Followers

Monday, August 8, 2011

Ang Tutor 4




****************Wednesday to Thursday********************



Naging peaceful naman for Arthur ang nagdaang araw at hindi naman siya nadale ng mga Heavy Banat ng pagkaBitter nitong si Matthew sa mga times na nag-uusap sila. Ipinakita talaga nitong si Arthur kay Matthew na 'Who is the Boss' kaya lang nga'y mas ipinakita ng kaniyang daughter na si Jenny sa kaniya kung sino talaga ang Boss nitong si Matthew.

Sa tuwing pag-bubuksan niya ng gate itong si Matthew tuwing umaga'y kasunod na ni Arthur itong si Jenny na itinitili ng masayang-masaya ang pangalan ng kaniyang tito Matt at pagkatapos ay lalapitan niya ito't hihilahin ni Jenny sa isang hands si Matthew papasok sa bahay upang matulungan na siya sa pagprePrepare to go to School at iiwanan nalang nila si Arthur na nakanganga. Susunod naman itong si Arthur sa dalawa upang ibigay ang money kay Matthew na panggastos nila si Jenny for the whole day.

Hindi pa din nagkakaroon ng chance itong si Arthur na makausap niya ng masinsinan itong si Matthew about sa additional amout na kaniyang idadagdag sa salary nito dahil sa pagpayag nitong maging Nanny and Tutor muna ni Jenny for the meantime. Nawala sa isip nitong si Matthew ang salary niya sa kaniyang pamamasukan kina Arthur dahil hindi naman ito talaga ang kaniyang habol at malaki ang allowance niya na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga Parents.

Sa side naman nitong si Matthew ay naging positive naman ang result ng mga sinusunod niyang mga tips and info galing sa mga nababasa niyang articles from the net about sa pag-aalaga't pagtuturo sa mga batang kasing age ni Jennifer. Nagkaroon na silang dalawa ng routine ng kaniyang alaga everytime na uuwi sila from school.  Magmemerienda muna silang dalawa after ng uwian nina Jenny and pagkadating nila sa bahay, they will take a rest for an hour and after that ay saka na sisimulan nitong si Matthew ang pagtuTutor kay Jenny.

Hindi naman naging mahirap for Matthew ang pagtuTutor niya because ginawa niyang  para lang silang nagplaPlay nitong si Jennifer. Laking tuwa din naman ni Matthew dahil hindi siya nagkamali about sa sinabi niya to Arthur na bibo itong si Jenny. For just two days sa kaniyang session with Jenny ay talaga namang nagkaroon sila ng bonding. Maraming ikinukuwento itong si Jenny about her day sa school and about her mom and dad to.

"It will take time." Ang banggit nitong si Matthew for Jenny dahil one time ay nakita niyang naUpset ito nang ikinuwento ni Jenny sa kaniya ang time na nagpunta silang tatlo with her mom and dad sa Disneyland HongKong.

Alam ni Matthew na Jenny still misses her mom and nangako itong si Matthew sa kanyang sariling sasamahan niya itong si Jenny until she fully understand and maAccept whole-heartedly ang pagkamatay ng maaga ng kaniyang mommy Liz.

100% na alam ni Matthew ang pagkakaroon ng mga parents na super busy sa kanilang work and alam din nitong si Matt na kailangang magkaroon si Jenny ng someone who can she confide and someone na pwede niyang pagkatiwalaan.

Noong bata pa itong si Matthew ay mayroon siyang Yaya na naging takbuhan niya sa lahat ng oras at ang yaya din niya ang humalili sa pagiging absent ng kaniyang super busy na mga parents. Kaya nama'y nagDecide itong si Matthew na siya ang magiging takbuhan nitong si Jenny in times na hindi available ang kaniyang Daddy.

Hindi sinisisi ni Matthew ang kaniyang mga parents or even Arthur na palaging busy sa kanilang work dahil alam niyang they are working hard para for the family.

Hindi alam nitong si Matthew ang real reason kung bakit naging super close sila ni Jenny for the short period of time na magkasama sila. Hindi dahil smart ito't madaldal but naging close sila dahil nakikita niya ang kaniyang sarili kay Jenny.

Bukod sa pag-aalaga'y kumuha din itong si Matthew ng mga infos and tips sa pagluluto from his Yaya and sa mga yaya sa school dahil parang nauta na itong si Matthew sa mga fastfood na palaging kinakain nila ni Jenny for breakfast, lunch and snack for the past few days. Pag-umuwi naman itong si Arthur galing Office ay ma ydala na itong Dinner na binili nito sa fastfood on the way home. Naging concerned itong si Matthew sa health ni Jenny.

Nagkaroon din naman ng slight na problem sina Arthur at Matthew kay Jenny dahil umiiyak ito't ayaw ni Jenny na pauwiin ang kaniyang tito Matt sa tuwing magpapaalam na ito. Hindi rin naman matiis ni Matthew na iiwan niyang umiiyak si Jennifer kaya nama'y hinihintay nalang niyang matulog na ito bago umuwi. Wala din namang magawa itong si Arthur at Boss nga niya si Jenny.

Pero ang pinaka Topic na nagpaConcern kay Matthew sa mga nagdaang ilang mga araw ay itong si Arthur. Hindi naiiwasang magkaroon ng 'Bisexual is Bisexual' moments itong si Matthew for Arthur. Eto palagi ang iniisip nitong si Matthew bago siya matulog sa gabi.

Tanggap naman ni Matthew na hindi kasalanan nitong si Artur na maging Handsome and the fact na single ulit ito. Alam din ni Matthew na Straight itong si Arthur dahil ramdam na ramdam niya't kitang-kita niyang mahal na mahal nito ang kaniyang late wife just his daughter.

Hindi naman nagkamali si Matthew na magandang paraan ang pagpasok niya kina Arthur dahil everytime na nandodoon siya'y hindi niya naiisip ang kaniyang ex-Boyfriend and ang naranasanan niyang masakit nilang break-up. Talagang nalilibang siya pagkasama niya si Jenny but sa mga times na pumapasok sa isip ni Matthew itong si Arthur ay talagang inaalala niya ang kaniyang napagdaanan with his ex-Boyfriend. Nakapagbitiw na ng salita itong si Matthew sa kaniyang sarili na hinding-hindi na niya pahihintulutang maranasan ang sakit na naranasan niya sa kaniyang Ex.

"It's useless Matt. Don't be stupid!" Ang laging paalala ni Matthew sa kaniyang sarili bago siya matulog everytime na pumapasok sa kaniyang isipan itong si Athur.

"Straight siya!" Ang idinadagdag pa ni Matthew na remider para sa kaniyang sarili about Arthur. Alam ni Matthew na it's impossible at baka masaktan lang siya ulit.



********************Friday 6:00am*******************



Naghintay talaga itong si Matthew ng eksaktong 6:00am bago siya magDoorbell ulit sa gate nina Arthur, 5:45am kasi siyang nakadating kina Arthur. Excited na excited talaga itong si Matthew na pumasok even the night before.

Wala pang one minute ay kaagad na pinagbuksan siya ng gate ni Arthur. Expected na ni Matthew na makitang naka White sando't naka sure fit na slacks itong si Arthur tuwing umaga but this time ay talaga namang ikinagulat nitong si Matt ang get up ni Arthur.

"Di ka ba papasok?" Ang tanong ni Arthur kay Mathew nang nagkaroon ng more than 30 seconds na silence between the two of them.

"G-g-g-goodmorning." Ang slight na nauutal na response nalang ni Matthew to Arthur nang bumalik ang kaniyang full attention sa earth. Nagulat talaga itong si Matthew sa suot nitong si Arthur.

Naka fit red razor back sando itong si Arthur at nakaBlack jogging pants, Basa ulit ang buhok nito from his bath and this time eh aninag na ni Matthew ang papatubong mga balbas nito. Kapansin-pansin din ngayong ang mga pumuputok na chest and biceps nito. Ruggedly Hunk and Handsome ang dating ni Arthur for Matthew kaya talaga namang ikinaConcious nito ng isa.

"Maaga ako ngayon at i'm going to Work-Out." Ang sinabi nitong si Artur kay Matthew nang mapansin niyang nakatitig ito sa kaniya. Hindi na nagreply si Matt at lumakad ito ng mabilis papasok ng bahay. Malaki naman ang ipinagtataka ni Arthur  habang tinitignan niya ang papasok na si Matthew at walang pasabing bigla itong nagStop. Nagmamadaling binalikan uli nitong si Matthew si Arthur at iniabot ang isang paperbag na dala niya.

"What's that?" Ang curious na tanong ni Arthur kay Matthew habang nakatingin siya sa paperbag na iniaabot sa kaniya.

"Breakfast and Lunch." Ang pabulong na sinabi nitong si Matthew na hindi makatingin ng straight kay Arthur. Lalong pang naamoy ni Matthew ang mild na cologne na ginagamit ni Arthur na nagpaLevelUp sa kaniyang pagiging Concious lalo. Kinakabahan itong si Matthew dahil ilang seconds nalang ay magbluBlush na ang kaniyang Cheeks.

"What?" Ang tanong ulit ni Arthur.

"Food!" Ang biglang masungit na sinabi ni Matthew kay Arthur.

"Baka atakihin kami ni Jenny sa Fastfood kaya nagbaon nalang ako. Eto may sumobra. Sa'yo nalang." Ang masungit na sinabi nitong si Matthew sa nakaSmile na si Arthur. Talagang pinagbaunan ni Matthew itong si Arthur.

"Wow! Thanks! Ikaw ang nagluto?" Ang masayang sambit ng parang batang si Arthur sabay kuha ng paper bag from Matthew.

"Nope. Ang Yay... Nanay ko." Ang muntik ng madulas na sagot ni Matthew. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya natataranta. Iba ang epekto ni Arthur kay Matthew ngayong umaga.

"Pakisabi sa Mom mo Thanks ha. Pabukas naman ng gate please." Ang reply naman nitong si Arthur kay Matthew.

"Iniwan ko sa center table sa salas yung pangGastos n'yo today ni Jenny." Ang pahabol pa nito. Hindi malaman ni Matthew kung ano ang isasagot niya kay Arthur at hindi pa rin siya makatingin ng Straight dito. Tahimik lang siyang naglakad papuntang gate para iOpen ito for Arthur.

"TITO MATT!" Ang tili ulit nitong si Jenny sabay lapit at hila kay Matthew papasok ng bahay. Nakahingang maluwag itong si Matthew nang makapasok na sila ng bahay ni Jenny at talaga namang hindi niya akalaing ganoon ang effect sa kaniya nitong si Arthur today. Naiwan muli itong si Arthur at iiling-iling nalang ito na hawak ang kaniyang packed breakfast and Lunch habang binubuksan niya ang kanilang gate.



**********************3:00pm******************



NakaSmile itong si Matthew habang hinihintay niyang lumabas si Jenny sa waiting area na provided ng school for them nang mag-uwian na. Hindi akalain ni Matthew na pababaunan siya ng mga foods ng ibang mga Yayas and maids na mga naghihintay din sa kanilang mga alaga. Naging kaibigan na niya sa school nina Jenny ang mga iyon at talagang gumawa siya ng isang fake Account sa FB para lang maEntertain niya ang ibang mga Yayas and Maids na nagtatanong at nagreRequest na maging kaFB niya.

Medyo naBothered itong si Matthew nang makita niyang kasama ni Jenny ang kaniyang teacher na papalabas ng School building at habang papalapit ang dalawa sa kaniya'y hindi niya maiwasang mapaisip na baka napaTrouble itong si Jenny.

"Tito Matt! This is teacher Aleli. Teacher Aleli! This is Tito Matt." Ang masayang pagpapakilala ni Jenny sa kaniyang Teacher sa kaniyang tito Matt.  

"So, You're the tito Matt na palaging bukang bibig ni Jenny." Ang masayang sabi ng medyo may edad na teacher ni Jennifer.

"Yes po." Ang magalang na sinabi ni Matthew sa teacher ni Jenny sabay pagShake hands niya dito.

"You're doing a good job. Nagkaroon ng pagbabago kay Jenny. Keep it up." Ang dagdag pang sinabi ni Teacher Aleli kay Matthew. Hindi naman mapigilang mapaSmile nitong si Matthew at talagang naging proud na proud siya sa kaniyang alaga.

"Thank you po. Makakasa po kayo Ma'am." Ang naisagot na lamang ng naFlattered na si Matthew.

"By the way, How's Daddy Arthur?" Ang curious na tinanong naman ng teacher kay Matthew.
"Busy po." Ang matipid na sagot nitong si Matt kahit gusto man niyang iDescribed kay Teacher Aleli ang hitsura ni Arthur kaninang umaga.

"I hope he's okay. Just  tell him to spend more time with Jenny at hindi puro trabaho lang. Sige take care." Ang last na sinabi ni Teacher Aleli kay Matthew then hinalikan nito si Jenny  sa mga cheeks nito't nag ba-Bye na. Medyo napaisip si Matthew sa sinabi ng teacher ni Jenny sa kaniya.

"I will." Ang binanggit ni Matthew sa kaniyang sarili upang iTake note niya ito sa kaniyang sarili para maRemind si Arthur mamaya.



************************7:00pm************************



This is the first time na pumayag itong si Matthew sa invitation ng magDaddy na silang magDinner sa bahay. Overwhelemd din itong si Arthur nang nakauwi na siya't nakita niyang madaming kanin at ulam na nasa table ng kitchen. Nagtaka itong si Arthur nang sinabi nitong si Matthew na pinabaunan siya ng foods ng mga Yaya't Maids ng ibang mga kids from school.

"Crush kasi nila si tito Matt!" Ang natatawang sambit ni Jenny.

NagSmile nalang itong si Matthew sa sinabi nitong si Jenny na ikinataas naman ng kilay nitong si Arthur. May mga time kasing sinusundo niya itong si Jenny at nakakakwentuhan niya ang mga naghihintay na mga yaya't maids sa school pero never pa siyang pinabaunan ng mga iyon. Mas matagal na siyang kakilala ng mga iyon kaysa kay Matthew. Nakikinig lamang sina Arthur and Matthew sa mga kwento ni Jenny about sa day niya sa school habang nagdiDinner sila.

"Sana laging ganito." Ang masayang wish ni Jenny out of nowhere habang kumakain siya. Nagkatinginan lang itong sina Arthur and Matthew dahil wala silang masabi tungkol sa wish ni Jenny. Alam nilang dalawa kung anong nararamdam ng bata.



***************************************



"Can we play Scrabble after Dinner?" Ang sinabi nitong si Jenny sa kaniyang Daddy Arthur and tito Matthew habang nagliligpit na sila ng kanilang pinagkakainan. Napansin kaagad nitong si Matthew ang biglang pagGloom ng face nitong si Arthur sa sinabi nitong si Jenny at hindi niya mapigilang maging curious.

"Daddy can we play? Can we? Can we? Can we?" Ang pangungulit ni Jenny kay Arthur dahil matagal na hindi ito nakasagot sa anak.

"Is there any problem?" Ang hindi mapigilang pagtatanong ni Matthew kay Arthur.

"Wala." Ang maikling sagot ni Arthur kay Matthew na parang nagulat.

"Sige we can." Ang sunod namang sinabi ni Arthur sa kaniyang Daughter.

"Yehey! Na miss ko na ang magScrabble! Three na kasi tayo kaya we can play na!" Ang masaya and excited na sinabi ni Jenny. Lalong naging Gloomy ang face nitong si Arthur.

"Uuwi na si tito Matt kaya tayo nalang dalawa." Ang mahinahong sinabi ni Arthur kay Jenny nang malaman niyang gusto palang isali ng kaniyang daughter si Matthew sa kanilang paglalaro ng scrabble.

"Tito Matt! Can you just stay for while and play with us!" Ang paglalambing nitong si Jenny kay Matthew nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang Daddy. Napatingin itong si Matthew kay Jenny and then to Arthur then back to Jenny. NagpaPuppy eyes na itong si Jennifer kay Matthew.

"Miss ko na talaga ang magPlay ng Scrabble. Please tito Matt. Last na play na scrabble namin eh with mommy pa." Ang sunod na sinabi nitong si Jennifer kay Matthew. Hindi naiwasan ni Matthew na mapatingin kay Arthur. Walang expression pa din ang face ni Arthur.
"Friday naman. Why not!" Ang nakangiting sambit ni Matthew kay Jennifer na siyang ikinatuwa naman nito.

Hindi nalang nagsalita itong si Matthew habang naghuhugas siya ng mga plato't hindi niya alam ang kaniyang sasabihin kay Arthur. Alam niyang naalala nito si Liz and by the way Jenny spoke and Arthur's reaction, napag-alamanan niyang isang family activity nina Jenny ang pagplaPlay ng Scrabble kahit di na niya itanong pa ito kay Arthur.



***********************7:30pm*********************



Nasa kalagitnaan silang tatlo sa kanilang Scrable game at itong si Arthur lang ang kapansin-pansing hindi nagEenjoy sa kanilang pag-lalaro. Hindi talaga makakuha ng idea si Matt kung ano ang pupuwede niyang sabihin kay Arthur para maCheerUp niya ito at nagdadalawang isip din siya kung iaApproach niya ito.

Alam ni Matthew na hindi talaga niya place ang kausapin itong si Arthur pero parang Affected siya sa pagkaGloomy nito. Magsasalita na sana itong si Matthew para magkaroon lang ng pag-uusapan to change the focus of Arthur pero biglang nagRing ang phone ni Arthur at kaagad-agad naman niyang sinagot iyon.

"Yes. Yes. I will. Yes. Promise. Babawi ako. Sige. Promise yan. Bye. Take Care. See you tomorrow." Ang sunod-sunod na sinasabi ni Arthur sa kaniyang kausap sa phone na naririnig naman nina Jenny and Matthew.

"Matt, Pwede ka ba bukas. May lakad ako. Importante lang." Ang pakiusap bigla ni Arthur kay Matthew after he ended the call.

"Anong lakad?" Ang tanong ni Matthew kay Arthur. Biglang naalala ni Matthew ang sinabi ni Teacher Aleli sa kaniya to remind Arthur to spend more time with his daughter. Napansin din ni Matt ang pagkawala ng gana nitong si Jenny.

"Nagpapasama si Katrina somewhere." Ang maikling sinabi nitong si Arthur kay Matthew.

"Why didn't you ask me first if i'm available tomorrow before confirming sa kausap mo?" Ang straight na sinabi nitong si Matthew kay Arthur.

"Importante yun." Ang walang pakialam na sinagot lang ni Arthur kay Matthew habang pumipili siya ng tiles na kaniyang ilalagay sa board.

"Samahan mo naman ako bukas tito Matt. Please!" Ang biglang sambit nitong si Jenny kay Matthew. Tinignan lang ni Arthur si Matthew na nakaSmile dahil alam nitong hindi tatanggihan ni Matthew ang request ng kaniyang daughter.

"I will." Ang maikling sinagot lamang ni Matthew kay Jenny na biglang ikinaSmile ng bata. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Matthew ang biglang pagNgisi nitong si Arthur.

"My turn!" Ang cool na sinabi ni Arthur sa dalawa sabay lagay niya ng mga napili niyang pieces of tiles para idugtong sa isang word na nasa Scrable board. Pagkalagay ni Arthur ng kaniyang mga pieces ay bigla itong nag pose ng Mr.Pogi sabay kindat ulit kay Jenny.

H-A-N-D-S-O-M-E

"Handsome si Daddy!" Ang cool na sinabi ni Arthur kay Jenny. Inirapan ulit siya nitong si Jenny dahil talagang hate nito si Katrina.

"Mas importante pa ba ang lakad mo kaysa spending your weekend with your daughter?" Ang out of nowhere na tinanong nitong si Matthew kay Arthur.

"Huwag ka ngang KJ! May Sunday naman." Ang explain nitong si Arthur kay Matthew.

"Ayaw mo ba yun Baby? MagplaPlay kayo ng tito Matt mo tomorrow?" Ang malambing na tanong naman nitong si Arthur to Jenny.

"Your turn na Baby." Ang kasunod na malambing na sinabi ni Arthur kay Jenny.

T-A-R

Ang word na binuo ni Jenny sa board. Ang alam lang ni Jenny na ilagay sa board ay 3-letter words. Biglang palakpak naman nitong si Matthew na ikinagulat ni Arthur at ikinaSmile naman ni Jenny.

"Wow! Ang galing mo Jenny! My turn!" Ang masayang sabi ni Matthew kay Jenny.

Inilapag ni Matthew ang napili niyang pieces of tiles sa board sabay tingin niya ng may smirk kay Arthur. Hindi na kinailangan ni Arthur ang above average na IQ para maGets niyang para sa kaniya ang word na binuo ni Matthew sa board.

R-E-T-A-R-D-E-D

"Ang galing ni tito Matt talaga! Your turn na daddy!" Ang masayang sabi nitong si Jenny. Wala pakialam itong si Jenny sa mga more than three letter words.

Napatingin lang itong si Arthur kay Matthew. Nakakaloko pa rin ang smile at tingin ni Matthew sa kaniya. Hindi naiwasang magMakeface nitong si Arthur kay Matthew. This time may kasama nang pagDila.

Lalong natawa itong si Matthew kay Arthur. Aminado itong si Matthew na mas lalong nagiging Cute itong si Arthur pagnagmeMakeFace ito kaya naman wawagas-wagasin niya ang pang-aasar dito at talaga namang pina-init ni Arthur ang kaniyang ulo sa ginawa nitong pagSpend ng Saturday nito with other people and not with his daughter.

"Do you need help?" Ang concern na tanong ni Jenny sa kaniyang Daddy nang lumipas ang more than a minute na hindi nakakatira si Arthur. Hindi na hinintay ni Jenny ang answer nitong si Arthur at kaagad na lumapit siya dito.

"This one!" Ang masayang sambit ni Jenny nang may nakita siyang letter na pwedeng itira ni Arthur. Parang nagPanic si Arthur nang si Jenny na mismo ang naglagay ng pieces sa board.

D-A-D

Hindi napigilang matawa ng malakas ni Matthew dahil idinugtong ni Jenny ang word na DAD sa inilagay niyang word na RETARDED.

Y-E-S

Ang itinira naman ni Jenny pagkatapos.

A-G-R-E-E

Ang sunod na inilagay ni naman ni Matthew sa board sabay tingin niya ulit kay Arthur. Slight ng naiinis  at napipikon na itong si Arthur kay Matthew. Serious na kumuha ng pieces itong si Arthur at idinagdag niya sa isang word sa board sabay tingin niya ng masama kay Matthew.

A-N-G-R-Y

Nginisian lang siya nitong si Matthew.

H-A-T

Ang itinira naman ni Jenny after. Ngumisi ulit itong si Matthew kay Arthur habang naglagay siya ng kaniyang napiling pieces sa board upang sagutin ang word na inilagay ni Athur sa board.

W-H-A-T-E-V-E-R

Napakagat ng labi itong si Arthur nang mabasa niya ang word na nilagay ni Matthew sa board. Nag-iisip itong si Arthur kung bubuuin niya ang word na FUCKOFF sa board at talaga namang naaasar na siya kay Matthew.

"Pass." Ang sambit nalang ni Arthur dahil wala na siyang pupuwedeng itira from his pieces maliban sa FUCK na pwede niyang iCombine sa OFF na nasa board.

W-I-N

Ang next na  binuo ni Jenny sa board.

W-I-N-N-E-R

Ang inilagay naman nitong si Matthew sa board sabay masayang pagpalakpak. NagClap na din itong si Jenny. Nakangisi itong si Matthew kay Athur habang pumapalakpak.

"I'm sleepy na." Biglang sinabi nitong si Arthur sa dalawa.

"Me too." Ang sambit naman ni Jenny. Clueless siya sa ginagawa ng kaniyang Daddy and ng kaniyang tito Matt sa kanilang game.

"Why don't you stay nalang with us tito Matt?" Ang sunod na tinanong ni Jenny kay Matthew. This time eh ipinakita na in Jenny kay Matthew na serious siya sa kaniyang sinasabi at talaga namang nalulungkot siya sa tuwing uuwi na itong si Matthew.

"Bawal ang panget dito." Ang biglang sagot ni Arthur sa kaniyang daughter. Too late na nang mapag-alamanan nitong si Arthur na nasabi pala niya ng malakas ang kaniyang iniisip. Kasabay ng pagtapos ni Arthur ng kaniyang sentence ay gumuhit ang isang sarcastic smile sa mga lips nitong si Matthew.

"Jenny, Sinong mas handsome sa amin ng Daddy mo?" Ang sweet na sinabi nitong si Matthew kay Jenny. Kaagad namang nilapitan ni Jenny itong si Matthew at niyakap.

"Sorry tito Matt. Mas Handsome si Daddy." Ang nahihiyang sinabi nitong si Jenny sa kaniyang tito Matt.

"HA!" Ang masaya't proud na biglang sinabi ni Arthur habang nakatingin siya kay Matthew.

"Kasi po Daddy ko s'ya. Pero kung hindi ko po Daddy si Daddy eh kayo po ang mas Handsome!" Ang cute sinabi nitong si Jenny kay Matthew.

"IN YOUR FACE!" Ang masayang sambit ni Matthew sa natamemeng si Arthur.

Napakagat ng labi itong si Arthur at lumapit kay Matthew sabay akbay dito.

"Mas handsome ba si tito Matt?" Ang tanong ulit ni Arthur kay Jenny.

"Yes po! Pag hindi ko po kayo Daddy!" Ang sagot ulit ng inosenteng si Jennifer sa kaniyang Daddy.

"Sino ngayon ang panget?" Ang hindi mapigilang maibulong nitong si Matthew kay Arthur.

Without any warning ay biglang hinigpitan nitong si Athur ang kaniyang pagkaka-Akbay kay Matthew at pagkatapos ay naiHeadlock niya itong si Matthew na walang kahirap-hirap.

Malakas ang paghagikhik ntong si Jenny habang tinitignan niya ang ginagawang pagheadlock ng kaniyang Daddy kay Matthew at ang pangGugulo niya ng buhok dito.

Walang kaalam-alam itong si Jenny na talagang sinasadya ng kaniyang Daddy na gawin ito kay Matthew at talaga namang nangGigigil siya sa pagkainis dito. Ganito ang ginagawang Moves ni Arthur pag napipikon at naasar siya sa mga pagbibiro sa kaniya ng kaniyang late wife na si Liz. Ang ginagawa niya kay Liz ay kikilitiin niya ito hanggang magmakaawa na ito, Hindi halata nina Jenny at ng kaniyang late wife na napipikon siya at ang inaakala nila ay nagbibiro siya pero hindi.

Mas lalo pang diniinan ni Arthur ang kaniyang pagHeadlock kay Matthew at pangGugulo sa buhok nito habang hinihintay niya itong magmakaawa pero ang hindi alam nitong si Arthur ay nakapikit itong si Matthew at kagat-kagat nito ang sarili nitong mga lips.

Wala sa iniisip nitong si Matthew na magsabi ng 'Stop' but ang kasalukuyang iniisip niya'y firm na firm ang abs ni Arthur kung saan nakadikit ang kaniyang isang cheek dahil sa pagkaheadlock nito sa kaniya.

Walang possibility na magmakaawa itong si Matthew dahil kasalukuyang miniMemorize niya ang mild cologne scent na kaniyang naamoy from Arthur kasabay ng paghawak niya ng mahigpit sa waist nito at ang unti-unting panglalambot ng kaniyang dalawang tuhod.

"Crush na kita Officially!" Ang talunang nasambit na lamang ni Matthew sa kaniyang sarili for Arthur kahit naglalaban ang kaniyang feelings.

"Crush lang naman!" Ang sinambit ulit nitong si Matthew para makatiyak na hindi siya maiInLove kay Arthur at masaktang muli.









To Be Continued

1 comment:

  1. ang matagal ko ng inaabangan n nkalimutan ko ng subaybayan, hehe. salamat po kuya mike, mababasa ko ito ng buong-buo hanggang finale.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails