Followers

Thursday, February 24, 2011

Paraffle Na Pag-ibig [4]

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com


Author's Note:

May announcements po ako:

1) I-announce ko pala ang Book Anthology ng Bioutloud at may dalawa po akong kuwento doon na nakasali, ang "Tol... I Love You!" at "Ang Lihim Ni Rigor". Nasa ibaba po nitong page ang details kung paano mag-order at kung saan makabili.

2) May grupo po ang MSOB Closed Group. You are all invited to join po: http://www.facebook.com/home.php#!/home.php?sk=group_131690800234232&ap=1
Ang mga admin po niyan ay sina manny at vin cri (a.k.a. ENZO ng SUAACK)

3) Doon sa gusotng mag add sa ating ENZO model na si Vin Cri, heto po ang fb niya.Pwede po ninyo sioyang i add. http://www.facebook.com/home.php#!/brenicri

-Mikejuha-

--------------------------------------

“Ha?!!!” ang sagot kong napasigaw na rin at biglang nawala sa isip na naroon kami sa loob ng library.

“Oo!!! Ikaw ang nanalo!!!!” ang sigaw pa rin ng kaibigan ko.

Pinindot ng librarian ang maliit na bell sa counter pagpahiwatig na may nag-iingay sa loob ng library, at kami iyon.

Agad kong dinampot ang aking mga notebooks at gamit sa ibabaw ng mesa at lumabas ng library buntot-buntot ang kaibigan.

“Anong sabi mo? Nanalo ang ticket ko?” sambit ko kaagad noong makalabas na kami ng library at naglalakad papunta sa botanical ng school.

“Oo!”

“Paano nangyari iyon? Imposible naman!”

“Ay malay ko ba kung paano. At wala akong pakialam. Pero anong imposible ba doon? May ticket ka, niraffle nila, syempre naman may mananalo no? Kung ako ba ang nanalo ay magiging posible? Ganoon?” ang tanong ni Fred.

Di na ako nakakibo. Di ko kasi din maintindihan ang sarili. Parang may excitement na parang nahihiyang di maintindihan. Syempre, magtatanong ang mga tao kung sino ang nanalo at siguradong mabunyag sa lahat na ako iyon. At dahil hindi naman ako bakla, magtatanong talaga sila kung ano ang gagawin ko o ipapagawa kay Aljun. Intriga na to!!!

“Eeeeeeeeeeeeee! Magkakaroon na ng lalaki ang buhay ng aking kaibigan! Grabe, hearthrob pa! Campus celebrity at pantasya ng bayan! Maraming maiinggit sa iyo friend!”

“A-ano ba ang gagawin ko sa kanya?” tanong ko kay Fred noong makaupo na kami sa isang upuan sa park sa lilim ng malaking puno ng mahogany.

“Kung ako? Una, papasukin ko sya sa aking kuwarto at habang naliligo ako sa shower, tatawagin ko siya, uutusan kong maghubad na rin dahil siyampre, mababasa siya sa aking ipapagawa sa kanya. Pagkatapos, uutusan ko siyang hilurin ang aking likod at sabunin ang buo kong katawan... and what happens next is up to him – ahihihihihihihihihihih!” ang malakas niyang tawa, na kinilig.

“Grabe naman to. Hindi ko kaya yan. At bawal iyang mga ganyan.”

“Anong bawal doon? May physical or sexual abuse ba? Nalalagay ba sa siya sa isang unsafe na sitwasyon? Ikaw pa nga ang dapat na matakot kasi nalalagay sa unsafe na sitwasyon ang iyong puri! Baka bigla niyang sakmalin!” at tawa na naman.

“Ikaw talaga... puro ka kalokohan.” Sagot ko na lang. “Sandali... naibigay mo na ang ticket ko?”

“T-ticket mo? Di ba nasa iyo?”

“Huh! Ibinigay ko sa iyo ah!” ang gulat kog sabi, tumaas ang boses.

“Kailan? Saan?” sagot naman ni Fred.

“Noong gabi, pagkatapos ng raffle!”

“OMG! Nawala ko friend!”

“Huwag kang magbiro ng ganyan, susuntukin na kita.” Banta ko.

“Woi... joke jok jok!!! Excited na talaga siya. Ibinigay ko kaagad fwend. At ang ipinakilala kong may-ari ng ticket ay ako. Syempre, upang maprotektahan naman kita. Alam ko, hindi ka pa sure sa iyong seksuwalidad. Baka kasi kapag nalaman ng mga estudyante, lalo na mga ka-klase natin na ikaw ang nanalo, iisipin nilang bakla ka. Unfair naman iyon sa iyo, di ba? At least ako, alam na ng iba na ganyan ako. Ok lang ba sa iyo?”

“Ok ang ginawa mo, Fred. Naapreciate ko. Salamat.”

“Anong salamat ka d’yan? Hati tayo kay Aljun no...” biro niya. “Hindi ah, nakasaad sa rules na hindi puwedeng i-share. Pweding ilipat pero bawal dalawa ang master. Kawawa naman ang prize boy kapag nangyaring marami ang uutos sa kanya, hehehe.” Ang bawi din niya.

“O di ilipat natin sa iyo kung gusto mo?”

“Ayoko nga! Gustuhin ko man pero alam kong mas kailangan mo siya; upang malaman mo na ang katotohanan friend, at mamulat ang iyong mga mata sa mundo kung saan ka nararapat!” sabay tawa.

“Tado!”

At pinanindigan naman ni Fred ang sinabing aangkinin niya sa mga tao na siya nga ang nanalo sa jackpot. Kapag may lumapit sa kanya at magtanong, i-confirm kaagad niya na siya nga. At kapag may nagko-congratualte, tinatawanan na lang namin. At nang-iinggti pa kamo siya.

Ngunit syempre, habang palapit ng palapit ang takdang araw na magsimula na ang serbisyo ni Aljun sa akin, parang patindi nang patindi din ang excitement na aking nadarama bagamat hindi ko ipinahalata ito sa aking kaibigan.

“Friend... bukas na daw magsimula ang serbisyo ni Aljun!” sabi sa akin ni Fred.

“O, e di ok... walang problema.” Ang casual kong sagot.

“Ano ba talaga ang plano mo sa first day ninyo?”

“Ano ba? E di mag-usap. Makipagkaibigan. Tanungin ko kung ano ang mga plano niya sa student council, mga projects, mga laro niya sa basketball at tennis.”

“Iyon lang? Sasayangin mo ang oras sa mga walang kabuluhang tanong na iyan, na pwede naman itanong kahit ng mga musmos?”

“Oo naman. Bakit? Ano ba mas maganda?”

“Landiin mo sya eh. Utusan mong magmasahe, o kaya ay kumanta at magsasayaw-sayaw sa harap mo na naka-brief lang!”

“Hahahaha!” Tawa lang ang isinagot ko.

“Bakit ka tumawa?! Amfffff naman nito ah! Huwag mong sayangin ang pagkakataon!”

“Hindi naman ako ganyan eh. Di ako bakla friend!” ang deretsahan kong sagot.

“Asusssss! Nasa denial stage ka friend. Kailangan mo talaga si Aljun upang magising ka sa katotohanan. Hmpt!” sagot ng kaibigan ko.

Lampas alas 7 ng gabi, nasa flat na ako. Hanggang 6:30 ng gabi lang kasi ang pasok ko from Monday to Friday. Nag-iisa lang ako sa inuupahang flat. Medyo maselan kasi ako pagdating sa mga makakasama. Kaya imbes na sa dorm, nirequest ko sa mga magulang ko na isang buong kuwarto talaga ang tirhan ko. May sariling banyo at kusina, may maliit na sitting room may isang kama. Bagamat maliit ang flat, ako lang naman mag-isa at may privacy pa. Tamag-tama lang iyong para sa akin. At ang maganda sa aking napiling flat ay walking distance lang ito papuntang eskuwelahan.

Alam kong sa araw na iyon magsimula si Aljun sa kanyang serbisyo sa akin. Ngunit ang buong akala ko ay sa umaga kami magkita o sa school ba... Kaya naisip kong baka hindi siya magsimula sa araw na iyon dahil gabi na ay hindi pa siya nagpakita. Syempre, hindi naman ako ganyan ka atat para magtatanong sa kaibigan na siyang kumausap kung saan ako nakatira. At lalo ding ayokong isipin ni Fred na bumigay na ako. Ang totoo, ayokong maging bakla. Kasi, alam ko ang hirap nito, lalo na sa pag-ibig. Una, hindi kayo puweding magpakasal. Pangalawa, hindi pa tuluyang tanggap ng society ang kabaklaan. Pangatlo, hindi ka magkakaroon ng isang normal na pamilya, at anak. At pang-apat, ang mga naririnig kong kuwento na kadalasan, ang mga relasyong lalaki sa lalaki ay walang tumatagal. Karamihan kasi ng mga bakla, lumalandi pa rin kahit may karelasyon na. At dahil dito, hindi rin sila siniseryo sa relasyon… Kaya, ayoko.

Subalit, gusto ko ring mas maintindihan ang sarili. Kaya nakikiride on lang ako kay Fred.

Bagamat nilinis ko ang buong flat ko sa paghahanda na baka darating si Aljun, ikinondisyon ko na ang utak ko na hindi na sya darating. Ayokong mag-expect din.

Ngunit may nagdoorbell. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa aking mga mata si Aljun. Nakaputing polo shirt, itim na pantalon. At ang hindi ko inaasahan ay ang mga malalaking bulaklak na dala!

“Ay... sorry pare!” ang bigla niyang sambit noong makita akong nagbukas ng pinto. Kahit papaano kasi, dahil sa nagji-gym din ako kaya may maipagmamalaki ding porma ng katawan. “Nagkamali yata ako ng pindot ng doorbell. Mali lang siguro ang naibigay sa aking address!” dugtong niya ang mukha ay naguluhan.

“Bakit bro? Saan ka ba sana pupunta? Di ba ikaw ang prize boy ng paraffle ng CG Inc?” sagot ko.

“Ako nga pare. At magsimula na ngayon ang aking serbisyo...”

“Ahhh! Sabi ko. Pwes sa akin ka magserbisyo pare!”

“Hahahaha! Hindi tayo talo pare. Teka lang ha? Hahanapin ko pa ang aking magiging master seserbisyuhan.” sabi niyang tatalikod na sana.

“Pare. Walang biro, ako ang master na hinahanap mo!”

“Huh! Sure ka?” ang sagot niya ang mukha ay namula.

“Sure na sure pare.”

At nakita kong napakamot na lang siya sa kanyang ulo. “Dyahe. Mga bulaklak ang dala ko pare. Akala ko kasi, si... Fred ba iyong pangalang nanalo na sabi ng CG Inc ay bakla daw? Kung alam ko lang sana e... beer pala dapat ang pasalubong ko.” sabay tawa.

Na sinagot ko naman ng, “Pwede ring siopao o doughnut.” Lalo namang lumakas ang kanyang pagtawa.

“Oo nga pala. Sino iyong nagpresent ng ticket at nagclaim na siya ang nanalo?”

“Ah... kaibigan ko iyon. Siya lang ang nag-front sa akin.” Ang paliwanag ko. “Halika, pasok sa loob!” pag-anyaya ko.

“Buti na lang ikaw ang nakapanalo sa akin, hehehe” ang sabi niya noong makaupo na sa sofa.

“Bakit naman?”

“Kung bakla kasi o babae, baka may mangyari” ang biro niya sabay bitiw ng tawa.

“Hahahaha!” ang tawa ko rin. “bakit pare, pumapatol ka ba sa bakla?”

“Hindi naman. Kaso kung darating ang pagkakataon na magkagipitan at umaandar ang libog, hindi na natin masabi, hehehe” Sagot niya. “First time ko kasi ang sumali sa ganito kaya di ko talaga alam ang gagawin.”

“Ako rin first time na nanalo sa ganito kaya di ko alam kung ano ang gaawin sa iyo eh.” Sagot ko rin.

Tawanan.

“Sandali... gusto mo ng mainum? Ikukuha kita para mas ok siguro, mawawala ang hiya ko sa iyo.” Ang mungkahi ko.

“Nahihiya ka pa niyan? Ang ganda nga nitong flat mo, nasa poder mo ako. Dapat ako ang mahiya, hehehe”

“Ibig mo bang sabihin, gatas na lang ang ihanda ko para sa iyo?” ang biro ko.

“Hindi ah? Ano ako, baby?” Ang pagbawi din niya. “Ok… inum tayo. Ako na ang kukuha...” At tumayo siya sa kinauupuan na parang alam na alam kung saan nakatago ang maiinum.

Hindi na ako nakakilos ni makapagtutol sa bilis niyang pagtumbok sa refrigerator.

Noong mabuksan na ang ref, “Waaahhhh! Johnny Walker Black Label?”

“Sensya na... hindi ako nagprepare ng beer. Nawala sa isip ko eh.” Sabi ko.

“Ayos lang.” sagot naman niya. “Hindi ako umiinom ng ganito pero para sa master ko, gusto kong subukan...” ang sabi niya sabay kuha niyon sa ref. Kumuha na rin siya ng dalawang baso, ice bucket atsaka dinala ang mga ito sa kinaroroonan ko.

“Waaahh! Sweet ng mokong!” Sa isip ko lang.

Tumayo din ako at kumuha ng de lata sa ref at binuksan iyon, ginawang pulutan at bumalik sa pagkaupo sa sofa.

Nagtagay siya sa dalawang baso. Nilagyan iyon ng ice atsaka umupo na sa tabi ko. “I-set pala natin ang gagawin ko pare para sa duty ko. Atsaka ‘boss’ ang gusto kong itawag sa iyo.”

“Bakit boss? Dapat tol o pare na lang.” ang pagtutol ko.

“Protocol daw sa ganito na Maam o Sir ang itatawag sa aming magiging master. Pero gusto ko boss na lang...”

Nag-isip ako. “O sige, pero ‘boss’ din ang tawag ko sa iyo...”

Nag-isip din siya. “Ah... Ok...”

“At simula na ngayon... boss?”

Napangiti siya. Tumango lang ako.

Tahimik.

Kinuha ko ang isang baso na may lamanng Johnny Walker at ininum iyon. Uminum din siya.

“So, ang routine ko ay ihahatid-sundo kita sa school? At ilang oras per day ako sa iyo at kung anong mga araw ako na dapat magpunta sa iyo...” Tumingin siya sa akin. “...Boss?” sabay ngiti.

Napangiti na rin ako. Syempre, parang awkward kasi. Noon lang kami nagkasama, nagkakita, tapos may tawagan na kami.

Anyway, nagset kami ng schedule. Bale three hours a day ang duty niya sa akin from Monday to Friday sa oras na 7 – 10 pm at kapag Sabado at Linggo, either 12 hours or 6 hours depende sa kanyang availability at may one day prior notice siya na i-inform ako kung ilang oras ang i render niyang duty sa Sabado at Linggo. Napagkasunduan din naming huwag na akong ihatid sa school bagamat kapag galing sa school at 6:30pm ay sabay na kaming uuwi sa flat ko para magsimula siya sa tatlong oras na daily service. Naawa kasi ako sa kanya na pupunta pa sa flat ko sa umaga upang ihatid lang ako sa school.

“At kung maari, kasama natin ang kaibigan kong si Fred kapag magkasama tayo sa labas, say sa school. Ok lang ba? ...Boss” sabi ko.

“Walang problema. Pero bakit kailangan pa siya?” tanong din niya.

“Baka mamaya, pagdudahan pa akong bakla eh” sabay tawa.

“Hahaha! Mas macho ka pa ngang tingnan kaysa sa akin eh” sagot niya sabay din tawa. “Pero no problem Boss. You’re my master. Whatever you say!”

Pagkatapos naming ma-settle ang routine niya sa akin, tuloy kami sa inuman. At dahil 7:30 na siya ng gabi dumating, 10:30 na dapat ang off niya.

Habang nag-iinuman, kuwentuhan kami sa nangyari sa nakapanlo sa kanya sa auction, iyong baklang fashion designer na nauna niyang sinerbisyuhan.

“Ahhh! Talagang banat din ako ng buto dun. May fashion show pala iyon at ako ang ginawang main model niya. Tapos, pictorials at, would you believe, ginawa din akong manniquin sa kanyang showroom?” ang sabi niya sabay tawa.

“Mannequin? Paano?”

“Nasa loob ako ng glass na display tube at nakatayo, o nakaupo, depende sa posisyon na gusto niya, nakasuot ng kanyang mga gawa at hindi gumagalaw ng isang oras. Tapos, 15 minutes break,ibang posisyin at suot naman… Ang nakakatawa ay noong last one hour ay hubot-hubad na akong pinaupo-upo sa isang bench at ang nakatakip lang sa aking alaga ay isang kamay…

“Hahahahahaha!” tawa ako ng tawa. “E di andaming nanunod sa iyo?”

“Oo, dinayo ang showroom niya. Nagkataong nag-advertise pa pala siya sa mga radio…Pero ok naman siya. Mabait din at pagkatapos ng aking serbisyo sa kanya, may party kami kasama ang lahat ng mga straff niya at iba pang mga kaibigan niya at kasosyo sa negosyo nya t inalok din akong mag parttime model.

“Ayos naman pala... at pumayag ka namang mag model sa kanya?”

“Oo. Pero hindi pa ngayon. Loaded masyado ang schedule ko, hehe”

Gusto ko pa sanang itanong kung walang ibang indecent proposal sa kanya ang bakla o kaya ay may nangyari… kagaya ng sinabi niyang kapag naagay siya sa alanganin ay hindi na siya sigurado kunghindi papatol. Ngunit hindi ko na tinanong pa iyon. Nahiya ako.

Alas 9:30 ng gabi noong naramdaman kong nalasing na si Aljun at halos maubos na rin namin ang isang bote ng Johny Walker. At pati ako ay umiikot na rin ang paningin.

“Boss… mukhang grabe pala ang tama nitong alak na ito. Umiikot na ang paligid. Shiitttt! Di na ako makalakad ng maayos.” Ang sabi ni Aljun ang pagsasalita ay halatang lasing na lasing na.

Tumayo siya, sinubukang maglakad. Ngunit natumba ito at pagkatapos ay nagsusuka na.

“Boss… kaya mo pa ba?”

“K-kaya pa siguro boss…”

Subalit hindi pa rin niya magawang maglakad ng hindi natutumba. Kaya ang ginawa ko ay sa kama ko na siya idineretso.

At dahil sa nasukahan niya ang kanyang polo shirt at pantalon, tinangk kong hubarin ito ang mga butanes nito. “Boss… tanggalin ko ha? Bibihisan kita.”

“Boss… huwag na. Nakakahiya. Uuwi na lang ako.” Sabay hawak sa aking mga kamay upang huwag kongituloy ang pagtanggal ang butones.

Tinangka niyang tumayo uli. Subalit natumba na naman siya at nagsusuka uli.

Inalalayan ko na namn pabalik sa kama at pinahiga. “Boss… hindi mo na kaya. Kaya huwag ka ng tumutol, ok?” At hinubad ko na ang damit niya. Hindi na niya magawang pumalag pa. Inihagis ko ang polo niya sa lagayan ko ng mga labahan.

Tumambad sa aking mga mata ang napakagandang hubog ng kanyang pang-itaas na katawan. Nalala ko tuloy ang kanyang pagsasayaw sa ganing iyon at ang paghahaplos niya sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang umbok. Naalala ko rin ang paglaway niya sa kanyang daliri at inihimas-himas iyon sa kanyang utong.

Napalunok ako ng laway. “Tanginaaaaaaaaa!” Sigaw ko sa sarili. “Nalilibugan ako!!!”

Ngunit syempre, todo kuntrol ako sa sarili. “Ayoko!” sigaw naman ng isang parte ng aking utak.

At dahil nasukahan din ang kanyang pantalon, syempre, dapat ko ring hubarin iyon upang linisin ko ang katawan niya gamit ang isang towel at mainit natubig.

Dahan-dahan kong tinanggal ang butones niya. Noong nasa aktong hinawakan ko na ang zipper ng pantalon niya upang buksan ito, ramdam ko ang panginginig ng aking buong kalamnan, lalo na noong tumambad sa aking mga mata ang puting brief niya na at ang bukol sa ilalim nito…

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails