Bago ko i-post ang huling kabanata ng SUAACK, heto muna ang mga puntong gusto kong ibahagi tungkol sa proseso ng pagsulat ko sa kuwentong ito:
1) Ang plano ko talaga, ay maiksi lang ito at may bahid na comedy dahil at that time, kasabay ito sa patapos na ring AKKCNB na med’yo drama na ang dating dahil malapit na ring magtapos. Kaso hindi ko na-sustain ang lighter side nito. Ito rin ang naobserbahan ng ilang commentors na nagustuhan ang blend na may mga nakakatawang lines, at ang ugali ni enzo na may katarayan. Ngunit dahil siguro hindi comedy ang linya ko sa pagsulat kundi drama, kaya nanaig pa rin ang pagkaseryoso ng kuwento sa bandang kalagitnaan at nitong huli na (which I did not expect na hahaba na ng ganito).
Sa unang plano ko, si Zach ang dapat sentro ng kuwento with Enzo and kuya Erwin later na magiging magkaribal (in a comedy setup). Nagbago lang ito noong matapos kong gawin ang chapter kung saan sapilitang tinanggal ni Enzo ang bigote ng kuya niya (habang natutulog ito). Na touched kasi ako sa ginawang pagpaubaya ni kuya Erwin kay Enzo... kung saan sinabi niya dito na mas mahal niya ang bunso niya kaysa kanyang girlfriend. Kaya doon na lumihis ang kuwento, dagdagan pa na may ilang followers na nag suggest na nagustuhan din daw nila ang may bahid incest na setup. Kaya iyon. I played on the “incest” idea hanggang sa finally, pumasok na naman ang mga twists later.
2) Nakulangan ako sa pagka-kontrabida ni Zach. Kasi, along the way ng pagsusulat per chapter, hindi pa ako sigurado sa tunay na papel ni Zach (simula noong lumihis na ang takbo ng story towards enzo-Erwin loveteam) at wala pa akong idea sa puweding mangyari kay Zach sa end ng story. Pero if will have the chance to re-write the story (for book publishing just in case, in the future), I would give Zach a very potent power to punish and inflict pain on Enzo and Erwin. yung pagka-kontrabida na lalo pa ninyo siyang pangigilang patayin hehehe. Para magiging mas dramatic ang epekto ng ginawa niyang peace offering or rectification sa mga nagawang kasalanan niya kay Enzo and Erwin sa bandang huli, lalo na sa pagkakaalam niyang kapatid niya pala ito... (you will understand what I am implying kapag nabasa na ninyo ang last part).
Note: May gagawing isang bagay si Zach na aantig at tatagos sa inyong mga puso... Kaya nasasayangan talaga ako na hindi ko ginawa si Zach na isang matinding kontrabida na magbigay ng matinding paghihirap kay Enzo. (Ang datin nga para sa iba ay si Enzo ang may pagka-kontrabida eh, at si Zach ang underdog - agree? Kasi lahat nakukuha niya kaagad, at si kuya Erwin niya ay sunod-sunuran na lang sa ano mang gusto niya.)
3) May nagcomment na naging dragging na ang kwento kaya tinapos ko na. Actually, ang mga ganitong comments o feedback ang pinagbabasehan ko o ginagawa kong hudyat kung kailan ko na pwedeng wakasan ang kwento. Hindi lang dahil napapansin na ng mga followers na halos wala nang masyadong impact or relevance pa ang mga episodes, kundi nauubusan na rin ng “tricks” ang utak ko to sustain the excitability of the story.
4) Polls... nakakatulong sa pagbuo ko ng mga karugtong na eksena kaya I really appreciate dun sa mga bomoto.
5) Comments... Mas malaking tulong sa pagbuo ng mga episodes. Normally, kapag may nagpi-predict na ganito yan... o sa tingin ko ganyan ang sunod na mangyatyari... ang tendency ko ay ililihis ang kwento. Na eexcite kasi ako kapag may prediction ang readers at iba ang kalalabasan sa kuwento at magulat na lang sila, although minsan, may pagkakataon ding wala nang choice, isang dead-end na ang kahinatnan at ang hula nila ay tugma sa gusto ko ring mangyari. Pero as a whole, I am excited to know what the readers think of happens next. And then i will find a way to prove they are wrong. Hiode-and-seek kumbaga. I love hide-and-seek. Ang sarap kasing magtago; kasi, ang gusto ko ay hanapin ako, lol!
Kung may napansin pa kayong mga kaganapan sa kwento na hindi pa nabigyang linaw, makakatulong ito ng malaki.
Halimbawa, may nag-comment na pinaplano daw ni kuya Erwin ang pangri-rape kay Enzo dahil sa gabing iyon, may nakahanda siyang "pampatulog"... Hindi pa ito na-justify. Actually, hindi ko napansin ito. May mali sa paglahad ko sa eksena pero nandoon na iyon kaya dapat mabigyang linaw. Base kasi sa pag-explain ni kuya Erwin kay Enzo, ang sabi ni kuya Erwin ay “lasing lang siya” at “hindi niya alam ang kanyang ginagawa.” Paano ko ito i-justify? Hmmmm. Abangan, hehehe.
Natuwa din ako sa comment ni Rodgie (isang nurse) na nag-confirm na ang mga pasyenteng nasa comatose state ay “nakakarinig”. Nabasa ko kasi ito sa maraming kaso, including the latest case ng isang congresswoman sa US na binaril sa ulo at nakakapagcommunicate pa rin bagamat nasa comatose state siya (kung nabasa ninyo ang “Tol... I Love You” nangyari na ang episode na ito. Baligtad nga lang dahil point of view naman ngayon ng character na nasa comatose of which, hindi ko alam). Bagamat hindi ko talaga alam kung ano ang state of perception ng mga na-comatose, dahil wala naman akong nabasa pang true-to-life na kuwento ng taong nakarecover from comatose at nagkuwento ng kanyang karanasan habang nasa ganoong state, sana ay hindi naman malayo sa katotohanan ang ating kuwento - hehehe. Sana ay may nakaalam.
Anyway, matatapos na talaga ang SUACCK in a few days at wala nang makakahadlang dito. Subalit, kung may mga napansin pa po kayo tungkol sa pagkasulat ng SUAACK, or kung may hanging na issues pa na hindi nabigyang linaw o kasagutan sa kwento, maaari lamang na iparating sa akin ang mga ito at mapagdiskusyunan natin, bago pa man maging huli ang lahat, hehehe...
Maraming-maraming salamat sa mga sumubaybay, naguluhan, umiiyak, naiinis sa mga characters, at lalo na iyong mga na-in love kay kuya Erwin. Pereho natin siyang ma-miss. Ngunit kagaya ng mga nauna kong minahal na mga characters sa aking kuwento na nagpaantig sa aking puso, nagpainit ng damdamin, nagpaiyak, muling nagpatibok ng aking puso... manatili siyang buhay at totoo - sa isang sulok ng aking isip.
Salamat at sinakyan ninyo ako sa aking mga pantasya, ang aking mga pangarap, hinaing, at pagnanais na magkaroon ng isang taong mamahalin at magmahal sa akin ng wagas, kahit sa isang imahinasyon lamang.
Kuya Erwin, ma-miss kita... patuloy kitang mamahalin dito sa malayang mundo ng aking pag-iisip.
Bye Enzo. Bye Zach... Bye Ormhel. Bye mama, bye papa...
Bye SUACCK...
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Tama, may mga inconsistencies din akong nakita habang binabasa ko s'y na "bakit ganoon..ganyan" pero very minimal lang naman kua Mike, ang galing mo kasing magsulat :) Nakakamangha ka dahil nasa dugo mo ang tunay at pagiging writer. Nakakaya mong pagdugtung-dugtungin ang bawat eksena ng walang naliligaw o kaya may biglaang sumusulpot na kung ano man, nangyayari kung bakit biglang nalilihis ang kwento. Smooth kung baga. Tanda mo ang bawat nakaraang naganap sa bawat episode. Minsan nga ay napapa"ay! oo nga no!" ako habang may nabubunyag na sikreto o kaya may nangyayaring twist. Napapaisip din kami kung paanong istilo ang ginagamit mo sa pagsulat at kung saan ka nagsisismula...gitna ba, hulihan o sa unahang parte ng kwento. Napakahusay, kaya tuloy lang sa pagsulat, kaibigan at marami kang naiinspire sa buhay. Note: Nakakatulong din talaga ang pagkakaoon ng modelo ng bawat karakter at pagkakaroon ng theme song, tulad ng sa SUAACK. Sa tuwing naririnig ko ang "Kundiman" ng Silent Sanctuary, hindi ko maiwasang isipin ang bawat eksena ng kwentong ito. Nakatatak na, na sa tuwing tutugtog iyon, naiisip ko..."Si Erwin, Enzo, Zach at ang buong kwento ng SUAACK"...:) Napakahusay :)
ReplyDeleteac2ally nabasa ko lang to from another site, so i dont know who the actual author is...i actually hate you for writing something like this cos i know it'll never happen in real life (let alone mine)...just finished reading the entire thing and I got so depressed, i think it'll last a few more days...really hate u..:(
ReplyDeleteanonymous... salamat sa comment and for visiting my site. You've come to the place where the real author is.
ReplyDeleteIt's me, Mikejuha.
Feel at home at MSOB. Dito, ang lahat ng mga authors ay ORIGINAL.
Hindi po copy-pasted ang mga naka-post dito kungdi sila/kami ang mga tunay na authors mismo ang nagpopost ng mga ito...
TC!
superb story from a superb artist.. Mr. Mike Juha.. ang galing! sobra! This is what you call talent!
ReplyDelete*excited much to explore you other stories.. ^_^
This is your first story na nabasa ko.
ReplyDeleteAnd it really made me cry.
Hindi ko tinigilan ng tatlong araw.. kahit napupuyat ako at may pasok pa sa office kinabukasan. Pag nasa office naman at walang ginagawa (or kahit meron hehe) di ko mapigilang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ang daming situations na tinamaan ako.. mga thoughts and ideas.
Then I read AKKCNB, medyo may similarity. Like the wedding idea, hospitalization and kuya-brother situations.
So I thought SUAACK is a better version of AKKCNB. :)
Keep up the good work Mike!
Sana nga totoong may
kaiyak kc tapos na
ReplyDeleteI hate the story,It made me cry while reading it.tulo n luha ko tulo p sipon ko. .grabeh. .the best sa lahat ng nabasa ko.
ReplyDeletehaha nafall ako kay kuya erwin kahit nde nmn siya totoo
ReplyDeletethank you po MR.mike :D
galing niyo po. kasi ramdam na ramdam ko po
ung mga emosyon ng mga character :)
mamimiss ko po ang SUAACK :D sana may susunod pa hahahahha
salamat po ulit :)