Followers

Wednesday, August 17, 2011

The Best Thing I Ever Had - Season 1 Episodes 7, 8 and 9


Episode 7 - Two Is Better Than One
---------------------------------------------------
Nag-umpisa ng ipakilala ang dalawang team. Palakpakan at hiyawan ang mga tao. Nasa black team si Ram. Nakita ko pa siyang kumakaway at tumingin sa akin ng nakangiti.

Assuming ka talaga teh! feeling mo naman sa'yo nakatingin!


Che!


Mukha namang magagaling yung mga teammates niya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa sarili ko na gusto silang manalo.

Grabe ang landi mo talaga teh!


Tumigil ka nga! Inggit ka lang!

Hoy excuse me, mas marami akong papa sa'yo.

Oh talaga? Sige nga isa-isahin mo.

Hindi na nakasagot ang boses. Tumawa ako. Napansin ito ni kuya Marco.

"Oh bakit ka tumatawa?" ang pagtatakang tanong ni Marco.

"Ah eh, wala, may naalala lang ako." palusot ko na lang.

Nginitian na lang ako ni Kuya Marco.

Ipinakilala na rin ang kabilang team. 

"And here's their opponent! The White Team!" sabi ng announcer.

Hiyawan ulit ang mga tao pati na sina Macky at Marco.

"Go Van!" sabi ni Macky.

Nagtaka naman ako bigla. Van? Sinong Van ang tinutukoy nito? Agad kong tiningnan ang mga players ng white team at laking gulat ko ng makita ko ang isa sa mga players.

Si Kuya VAN! Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ko siya. Naka jersey siya na white and then basketball shoes.

Parang may hinahap siya sa mga audience.

"Van! Nandito siya!" sigaw ni Kuya Marco sabay turo nilang dalawa ni Macky sa akin.

Huh? Anung nangyayare?

Nagkita ang mga mata namin at parang nabuhayan ang istura ng mukha niya nung makita niya ako.

Conceited much??? grabe ang kapal mo talaga teh!!

As I've said earlier, inggit ka lang!

O sige na! Ikaw na maganda! Ikaw na!

Tumakbo si Kuya Van papunta sa kinaroroonan namin. "Bunso! Buti naman dumating ka!" ang masayang masaya niyang bati sa akin. Binigyan niya ako ng mahigpit na hug.

Wow! Kilig to the max ka na naman! Ang haba talaga ng hari mo teh!wait lang aasug lang ako baka matapakan ko hair mo.

Hindi na ko magsisinungaling, kinilig nga ako. Pero slight lang huh!

Naku! Slight pa raw kunyari! Eh halos mamatay-matay ka na sa sobrang kilig jan!

"Salamat Marco, Macky!" sabi ni Kuya Van.

"Wala yun, sabi ko sa'yo eh, sasama samin yan!" sabi naman ni Macky.

"Huh? Wait lang" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. "Bakit ka nag-th-thank you sa kanila?" ang tanong ko na may bonggang pagtataka.

"Kasi, nakiusap sa amin si Van na isama ka daw namin dito. Buti na lang pumayag ka kaagad kung hindi kakaladkarin kita papunta dito. joke!" sabi ni Macky sabay tawa ng dalawang mokong.

"Ah so kakunchaba pala kayo ng mokong na to. Lagot kayo sakin mamayang dalawa." ang mataray na sabi ko sa kanila.

"Mokong na cute." sabay pa-cute ni Kuya Van.

"Cute? ang sabihin mo, pa-cute! Nakakata-cute ka kaya!" sabay tawa ko ng malakas.

Pinisil niya ang pisngi ko. "Ummm! ang cute cute talaga ng bunso ko! Pakiss nga si Kuya!" 

Akala ko nagjo-joke lang siya nun. Pero HINDE! hinalikan niya ko sa pisngi!. Nagulat talaga ako sa ginawa niyang iyon. Buti na lang, walang nakakita kungdi si Macky lang at Marco. Hindi ako makapag salita. Nakangiti siya sa akin. Tumingin ako kila kuya Marco. Nakangiti lang si Marco at Macky nama'y parang kinikilig na hindi ko malaman.

Grabe teh!!! I'm gonna die! OMG! OMG! OMG!!!!! grabe! IKAW NA TALAGA!

Grabe hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung paano ko magrereact. Baka pag mali ang reaction ko, baka kung ano isipin nila. bahala na!

Tinulak ko ang noo ni kya Van. "Umm! Bakit mo ginawa yon?" sabi ko sa kanya.

"Ewan. Hmmm..lucky charm I guess??" sabi niya.

"Abnormal ka talaga kuya Van hanu?" tumawa na lang ako kunyari. Syempre hindi ko dapat ipakita na naapektuhan ako kasi baka kung anung isipin nila Marco.

Patay ka sakin Kuya Van mamaya.

Ayyiiiee!! anung gagawin mo? gagantihan mo rin siya ng halik?! sa lips?!

Gaga! tumigil ka nga!..On the second thought,.Pwede rin!. ayy! ano ba tong sinasabi ko? arrggghh! erase erase!

"Tol tara na magsisimula na yung game!" ang pangyayaya ng kateam-mate ni kuya Van.

"O sige," aalis na sana si kuya Van, "Ay teka lang pala." Tinanggal niya ang singsing niya sa kamay niya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Isinuot niya sa daliri ko ang singsing.

Wow! Kasalan na!

Bugak! Kasalan? Ni hindi pa nga nag-po-propose kasal na agad? and isa pa, hindi pa nga nanliligaw kasal na agad?

Ewan ko.pero alam ko, kinikilig ka na ng bonggang bonggang major major!

Shhh! Wag mo ko ilaglag!

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Uhhmm. Sa'yo muna para hindi mawala." Ngumiti siya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. "Wish me luck bunso." at umalis na siya para pumunta sa team niya.

Habang tinitingnan ko siya papunta sa team niya, bigla kong napansin si Ram. Masama ang tingin niya kay kuya Van. Pagkatapos ang tumingin siya sa akin at malungkot ang mukha niya.

Bakit ganun siya makatingin? Nakita kaya niya na hinalikan ako ni Kuya Van? Nagseselos kaya siya?

Nagseselos?Grabe! Eh Bakit naman siya magseselos? Ang kapal mo talaga teh!

Ayy oo nga noh. sorry naman. eh bakit ba kasi ganun siya makatingin. Tuloy ang iniisip ko, parang nag-seselos siya.

Anyway, so the game started. Sa first quarter, lamang ang team nila Ram. Sa second, lamang naman ang team nila kuya Van. Sa third, tie na ang scores nila. Now, sa fourth quarter, 6 seconds na lang nang natitira. lamang ng 2 points ang team nila Ram. Sa team nila kuya Van ang bola. Kinakabahan ako dahil baka matalo sila. Nagsimula na silang gumalaw muli. Pasa dito, pasa don. 5 seconds na lang. 4..3..2. nagshoot si kuya Van..1...

"3 POINTS!" sigaw ng announcer.

Naka 3 points si kuya Van. Hiyawan lahat ng tao. Nag puntahan na lahat sa gitna para mag celebrate. Nagkamayan ang mga players ng magkabilang team. Ng sina Kuya Van na at si Ram ang magkakamayan, bigla akong kinabahan. Iniabot ni Kuya Van ang kamay niya. Nagulat ako ng biglang suntukin ni Ram si Kuya Van. Biglang nagkagulo ang mga tao. Gumanti ng suntok si Kuya Van. Tumakbo ako papunta sa kanila. Sinubukang awatin ng mga tao ang dalawa.

"Kuya tama na!" sigaw ko.

Naipaglayo silang dalawa, katabi ko si Kuya Van. "Ano bang problema mo ha?" ang galit na galit na tanong ni kuya Van kay Ram.

Hawak hawak ng dalawang ka-teammate ni Ram ang kanyang mga braso. In a split of a second, biglang nakawala si Ram at akmang susuntuking muli si Kuya Van. Hindi ko naman alam kung bakit pero bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Tinaamaan ako sa gilid ng noo ko. Ang lakas ng suntok ni Ram at dahil sa lakas ng suntok niya, bumagsak ako sa sahig at tumama ang ulo ko dito. Naririnig ko pang tinatawag ni kuya Van ang pangalan ko pero bigla na lang nag-black ang paligid.

At iyon ang huli kong naalala.

----------------------

Until the next episode,
Av.

Episode 8 - Headache
I woke up with a headache. The worst one ever. The first thing went onto my mind was that weird dream I had. Nag-away daw si Van and Ram tapos tinamaan daw ako ng suntok ni Ram tapos nag-collapse ako tapos..arrrghh! this headache is killing me!

Gaga! totoo lahat ng nangyare! Tumingin ka nga sa paligid mo!

So tumingin naman ako sa paligid ko. Nakita ko na nakahiga ako sa isang kama na may puting bedsheet at puting unan. Nakita ko rin ang mga simple medical equipments like thermometer, stethoscope, etc. Naramdaman kong malamig ang noo ko, may ice pack palang nakalagay. So I'm in the clinic. 

Hinde, nasa heaven ka na! Bugak! edi syempre nasa clinic ka! Bakit san mo ba gusto? sa sementeryo? grabe ka! kaloka ka teh!

Tigilan mo nga muna ko,masakit pa ulo ko kaya wag ka munang mambwisit please.

Okay! Fine!

So there I was, sa clinic ng baranggay namin. Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong bumagsak. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ako makalakad at makatayo ng maayos. Sinubukan ko pa ring tumayo pero, BOOM! bagsak ulit. Sa ikalawang bagsak ko, narinig ko ang mga nagmamadaling paa mula sa labas ng kwarto papasok ng clinic. Habang nakadapa ako sa sahig, hawak hawak ang aking noo, may lumapit na tao.

"Av! Bunso! Bakit ka tumayo agad? Dapat tinawag mo na lang ako." itinayo niya ako at inalalayan paupo sa kama."Kamusta na yang ulo mo?" tanong ni Kuya Van habang kinukuha ang ice pack at inilagay sa aking noo."Kawawa naman ang bunso ko." Hinaplos niya ang mukha ko at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Wag kang mag-alala, gugulpihin ni kuya yang Ram na yan." sinarado niya ang kamay niya na parang may gustong suntukin.

Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at ibinukas ang palad. "Kuya..." biglang kumirot ng ulo ko. "Kuya..please..wag..hindi naman niya sinasadyang masuntok ako..ako ang may kasalanan,..ako yung humarang sa gitna,..kaya please..wag na..okay kuya?" tiningnan ko siya ng seryoso pero cute na parang bata.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan." sabi niya sa akin at tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Alam mo namang, I can't resist to anything you say kapag ganyan ka tumingin sa akin eh." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Thank you kuya." niyakap ko siya.

Habang nandun kami sa posisyong iyon, biglang may pumasok sa pinto. Si Ram.

Biglang tumayo si Kuya Van. "Bakit ka nandito? Ang kapal rin naman ng mukha mo no?"

"G-gusto ko lang makausap si Av. wala akong planong makipag-away sa'yo." sagot naman ni Ram.

"Kuya!.. arrrrghhh!" biglang kumirot ang ulo ko. "please kuya,..iwanan mo muna kami.."

Tumingin sa akin si Kuya Van. Tiningnan ko ulit siya nung sinasabi niyang face ko na "he can't resist".

Ay wait teka. bakit parang may kulang? hello? boses? nandiyan ka ba?

OO! nandito ko bruha kang malandi ka! meron ka pang face "he can't resist" na nalalamang kaartehang kaokrayang kachuvaness! 

bleh! :P

Anyway, so nagwork naman ang powers ko kay kuya Van, napalabas ko naman siya ng kwarto. Pero masama ang tingin niya kay Ram nung papalabas siya. Nang makalabas na si kuya Van,

"Uhhmm..Av..I-I'm sorry." nakayuko niyang sinabi.

"Okay lang yun, hindi mo naman kasalanan." tumawa ako ng kunti, " ako tong tangang humarang sa gitna, kaya ayun. heheh. pero kalimutan mo na yun." 

"S-sorry talaga." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Agad kong binawi ang aking kamay sa kanya, "Ano ka ba, sabi ng okay lang yun eh." tumawa ulit ako.

Ngumiti siya sa akin. "Babawi ako sa'yo.uhhmm..gagawin ko lahat ng iutos mo sa akin. lahat ng chores mo ako na gagawa, lahat lahat, kahit ako pa magpaligo sa'yo, gagawin ko, makabawi lang ako sa nagawa ko." sabi niya.

"Naku wag na! Okay lang, wag mo na intindihin ang pag-bawi mo sa akin. ayos lang." ngumiti din ako sa kanya.

"Ang bait mo talaga." sabi niya.

IKAW? MABAIT? Grabeh! maldita ka kaya! sinungaling pa! mabait ba tawag mo dun?

Shhhhh! Tumigil ka nga!

"Hindi naman, konti lang." biro ko pa sa kanya.

"Cute pa, matalino. swerte ang taong mamahalin mo." hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Oh my gosh.bulag ba toh? cute? ikaw? please,.

Binawi ko ulit ang aking kamay. "Ahhh eh Ram. uhmm.may sasabihin ka pa ba?" sabi ko na lang. Baka kasi kung saan pa mapunta tong usapan na to.

Nakuha naman niya ang gusto kong mangyari.."W-wala na. yun lang. s-sorry ulit ha." tumayo siya at humarap sa pinto. Bago siya lumabas, nginitian muna niya ako at tuluyang lumisan.

Pumasok naman bigla si Kuya Van right after Ram left. 

"Kuya..uwi na tayo." yaya ko sa kanya.

"Okay. kaya mo na bang maglakad?" tanong niya.

"Uhmm.medyo, sakay na lang tayo sa tricycle." sabi ko.

"Hmmm..I have a better idea." ngumiti siya sa akin at lumapit. umupo siya patalikod sa akin. "Pasan ka na lang kay kuya." yaya niya.

"Huh? ayoko nga! chaka mabigat kaya ako! baka hindi mo ko kaya! mahulog pa ko jan! tricycle na lang tayo." sabi ko.

Naku! ayan na naman si pakipot queen. kunyare ayaw pero sa loob, sumisigaw na, "Sige kuya Van! pasan mo ko! Halika na!".

Well, hindi ko naman talgang makakaila na gusto ko talaga pero, nahihiya naman ako kay kuya.

"Sige na! Wag nang umarte pa! gusto mo bang umuwi or hinde?" pananakot niya sa akin.

"Gusto... pero."

"wala nang pero pero! halika na! nangangawit na ko o!" sabi niya.

haayy, bahala na!. Pumasan ako sa likod niya. Nakapalupot sa leeg niya ang aking mga braso at hinawakan naman niya ang dalawa kong hita. Nun ko lang napansin na nakajersey pa rin pala siya.

"Pasensiya na bunso ah. amoy pawis si kuya driver mo." sabay tawa.

"okay lang manong driver." tumawa din ako.

I really don't mind if may pawis pa siya. Hindi naman mabaho, actually mabango pa nga ang pawis niya dahil sa humalong amoy ng pabango niya.

Wow! aso ka na pala ngayon ha? umaamoy ka na ng mga bagay bagay! may future ka teh!

Gaga!.

"Teka. Higpitan mo naman ang hawak mo, baka malaglag ka niyan eh." ang concern na tanong niya.

At hinigpitan ko naman.magkalapit na halos magkadikit na ang mga mukha namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG. Ok, Av, relax.

Grabe! kinikilig ako!

"Okay, ayan." Lumingon siya sa akin at halos magdikit ang mga labi namin. Tiningnan niya ako at ngumiti. Ngumit na lang din ako. Grabe! hindi ko na talaga ma-take to!
Nag-umpisa na siyang lumakad papalabas ng kwarto. Paglabas ng kwarto'y nakita namin ang doctor at nagpasalamat kami. Malapit lang ang bahay namin sa clinic kaya pwede lang talagang lakarin. Bago kami umalis sa clinic, nakita ko pa si Ram na nakatingin sa amin ni kuya Van na mukhang malungkot. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumiti ng pilit. 

O bakit ganito na naman to? anong meron sa kanya?

Oh ano? sasabihin mo na naman na nagseselos siya ha?

Ehh hindi mo naman ako masisisi kung yun nga ang iniisip ko,.

Anyway.

7 o'clock na ng gabi at madilim na ang langit, pero maliwanag ang kalsada dahil sa mga ilaw sa poste. Para akong batang nakasabit sa likod ng kuya niya. Ang cute naming tingnan. 

"Kuya, sila Macky nga pala?" tanong ko.

"Pinauna ko na sila para sabihin sa mommy mo kung anong nangyare sa'yo." sabi niya.

"okay." sabi ko na lang.

"Okay ka lang ba baby ko?" sabi niya habang naglalakad.

Nagulat ako sa sinabi niya. "baby?!" tanong ko.

Ayiiieee! baby daw! nakakaloka kinikilig na talaga ako ng bonggang bongga grabe!

"Ahh eh, b-baby bro. baby brother. diba?" sabi niya.

"ahh ok..hmm.ok lang naman po ako kuya..ikaw hindi ka ba nahihirapan sakin? sa tingin ko kaya ko ng maglakad, kaya pwede mo na ako ibaba." sabi ko na lang. alam kong nagpalusot lang siya.

At pano mo naman nalaman yon aber?

Hello? nakalimutan mo na ba? expert ako sa pagpapalusot kaya lahat ng style alam ko.

So anong gusto mong palabasin? na baby talaga ang gusto niya itawag sa'yo? grabe teh ha, ang lakas ng hangin dito.

Ewan ko.basta..

haayy.whatever.

"Hindi na, malapit na tayo o. hayaan mo na kong ipasan ka hanggang sa bahay." sabi niya.

Malapit na nga naman kami sa bahay. "Okay sige, ikaw bahala." sabi ko.

Nakarating kami sa bahay. Nakapasan pa rin ako sa kanya nung pumasok kami. Ibinaba niya ako sa sofa at tumabi siya sa akin.

"Naku anak! Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni mommy habang papalapit siya sa amin.

Sige nga! ikaw suntukin, sa tingin mo magiging okay ka lang? hayy nako mommy mo talaga.

Shut up!

"Okay lang po ako mommy. wag na po kayo mag-alala." sabi ko na lang. 

Niyakap ako ni mommy. "Sigurado ka anak?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko.

"Opo mommy." sagot ko.

"Sino may gawa sa'yo niyan? Ipapabugbog ko! Sabihin mo!" sabi ni daddy.

"Dad, wag na po. ako po ang may kasalanan sa nangyari, and okay na naman po ako kaya po dad, please." sagot ko kay daddy.

"Sigurado ka anak? kayang-kaya kong ipabugbog sarado yung gumawa sa'yo niyan.dila lang niya ang walang pasa." dagdag pa ni daddy.

"Dad.please."tumingin ako kay daddy ng may pagmamakaawa.

Nag-buntong-hininga si daddy. "okay sige. magpahinga ka na sa taas para hindi na sumakit yang ulo mo." 

"Okay po, goodnight." humalik ako kay mommy at humalik naman si daddy sa aking ulo. Umakyat na ako sa kwarto ko. At tinumbok ang higaan. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa gusto ko na talagang magpahinga. Nakatulog ako kaagad.

Paggising ko, naramdaman kong kumirot muli ang ulo ko. At napansin kong mayroon akong katabi sa higaan. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim ang kwarto. Nakapatong ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib at hawak hawak ito ng kanyang kaliwang kaway. Nakapatong din ang aking paa sa kanyang tiyan. Nakapatong naman ang akong ulo sa kanyang braso na parang unan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan. Pamilyar ang init ng katawan niya, ang pagkakahawak niya sa aking kamay, at ang amoy ng kanyang hininga. Ilang inches lang ang agwat ng mga labi namin. 

Sino kaya itong tao na to? Wala naman akong naaalalang katabi ko kagabi. Siguro panaginip lang to. Oo, tama. panaginip lang to.

Naka-set na sa mind ko na panaginip lang ang lahat. Kaya wala naman sigurong epekto kung hahalikan ko ang lalaking nasa harap ko. Hinalikan ko siya. Gumanti naman ito ng halik sa akin.

Ang weird.bakit parang totoo? it feels real. hayy nako. basta.panaginip lang to Av. it's just a dream so it's ok.

Kumalas ako sa halikan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo. ngunit hindi ito nagsalita. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at natulog muli.

Laking gulat ko ng magising ako. katabi ko pa rin ang lalaking nasa panaginip ko. 

So ibig sabihin, hindi panaginip yon? so ibig sabihin totoo lahat ng nangyare? pati yung..halik? OMG. this can't be.

Napalunok na lang ako. Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.

------------------------

Until the next episode,
Av. 두통


Episode 9 - F*ckin Perfect.

Nagising ako sa bisig ni kuya Van.

"Waaa!" ang sigaw ko at bigla akong napatayo. Na-out of balance ako kaya tumumba ako sa sahig. "Aray!" daing ko.

Sh*t! sana hindi talaga totoo ang mga nangyare kagabi! grabe.mamamatay ako kung totoo man yun. anong gagawin ko?  please Lord.please, sana panaginip lang ang lahat ng nangyare..

Dali dali namang tumayo si kuya Van at pinuntahan ako. "O ayos ka lang?". Itinayo niya ako. "Sorry kung nagulat kita." tumawa siya.

"A-ayos lang. s-salamat." sagot ko na lang. hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. "B-bakit ka nga pala..." hindi ko pa tapos ang tanong ko at naunahan na niya kaagad ako.

"Nag-paalam ako kila tito't tita na dito na ko matutulog. Naabutan kitang tulog na kaya hindi na kita ginising pa. Para makapag-pahinga ka na." sagot niya. "Bakit? labag ba sa loob mo na patulugin ako dito?" tanong niya with his sad face.

Sh*t ang cute niya talaga. ayy! ano ba toh! Kailangan kong turuan ang sariling kong wag ma-fall sa kanya. May gf na siya, at chaka isa pa, hindi naman kami magiging, u know, magjowa. maybe in my dreams, but in reality, that aint gonna happen.


"Ilang beses ka na kaya natulog dito, kahit tumanggi pa ko eh matutulog ka pa rin dito. Ang pinagtataka ko lang is..b-bakit ka..." tinuro ko ang kama.

Ilang beses nang natulog si kuya sa kwarto ko pero never kaming nagtabi sa kama. Lagi siyang naglalatag ng isa pang kutson sa lapag at doon siya natutulog habang ako nama'y nasa kama ko. So nagtataka ako bakit paggising ko ay katabi ko siya.

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Ahh yun ba? Eh kasi, kagabi, sa lapag naman talaga ako natutulog kaya lang, nagising ako, umuungol ka. Binabangungot ka yata kaya lumapit ako sa'yo para gisingin ka sana. Tapos nung malapit na ko sa'yo, bigla mo naman akong inakap. Parang takot na takot ka sa panaginip mo kaya hindi ko na lang tinanggal ang pagkakayakap mo sakin."

OMG. Nakakahiya. ako pa pala tong yumakap sa kanya. 


Tama! Ikaw ang lumandi sa kanya! Ikaw ang salarin! Ikaw ang ahas!


Tumigil ka nga!


Hiyang hiya ako sa kanya. Feeling ko namutla ako. "Ahh.ganun ba? s-sorry ha." ang nakayukong sabi ko sa kanya.

"Ayos lang yun." Inangat niya ang mukha ko."O namumutla ka ah. ayos ka lang ba? may masakit ba sa'yo? kumikirot pa rin ba yang ulo mo?" alalang tanong niya.

Ayyy! napansin niya.patay.

"H-hindi ok lang ako." sabi ko na lang. "Uhhmmm k-kuya..W-wala na ba kong ibang ginawa sa'yo kagabi?" ang kabadong tanong ko sa kanya.

"Tulad ng ano?" tanong niya.

Kinakabahan ako. Pano ba to? Oi boses, tulungan mo naman ako.


Woo! ayoko nga! lusutan mo yang mag-isa,. hahaha!


Ang sama mo talaga! Arggh!


"Uhhmmm.. h-hina..h-hina..hinaaaaaaaaaampas ba kita?" sabi ko.

"Hindi naman. behave ka nga kagabi eh." Binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti.

Napalunok na lang ako.

OMG..totoo nga kaya? na hinalikan ko talaga siya? please...sana hindi totoo.


Hahaha! 


Wag kang tumawa! Papatayin kita jan eh! Nagpapanic na nga ako dito tapos tatawa tawa ka pa jan!


Nagkatitigan kami. Nakangiti siya sa akin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Ang pula pula pa ng mga labi niya. Parang ang sarap talagang halikan. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa kagwapuhan niya ng bigla niya akong halikan. sa labi! Nagulat ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko. Parang namanhid ang buong katawan ko dahil hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Nakatayo kaming dalawa. Mga ilang segundo din ang halik na iyon. Pagkatapos ng halik niya,

"B-bakit mo ginawa yon?" tanong ko.

"Hindi ba pwedeng mag-good morning kiss ang boyfriend mo?" tanong niyang nakangiti.

Anu raw???????????????? BOYFRIEND?!


OMG! boyfriend?!?! Hindi pwede to!


Bakit hindi pwede?


Wala lang trip ko lang.Walang basagan ng trip!


"A-ano? b-boyf-friend????" nanlaki ang mga mata ko.

"Oo. Boyfriend mo na ko. Dahil hinalikan mo na ko, tayo na." Nakangiti niyang sagot.

"So ibig sabihin...." tumigil ako ng saglit. "totoong hinalikan kita....." natulala ako at napaupo ng nakayuko..tumulo ang luha sa aking mata.

Lumapit siyang muli at inangat ang ulo ko. "Bunso, wag kang mag-alala,...gusto ko rin naman yung nangyari eh." sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"G-gusto? anong ibig mong sabihin??" tanong ko sa kanya.

"ahh eh..kasi ano..uhmm..kasi.." sabi niya.parang natatataranta siya at hindi alam kung anung palusot ang sasabihin.

"Kasi ano???" tanong ko.

Nag-buntong hininga siya. "May nararamdaman ako para sa'yo.."

Tama ba ang pagkakarinig ko? May gusto siya sa akin???


OMG i can't believe this..may gusto siya sayo???? grabe! nananaginip lang ba ako???


"At alam kong ganon ka rin sa akin.. di ba?" sabi niya.


Manghuhula? astig ang side line nito ah. magpahula nga ako minsan dito.


Shhhh!


Tinitigan ko siya. Nakatitig lang din siya sa akin. "M-mahal mo ko??" tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko."Mahal na mahal. Ang saya saya ko nga nung hinalikan mo ako eh. Dun ko na-prove ang hinala kong mahal mo rin ako. At hindi ko na kailangan mangamba na baka hindi mo ko mahal at masaktan lang ako." sabi niya.

Parang matutunaw ang puso ko. Ang saya saya ko nung narinig kong mahal niya ako. Halos tumalon talon ang puso ko sa tuwa.

Grabe, wala ako masabe. Ikaw na talaga! ikaw na ang reyna! Pero teka, diba may gf siya??


ayy oo nga no.


"Pero kuya, pano na si Jenny?" tanong ko.

Tumawa lang siya. Nagtaka naman ako. "Hindi ko girlfriend si Jenny."

"Ano?! Eh bakit..."

"Palabas lang ang lahat.sinet-up kita. Para mapaaming may nararamdaman ka rin para sa akin. At tama nga ako. Meron nga." tumawa siya ulit. "Alam kong nag-seselos ka nung time na yon. At alam ko rin na umiiyak ka nung araw na iyon. Kahit na sinabi mo na nanood ka lang ng nakakaiyak na movie, hindi pa rin ako naniniwala sa'yo noon...and sorry kung nagawa ko yun..yun lang kasi naisip kong paraan para mapaamin ka."

So ibig sabihin..All this time..pinaniwala niya ako na may gf siya. pero palabas lang pala ang lahat??? at nasaktan ako sa palabas niyang yon. At alam niya na nasaktan niya ako.


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nangyari o magagalit sa kanya dahil nagsinungaling siya.

"At saka hindi ka pa ba nakakahalata? Kung bakit ang sweet sweet ko sa'yo. Kung bakit kita hinalikan sa basketball court kahapon. at yung pagtawag ko sa'yo ng babe. ang slow mo naman." at tumawa lang siya.

"Inakala kong normal lang lahat. Hindi ko inaasahang magkakagusto ka sa akin. Basta ang alam ko, lalaki ka. kaya hindi tayo pwede." seryoso kong sagot.

"Well ngayon alam mo na.na mahal kita so wala ka nang dapat ipangamba pa ok?" sabi niya.

"Pero, pano sila mommy? pati na ang mga parents mo. Paano pag nalaman nila?" tanong ko.

"Huwag mo munang isipin yang mga bagay na yan. Sa ngayon, i-enjoy na lang natin to. Na kasama ang isa't isa." Tinitigan niya ako. "Nga pala nakita mo na ba yung nakasulat sa singsing?" tanong niya.

Oo nga pala.hindi niya kinuha sa akin yung singsing niya. napansin kong suot ko pa rin iyon. Tinanggal ko ito at napansing may nakasulat sa inner part.

Van loves Av


OMG..bakit hindi ko napansin to? Grabe.. kinikilig ako!!!!!


Kinikilig din ako!!!


"K-kuya..I-I don't know what to say." biglang pumatak ang luha ko..Hinalikan ko siya sa labi. isang mainit at punong-puno ng pagmamahal na halik. Gumanti naman siya sa halik ko. Ang saya saya ko. Ang kuya kong crush ko, na mahal na mahal ko. Na napapanaginipan ko lang. Na akala kong sa panaginip ko lang siya mahahalikan. Ay eto ngayon, kahalikan ko na. "I love you kuya,."

"I love you too bunso." sabi niya.

"hmmm."

"hmmm??" tanong ko.

"So..." sabi niya.

"So????" tanong ko ulit.

"Tayo na?" nakangiting tanong niya.

"Nag-i love you-han na nga, naghalikan na nga eh. tinatanong pa ba yan? Eh ikaw pala kuya ang slow eh!" sabi ko sabay tawa.

"Ahh slow pala huh." sinimulan niya akong kilitiin. Tumakbo ako palayo sa kanya. Naghabulan kami sa kwarto ko hanggang sa nakorner niya ako. "Ano?! slow pa ba ko?!" tanong niya ng nakapilyong ngiti.

"Hindi! Hindi na po! joke lang po yun." sabi ko.

Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga! Ummm! Kaya ako na-inlove sa'yo eh." sabi niya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Tinulak ko ang noo niya, "Ummm! kahit kailan ka! Bolero!!". Niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako. "I love you kuya."

Hinalikan niya ang noo ko. "I love you too bunso." sagot niya.

And once again, halikan time! Lol.

Grabe ang haba talaga ng hair ng lola ko!


I know,.haha


Ang saya saya ko. Sana hindi na matapos tong araw na to. Sana ganito na lang kami forever. I've never been this happy in my life. This is effin perfect!


-------------------


Until the next episode,
Av-Van <3 lol.

6 comments:

  1. grabe nman!

    kakakilig tlaga!

    tnx sa pagpost ..

    ReplyDelete
  2. bunso.. like like like. ahehehehe.. :) sorry now lan ako nagcomment.. bc din kasi sa work ang kuya.. ingat lage bunso! mwah!

    ReplyDelete
  3. Thank u kuya heheh ok lng po un.ingat ka rin po! Mwah!

    ReplyDelete
  4. nasuntok na’t naisugod sa clinic nkuha pang mgpacute >_> bt d nia tnanung ung ram bt ssuntukn nia c van? malabo ung part na un :/

    ReplyDelete
  5. av ang haba ng hair sana ako nalang minahal mo

    ReplyDelete
  6. hmmm...kakakilig naman....grabe!!!

    anyways, hindi pala ako ang nag comment nung isa...yung friend ko yun kasi nakikibasa di sya ehhh...i recommend MSOB..hahahaha

    pero tama nga naman din sya dun ehhh mahaba talaga ang hair ni Av...sobrang haba...natatapakan ko na nga ehhh...LOL

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails