Maraming Salamat po sa mga sumuporta ng Love at its Best simula Book 1 hanggang book 3, ngayon naman po inihahandog ko sa inyo ang Book 4 na medyo... uhmmm "kakaiba" di niyo pa siya masyadong mahahalata sa part 1 pero sa mga susunod na chapter medyo mapapansin niyo na siya.
At para sa lahat naman ng nabitin sa Book 3. Pasensya na, pero hindi talaga sila para sa isa't isa eh. malay niyo sa mga susunod na libro ng LAIB may magbalik galing Book 3.
Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat ng magbabasa at susuporta sa librong ito ng LAIB.
Maraming salamat po kay kuya Mike.
COMMENTS, SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME.
Enjoy! ^_^
_______________________________________
Love at its Best (Book4 Part1)
“Only Exception”
by: Migs
“I'm leaving my rest house in Tagaytay to my son, Paul Andrew Simmons, so that when he needs a breather he could have a place to do it.” Mahabang salaysay ng abogado ng aking ama. Sa kabilang parte ng kwarto ay kitang kita ko ang pagtutol ng aking madrasta.
“What?!” sabi nito. Marahil ay di na niya napigilan at isinaboses na niya kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
“Ma...” pag aalo ng aking half brother sa kaniyang ina.
“Marc, ikaw lang ang lihitimong anak. Sinasabi mo bang hayaan na natin ang bastardong yan na i-enjoy ang rest house sa Tagaytay?!” nanggagalaiting sabi ng aking madrasta. Wala ng nagawa ang aking kapatid. Tumayo ako at palabas na sana ng kwarto nang pigilan ako ng bruha.
“San ka pupunta?!” sigaw nito.
“I've had enough!” naiirita kong sabi. Umakyat ako papunta sa aking kwarto at nagalsa balutan. Nakita ako ng aking kuya at pinigilan ako, lahat ng pinapasok kong gamit sa malaking bag ay siya namang inilalabas nito. Di ko narin napigilan ang sarili kong mapaiyak. Hinila ni Kuya ang aking kamay at niyakap niya ako ng mahigpit. Kumalas ako sa kaniya at bumaba na palabas ng bahay.
Bago pa man ako makalabas ng pinto ay nakorner pa ako ng aking Madrasta.
“Wag ka ng magpapakita dito kahit kailan ah?” matabang na sabi nito sakin.
“Sure. Pero di ko maipapangako na di ako tutungtong dito sa araw ng libing mo!” nangiinis kong sabi sa kaniya, saka tuluyang lumabas ng bakuran.
Wala akong mapupuntahang iba, ni ang mga sasakyan palabas ng Village di nakikipagtulungan mag iisang oras na ako dito sa waiting shed wala parin akong masakyan papuntang Tagaytay. Nagsimula nang dumilim ang paligid, kasabay nito ang malakas na hangin, binuksan ko ang malaki kong bag at naghanap ng jacket.
“Mr. Simmons?” tawag ng isang lalaki, napalingon naman akong bigla.
“I know I've seen that duffle bag somewhere.” turo niya sa malaki kong bag na pinamimigay sa College of Nursing sa skwelahan namin. Ngumiti ito at panandaliang naglaho ang kaniyang naniningkit na mata. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.
“Halika na, sakay ka na. Wala kang masasakyan ngayon.” sigaw nito sakin mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Tumakbo ako papasok ng kaniyang sasakyan saka pinagpag ang mga butil ng tubig sa aking buhok.
“San ka ba kasi pupunta?” tanong sakin ng aking propesor.
“Ok class, see these muscles.” muestra ng aking propesor sa Anatomy 101, pambihira ang isang to, kung ang mga normal na propesor at propesora ay nagsisimula sa “good morning.” ang klase, siya may iba't ibang istilo para makuha ang aming atensyon. Ngayong araw ay pumasok siya na naka topless at tanging slacks lamang ang suot at nag fleflex na animo kasali sa isang bikini contest.
Agad agad na naghiyawan ang aking mga kaklaseng babae at mga kaklaseng bading, maski ang mga lalaki ay napahanga sa ganda ng kaniyang katawan.
“Kakaiba talaga si Sir Jon, di boring sa klase niya.” sabi ng isa ko pang kaklase pagkatapos ng aming klase. Sino nga bang hindi mapapahanga sa kaniya. Gwapo. Cool. Maganda ang katawan. Matalino, halos lahat na nasa kaniya, nang magpakilala siya samin nung unang araw ng klase ay walang humpay ang tawanan ng buong klase. Hindi rin kaila na grumaduate siya ng Physical Therapy na may matataas na marka.
“kung magkakagusto man ako sa isang lalaki, sa kaniya ko pipiliing ma-inlove.” bulong ko sa sarili matapos ang unang araw namin sa kaniyang klase.
Paul Andrew Simmons
BSN 2-B
Anatomy 101
under Sir Jon Frederick Dy
Sulat ko sa aking class card na may halong ngiti.
“May dumi ba ako sa mukha?” nangingiting tanong sakin ng aking propesor. Ngumiti lang ako.
“punta po akong terminal ng bus papuntang Tagaytay.” sagot ko sa nauna niyang tanong.
“Ha? May klase pa bukas ah?” takang tanong nito sakin, di ko naman mapigilang mapaluha.
“Oh bakit?”
“Sir di na po ako papasok.” naiiyak kong sagot. Matagal siyang napatahimik at tumitig sakin. Inabot niya ang aking mukha at pinahid ng kaniyang kamay ang aking mga luha.
“Sama ka muna sakin, Iinom natin yan” napatingin ako sa kaniyang sinabi at napatango na lang bilang pagpayag. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya.
“I'm with my dream guy.” Naibulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa mga mata niya, nagwawala ang puso sa aking dibdib. Pero kitang kita ko din ang lungkot sa mga mata niya. Sinimulan na niyang hawkan ang aking pisngi at palapit na ng palapit ang kanyang mapupulang labi sa aking mga labi. Hindi parin ako magkamayaw sa pagtitig sa kaniyang naniningkit na mata at matangos na ilong. Bago pa man lumapat ang labi niya sa aking mga labi ay napapikit na ako. Sinimulan na niyang tanggalin ang aking suot na puting uniporme habang marahan niya akong hinahalikan. Ramdam ko rin ang lungkot sa kaniyang bawat paghalik.
Ramdam ko ang bawat pagtangis niya sa kanyang mga haplos. Kasabay ng kanyang bawat ulos ay ramdam ko ang kanyang lungkot, ramdam ko sa bawat pagyakap niya ang pangungulila sa taong mahal niya. Lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko, kasabay nito ang malakas na beat na nanggagaling sa iPod na nakainsert sa dock nito.
Natapos kami sa aming ginawang kamunduhan. Walang imikan. Alam namin na ang ginawa namin ay hindi tanggap ng lipunan na ang ginawa namin ay immoral. Ilang beses ko siyang nahuhuling nakatingin sakin, parang may gustong sabihin.
“spit it out, Sir.” nakakaloko kong turan sa aking ginagalang na propesor. Natawa siya, pero kita parin sa mukha niya ang kaba. Alam ko naman na ang ginawa namin ay dala lamang ng bugso ng damdamin at init ng katawan. Niyakap niya ako at bumulong ng pasasalamat. Natawa ako at sabay tawa niya rin.
“Sa susunod may bayad na. Mahal ang talent fee ko.” pagbibiro ko at natawa ulit ito, nagbihis na ako at nagpasyang umuwi na, nalungkot ulit ako.
“may uuwian pa ba ako?” dikta ng isipan ko. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng lalaking kaniig ko lang kanina.
“everything happens for a reason.” makahulugan niyang bulong, habang mahigpit paring nakayakap sakin.
“you're so mellow dramatic.” pagbibiro ko at napatawa naman siya. Ihahatid na sana niya ako palabas ng apartment niya, balak ko sanang magbiro pa ulit nang makita ko ang gulat na rumehistro sa kaniyang mukha.
“So how was it?” isang boses na galing sa lugar na tinitignan ng aking propesor, nagulat ako, di ko inaakalang may ibang tao pa pala sa apartment na yun. Bigla nanaman akong kinabog ng husto. Napatingin ako sa kaniyang tinitignan at may naaninag akong isang lalaki na nakaupo sa high stool at umiinom ng beer.
“that was classic Jon, having sex with someone I don't know in MY house and in MY bed and while MY ipod is playing... classic...” mahinahon na sabi nung lalaki na nakaupo sa may high stool. Sa kabila ng kalmado nitong pagsasalita ay nararamdaman ko ang galit sa bawat salita nito. Bigla akong tinamaan ng pagkahiya at naguilty ako bigla. Mahinahon itong tumayo at naglakad papuntang pinto, bago pa man ito lumabas ng tuluyan ay nahabol ito ng aking propesor at nahawakan pa sa braso, para silang magsyota na nagkaroon ng tampuhan. Dun ko na realize na baka nga magsyota sila. Kinalas ng lalaki ang kamay ng aking propesor sa kaniyang braso at mahinahong nagsalita.
“gusto ko wala ka na dito pagbalik ko, Jon.” mahinahon nitong sabi. Saka tuluyang naglakad palayo.
0000oooo00000
“San ka ba galing Pol?” mahinahong tanong sakin ng aking half brother. Di ko na siya sinagot at pinagtuunan pa ng pansin, pinagpatuloy ko lang ang pagtitig ko sa labas ng bintana ng sasakyan niya. Naabutan niya ako sa labas ng apartment ng aking propesor, nakatulala, hindi makapaniwala sa posibilidad na nakasira ako ng isang relasyon.
“Kamamatay lang ni Daddy. Hindi mo ba balak umu...” panimula niya.
“Your mother said it clearly, she doesn't want to see my face again.”
“Ganun lang talaga yun...”
“nung andyan pa si Dad, tiniis ko. Pero ngayon, ibang usapan na.”
“san ka na ngayon niyan?” tanung ni kuya sakin.
“di ko alam.”
“Wag kang magalala, may naisip akong paraan. Tutulungan kita.”
“Kiko!” sigaw ng kuya ko, di ko parin sigurado kung bakit niya ako dinala dito. Lumapit sa kaniya ang lalaking nagngangalang Kiko, di ko mapigilang humanga dito, gwapo ang isang to pang model ang dating.
“bakit di mo sinabing pupunta ka dito Makoy!” sigaw nito at gumalaw na kala mo kitikiti.
“nakupo, gwapo nga kung kumilos naman... total TO!” sigaw ng isip ko.
“May hihingin sana akong pabor sayo eh.” sabi ni Kuya, sabay tingin sakin. Kumunot naman ang noo ni Kiko at naningkit ang mata sa hinala. Lumayo muna ako sa dalawa at hinayaan silang magusap.
0000oooo0000
“Isa lang naman ang patakaran ko dito. Ang akin ay akin. Yun lang.” nananakot na sabi sakin ni Kiko. Tinignan ko si kuya na may halong kaba. Ngumiti naman ito sakin na kala mo naniniguro na umaayon sa aming lahat ang kaniyang plano.
“saka isa pa pala. Kung maguuwi ka ng babae...”
“ahem!” singit ni kuya, sabay tingin sakin at kumindat.
“oh kung ano pa ang gusto mong i-uwi dito, basta siguraduhin mo na hindi iyon magnanakaw.” sabi ni Kiko, napanganga naman ako sa sinabi niyang yun. Hinila ko si kuya palabas ng bahay.
“sinabi mo?!” sabay haklit sa batok ni kuya.
“Arekup! Eh ano naman kung malaman niya?!” sabay ngiti ni kuya na nakadedemonyo.
“sira ulo ka talaga!” pagmamaktol ko, di naman nakatakas sa paningin ko na sumisilip si kiko sa may bintana. At humahagikgik na kala mo loko.
0000oooo0000
Bigla akong napadilat ng maramdamang parang may nakapatong na tabla sa aking dibdib. Maingay ang paligid, akala mo may generator na pinapaandar sa tabi ko, tumingin ako sa aking kaliwa at nakita duon ang pinagmumulan ng ingay. Dinakma ko ang mukha ni Kiko at tinulak siya palayo sa akin.
Kung hindi lang namatay si Daddy di ko kailangang magtiis ng ganito. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa pagkakahiga. Nagtungo ako sa may banyo at naghilamos, kinuwa ko ang aking iPod at nagpunta na sa kusina, nagtimpla ako ng kape para sa dalwang tao. Lumabas ako sa may bakuran ng bahay ni Kiko at sinamsam ang sariwang hangin. Kitang kita mula dito ang Taal volcano. Sinimulan kong magstretching para masimulan na ang pag ja-jogging.
May narinig akong kumaluskos sa aking likod, bigla akong napaharap at tinanggal muna ang aking earphones. Mukhang engot lang si Kiko, may mga bahid pa ng panis na laway ang palibot ng bibig nito, naniningkit pa ang mata at tirik tirik pa ang buhok nito, katunayan na kababangon lang nito sa higaan. Agad kong inabot dito ang isa pang tasa ng kape. Nanlaki naman ang mata nito sa gulat at ngumiti ng nakakaloko.
“ano nanaman kaya ang iniisip nitong mokong nato?!” isip isip ko. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa stretching.
“wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” agad naman akong napatigil sa sinabi niyang yun at nagulat. Humagikgik si kumag sa likod ko na parang tanga.
“Typical Homophobe asshole!” bulong ko.
“thank you.” sarkastikong sabi nito. Sinimulan ko ng lumabas para makapag jogging papuntang palace in the sky ng pigilan ako nito.
“Teka. Sasama ako sayo.” inikot ko na lang ang mata ko bilang protesta.
“What?! Binilin ka ng kuya mo sakin!” pagdedepensa nito sakin.
“di mo ba aayusin ang sarili mo bago ka magdidisplay sa labas?” tanong ko dito nang makitang ganun parin ang itsura niya, may tuyong laway parin sa pisngi nito at tayo tayo parin ang buhok nito.
“bakit?! Ok lang naman ang itsura ko ah! Di ka ba naaakit sakin?” sabay pose na parang si Johnny Bravo.
“Total homophobe arse and a mind of a five year old. Great!” bulong ko nanaman sa sarili ko.
0000oooo0000
Pinagtitinginan kami ng mga tao, panong hindi, naka boxers lang si kolokoy at sando samantalang ako ay naka jogging pants at t-shirt. Nakarating kami sa paanan ng burol papunta sa palace in the sky, hingal kabayo si Mokong na tumabi sakin.
“Ano?! kaya mo pa ba ha?! Ha?!” mayabang na tanong sakin ni Kiko.
“Baka ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Hingal kabayo ka na nga oh!” nginitian lang ako ng nakakaloko ni Kiko.
“gusto mo paunahan pa tayong makaakyat diyan oh?!” turo niya sa tuktok kung asan ang people's park. Napailing na lang ako sa yabang ni Mokong. Ngumiti itong nakakaloko sakin bilang panghahamon. Bigla kong nakita sa kaniya ang aking idol, ang aking inspirasyon, ang aking propesor, si Jon Frederick Dy.
“Arekup... Putang!...” sigaw ko sabay biglang tingala, ginising ako ng isang bagay na tumama sa bunbunan ko.
“C'mon sleepy head! I thought were going to race this mother fucking hill!?” sigaw ni Kiko sa may gitna ng burol na tinatakbo namin, aktong babatuhin pa ulit ako nito ng orange mula sa tindahan nang biglang sumulpot ang tindera mula sa likod ng tindahan na may hawak na walis tambo at hinahabol si Kiko. Napahagikgik ako sa tagpong yun.
“Paano ko naiisip na may pagkakahalintulad si Sir Jon atsaka ang kolokoy na ito? Isip grade 2 ang isang to.” bulong ko sa sarili ko habang matamang tinitignan si Kiko na tumatakbo habolhabol ng tindera. Napatawa ulit ako.
Naabutan ko si kolokoy na nagtatago sa likod ng isang puno, nadaanan ko ang tinderang humahabol dito, siguro ng hindi makita si Kiko ay nagpasya na lang bumaba ng burol at bumalik sa tindahan niya.
“Arekup...!” naibulalas ni kumag ng batukan ko siya.
“mas masakit yung binato mo saking orange!” sabi ko sabay amba pa ng isang batok. Kinuwa niya ang kamay kong nakaamba at inilagay niya sa may dibdib niya.
“Mukha ka kasing nananaginip. Ako ba ang pinagpapantasyahan mo?” sabay nguso ni kumag at nananakot na hahalikan ako. Tinulak ko ang mukha nitong nakanguso gamit ang aking palad. Ngumiti naman itong nakakaloko.
“Ibang iba talaga sila. Si Sir Jon pino kumilos, ang isang to? Kilos kitikiti!” bulong ko sa sarili ko. sabay iling.
Biglang may lumipad na kulay orange malapit sa ulo ko. nakita ko si Kiko na may inilalabas pa na orange sa kaniyang boxers, lahat ng nadaan na nakakakita sa kaniyang pagdukot sa loob ng boxer shorts niya ay either naeeskandalo o natatawa.
“pumuslit papala ng ilang prutas si kumag.” isip isip ko at tumawa sabay iling.
0000oooo0000
“Sa susunod kung magrereklamo ka lang ng magrereklamo tungkol sa pagjo-jogging ko mas mabuting wag ka na lang sumama!” pagmamaktol ko kay kolokoy matapos magreklamo ito sa pagod na naranasan niya sa pagsama sakin.
“Di ko naman gusto yon! Kung hindi lang dahil sa kuya mo eh!” matabang na sabi nito sakin. Saka pumasok ng banyo at naligo. Iika ika itong pumasok sa kwarto nang matapos na sa pagligo.
“Mamyang alas diyes pumunta ka sa coffee shop na ito.” sabi ni Kiko sabay bato ng binayuot brochure sakin. Sapul sa ulo.
“bakit?” matabang kong tanong dito.
“Dyan ka magtatarbaho.” turo niya sa brochure. Napagusapan na namin ni kuya yoon, siya ang magpapaaral sakin, di niya sasabihin sa Nanay niya, pero ang baon ko, dapat ako ang humanap ng paraan. Napabuntong hininga ako.
“Bukas din mag eenroll ka sa State U dyan malapit.” bumuntong hininga ulit ako sa sinabi niyang yun.
“Reklamo?!” sigaw ni Kiko sabay pandidilat sakin.
“May magagawa pa ba ako?” bulong ko.
“good.” nagulat naman ako dahil narining pa pala niya iyon.
“a homophobe asshole, a mind of a 5 year old and has the ear of a bat. Great!” bulong ko nanaman sa sarili ko pagkalabas ni Kiko sa front door.
Itutuloy...
cya pala ang dahilan kung bakit ngkalamat ang relasyon ni jon at migz pero galit pa din ako kay jon tama bang sa bahay ni migz dalin sa kama pa nito with matching music pa ang gago....
ReplyDelete"LHG"