Followers

Monday, August 15, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 11)

Author's Note: Salamat po sa lahat ng readers. Sa totoo lang nung simula ng kwento eh dapat yun na yun tipong parang single entry lang. Kaya lang may nag-comment na sana may next part so I got excited and tried to follow it up.

Thanks ulit sa lahat!
Kakainggit yung mga nakapunta sa GEB.
Sana kasama na ako next time!!!
Same goes for the readers, sana kasama rin kayo para makita ko kayo at mabigyan ng big hug :)


-----------







“Doc how is he?”

“He’ll be fine. Just make sure he’ll take this meds”

“Thanks doc!”

“No problemo, just doin’ my job”

Yun ang naririnig kong usapan sa labas ng pinto ng room na ‘to sa hospital. Hala anu kaya ang meron ako at kailangan ko pa ng gamot.

“Bwaaaaaaaaaaaaaaaah!”

“Ay sorry magugulatin ka pala!”

“Di naman masyado, you just caught me totally off guard.”

“Ahahaha ang kulit ng reaction mo talaga. Sobrang nakakatawa. Oh by the way I’m Arianna Denise Lopez, Yana for short.” Ang sinabi while extending her hand to help me stand up. Natumba kasi ako nung ginulat nya ko habang nakikinig ako sa usapan sa labas eh.

“Kirk, Kirk Chua. Nice to meet you.”

“Ok magkakilala na tayo. So Kirk, I was just wondering kaano-ano ka ni Ronnie. Para kasing sobrang concern sya sa ‘yo nung mawalan ka ng malay sa party.”

“Mag.. mag-bestfriend kami.”

“Hmmm ok. So ikaw pa lang ang susi para maging close kami ni Rex. From now on friends na tayo huh!”

“ah ok?!”

“Mahiga ka na nga ulit. Namumutla ka na naman oh. Kumain ka na rin. Makakasama sa ‘yo ang pag skip ng meals.”

“Alam mo ba kung anu daw ba sakit ko?”

“Ah ulcer daw.”

“ULCER!!! Meron ulit ako nun?”

“So you had before?”

“Yeah when I was about 6 years old. Busy kasi magulang ko that time. Pareho silang may trabaho. Lola ko lang nag-aalaga sa akin dati. Minsan nalilimutan akong pakainin kaya ayun nagka-ulcer ako. Dahil dun tumigil sa work si mama para maalagaan ako.”

“Hmmm ganun. So I guess nagkaroon ka now dahil sa busy college life. From now on I will be your makulit friend na mangungulit para lagi kang makakakain sa oras at makakainom ng gamot on time.”

“Salamat. I don’t mean to be rude pero bakit ka pala nandito?”

“Ako lang po yung naghatid sa inyo dito.”

“Wah sorry at super thanks!”

“No prob, ang bestfriend ng husband to be ko ay mahalaga rin sa akin.”

“Thanks.”

Ang cool namin nito ni Yana. Maganda, mayaman, mabait, I guess sila talaga ang bagay para sa isa’t isa.



Pumasok si Rex at abot langit ang ngiti nya nung makitang gising na ako.

“Thank GOD at ok ka na!” ang nasabi nya after he rushed to hug me.

“Wow ang sweet mo naman Rex sa bestfriend mo!!!” ang sabi ni Yana na parang kinikilig sa tuwa.

“Bakit nandito ka pa?” tanong ni Rex na parang galit.

“Hoy wag mo ngang awayin si Yana. Sya daw di ba ang nagdala sa akin dito.” Pagpapatigil ko kay Rex.

“Di sya ang nagdala sa ‘yo dito. Ako. Sya lang ang nagdrive ng kotse papunta dito nung binuhat kita.”

“Technically nakatulong pa rin sya”

“Sige na. Ang mahalaga your safe!” pagyakap nya ulit sa akin.

“Alam nyo kung isa sa inyo babae aakalain ko nang kayong dalawa ay may relasyon.”

“Wah! Walang ganyanan!” sabi ko kay Yana.

“Sige new friend Kirk, I’ll be leaving na! Paalam. Bye na rin fiancĂ©” ang sinabi ni Yana while waving good bye na nasa pinto.

“Ingat!” sagot ko kay Yana.

“Hmpft! Good thing she left.” may pagkabadtrip na pagkakasabi ni Rex.

“Bat ba parang kumukulo ang dugo mo kay Yana?” tanong ko sa kanya.

“Di ba obvious? Next month officially engaged na kami. At sa tingin ko naging gamit lang ako ni Dad to get what he wanted”

“Huh? What do you mean?”

“Matagal ko nang kilala yung si Yana. Naging magkaibigan kami when I was in elementary, I think it was somewhere in grade 4 or 5. On the graduation day sinabi nya gustong gusto nya daw ako at kung pwede daw bang maging boyfriend nya na ako. I turned her down. Di ko naman kasi sya gusto na more than friends eh. Ever since nililinlang ko na sya kung san school ako mag-aaral. Tulad nung High school dapat dun ako sa province namin pag-aaral eh nalaman ko na nag-enroll agad sya dun nung nalaman nyang dun ako mag-aaral so nagpatransfer agad ako sa Pasay.”

“tapos…” parang batang nakikinig sa isang fairytale ang anticipation ko sa kwento.

“After graduation ng High school I was shocked nung bumisita sya sa dorm ko. Sabi nya bakit di ko daw sya sinabihan na dito ako sa pasay mag-aaral. Nagdahilan na lang ako na feel ko mas ok education dito sa Maynila. Tapos nitong college dapat sa Ateneo ako mag-aaral kaya lang nalaman kong nalaman din nyang balak ko dun mag-aral kaya ayun nagtake agad ako ng exam dito at nung nakapasa I enrolled without telling my parents”

“Wow grabe palang habulan moments nyo ni Yana. Pero teka di mo man lang sya tinapat na ayaw mo talaga sa kanya.”

“Well nung sinabi nya kasi dati na gusto nya ako I already told her na ayaw ko. Di naman sa tinatakbuhan ko sya kasi kahit papano naging friend ko sya at mabait naman sya pero ayoko lang talaga sa aggressive girls. I like flirting but I hate clingy people!”

“Heh! E di galit ka pala sa ‘kin?” sagot ko sa kanya kasi nagpantig ang tenga ko sa salitang clingy. Naalala ko na naman yung nakakasakal daw ako.

“Whoah di ko naman sinabing clingy ka huh! At sa totoo lang you have the right to be clingy on me if you want to. Boyfriend mo ata ako.” pagpapakalma sa akin ni Rex.

“Hmpf wag mo na ngang babanggitin yung word na yun. I hate it. Basta ang pasalamat ako dahil ganyan ka sa ‘kin” niyakap ko sya.

“ahhh!” napatigil ako sandal nung maramdaman kong sumasakit ang tyan ko.

“Hey uminom ka na nga muna ng gamot!” pagpapainom nya sa akin habang nilalagay nya na yung gamot sa spoon.

“wah yan din yun gamot ko nung bata pa ako! Ang galing!” natutuwa kong nasabi.

“Adik ka! Nagkaron ka na pala dati ng ulcer. You should know na dapat lagi kang kumakain on time. Dapat natuto ka na. Nganga!”

“ahhhummm!”

“Baet baet naman ng bata!” habang pina-pat nya ang ulo ko.

“Di ko naman akalain yung onting chest pains ko eh heart burn na pala at yung sakit pala ng tyan ko lately eh Ulcer na ulit.”

“Loko ka talaga! Mula ngayon bantay sarado ka na sa ‘kin!”

“Ok boss!”

-----------------------

Mula nga nung araw na yun naging mas maalaga sya. Napag-usapan namin di ko na sasabihin sa parents kong may Ulcer ulit ako. Nagpresinta sya na sya na lang ang magpo-provide ng gamot para sa ‘kin but I declined it. Sabi ko pag-iipunan ko na lang kaya lang napilit rin nya ako since mahirap talaga mag-ipon.

Araw araw nagtitext rin si Yana kung uminom na ako ng gamot, kung kumain na ako at minsan naman simpleng text text lang talaga. Di ko na kinwento kay Rex na nagtetext kami ni Yana baka mabadtrip lang sya eh. Nagtatanong pa rin si Yana on how she will be closer to Rex ulit pero di ko sure kung papaano mangyayari talaga yun kasi parang daga si Rex kay Yana na I think pusa para kay Rex.

Since panahon na nang gawaan ng protype para sa Project Proposal Defense nasa kanya kanyang mga grupo kami. Tawagan at text lang kami. Syempre pag may pasok super bonding kami. Mukhang nagiging ok naman ang lahat.

Si Liezel ay kahit papaano malaki ang inuusad ng project namin at nakakuha na kami ng schedule para sa defense at kasabay rin namin ang mga grupo nina Rex, Jon at Reina.

Thankfully lahat kami ay nakalusot sa Project Proposal Defence. Malapit na rin ang end ng sem. Nagdedeklara na ang mga prof ng final projects kaya busy pa rin talaga kami. Pero nangingibabaw pa rin ang saya kasi parang walang gulo talaga sa klase at syempre next sem namin ay 3 minor subject at final defence na lang. And still above all that, may love life pa rin ako bwahahahah!

----------------------

At the end of this week ay ang araw na ng Official Engagement Party ni Rex. Parang ambilis ng panahon. Di ko naramdaman na darating na pala itong araw na ‘to.

~One message received – Yana

> Dapat nandun ang magiging Best man ng future wedding namin :)


Wew parang tanga ata ako kung magiging best man ako ng boyfriend ko huh. No way! Tseh!

Dahil sa ayaw at sadyang badtrip sa kanya ang minamahal ko, medyo nahawa na ata ako. Minamaldito ko na ang trato ko kay Yana ng di nya alam. Haist this is so not me.

----------------------

Naglalakad ako sa hallway papuntang klase namin sa Literature and Arts ng bigla akong narinig na pamilyar na boses.

“Kirk!!! Wait up!!! Kirk!!!”

Ewan ko ba kung sadyang nahawa na ako kay Rex pero nung marinig ko ang sigaw nya ay nagninja run ako. And when I say ninja run, included ang takbong parang nakayuko na tulad ng kina-Naruto. Well I guess ang nasa utak ko nun eh ayun ang pinaka-efficient way of running. Di ko na sinubukang lumingon pa at baka maging obvious na tumatakas lang ako sa kanya.

Of course tao lang ako na napapagod so I stopped to catch my breath. Maya maya lang nang konti may naramdaman akong tapik sa balikat ko at nagsabi sya ng “Kala ko di kita aabutan!”

“Wah sorry lang nag-CR lang ako ng mabilis. Bigla kasi akong naihi eh.” Alibi ko since di kaluyuan ang CR sa spot na tumigil ako.

“Hoy di mo na ‘ko binalitaan ‘bout Rex. How can I be a good wife to be kung wala na akong alam sa kanya di ba?!” pangungulit nya sa akin.

Di ko napagtanto na sa di pala kalayuan ay nakatayo si Rex at nakita kami ng maibaling nya ang tingin nya sa diresyon namin. Lumapit agad si Rex at umakbay sa akin.

“Sorry Yana, I’ve been meaning to tell you this but….” Humarap sa akin si Rex at hinalikan nya ako. Na kinagulat ko at ni Yana. Ito ang unang kiss namin sa school in an open area kaya talagang gulat plus takot ang naramdaman ko at syempre meron din konting excite + happiness.

“Yana, Kirk and I are lovers.” ang pagtapos ni Rex sa sinasabi nya kanina.

Nakita ko na lang na napanganga si Yana at parang namutla. Napatitig ako sa kanya lalo. Nakita kong nagsimulang maging teary ang mata nya. Di ko alam kung mali ang nangyari but at that moment parang tinarakan ako ng konsensya ko ng itak sa puso.

“Perfect! You two are perfect for each other!” ang nasambit ni Yana at bigla syang nagtatakbo palayo.

“Whoah di ba parang ang sama ng ginawa mo sa kanya?” nasabi ko kay Rex.

“No! Tama lang yun. That is a perfect wake up call para naman matigil na sya ng kakasunod sa akin. Sawang sawa na ako eh.” nasabi ni Rex na parang nabunutan ng tinik.

“I have a bad feeling about this.” ang tangi kong nasabi habang nakakaramdam ng kaba sa malaking pagkakamali.

----------------

Araw na ng party. Naghanda na kami pareho ni Rex to go to the Engagement party. We both decided to tell his parents about us. If ever di sila umayon sa decision eh pipiliin na namin yung option na magsimula on our own kahit di pa kami graduate.
Pagpasok na pagpasok palang namin sa venue nanlambot na ang tuhod ko sa pagkamangha. Parang may kasal lang talaga.

Parang sobrang elegante ng kapaligiran. Ang mga telang sapin ng lamesa ay napaka lambot. Yung mga silya ang sarap sandalan, parang minamasahe ka lang pag ikiniskis mo likod mo ahahaha. Yung mga ilaw pa sa loob ay chandeliers. Basta nakakapanghina para sa isang tulad ko ang ganitong kasal. Nung kinasal kasi tita ko sa Judge lang tapos kainan na kami sa Savory tapos kanya kanyang uwi na. Ito, ibang iba talaga ‘to.
“KC, cr lang ako sandali.” paalam ni Rex.

Habang naghihintay ako sa isang sulok ng room may tumapik sa akin.

“Kirk, I need to talk to you” ang sinabi ng ni Yana na nasa likod ko lang pala.

“Yana sorry huh. I never meant that to happen. Di ko lang din talaga masabi sa ‘yo” pagpapaliwanag ko sa kanya dahil sa naganap last time na nagkita kami.

Nagkakwentuhan kami ng matagal tagal. Nakwento ko sa kanya yung reason na sinabi ni Rex kung bakit ito lumalayo sa kanya.

“No, you got it all wrong. It’s like you had it in reverse.” Sagot ni Yana.

“Wew how was it that I got like that? Could you explain what you meant.” Sagot ko kay Yana.

“He is the one who used to follow me up until he went to college. Niligawan nya ako ulit nitong vacation kaya lang may naunang nanligaw sa akin eh. Sa huli na-realize kong sya talaga ang mas gusto ko so I dumped my bf. I was just shocked nung nalaman kong kayo. It is so unlike him to do that.” Paliwanag ni Yana.

Nagsimula akong maluha for some reason. Parang nakakaramdam ako ng kakaibang bigat sa dibdib ko. Di ko maipaliwanag pero parang napagtanto kong ako ang kontrabida sa kanilang dalawa. Ang sakit. Parang nagkalokohan lang pala kami. I thought sya ang rebound ko but it was the other way around. I should have realized this earlier.

“Hey Kirk where are you going?” sigaw ni Yana sa akin ng sinimulang kong magtatakbo.

Tumumba ako ng may nakabangga ako.

“Sorry!” sabay naming nasabi.

“Oh KC where are you going?” tanong sa akin ni Rex na nakabangga ko.

“Malaya ka na. I don’t deserve you. Mahal ka ni Yana. Iniwan nya ang boyfriend nya para sa ‘yo at as far as I know your still in love with her.” ang lumabas sa bibig ko habang nagsimula na rin umagos ang luha sa aking mga mata.

Natigilan sya sa sinabi ko.

Well I guess this just confirms what I think.

“Arriana, Rodrigo come up on stage. We can’t do this engagement without you!” ang sabi ng tatay ni Arriana na nasa stage.

“Rex get up there. Wag mong paghintayin ang dad mo at ang tito Alfonso mo” nasabi ng mommy ni Rex habang tinatayo sya at pinapapunta na sa entablado kung nasan ang tatay nya at tatay ni Yana.

Bigla akong hinawakan ni Rex sa kamay at hinila pabalik.

“KC wag ka munang umalis. Stay here. Please. I need you!” ang pagmamakaawa sa akin ni Rex.

Habang sya naman ay hinihila na ng mommy nya.

“Son stop that nonsense go up there now!” sabi ng mommy nya.

“Tama ang mommy mo you should be up there, while I should leave now.” Ang nasabi ko kay Rex.

Inalis ko ang kamay ni Rex at lumabas ng kwarto. Nakita ko sa glass door na sinubukan ni Rex na sumunod ngunit pinigilan sya ng guards.

Pagkakalabas ko ng gate tumawag agad ako ng tricycle sa di kalayuan. Pumunta agad ako sa terminal at sakto may FX papuntang Lawton pa sa oras na ‘to. Di na ako nagdalawang isip na bumalik pa o anu pa man.

------------

Habang nasa matraffic na byahe ako nagsimulang umulan. Malakas ang buhos ng ulan. Maingay ang kulog. Nakakatakot ang kidlat.

“Siguro nararamdaman ng kalangitan ang hinanakit ng puso ko.” bulong ko sa sarili ko.
Nainip na siguro si manong driver ng FX kaya nagbukas sya ng radio. Nakailang pihit din sya ng knob ng radio at mukha walang matinong signal dahil siguro sa lakas ng ulan. Di katagalan nakahanap ng rin sya ng matinong station.



Nagsimula ulit akong maiyak sa kantang tumutugtog sa radyo. Bakit nga ba ganun ang buhay. Parang last month lang perfect ang lahat tapos isang linggo lang nagsimula nang mag-fall apart ang lahat. Mali bang iniwan ko sya duon sa party?

"Bakit pa kasi nagawa yang mga bwisit na fairytales na yan. Bwisit!" ang tangi kong nasabi habang tumatama sa akin bawat salita ng kanta.

3 comments:

  1. Kainis naman.

    Di ko madefine kung masama ba si yana.

    Di ko rin masabi kung sino ang nagsasabi ng totoo.

    Galing mo author!

    Jaceph ElricKainis naman.

    Di ko madefine kung masama ba si yana.

    Di ko rin masabi kung sino ang nagsasabi ng totoo.

    Galing mo author!

    Jaceph Elric

    ReplyDelete
  2. Whoa...complicated na yung sitwasyon.

    Ito lang ang masasabi ko. Kasi di ba kung mahal mo yung tao dapat paniniwalaan mo yung sinabi nia. Pero dito naniwala siya sa ibang tao. Ibig lang sabihin nito hindi 100% mahal ni Kirk si Rex. Kasi may pag aalinlangan.Kasi hindi man lang niya kinompronta kung totoo ba yung sinabi ni Yana. Di ba magulo yung explanation nilang dalawa. Kasi pareho sila Rex at Yana gumagawa ng sarili kwento na sa kanila pumapanig. Cguro nga instinct na yung magalit ka pag may nalaman kang iba na makakasakit sau. Pero di ba kung mahalaga yung tao sau dapat alam mo kung sino mas matimbang. Nagmahal ka dahil alam mo tiwala ka sa kanya ganun din siya.so kung wala kang tiwala sa kanya ganun nga yung mangyayari sau gaya ng ginawa ni Kirk. Medyo naiinis lang ako sa reaction ni Kirk. Pero hindi ko siya masisisi kasi 2 side na yung napakinggan niya. Hindi nga lang niya naweigh kung sino matimbang,kung sinong tama or kung sino totoong tao.Hay nakakaexcite lang.

    Abangan ko yung next chapter.

    ReplyDelete
  3. 2 sides of the story and that's not all!!!

    Very interesting chapter. Ngayong alam na ni Kirk na may isa pang mukha ang kwento ni Rex sa kanya, maniwala pa kaya siya dito in case mag-explain siya dito?

    Yana, Yana, Yana.

    Hindi kaya pakana mo lang ito?
    ____________________________

    Masyado na carried away sa mga nangyari.

    Sana naman naging malaking sampal sa mukha ni Yana na hindi talaga siya ang mahal ni Rex, kundi si Kirk.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails