Episode 4 - Break Even
----------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------
Si Jenny. Siya ang masasabing isa sa mga pinakamagagandang babae sa balat ng lupa. Sa ganda niya ay pang- miss universe ang dating niya. Maraming mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya para manligaw pero ito'y di na pinagpapapansin. At ito pa ang masaklap. CRUSH SIYA NI KUYA VAN!
OMG! yaan mu teh! mas maganda ka sa kanya! sabi ni maldita.
"Hi babe happy 2nd monthsary!" ang nakangiting bati niya kay Kuya Van na parang excited na excited siyang makita si kuya.
BABE??!! Naguluhan ako sa narinig ko kaya naman ako tumingin kay kuya Van na may pagtataka sa aking mukha. Lalo naman akong nabigla noong hinalikan ni Jenny si kuya Van.
OUCH!
Natulala na lang ako. Pinipigilan kong huwag umiyak sa sobrang sakit ng nakitang pangyayari.
Shocking! and Hurt-ing, whatever. Ok ka lang teh? o wag ka iiyak, wag ka iiyak.
Hindi ako iiyak. hindi ako iiyak. kaya ko to. siguro mamaya na lang pero wag dito. kaya mo to Av. Relax. Pigilan mo sarili mo.
Kumalas na sila sa isa't isa. "Av..Bunso,..Si Jenny...girlfriend ko..."
"Nice to meet you Av." sabi ni Jenny at inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
"N-nice to m-meet you too." Kinamayan ko siya at binitawan ng pilit na ngiti.
Nginitian din naman niya ako. Umupo kami sa isang table. Ang sweet nilang tingnan. At mukang ang saya saya nila.
"Excuse me." ang bigla na lang lumabas sa bibig ko at hindi ko na namalayan na bumaba na pala ako sa mall, naglalakad ng tulala. Hindi pa rin maka-get-over sa nakita. Nagseselos ba ko? Pero ala naman akong karapatan diba? Pero bakit biglang may tumusok sa dibdib ko? arrghh! ano ba to!
Lumabas ako sa mall at sumakay na lang ako ng tricycle pauwi. Habang nasa loob ako ng tricycle ay hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang nangyayare sa akin? Lalaki siya, dapat lang na babae ang para sa kanya. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Pinahid ko ang aking mga luha at inayos ang aking sarili nang mapansin kong malapit na pala kami sa bahay dahil ayaw kong makita ng aking mga magulang ng ganoon ang ayos ko.
Pagkapasok ko sa aming bahay ay nakita kong nakaupo ang aking mga magulang sa sala, nanunuod ng TV. Dali dali akong pumunta sa aking kwarto sa second floor. Pag dating ko sa aking kwarto ay nilock ko ang pinto, hinugot ang aking cellphone at nakita kong may 5 missed calls from kuya Van and 10 messages na galing din sa kanya. Hindi ko na iyon binuksan at ibinaba na lang ang aking cellphone sa study table ko at saka nagmukmok sa kama. Hindi pa rin ako natitigil umiyak dahil sa aking nakita at sa tuwing aalalahanin ko ang pagsabi ni Jenny kay kuya ng "Babe" at ang halikan nila, ay hindi ko mapigilang humagulgol. Bakit hindi niya sakin sinabi na may girlfriend na pala siya? At 2 buwan na pala sila? Siya pa tong nagsabi sa akin na wala kaming isesekreto sa isa't isa pero eto siya, malalaman ko na lang may girlfriend na pala siya.
Bigla na lang tumugtog sa radio ang kantang ito:
Nakakainis naman to! Parang pinatatamaan talaga ko eh?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko'y nagulat ako dahil nasa tabi ko si kuya Van na nakatitig lang sa akin.
---------------------------------------------------------------
"Bakit ka nandito?" ang pambungad ko sa kanya. Namumugto at magang maga ang aking mga mata.
"Anung nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nawala? Nag-alala ko sa'yo. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi mo naman sinasagot. Ano bang problema mo?!" ang sabi niya sa akin na bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.
"Wala." ang matigas na sagot ko sa kanya.
"Anong wala? Eh tingnan mu nga yang sarili mo, namamaga na yang mga mata mo. Umiyak ka ba? Sabihin mo na kasi problema mo bunso!" sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang aking balikat.
"Wala nga eh!" ang pasigaw na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako at akmang pupunta ng banyo pero napigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking kaliwang braso.
"Humarap ka nga sakin! Wala kang problema?! Eh bakit ka ganyan?! Hindi ka naman ganyan kanina ah?! May itinatago ka ba saakin ha?!"
"Sino nga ba sa ating dalawa ang may itinatago ha?!" ang pagdidiin ko sa kanya tungkol sa kanila ni Jenny. Muka namang na-gets niya ang sinabi ko at natahimik na lang siya bigla. Tumalikod ako bigla para pumunta ulit ng banyo pero pinigilan niya ulit ako.
"Ano ba?!" ang galit na sinabi ko sa kanya.
"Sandali lang, magpapaliwanag ako." ang mahinahon niyang tugon.
"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa. Nakita ko na ang lahat." ang sabi ko at hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong niya sa akin.
"Bakit ako nagkakaganito? Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito?" ang sabi ko sa kanya.
"Nag-seselos ka ba?" tanung niya.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko dahil nasabi ko na lang :
"OO. Nagseselos ako. at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kasi wala naman akong karapatang mag-selos diba? Pero hindi ko alam kung bakit." huminto ako saglit para magpunas ng luha. Napansin ko naman ang pagtataka niya. "OO. tama ang narinig mo. BAKLA ako. at MAHAL kita. sinubukan kitang makalimutan pero hindi ko kaya. sinubukan kong ibaling sa iba ang pag-mamahal ko pero wala eh." Tumingin ako sa kanyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin na may awa sa kanyang mga mata.
Patuloy pa rin ang agos ng luha ko at bigla akong tumakbo palabas ng aking kwarto. Nagulat ako't napatigil dahil naroon pala ang aking mga magulang sa labas ng pinto sa aking kwarto na nakikinig sa pagtatalo namin ni kuya Van. Nagpatuloy na lang ako sa aking pagtakbo pababa ng aming bahay at tuluyan ng lumabas. Narinig ko pang tinatawag ako ng aking mga magulang noong nasa gate na ako ngunit hindi ko sila pinansin.
Tumatakbo pa rin ako ang walang tigil ang pagpatak ng luha ko na sinabayan naman ng pagbagsak ng ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinyaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin.
Makalipas ang ilang minuto, biglang humupa na ang ulan at naramdaman ko rin ang pagod sa aking katawan.Tumingin ako sa paligid. Nasa park na pala ako. Naupo ako sa isang bench malapit sa isang pond kung saan may fountain sa gitna.
Nakatingin ako sa malayo. Hindi ko ininda ang basang basa kong damit at katawan at ang malamig na hangin na umiihip sa aking katawan. Basta ang nasa isip ko lang ay nasaktan ako. Ngayong alam na niya na bakla ako, alam kong lalayuan na niya ako. Mawawala na ang pinagsamahan namin.
Sa oras na iyon, wala akong karamay at ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko.
Nakatingin pa rin ako sa kawalan nang maramdaman ko na lang na may humawak sa aking balikat. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang aking daddy.
"Anak, halika na, umuwi na tayo." ang panunuyo sa akin ni daddy.
Hindi ko naman napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak. "Daddy, I'm sorry.sorry po kung ganito ako."
"Shhh...Wag mu ng isipin iyon anak..halika na't umuwi na tayo, nag-aalala na sa iyo ang mommy mo". tugon ng aking ama.
Tumingin ako sa kanya at tinanong, "Hindi po kayo galit?"
Pinunasan niya ang mga luha ko sa aking pisngi at saka sinabing, "Oo noong una nagalit ako. Pero anu pa bang magagawa ko diba? kung diyan ka magiging masaya, ano bang karapatan kong pigilan ang nag-iisa kong anak?"
Ngumiti ako sa kanya at inakap ulit siya ng mahigpit. "Thanks Dad. I love you daddy."
Hinaplos niya ang aking ulo at saka sinabing, "Mahal na mahal din kita anak ko."
Umuwi na kami sa bahay at naabutan naming naghihintay si mommy sa pintuan. Agad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na akap. Hindi ko na rin napigilang pumatak muli ang aking luha.
Iyakin ka teh?! sabi ng boses sa utak ko.
Che! tumigil ka nga! panira ka talaga ng moment kahit kailan.
"I'm sorry mommy." sabi ko.
"Ayos lang anak. Matagal ko namang alam." sabi ni mommy.
"A-ano po? P-papaano ninyo pong nalaman?" ang tanong ko sa kanya.
"Nanay mo ako. Sa akin ka nanggaling. Kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo. Alam ko kung malungkot ka, o masaya. At saka isa pa, nakakahalata na rin ako sa'yo dahil iba ang saya mo kapag nakikita mo ang kuya Van mo." ang paliwanag sa akin ni mommy.
Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang sila mommy at daddy.
Nagpaalam na lang ako na magpapahinga na ako dahil pagod na ako. Hindi ko na rin itinanong sa kanila kung ano ang nangyari kay kuya Van. Sa panahon kasing iyon, naramdaman kong parang nabawasan ang tinik sa aking dibdib dahil sa alam na nga nila ang totoo. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na makaramdam ng lungkot dahil pumasok din sa isip ko :
Ano na kaya ang mangyayari sa amin ni kuya Van? Panigurado magbabago na ang lahat sa amin. Sana hindi na lang ako magising bukas para hindi ko na siya kailangang harapin pa.
Gaga! wag ka ngang ganyan! wag mong isipin yan! lalaki lang 'yon! there's a lot of fish in the sea! sabi ni maldita.
Hindi ko na lang ito pinansin.
Sakto namang tumugtog ang isang kantang nakakapag-paiyak talaga sa akin.
at iyon na ang huli kong naaalala nuong gabing iyon. Nakatulog ako.
-------------------------------------------------
Nagulat ako noong ako'y magising.
4:30 pm
Ganun ba ko katagal nakatulog at 4:30 na ng hapon?
Lumingon ako sa kabilang side ng aking higaan at laking gulat ko ng makitang naroon si Kuya Van, nakatingin sa akin.
Bakit siya nandito? Diba dapat hindi na niya ako lalapitan ngayon dahil sa alam na niyang may nararamdaman ako para sa kanya?. Ano ba tong nangyayare? bakit parang dejavu?
"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya.
-------------------------------------------------------------------------
Until the next episode :(
Av.
Episode 5 - I Love The Way You Lie
Episode 6 - Lonely
Sumama na rin kasi ako dahil sa gusto ko rin namang malibang. Puro iyak na lang ako.
Episode 5 - I Love The Way You Lie
------------------------------------------------
"Anung nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nawala? Nag-alala ko sa'yo. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi mo naman sinasagot. Ano bang problema mo?!" ang sabi ni Kuya Van. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at dali dali kong kinuha ang aking cellphone. Tiningnan ko ang date.
Teka, eto yung date kahapon ah. So ibig sabihin. ibig sabihin...
Tamaaaaa!
Tama ka jan! wala pa nga akong sinasabi eh. May tama ka talaga!
Che! Whatever!
Anyway..So ang nangyare kanina, paniginip lang?.Gosh. Pang-best actress ang drama ko kanina tapos panaginip lang pala? Kainis naman! Sayang effort ko!
Gaga! Best actress ka jan? Supporting ka lang dahil akin ang korona. haha.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko nang tapikin ni kuya Van ang balikat ko. "Huy! Tinatanong kita. Ano bang nangyayare sa'yo? O, umiyak ka ba? Sino nang-away sa'yo? Sabihin mo bubugbugin ko!" sabi niya.
Wow! Knight in shining armor ang drama! Kainggit ka teh!
"A-a.e-e." ang pautal kong salita.
A-E-I-O-U. Irecite mo na kaya ang buong alphabet!
"W-wala. wag mo kong intindihin.okay lang ako." ang palusot ko.
Palusot.com
Shhh! Shut up!
"Weh? Sige na bunso, sabihin mo na kay kuya kung anong problema." inupo niya ako sa kama at inakbayan at nilalambing-lambing.
"Oo nga po. okay lang ako."
"Eh bakit namamaga yang mga mata mo?" tanong niya.
Nako patay. anong sasabihin ko? Isip Av.Isip!
Hahaha Tigok ka na jan. Tingnan natin kung paano mo lulusutan yan.
"Ahh eto? Kasi..Uhmm..nanood kasi ako ng movie.eh nakakaiyak kasi.kaya ayan naiyak ako.alam mo naman po ako, mababaw ang luha, iyakin..hehe" palusot ko ulet.
"Ohh.okay sige.basta pag may nang-away sa'yo o nagpaiyak sa'yo sabihin mo lang sakin at bubugbugin yan ni kuya. okay bunso?" sabi niya. Mukha namang naniwala siya. Ewan ko ba, basta pag may sinabi ako sa kanya, maniniwala siya.
Aba, mukang nalusutan mo yan ah. I have to say, magaling ka talaga.
Eh ikaw lang naman ang walang bilib sakin eh. Nakakuha kaya ako ng degree sa course ko.
Anung course naman yan?
Bachelor of Science and Kasinungalingan Major in Palusotan.
Okay na lang.
Hay nako. Inggit ka lang kasi ikaw walang degree sa college!
Hoy ano ka! hindi totoo yan!
Na wala kang degree?
Hinde! Hindi ako nag-college. Gaga!
Anyway. Back to the real world.
"Kamusta naman ang naging date niyo ng girlfriend mo?" siyempre kahit masakit, gusto ko ring malaman kung nag-enjoy ba siya. Okay na na may masaya sa aming dalawa.
Chaka! Plastic mo teh! Tupperwear?
Gaga!
"Ah okay naman. Gusto ka nga daw niyang makilala at makakwentuhan tapos bigla ka naman nawala. Bakit ka nga pala nawala?" ang curious na tanung niya.
"Ah eh.uhmm. Nagtext kasi si mama sa akin. Umuwi daw ako kasi kailangan niya ng tulong ko. Kaya ayun." palusot ko ulet.
"Ahh ganun ba. Eh bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin? nag-aalala kaya ako sa'yo."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan kasi niya ang kamay ko.
Grabeh!
Maghunos-dili ka! Ang landi mo teh!
Shocks, hindi ako makapag-isip ng palusot. Umisip ka Av dali! baka mabuko ka!
"Ah eh. Ayaw ko na rin kasi kayong istorbohin sa date niyo. Besides, ayoko rin namang mag-stay kasi date niyo yun. ano ko? Chaperone mo?" palusot ko ulit.
Tumawa siya."Okay." sagot niya.
Phew! Buti na lang nakalusot ulit!
Grabeh teh! Isa kang makasalanang nilalang! Paparusahan ka ni Lord!
Tumigil ka nga jan! I only do this on emergencies.
So emergency tawag mo dito?
Oo, emergency to na baka mag-end ang life ko pag nalaman niya ang totoo. Kaya tumahimik ka na jan kung ayaw mong ikaw ang parusahan ko.
Hindi na sumagot ang boses sa utak ko.
sakto namang tumugtog ang song na to:
Grabeh naman parang kinokonsensya naman ako nito. haay.
Nakaakbay parin siya sa akin ng may kumatok sa pinto.
"Anak, may ginagawa ka ba?" tanong ni mama.
"Wala naman po ma, bakit po?" tumayo ako at naglakad papunta sa kanya.
"Pwede ka bang bumili ng catsup sa grocery? Day-off kasi ni manang.Pwede bang ikaw na bumili anak?" tanong ni mommy.
"O sige po mommy."
"Mag-pasama ka na jan sa Kuya Van mo." dagdag pa niya,
"Sige po tita,." sagot naman ni Kuya Van.
Naghilamos ako. Siyempre para fresh. haha. Pagkatapos, kinuha ko ang wallet at cellphone ko at bumaba na kami ni kuya at lumabas ng bahay.
Walking distance lang ang grocery kaya mabilis lang namin ito narating.
"Uhhm kuya, pede ikaw na maghanap kung nasaan yung catsup? May titignan lang ako dito." sabi ko kay kuya Van.
"Ok sige, hanapin na lang kita mamaya." sabi niya.
Naghiwalay kami. Pumunta siya sa aisle kung saan nanduon ang mga condiments. Ako naman ay pumunta sa corner kung saan nanduon ang ice cream.
Ice cream? depressed ka teh?
Hinde! na-s-stress lang ako! na-s-stress ako sa'yo!
kaloka!
Anyway, so ayun nga, nagpunta ko sa freezer thingy, kung anu mang tawag dun, para kumuha ng ice cream. Naghahanap ako ng strawberry flavor dahil iyon ang paborito ko. Pinili ko yung medyo malaki ang size, para if ever na gusto din ni kuya Van, share kami. Pagkatapos kong makakuha ng ice cream, pupunta na sana ako kay kuya Van nang bigla naman akong nadulas.
"Ay Sh*t!" sigaw ko.
Nagulat ako nung may nakasapo sa akin. Ineexpect ko pa naman na tatama ako sa sahig para maalog ang utak ko. Baka sakaling magbago takbo ng isip ko at matutunang hindi kami pwede ni kuya Van kapad naalog ang utak ko.
Anyway,. Tiningnan ko kung sino ang nakasapo sa akin.
Totoo ba to? Siya ba talaga to? Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga! Si Ram!
Grabeh! bagong papa?!
------------------------------------------------------------------------
Until the next episode,
Av. :)
Episode 6 - Lonely
Ralph Alexander Michael Chua o mas kilala sa tawag na Ram.
Grabe ha! ang hilig mo sa mahaba ang pangalan!
Anyway. Ka-batch lang namin siya. Tulad ni kuya Van, isa rin siyang varsity sa basketball team sa Dickinson University, ang school namin. Isa siya sa mga basketball hotties. Magaling siyang magbasketball gaya ni kuya Van. Sila ngang dalawa ang pinakamagagaling sa team nila. Pero pag nasa court na, mas nag-shi-shining shimmering splendid si kuya Van kaysa kay Ram. Siguro dahil sa mas cute si kuya Van sa kanya or mas hot or somthing. Ewan ko. Kasi sa tingin ko naman eh parehas lang silang gwapo. Ayun, dahil nga sa "inggit" daw, naging no.1 enemy ni kuya Van si Ram. Kumbaga super villain ang set-up. joke.
Over! Grabe!
Anung over ka jan?
Over! ang Chismosa mo, lahat alam mo! haha.
Che! Hindi ako chismoso no! Naririnig ko lang yan!
Anyway, back to the real world. Nadulas nga ako, nasapo niya ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, habang nasa braso pa rin niya ang mga katawan ko.
"O-oo. salamat." tumayo na ko at nag-ayos ng sarili.
"You're welcome..Av, right?" sabi niya.
"Yep. and you are?" siyempre kahit alam ko yung pangalan niya, parang gusto ko na magpakilala siya sa akin. Ewan ko kung bakit, siguro malakas lang trip ko or malakas lang talaga tama ko.
Pagpasensyahan ninyo na po, kalalabas lang ng mental.
Shh! Shut up!
"I'm Ram." ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.
"Nice to meet you Ram. Salamat nga pala sa..uhmm...pag-sapo mo sakin." sabi ko sa kanya, at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Habang nasa ganoon kaming situation, tinawag ako ni kuya Van mula sa aking likuran.
"Av! Halika na!" ang mejo mataas na tono ng boses ni kuya Van.
Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nasa kabilang dulo ng aisle si kuya Van pero mukhang galit siya.
"Uhhm..opo! nanjan na po!" sagot ko naman.
Humarap ako kay Ram at nakita ko na masama ang tingin niya kay kuya Van."Uhmm Ram, salamat ulit ha? I have to go. See ya around! Thank you ulit!" at naglakad na ako papunta kay kuya Van.
Nginitian naman niya ako. Habang naglalakad ako patungo kay kuya Van, hindi pa rin maalis sa kanilang mga mukha ang masamang tingin sa isa't isa.
Anung meron sa dalawa na to? Ganito ba talaga sila? talagang nemesis talaga ang turingan sa lahat ng bagay at kahit saan?
Hindi ko pa kasi nakikita sila na nag-encounter or something kaya kahit sa mga narinig ko na magkaaway daw sila eh hindi ko naman alam na ganito pala kalaki ang galit nila sa isa't isa.
Nang makalapit na ko kay Kuya Van, "Halika na!". Hinablot niya ang braso ko at saka hinahatak habang naglalakad.
"Aray!! teka nga lang kuya! masakit!" kinuha ko ang kamay ko sa kanya at tumingin sa kanya ng masama.
Hindi na siya sumagot. Binayaran namin ang aming mga nabili at lumabas na sa grocery. Habang naglalakad kami, hindi pa rin kami nag-uusap, basta lakad lang. Nakarating na kami sa bahay at ibinigay na namin kay mommy ang aming binili. Dumiretso siya ng kwarto ko.
"Oh anung problema ng kuya mo? nag-away na naman ba kayo anak?" tanong ni mommy.
Ganun kasi si kuya Van, parang bahay na rin niya ang bahay namin dahil na rin sa sinabi ng mga magulang ko na "feel at home" daw siya dahil anak na rin ang turing nila sa kanya. anyway,
"Hindi ko nga rin po alam eh. Kakausapin ko na lang po ma." sabi ko kay mommy. Dumiretso ako sa kwarto at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakaupo sa isang chair at nakaharap sa akin, matulis ang tingin niya sa akin..
Nakakunot naman ang noo ko at nagtataka kung bakit siya ganon. Parang ngayon ko lang kasi siyang nakitang ganoon ang ayos.
"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya, nakatayo ako sa harap niya.
"Bakit mo kausap yon?" tanung niya. Halata na galit siya pero pinipilit niyang maging mahinahon sa pagtatanong sa akin.
"Sino?" tanong ko.
"Si Ram!" na may pagdidiin sa pangalan niya.
"O, nadulas ako, nasalo niya ko, nag-thank you ako dun sa tao. teka bakit ba? bakit parang galit na galit ka?" tanong ko sa kanya.
Natahimik siya.. Yung bang parang nag-coo-cool-down. After a minute, nagsalita na ulit siya. "Wag ka na ulit makikipag-usap sa tao na yon." ang mahinahon niyang sagot.
"At bakit naman?" ang mataray na sabi ko sa kanya. "Eh mukha namang mabait yung tao ah."
"Basta, masama siyang tao, hindi mo siya kilala, hindi mo alam ang pwede niyang gawin sa'yo. Kaya layuan mo siya." sabi niya.
"Bakit? Wala na ba kong karapatan ngayon para makipag-usap sa ibang tao?! Hindi ko na ba pwedeng kausapin ang isang tao dahil galit ka sa kanya?! ha?!" sabi ko sa kanya, mejo lumakas ang boses ko.
Tumayo siya,"OO! dahil masama siyang tao! kaya layuan mo siya!" pasigaw na sabi niya.galit na galit siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kagalit.
Natahimik ako,.nakatitig ako sa galit na galit niyang mukha. Feeling ko namutla ako,.Habang nakatitig ako sa mga mata niya na punung-puno ng galit, bigla na lang tumulo ang luha ko. Siguro sa sobrang takot ko sa kanya or nasaktan ako dahil sinigawan niya ako. Unti-unting nawala ang galit sa kanyang mukha at napuno ng pag-sisisi.
Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Bigla ko inilayo ang aking mga braso na parang isang batang natatakot sa isang tao. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang masigawan ka bunso, I'm sorry,.sorry talaga bunso."
Tumango na lang ako ngunit patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko, nakatingin ako sa sahig. Niyakap niya ako. "Bunso, sorry talaga.hindi sinasadya ni kuya.i'm really really sorry."
"O-ok lang kuya.sige na.magpapahinga na ko." kumalas ako sa hug niya at nahiga sa kama.
Lumapit siya sa akin, pinunasan ang mga luha ko, at saka hinalikan ako sa noo. "I'm sorry talaga bunso."
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
Nung makalabas na siya sa kwarto ko, nakatingin pa rin ako sa kisame. Umaagos pa rin ang luha ko.
Bakit siya ganun? bakit ang laki ng galit niya kay Ram? bakit niya ko kailangan pagbawalan kausapin siya? Mukha namang mabait yung tao ah.
Siguro, iniisip lang niya kung anung makakabuti sa'yo.
Wow, mabaet ka na ngayon? mukhang nagbago ka huh. pinagalitan ka ba ni God at sinabing maging mabait ka na sakin at nagiging mabait ka na?
Seryoso ako Av.
Fine. But that's not the point. Mukhang mabait naman yung tao ah. Tinulungan pa nga ako. What makes him think na may gagawing masama sakin si Ram?
I know pero, intindihin mu na lang siya, hindi naman siguro niya gagawin yun kung masasaktan ka diba? mukha namang mahal ka ng kuya mo.
Mahal? Talaga lang huh. Baka yung girlfriend niya lang ang mahal niya! Shit! ayan, bumabalik na naman sa isip ko yung gf nung mokong na yun.
At dahil sa naalala ko ulit ang nangyari earlier this day, umiyak na naman ako ng bonggang bongga.
Look Av,.
Stop! I don't wanna hear it! kung pagtatakpan mu lang yang si kuya Van eh wag ka na lang magsalita! I had enough of him!
Ayan.yan.yan ang problema sa'yo. masyado kang OA.
Kung OA ang tawag sa isang taong nasaktan dahil sa mahal na mahal niya ang isang tao at nalaman na lang niya na may gf na pala yung taong mahal mo ng hindi mo alam, edi sige, OA na kung OA.
Umiyak lang ako ng umiyak at hindi na nagsalita ang boses.
"Arrgggghhhhhh!!!!!!!!!!!!! Bakit ba kasi minahal ko pa siya!" gigil na gigil ako. tinapon ko ang unan ko.
Iyak ako ng iyak.
Habang umiiyak ako, biglang may nagtext sa cellphone ko. hindi ko ito pinansin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahil ay napagod na rin ako sa lahat ng nangyari ngayong araw na to.
I deserve a good night sleep.
The next day, I woke up with a headache.
"Arrrgghh! ang sakit ng ulo ko."
Tumayo ako sa kama at dumiretso sa bathroom, para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba ako para mag breakfast.
"Oh my gosh anak! you look sick! okay ka lang ba?" ang alalang alala na tanong ni mommy.
"Masakit lang po ang ulo ko mommy pero magiging okay din po ako." sagot ko naman. Ayoko na kasing mag-alala sa akin ang aking mga magulang.
"Ok sige anak, kumain ka muna at uminom ka ng gamot pagkatapos."niyaya ako ni mommy papuntang dining area, at umupo ako paharap sa kanya.
"Mommy, si daddy po?" tanong ko sa kanya.
"Maagang umalis may aasikasuhin lang. o sige anak kumain ka na."
"Ok po." nag-simula na akong kumain. Kumuha ako ng dalawang hotdog, at omelet, pagkatapos ay kumuha ng konting kanin.
Habang kumakain kami, "Anak, dumaan nga pala dito sila Macky at Marco, inaaya ka nila na manood daw ng liga mamaya dyan sa may kanto." sabi ni mommy.
By the way, sina Macky and Marco ay kapitbahay namin, magkasing edad lang kami ni Macky, at mas matanda sa akin si Marco ng isang taon. Magkapatid silang dalawa at parehas ko rin naman silang mabubuting kaibigan. Mga kababata ko sila. Babae si Macky,nga pala.hahaha.
"Ah ganun po ba? Titingnan ko po kung makakasama ko." sabi ko na lang.
Nang matapos na ko kumain, nagpaalam ako kay mommy at umakyat ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may 3 messages.
Una, galing kay kuya Van, kagabi pa pala yung message na yun, siya pala yung nagtext sa akin.
"Bunso, sorry talaga ha? sorry sorry sorry. :("
nireplyan ko siya kaagad:
Good morning kuya! sorry hindi ko po kayu nareplyan kagabi. nakatulog na po kasi ako..Ok lang po yun kuya.kalimutan mo na po yun. :)
Yung pangalawang text, galing kay kuya Marco:
Ui Av! Sama ka samin ni Macky mamaya, nood tayo ng liga!
nireplyan ko rin siya.
Uhmm. sige kuya. anong oras ba?
nagreply din siya agad.
mga alas kwatro. sunduin ka na lang namin jan. ok?
nireplayan ko siya ulit.
okay kuya.
Tiningnan ko yung pangatlong text. galing kay Macky. mga 15 minutes ago.
Ui Av!!!!! may nanghihingi ng number mo!!!
nireplyan ko cia:
Huh? cno?
nagreply siya agad.
Si Ram!
nireplyan ko cia:
Ano?? wag mu ibibigay.
nagreply cia ulit.:
okay.sige, kita na lang tayo mamaya.
Hindi na ko nagreply. Natulala ako sa nalaman ko.
Bakit hinihingi ni Ram yung number ko? Hmmm..
Sige na! ikaw na maganda!
Wow! You're back!
You're back ka jan! Hindi naman ako nawala no! Anu yon? nag-abroad ako?
Gaga! I mean, echoserang kontrabida ka na ulet! akala ko kagabi nagpakalalaki ka na eh! hahaha
Over my dead body! Nagpaka-serious lang ako kagabi no!
Okay.. Inialais ko na sa isip ko ang mag-isip kung bakit hinihingi ni Ram ang number ko.
Tiningnan ko ang oras. 11 na pala. Naisipan kong manood ng tv. Showtime na! lagi kasi akong nanunuod ng showtime. Gandang-ganda kasi ako kay Anne Curtis at tuwang-tuwa naman ako kay Vice Ganda and kay Ryan Bang. Natawa naman ako sa mga jokes at okray ni Vice sa mga tao.
After kong manuod ng Showtime, kinuha ko ang laptop ko. At syempre as usual, Facebook. Nakita ko na may isang friend request. Si Ram. Iniisip ko kung i-aaccept ko ba or hindi.
Ayiiieee! pakipot pa! hahah
Shhh!
Cnlick ko n lng yun "Not Now" button at pagkatapos ay nag-log out na ko,. hindi ko na chineck yung mga notifications ko.
Nahiga na lang akong muli sa aking kama. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising ako, 3:30 na. Agad akong kumuha ng damit at pumunta sa bathroom. 4:00 ang usapan namin nila kuya Marco kaya kailangan ko ng magmadali at baka magalit pa sakin yung dalawa na yun. Naligo ako at nagpalit ng damit.
Nagring ang phone ko,.si kuya Marco.
"Hello kuya?"
"O Av, nakagayak ka na?"
"Oo, san na kayo?"
Tumawa siya. "Nandito kami ni Macky sa sala niyo! hahaha"
"Ay ganon? O sige bababa na ko."
Bumaba ako at hindi nga siya nagsisinungaling. Nasa sala na sila ni Macky.
"O kuya Marco, Macky, ano, alis na tayo?" tanong ko sa kanila.
"Sige halika na."
Gwapo rin si kuya Marco,. matangkad, well-built ang katawan, pero dark ang skin tone. kumbaga, tall, dark and handsome plus, mabait pa and matalino. Kaya complete package. swerte ang mga babaeng magiging girlfriend niya.
O, naiinlove na ka ba kay Marco? Bagong Papa na naman yan ha. Ang kati mo!
Gaga! dini-describe ko lang po yung tao.
Well.
Anway,
Si Macky naman, maganda at matangkad pero maputi siya hindi katulad ng kuya niya. Kaya minsan, nagugulat ang mga tao na magkapatid pala silang dalawa.
Nang makarating kami sa court, konti pa lang ang mga tao. Nga pala, mahilig akong manuod ng mga basketball games pero ayaw kong mag-laro, hindi kasi ako sanay and wala rin naman akong planong pag-aralan ang larong to.
Sumama na rin kasi ako dahil sa gusto ko rin namang malibang. Puro iyak na lang ako.
Naghanap kami ng mauupuan. Tiningnan ko ang cellphone ko, nakita kong may message galing kay kuya Van.:
Bunso asan ka?
Hindi ko muna siya nireplyan. Kahit kasi na sinabi ko sakanyang okay lang yung ginawa niya sakin, nasaktan pa rin ako.
Habang nakatitig ako sa cellphone ko, nagulat ako ng may tumabi sa akin. Si Ram.
"Hi Av!" nakangiti siya sa akin.
"Hi!" ngumiti na lang din ako sa kanya. napansin ko ang suot niyang jersey at sapatos. "Kasali ka sa liga?"
"Oo. hindi ba halata?" sarcastic na tugon niya.
Hindi na lang ako sumagot at tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya sa akin at nakatitig.
"O bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya.
"Ang cute mo pa rin kasi kahit nagtataray ka." sabi niya.
Medyo kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon.
"O so nainlove ka sakin niyan?" tumawa ko ng malakas.
"Paano kung sabihin ko sa yong, oo, papayagan mo ba kong manligaw sa'yo?" tanong niya.
"Gago! Ligaw ka jan! ano ko? babae?"
Ngumiti lang siya. "Anyway, bakit ayaw mong ibigay yung number mo?"
"Bakit ba kasi hinihingi mo?" tanong ko.
"Wala lang, bawal ba?"
Hindi na lang ako sumagot.
"Okay ganito na lang. Kapag nanalo kami sa game namin, ibibigay mo sa akin yung number mo, pero pag natalo kami, hindi ko na hihingin. ok ba yun?"
Nag-isip muna ako. "Okay sige deal."
"Ihanda mo na sarili mo dahil mamaya lang, ibibigay mo na ang number mo sa akin. Sure win na kami, ako pa!" nakatingin siya sa akin with his devilish smile.
"Uhmm ilang page ka?" tanong ko sa kanya.
"Ano? anong page?" tanong niya ng may pagtataka.
"Ang kapal mo kasi eh, daig mo pa yung pinagsama-samang volume ng encyclopedia." sabi ko.
Pinisil niya ang pisngi ko."Ummm! ang cute mo talaga!"
Umalis na siya dahil magsisimula na ang game.
Mananalo kaya sila??
---------------------------------------------
Until the next episode,
Av. 귀여운
hahaha!!!
ReplyDeletengaun lng ako tumawa nang ganito habang ngbabasa ng mga blog story.
ayos ang comedy especially ung sagutang ni Av at ang kanyang konsensya.
ang cute ng story, nahook tuloy ako....
-mhei
para plang lumang safeguard comercial c av xD
ReplyDeletepeo familiar ung ganyan..d q lng mtandaan anung story ung my kontra bidang icp hmm
ang ganda ng script ni av i like yung about sa page
ReplyDelete