Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Salamat po sa patuloy na sumusuporta sa Now Playing. Maraming salamat po sa mga nagbabasa, nagko-comment, at nabibitin sa kwento ko. Hehehe.
Sa lahat, just enjoy. Ang chapter na ito ay ang 2nd Special Chapter ng Now Playing series (The first one is Now Playing: The Symphony of Sins). This is what the 'Dying Seven' feels after the incident. Oo na, Rapunzel. Hahaha. Just enjoy.
=======
Now Playing: Tears Of The Dying Seven
=======
I. Tears of Meredith
CLYDE
"I said leave me alone!" ang narinig kong sinabi ni Chuck kay Ed. Sinundan ko sila dahil masama ang kutob ko. Basta, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Nakita kong lumapit si Ed kay Chuck na parang walang narinig. At nangyari ang hindi inaasahan.
"Ed!" ang sigaw ko.
"Kuya!" si Cassidy naman.
"No!" ang sigaw ni Aries.
Kinilabutan ako sa eksenang nakita ng dalawang mata ko. Hindi! Wala akong magawa kundi ang sumigaw. Kung mapapatigil nga lang ng pagsigaw ko ang oras ay sisigaw ako hanggang sa mapatid ang bawat litid sa aking leeg. Hindi ko kayang.. Hindi, hindi maaari. Ed..
BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!
"Oh my God!!"
"No, Ed!!"
"Kuya!!"
"Hindi..."
"Ed!!"
Nakapanlulumo. Bakit siya pa? Bakit ang taong pinakamamahal ko pa? Nakita ko ang pagtama ng katawan niya sa harapan ng puting van, at ang pagtilapon niya ng halos dalawang metro sa harap ng van. Nakita ko rin ang pagmantsa ng kanyang dugo sa puting van at sa paligid nito.
"Ed.. Ed! Ed.." ang wala sa sarili kong sinasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos lahat kami ay natulala sa nasaksihan.
"Bakit.. Bakit! Ano'ng ginawa niya sa'yo para gawin mo ito sa kanya? Ha?" ang humahagulgol na sabi ni Cassidy kay Chuck. Nakita ko ang galit at hinagpis sa mukha niya. Sinugod niya si Chuck at walang sabi-sabing pinagsasampal at sinabunutan ang kapatid. Agad namang lumapit si Chad at Erol para awatin ito.
"Ed!" ang biglang pagbalik ko sa katinuan. Kahit kinikilabutan pa rin ako ay lumapit ako sa kanya. Bakit parang hindi siya humihinga? Hindi ito maaari. Maingat kong inangat ang katawan niya para mayakap ko siya.
"Ed! Gising Ed. 'Wag kang ganyan. Ed!" ang sabi ko sa kanya. Itinapat ko ang tainga ko sa kanyang labi. Napakahina ng kanyang paghinga.
"Ed, huminga ka ng maayos. Ed. Please." ang nanghihina kong sabi. Agad namang lumapit si Aries sa amin at pinulsuhan si Edge. Lumapit din si Pat pagkatapos.
"Tulungan n'yo po kami! Nakikiusap kami, tumawag kayo ng ambulansiya o kung ano man!" ang sigaw ni Aries sa mga usisero. Biglang lumapit ang driver ng van sa amin at nagpresintang siya na ang maghahatid sa amin sa ospital. Mabuti at hindi kami tinakasan. Wala akong paki-alam sa mga taong nandito. Gulung-gulo at gulat pa rin ako sa mga nangyari. Sa kabila ng kaliwa't-kanang ingay na naririnig ko, pilit kong pinakinggan at pinakiramdaman ang mahina niyang paghinga. Kahit gusto nila akong tulungan sa pagbuhat kay Ed ay hindi ko sila hinayaan. Gusto kong ako lang ang humawak sa kanya. Walang sinuman ang pwedeng dumikit kay Ed. Wala kundi ako lang.
---
"Doc, kamusta po ang pinsan ko?" ang tanong ni Aries sa doctor pagkalabas nito ng ER.
"Ligtas na ang pasyente. May mga sugat, gasgas, at ilang cracked bones lang siya, but nothing serious. Kailangan lang niyang magpahinga. But we want to observe him more. Tumama ang ulo niya sa kalsada. Isi- CT-scan namin siya to make sure na walang internal hemorrhage. But I'll assure you, he's safe. You can visit him once he's in a private room." ang sabi ng doktor. Tumango lang kami sa kanya at nagpasalamat. Niyakap naman ako ni Aries.
"Magiging ayos din siya." ang bulong ni Aries. Tumango ako sa kanya. Kumalas ako sa yakap niya at saktong dumating sila Cassidy, Mikka, Erol at Chad.
"Ano'ng balita kay kuya? Where is he? Is he okay?" ang sunud-sunod na tanong ni Cassidy sa amin. Hinawakan ko ang balikat niya at sinagot ang tanong niya.
"He's fine, Cass. Ita-transfer lang siya sa private room. He'll be awake soon." ang sabi ko sa kanya. Yumakap naman siya sa akin at pilit ko siyang pinakalma. Nagsisimula na kasi siyang umiyak.
"Hush, Cass. You're kuya's fine now." ang bulong ko.
"I can't believe Chuck could do this." ang mangiyak-ngiyak na sabi niya.
"Where is he?" ang tanong ko ulit.
"He ran away." ang sabi niya. Chuck. Bakit? Ano'ng kasalanan ni Ed sa'yo?
"Nasabi mo na ba ito kila tito at tita?" ang tanong ni Aries kay Cass.
"Oo kuya. Mabuti at nasa Makati sila ngayon, papunta na sila dito." ang sagot ni Cass.
"Tatawagan ko sila Tito Archie at Tita Rina (Villegas)." ang sabi ko.
"Ako nang bahala. Puntahan n'yo na si Ed. Sumama ka na sa kanila, Erol. Ako nang magsasabi kila mama." ang sabi ni Aries.
---
"Hello, handsome." ang bati sa akin ni Meredith. Mabilis ko siyang hinagkan sa labi para hindi makita ng papa niya. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang halikan ang mga labi niya.
"Ikaw ha, makita tayo ni papa." ang natatawang sabi niya, sabay malambing na pinalo ang aking balikat.
"'Di naman niya nakita eh. Kamusta ang Babe ko? Ready ka na?" ang paglalambing ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango sa akin. Inayos ko ang buhok niyang nawala sa pwesto, at tinitigan ko ang kanyang mga mata.
"I love you, Clyde." ang sabi niya sa akin. Tuwing sinasabi niya iyon, pakiramdam ko ay ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
**Saw you walk into the room
Thought I'd try to talk to you
Babe, am I every glad
You wanted me too.
It's been two years to the day
Half the time I've been away
I know I'm not there enough
But that is gonna change
'Cause I'm coming back to show you
That I'm keeping the promise that I made..**
"I love you too, Meredith." ang sagot ko sa kanya. Bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit. Nagtaka naman ako sa inasal niya, ngunit sinuklian ko din ang mga yakap niya.
"Ehem.." ang pagpaparamdam ng papa ni Meredith. Nasa likod lang pala namin siya.
"Hello tito. Lalabas po muna kami ni Edith. Pwede po ba?" ang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa amin.
"Siyempre naman. Basta iu-uwi mo ng maaga ang dalaga ko, ha?" ang sabi ni tito. Ngumiti naman ako at tumango.
"Opo tito. Salamat." ang natutuwa kong sagot sa kanya.
"I love you, papa. Don't worry, papasalubungan ka namin." ang paglalambing ni Edith sa papa niya.
"Oh sure, sweetheart. Just enjoy the night, ok?" ang natutuwa nitong sabi sa anak. Hinalikan niya si Edith sa noo.
"And you, son, drive safely. Ok?" ang bilin ni tito sa akin.
"Yes tito, I will." ang sagot ko naman. Hinawakan ko sa kamay si Edith at sabay kaming lumabas ng bahay nila.
"Clyde.."
"Yes, Babe?" ang tanong ko sa kanya. Lumingon ako, at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Bigla niya akong hinalikan sa labi. Parang walang nakakakita sa amin kung maghalikan kami. Napakamasuyo, punung-puno ng pagmamahal.
**When I'm with you
I'll make every second count
'Cause I miss you, whenever you're not around
When I kiss you
I still got butterflies years from now
I'll make every second count
When I'm with you..**
"Babe-"
"I love you, Clyde. Please, be a good boy, ok?" ang tanong niya sa akin. Bakit ba ganito ang pinagsasabi niya?
"Yes, of course. I'll be a good boy." ang nakangiti kong tugon sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik.
"Tara na?" ang sabi niya. Binigay ko sa kanya ang isang helmet at sinuot ko naman ang isa. Sumakay kami sa motor ko, ang regalong natanggap ko noong 18th birthday ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Sumenyas ako ng 'ok' sign sa kanya, at tumango naman siya. At pinaandar ko na ang motor.
**When I'm with you
I'll make every second count
'Cause I miss you, whenever you're not around
When I kiss you
I still got butterflies years from now
I'll make every second count
When I'm with you..**
Pupunta kami ng mall ngayon. Manonood ng sine, gagala, at kung anu-ano pa. Wala lang. Katatapos lang kasi ng exams week. Kaya siyempre happy-happy naman. Huminto muna kami sa isang crossing kasi kulay pula ang naka-sindi sa stoplight. Lumingon ulit ako sa kanya, at nakita ko ang kanyang mga mata. Para bang masayang-masaya siya. Ini-untog ko ng mahina ang helmet ko sa helmet niya, at ganun pa rin, masaya pa rin ang mga mata niya. Muli itinuon ko ang atensyon ko sa kalsada. Saktong nag-'go' signal na, kaya pinaandar ko na ang motor. Nang nasa gitna na kami ay biglang nangyari ang hindi inaasahan.
BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!!!!!
SSCCCRRRREEEEEEECCCCCHHHH!!!!
BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!!!!!
"Meredith?" ang tanong ko ng makabawi ako. Ano'ng nangyari? Tumingin ako sa paligid. May isang itim na Honda Civic ang wasak ang kaliwang bahagi ng harapan. May ilang sasakyan din ang nagkabungguan, malamang sumubok na umiwas. Nakita ko ang motor ko na.. Hindi maaari. Wasak ang likurang bahagi nito. Likod?
"Meredith?" ang pagtawag ko ulit sa kanya. 'Wag naman sana. Hinanap ko kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakadapa dalawang dipa malapit sa akin. Hindi siya gumagalaw, at nakita kong may umaagos na dugo mula sa kanya.
"Meredith!" ang sigaw ko. Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko mai-galaw ang kaliwang paa ko. Gumapang ako papunta sa kanya, at pilit inabot ang kanyang kanang kamay.
"Meredith? Meredith gising! Edith.. Babe.." ang sabi ko habang patuloy na gumagapang. Hindi pwede ito.. Hinawakan ko ang kamay niya. Kinapa ko ang pulso niya, ngunit..
"Meredith! Gising! Gumising ka!" ang pagmamaka-awa ko sa kanya. Punung-puno ng dugo ang kamay niya, at dahil dito, nabitawan ko ito. Bumagsak ang kamay niya na parang.. Walang buhay..
"Meredith!"
---
Napabalikwas ako bigla. Napanaginipan ko na naman. Bigla akong kinabahan, kaya dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Ed. Nakita ko na mahimbing pa rin siyang natutulog. Hinimas ko ang kanyang kamay, at hinalikan ko siya sa noo.
"Mahal ko, patawarin mo ako. Wala akong nagawa para pigilan ang mga nangyari." ang bulong ko sa kanya. Muli akong umupo sa silya sa tabi ng kama. Natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Minsan nang binawi sa akin ang isang taong mahal ko, kaya labis na pag-aalala ang nararamdaman ko. Si Meredith. Ang anghel ko. Ang tagal bago ko natanggap na wala na siya sa akin. Sinisi ko ang sarili ko ng paulit-ulit, kahit na alam kong wala akong kasalanan. Mahal na mahal ko siya. Pinagawa ko nga ulit ang motor ko para magsilbing ala-ala naming dalawa. Lagi kaming gumagala noon. Kaya lang ay bigla na siyang kinuha sa akin. Pero si Ed.. 'Wag naman sana. Hindi ko kakayanin ang isa pa..
"Ed, magpagaling ka na. Mahal na mahal kita." ang bulong ko ulit sa kanya. Tumayo ako at yumuko.
"I love you, Ed." ang sabi ko, sabay halik sa kanyang tikom na labi.
-------
- When I'm With You, Faber Drive
=======
II. Forbidden Tears
ARIES
"Panginoon, sana po ay dinggin Ninyo ang dalangin ko. Iligtas N'yo po si Edge. Iligtas N'yo po ang taong pinakamamahal ko."
**If I walk, would you run?
If I stop, would you come?
If I say you're the one,
Would you believe me?
If I ask you to stay,
Would you show me the way?
Tell me what to say so you don't leave me
The world is catching up to you..**
Nagpunta ako sa maliit na kapilya sa loob ng ospital. Nanalangin ako ng paulit-ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong nakahandusay si Ed sa daan. Para akong masisiraan ng bait. Ano ba ang naging kasalanan niya para danasin ang ganito? Wala naman siyang ibang nais kundi ang mapalapit sa kapatid niya. Kailangan pa bang humantong sa ganito ang lahat?
**While you're running away to chase your dream,
It's time for us to make a move
'Cause we are asking one another to change,
And maybe I'm not ready..**
Pinunasan ko ang mga luhang gumuhit sa aking pisngi. Kailangang maging matatag ako. Kailangan kong magtiwala sa Kanya. Alam kong ililigtas Niya si Ed.
"Ed.."
Kasabay ng mga luhang ito at paglabas ng tunay kong damdamin. Inaamin ko, mahal ko si Ed. Simula pa noon. Kaya nga sobra-sobra ang pag-aalaga ko sa kanya. Kaya nanlumo ako ng sobra ng makita kong wala na siyang malay. Gusto ko siyang yakapin, pero naunahan ako ni Clyde. Gusto ko siyang buhatin, pero ayaw ni Clyde. Ni hindi ko man lang mahawakan ang kamay niya. Wala akong magawa kundi manatiling kalmado, kahit na nadudurog ang kalooban ko. Ed..
**But I'll try for your love,
I can hide up above
I will try for your love,
We've been hiding enough..**
'I love you, cuz.' ang sabi pa niya sa akin kagabi bago kami natulog. Tuwang-tuwa na ako noon. Hiniling ko na sana magkatabi pa rin kami sa pagtulog, ngunit si Clyde ang katabi niya. Ano ba'ng magagawa ko? Siya ang may karapatan kay Ed.
Mananatili na lamang ba akong nagkukubli sa hamog? Hanggang kailan ko ba ililihim ang lahat ng ito? Alam kong kahit kailan ay hindi maaaring maging kami. Ngunit sana, kahit sa isang saglit, maranasan ko ang mahalin ng isang katulad ni Ed. Si Edge, ang pinakamamahal ko.
"Sana po ay dinggin Ninyo ang aking dalangin."
-------
- Try, Asher Book
=======
III. Tears of a Prince
XANDER
'Hanggang ngayon, hindi pa rin kita malimutan, Ed.'
**I hate the mornings
'Cause I know what they bring
You get up and take a shower in no time, you're leaving
It sound so selfish
But I can't help but think
That you knew how much I needed you,
You'd stay..**
Isang buwan mahigit na nang matanggap ko ang balitang si Edge at si Clyde ang nagkatuluyan. Nagkakilala lang kami ni Clyde nang minsang isinama siya ni Ed sa gala namin. Mabait naman si Clyde. Pero siyempre, nagseselos pa rin ako. Mahal na mahal ko si Ed. Pero kailangan kong mag-move-on. Alam ko kung hanggang saan lang ang mga limitasyon ko.
**I hate goodbyes
I hate these tears in my eyes
I hate myself for the way I feel about you everytime
I've had enough
I'm sick of wishing he was around me
Every day,
Every night,
It's way too much..**
Lumalabas pa rin kami nila Ed. At kahit alam kong hindi na pwede, hindi ko maiwasang tamaan sa kanya. Ang mga galaw niya, kilos at asal ay talagang nakakapagbigay ng maling impresyon. Iisipin mong mahal ka rin niya. Napaka-lambing, sweet, maalalahanin. Hindi siya mahirap ibigin.
**I hate love.. Yeah..
I hate love..**
'Ed, kung ako na lang sana..'
TTIIICCCKKK.
Nagulat ako ng biglang magkalamat ang kopitang iniinuman ko. Nagsimulang tumagas ang wine na nakalagay dito. Kinabahan akong bigla. Bakit kaya? Dinala ko na lang sa lababo ang kopita, itinapon ang laman niyon at itinapon ang kopita sa basurahan. Pinunasan ko rin ang natapong wine. Ano nga kaya ang ibig sabihin n'un? Wala naman sanang masamang nangyari.
-------
- I Hate Love, Claude Kelly
=======
IV. Wishful Tears
PATRICK
Sinilip ko ang kuwartong kinaroroonan ni Edge, ngunit hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa loob.
"I love you, Ed."
Isinara ko ang pinto para bigyan si Clyde ng pribadong sandali kasama si Ed. Talagang mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang bitawan ang kamay nito, ni iwan ito kahit saglit.
**Some try to hand me money,
They don't understand
I'm not broke, I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense
But what else can I do
How can I move on when I'm still in-love with you..**
Napabuntong-hininga ako. Bakit wala akong magawa? Gusto ko ring hagkan si Ed, pero hindi ko magawa. Wala ako sa tamang lugar at pagkakataon para gawin ang gusto ko. Nagpakawala na naman ako ng isang buntong-hininga.
"Ed.."
**'Cause if one day you wake up
And found that you're missing me
And your heart starts to wonder
Where on this earth I could be
Thinking one day you'll come back here
To the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you
On our corner of the street..**
'Mahal kita, Ed.'
Sana ay may magawa man lang ako para pabilisin ang paggaling niya. Hindi ko alam kung paano papaniwalain ang sarili kong ligtas na siya sa panganib. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa mga posibleng mangyari.
**So, I'm not moving, I'm not moving..**
"Ed, gumising ka na, ngumiti ka ulit para sa akin." ang bulong ko sa hangin.
'Mahal kita, Ed. Ngumiti ka ulit para sa akin.'
-------
- The Man Who Can't Be Moved, The Script
=======
V. What His Tears are Made of
EROL
"Kuya Ed.." ang umiiyak kong usal. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Wala akong magawa. Itinakip ko sa aking mukha ang dalawang kamay ko para pigilin ang daloy ng kalungkutan sa aking mga mata. Pero hindi ko nagawa. Wala akong magawa.
**I got your back boy
We were high
We were low
But I promise I will never let you go
Said I got, I got, I got, I got your back, boy
I got, I got, I got, I got your back, boy..**
"Erol.." ang sabi ni Chad. Niyakap niya ako ng mahigpit. At dahil sa ginawa niya ay lalo akong napahagulgol.
"Tahan na. Ligtas na si kuya Edge, ano ka ba." ang masuyong sabi niya habang hinahaplos ako sa likod.
"S-si kuya Ed.."
"Hush, Erol. Tahan na." ang sabi ulit ni Chad.
"'Gagaling si kuya Ed. 'Wag ka nang malungkot." ang sabi ulit niya. Kahit nahihirapan ako, tumango ako habang humihikbi.
**Keep my swagger
Keep it looking good for ya
Keep it looking hood for ya
Shawty if you don't know,
I got, I got, I got, I got your back, boy
I got, I got, I got, I got your back, boy..**
"Kuya Ed.."
"Just pray, Erol. Pray."
-------
- T.I. and Kerry Hilson, Got Your Back
=======
VI. Tears of Guilt and Agony
CHUCK
'I said leave me alone!'
**Got venom dripping from my lips
Know what you're about to kiss
Think that you can handle it
Boy, it's on
Just step into the danger zone..**
Um-order ulit ako ng Martini. Alam kong 17 pa lang ako, at hindi pa dapat pinagsisilbihan sa bar na ito, pero ang negosyo ay negosyo.
**Shake it if you wanna roll, never bend
Just take control, stakes are on
So sick, get a grip, gonna stick to a stick
I don't think that I can stop this
Pick it up, let it drop
When it drops, slip it up
Oh no, I'll never stop..**
'Yeah.. Well, well. Hello, faggot.'
"Hey, nag-iisa ka ba?" ang biglang sabi ng isang lalaki. Hindi ko siya pinansin.
**That bad girl power I got,
I'll abuse it tonight,
'Cause tonight, got poison on my mind.
That power I got, you'll be mine when I stay 'til real late
Got poison on my mind..**
'Bakit, kakampihan mo ang kabaklaan niyan? Go. Magsama kayo.'
"Hey.."
"Piss off." ang pa-angil kong sabi. Itinaas niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko, at tuluyan na siyang umalis. Bumuntong-hininga ako. Ano ba'ng nangyari sa akin kanina? Bakit ko ba nagawa iyon?
**I got that poison (uh huh),
I got that poison (uh huh)
I got that poison, that poison on my mind
I got that poison (uh huh),
I got that poison (uh huh)
I got that poison, that poison on my mind..**
Tumayo na ako at dali-daling nilisan ang bar na iyon. Kahit magkanda-hilo at matalisod ay pinilit kong makalabas sa lugar na iyon.
'I'm a criminal.' ang sabi ko sa sarili ko. Maniwala ka. Hindi ko sinasadya. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon sa kanya, sa kuya ko pa.
'Faggot..'
"I'm not!" ang bigla kong usal. Napatingin sa akin ang bouncer at ang ilang taong nasa labas ng establisyimento. Inalog kong bahagya ang ulo ko. Bakit? Hindi ako katulad niya.
'Faggot..'
"No.." ang mahina kong sagot. Ano ba ito? Epekto ba ito ng nainom ko? Saan ba nanggagaling ang mga boses na iyon?
'Faggot..'
"I said I'm not!" ang malakas kong sabi. Pinilit kong lumakad palayo sa lugar na iyon. Hindi. Hindi ako bakla.
"Jasper.." ang wala sa sarili kong nabanggit. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang malapit na motel. Hindi ko pa kayang magpakita kila Mom at Dad. Sigurado alam na nila ang nangyari.
"Patawarin mo ako kuya. Hindi ko sinasadya.." ang mahina kong usal. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kani-kanina lang ay pinipigilan ng alkohol sa aking sistema. Wala akong pakialam sa drayber na kanina pa nakatingin sa akin. Isang bagay lang ang gusto kong gawin, iyon ay ang humingi ng tawad.
"Patawad, kuya. Patawad."
-------
- Poison, Nicole Scherzinger
=======
VII. Tears of the Reunited Past
WHO AM I?
"May bago na namang pasyente?"
"Uh-huh. Room 315. Road accident." ang sabi ni Froilan sa akin. Kararating ko lang at agad akong pumunta sa Nurse's Station kung saan ako naka-assign. Tinignan ko ang metal chart na nakapatong sa lamesa. At nagulat ako sa nakasulat na pangalan.
Edgar Chase Villegas - Lewis
"Ed?" ang wala sa sarili kong naibulalas.
"Kilala mo ang pasyente?" ang tanong ulit ni Froilan.
"I.. Don't know. Para kasing may kapangalan siya." ang sagot ko sa kanya.
"Buds?" ang nagtatakang tanong ulit niya.
"Yes?" ang balik ko sa kanya.
"Kilala mo." ang sabi niya. Ewan ko. Natatakot ako na maging katotohanan ang iniisip ko. Hindi pwede. 'Wag naman sana si Ed..
"I dunno. Mamaya titignan ko 'pag nag-rounds na ako." ang sabi ko sa kanya.
"Nabunggo 'yang pasyente. Balita ko may tumulak sa kanya kaya nahagip siya ng sasakyan." ang tuloy-tuloy na sabi ni Froilan kahit hindi ko naman tinatanong. Muli tinitigan ko ang nakasulat na pangalan. Kinakabahan talaga ako. Nakikiusap po ako, 'wag naman sana.
---
'Oo nga pala, I think ito ay hindi na para sa akin.'
**Didn't mean to take you for granted
Didn't mean to show I don't care..**
Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. Simula nang matapos ang lahat sa amin ay hindi ko pa rin nagawang hubarin ang singsing. Kasalanan ko kung bakit natuldukan ang relasyon naming dalawa. Mahal na mahal ko siya. Nung panahong iyon..
**Didn't mean to throw away
This once in a lifetime of chance
Being with you..**
'Simula ngayong gabi, wala na tayo.'
Paulit-ulit na naririnig ko ang bawat katagang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko pa rin maalis ang hinagpis na nakita ko sa kanyang mukha. Napakalaki kong tanga. Sinira ko ang lahat sa pamamagitan ng isang makasalanang sandali. Hindi ko napaglabanan ang kasalanang humaplos sa akin.
**And I'll drive for two hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance,
This kismet's a dance..**
'Simula ngayong gabi, wala na tayo.'
At labis kong pinagsisisihan ang ginawa ko.
"Nurse Francis?" ang sabi ng isang lalaki. Lumingon ako mula sa pagkakayuko sa lababo. Si Froilan.
"Siya ba?" ang tanong niya ulit sa akin.
"Sino?" ang tanong ko pabalik.
"You and I both know who am I'm talking about." ang sabi niya. Lumapit siya sa katabing lababo at naghugas ng kamay. Si Froilan. Talagang alam niya ang bawat pangyayari sa buhay ko. Siya ang naging bestfriend ko noong nagre-review ako para sa nursing exam. Alam niya ang lahat ng nangyari sa akin. Madali ko siyang naka-gaanan ng loob. Napakabait niya, kaya ewan ko, basta nag-click agad kami. At alam din niya ang tungkol kay Ed.
"Puntahan mo siya, Francis." ang sabi niya. Lumabas na siya ng washroom at naiwan akong nakatitig sa salamin.
**This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together..**
"Ed.."
Sana ay ayos ka lang.
---
"Clyde, magpahinga ka muna. Eto oh, kain ka muna."
"I'm fine, Aries. Salamat."
"Clyde, sige na. Edge's fine. Kailangan mo ring bumawi ng lakas. Hindi ka pa naghahapunan."
"Thanks."
Ito ang narinig kong usapan ng dalawang lalaki sa kwarto. Room 315. Tinignan ko ulit ang metal chart na hawak ko. Dito nga. Nandito nga siya.
"Alam kong mahal mo si Ed, pero alalahanin mo, mahal ka rin niya. 'Wag mong pabayaan ang sarili mo." ang sabi ulit ng isang lalaki. Teka, parang kaboses ni..
"Salamat Aries. Hindi ko lang mapigil ang mag-alala. Takot na takot talaga ako nung.. Mamamatay ako kapag nawala siya." ang sabi ng isa pang lalaki. Nandito si Aries? Ibig sabihin ay si Ed nga talaga ang nasa loob. Ngunit sino yung isang lalaki. Mahal daw niya si Ed? At mahal din siya ni Ed? Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Pinunasan ko ito gamit ang manggas ng aking uniporme. Si Ed. Kung totoo ang mga narinig ko, talagang wala na akong pag-asa pa sa kanya.
Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pintuan. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at pumasok ako ng nakayuko.
"Sir.."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin ako ni Aries.
"Francis?" ang gulat na sabi nito. Napatingin sa akin ang lalaking nasa tabi ng kama. Hawak nito ang isang kamay ng taong minahal ko ng sobra. At ng taong nagawan ko ng kasalanan.
**Pride no longer has room in me
On bended knees in public
I cry your name
For everyone to know that I love you,
I love you
Please hear me now..**
"Ed.." hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pinagmasdan ko ang anghel ng buhay ko na nahihimbing. May benda ito sa ulo at sa bandang dibdib nito. May ilang mga gasgas din siya sa katawan. Bigla akong nanghina. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang yapusin. Gusto kong halikan ang mga sugat niya para maibsan ang sakit na dulot ng mga iyon sa kanya. Gusto kong haplusin ang kanyang mala-anghel na mukha. At higit sa lahat, gusto kong halikan ang mga labing minsang nagbigay sa akin ng labis na kaligayahan.
**And I'll drive for two hours
To bring Butterfingers
I don't mind the distance,
This kismet's a dance..**
"Sino ka?" ang tanong ng lalaking nakahawak sa kamay ni Ed. Siya pala. Siya ang iniibig ngayon ni Ed. Naramdaman ko ang pagtitig ni Aries sa akin. Pinunasan ko ang aking mga mata, at ipinakilala ang aking sarili.
**This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together..**
"Ako si Micco."
-------
- Kismet, Silent Sanctuary
=======
Now Playing: Tears Of The Dying Seven
Followers
Thursday, February 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
haays nice one.mwuah
ReplyDeletesaan na po karugtong...nakakabitin po, ang ganda po ng storya.
ReplyDeletesaan na po ang kasunod hehehe nababaliw po ako sa kakabasa ng story na toh sna po mapost na ung kasunod tska po thank u sa napakagandang story na naibabahagi ninyo sa lhat.. more power!!
ReplyDeleteWAHH!! paanu naman kung kapatid pala si micco at si clyde ^___^ wala lang,
ReplyDeletepero ang ganda ng story. sana maging tulad din ako ni edge, madaming lalaki at nasasagasaan haha ^^
Ang ganda na ng story pero nasan na ang karugtong? :'(
ReplyDeletekakabitin naman..lol..^_^
ReplyDeletegood job! bro!!
-theo-
next chapter po tnx...
ReplyDeletenasaan na po yung kasunod?
ReplyDeletenabitin kami.
HEHEHE
please do the next chapter of this story.. ^_^
Thanks..
nasaan na po yung kasunod na kwento?
ReplyDeletenabitin po kami.
HEHEHE
please do the next chapter of this story. ^_^
Thanks.
asan na ang karugton ng story, nabaon na ata sa limot
ReplyDeletewala ng update? may nangyari kaya sa author?
ReplyDeleteano nganga na ang kasunod ma chapter? 2014 na... haisst..:
ReplyDeleteWala na yatang kasunod... Mr Writer, pwede po bng painvite sa blog mo baka andun ang kasunod kasi “hindi ako invited to read your blog” ang nakapost kung ioopen ko blog mo... ganda pa naman ng kwento... sayang lang
ReplyDelete