Maraming salamat din kay Kuya Mike.
Enjoy!
COMMENTS, SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME
___________________________________
Love at its Best (Book4 Part2)
"Only Exception"
by: Migs
Nakatayo ako sa labas ng isang opisina sa loob ng isang coffee shop. Di ako makapasok agad dahil mukhang abala pa ang taong dapat kong kausapin sa loob nito. Sinong hindi magaalangang pumasok eh rinig na rinig naman talaga ang sigawan sa loob nito.
“Sino ka?” tanong ng isang lalaki sa aking likod, bigla akong napaharap.
“ah eh, mag a-apply sana ako, kaso...” simula ko pero di na niya ako pinatapos.
“ah, edi pumasok ka na.” pangaanyaya niya sakin. Lumapit siya sakin, sobrang lapit akala ko hahalikan na niya ako. May inabot siya sa pintong sinasandalan ko.
“ako nga pala si Panfi.” pakilala niya sabay pihit ng door knob sa pinto na sinasandalan ko. nanlaki na lang ang mata ko at...
“puuuuta...” bulong ko at napahiga na nga ako sa sahig ng ospisina na kanina ko pa minamanmanan.
Bigla akong bumawi at tumayo bigla, nahuli ko naman sa naputol na paghahabulan ang dalawang tao sa loob na kaninay naririnig kong nagsisigawan. Biglang nanlaki ang mata ko na si Kiko pala ang hinahabol at isang mataba at matandang lalaki ang nanghahabol sa kaniya. Kumamot na lang sa ulo si kumag.
“Sino ka?!” sigaw ng matabang lalaki.
“a-ako po si Pol.” kinakabahan kong sabi. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong unti unting lumalabas si Kiko ng opisina.
“Kiko!!!” sigaw ng matabang lalaki. Natigilan naman si Kiko na malapit naring makalabas ng opisina.
“SIT!!!” pareho kaming napaupo ni Kiko sa magkabilang upuan na nakalagay sa magkabilang gilid ng lamesa.
“Ako nga pala si Franscisco dela Cruz, ako ang may ari ng coffee shop na ito. Give me your resume' and you can start tomorrow.” sabi nito.
“po?” di ako makapaniwala sa narinig.
“Magsisimula ka na bukas.” nginitian ako ng May ari at tumingin siya kay Kiko.
“Si Kiko na ang bahal...” di na niya natapos ang sasabihin at nag double take na lang ito ng tingin kay Kiko, napatingin narin ako kay Kiko at nakita ko itong natutulog sa upuan nakapaling ang ulo nito sa kanan at natulo na ang laway.
“KIKO!!!” sigaw ng may ari ng coffee shop.
“hindi mo na talaga ako ginalang hayop ka!!!” sigaw ng matabang lalaki.
“Lumayas kayo sa harapan ko! Layassss!!” sigaw parin nito habang lumalabas kami ng opisina. Agad ko namang nakita ulit ang lalaki na tumulak sakin kanina papasok ng opisina, ngumiti ito sakin at magiliw na kumaway.
“ako lang ba, o isip bata talaga lahat ng tao dito?” tanong ko sa sarili ko.
“bukas na kita i-oorient ha?” tinatamad na sabi sakin ni Kiko.
“di naman puyat ang gagong to, bakit naman parang tutulog tulog ito? Baka antukin lang talaga.” sabi ko ulit sa sarili ko.
“ba-bakit di mo sinabi sakin na dito ka rin nagtatarbaho?” tanong ko sa kaniya.
“eh di kung sinabi ko edi hindi ka pumunta dito?” natatamad parin sabi sakin ni kumag, umikot nalang ulit ang mata ko sa inis.
“hello! Kamusta naman sa loob kanina?” tanong sakin ng bagong dating.
“hi Panf...” di ko pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang humarang si Kiko sa pagitan namin ni Panfi at binakuran ako palayo dito.
“di ko siya sasaktan, Kiko. Kakamustahin ko lang siya.” natatawang sabi ni Panfi. Pero di ito pinansin ni Kiko at hinila ako nito papunta sa labas ng coffee shop.
“teka lang ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong sakin ni Panfi, pero di ko na ito nasagot dahil hinihila parin ako ni Kiko at sumabat nanaman ito.
“Pekto! Pekto pangalan niya!” sigaw ni kumag. Sinubukan kong haklitin ang batok ni Kiko pero di ko ito naabot.
“tigilan mo siya Panfi! Sinasabi ko sayo kung hindi...” di na tinuloy ni Kiko ang sasabihin niya, tinignan ko si Panfi at humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng aking mga mata. Kumaway lang ito na nagsasabing wala iyon sa kaniya saka ngumiti ng pagkatamis tamis.
“Ano ba ang problema mo?!” naiirita kong tanong kay Kiko. Tumingin ito ng masama sakin.
“Binilin ng kuya mo na huwag kang pabayaan na kung kanikaninong LALAKI nakikipaghuntahan!” natigilan ako at kinabig ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
“hindi ba masyado ka naman atang OA?!” napayuko na lang ako sa sobrang inis. Hinatak nanaman ako ni Kiko at patulak na isinakay sa jeep.
0000oooo0000
Magdadalawang linggo na rin ako dito sa Tagaytay, nakapag enrol narin ako, salamat sa suporta ng aking kapatid, pero hindi man ito alam ng madrasta ko ay kinakabahan parin ako na baka malaman niya ito. Ipagpapatuloy ko ang kurso kong nursing sa isang State University dito, habang nagtatarbaho sa coffee shop para kahit papano ay natutustusan ko ang iba ko pang pangangailangan. Hindi man Holiday araw araw kasama si Kiko, ay maswerte parin ako na andiyan siya. Parang kasama ko parin ang kuya ko, mas makulit nga lang ang isang ito.
“GGGGGGRRRRRR...”
“SHHHHHHHHHHH...”
Dinilat ko ang aking mata sa pamilyar na tunog na iyon at pamilyar din na bigat sa aking dibdib, nakaangkla nanaman kasi sakin ang malatrosong braso ni Kiko, iisa lang ang kwarto sa bahay na iyon. Hindi ko magawang lumipat sa rest house na iniwan sakin ng namayapa kong ama dahil baka bumisita doon ang aking madrasta at malaman na magkakunchaba kami ng pinakamamahal niyang anak. Kaya eto kailangan kong magtiis sa mala wolverine na bestfriend ng kuya ko. nagulat na lang ako ng pagpaling ko paharap dito ay nakadilat narin pala ito.
“Goodmorning!” magiliw na bati nito sabay nguso na kala mo hahalikan ako. Sinupalpal ko ang nakanguso niyang ulo gamit ang aking kanang kamay.
“Arekup...” bulalas nito pero tumakbo na ako papuntang CR para di na marinig ang pagaalbroto nito. Pagkalabas ko ng banyo ay naamoy ko ang isang napakabangong amoy ng kape.
“bango.” mahina kong sabi.
“being a barista has its advantages.” pagmamayabang ni Kiko sabay pose nanaman na parang si Johnny Bravo. Umikot nanaman ang mata ko sa socket nito. Lumabas ako sa may terrace at nagsimula na ulit magstretch.
Muli ko nanamang ninamnam ang sariwang hangin at tinignan ang magandang view. Naalala ko ang rest house at sa tuwing naste-stress si Daddy sa aking madrasta ay pumupunta kami doon, ganito din ang view doon.
“POL!”
“Ay putang...!” naibulalas ko ng bigla akong gulatin ni Kiko. Yumakap pa ito sakin at hinalikhalikan ang batok ko. kinagat ko ang braso niyang nakapulupot sa leeg ko at ng bitawan ako ni kumag ay tinulak ko siya, naka boxer shorts parin ito sa kabila ng malamig na klima.
“Ang sakit nun ah?!” sigaw nito pabalik sakin.
“wag ka kasing manggugulat ng ganoon!”
“baka kako kasi nilalamig ka na kaya niyakap kita.” sabi nito na may pakindat kindat pa. At nakangiting aso nanaman.
“ok lang ako, nakapanjama ako at sando, ikaw tong dapat nilalamig diba?” maang kong tanong kay kolokoy. Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kamay na parang si Johnny Bravo at nagpopo-pose na parang model.
“di ka ba naaakit sakin?” mapangakit nitong tanong sakin. Napasibanghot naman ako sa tanong niyang yun. Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay.
“hindi.” sagot ko sa kaniya at sikretong napangiti. Bago pa man ako nakalayo kay kolokoy ay narinig ko itong nagbuntong hininga. Lalo akong napangiti. Normal na samin ngayon ang magkulitan na parang mga bata. Naging mas close at naging mas komportable na kami ngayon sa isa't isa, maski sa trabaho ay ganiyan narin kami kung magkulitan.
“Sabi nga pala ni Boss, kay Panfi na niya ako isasabay na shift.” sabi ko habang nagsusuot ng rubber shoes para sa jogging namin ng umagang yun. Nagulat ako ng makarinig ng may nabasag sa may kusina. Si Kiko pala, naibagsak ang kape na dapat ata ay para sakin. Napangiti naman ako ng sikreto, simula kasi nung pinagtimpla ko siya nung una kong umaga dito ay hindi ko na inulit yun, matapos kong marinig ang pamatay na...
“wag kang umasa na maiinlove ako sayo niyan.” naramdaman ko nanamang umikot ang mata ko sa naisip kong iyon.
“ayaw mo nun, di mo na ako lagi makakasama.” habang pinupulot ang mga bubog sa sahig. Sumimangot nanaman si mokong at hinaklit ako sa batok.
“gustong gusto mo naman, para di na kita mabantayan at malandi mo na yang Panfi mo!” sigaw nito sakin, natigilan naman ako sa sinabi niyang yun. Tumayo na ako at sinukbit ang iPod ko sa braso ko at inilagay ang earphones sa tenga ko.
“Ayos talagang manira ng araw tong homophobe slash insensitive asshole na yun!” sabi ko sa sarili ko habang sinimulan ko ng takbuhin ang burol na nadiscover ko kung saan konti lang ang taong nagja-jogging at napunta. Tumigil muna ako sa paanan ng burol upang magpahinga saglit at mag hydrate na din. Mas maganda dito sa burol na ito, konti ang tao, iilan ilan lang ang tao at tahimik pa, nagulat na lang ako ng biglang may bumangga sakin.
“Anak ng!” bulalas ko, nagulat na lang ako ng makita ko si Kiko na nandidila at hinahamon akong habulin siya.
“Immature arse!” sigaw ko sa kaniya. Dinilaan lang ulit ako nito, hinabol ko siya.
0000oooo0000
Nakauwi na kami at nagshower at nagbihis para pumasok ng coffee shop. Di ko mawari pero habang nagmamaneho ng motor at nakaangkas si Kiko sa likuran ay parang secured na secured ako. Napatingin ako sa side mirror at nakita si kumag na parang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay, hanggang tenga ang ngiti nito at palinga linga na parang sinasaulo ang bawat madaanan namin.
“TIGIL!” sigaw ni kumag sabay palo sa helmet ko.
“bakit nanaman?!” sigaw ko sabay gilid ng minamanehong motor at tumigil.
“Gusto ko ng dirty ice cream!” sigaw nito. Napangiwi naman ako, “Impulsive na batang isip.” Napabuntong hininga ako sa naisip ko, kinapakapa ni kolokoy ang mga bulsa niya tapos biglang nalungkot. Lumuhod ito at yumapos sa mga binti ko.
“Naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Pwede bang ilibre mo muna ako?” nangingilid luhang makaawa sakin ni kolokoy.
“wala akong pera...” di ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay inalog alog na niya ang mga binti ko.
“Sige na! Ngayon lang eh!!!” pagpupumilit sakin ni kolokoy.
“Oh ayan!” sabay abot sa kaniya ng limang piso.
“Yehey! Ice cream, ice cream, icreaaaammm!” pakanta kanta pang sabi ni Kiko. Nakabili na siya ng Ice cream at nagmaneho na ako papuntang coffee shop. Tinignan ko ulit sa side mirror ang kolokoy at tuwang tuwa ito sa hawak ng ice cream.
“Kung umasta kala mo 5 years old. Anlayo niya talaga sa idol kong si Jon.” napatingin ako saglit sa kalsada tapos tumingin ulit kay kolokoy.
“Kung sa gwapo lang din ang basehan, panalo ang isang to. Pero sa ugali?...” sabi ko sa sarili sabay buntong hininga.
“Asssssoooooo!” sigaw ni kolokoy sa likod ko at napatingin ako sa kalsada, kinabig ko ang manibela at dumaretso kami sa talahiban.
Itutuloy...
ang cute...
ReplyDelete-mhei
tama cute nga hehehe unti unti na akong nalilinawan sa mga hidden karakter na lumalabas hehehe.... simula una hannganng huli...
ReplyDelete