Author's Note:
Hindi po ako ang may akda ng kuwentong ito. Ipinagkaloob lang ito sa akin ng isang follower na pangalanan na lang nating "July". Nagpromise ako sa kanya na ipost ko ito. Nakarelate ako sa kuwento at sigurado ako, maraming makakarelate jan. Noong mabasa ko ito kanina lang, napapunta ako ng di oras sa CR at doon, hinayaang dumaloy ang emosyong bumabalik-balik. Napa-Shitttt! na naman ako.
Pero nice, kasi, nasabi ko sa sarili kong hindi pala ako lang ang nag-iisang tanga sa mundo - lol! Hayyyy, pag-ibig talaga. Nakakabuwang, nakakasira ng buhay, ngunit bakit ba, ang daming hindi pa rin natututo, hehehe.
Comments at mga advice are appreciated by me and July... Hehe.
Salamat sa iyo July sa pagbahagi mo ng iyong kuwento. At para doon sa gusto ding magbahagi ng mga kuwento nila dito sa MSOB, welcome po kayo...
Oo nga pala, na-appreciate ko grabe ang mga inputs don sa kuwento kong "Si King..." Ang gagaling po ng mga advice. At ang mga ito ang ginawa kong guide ngayon sa "moving on" stage ko... Salamat na nanjan kayo.
Bati Portion: Babatiin ko din pala si Mark dito, na kapag natuloy ang bakasyon ko ngayong Dec 2010 ay igagala daw niya ako sa Manila, taya niya. Kaya binati ko kaagad siya upang di na siya makatanggi - lol!
At para din doon sa gustong bumili ng aklat ko, "Idol Ko Si Sir", please go to the online store at http://www.central.com.ph at hanapin ang elibrary under fiction po siya.
Dear Kuya Mike,
Eto po ung story ng love life ko at ang buhay ko…
- July
ANG SIX YEARS AT ANG SIX MONTHS
Grade 5 ako nung nagtransfer ako mula sa isang public school papuntang private school. Ang dahilan sa paglipat ko ay dala na rin sa pinalipat ako mula section 1 to section 5 ng dating school dahil late ako naka enroll. Hindi ito makatarungan kung kaya nagdecide ang parents ko na lumipat na lang sa private school.
Sa pagtransfer ko, dun ko nakilala ang tao na tinuring kong bestfriend, si Oriel. Naging malipat kame sa isat isa. Bagamat naging kaibgan ko ang buong classmate ko at ka-batchmate, xa parin ang naging close sa akin.
Sadyang palakaibigan si Oriel. Lahat ng classmate namin hinahangan xa, lahat ng guro nmin, pati na rin mga schoolmate ay kilala xa. Sikat nga siya kung ituring eh. Pag nagkaroon ng eleksyon para sa student council sa school, lagi xa nananalo. Naging classmate kame mula grade 5 hangang 4th year high school. Lagi kame magkasama sa mga projects, sports, activities, etc. Ganun kame ka close sa isat isa. Nung 4th year kame, sumale kame sa ROTC, ako naging corps commandant at xa naman ang aking Adjutant.
Minsan, pinupuntahan ko xa sa bahay nya, na medyo malayo mula sa amin. May panahon rin hiniram nya medyas ko kc wala xa medyas nung nag outing kame. At ang hindi ko makalimutan sa lahat ay di nya ako iniiwan mag isa pag kailangan ako ng tulong.
Masaya ako sa samahan naming dalawa. Sadyang palakaibigan si Oriel. May grupo siya kasama ng ibang classmates namin, kaso di ako sumali kahit niyaya niya akong sumama. Ang dahilan ay palagi akong tinutukso ng mga ka-grupo nya. PANGIT! Yan ang tukso nila sa akin. Pero di ko naman un pinapansin kc pabiro lang naman un, kahit masakit sa loob ko, pero d ko na lang cla iniisip. Ganun pa man, ni minsan di ako tinukso ni Oriel. Ganun sya kabait sa akin. At sa huli, sa akin din lumalapit humihingi ng tulong ang mga classmates naming iyon, lalo na pagdating sa subject na science at math. Salutatorian si Oriel while ako nman 5th honor, pero kuha ko ang award na excellence in science, math, comp, at arts, hehehe…
Sa panahon din un, high school, may napupusuan din akong isang babae, na may pagka boyish, si Kris. Mahal ko xa at alam nya un, kaso di nya ako type. Ewan ko ba, baka babae din type nya, kaya di na na develop ang pagmamahal ko sa kanya. Pero buong high school life ko xa lang ang babae na gusto ko maging kasama lagi.
Nagsimulang gumuho ang samahan naming dalawa ni Oriel noong 1st year college na kame, year 2004. Magkaiba ung kurso ang kinuha namin. Computer Engineering ang kinuha nya while BS Physics naman ang kinuha ko. Iisang boarding house lang kaming dalwa, at iisang kwarto. Pero bago pa man nagsimula ung pasukan, nag attend kame ng seminar 1 month, so bale April kame nagkasama sa boarding house na un.
Naging magkalapit ang samahan naming dalawa, gawa na rin na lagi kame magkasama araw at gabi. Minsan nga, pinapamasahe nya ang likod nya sa akin na minsan kasama ang pwet nya sa pagmamasahae, at kung magbihis xa, hubad na nakatalikod sa akin. Inisip ko wala lang un, same naman kame lalake at close nman kaming dalawa pati family nya. Aaminin ko, nabighani ako sa katawan nya, lalo na sa pwet nya. Dati pa man, lalake man o babae naaatrak ako sa tambok ng pwet. Tawag nga sa kanya ay “pato” kc pag mag lakad, sumasayaw tlga ang pwetan nya. Hehe. Bukod dun, maganda din hugis ng katawan niya. Marami nga naatrak kay Oriel, mga kapwa students pati mga guro ay naatrak din sa kanya. Malakas tlaga ang appeal nya.
Sa kwarto na un lagi ko xa nakikita, hangang dumating ang gabi na nawala ako sa isipan ko. Tulog na xa at gabi na tlga na un, mga 1am. Naisipan ko na lang na hawakin ung ari nya. At nagtagumpay nga ako, nasa loob ng brief nya ang kamay ko hawak hawak ang ari nya na unti unting tumigas. Bigla kong naisip na mali ang ginagawa ko kaya tinanggal ko ang kamay ko at natulog na rin. Kinabukasan, parang walang nangyari. Pumasok kami a seminar na parang normal lang. Kinagabihan, di ko na ulit napigilan sarili ko, ginawa ko ulit ang ginawa ko nung huling gabi, at hinalikan ko xa sa pisngi. Nabigla na lang ako nang dumilat ang mata niya! (June 2004)
Sa gulat ko, hindi ako makapagsalita. Gusto ko mang mag sorry, pero wala akong maisip na dahilan kung bakit ko un nagawa. Pero di rin xa nagsalita. Bagkus, tumalikod xa at natulog ulit, kaya natulog na rin ako.
Kinaumagahan, dun nagsimula ang galit nya sa akin. Kung anu ano ang sinabi nya sa akin, sa tagal at dami (6 years na nakalipas) d ko na matandaan ang lahat kundi ung sinabi nya na “Ang pagtitiwala ay parang baso, pag nabasag ito, mahirap nang ibalik”…
Nung nasabi nya un, parang gumuho na ang mundo ko. Ang tanging tao na karamay ko sa high school ko ay galit na galit sa akin. Ang tao na mahalaga sa akin at lagi kong kasama sa lahat ng oras ay binaboy ko. Ang tao na ni minsan d ako tinalikuran ay tatarikuran na ako. Napakasakit ang pangyayari na un, pero alam ko kelangan ko tanggapin dahil ito ang kabayaran ng aking pagkakamali.
Ilang araw nakalipas at napagpasyahan nyang umalis na sa boarding house at iwan ako dun. Kaya ilang araw pa pagkatapos nyang lumipat, lumipat na rin ako sa isang apartment, kung saan ako ngyon nakatira. Naisipan ko din na baka ayaw nya na ako maging kaibigan or gusto nya na akong kalimutan. Pero di ko xa masisisi pagkatpos ng ginawa kong lahat na iyon sa kanya. (July 2004)
Dahil sikat si Oriel sa aming batch, lahat ng mga classmates namin ay close nya. Kaya matapos ang pangyayaring yun, unti unti na ring nawala mga kaibigan ko sa high school. Ang nangyari, wala na rin akong kaibgan. At un ang napakasakit. Naiwan akong mag isa at walang kakampi. Minsan nagkaroon cla ng reunion, d ako invited. Mga ibang classmate ko na maaga kinasal, d rin ako invited. Minsan pag magkasalubong ko ibang HS classmate ko, di nila ako pinapansin. Anu bang meron ako? Nakakahawang sakit? Patay na ba ako sa paningin nila? Lahat ng iyon tiniis ko. Lahat ng pagtalikod nila sa akin, lahat ng pagkutya nila sa akin, lahat lahat tiniis ko. Inisip ko na lang na ito ang resulta ng aking ginawa sa isang sikat sa batch namin, si Oriel.
Sa pangyayari na un, natututo akong pahalagahin ang kaibgan, kaya naging close ko ang mga college classmates ko sa ibat-ibang mga subjects. Pati na rin sa Masteral subject ko naging malapit ako sa mga classmates ko. At dahil adik ako sa paglalaro ng mga online games tulad ng RAN Online, Perfect World, etc., dumami lalo ang mga kaibigan ko. Kaso, pagkatapos ng araw, uuwi ako sa apartment ko na mag-isa, kakain na mag-isa, at matulog sa apartment na mag-isa. Dun natuto ako maging mag-isa sa buhay. Sabi nga ng iba, napakalakas ko raw at kaya ko na mabuhay ng mag isa at matatag. Sa lahat kc sa aming magclassmate sa college, masasabing ako ang matatag kahit anu mang mga trials pinagdadaanan namin. Ganun pa man, may mga gabi din akong umiiyak sa kama ko at nagsisi kung bakit ko nagawa un sa bestfriend ko at kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan at kusa akong umalis sa boardhouse na un para d ko na magawa ang bagay na iyon.
Bagamat ganun ang takbo ng buhay ko, inenjoy ko naman sexlife ko, hahaha… Marami akong nakasama kahait papano, babae man o bi’s… Pero lahat nang un ay pang past time lang or pang tanggal ng init. Wala akong naging ka relasyon during college life. May mga panahon nga na babae na mismo ang nanligaw sa akin, haha, ang kapal ng face ko nun dat time. Ganun pa man, naging busy ako sa pagaaral ko sa kabila ng kalokohan ko, dala na rin sa course ko na BS Physics. Consistent Dean’s lister ako, at minalas ng kunti, muntik na akong makapagtapos bilang Cum Laude, a difference of 0.04 sa GPA ko, huhuhu. (March 2008)
Pero sa 4th year ko sa college, may nakilala akong tao, si Rain (July 2007). Sa panahon na iyon, may gf si Rain. Tuwing may problema clang dawala ako ang kinakausap nya. Pero d pa kame nagkasama personally hangang nung April 2008 kung saan may training xa for the whole summer year.
3rd year plang si Rain nun, at Going 4th year sa June 2008. BS Civil Engring course nya, kaya 5 years siya sa college. Summer ng 2008 ang una naming pagkasama. Dahil magisa xa sa training na un at wala namn ako ksama at gagawin, pinasyahan ko na samahan xa. Lagi ko xa sinusundo at hinahatid sa training venue niya, kahit ulan, baha, or tindi ng init, walang araw na d ko xa sinasamahan. At doon nagbunga feelings ko sa kanya. May 5, 2008 nung naging kame dalawa, xa ang unang bf ko, at sa araw din un ang unang araw ng aming pagsasama sa iisang kama…
Naging masaya ako sa piling nya, as in… wala na ako hiniling pa na iba kundi ang lagi xa kasama. July 15, 2008 nung nagdisisyon siya na lumipat sa apartment ko para magkasama na kaming dalwa, at birthday gift na rin niya sa akin kc July 23 ang bday ko (kaya July nickname ko kc July din bday ko). Sa panahong iyon din ako naghahanap ng trabho at nagmamasteral din. So sabay kaming nagaaral.
October 2008 nung nagkaroon ako ng trabaho. Inaamin ko na sa pagkakaroon ko ng trabaho, parang nabawasan na rin ang oras ko sa kanya. Maganda ang trabaho ko, palagi akong nagtratravel sa ibat ibang lugar sa pinas. Pero kasabay nun, ay naiiwan si Rain sa bahay ng mag-isa, malungkot. At nasasaktan din ako pag naiiwan xa, kaso wala akong magawa. Minsan nagseselos din siya sa mga barkada ko kasi lagi daw akong naglalaro ng computer games kasama sila, kung kaya tinuruan ko xa mag Dota at ibang online games, at nagustuhan niya ito, at naging adik pa nga…
Naging close ko din ang family niya. Naging kaibgan ko ang mga kapatid nya. Nakilala ko ang parents nya at lola niya. Nung nagkasakit ang lola nya, binantayan namin ito sa hospital. Kilala din xa ng family ko. Nung na confine ako sa hospital, binantayan nya naman ako. At nung mag-isa lang xa na nagbantay sa akin sa hospital, may ginawa sya sa akin, na alam nyo na. hahaha….
Dahil bf ko xa, at may trabaho naman ako, ako na rin ang gumagastos ng malaki sa bahay. Mga basic needs namin, mga foods, mga damit, etc., sagot ko na dahil medyo may kalakihan naman ang sahod ko. Nagpakabit na rin ako ng internet sa bahay para d xa mabagot, at tinuruan ko rin xa mag Facebook, na di ko inisip na magdadala ng kapahamakan sa relasyon naming dalawa…
January 2010, sa facebook may nakilala xang lalake, Javie ang name ng lalake. Sa text cla nag uusap. Ako nman d ako ung tipo na seloso. Hanggat alam ko na wala cla ginagawang masama, ok lang sa akin.
March 24, 2008 ay graduation day nya, at masakit sa akin wala ako sa graduation day nya dahil on travel ako. Kung kaya, naiwan xa sa bahay magisa. Dahil bagot xa sa bahay, niyaya xa ni Javie na maglakad, at un ang unang pagsasama nila. Dinala niya si Javie sa bahay, at sinabi nya na single xa, at ang masakit, may nangyari sa kanilang dalwa…
Sobrang sakit ang ginawa nya, sobrang sakit! Pero d ko pa to nalaman agad. Sunday March 28, 2010 nung dumating ako sa bahay. Sa pagdating ko, naabutan ko ang lalake sa bahay dahil early morning akong dumating, pero naguusap lang clang dalawa. Pinakilala nya sa akin na kaibigan daw nya. So ok lang sa akin, kc buo nman ang tiwala ko sa kanya.
Gabi nung nagtxt ang lalake at tulog na si Rain. Nabasa ko ang text nya at sabi ng lalake na mahal daw niya si Rain. Kaya un ang unang gabi na nagaway kaming dalawa dahil sa lalake na un. Di nya inamin sa akin na may nangyari sa kanilang dawala pero ako may duda na…
April 2010 noong may travel na nman ako. At sa pagbalik ko, tinanong ko ang may ari ng bahay kung may dinadala bang ibang lalake si Rain, at OO, nagdadala nga xa ng ibang lalake, at un ay si Javie!
Sa buong buan ng April, walang gabi na d kame nagaaway. May mga text pa nga na “I miss your kiss, I miss ur hug, I miss having S*x with you”... Ilang beses ko na sinuntok ang pader ng bahay, ilang bses ko na natapon nag cp ko, at ilang beses na akong umiyak, pero lahat nun d xa nagsorry at d nya inamin sa akin about sa kanilang dalawa. At inaamin ko, naging martyr ako, sobrang martyr sa pagmamahal ko sa kanya…
May araw din sa buwan na un (April 2010) nag alok xa ng break up ng walang dahilan. At nabasa ko sa CP nya ang text ni Javie na maghihintay daw xa pagkatapos ang break up namin. D ko n natiis ang lahat ng panlolokong ginagwa niya.
April 30, 2010 nung may outing cla pati classmates nya, pumunta xa sa outing pero kinuha ko ang cp nya, at tnxt ko ang lalake at nagpanggap bilang xa, at dun lumantad na ang lahat ng kalokohan nila. May 1 at 2 sa bahay xa ng lalake natulog dala na rin ng galit nya sa akin kc kinuha ko ang cp nya.
May 3, 2010 nung umuwi si Rain sa bahay at inamin nya na lahat, lahat lahat mga panloloko nya. Ilang beses na pla cla nags*x habang wala ako sa bahay or sa bahay ng lalake. Sobrang sakit tlga pla ang katotohanan. Sabi pa nya, kung pwede lang daw xa magsinungaling para d ako masaktan, gagawin daw nya, kaso anu pa ang silbi ng pagsisinungaling kung saan lantad na ang lahat..
May 4, 2010 nung kinausap ko si Javie at si Rain ng personalan. Sa private rum kame nagusap, sa videokehan , at sagot ko lahat ng pagkain at gastos, mga about 1k din un. Dun pinilit ko magkaayos lahat, kaso matigas ang ulo ni Rain at ni Javie. Ayaw nila iwan ang isat isa. Dun din inamin nya na mas mahal nya si JV kesa sa akin. At nasaktan ako, sobra!
May 5, 2010 kahit grabe na ang sitwasyon namin, niyaya ko xa kumain sa isang Asian Resto at mag celebrate ng 2nd yr Anniversary namin. Pilit lang kung baga, pero para sa akin, masaya ako sa araw na un, at masaya din xa sabi nya. Nagtatawanan nga kame sa pag gamit ng chop-stick e, kc d sanay.
Ganun ako Katanga sa pagmamahal sa kanya. Pero d ko alam kung pagmamahal pa ba tawag dun, or being POSSESSIVE na. Nasabi ko iyon dahil nasanay akong lagi xa kasama sa bahay, at dahil dun, ayaw ko xa mawala sa piling ko, lalo pa sa isang lalake xa babagsak. Sabi nga nila, pag mahal mo ang tao, handa ka magparaya. Sa part ko nman, nahihirapan akong magparaya dahil sa isang lalake naman din xa babagsak. Tanggap ko nman kung babae ang ipapalit nya sa akin, wag lang isang lalake.
Dahil BSCE ang course nya, kelangan nya mag review sa Cebu for 6 months para sa board exam nya. Nagaaway din kame kc panay din ang txt nya sa lalake na un, at ako nman nagseselos kahit wala nang dahilan kc nga wala na xa pagmamahal sa akin, at masasabi ko na rin break na kameng dalawa. Kaso iyon, nagaaway pa rin kame.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, or possessive ba, napagdesisyonan ko na rin na samahan xa papuntang Cebu at mag bakasyon dun nang ilang araw bago mag start ang review niya. Ni minsan di pa xa nakasakay ng eroplano kung kaya imbes na barko, eroplano sinakyan namin, ako na ang nagbayad ng plane ticket naming dalwa. Masaya ako nung makita sa mukha nya ang excitement sa pagsakay ng eroplano…
Sa Cebu, nag check in kame sa SOGO Hotel, at sagot ko din ang bayaran namin sa hotel, 6 nights kame dun nag stay. Panay pasyal namin sa Cebu, sa mga tourist spot nito, mga food trip. Lahat ng iyon sagot ko, makita lang xa masaya. Sinubukan din namin ung Skywalk at Hedge Coaster sa Royal Regency, at sagot ko din bayarin dun. Plano nga din naming punta Panglao Island sa Bohol, kaso nakulangan sa oras. Sinamahan ko rin xa mag hanap ng magandang boardinghouse dun kung saan xa titira ng 6 months. Binilhan ko rin xa ng mga gamit na kakailanganin niya dun.
Pero sa lahat ng ginawa ko para sa kanya, patuloy pa rin nya ka text ang lalake. Kahit ako ang kasama nya, ka text naman nya si Javie. Sobrang sakit, grabeh. Pati sa Cebu nagaaway pa kame dahil sa Javie na un. Aaminin ko na ako na ang tanga dun. Bakit ko pa ba xa aawayin, wala na akong right dahil mas mahal nya si Javie kesa sa akin. Pero di ko matiis sa sarili ko ang magselos at pagalitan siya.
Kaya pagkatpos ng bakasyon sa Cebu umuwi na akong mag isa na may sama ang loob at naiwan xa sa Cebu para sa review nya.
Pagdating ko sa amin, dun ko naisip kung gaano ako ka tanga. Bakit ko pa ba siniksik ang sarili ko sa isang tao na ayaw na sa akin..? Di ko pinairal ang utak ko. Nagabsent pa ako sa trabaho ko ilang beses para lang makasama xa, at eto sa Cebu 1 week vacation kasama xa, 1 week absent, at 1 week din deduction, hays.. Pero wala akong pinagsisihan kc naging masaya nman ako kasama xa kahit wala na xa pagmamahal sa akin. Sadyang tanga lang ata ako… Siya kasi unang bf ko, at binigay ko ang lahat at nakalimutan ko na ang sarili ko.
Pag balik ko sa lugar namin, nakita ko ang bestfriend ko, or dating bestfriend ko, si Oriel, at may kasama xang babae, girlfriend nya, si Jenni. Si Jenni ay 1 year below sa amin ni Oriel, at mahal ni Oriel si Jenni since high school. Iisang paaralan lang kc kame, at masasabi kong mahina si Oriel kc natagalan xa maamin kay Jenni na mahal nya ito, hehehe..
Masasabi ko sadyang maliit ang mundo, hindi dahil nagkita kame ni Oriel, kundi si Jenni at si Rain ay mag pinsan!
6 years na rin ang nakalipas nung huling usap naming ni Oriel. At sa gulo ng buhay ko, napagdisisyonan ko na rin na ayusin ko na ang nakaraan ko. Kung kaya kinausap ko isang kaibgan ko sa high school na bestfriend ko rin, si Kaye, isang babae na crush ko din. Sa kanya ko una sinabi lahat ang mga bagay tungkol sa akin at ang pagkatao ko. Una na bigla xa nung nalaman nya ito, pero naintindihan nya ako at tinanggap ang pagkatao ko. Kilala ko si Kaye, mabait at maunawain. Kung kaya sa kanya ako humugot ng lakas ng loob para kausapin si Oriel.
Sa text ko kinausap si Oriel…
July: “Yeng, I don’t know how to tell you this. 6 years na after nagalit ka sa akin. 6 years na din dinadala ko tong guilt sa sarili ko. And if dat 6 years is still not enough to forgive me, I have no choice but to wait another years just to hear from u na u have already forgiven me. Although nanghihinayang ako sa friendship natin during high school at elementary, but I have 2 accept this consequences. Kung ibalik ang samahan natin ay imposible na, naintindhian ko iyon. All I want now is to know dat u already forgive me. Still I hope that someday pwede kita maka bonding again as a good friend. Well anyway, im happy for you now and what you achieve in your lIfe. God bless.”
Yeng ang tawag ko kay oriel, un din kc ang nickname nya. Matapos ko na sent ung text ko, naghintay ako ng reply. Pero ilang minutes na nakalipats, mag 1 hour na, walang reply. Kung kaya naisipan ko na wala na talaga pag asa.
Ilang minutes pa nag beep CP ko. Si Oriel, nag reply!
Oriel: “Ok na un July. Forgiven ka na, matagal na un, kalimutan na natin un”
Sa reply na un, sobrang saya ko. Parang nabunatan ako ng tinik sa dibdib ko na naka saksak sa puso ko ng anim na taon. Nireplyan ko xa…
July: “Maraming salamat talga Yeng! If you only know paano ka gulo buhay ko ngyon, and that’s why im fixing things in my past, which is you. Friend?”
Oriel: “Yep, friend lang xempre Jul”
Sobrang saya ako nung narinig ang text nya sa akin, pero parang may kulang… Inalok ko xa maglabas minsan, kaso ayaw nya. Kaya naisip ko na bagamat forgiven na ako sa kasalanan nya, di pa rin buo ung trust niya sa akin. Pero d ko xa masisisi. Sa ngayon, masaya na ako na marinig galing sa kanya na napatawad na nya ako, at im still hoping someday mabalik ung trust nya sa akin…
June 2010 ngayon. Ang buwan na to ay siyang pang 6 years na mula nagaway kame ng bestfriend ko at ang muli naming paguusap. At mula sa buwan na to, 6 months magkikita ulit kame ni Rain sa pagbalik nya dito. Sa pagbabalik niya, d ko alam kung anu ang mangyayari, kung pareho pa ba ang turingan naming dalawa, or iba na. Babalik xa sa apartment dahil na rin andito pa mga ibang gamit niya…
6 years na d kame nagusap ni Oriel, 6 months at magkikita ulit kame ni Rain, at 6 days/night bakasyon namin sa Cebu. Alam niyo na anu ibig sabihin nito, huhuhu…
Di pa tapos ang storya na to, storya ng buhay ko. Sa ngyon, d ko pa lubusan naibalik samahan ko sa mga high school friends ko, at lalo na kay Oriel. Di pa din naghihilom sugat ko mula kay Rain. Kung kaya, may part 2 pa ito, kaso matatgalan pa ang publication, hehehe… Ako nga excited na ako sa mga susunod na mangyayari… Di ko alam ganito tatakbo ang ninais kong simpleng buhay dati, hehehe... Kaya abangan nyo po anu mangyayari…
Salamat pos a pagbababasa sa story ko na to. Di po to imbento or kathang isip. Sadyang totoo po ito at nangyari mismo sa buhay ko. Mag 23 na ako ngyon July 23, kaya advance happy birthday sa akin, hehehe.. Maraming salamat sa oras na ginugol ninyo…
- July
Pahabol:
Dear Rain,
Patawad kung dinelete kita sa Facebook account ko. Patawad kung iniignore ko friend request mo sa akin doon. Patawad kung d ako nagrereply sa mga text mo sa old sim ko. Patawad kung d ko binigay sau ung new number ko. Patawad. Malubha ang sugat natamo ko sa mga nangyari sa atin dalawa. Kelangan ko muna Time at Distance para maghilom ito. Mahal kita, lagi mo yan tandaan. Wag mo sana kalimutan ang sinabi ko sau nung April. Lahat ng ginawa mo sa akin, lahat mga sakit natamo ko, lahat ng iyon kaya ko kalimutan kung babalik ka sa piling ko. Un ay, kung may pagmamahal ka pa para sa akin.
Ingat ka jan lagi, at ipagdasal ko na sa pagbalik mo dito, matatawag na kita bilang Engr.
- July
Dear Kuya Mike,
Maraming salamat binigyan nyo ako ng pagkakataon i-share ang buhay ko. Higit sa lahat, maraming salamat sa stories mo na isinulat at pinost nyo sa blog niyo. Marami ako natutunan, mga leksyon sa buhay, pati na rin ang lakas na loob para harapit ang bukas. Sana, di ka po magsasawa sa pagsulat ng mga story na nagbibigay lakas at inspiratin sa tulad ko na Bi. Maraming salamat at God bless po sa iyo at sa mga tao na malapit sa puso mo.
- July
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
July and Mike,
ReplyDeletePain is inevitable. Suffering is optional. Moving on is simple, it's what you leave behind that makes it so difficult.
Perhaps the persons who are hurting you now were just stop-overs, not the your destinations.
Cheers! Bilog pa rin ang mundo.
Parehas kami ng naranasan ni July na tinutukso, kinukutsya, at kung anu-ano pa man nung High school ako.. the only difference is, all those years, WALA AKONG NAGING BESTFRIEND.. yun ang masakit.. sa loob ng 10 tao, wala akong karamay na kahit sino.. ang hirap nun grabe.. parang buong mundo kaaway mo..
ReplyDeleteMaswerte ka pa rin July dahil nagkaroon ka ng best friend.. at sana naalagaan mo yung friendship na yun dahil minsan lang sa buhay ng isang tao dunating ang matatawag mo na Best Friend..
Goodluck sa iyo sana maayos mo yung problem mo at God Bless =))
Maraming salamat sa mga nag comment. Sadyang masakit ang niloko or tinraydor. Sa part ko, mahirapan ako mag move on, dahil na rin ang apartment kung saan ako nakatira ngyon ay ang parehong apartment na pinagsama namin ni Rain, at room kung saan kame dati naglalambingan.
ReplyDeletePero kelangan ko na din gumising at tanggapin mga skit na e2. There's no other way but to move forward. Unti unti ko na rin nililigpit mga gamit ni Rain d2 sa bahay, para nman maiwasan ko siyang isipin. Haays, ang hirap...
E2 pa po dagdag info sa story ko, d ko ito nasulat kc ngoyn ko lang naalala... Recently, nag apply si Oriel sa office saan ako nagwowork ngyon, waaaaaaaaaaa..........!!!! Sana di xa matanggap, hahaha, lol, ang sama ko @_@
..wow first of all thank you for sharing your story it gives hope and inspiration..grabe july pinagdaanan m0h ndi salute kundi 21 gun salute hehehe napakatapang mo imagine wla kng nging kaibigan during college tpos mga high friends m0h and all tinuring kang patay..ang sakit ng tlga grabe idol kita din sa katanghan m0h (sorry for my word ah dont take it personally peace tau friend its just pure comment lng hehe)when it comes sa pgmamahal todo todo ndi k ngtitira sa sarili which mali peo go k pa din ndi dn kta masisi kta i kn0w kung gaanu m0h kamahal ung tao...but its good to hear that u are m0ving on,now u learn ur lesson and u gained experience...and now that u are trying to fixed everything from ur past to your bestfriend,high school friends and now to rain...in that note na medyo umiwas or dumistansya k ky rain which go0d na sana n0on u pa gnawa ahehe...i am personally praying that you find the right person that would love u back as u love him and would stay and not leave u...(aq ata un eh :-) lol) also hope n maging masaya ka na at maayos moh n ang magulo m0h buhay pti ung past..ahehe i am wish u well and safe more power to you nga pala advanced hapi bday! hope n sna kht kunti eh napagaan q nraramdaman m0h..pde q b maging friends tau at makuha fb m0h if ok lng hehe email u nalang sken eroil_rys@yahoo.com at kung cnu pa gusto i add q kau email lng hehe thanks alot Godbless!
ReplyDelete,ahehe nakalimutan q name q sa sobra haba ng comment bsta email nio fb nio at eroil_rys@yahoo.com but the way i am lerrad..thanks again
ReplyDelete@Lerrad:
ReplyDeleteTnx po sa comment. Regarding sa term na "katangahan", ok lang un, d lang cguro ako naging tanga pag dating sa pag ibig, anjan din si Kuya Mike, hahaha (dinamay ba...)
Yap, unti-unti ko ayusin samahan ko kay Oriel, kahit mahirap, susubukan ko parin, total wala nman masama pag sinubukan d ba...
Salamat ulit, at sana nagbigay ako ng kahit kunting inspirasyon sau...
..ahe oo nga my kdamay k marami taung mga tanga aq minsan nrin nging tanga ahehe..oo sna maayos m0h n lhat..ung fb m0h plz hehehe tnx pla s reply..u reall gives inspiration!
ReplyDelete-lerrad
sang-ayon ako sa lahat ng sinabi ni jockolong.in fact nung nabasa ko yung naging reaction ni oriel sa ginawa mo sabi ko sa sarili ko 'ang oa naman ng taong to.daig pa ang babaing ginahasa kung makapag react'.buti sana kung nirape mo siya,dun mas may karapatan siyang magdrama ng ganun.kung trust naman ang pag-uusapan,oo nagkamali ka at nasira mo ang pagtitiwala niya sa'yo pero dapat sana binigyan ka pa niya ng chance para iprove sa kanya na hindi mo na ulit gagawin sa kanya ang bagay na 'yun,na gagawin mong lahat para maibalik ang buong pag titiwala niya, pero wala,unang beses ka palang nahuli eh pinagsarhan ka na agad ng pinto at bintana.naniniwala kasi ako na pag nagkasala sa'yo ang isang tao ay kailangang patawarin mo siya ng makailang ulit at kapag nagpapatawad ka,you will forgive and after that you MUST FORGET.totong mahirap nang ibalik sa dati ang isang bagay na nalamatan at isa ang kasabihang ito sa pinakaayaw ko pero iyan ang realidad sa maraming pagkakataon.pero kung totoong napatawad kana niya ay wala na siyang maisusumbat dahil ang naging kasalanan ay hindi na maaalala ng isang taong nagpatawad at lumimot.nakakapanghinayang na sinisi mo pa ang sarili sa nangyari.wag mo ring iugnay ang mga numero sa mga nangyari sa'yo dahil tao lang ang nagbibigay kahulugan sa mga ito.I just wish na sana maging okay na lahat sa'yo,pati narin sa'yo kuya mike. Sensya na kung medyo mahaba.hirap na rin ako kasi cellphone ko lang gamit ko sa pagtype at pagpost ko nito. God bless you all.
ReplyDeletesang-ayon ako sa lahat ng sinabi ni jockolong.in fact nung nabasa ko yung naging reaction ni oriel sa ginawa mo sabi ko sa sarili ko 'ang oa naman ng taong to.daig pa ang babaing ginahasa kung makapag react'.buti sana kung nirape mo siya,dun mas may karapatan siyang magdrama ng ganun.kung trust naman ang pag-uusapan,oo nagkamali ka at nasira mo ang pagtitiwala niya sa'yo pero dapat sana binigyan ka pa niya ng chance para iprove sa kanya na hindi mo na ulit gagawin sa kanya ang bagay na 'yun,na gagawin mong lahat para maibalik ang buong pag titiwala niya, pero wala,unang beses ka palang nahuli eh pinagsarhan ka na agad ng pinto at bintana.naniniwala kasi ako na pag nagkasala sa'yo ang isang tao ay kailangang patawarin mo siya ng makailang ulit at kapag nagpapatawad ka,you will forgive and after that you MUST FORGET.totong mahirap nang ibalik sa dati ang isang bagay na nalamatan at isa ang kasabihang ito sa pinakaayaw ko pero iyan ang realidad sa maraming pagkakataon.pero kung totoong napatawad kana niya ay wala na siyang maisusumbat dahil ang naging kasalanan ay hindi na maaalala ng isang taong nagpatawad at lumimot.nakakapanghinayang na sinisi mo pa ang sarili sa nangyari.wag mo ring iugnay ang mga numero sa mga nangyari sa'yo dahil tao lang ang nagbibigay kahulugan sa mga ito.I just wish na sana maging okay na lahat sa'yo,pati narin sa'yo kuya mike. Sensya na kung medyo mahaba.hirap na rin ako kasi cellphone ko lang gamit ko sa pagtype at pagpost ko nito. God bless you all.
ReplyDeleteto july
ReplyDeletesobrng inspiring ang kwento lalo n sa tulad kong bata..kht 3 yrs lng ang tnda mu skin whahahah...
anyways npkgnda isipin n ang strong mo na harapin ang mga bagay n magisa.. bilib ako sa tapang na hinarap mu..
aaabgangan ko ang sususnod mong story .. always be happy and strong.. GOD bless u and more power!
kuya 2004?? online games na perfect world?? 2007 po inilabas dito sa pinas un eh.. nyak nyak.. hehe :)
ReplyDeletepero ang ganda ng story hehe,,
ReplyDeleteaabangan ko ung part 2 nito.. :)
To Jockolong at ung anonymous: tama po kau, marahil d ko po dapat sisihin sarili ko sa mga nangyari sa amin ni Oriel. Una, na tukso ako sa samahan namin, ikaw b nman mag hubad sa harap mo, hahaha.. Pangalawa, kinda OA din xa, ngyon ko lang naisip un.. Kung sinasabi nya na napatawad nya na ako, sana naman bigyan nya ako ng chance para patunayan sa kanya na iba ako gaya ng iniisip ng iba...
ReplyDeleteTo Siopao: d pa ako matanda, hihi.., Sobrang hirap mabuhay ng magisa, kelangan mo lakas ng loob.., d ko nga alam pano k un nalampasan, at nakakayanan hangang ngyon...
To Gaga: Opo 2007 napalabas ung PW, pero bago PW, naglaro ako ng RAN at Gunbound, hehehe..
Pero may d ko nagustuhan sa sinabi ni Jako. Un ay ang pera lang habol ni Rain. I believe d un habol nya, kc in the first place, naging kame nung pulube plang ako, nung wala pa ako work... And I stand to protect that belief, hehe, peace ^_^
ReplyDeleteTo Jocko,
ReplyDeleteTama ka, dito ko masasabi ang Trust sa aming dalawa ni Rain at hindi kay Oriel... Trust na nasira, at trust na kung maibabalik pa ba... Salamat po sa pagpapaliwanag, i appreciated it much... ^_^
..ahehe learn a lot tlga about sa mga c0mment nio jock,anonymous and kua july...ang lalamin ng mga pinag huhugutan ng mga advice nio hehehe...hope na maging ok na lahat..
ReplyDelete-lerrad
kuya july hanggang ngaun ba nag lalaro kapa ng PW?? hehehe anun server mo?? ^.^
ReplyDeleteParang kilala ko ang july at javie na ito! Are you not both from northern part of our beautiful country??
ReplyDeleteto july
ReplyDeletebxta go with the flow.. be happy and always thinks that there's tomorrow coming from you..
kylan b yung next xcited n ako ee heheh
To Gaga: D na po ako naglalaro ng PW, pero mga barkada ko naglalaro pa din, Tiger server, for sure kilala mo cla pag sa Tiger server ka, hehe..
ReplyDeleteTo Anonymous: Di po ako taga Northern part, taga Southern part po ako, hihi...
To Siopao: Salamat sa encouragement..
UPDATE: After ilang weeks ng di ko pagrereplyan sa text ni Rain, kahit everynight xa nagtetext, July 3 nireplyan ko xa kc nid daw tlaga nya ng tulong... And guess nyo po kung anung tulong iyon...
sendan nyo po me mga kwento... ang gaganda mga kwento d2> email me @ niobe102687@yahoo.com
ReplyDeletehayyyyy mukang malapit n rin akong magpost ng kwento ko dito...lamang lang ako ky july... hahaha ang relasyon ko 7years at 7months...paguwi ng pinas isang kataksilan pla ang matutuklasan hehehe eto tanga rin...kasama p rin nya ginagabayan sa miserableng buhay nya n sana pinagtatawanan ko sya pero awa ang nanaig...
ReplyDeletekuya mike...... musta ka na... nsa saudi k n pla di tayo ngpang-abot...tinext lang sakin ni JOJO itong blogspot mo...wala k n daw account sa piclink eh
ang iyong bunso,
gigz
wow nag lalaro pla kayo pw...ano server nyo? hehehe tiger server me...ign xyler...ok kwento mo nakarelate ako...na miss ko naman bestfriend ko...magkasama p kami dati sa boarding house kaso nagkasira din...both of us were scared dat tym na aminin na may feelings kme sa isat isa...nauwi rin sa paghihiwalay ng boarding house at eventually ng landas...naka txt ko sa tuwig may nag bibirthday saming dalawa pero hanggang dun n lang...i hope he is happy now...
ReplyDelete...thanks july
ReplyDelete...your not alone
...matagal n tong post sana this time ay happy kna at natagpuan u n ang katapat ng puso mo.
Napaka ganda ng kwento although, the story both male inulit ulit ko ang ang kwento para sure ako, pero lalaki pla akala ko babae. Ingat ka lagi Julj ;-)
ReplyDelete