By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------------
Naniniwala ka ba soulmate?
Naitanong mo na ba sa sarili kung bakit may pagkakataon na bagamat first time mo pang nakita ang isang tao ay mistulang kumukulo na ang iyong dugo sa kanya, o reversely, sa unang pagkakita mo pa lang sa isang tao o sa una palang ninyong pagtagpo ay parang matagal na kayong magkakilala? Kabisadong-kabisado mo na ang mga kilos at galaw niya, ang gusto niya...?
Naitanong mo na ba sa sarili kung bakit takot ka sa isang bagay (na hindi mo naman mahanapan ng paliwanag kung bakit) kagaya ng dugo, matataas na lugar, sarado at makipot na kuwarto, scorpion, ahas, daga, madilim na paligid, etc?”
Naranasan mo na bang makapunta sa isang lugar sa unang pagkakataon at sa pagtapak pa lang ng iyong mga paa, may naramdaman kang familiarity at nagtatanong ka sa sariling, “parang napuntahan ko na ang lugar na ito...? O kaya ay, "parang nakapasok na ako sa bahay na ito..." o kaya ay, "parang kilala ko ang mga tao dito..." O kaya ay bigla na lang tatayo ang iyong mga balahibo, matakot, o mapaiyak ka sa di malamang dahilan.
Deja vu?
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit nagkakaroon ka ng interes sa partikular na lugar o mga tao, o sa mga bagay na naiiba o may kuneksyon sa partikular na grupo o sibilisasyon ng mga tao?
Naitanong mo na ba sa sarili kung bakit may ganoon kang hilig? O talento?
Naitanong mo na ba kung bakit isa kang bisexual, tomboy, o bakla?
Ah... Sadyang napakatalinghaga ng buhay. Hindi natin alam kung saan ba talaga tayo nanggaling, saan patungo, at kung paano nabuo ang mga kuwento ng buhay at pag-ibig sa gitna nito.
Sabi nga ni Victor Hugo, "The tomb is not a blind alley; it is a thoroughfare. It closes on the twilight. It opens on the dawn."
Hindi ko alam ang tunay na kasagutan ngunit sa susunod kong kuwento ay mapaisip kayo, o magsimulang maghanap ng mga kasagutan sa mga tanong na nasabi.
Samahan po ninyo ako sa susunod kong paglalakbay sa mundo ng aking malikot na imahinasyon; sa isang kuwento tungkol sa pag-ibig, at sa siklo ng buhay at kamatayan...
“Kahit Maka-ilang buhay Pa…” malapit na po... Abangan!
-Mikejuha-
Followers
Thursday, February 10, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment