Followers

Friday, February 4, 2011

Task Force Enigma : Rovi Yuno 23

Photobucket

Para kay Russel na naka-chat ko kagabi. I had fun my dear. :)

Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

Enjoy...

Chapter 23

“Napapagod na ako Rovi.”
Iyon ang mga huling salitang narinig ni Rovi sa mga labi ni Bobby bago nito sakupin ang kanyang bibig. Hindi niya maipaliwanag pero the moment na naglapat ang mga labi nila ay nagsimulang mawala ang kanyang control ng tuluyan.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na tinutugon ng kaparehong init at pusok ang bawat pananalakay na ginagawa ng malikot na dila ni Bobby.

Marubdob. Mainit. Nakakapangilabot ang bawat galaw nito. Nakakapangilabot pero sa napaka-senswal na paraan. Naghuhumiyaw ang apoy na gusting tumupok sa kanilang dalawa. Sumisirit sa kani-kanilang kalamnan.

“Bobby…” anas niya sa mga labi nito.

Ungol lang ang isinukli sa kanya ng kahalikan. Mas pinalalm nito ang halik. Naging mas mapaghanap. Napakapit siya ng husto sa batok nito. Naliliyo siyang hindi malaman.

Naglakbay ang kamay ni Bobby sa kanyang likuran. Ganoon din siya. Halos may iisang isip ang kanilang mga kamay na pinagpapala ang katawan nilang nababalutan pa ng kanilang mga kasuotan.

Dinama nito ang kanyang pang-upo dahilan para mapasinghap siya ng bahagya. As if on cue, mariing hinigop ni Bobby ang kanyang dila upang dalhin siya sa kaibuturan ng kaligayahan. Ang akala niya ay namatay na siya at ipinadala na sa langit. Hindi pa pala.

Hindi pa siya patay. Dahil ang kahandaan ni Bobby ay damang-dama niyang nakadiin sa kanyang sariling pag-aari. Mas lalong nag-init ang kanyang pakiramdam sa pagkaalala ng kung paano niyang nilasap ang kasarapan nun. Muli, ang akala niya ay namatay na siya. Ngunit hindi pa rin pala.

Ilang minuto ring nagpalitan sila ng maaalab na halik. Halos huminga na sila sa hangin na ibinubugha ng isa’t-isa. Nilalasap ang nakakalulang damdamin na unti-unting gumugupo sa malinaw na pag-iisip nilang dalawa. Ang masarap na pakiramdaman na iyon ay mas hahaba pa sana kung hindi lang napigil iyon ng pagtunog ng cellphone.

Cellphone?

Walang cellphone si Bobby.

So? Kanino iyon?

Sa iyo loka!

Mabilis siyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap ni Bobby. Inangat niya ang aparato at itinapat sa tainga. Hindi na nag-abala pang alamin kung sino ang nasa kabilang linya sa pamamagitan ng pagtingin sa screen.

“Y-yuno. Sino I-ito?” humihingal pa niyang tanong.

“Uy, mukhang nag-e-enjoy ka nga.”

Si Rick.

Ang hayup. Paano nito nalaman na nag-e-enjoy nga siya?

Si Jerick.

Automatic na napatingin siya sa bintana ng silid na katapat lang halos nila. Kumaway sa kanya ang talipandas na Sarhento.

“Putsa pare. Bakit ka napatawag?”

Narinig muna niya ang impit na hagikgik sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Hindi kailanman tumawa si Rick sa mga bagay na mababaw para dito kaya naman nagtataka siya ng husto. Nakatanga naman sa kanya si Bobby.

“Naka-conference ba tayo?” tanong niya.

Natawa na ng tuluyan si Jerick kaya naman nakumpirma na ang kanyang hinala.

“Sorry ‘tol. Hindi ko natiis na hindi ikwento agad eh.” Hinging paumanhin kunwari ni Jerick sa kanya.

“Ano pang magagawa ko?” he replied sarcastically.

“At least. Gumagana pa ang utak mo ng maayos. Alam mong naka-tap ka. Congratulations.” Ani Rick.

“Thank you, ha.” He said mockingly.

“Anyway. I-mi-meet natin ang kumpareng tunay niyang sinisintang purorot mo. Kung tama ang mga sapantaha nating may kinalaman siya ay siguradong pagpa-planuhan nila ang gagawin nating pakikipagkita.” Pagpapatuloy ni Lieutenant Colonel Tolentino.

“So anong gagawin natin?” Pasimple niyang tinapunan ng tingin si Bobby na nakatingin pa rin sa kanya.

“Ano pa? Eh di magpapanggap tayong walang alam pero papalibutan na natin sila. Isang malakihang entrapment na nangangailangan ng acting skills ninyo. Kaya ba?”
“Iyon lang ba? Yakang-yaka iyan ni Yuno.” Nang-aasar na sabi ni Jerick.

“Sabi nga ni Salmorin. Malaki ang tiwala sa akin niyan eh.” Pagsakay niya ditto.

“Kung ganoon ay magkita-kita tayo bukas sa bar na katapat ng club ni Gyul Ho. Doon ang meeting place na sinasabi ni Monday. Kunwari hindi natin alam na natunugan na natin ang plano niya. Siguradong nasa paligid lang ang mga tauhan ng Koreanong gunggong na iyan.” Mahabang bilin ni Rick.

“Huwag kayong mag-alala. Kaya ko pang umarte. Nasa dugo ko ang pagiging taartits.” Biro niya.

“Siguro, dapat mo ng sabihin kay Bobby ang plano. Siya kasi ang ipapain natin sa entrapment bukas.”

Napatingin siya sa binata. Nakaupo na ito ngayon sa kawayang papag. Nakatitig lang sa kanya. Mataman. Ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito ay hindi niya mabigyan ng pangalan.

“Okay. Ako ng bahala diyan Rick.”

“Siguraduhin mo. Matatapos na lang itong istorya mo eh hindi man lang natin makuhang makadaupang-palad ang tinamaan ng magaling na koreanong iyan.”

“Oo na. Alam ko na ang gagawin ko.”

“Sige na.” Pagpapaalam ni Rick. Nawala na rin sa bintana si Jerick.

Binalingan niya si Bobby. Alumpihit siyang lumapit dito.

“Anong pinag-usapan ninyo?” tanong nito.

“Si Monday.”

Bahagya itong nagitla. “Anong tungkol sa kanya?”

“Makikipagkita tayo sa kanya bukas.”

“Tayo?” takang tanong nito.

“Oo. Tayo.”

“Sinu-sino?”

“Ang buong grupo.”

“Ayokong masaktan si Monday, Rovi.”

Tinitigan niya ito.

“Muntikan na kayong mapahamak ng dahil sa kanya. Huwag mong kakalimutan iyan Bobby.”

“Alam ko.” Nakipagtitigan ito sa kanya.

“Kung ganoon ay bakit mo pa hinihiling na huwag sana siyang masaktan?”

“Dahil hindi siya magkakaganoon kung hindi nadamay ang pamilya niya. Nang dahil sa akin, nadamay ang misis at anak niya. Naintindihan mo ba? Wala siyang kinalaman ditto. Tulad ko, biktima lang din siya.”

“Maaari nga.” Aniya sa kawalan ng masasabi.

“Mangako ka Rovi. Gawan mo ng paraan na hindi madamay ang pamilya ni Monday.”

Paano niyang tatanggihan ang matinding pakiusap na nasa mga mata ni Bobby? Parang gusto niyang sabihin na magiging ayos lang ang lahat. Na walang madadamay. Patay na! Nalintikan na! Iba na ang tono ng kanta niya.

“Rovi?” pukaw nito sa kanya.

“O-okay.”

“Salamat Rovi.”

Napangiti siya. Ibang klaseng saya ang nararamdaman niyang saya ng sandaling iyon. Nakita niya kasi na sa pamamagitan ng pagsabi niya ng “okay” ay nagliwanag ang buong mukha ni Bobby. Na para bang ibinigay niya rito ang buong mundo para paglaruan nito. Na para bang isang napakalaking bagay na agad ang natupad niya sa mga bagay na hinihiling nito sa buhay.

Hell be damned!

Gustong-gusto niya ang hitsurang iyon ni Bobby. At mamamatay muna siya bago mawala ang kasiyahang iyon.

“Walang anuman.”

Humiga ito sa papag. Nakaunan ang ulo sa mga braso. Bahagyang naka-expose sa mga mata niya ang flat na tiyan nito. Giving his eyes access to a very wonderful view. He summoned an enormous effort of self-control just so he could stop his own hands from grabbing Bobby’s fly.
Napalunok siya ng husto. Pwersahan niyang inilipat ang mata sa mukha ni Bobby para lamang madismaya ng makitang nakangisi ito sa kanya. Again, he summoned all the self-control he could muster to stop his fist from hitting Bobby’s lips curved in a mocking grin.

Naningkit ang mata niyang ipinatama ang nakakuyom na kamao sa tiyan nito. Napa-uklo ito sa sakit.

“Argh!”

Nataranta naman siya ng mamilipit ito at tumagilid paharap sa kanya. Nakita niyang namula ang leeg nito at nagmukhang pinangangapusan ng hininga.

“B-bobby!”

“Aaahhh.”

“Bo-bobby… Sorry!”

Hindi niya malaman ang gagawin para mapayapa ang nararamdaman nito kaya naman hindi niya napansin ang pag-ikot ng mga kamay nito sa kanyang baywang. Nahigit niya ang paghinga ng maramdaman ang pagtumba sa papag at ang agarang pagkubabaw sa kanya ni Bobby.

Akmang pipiglas siya ng takpan ng bibig nito ang kanyang labi. As if by doing that, mababawi nito ang hiningang naiwala kanina dahil sa pagkakasuntok niya rito.

Naglaro ang mga dila nito sa loob ng labi niya. Nakipag-eskrimahan.

Nakipag-tagisan ng galing sa pagpapaligaya.

Nagpapaikot-ikot na parang tsubibo.

At para siyag hinuhulog sa napakalalim na bangin.

Walang katapusan.

Walang hanggan.

Para siyang anghel na ipinapatapon pabalik sa langit.

Sa piling ng Diyos.

“Mahabaging Diyos!”

Ang tinig ng Tiya Edna ni Bobby na nagpagulantang sa kanilang dalawa. Sa gulat ay napabalikwas siya at tumilapon sa lupa ang binata.

Patay!

Bakit ba tuwing may eksena sila ay palaging may umeeksena? Worst, ang tiya pa nito.

“Bobby?!” gilalas ng matandang babae na tutop ang dibdib.

“Ti-tiyang?” nanlalaki ang matang sabi ng binata. Hindi inalintana kung tumalsik lang siya sa lupa.

“Anong ginagawa ni-ninyo ni Sa-sarhento?”

“Ah… eh…”

“Hesusmaryahosep.”

“Tiyang… Magpapaliwanang ako.”

“Huwag na Bobby. Huwag mong maliitin ang kakayahan kong intindihin ang pangyayari. Mag-usap tayo mamaya.”

Iyon lang at nagmamadaling tumalilis paloob ang matandang babae. Naiwan silang dalawa ng pamangkin nito na ngayon ay tutop ang noo at waring ang laki ng problema.

“Okay lang yan.” Aniya rito.

Tumingin ito sa kanya.

“Paano mong nagagawa iyan?”

“Ang alin?”

“Ah... ang maging kalmante sa mga bagay-bagay.”

“Iyon ba?”

“Oo.”

“Madali lang.”

“Paano.” Eager na sabi ni Bobby.

“Eleventh Commandment. Don’t take yourself too seriously.”

Napatanga ito.

Oo nga pala. Hindi ito masyadong nakakaintindi ng ingles.

“Ah… Ikalabing isang utos…”

“Huwag mong seryosohin ang sarili mo.” Maagap na putol nito sa kanya.

“O-oo.”

“Masyado mo akong minamaliit Rovi.” Nagtatampong saad nito.

Nalukot ang mukha niya sa isang ngiwi.

“Pasensiya na.”

“Nakakatampo ka na.”

“Sorry na nga.”

“Talung-talo na nga ako sa’yo eh.”

“Ha?”

“Hindi mo ba alam?”

“Ang alin?” takang tanong niya talaga.

“Astig ka na. Ang lakas-lakas mo pa. Wala nga akong laban sa’yo eh. Hinahanap-hanap pa kita. Tapos inaapi mo pa ako. Hindi pa nga tayo, battered boyfriend na agad ako sa’yo.”

Battered Boyfriend?

Ano daw?

Ang laki ng ulo mo ‘te.

“B-battered b-boyfriend?”

“Bakit ayaw mo?”

“Huh?”

He was dumbfounded. Hindi niya inakalang maririnig niya ang mga katagang iyon kay Bobby. Ang alam lang niya ay gusto siya nito. Pero ang iprisinta nitoa ng sariling maging boyfriend ay…

Kalokohan? Anang isip niya.

Kaipokritohan. Sabi ng isa.

“Ayaw mo ba?” alanganing tanong nito.

Napatitig siya ditto. Sino ba ang aayaw sa katulad ni Bobby? Baliw na lang siguro. At iyon siya.

“B-bobby…”

“Ako nga po. Bakit po?” Pa-cute na sabi nito.

“Anong pinagsasasabi mo?”

“Sigurado ako sa sinasabi ko Rovi. Wala ng maraming tanong. Hindi naman ako naniniwalang hindi mo naintindihan iyon eh.”

Natameme siya.

Oo nga naman. Umaarte lang siya ng hindi tama.

Umarte ng naaayon sa ganda. Sabi ng malditong bahagi ng isip niya.

“Okay.”

“Sure ka?” diskumpiyadong sabi ni Bobby.

“Gusto mong bawiin ko?”

“Ay hindi. Okay na kung okay na sa iyo.” Nakangising sabi nito.

“Good.”

“Yes!” sigaw nito na ikinagulat niya. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.

“Hoy! Bakit ka sumisigaw diyan?”

Natatawang inalis nito ang kamay niya.

“Eh tayo na di ba?”

Napaangat ang kilay niya.

“Di ba? Tayo na? Iyon ang pagkakaintindi ko sa okay mo eh.” May kalakasang sabi nito.

Pinandilatan niya ito ng mata.

“Sorry.”

He kept silent. Pero hindi maikakailang kinikilig siya. Gusto niyang sumigaw ng “Yes! Finally! May boyfriend na ulit ako!” But he kept his calm.

“Tayo na di ba?”

“Unli?”

“He he, Oo.” Ngisi nito.

“Huwag kang maingay. Baka mamaya idaldal mo agad.”

“Bakit? Dapat ba ilihim natin ito?”

He didn’t expected that. Napatanga tuloy siya ditto. Isang smack ang mabilis na iginawad nito sa kanya. He felt his cheeks colored.

“Uy! Nagba-blush ka.”

“Sira ka talaga.” He can’t help but smile coyly.

“Marunong ka palang mag-blush Sarhento?”

“Malamang. Tao ako hindi lumot.”

“Bakit? May nagsabi bang mukha kang lumot?” inosenteng tanong ni Bobby.

Napailing siya.

“Hay! Slow!”

“Hoy! Nakakasakit ka na ng damdamin ah.”

“Sorry.” Nagpeace sign pa siya kunwari.

“Okay lang. At least, kahit ganito ako, ang importante, kinikilig ka sa akin. Di ba?”

Hindi na siya nagkumento at ngumiti na lang. Tama naman ito eh.

“Paano pala ang tiyahin mo?”

Hindi ito umimik.

“Kita mo to. Ang lakas ng loob na magsalita na hindi ito dapat ilihim tapos takot naman palang malaman ng tiya niya.”

Tumitig ito sa kanya.

“May sinabi ba akong ganyan?”

“Sabi ko nga wala.”

“Susme. Iniisip ko lang kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi siya mabibigla.”

“Goodluck.”

“Sige na nga. Halika sa loob.”

“Ha?”

“Ipapaalam na natin sa Tiya Edna na tayo ay may unawaan na.”

“Balagtas ikaw ba iyan?”

Natatawang tumayo ito at hinila siya sa kamay. “Tara na.”

Napailing siya. “Here goes nothing.”


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails