi ko alam ang gagawin ko habang papalapit ang mukha nito sa mukha ko.
Hanggang sa konting-konti na lang ay magkakadikit na ang labi namin, pumikit nadin ako,.. hanggang sa ,....
Naputol ang lahat, nag-iba ang atmosphere nang biglang tumunog ang cellphone nito, may tumatawag pala rito.
Nakahinga ako ng maluwag, ahhh akala ko doon na mangyayari ang first kiss ko, sa totoo lang ay nanghinayang ako dahil sa mahahalikan na sana ako ng taong gusto ko, si Kyle.
"Hello? Oh bakit? Gabing-gabi tumatawag ka? Bakit ba? Istorbo ka alam mo ba yun?" inis na sagot ni Kyle rito, parang hindi na nito pinagsalita ang taong tumawag sakanya.
Nakasimangot naman si Kyle habang hinihintay ito magsalita, nakita ko namang natatawa sakanya ang kanyang mga kaibigan dahil sa parang batang inis na inis ito.
"Huwag ka nang tatawag, ayan ka nanaman." inis na sabi niya rito saka niya na ito binabaan, nakasimangot lang ito, parang busit na busit.
Saka ko naalala na oras na pala, at sabi nga pala ni pinsan na pumasok daw ako ng maaga bukas dahil sa may event daw ang company,.. may party daw na magaganap at very special party daw ito kaya agahan ko daw ang pagpasok para makatulong nadin daw ako maglinis at mag-ayos.
"Ahm Kyle, uwi na ako, may pasok pa pala ako bukas." mahina kong sabi rito, nahihiya kasi ako magpa-alam at nahihiya din ako sa muntikang nangyari din sa amin kanina.
"Ha? Wala naman tayong klase bukas ah?" pagsabat naman ni Bryle.
"Yah, pero may trabaho ako eh, kailangan ko palang pumasok ng maaga bukas, first day ko at baka matanggal ako kaagad." pagpapaliwanag ko sa mga ito.
"Ganun ba? Sayang naman,.. well tara ihahatid na kita." sagot naman ni Kyle, alam kong nalungkot ito sa sinabi ko dahil sa boses at ekspresyon ng mukha nito.
"Ah okay lang, salamat na lang, ako na lang mag-isa." pagtanggi ko rito.
"Huwag ka nang mahiya pa sa akin Justin, let's go?" ganun parin ang boses at ekspresyon ng mukha nito, ayaw ko pa sana talaga umuwi pero kailangan eh.
Wala na akong nagawa at pumayag na ako rito.
"Ah guys maraming salamat ha? Sana next time makasama ko kayo ulit. Bryle, Matthew at Ivan,.. ang babait niyo naman pala eh, thanks sa inyo." pagpapa-alam ko sa mga ito at nagpa-alam din ang mga ito.
Lumabas na kami ng kwarto ni Kyle, sabay kami, pero hindi man lang ako nito pinapansin, habang pababa ay nakita ko naman ang inay nito at gising papala.
"Mommy ba't gising kapa?" pagpansin naman ni Kyle rito.
"Oh uuwi na siya?" pagtukoy naman sa akin ng ina nito.
"Yah. Ihahatid ko siya." sagot naman ni Kyle rito.
"Well nice to meet you po tita, maraming salamat po at mauuna na ako." pagpapa-alam ko naman rito.
"Ang bilis naman, pero sige ingat kayo ah." tumango lang kami saka na namin tinungo ang daan palabas ng bahay nila.
Nang nakalabas na kami at bago pa man namin tunguin ang motor nito ay hinawakan ko muna ito sa kamay.
Napalingon naman ito sa akin, simula kasi sa kwarto nito hanggang dito ay hindi man ako nito pinapansin.
"Kyle, sorry kung uuwi na ako ha? may trabaho pa kasi talaga ako eh, kaya sorry kung hindi ako makakapagstay kasama niyo para hintayin ang birthday mo." nahihiya kong sabi rito, ahh ba't ba kasi ganito ang epekto ni Kyle sa akin eh.
Nguni't hindi man lang ako nito kinibuan, tinignan lang ako nito saka ulit tumingin sa kawalan.
"Kyle huwag mo naman sana akong ganituhin oh, lalo akong nahihiya sayo eh, hindi mo man ako pinapansin." ewan ko ba pero parang nagtatampo nadin ako rito.
Nguni't talagang hindi man ako tinitignan nito, kita ko sa mukha nito na nakasimangot lang ito, halatang nagtatampo.
Agad ko namang hinawakan ang mukha nito at iniharap sa akin.
"Wuy Kyle?" kita ko naman na talagang nagtatampo ito.
Kaya naman niyakap ko na lang ito ng mahigpit at ang sarap talagang yakapin nito, ang init ng katawan nito at napakasarap sa pakiramdam.
"Kyle sorry na." mahina kong saad rito, nagulat naman ako at niyakap nadin ako nito ng napaka-higpit, parang ayaw na niya akong bitawan.
"Oh sige na nga okay lang, ikaw talaga ang hirap mong tiisin, kahit na naiinis na ako sa iyo eh kapag niyakap mo naman ako ay nawawala na lang pagka-inis ko, ikaw talaga Justin." alam kong ngayon ay nakangiti na ito.
"Oh,.. edi maganda. Huwag kang mag-alala kapag malungkot ka ay lagi kitang yayakapin." sagot ko rito saka na ako kumawala sa aming yakapan.
"Kristian Kyle,... Advance Happy Birthday, wish you all the best." pagbati ko sakanya saka ko ito niyakap ulit, ewan ko ba kung bakit komportable na akong niyayakap na lang ito kapag gusto ko.
"Thank you so much Justin, ang ganda mong gift para sa akin, iba ka talaga sa lahat." saad naman nito, saka na ako kumawala rito.
"Oh bati na tayo ah? Huwag mo na akong aawayin okay? Oh tara na oras na eh." saad ko rito ng nakangiti, teka nag-away ba kami? hindi naman diba? haha
"Ikaw kasi eh, oh sige tara na nga." sagot nito ng nakangiti rin, ang gwapo talaga ni Kyle, as in. Haha.
Hanggang sa hinatid na ako nito pauwi at itinuturo ko ang daan papunta sa amin, nagkukulitan din kami. Ang saya ko talaga ngayon, ang sarap kasama ni Kyle eh.
11:30 na ng makarating kami sa bahay at 9am pa naman ang trabaho ko at sabi sa akin ng pinsan ko ay hanggang gabi daw ako bukas.
"Oh Kyle maliit lang bahay namin ah, gusto mo bang pumasok?" tanong ko rito.
"Gusto ko syempre, pero huwag na muna dahil kailangan mo ng magpahinga eh." sagot naman nito, lihim naman akong natuwa sa sinabi nito.
"Aba talaga lang ah? Oh sige pasok na ako ah? Maraming maraming salamat talaga sa kanina at sa paghatid mo sa akin ngayon, at sorry din kung pinaghintay kita kanina, nabasa kapa tuloy." saad ko naman rito.
"Wala yun basta ikaw Justin, dumating ka naman eh. Salamat din, buti na lang kaklase kita, at naging magkaibigan tayo." nakangiti nitong sabi, ang bait talaga nito.
"Oh pasok nako salamat ah."
"Justin payakap naman last na lang." nag-pout pa talaga ito, tumango naman ako saka ako nito niyakap at niyakap ko din ito.
Hanggang sa umalis na ito, hinintay ko munang mawala sa aking paningin ang taong nagpapasaya at nagpapakilig sa akin ngayon bago ako tuluyang pumasok ng bahay.
Pagkapasok ko naman ng bahay ay gising pa pala sina Arvin at Charl.
"Oh kuya, nag-enjoy kaba dun? Mababait ba mga kaibigan niya?" bungad naman sa akin ni Arvin.
"Yah. Mababait naman pala silang lahat eh, kaya hindi ako nahirapan makisama at talagang nag-enjoy ako. Sinabi niyo nga pala kay mama na nagtext ako? Buti na lang at memorize ko number mo Arvin." tanong ko rito, tinext ko nga pala ang mga ito gamit ang iPhone ni Kyle, at siya nga pala, may natuklasan ako.
"Opo, kuya magpahinga kana oras na eh." si Charl.
"Oo nga kuya, nilinis namin kwarto mo." dagdag naman ni Arvin, lihim naman akong natuwa sa mga sinabi nila.
"Kayo talaga, kaya mahal na mahal ko kayo eh." saka ako pumagitna sa dalawa at niyakap ko sila. "Oh sige pahinga na ako, at kayong dalawa matulog na kayo." saka na ako kumawala at naglakad papunta sa aking kwarto.
"Good night!" sabi pa ng dalawa.
Ooops time check,.. 11:45 na at 15 minutes na lang birthday na ni Kyle. Itetext ko siya, siya pala yung nagtetext sa akin, remember guys?
Kanina kasi nakita ko ang pangalan ko sa message app nito, akala ko nung una iba lang pero chineck ko at ayun ako nga haha.
Sa totoo lang ay kinikilig ako habang hinihintay kong mag-12:00 am, dahil itetext ko si Kyle para batiin ito. Hanggang sa,..
"Happy Birthday Kristian Kyle :)) I am very happy na nakilala at naging kaibigan kita, ingat palagi okay? Pasensya na kung hindi ako nagtagal sa inyo ha? Enjoy your day tomorrow! Magpaka-bait ka, yabang mo kasi eh haha. Oh sige na Good Night. :))"
(-sent 24:00)
Saka na ako natulog agad.
--
Nagising ako saktong 6am, kailangan kong magready dahil ngayon ang first day ko as Janitor, excited na talaga ako magtrabaho.
Morning habit, at pagkatapos nun ay umalis na ako. Pagkadating ko sa company na papasukan ko ay napatigil ako saglit, iba talaga 'to dahil sa sobrang laki ng building at ang ganda, dumeretso na ako sa loob at sinalubong ako ng aking pinsan, sinamahan niya ako sa isang room para maguniform pang Janitor.
"Oh Jaja ah, ayusin mo okay? Lalo na mamayang gabi dahil may party sa baba, birthday yun at yung anak ng may-ari ng kumpanya ang may birthday. Huwag kang mag-alala at mabait ang mga boss natin, kaya lahat masipag dito dahil sa marunong mag-consider ang may-ari nito lalo na ang anak niyang may birthday mamaya, napaka-bait nun sobra. Sabay kana lang kumain sa akin mamaya." mahabang saad naman nito sa akin, aba ka birthday pala nung anak ng may-ari si Kyle.
Siya nga pala, ba't hindi nagreply si Kyle sa text ko? Ahh kainis yun.
"Okay sige insan thanks, lemme start." saka na ako nagsimula.
Punas dito punas doon, lampaso dito lampaso doon, oh my,.. ang laki ng company na ito at tiyak nakakapagod, inuutusan din ako kumuha at magtapon ng basura na go na go naman ako dahil sa eto naman ang gusto ko at enjoy na enjoy ako, pinupuri pa ako na kung bakit janitor daw ang pinasok ko, tapos kung janitor ba daw talaga ako, siguro mukha akong guard? haha.
Hanggang sa gabi na pala, mukhang may party nga talaga dahil sa napasilip ako sa may bandang pool spot ng napakalaking kompanyang ito at may mga nakahandang lamesa at upuan na, naka-design pa ang pool spot na ito at mukhang susyalan nga, sabagay sabi nga pala ni insan na anak ng may-ari ng kumpanyang ito ang may birthday ngayon.
Bumalik na ako sa isang room kung saan ako nagbihis para mag-ayos at maka-uwi na ng biglang,..
"Jaja! Oh buti nandyan kapa, huwag ka munang uuwi at kailangan ka pa dito, nag-inform si Madam President na huwag muna daw uuwi ang lahat ng nagtatrabaho dito dahil sa kakain daw tayong lahat pagkatapos ng party, at kailangan daw ng iilang tao na maglilinis dun sa party, at isa ka dun sa mga tutulong, first day mo at kailangang mapansin ka ni Madam President." mahaba nitong sabi, buti na lang at hindi ko pa nahuhubad ang uniform ko.
"Sure insan, pero insan kanina ko pa ito iniisip eh." tugon ko rito.
"Ano naman?" takang tanong nito.
"Gwapo ba ako sa Janitor outfit na ito?" natatawa kong sagot rito.
"Oo naman, gwapong lahi kaya tayo." pagtawa naman nito. "Nga pala, magready kana at magsisimula na ang party maya-maya at doon ka pa maglilinis dali." dagdag nito kaya naman pumunta na ako doon.
Naglinis na muna ako sa banyo ng pool spot, parang hindi ko na nga kailangang linisin eh dahil sa ang linis linis na eh, pero maglilinis padin ako hahaha.
May mga pumapasok na ng banyo, mga naka Formal Wear and Casual Wear, tsk tsk halatang susyal ang party, teka ano ba pinagkaiba ng Casual sa Formal?
Siya nga pala, nasa banyo ako ng panglalaki ah? dito ako naglilinis, baka kala niyo winasak ko dangal ng banyo ng pambabae haha.
May mga pumapasok na kaedaran ko lang, grabe ang gagwapo nila at halatang mayayaman din, pero ba't napapatingin sa akin ang iba? Anong meron?
Saka naman ako tumayo at humarap sa salamin, wooops kaya pala eh ang gwapo ko din, haha.
"Tol janitor ka ba talaga dito?" tanong naman ng isa, aba gwapo din ito ah.
"Opo, good evening po." pagbati ko rito ng nakangiti.
"Oh? Grabe ka. Osige mauna na ako, good evening din." tugon naman nito, halatang nagulat,.. nge??
Nilinis ko naman yung napakalaking salamin sa may lababo, pinagpupunas ko ito, may biglang pumasok na medyo matangkad, ang ganda ng pagkaka-kayumanggi ng kulay nito, makapal ang kilay, pointed nose ito, nakataas ang buhok nito at higit sa lahat napaka-gwapo niya.
Sinusulyap-sulyapan ko ito sa pamamagitan ng salamin na aking kasalukuyang pinupunasan, grabe ang lakas ng dating nito, parang,.. parang,.. ahh hindi mas lamang padin si Kyle noh.
Napatingin ako ulit dito, nagtama naman ang aming mga mata, umiwas ako kaagad, grabe 'to ah ang gwapo talaga. Kadalasan akong naa-attract sa mapuputi pero iba dating nito sa akin.
"Ahmm excuse me, is there any tissues left?" nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita nito, nahiya tuloy ako dahil alam kong nakita nito ang pagkagulat ko.
"Ahh wait sir." sagot ko rito, saka naman ako agad kumuha sa lalagyan na binigay ni insan, nako binigyan pala ako ni insan ng mga tissues para ilagay dito sa cr, sa sobrang pag-eexplore ko sa banyo nakalimutan ko na, ganito ba talaga? ahhh.
"Sorry po, eto na po nalagay ko na." pagtukoy ko sa nilagay kong tissue sa tabi ng lababo.
"Thank you, bago ka lang dito?" pagtanong naman nito, kinakausap ba talaga ako nito?? ahh nagkakagusto na talaga ako sa taong 'to, tsk.
"Opo sir." saka ko na tinuloy ang paglilinis ng salamin.
"Kaya pala, oh sige salamat ah? Mauna na ako." saad nito, nginitian naman ako nito, grabe nakaka-inlove yung ngiti niya,.. ano naba nangyayari sa akin?
Patapos ko nang linisin ang salamin ng biglang bumalik si Kayumangging Gwapo. Grabe gwapo talaga nito, ang lakas ng dating.
"Nandiyan kapa din?" biglang sabi naman nito.
"Opo eh, patapos nadin ako." sagot ko naman dito, iba talaga dating nito sa akin, tapos parang komportable din ako sakanya.
"Tapos uuwi kana niyan?" tanong naman nito, nagsasalamin ito at nag-aayos ng kanyang buhok at medyo malapit ito sa akin, ang bango niya mas gwapo pala ito sa malapitan, grabe ulit-ulit naba ako? eh ang gwapo talaga eh, hehe.
"Hindi, maglilinis pa ako niyan sa party. Ano po bang meron diyan sir?" tanong ko naman rito.
"Birthday party ng pinsan ko, anak siya ng may-ari nitong kumpanya. Start na nga niyan eh, in 10 minutes." pagsagot naman nito.
"Ah salamat po sir." pagngiti ko rito.
"Po ka naman nang po sa akin, at huwag mo nadin ako i-sir okay? Marvs na lang." pagngiti at pag-lahad ng kamay nito sa akin, nagulat naman ako rito.
"A-ahm Justin nga pala, nice to meet you." sagot ko rito, at nakatingin lang ako sa kamay nitong nakalahad.
"Justin pala pangalan mo." nakangiti nitong sabi, nakalahad parin ang kamay nito, nguni't hindi ko magawang makipag-kamay rito dahil sa madumi ang aking kamay.
"Okay lang yan." saad nito, saka naman nito inabot ang kamay ko kahit na madumi ito, nagulat naman ako sakanya, ang init ng kamay nito.
"Ang lamig naman ng kamay mo Justin." dagdag pa nito.
"Hindi kaya. Again, nice to meet you Marvs." tugon ko naman dito ng nakangiti, pilit kong nilalabanan ang hiyang nararamdaman ko rito.
"It was also really nice to meet you Justin." pagngiti nito saka na ito lumabas.
Naiwan naman akong tulala, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, ang gwapo talaga ni Kayumangging Gwapo. haha.
Narinig ko naman na nagsisimula na ang party, maingay at parang nagkakatuwaan na sila.
"Ikaw si Justin right?" tanong sa akin ng isang babae na presentable ang itsura, mukhang manager or what?
"Opo, bakit po?" tanong ko naman rito.
"Janitor right? Well paki ayos yung mga upuan dun sa party, bandang gilid yun, madami pa kasing dumadating na bisita eh, tumulong ka dun." saad nito at napatango na lang ako, saka na ako tumungo sa party.
Grabe ang dami ngang tao, halatang espesyal ang may kaarawan dahil sa set up ng party.
Tumungo na ako sa may bandang gilid at may mga nag-aayos na ng upuan, tumulong ako sa mga ito, may mga nakikita akong magkakasama, halos parang kaedaran ko lang ang bisita, malamang nasa harapan ang mga matatanda.
Pagkatapos kong tumulong doon ay nag-explore explore ako sa party.
Ang daming magtotropa at may mga susyalan ding mga matatanda, kanina ko pa hinahanap ang may birthday pero hindi ko ito makita, sabagay kilala ko ba kung sinong may birthday? Ahhh anga-anga.
Naghanap naman ako ng tubig, may mga parang waiter naman ang lumilibot na may tubig at alak pa atang dala, kumuha naman ako at nakita ko namang nagulat yung nagdadala, natatawa ako sa aking sarili, oo nga pala Janitor lang ako dito eh, ahh sumusumpong nanaman pagka-makapal ko haha.
Nakita ko naman na may nagsasalita sa harap, nagulat naman ako ng mamukhaan ko kung sino ito. Napalunok naman ako, ang mama ni Kyle ito.
"So then, may we all please welcome the man of the hour,.. my beloved son,.... Kristian Kyle Lazaro." nagulat naman ako sa narinig, huh? party ni Kyle ito? so considering na sila yung may-ari ng kumpanyang ito?
Lumabas na siya, napaka-gwapo niya sa suot niya, nakangiti ito, pero ba't parang hindi iyon ang ngiting lagi kong nakikita kapag magkasama kami, parang fake smile, lumingon-lingon naman ako sa bandang harap at hindi nga ako nabigo, nandun ang barkada niya at kasama pa nila ang mga boyfriend nila.
Tumuloy na ako sa may bandang gilid para maglinis na ulit, baka pagalitan na ako, habang naglalakad ay palingon-lingon pa ako kay Kyle na nasa harap pero ganun padin, fake smile padin, ahh ano nangyayari sakanya?
Pagkaharap ko naman ay may nabangga ako, nanlaki ang aking mga mata sa aking nagawa.
Ang hawak kong tubig ay naibuhos ko rito nang hindi sinasadya, nabasa ang suot nito pati na ako, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para tignan kung sino ito.
Mas lalo akong nagulat at nahiya ng malaman ko kung sino ito, patay nakakahiya.
Natulala lang ako rito at nakangiti lang ito, nagtaka naman ako dahil sa ngumiti ito. Pinisil niya pa ang ilong ko na nagpawala sa aking pagkakatulala sakanya.
Itutuloy
Kiliiiiiiig~ Gusto ko yung mga yakap moments e. C: ~Ken
ReplyDeletenxt chapter po..
ReplyDeletenakaka kilegz...
Kaabang-abang! Can't wait for the next update! :)
ReplyDeleteMr. Author, di naman po boring to eh. galing galing naman! :)
ReplyDeleteSalamat guys! Patuloy pa po kayong pakikiligin ni Justin at Kyle <3
ReplyDeleteKaso may isa pong bagong character na pakikiligin din po kayo, be ready! Muahh :*
- Angelo (author)
Next na po. Ang ganda ng story mo author.
ReplyDeleteGaling mo author.... lalu na sa Mga kilig moments.
ReplyDeletered08
Ka excite ^_^ Tuwing kailan b ang update, boss? Sana mapadalas pa. :D Galing. :)
ReplyDeleteShit ah...kakagilig :))
ReplyDeleteMukang maganda ang mga susunod na eksena....
kelan po kaya ang ang next chapter nakaka excite tuloy..
ReplyDeleteDear Author (Angelo),
ReplyDeleteBuri dakang akilala. Tutu man. Sobrang masanting ya ing story mu. :) makakilig ya :) buri keng aging kaluguran ing author na ning storyang ini. Lalu na taga pampanga ya pala. :)
Your kapampangan buddy,
Dee :)
Guys, hindi ko po alam takbo ng chapter 5, medyo may gulat part na haha, lemme inform you guys na patapos na po yung story, honestly dahil first time ko po ito ay hindi po ako marunong gumawa ng tragic part at hindi ko po alam kung paano pahabain yung story kaya guys please suggest kayo. Salamat po sa tutulong, i-comment niyo lang po then ako na po bahala.
ReplyDelete- Angelo (author)
Aha! Very well said, ganda ng story kaso my word talaga akong di maintindihan kapapamngan ata yun eh. Hmmm. I sell somethig fishy on the next chapter pag-aagawan na ata ng magpinsan?.. Bat po nawala na sa eksena yung Guy na natapunan ng Tubig? kala ko panaman sya yung textmate ni Justin.. Keep it Up Mr. Author ^_^
ReplyDeleteHayssss. gusto kita makilala pa Mr. Author i want to be your Friend kahit man lang sa FB ^_^
~Yeorim
At the end, make it sad. Kasi merong mayamang long lost na Grand Pa si Justin na nasa States at pepetion para mapunta sa Amerika ang buong pamilya ni Jusin para tumira for good, para sa future nila. Iiwanan niya si Kyle.
ReplyDeleteAko yong nag suggest abt the ending part na mapupunta ng States si Justin kasama ng Familya niya. Of course he has to leave Kyle for good. Pero ang twist ng storya mauuna pa si Kyle at sasalubugin niya sa SFO Airport dito sa States and they live happily ever after. This is just a matter of suggestion. Para may 'Kilig' na part. Mr Suggstor
ReplyDeletemay 7 nb neto? or wats the last chapter? mejo nbibitin ako kse maganda ung kwento
ReplyDelete