Followers

Wednesday, July 21, 2010

Ang Buhay Ng Isang Call Boy

By: aaron villanueva

Notes from MSOB:

Siguro naman ay lahat sa atin, alam ang salitang CB – call boy.

Mayroong alam lang ang salita (as in walang karanasan dahil may daily supply of milk sila - lol!), mayroong nakatikim na (aminin), mayroong naging suki na rin (ehem!), at mayroong sila mismo ang naging call boy sa kadahilanang sila lang ang nakakaalam. Kanya-kanyang kuwento kasi yan eh, kanya-kanyang buhay, kanya-kanyang guhit ng tadhana. Lahat naman kasi tayo ay may tinatawag na sariling pinapasang “krus”. Kanya-kanyang diskarte lang iyan kung paano natin dadalhin. Nagkataon lang na ang “krus” ni Aaron ay ang pagiging callboy niya at ang sa akin naman, hindi ninyo naitatanong, ay ang pagiging cute (Malaking Joke! Lol!)

Seriously, sa kuwento ni Aaron ipinakita niya na ang isang callboy ay tao din na katulad natin - may dahilan kung bakit nagawa ang isang bagay, nasasaktan, sumasaya, umiibig...

I requested Aaron na kung sana ay mapost ang story na ito dito sa MSOB. Ang buhay niya kasi ay sumasalamin sa isang taong nasadlak sa isang kalagayan at karanasan sa pag-ibig at kung paano niya dinala at nilabanan ang mga ito… may aral na mapupulot, may makikita kang kahalintulad sa buhay, in a way, may dalang pag-asa…

Para po sa inyo ang kuwentong ito sa buhay ni Aaron.

Note Galing kay Aaron: Hindi na siya nagko-callboy ngayon. Kaya kung may interesado man d’yan, ako na ang kukuha sa mga customers niya. Nagsara man ang pintuan ng paninda ni Aaron, nagbukas naman ang sa akin.(Joke!!!)

May fb po si Aaron. Kung gusto ninyong makipagkaibigan sa kanya o may mga itatanong pa kayo, hanapin niyo lang sa mga friends ko sa fb; ang name nya doon ay “cricketz”. (FB account ko: getmybox@yahoo.com)

Comments are highly appreciated, lalo na ang pananaw ninyo sa kuwento ng buhay ni Aaron.

Happy reading!

-mikejuha-

---------------------------------

Madalas ako sa isang mall sa Mandaluyong pagkagaling ko ng eskwelehan. Iyon lagi ang aking ginagawa pagkatapos ng aking klase.

Bago ko ituloy ito, aaminin kong “CALLBOY” ako. Binebenta ko ang aking sarili sa presyong napag kasunduan namin ng aking magiging customer. Sa mismong mall na un ang madalas kong tambayan. Bago ako umuwi ng bahay ay dumederetso ako roon upang magpaligaya sa mga taong hayok sa sex. Seyempre may kaukulang bayad ito depende sa aming napag kasunduan. Sa edad na 17, natuto akong ibenta ang aking katawan. At ngaung nasa 20 anyos na ako, patuloy pa rin ako sa ganitong uri ng kalakalan.

Maraming paraan para matustusan ang aking mga pangangailangan. Pero ito lang ang naisip ko upang matugunan ang aking luho. Hindi kami mayaman. Masewerte na ako dahil kahit papaano, nakapag aral ako sa isang private University. Kinakaya ng aking mga magulang na pag aralin ako kahit pataas ng pataas ang
tuition fee every year. Hindi rin sapat ang allowance na ibinibigay nila sa akin. Mahilig kasi akong bumili ng kung anu-anong gamit para sa aking sarili.

Mahirap maging callboy. Nung una, diring diri ako sa aking sarili sa tuwing may mga customer na sumusubo sa aking ari, sa tuwing lumalakbay ang laway nila sa buo kong katawan, sa tuwing araw-araw iba, iba ang taong nakakasama ko at iba-iba ang lugar na pinag dadalhan nila sa akin. Andun ang takot. Andun ang kaba. Andun ang pandidiri. Pero kalaunan, nasanay na lang ako.

Hindi ako katangkarang tao. Ang taas kong 5’5 ay nababagay naman sa maamo ngunit astigin ko raw na itsura. Medyo singkit ang aking mga mata. Bahagyang matangos ang aking ilong na bumagay naman sa hugis ng aking mukha. Mapang akit daw ang aking mga labi,(yan ang sabi ng mga nagkakagusto sa akin). Hindi ko naman ipagkakaila na may itsura akong tao. Namana ko ito sa aking ama. Kaya hindi na ako nag tataka na may nagkaka gusto sa akin at sa tuwing nakatambay ako sa Mall na un sa Mandaluyong ay may mga lumalapit sa akin para itanong ang aking pangalan at ang aking numero.

Maraming nagsabi na suplado raw ako, dahil daw sa dating ng aking pagkatao. Tahimik akong tao, pero nasa loob ang aking kulo. Kaya ang iba nahihiyang i-approach ako dahil baka raw hindi ko sila kausapin. Kung kikilalanin lang nila ako ng lubusan, maiiba ang definition nila sa aking pagkatao. Pag seryoso ang usapan, nagseserryoso ako. Kung bastusan, bastusan. Kung lokohan, lokohan. May mga times pa nga na pag iyakan, makiki-iyak din ako. Madali akong maawa sa tao. Weakness ko ang nakaka kita ng umiiyak. Pati ako ay nadadamay lalo pa kung tungkol sa pamilya ang dahilan.

Marami-rami na rin ang nakatikim sa akin. Minsan ung iba binabalik balikan ako. Hanggang ngaun, may mga nag ttext pa rin sa akin upang matikman ang aking katawan.

Minsan habang nakatambay ako sa mall, may lumapit sa aking lalake. Gwapings at matangkad ang lalaking iyon. Alam kong callboy din sya dahil madalas ko syang nakikita sa 3rd floor ng mall. Bagama’t sa 3rd floor din ang tambayan ko pero nasa kanang bahagi ako, sya sa kaliwa. Sa tuwing andun ako, andun din sya. Alam ko naman na marami ring callboy dun na tulad ko, swertehan na lng talaga kung sino samin ang magustuhan ng customer. Tinanong ako ng lalake kung gumigimik din daw ba ako tulad nya (ibig sabihin nag ko-Callboy din ba ako tulad niya). Sabi ko, “Oo, kaso wala pang customer” dahil medyo maaga pa ng mga oras na un. Sumang ayon sya dahil wala pa ring lumalapit sa kanya.

Niyaya nya ako mag yosi sa labas. Nagka kwentuhan kami hanggang sa hindi namin namamalayan na nag tatawanan na pala kami. Kung anu-anong topic ang napag kwentuhan namin. Nakuwento nya lahat ng karanasan niya bilang isang Callboy. Lahat sinabi niya maging ang problema niya sa kanyang pamilya. Natahimik ako bigla ng mag umpisa siyang maging seryoso at ikwento ang buhay niya. Dun ko nalaman kung bakit niya pinasok ang ganitong kalakalan.

Dave ang pangalan niya. Pang anim sya sa walong magkakapatid. Namatay daw ang tatay nya nung bata pa siya. Ang nanay naman daw niya ay may tindahan ng mga damit sa Guadalupe mall. Ang iba niyang kapatid bumukod na at nag asawa. Tatlo na lang daw sila ang wala pang asawa. Hindi na sya nag-aaral. Huminto siya noong 3rd year college sya sa kursong Computer Engineering dahil sa problemang pinansyal. Gusto niyang mag aral ngunit naisip niyang wag muna dahil baka mahirapan ang kanyang ina. Papatapusin daw muna niya ang dalawa pang kapatid nyang nag aaral bago naman siya.

May awa akong naramdaman habang nag kinukuwento nya ang tungkol sa buhay niya. Unang karanasan daw niya sa pagiging callboy ay nung minsang sya ang nag bantay sa store nila sa Guadalupe mall. Umiihi daw sya sa urinal non ng napansin niyang tumitingin tingin sa kanyang ari ang isang lalakeng katabi niyang umiihi. Sinundan sya ng lalaki hanggang sa nagpakilala daw ito sa kanya. Kinuha ng lalake ang kanyang number at binigay naman niya. Hanggang niyaya sya nito makipag sex sa kanya at bibigayan daw sya ng pera. Mula daw non ay naisip na niyang ibenta ang knyang katawan. At dahil nga sa hirap ng buhay, kaya nya nagawa iyon. Tutal kayang kaya niyang gamitin ang itsura niya sa ganoong trabaho.

Hindi nalalayo ang kuwento namin ni Dave. Habang nag kukuwentuhan kami, may nararamdaman akong pag hanga sa kanya. At dun ko lalong napag masdan ang kanyang itsura. Gwaping tlaga sya. Lalo pa kung ngumingiti sya dahil lumalabas ang malalim niyang dimples. May konting pag kainggit pa nga akong naramdaman dahil pakiramdam ko nasasapawan niya ang itsura ko. Pero binalewala ko iyon.

Pagtapos ng kwentuhan na yun, hindi na kami bumalik sa mall para mag callboy. Niyaya niya ko sa bahay niya para mag inuman. Tutal wala raw tao dun dahil nasa eskwelahan ang mga kapatid niya at ang nanay naman niya ay nag babantay ng store. Naging mag kaibigan kami ni Dave mula non. Palagay ang loob namin sa isa’t isa.

Isang sakay lang mula sa pinang galingan namin ang bahay nila Dave. Mula kila Dave ay isang sakay na lang din ako at bahay ko na. Magulo ang bahay ng dumating kami. At tulad nga ng sabi niya ay walang tao doon. Maluwag ang bahay nila Dave kaso medyo magulo.

Inayos ni Dave ang bahay bago sya lumabas para bumili ng alak. Pagdating niya ay may dala na syang isang case ng redhorse, isang kaha ng yosi, at ilang pulutan..

Hindi ako mahilig uminom. Mabilis kasi akong malasing. Pwera na lang kung nasa mood ako. Nang araw na yon, wala akong ganang uminom. Sumang ayon na lamang ako sa kanya para hindi sya mapahiya sa akin, at para na rin siguro i-welcome ang unang araw namin bilang isang mag kaibigan.

Sa sala kami nag inuman. Habang nag iinuman, pinag patuloy namin ang aming kwentuhan. Tinanong niya ako kung paano ako nag umpisa sa pagiging callboy. Simple lang ang sagot ko. Ang sabi ko “trip ko lang. Astig kasi magkakapera na, masasarapan ka pa”.

Natawa siya sa sagot ko. Tama raw ako, may pera na, masarap pa.

Habang tumatagal, kung san san na napupunta ang usapan namin. Andun kung papaano sya kina kama ng mga nakaka sex niya, ang safe sex habang nakikipag talik, ang paggamit ng condom, kung magkano ang binibigay ng customer, kung san siya dinadala at kung ano ano pa. Hindi ko namamalayan na mauubos na pala namin ang isang case ng redhorse. Tumayo si Dave at lumabas. Pagbalik niya at may bitbit na naman syang isang case ng redhorse.

Inamin ko sa kanya na medyo tinatamaan na ako, sabi niya ok lang daw un dahil pag hindi ko na kinaya umuwi eh dun na ako sa kanila matulog. Wala naman problema sa akin iyon. Hindi naman ako papagalitan sa bahay kung sakaling hindi ako umuwi. Nag text na lang ako kay erpat at nagpaalam na sa isang kaibigan ako magpapalipas ng gabi.

Maya maya pa ay dumating na ang kanyang ina kasama ang dalawa niyang kapatid na babae. Pinakilala niya ako sa kanila na dati niyang kamag-aral. Natawa ako sa pagpapakilala niyang iyon sa akin. Ayaw niyang ipaalam ang totoo na sa mall lang kami nagkakilala at mismong araw lang na yon kami nagkakilala. Hindi kasi nila alam na Callboy si Dave.

Patuloy pa rin ang aming kwentuhan. Napapansin kong lasing na si Dave. Kahit namumula na sya at pa bulol bulol na ang kanyang pananalita ay bakas pa rin sa kanya ang kagwapuhan. Pasado alas diyes ng gabi
na kami natapos uminom ni Dave. Niyaya na niya ako na magpahinga at nahihilo naraw siya.

May sarili syang kwarto. Maliit lang ang kama pero kasya naman sa dalawang tao. Pagpasok ng kwarto ay nagpalit siya ng damit. Maganda ang katawan ni Dave hindi tulad ko na medyo payat. Nang hiram na rin ako ng pamalit na damit. Sando ang ibinigay niya sa akin. Pagkabigay sa akin ng damit ay bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi lang basta halik ang ginawa niyang iyon. Napansin ko na lamang ang sarili ko na tumutugon sa kanyang halik. Hanggang sa dumating ang puntong parehas na kaming hubad ni Dave at pinag sasaluhan ang gabing iyon.

Natapos ang gabing iyon ng may nangyari sa amin ni Dave. Hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis ang namagitan sa amin.

Napapadalas ang pagkikita naming dalawa. Habang tumatagal, lalong napapalapit ang loob naming dalawa sa isa’t isa. Nagugulat pa nga ako ng sinusundo niya ako sa school na pinapasukan ko. Hindi nagtagal, naging kami ni Dave.

Bago pa man kami nagkakila, galing ako sa hiwalayan. Nag break kami ng girlfriend ko dahil nalaman niya ang aking ginagawa. Masakit. Nakakahiya. Minahal ko ang ex girlfriend ko na un, at alam kong mahal niya rin ako. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman niyang Callboy ako. Nababasa niya ang mga text messages sa akin ng mga nagiging customer ko. Hininto ko ang pakikipag affair sa mga babae at dun ako nakaramdam ng kakaibang sensasyon sa kapwa ko lalake. Si Dave ang unang lalakeng naka relasyon ko. Ang pagiging callboy ko ang nagpa trigger sa akin kaya eto ako ngaun at nakikipag relasyon sa lalake.

Tumigil ako sa pagiging callboy ng naging kami ni Dave. At ganon din sya. Nangako kami sa isa’t isa na hindi na kami kailanman magbebenta ng katawan. Sumang ayon naman ako sa gusto nyang mangyari. Masaya ang naging pagsasama naming dalawa. Walang nakaka alam na may relasyon palang namamagitan sa amin ng higit pa sa pagiging magkaibigan. Madalas sya sa bahay namin at minsan dun na sya nagpapalipas ng gabi. Ang alam ng aking mga magulang ay classmate ko lang si Dave. Minsan dumadaan pa rin kami
sa mall na yun kung saan kami nagka kilala. Nababalot pa rin ng prostitusyon ang bahaging iyon ng mall. Marami pa rin ang mga bakla ang nag lilipana doon para makahanap ng callboy. Habang nag lalakad kami ni Dave roon, may mga nakikipag titigan sa amin. Marahil ay nakikilala nila kami.

Mahal ko si Dave, at ramdam kong ganon din sya sa akin. Kahit nakaka diri pa sa pandinig ng iba, kahit pa mali ito sa mata ng diyos, kahit na walang batas dito sa pilipinas na legal ang same sex relationship, at kahit pa parehas kaming lalake, hindi iyon nagpatinag sa relasyon namin ni Dave. Ngunit habang tumatagal, nagiging malamig ang pagsasama naming dalawa. May mga bagay na kaming hindi napag kakasunduan. Hindi ko na babangitin pa ang lahat ng iyon pero aaminin kong ako ang may kasalanan ng
lahat.

Naghiway kami ni Dave at doon muli nag patuloy ang buhay ko bilang isang callboy. Sinisisi ko ang aking sarili sa paghihiwalay naming iyon. Gustuhin ko mang makipag ayos sa kanya ay hindi ko na nagawa pa.

Masakit. Hindi ako manhid para hindi masaktan sa nangyaring hiwalayan namin ni Dave. Natagalan bago ko siya nakalimutan. Hindi naging madali sa akin ang lahat. Tuwing gabi lagi sya ang nasa isip ko. Minsan nga nasisisi ko na ang diyos kung bakit niya ako hinayaang makaramdam ng ganito sa kapwa ko lalake. Hindi naman ako ganito dati. Mula lang ng pumasok ako sa mundo ng Callboy, nag bago na ang lahat, pati ang aking sekswalidad.

Bumalik ako sa pagiging Callboy. Bumalik din ang kaba tulad ng una kong naramdaman ng una akong napasok sa kalakalang ito. Mahirap talaga. Maraming nagsasabi na “Easy money” ang prostitusyon at masasabi talaga na makakatulong ito sa pag resolba ng mga pinansyal na problema. Kaya nga siguro nag Callboy ako. Hindi madali ang pag bebenta ng katawan. Maaari itong mag dulot ng iba’t ibang karamdaman bunga ng pakikipag talik. Isa na rito ang STD (Sexually Transmitted Disease). Hindi ka sigurado sa taong makaka talik mo. Maingat naman ako pagdating sa pakikipag talik, at tulad din ni Dave, gumagamit ako ng condom kung kinakailangan. Alam kong wala pa ring kasiguraduhan kung gumamit man ng condom. Kaya nga mapili rin ako sa nagiging customer ko at kung ayaw ko talaga, hindi ako nag papa pick-up sa kanila. Nagpapasalamat pa rin ako at hanggang ngaun, wala pa akong sakit.

Sabi ng ilan, “money is the root of all evils”, pero taliwas ito sa aking paniniwala. Para sa akin ang pagkawala ng pera ang pinag uugatan ng kasamaan. Si Dave, maging ako, at maging ang lahat ng callboy dito sa pilipinas ay naging masama sa pagbebenta ng katawan dahil sa pera. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakaisip ng ganitong uri ng trabaho lalong lalo na ang mga kabataan. Ang pilipinas bilang isang konserbatibo at katolikong bansa ay kinokonsidera ang prostitusyon bilang isang kahiya hiya, masama at
hindi katanggap tanggap na gawain.

Oo, tama, kahiya hiya ang trabahong ito. Sinisira nito ang pagkatao ko. Pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang katotohanang isa akong bayarin na lalaki. Isa akong puta na nag bebenta ng katawan para lamang magkapera. Masakit kung iisipin pero ito ang totoo. Ito ang katotohang hindi ko na mabubura sa pangalan ko.

Maraming bagay ang kailangan nating tanggapin sa ating mga sarili. Aminado akong hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na isa akong Callboy. Pero eto ang totoo. Ginawa ko ito at kelangan ko itong panindigan, tanggapin at paniwalaan.

Lumilipas ang panahon at kung sino sino pa rin ang nakaka talik ko. Habang tumatagal, pataas ng pataas ang presyo ko. Limang daan kada putok. Hindi tulad ng dati na ok na sa akin ang tatlong daan. Maraming taon na ang lumipas. May mga nakikilala pa rin akong katulad din ni Dave. Ngunit hanggang kaibigan na lamang ang turing ko sa kanila. Bilang isang callboy, may mga bagay na dapat isaalang alang. Isa na rito ang ating dignidad, sunod dito ay ang ating kalusugan. Pero bakit hindi ko pa rin maalis ang ganitong uri ng trabaho? Marahil ay isa na ito sa bisyong hinahanap hanap ng aking katawan.

------------------------------------- x x x x x x x x x x x --------------------------------------

Ano na kaya ang nangyari kay Dave ngaun? Callboy pa rin ba sya? Hindi na kami nag kita pa mula ng kami ay nag hiwalay. Naisip kong puntahan siya sa kanilang bahay ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi nya ako kausapin.

Nagkaroon muli ako ng mga girlfriends. Pero nauwi rin ang lahat sa hiwalayan. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin ako handang mag seryoso at magmahal. Lahat ng dumarating sa aking relasyon, mapa lalaki man o babae ay trip lang lahat.

Sumali ako sa isang clan sa isang chatrooms noon... Sa clan na iyon, nakilala ko si JP. Siya ang naging matalik kong kaibigan doon. Alam niya ang kwento ng buhay ko. Wala akong tinago sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Ang pagiging callboy ko, maging ang relasyong namagitan sa amin noon ni Dave. Palagay ang loob ko sa kanya. Nakikita ko sa kanyang pagkatao ang katangian ni Dave. Mabait si JP. Maaalahanin. Binibigyan niya ako ng mga simple ngunit may aral na payo. Pinapahinto niya ako sa pagiging callboy na agad ko naming sinunod. Hindi nagtagal, naging kami ni JP, at sa darating kong kaarawan sa ikalawang araw ng Abril, ipagdiriwang namin ang isang taon at ika pitong buwang pagsasama.

Mula ng nagkakilala kami ni JP, hindi na ako nag callboy pa. Pinapagalitan niya ako sa tuwing dumaraan pa rin ako sa mall kung saan ako nagsimulang magbenta ng laman. Binura niya lahat ng contacts ko sa mga dati kong customer at todo bantay niya ako. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Isa na ito sa mga
pinakamasayang parte ng aking buhay. Binigyan ko ng pansin ang aking pag aaral. Si JP ang naging sandigan ko sa lahat ng bagay. Siya ang tumulong sa akin upang magbago at ibaon sa limot ang lahat ng masasaklap na karanasang bumalot sa buo kong pagkatao.

“Everthing is going to be fine, in God’s time”. Tama ang kasabihang ito. Naging maayos ang magulo kong buhay. Para bang sa isang click lang, nabago ang lahat. God is good. Hindi niya ako hinayaang masira. Binigay niya sa akin si JP para makasama at para ituwid ang baluktod kong pagkatao.

Naalala niyo pa ba si Dave? Nakakatuwang isipin na sa tinagal ng panahong hindi kami nagkita ay nag krus ang aming landas ng minsang dumaan ako sa mall para bumili ng pabango. May boyfriend na rin sya ngaun at pinakilala niya sa amin ni JP si Jeck. Ang liit talaga ng mundo, At ang bait ng diyos. Biruin niyo, kahit may nakalipas sa aming dalawa ni Dave ay naging isang mabuti kaming magkaibigan ngaun. Nabuo ang isang magandang samahan namin bilang magkakaibigan nila Dave, Jeck at JP.

(Wakas)

27 comments:

  1. huwow... very interesting...

    ReplyDelete
  2. hmm..hehe..eh di mag group sex na lang silah..

    ReplyDelete
  3. Wow. napakagandang buhay meron si aaron. sana makilala ko rin sya. para maging kaibigan ko din sya. sang mall yun? hahaha. pasaway. hahaha

    ReplyDelete
  4. kuya mike.. salamat sa pag post ng story ko.. naibabahagi ko ang aking karanasan noong mga panahon na ako'y pumasok sa ganoong uri ng kalakalan.. ndi man maganda ang naidulot nito sa aking pagkatao, isang aral ang aking natutunan sa bawat subo nila sa aking ari, sa bawat laway na dumadampi sa buo kong katawan, at sa bawat pera na aking nakukuha mula sa mga naglalaway na customer..aww.. sa mga nkabasa na ng storya, at sa mga naka appreciate nito, maraming maraming salamat.. marami pa akong kwento na isshare sa inyo.. at sana sa mga katulad ko na pumasok sa ganitong trabaho, sana'y maisip ninyo na ang pera, bilang isang bagay na bumubuhay sa atin, ay kayang kitain na ndi sa paraang pag bbenta ng sarili.. oo, aminin na nating andun ang sensasyong dala nito, ngunit isaisip ntin ang kapakanan ng ating sarili at ng ating kalusugan.. muli sa mga nakabasa at nagustuhan ang aking kwento, maraming maraming salamat. nawa'y ibahagi nio pa ito sa iba..

    ReplyDelete
  5. ang galing galing mo talaga gumawa ng story otor!

    ReplyDelete
  6. well about sa life ni aaron.. prng hndi nalalayo sa buhay ko din.. bilang C.S hndi nga lang binebenta ang ktwan ngunit laman din kmi ng prostitusyon.. maskit aminin dhil sa gnitong praan ko lng nbbgyan ng kgnhawaan ang buhay ko at ng pamilya ko.. sna mashare ko din ang life ko d2 kuya mike.. i feel the story sa bwat lines ng story tagos skin dhil prehas kmi.. well in good ways my mgndang rin nangyri sa life nya.. i hope n mgnda pa ang next n mngyri sa buhay nya..

    kuya mike kung pgbbgyan mu ako sna ako din gs2 ko din i share ang life shorty story ko..!

    ReplyDelete
  7. well i can say...

    this is the reality...take it from him...when i was in highschool pag may nakikita ako na mga nakatayo sa mall parang may ina antay something na naka porma sila mga guys..i think bakit anung meron...eyeball or what? then naging curious ako bakit ganun?balit may mga ganung lalake at babae? thats why fav. subject ko ang sociology nmin...dahil dun nasagot ko lahat...take it from him nlang..he is the men....hehhe..

    to u bro.............idol ka namin...dahil sa tibay m at astig na panindigan..kung iba lang yan itatago nila sa mga closet nila secrets nila pero ikaw minulat m kami at pinukaw m ang aming mga sarilai na maging aware sa paligid namin ........we idolize u becoz overcome each trials that came into ur life, i just wish each one of us can make this as a sampleand a leaving proof life's not being stagnant as what other people say...callboy ka and habang buhay kang ganun...this a story true..walang halong fiction...becoz it happens everywhere..i hope everyone can relate to his story and be enlighten with what you have ryt now..(becoz i do)maybe we are so fortunate that you dont have to do the same as what he did...dahil jan bro idol ka namin...

    ReplyDelete
  8. slamat marquee.. salamat dahil nagbigay ng aral ang kwento ko.. sa mga naging tulad ko, at sa mga ginagawa pa itong kalakalang ito, naintindhan ko kau.. darating din ang araw na mgbibigay ito ng leksyon sa inyong lahat.. salamat..

    ReplyDelete
  9. hi aaron!

    nagpasalamat din ako sa iyo for giving me the privilege na maipost ang kwento mo dito.

    ang kwemto mo kasi sa buhay ay isang "makatotohanang mukha" ng buhay na marami sa amin ang hindi nakakaintindi. Sa pagbahagi mo ng iyong kwento, sigurado ako, maraming mambabasa ang naliwanagan.

    @ siopao: just write your story and email me at getmybox@hotmail.com

    MSOB needs true-to-life stories na makapagbibigay ng liwanag o aral sa iba't-ibang mukha ng buhay.

    Maaring iba ang karanasan ko. Ngunit kung ibahagi mo ang kuwento ng iyong buhay, makapagdulot ito ng inpirasyon sa bawat isa upang masabi niya sa sariling, "hindi pala ako nag-iisa". Marami kaming nakikibaka at lumalaban sa mga hamon at pagsubok sa buhay.

    cheers to Aaron, to you, siopao, di ka pa man nagbahagi ng iyong kuwneto, at kay "July" na birhtday niya ngayon.

    HAPPY BIRTHDAY JULY!!!!

    -mikejuha-

    ReplyDelete

  10. salamat din kua mike.. isa lang ang kwento ko na ito na nangyari sa dalawangput isang taon ko d2 sa mundo.. at marami pa akong issahare sa inyo. nattutuwa lng ako na ang layo na pala ng narating ng kwento ko na ito. may nag msg skin sa FB Knna na nabsa na rw niya ito sa friendster ko dati. at natuwa daw siya ng makita niya na nka feature ito sa MSOB..sa mga nagtatanong sa fb kung sno si JP at si Dave sa friends list ko, pasenxa na, pero wag na lng poh natin sila storbohin. lalo na si Dave.. salamat poh ulit..

    kuya mike,, sna ma post din sa MSOB ang next story ko.. tnx poh..

    ReplyDelete
  11. @ aaron

    sure, ipopost natin yang next sotry mo as soon as available na sya.

    May mga nagtanong? Hehe...

    sabi ko sa kanila number ko na ang kunin eh... Bat kaya walang nagtanong sa akin? :-(

    Hindi kaya ako kaaya-aya? lol!

    ReplyDelete
  12. kuya mike, pinost ko na ung isang kwento ko sa M4M. kso d pa un tpos.. i will post the continuation by tomorrow... ingat..

    ReplyDelete
  13. Ang ganda2x ng story... Un lang ang masasabi ko....

    ReplyDelete
  14. bat po ganun. di ko po makita fb acct nya.

    ReplyDelete
  15. @aaron ang gwapo mo! nakita ko n fb mo. sana maging maayos n ang pamumuhay mo.

    ReplyDelete
  16. salamat ng marami sa mga naka appreciate ng story.. sa mga nag msg at nag add sakin sa fb, maraming maraming salamat. tuwing nag bubukas ako ng fb eh mga mensahe ninyo ang nababasa ko.. sa mga nagsasabing gumawa pa ako ng story, opoh ndi ko kau bibiguin.. i will post the pictures of JP and DAVE soon. pasenxa na poh muna kau kung hindi ko maibigay ang mga account nila.. gusto ko lng gawing pribado ang lahat. lalo na ky dave, ksi tahimik na ang buhay niya ngaun.


    @kuya mike, issend ko na lng poh sa email mo ung next story na ginawa ko.. salamat din sa pag invite na ilagay ang munti kong kwento sa blogspot mo..dahil dito, marami sa ating mga kaibigan ang naka relate, at naintindahan kung paano ang takbo ng buhay ng isang taong nagbebenta ng sarili.


    sa lahat ng nakabasa, sana'y mag silbi itong aral sa ating lahat.. na kahit gaano man kasaklap mabuhay sa ating mundo, ay makakakita pa rn tayo ng kaligayahan na habang buhay nating hindi makakalimutan..

    ReplyDelete
  17. ganda ng buhay mo aaron!!!!!! thumbs up... :)

    ReplyDelete
  18. wow, grabe ung initial story nakarelate ako. private university din, nagccb para sa aking luho yun eh dahil naman sa love. ganda ng full story, kakainspire sa para magbago. =)

    ReplyDelete
  19. wow everything seems fine parang ganto ang happy ending everyone is happy and contented to what they have!! ^__^

    ReplyDelete
  20. sana makita kita aaron kahit sa FB lang, hehe inspiring story, thank you! you move my view,,=)

    ReplyDelete
  21. Aaron, mabaon man sa kaputikan huwag sisisihin ang kahirapan sa buhay. Kung saan ka nadapa, bumangon at ituwid ang gawa. marami at dumarami pa ang mas naghihirap sa buhay ngaun. You are twiced blessed. Me parents ka pa nagpapaaral sa iyo. Me bahay kang tinutuluyan you have the good looks.(bilang lang mga pogi) Check on your lifestyle...crave not for things that are beyond your reach. A good educational background is a MUST...get through college and develop your potentials...have a goal...

    ReplyDelete
  22. thanks po sa pag share ng story nyo,naway manatili kayo masaya lagi at happy ako na masaya ka sa pinili mo buhay...un naman mahalaga db un masaya tau s ginagawa natin sa life.
    GOODLUCK & GODBLESS PO.
    TAGAL NA PALA TO anyway thanks....

    ReplyDelete
  23. ..happy naman ng kwento, kahet na medyo me palya, eh happy pa din.

    ..ahrael

    ReplyDelete
  24. Im jake,22,pasay,makati area.5″7,ave body to slim,chinito type.average looking guy.Its my first time to be here,im straight,I’ll just want money for my studies for 10k,,Anyone are welcome as long as you can pay me and I’ll do what you want,just be clean,hiv free as I am too..This is only for rich people,if you dont have money dont bother to txt me just to be real..Im still virgin and anyone who wanna try me?Remember,,i need money,,Im not goodlooking but i have sex appeal as what other people..

    If your interested dnt hesitate to contact me…I’ll reply as soon as possible..
    again..this is for rich people only..OK???..
    as you text indicate your name,age,location,and stats…..so i could recognize you right away..
    (zero nine nine nine eight eight six five seven zero four)

    ReplyDelete
  25. hire me for 1k...serious taker only...09064839256...e2 fb ko
    ivanmontareal@rocketmail.com

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails