Followers

Thursday, June 10, 2010

Tulonggggg!!!

Sa Jun 19 Book Launchiung po ng "Idol Ko Si Sir" ay may magaganap na "Reading" ng mga line or lines na mejo may sundot, may meaning, o may tama sa puso.

Para doon sa nakabasa na sa kuwento, gusto ko sanang maghingi ng opinions ninyo kung anu-anong line/s sa ang para sa inyo ay "striking" o nakakapagbigay ng impact para sa inyo. Pwede ang isang line o maraming lines, pwede rin sa iba't-ibang parts ng sotry.

Sana ay matulungan ninyo ako.

May isang follower na ang nagbigay sa akin. Itatago na lang natin siya sa pangalang "Junius" nyahaha.

Please write your reply sa comment box nitong post na ito.

Maraming salamat po!

-mikejuha-

9 comments:

  1. “Ngunit hindi rin lahat na pweding ipaglaban ay ang pansariling
    kapakanan lang, diba? Pwedi ring ang kapakanan ng kapatid mo, ng nanay
    mo, o ng taong mahal mo. Yung iba nga, ginagawa ang lahat kahit magdusa,liligaya lang ang mga mahal nila. Yung iba naman, buhay ang
    itinataya...”

    ReplyDelete
  2. If you can’t stand by what you believe in or if you turn your back from the consequence of your misdeeds, you are worth nothing

    ReplyDelete
  3. "Ang pagmamahal ay hindi dapat sa puso lang pinaiiral. Dapat ang isipan din. Hindi sapat na nagmahal ka ngayon at wala ka ng pakialam sa kung ano man ang maaaring mangyari bukas. Dapat mayron kang direksyon..."

    "...ang sukatan ng tunay na pagmamahal ay kung sa kabila ng tindi ng paghihirap at sakit na naranasan, nagmahal ka pa rin..."

    “I may not be perfect; I may have stumbled along the way. I may have made the ugliest mistakes in life. But these didn’t deter me from facing the challenges. I stand up as many times as I have fallen. In each fall, I try to forget the pains, ask for forgiveness to people I’ve hurt, and make amends. Importantly, I keep the lessons. These lessons make me a better and wiser person. And then I move on, determined as ever to rise above my imperfections…”

    "...I feel that sex is something to enjoy; not to be forced upon on someone. I also believe that the main objective of doing sex is to fulfill desires. And nothing could be more fulfilling than making love with someone with whom you have a deep emotional attachment; someone you’ve given your trust, or you’ve really desired... ”

    "...Kapag nagmahal ka, dapat hindi lang puso ang pinaiiral, kungdi pati na rin ang isipan; dapat may direksyon, may pangarap..."

    -enzo

    ReplyDelete
  4. Ganyan talaga ang buhay, walang permanenteng takbo, o kasiguruhan. Minsan, darating na lang ang mga taong di natin inaasahan sa buhay, mamahalin at hanap-hanapin. Ngunit hindi ito magtatagal; aalis din sila dahil hahanapin din nila ang mga sarili, o ang mga pagbabago na dapat gawin, o ang mga posibilidad na magbibigay kahulugan sa mga buhay nila. At dahil mahal, hahayaan natin silang lumipad at makalaya kumbaga, magtagumpay, lumigaya... sa kabila ng sakit na maaaring idudulot nito at ng pagbabago..



    ---DM

    ReplyDelete
  5. “Ah, blackmail...? Ow come on, Carl, don’t be so hard on yourself. Alam mo, dapat magpakalalaki ka e. If you want to achieve something, then work hard for it. Napakaganda ng feeling kung ang isang bagay ay nakuha mo dahil pinaghirapan mo, o pinagpawisan. Napakadaming tao sa mundo na deprived sa mga bagay na nasa iyo na, naghirap, nag-invest ng dugo at pawis para lamang makamit ang mga kahit simpleng bagay na kagaya ng damilt o sapatos. Karamihan nga ay hindi na makapag-aral. May iba nga jan, hindi makakain kung hindi binibilad ang katawan sa araw o magbanat ng buto. Yung iba, ni hindi na iniisip ang ibang bagay na taken for granted na lang ng mga taong katulad mong spoiled brat dahil ang mas mahalaga sa kanila ay kung ano ang ilalagay na pagkain sa mesa. Yung iba nga e kahit mesa wala, at yung iba naman ay nakakatulog na lang na walang laman ang sikmura... Alam ko yan dahil isa ako sa kanila nung maliit pa ako, walang magulang lumaki sa hirap. Nagreklamo ba ako? Gumawa ba ako ng masama? Namblackmail ba ako? Hindi Carl. Bagkus, naging mas tumibay pa ang hangarin kong magsikap at magpursige… Ngunit ikaw, heto, blackmail ang puhunan sa isang napakaliit na bagay na kayang-kayang kamtin sa malinis na pamamaraan. Don’t you feel guilty and ashamed? Wow naman Mr. Miller... Na-experince mo na ba ang tinatawag nilang ‘peace of mind’ and ‘inner satisfaction’? O kaya’y kahit yun nalang sarap ng feeling sa pagkamit ng isang bagay na pinaghirapan at pinagpawisan? Itanong mo nga minsan yan sa sarili mo para magkaroon ka naman kahit papanu silbi sa mundo. Anyway, whatever you think makes you happy, then go for it; I don’t care a bit. At oo nga pala, today is my last day. I am leaving this school dahil... sasabihin nalang nating I failed as a teacher. May isang estudyante akong in the beginning I thought kaya kong baguhin ang baluktot na pananaw at gawing huwaran ng mga kabataan. Nagkamali ako sa challenge na iyon para sa sarili. I guess I was just too ambitious... Hindi ko alam kung saan pupunta after today but kaya ko namang mabuhay sa isang malinis na pamamaraan; na hindi gumagamit ng dahas, intimidation, o pambablackmail. Sanay ako sa hirap; sanay ako sa mabibigat na trabaho... Ang importante, wala akong tinatapakang tao, walang inaagrabyado o iniipit...” Nahinto sya ng saglit at binitiwan ang napakalalim na buntong-hininga. “Sayang lang ang lahat ng nasimulan ko dito... para sa mga estudyante. Anyway, I guess it’s goobye, Mr. Miller; nice meeting you here” dugtong nya sabay tayo at extend ng handshake. “By the way, a few words of advice: napaka-swerte mo sa buhay, Carl, I think it’s time for you to count your blessings, be happy with what you have, and be a positive contribution to the humankind.” Pahabol nyang sabi bago tuluyang lumabas ng conference room at isinara ang pinto.

    ReplyDelete
  6. “Ang pagmamahal ay hindi dapat sa puso lang pinaiiral. Dapat ang isipan din. Hindi sapat na nagmahal ka ngayon at wala ka ng pakialam sa kung ano man ang maaaring mangyari bukas. Dapat mayron kang direksyon...”

    ReplyDelete
  7. talagang ang galing mo kuya mike. idol kita.im your new fan. sana maraming stories like idol ko sir nakarelate ako kay james

    ReplyDelete
  8. sana i want to meet u in person pero you are in kingdom of saudi arabia

    ReplyDelete
  9. hinanap ko talaga ang blog mo, dati nagbasa lang ako sa kwento mo sa bi out loud, puede ka bang i email sir mike. ur new fan he he he he

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails