Followers

Sunday, August 21, 2011

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 6


Author's Note: Marami pong salamat sa mga walang sawang nagtitiyagang basahin ang story na to. hehe.Thank you po ulit sa mga nag-comment!! I'm so glad na nagustuhan niyo po ang story na to. tuwang-tuwa ako sa mga comments nio, lalo na yung kay Mr. anonymous of LoL na nagcomment na abot hanggang tawi-tawi ang hair ko,. ang haba naman po nun! hahah eh pano po yun? nandito pa ko sa USA? so magco-cross pa ng dagat yung hair ko? hahah. BONGGA! lol. thanks sa comment hehe. again maraming maraming salamat po sa mga readers, kayo po ang reason kung bakit ko pinagpapatuloy ang pagsusulat. kaya, maraming thank you!!! :)
Anyway, eto na po ang episode 6! malapit na ang..................wla lang! hahah. anyway, enjoy reading!!!!
V<3K


Episode 6 - Confessions Part 2 feat. Van Romero

----------------------------------------------------
"Pero bago ko sabihin sa'yo. Pwede mo ba kong samahan sa isang lugar? Doon ko gusto sabihin sa'yo ang lahat.."

Aba ang arte huh, may place pa talagang pinipili huh.


Pumayag ka na nga lang para matapos na yan.


"Bakit? Hindi ba pwedeng dito tayo mag-usap?" ang mataray na tanong ko sa kanya.

"Please..Av.. pagbigyan mo naman ako oh.." pagmamakaawa niya.

Nakakaawa talaga ang istura niya. He looks really miserable.


Hoy, let me remind you, yang taong nasa harap mo ngayon, ang taong dahilan ng pagluluksa mo noon,.


Tama. dapat wag magpaapekto.


"Fine..San ba yun?" tanong ko.

Nagliwanag ang mukha niya. Mangiyak-ngiyak siyang ngumiti sa akin. Pero hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. "Just follow me.." Kinuha niya ang kamay ko't nagsimulang maglakad. Agad ko ring binawi ang kamay ko. I crossed my arms on my chest.

Bitter much teh?


Hello ikaw na nga nagsabi na wag magpaapekto eh. Pinanindigan ko na!


Magpapaalam na sana ako sa instructor namin pero nagulat ako ng sinabi niya kay Van na, "Just bring him back asap. We need him." Grabe, mukhang planado na talaga to ah. Lumabas kami ng school. I wasn't really paying attention on where are we going. Tulala ako't parang wala sa sarili habang naglalakad. Ano nanaman kaya ang sasabihin sa akin nitong mokong na to? Tiyak puro kasinungalingan nanaman ang sasabihin nito.


Kaya dapat, wag kang magpapahulog sa patibong niya ulit. Dahil pag nalaglag ka, patay ka na naman.


Right.


Napansin ko na lang na nasa park na pala kami. Umupo siya sa bench. The same bench where it all started. Biglang nagflashback sa akin lahat ng nangyari noon. Yung mga masasayang araw namin nuon, na magkasama kaming nakaupo sa bench na iyon, pati na rin ang masalimuot na mga pangyayari tulad ng pag-iyak ko sa bench na iyon na mag-isa't walang kasama. Parang gusto kong umiyak.

"Upo ka." ang pangyayaya niya sa akin sabay tapik sa bench.

Umupo ako't tumingin sa malayo. Nagsimula na siyang magsalita. "Naalala ko pa nung unang beses tayong magkasamang umupo sa bench na to. Dito mo ko unang tinawag na kuya, at dito rin kita unang tinawag na bunso." sabi niya.

Naalala pa pala niya. Parang gusto ko na talagang umiyak. bumabalik na naman kasi yung moments namin. Nagtatawanan kami nuon at ang saya saya namin.

Hey! Remember?! wag papaapekto!


Right,.

"Dito rin sa bench na to, na-realize ko..na mahal talaga kita." dagdag pa niya. Namumuo na ang mga luha ko. Parang gusto ko na talagang umiyak. "Dito sa bench na to--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya't nag-interrupt na ako.

"Why are you telling me this? Are you trying to hurt me?!" tanong ko. Biglang tumulo ang luha ko.

"No Av." sagot niya.

"Are you trying to push my conscience?! Are you trying to make me realize that I made a big mistake by breaking up with you?!"

"No."

"No??? Then what are you trying to do?!" tanong ko sa kanya. Patuloy na umaagos ang luha ko sa aking mga mata. Hindi siya nakasagot. Tumayo ako't akmang aalis na ngunit bigla niya akong inakap sa likod ng mahigpit. "Let go of me!!" sabi ko.

"Hindi kita papakawalan hangga't hindi mo ko hinahayaang maipaliwanag ko sa'yo ang lahat." sabi niya.

"Argggh!!!"... I had no choice. ayoko namang magsisigaw doon at mag-iskandalo just because ayaw niya akong pakawalan. "Fine! Diretsuhin mo na ako, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa." Pinakawalan niya ako't umupo kaming muli sa bench. Mga ilang minuto rin ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Siguro'y hindi niya alam kung paano siya magsisimula kaya ako na mismo ang nag-open ng conversation. "B-bakit ka nagsinungaling sa akin?" mahina ang boses ko. Umagos nang muli ang mga luha ko.

"Patawarin mo ko Av. Alam kong nagkamali ako. Sasabihin ko naman talaga sa'yo ang totoo eh, naduwag lang ako. Naunahan ng takot. Takot na baka pag nalaman mo, mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa akin Av." Nagsimula na ring pumatak ang luha niya. "Girlfriend ko nga talaga si Jenny. Noong una, akala ko, siya talaga ang taong tinitibok ng puso ko. Pero nung nakilala kita, nag-iba ang takbo ng buhay ko. Dahil ikaw na pala ang nandito." sabay turo sa dibdib niya. "Napagdesisyonan kong makipag-break na sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya mahal at ayoko nang lokohin pa siya. Ikaw. ikaw talaga ang mahal ko." tumingin siya sa akin. Tumingin din ako sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin. Mahal pala talaga niya ko.

"P-pero diba buntis siya?" tanong ko.

"Oo..." tumingin siya sa lupa. "Inimbita niya ako sa bahay nila. Gusto raw niya akong makausap. Pumunta naman ako dahil gusto ko nang tapusin ang lahat, ilang beses niya kasi akong pinipilit na balikan siya. Nung dumating ako sa bahay nila, niyaya niya akong uminom ng juice. Hindi ko alam na may pampatulog pala ang juice na iyon kaya bigla akong nakatulog. Hindi ko alam ang nangyari, basta paggising ko, nasa kama na niya ako't nakahubad katabi siya." sabi niya.

"K-kailan pa to nangyari?" tanong ko. Sinubukan  kong magpakatatag at wag mag break down.

"N-nung araw n-na maging tayo.." ang mahina niyang sagot. "at tatlong araw pagkatapos nun, nalaman ko na buntis siya. at ako raw ang ama ng dinadala niya.." umiyak siya.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" tanong ko,. nagccrack na ang boses ko. Hindi ko na talaga napigilan at umiyak na ako ng tuluyan.

"Dahil..dahil natatakot ako..Na baka mawala ka sa akin. pero maniwala ka sakin Av. sasabihin ko na talaga sa'yo ang totoo. Pero nung sasabihin ko na, nalaman mo na pala." at hinawakan niya ang mga kamay ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Bigla niya akong niyakap. "P-patawarin mo ko Av. hindi ko sinasadyang magkasala sa'yo. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." sabi niya habang nakayakap sakin at tumutulo ang kanyang luha.

Mahal ko siya.


Alam ko. Hindi mo naman siya nakalimutan eh. Siya lang ang nilalaman ng puso mo. 


"Pinapatawad na kita. dahil mahal kita." at kumalas ako sa pagkakayakap niya..

"Maraming salamat Av." sagot niya ng nakangiti. Aakapin niya sana akong muli pero pinigilan ko siya. Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanaya.

"Av wait! Where are you going?!" tanong niya.

"Ngayong nagka-ayos na tayo, tapos na to." sabi ko.

"What do you mean?? Bakit ka lumalayo sa akin? Hindi ba ayos na tayo? Hindi ba mahal mo naman ako? Bakit kailangan mong lumayo?" tanong niya.

Nilingon ko siya. "Ginagawa ko to dahil ito ang tama. Magkakapamilya ka na Van. Mas kailangan ka nila. Wala sa plano kong maging kabit." sabi ko sa kanya. Umalis na ako. Naging masaya rin ako kahit papano dahil sa nagka-usap na kami at nalaman ang totoo. Pero masakit pa rin. Masakit kasi, mahal na mahal ko siya, pero hindi na talaga kami pwede. May pamilya na siya. Wala naman sa bio data ko ang manira ng pamilya. Wala akong planong agawin siya. Dahil talo na talaga ako. Wala na akong laban. Kaya kailangan ko na lang tanggapin.

Tama. Sabi nga nila, ang pinakamasakit at pinakamahirap sa lahat ay ang tanggapin ang katotohanan. 


Naglalakad ako papasok ng school ng makasalubong ko si Jenny sa gate. Masama ang tingin niya sa akin. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Pero bahala na! Marami ring mga tao doon na papalabas dahil sa lunch break na. Nakita ko rin sila Macky. Naglakad ako papunta kila Macky, tiningnan niya lang ako at sinundan ng tingin. Ng makalampas na ako sa kanya ng mga ilang hakbang, nagsalita siya.

"Ahas ka talaga." sabi niya. Huminto ako. Bigla ring natigil ang lahat ng tao at tumingin sa amin. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka ba nakokonsensiya Av? Magkakaanak na kami! Sisirain mo ba ang pamilya ko?! Gusto mo bang mawalan ng ama ang anak ko?! Ha? Ang itim talaga ng budhi mo! Ang selfish selfish mo!" sabi niya.

Biglang umakyat lahat ng dugo ko. Nag-init ang ulo ko. Gusto ko siyang sampalin pero napigilan ko ang sarili ko. Hindi ko papatulan tong babae na'to.


Tama! You're a civilized person. Hayaan mo na lang siyang magdadakdak diyan!


Pero hindi ko hahayaang tapakan niya ang pagkatao ko at ipahiya sa harap ng lahat ng tao,.


Nilingon ko siya."First of all, Ms. Mendoza, I never stole him from anybody. We both know that. Second thing, I have no plans on ruining someone else's life just for my own happiness. I'm not evil and hypocrite. And lastly, if I'm selfish, would I give him up? No! If I'm selfish, I would've told him to be with me and let you and your baby rot in hell..But I didn't do that..because I always think for what would be good for everyone,.for me,.for him.for you and your baby..So don't you dare tell me that I'm flirt, evil, hypocrite and selfish.." tumigil ako sandali para punasan ang luha ko.."Hindi mo alam kung gaano kalaking sakripisyo ang ginawa ko, para lang sa'yo at sa anak mo!" Natulala siya sa sinabi ko..Nagsimula akong maglakad palayo sa kanilang lahat. Narinig kong nagbubulungan ang mga tao't nakatingin sa akin. Pero hindi ko ito pinansin..

Napagpasyahan kong umuwi na. Wala na rin naman kaming mga susunod pang klase. Pagdating ko sa bahay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Nakahiga ako sa kama.

Am I rude for saying those things to Jenny?


Hindi. Pinaglaban mo lang ang sarili mo. At tama naman yung ginawa mo. Dahil totoo naman ang lahat ng sinabi mo.


Hayyy.. Bigla namang pumasok muli sa isip ko si Van.

Mahal mo talaga siya no?


Mahal na mahal. Pero kailangan ko siyang layuan, para wala nang masaktan.


Pero pano ka naman? Hindi mo ba sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo?


Mas gugustuhin ko nang ako na lang ang masaktan. Kaysa sa isang batang walang kasalanan.


Iba ka talaga. Kahit masaktan ka, inuuna mo pa rin ang ibang tao.


Dahil yun ang nararapat gawin. That's the right thing to do.


At nakatulog na ako..

------------------------
Until the next episode,
Av.

11 comments:

  1. Nice update....Gumaganda na yung takbo ng story. More pa..

    Sa laban ng buhay o pag ibig hindi ibig sabihin ng sumuko ka ay dahil wala na halaga,walang kwenta. Dahil mas maraming makikinabang ng higit pa sa sarili mong kaligayahan.Yung bida matured na at his young age. Alam nya kung san siya lulugar. Kudos kay otor.

    Abangan ko yung susunod.

    ReplyDelete
  2. Tamalang ung ganawa mo av goow next part na po sana...

    ReplyDelete
  3. Tamalang ung ganawa mo av goow next part na po sana...

    ReplyDelete
  4. nice one author. bilisan mo ang update ha. hehehehhe

    ReplyDelete
  5. Great episode :D can't wait for the next one!! :D

    ReplyDelete
  6. ganda ng story mo author!
    keep it up!

    ReplyDelete
  7. dont you worry av may dalawa ka pa nmang reserba papa ...
    haha

    pero feeling ko c av tlaga at van ang meant to be

    keep it up!

    ReplyDelete
  8. Read the entire story in one sitting. Ngaun lang kasi ako nagawi ulit dito. And i can say that this is one story na u wouldnt want to miss. Super galing. The best ka Av. Hehehe. :))

    ReplyDelete
  9. Buti nga sayo Jenny!!

    Mas nagiging kaabang-abang ang bawat chapter!!

    Keep up the great job!! :D

    ReplyDelete
  10. ay ayaw magsungit ni Av.. naaliw ako.. aheheheheh.. hmmmm.. Si Van nga kaya ang tatay? In 3 days malalaman na butis? Hmmmmm.. weird

    ReplyDelete
  11. i know right? ang bitter!! lol. masasagot po yang tanong niyo na yan sa episode 9. hehe..thanks po sa pagbasa! :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails