First of all, gusto ko po magpakilala sa inyong lahat. Ako nga po pla si ken. pero using the alias, dark_ken. Im 21 years old and currently po na nasa ibang bansa. First time ko pa lamang po sumulat at gumawa ng kwento sa mga gantong sites kaya po sana pagpasensyahan nyo nalang po muna..
Pangalawa po, gusto ko po pasalamatan si Sir Mike sa pagtanggap nya sa akin dito. Sana po ay ma enjoy nyo rin po ang aking kwento.
Comments would be very much appreciated! :)
Maraming salamat po sa inyo! Enjoy! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
Ako ay nabibilang sa isang simple at conservative na family. Di man lumaki sa karangyaan ay binusog naman ako ng aking pamilya sa pagmamahal. Nung ako ay bata pa lamang, hindi lingid sa aking kaalaman na ako’y kabilang pla sa third sex at isa akong bisexual. Dahil noon ay ginagawa ko rin naman ang karaniwang ginagawa at nilalaro ng mga batang lalaki. At sa panahong yun, wala naman akong napansin na kakaibang atensyon sa mga kapwa lalaki. Naging maayos at maganda naman ang pagpapalaki sa akin ng aking nanay. Sa tulong narin ng aking lola kaya ako ay nakapag aral sa isang magandang exclusive school for boys sa Makati. Ito ay isa sa mga tanyag na paaralan sa Makati. Wala naman akong naging kakaibang experience sa iskwelahang ito. Masaya akong nakapagtapos ng elementarya na may awards at naging vocalist of the year pa dahil na rin sa pagkahilig ko sa musika partikular na sa pagkanta. Pinalad din ako noon dahil pagkatapos ng aking elementarya ay sinubukan kong kumuha ng acceleration test at ako naman ay nakapasa. Ako ay dapat nasa 4th year na pero mas pinili ko munang mag 3rd year dahil gs2 ko maexperience ang buhay high school. Ngunit kinailangan ko muna pumunta sa aking ina na nasa Japan kaya ako ay namalagi doon ng isang taon at nag aral ng junior high school. Sa kasawiang palad, hindi na accredit ang pagaaral ko dun kaya pinasya naming na ituloy ko ang pagaaral bilang 3rd year sa isa sa mga paaralan sa Manila. Dito na rin nagsimula ang kakaibang kabanata ng aking buhay.
“Okay class, we have a new transferee student, si Mr. Jerry Cruz. Mr. Cruz maari ka bang tumayo dito and introduce yourself to your new classmates” wika ni Ms. Reyes. Ako nama’y dali daling tumayo at nagpakilala ng aking sarili.
“Good morning sa inyong lahat, ahm, ako nga pla si Jerry Cruz. Bago lang ako dito, and uh, sana magkakilanlan taung lahat”, agad ko nmn sinabi pagtayo ko sa harapan. Sa unang tingin ay karaniwang high school student ako. Di naman sa pagbubuhat ng bangko ay may angkin din nmn akong kagwapuhan at kakisigan na sinasabi ng aking mga kaibigan. Ako ay moreno at may height na 5’8, medium built ako at ang pinakamapapansin mo daw sakin ay ang aking mga mapupungay na mata na tila inaantok at matubig tubig kaya akala mo’y iiyak.
“You may seat down now Mr. Cruz.”, wika ng aking guro.
Pagbalik ko sa aking kinauupuan ay nagpakilala sakin si Ben Capili. “Pre, ako nga pla si Ben Capili, pero Ben nlng pre.”, sabay abot ng kamay nya. Agad naman ako sumagot skanya na, “Pre, Jerry nlng.”, at akoy nakipag kamay .
Dumaan ang maghapon at ako namay naging walang problema sa aking unang araw sa pagiging highschool. Maswerte nmn akong nagkaroon ng mga kaibigan kaya di naman ako nahirapan mag adjust sa bago kong iskwelahan.
Dumating ang ilang lingo at unti unti n rin akong nasanay sa aking kapaligiran. Mas dumami na ang aking mga kaibigan at nagsisimula na ring lumabas ang natural na pagka kalog at kakulitan. Isang araw, kumakain ako kasama ng aking mga kaibigang lalaki ng nahuli ako ni Art Ventura, isang half-American at half-Filipino na kaklase ko na nakatingin sa isa sa mga babae sa kabilang table. “Pre, may gusto ko dyan kay Grace Dela Cruz noh?!”, nakangising sinabi nito. Sinabi ko nmn agad, “Pre, ang ganda nya noh?”. Tunay akong namangha sa kagandahan ni Grace. Sya ay maputi, mahaba ang buhok, mapula ang labi, at ang bango bango palagi. “hays, sana magustuhan nya ko”, nasabi ko nlng sa sarili. At ako nama’y naging mapalad dahil pagkatapos noon ay nagpakilala ako at nanligaw rin saknya ng ilang bwan na kinahantungan na sya ang naging unag gf ko sa school n un.
Isang araw, papasok ako sa school ng makita ko ang isang lalaki na di ko alam ay bigla akong napatitig sa kanyang mukha. Ng bumalik na ko sa aking ulirat ay napansin kong wala nap la kong oras at magkikita pa nga pla kami ni Grace sa cafeteria bago mag morning assembly. Agad akong tumakbo at nakita ko si Grace na nakangiti sakin. “Haaayysss, kung ganyang ngiti mo ba naman ang makikita ko twing umaga, gaganahan tlga akong pumasok.”, pambati ko sa aking gf na si Grace. “Ano ba, kinikilig ako. Good morning daddy.”, kanya nmng sinagot sabay halik sakin. Kinuha ko ang kanyang gamit at ako na ang nagbitbit hanggang sa matapos ang morning assembly at umakyat sa aming silid. Katabi ni Grace ang mga kaibigang babae, at ako nama’y naupo katabi ng tropang mga lalake. Bago pa pumasok ang teacher naming ay nakita ko si Grace na nakatingin sakin at sinambit ng pabulong ang “I love you Daddy”, na agad ko naming nginitian at sinabing “I love you more”. Ahahaha, di ko namalayan napansin pla ng iba kong kaklase ito at tinukso kami na ang sweet daw namin. Naputol lang ito ng dumating ang aming guro at nagsimula ang klase. Habang nagkaklase ay napansin kong may naka dungaw sa bintana, pamilyar ang mukha ng lalake at muli ay pinagmasdan ko nanaman ang kanyang mukha at nakita ko itong nakatingin sa isa sa mga kaklase kong babae, si Emily Tan. Maganda at maputing babae rin si Emily. Medyo naging close kami dahil kaibigan sya ng gf ko na si Grace. Madalas ay kasama naming si Grace na kumain pag lunch. At dahil dito ay tuluyan na rin kami naging close ni Emily. Sa ngayon ay apat na silang close ko, si Grace, si Emily, si art, at si Ben. Nawala na lamang si Emily samin ng sabihin nitong may boyfriend na ito kaya din a masyado makakasama sa amin.
Naging napakaganda ng aming pagsasama ni Grace ng mga panahong yun. Sa umaga ay nakagawiang magkita kami bago mag morning assembly at bibitbitin ko ang gamit nya hanggang sa classroom. “Perfect! Magandang set up to.. nakakagana mag aral!”, sabi ko sa aking sarili. Dumaan ang ila pang lingo at nagkaroon ng botohan para sa mga officers, gusto sana ako iboto para sa dadating na halalan ngunit ako ay bago pa lamang kaya hindi maari. Ok naman ako sa ganun kasi wala rin sa plano ko tumakbo. Natapos na ang halalan at magkakaroon daw kami ng Victory party para sa mga nanalong kandidato. Bigla akong naexcite, kasi bago sakin ang gantong happenings. Talagang paghahandaan ko to at first time ko. Pagtapos ng klase ay dumirecho kami sa mall ksma ang gf ko at namili kami ng isusoot. Nagdinner sa isang restaurant at hinatid ko na sya sakanila. Kung tutuusin ay halatang excited kami dahil 3 days pa bago ang nasabing party. Tuesday palang ngaun at sa Friday pa gaganapin ito bandang 7 ng gabi. Sa school gym ang venue. Pero bakit ba? Trip namin e.. hahahaha!
Dumaan n nga ang mga araw at tlgang usap usapan samin ang nalalapit na victory party, lahat ay tlgang naghahanda. Kanya kanya kaming idea kng ano nga ba isusuot at saan kami pupunta pagkatapos ng party. Maging kami ni Grace ay nasasabik na.
“Whoooooow! Friday na”, sigaw ng kaklase kong Amerasian na si Art. Half day lang kami noong araw nay un para narin makapag prepare para sa gaganaping party mamaya. Nagmamadali kami at halos hilahin na namin ang oras para maguwian na. Nang matapos ang klase ay tuwang tuwa kami at nagmadaling magsi uwian. Ihahatid ko na dapat si Grace sakanyang bahay sa Paranaque at sabay uuwi sa Makati para makapagbihis, ng bigla nyang sinabi na sya nalang daw ang uuwi mag isa dahil alam nyang magiging nakakapagod ang byahe para sakin. Nagulat ako dahil hindi naman sya ganoon. Usually ay excited xa na ihatid ko syang umuwi, pero sabagay, mas convenient nga naman sakin un dahil kakainin nito ang oras ko at din a ko makakapagpahinga para mamaya. Agad akong umuwi sa aking bahay at dali daling nakatulog. Nagising nlng ako sa alarm ng aking cellphone. Ala singko na at kailangan ko na mag ayos! Excited kong inisip sabay tingin sa cellphone at ang dami kong txt at miscalls galling sa mga kaibigan ko. Tinext ko na rin ang aking gf at sinabing gising na ako. Isa isa kong binasa ang mga txt at ang mga kaibigan ko pla yun, naka ayos na daw sila at mamaya maya ay aalis na. Natawa nlng ako sa nabasa at naisip ko na masyado nmn silang sabik dahil ala singko palang. Agad akong naligo at pagkatapos ay nagbihis, nagayos ng buhok at sinigurado kong gwapong gwapo ako sa gabi n yun. Mga 6:10 ay umalis na ko ng bahay at tinext ko si Grace na paalis na ko. Ngunit di sya nagreply. Hmmmmmm.. Nang malapit na ko sa school ay nagtxt si Grace at sinabi nyang nasa school na daw sya at dun nlng ako hihintayin sa loob. Magrereply sana ako kaso naubos na pla load ko.
Nang makapasok sa school ay agad akong nagparegister at nakita ko ang mga kaibigan kong nagagagandahan at nag gwagwapuhan. Aba, syempre, di ako papatalo. Palakad na ko sa gym ng nasalubong ko ang isang lalaki na pamilyar sa aking mukha. Bigla nanaman akong napatingin sakanya at namangha sa kanyang mas lumabas na kagwapuhan lalo na sa suot nyang puting polo at denim jeans at chucks. Astig! Sabi ko sa sarili ko. Nagulat ako at kasama nya si Emily. Sabi ko sa sarili nab aka sya ung sinasabing bf ni Emily. Bigla ko naalala si Grace at dali dali akong tumakbo papuntang gym at hinanap sya. Pagpasok ko ng gym ay nakita kong kasama nya ang mga kaklase at mga kaibigang babae na naguusap usap. Medyo tumahimik sila ng ako ay dumating. Nginitian ko si Grace na ginantihan nmn nya ng ngiti. “Aba, ang ganda ng girlfriend ko ha.”, agad kong sinabi. Ginantihan naman nya ito ng, “hi kuya, pwd makuha number mo? Ang gwapo mo kasi, bilisan mo, bago dumating boyfriend ko.”, sabay yumakap sya sakin ng mahigpit. Ako’y kinilig pero iba ang naramdaman ko. Nagsimula na ang party na pinangunahan nmn n gaming principal. Maya maya pa’y nagsasayawan n ng buong sigla dahil sa mga tugtugin na tlga naming nakakaindak. Kasama ko ang mga kaibigan kong lalake at si Grace naman ay sa mga babae. Masaya kaming nagsasayawan ng biglang nagpatugtog ng love songs. “Damn! Pagkakataon ko na to para maisayaw si Grace! Agad akong tumakbo at hinanap si Grace ng makita ko sya sa dulo at agad na nilapitan. Akmang yayakapin ko sana sya ng biglang hinila nya ko sa kamay at hinila sa dulo.
“I’m breaking up with you.” Maluha luha nyang sinabi sakin. “ano?”, buong pagkagulat kong tinanong.”I’m so sorry Jerry. Di ko din maintindihan pero ayaw ko na.” magsasalita pa sana ako ng bigla syang tumakbo palayo. Natulala ako at naramdamang namumugto ang aking mga bata dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. Di ko namalayan na naglalakad na pala ako sa labas ng school ng biglang umulan. Nakikisang ayon ang ulan sa aking kalungkutan.
Ilang oras akong naglakad at narrating ko ang bahay naming. Pagtingin ko sa cellphone ko ay ang daming tawag at txt galling sa mga kaibigan ko. Ngunit di ko na ito pinansin dahil na rin sa sobrang lito, sama ng loob, at kalungkutan. Pumasok ako sa aking silid at dun ay ibinuhos ang natitirang luha hanggang sa nakatulugan ko na ito.
Nung sumunod na Monday ay di ako pumasok, Tuesday, Wednesday ay di pa rin. Kinahapunan ng Wednesday ay nagpunta si Ben kasama si Art sa aking bahay. Agad ko silang pinapasok ng bahay pero di ako umiimik. “Pre, nabalitaan namin ung nangyari. Pumasok ka na pre, dami mo na namis sa subject natin. Babae lan yan pre. Ipapakilala nlng kita sa iba. Marami akong kakilala na magaganda! Tsaka, mis ka na namin pre!”, paulit ulit na sinasabi ni Art at ni Ben. Napilit nmn nila ko dahil dun na natulog si Art para siguradong papasok ako kinabukasan.
Nagising ako ng maaga at nangamba kung pano ko papasok na wala na si Grace, wala na kong aabutang ngiti sa umaga, wala ng Grace na magpapasaya sakin. Wala na. Agad ay napaluha nanaman ako.. Napansin ko nlng na may humahaplos sa aking buhok, pagtingin ko ay si Art. “Aga aga iyak! Ano bayan pre! Ngiti ba sa umaga hinahanap mo? Eto oh, magsawa ka! Halik ba? Kiss kita pre, gutso mo?”, agad nyang panunukso pero alam kong gusto lamang nya ko i-comfort. Natuwa naman ako sa kanyang pagpapatawa ng bigla kong napansin na mula sa pagtatawanan ay nakita kong naging seryoso ang mukha nya at nakangiti sakin. “Pasok tau pre, ha”, bglang sabi nya. “Oo na tay”, napapatawa ko pa ring sabi sakanya.
Kahit nga nakapasok na ko ako ay tila walang pumapasok sa utak ko sa mga lesson naming sa klase. Lumilipad ang utak ko at madalas na napapatingin kay Grace. Di rin ako masyado nakakain dahil na rin malungkot pa rin ako. Buti na lang ay nandiyan ang mga kaibigan ko at unti unti akong naka move on. Kalaunan ay nakalimutan ko na ang sa amin ni Grace. Pero isa ang napansin ko. Parang di ko na nakikita ung laging sumisilip kay Emily sa pinto. Samantalang di lang isang beses sa isang araw ko nakikita na gawin nya yun. Ngunit sa mga nakaraang araw ay wala ito at si Emily ay kasabay ko nanaman sa lunch.
Isang araw, pagkauwian ay dumirecho ako ng bahay dahil may deadline kami ng project kinabukasan. Malapit na naman akong matapos ngunit ayaw kong magahol sa oras. Kasalukuyan kong ginagawa ang project ko ng biglang may nagtext. Nagulat ako dahil number lang. Pero mas nagulat ako ng buksan ko ang message at nakalagay.
“Tol, pasensya sa distorbo. Si Philip to..”
(Itutuloy)
sana ginawang white ang hirap basahin
ReplyDeletehaha oo nga mahirap nga sya basahin pero ok naman ang simula ng story...
ReplyDeletedaming puzzles huh..hehe
I like the beginning a lot.....lighthearted piece....i miss reading this kinds of stories....emotions is good...characters are well built....I know this really happened....the sincerity of the piece is there and I LOVE IT
ReplyDelete@Sy: pasensya po, di ko po kasi napansin..
ReplyDelete@jojie: Sana abangan nyo po ang puzzles at twists ng kwento..
@o_0mack^2: bunso, thanks for LOVING IT.. :)
nice intro..maraming characters, at light ang approach.
ReplyDeleteLovin the story. :) Good Job Writer :D
ReplyDelete=SLUSHE_LOVE=