Followers

Sunday, July 6, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 1

Ako nga pala si Michael Castillo, magfe1st year college palang ako sa isang kilalang unibersidad dito sa Batangas. Nakakuha kasi ako ng full scholarship dahil nung grumaduate ako bilang valedictorian ng aming batch… hindi sa pagmamayabang… OO! VALEDICTORIAN! .hehehehe….

Buti nalang at nakakuha ako ng scholarship para kahit papaano ay hindi na mahirapan ang aking magulang para sa aking pag aaral. Nag-aaral pa rin kasi ang dalawa kong kapatid… katunayan ako ang nag iisang lalaki at panganay pa… ilang araw na nga lang pala at magsisimula na ulet ang pasukan. Malayo ang samen sa Batangas kung kaya’t naghanap ako ng pwedeng marentahang maaring matuluyan. Nakahanap ako bilang bedspacer na malapit sa iskwelahan kaya pwedeng lakarin. Total full scholarship ang nakuha ko kaya itong sa rent lang at baon ko para sa dalawang linggo ang ginagastos ng aking magulang. Kailangan kong magtipid dahil sa maliit na sari sari store lang ang kinabubuhay namin sa probinsya. Mula kasi ng ma stroke si Itay hindi na muli itong nakapagtrabaho, kaya heto kailangang magtipid dahil katulad ng aking nabanggit may mga kapatid din ako na nag-aaral. Hehehehehe…..


Tanggap naman ni Itay ang aking pagkatao .. ako kaya ang dahilan kung bakit sya na stroke…. Hehehe.. sama ko.. tawa pa.. pero mahal a mahal ko si Itay dahil natanggap nya din ako… sino ba namang ama ang hindi magagalit kung ang nag iisang lalaking anak nya,panganay pa, ay ganito… hehehe.. pero ganun talaga… ito ako! Proud ako sa sarili ko. Ito ako nung ginawa ng Diyos! Wala akong magagawa. So yun nga… dumating ang araw ng pagsisimula ng pasukan sa bawat unibersidad. Excited na kinakabahan.. hehehe.. naglakad ako patungo sa iskwelahan pagpasok ko palang ng gate napanganga na ako!
“WOW”…….. ang nasambit ko sa aking isip… sobra ang paghanga ko… pero nanliit din ako sa aking sarili… halos lahat ng istudyante yata dito ay mayayaman. May mga sariling sasakyan, magagara ang damit at kasuotan… patuloy ako sa aking paglalakad, patingin tingin sa mga istudyanteng aking malalampasan, pero dahil sa isang pangyayari…

“shit! Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo” Sabi ng magandang babaeng aking nabangga..
“Naku sorry miss. Hindi po kita nakita”
“Ang sabihin mo tatanga tanga ka! Hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo”
Sa sobrang hiya ko ay nagtatakbo na ako palayo.. dahil napansin kung lahat ng istudyante naruruon ay sa amin nakatingin… yung iba nagtatawanan. Kaya di ko na napigilan sa sobrang hiya.. habang tumatakbo ako palayo ay tumulo ang luha ko… pakiramdam ko mas lalong nanliit ako sa sarili ko.. hindi ko namalayan may nabangga nanaman ako..

“Nako pasensya na po” sorry po di ko sinasadya..” ang aking paghingi ng paumanhin.. ng tumunghay ako nakita ko ang kanyang maaliwalas na mukha.. ako’y napahanga sa angkin nyang kagwapuhan… hehehe.. CHOS!!
“Pasensya na po” paghingi kong muli ng paumanhin.”  Nabigla ako dahil inabutan niya ako ng panyo. Siguro ay napansin niyang umiiyak ako…… pero sa halip na tanggapin ko ay kaagad akong umalis. Habang patungo ako sa una kong klase ay inayos ko muna ang aking sarili. Pagpasok ko ay kaagad akong dumeretso sa likurang bahagi ng silid at doon ako naupo.
Maya maya ay iniluwa mula sa pituan ang babaeng aking nabangga kanina. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam ang aking gagawin.
“Hi! Bell”, ang dinig kong bati ng isang babae sa loob ng silid.
“Bell pala ang pangalan ng babaeng ito, ang sarap sampalin”, sabi ko sa aking isip
“Ow, Hi! Hi!”, sagot ni Bell sa tonong may dalang kaartihan.
“There you’re”, ang muli niyang sambit.
Sa aking pagtunghay ay nakita ko siyang papalapt sa akin…
“Patay”, ang tangi kong nasabi sa aking sarili.
Agad akong yumuko dahil nabasa ko sa mga mata niya ang matinding galit at inis.
“So, classmate pala kita”, ang pagalit niyang sabi na may halong kaartihan. Hindi ako sumagot.
“Pipi ka ba o talagang bastos lang?!”, ang pataas niyang tonong pagtatanong.
Takot na ako ng mga oras na ito. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumunghay.

Sa aking pagtunghay ay isang malakas na sampal ang aking natanggap. Na nagdulot ng ingay at palakpakan sa buong silid. Lumingon ako sa paligit at nakita kong halos lahat sila ay nagtatawanan na tila may isang show na pinagkakaguluhan. Subalit may isang tao na lubos na nakapagpaisip sa akin kung bakit tahimik lang siya at walang kibo na amino’y nakikiramdam.
“Wow Bell, as usual hindi ka pa rin nagbabago”, papuri ng isang kaklase.
Dahil sa nagyari napagtanto kong hindi pala ito ang mundo ko. Tama ba ang naging desisyon kong dito ako mag-aral? Ito ang isa sa mga taong na pumapasok sa isip ko. Sa mga oras na iyon, ang tanging nagawa ko na lang ay ang yumuko at pabayaang tumulo ang aking mga luha. Ilang minute palang ang nakakaraan ay patuloy pa rin ang aking pagiyak at patuoy pa rin ang panglalait na ginagawa ni Bell sa akin.

“Ikaw hampaslupa hindi ka nababagay dito, bumalik ka sa pinaggalingan mo at matuto kang rumispeto”
Isa ulit malakas na sampal ang natamo ng kabila kong pisngi. Hindi na ako nakapagpigil.


6 comments:

  1. nakakainis ka bellbel. wala kang modo. isumbong mo para mapatalsik s skul haha

    bharu

    ReplyDelete
  2. Very intriguing ang umpisa ng story mo anak. Keep us on the edge. Take care.

    ReplyDelete
  3. thanks po.... bitin po mr. author.....

    next chapter po kaagad.... hehehe


    ReplyDelete
  4. tagal din hndi nkapag basa dito.. me bago na pla po..ahaha
    hoping lang na masustain po yung paguupdate.. ganda po ng start e.. hihi

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  5. Very interesting. Good start! Keep it up!

    ReplyDelete
  6. maraming bagong story but this one caught my attention :)
    sna may follow up na agad

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails