Followers

Tuesday, February 22, 2011

Nang Mag Recitation Si Joey Boy


Tuwang tuwa talaga sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus dahil almost two months na nilang hindi nariringgan ng pag-i-Ehek itong si Joey Boy kaya nama'y sinamantala nila ang pagkakataong agahan ang final examination nito dahil medyo awang awa na sila dito.

Almost 20 years na itong si Joey Boy na nasa Kinder kaya nama'y nag effort talaga silang pagsunugan ng kilay ito at review-hin for one month para sa exam nito.

Batid ng mga magaganda't sexing teacher ni Joey Boy ang mental capacity nito kaya nama'y talaga nilang sinasadyaang dalian ang examination nito makapasa lang ito sa Kinder pero palagi na lamang ito bumabagsak sa test.

Sa Kinder na nagbinata itong si Joey Boy at lumaki.

"How are you Joey Boy?" Ang masayang tanong ni Teacher Nhinzy sa behave na behave na nakaupong si Joey Boy.

"I'm okay Teacher Nhinzy!" Ang maliksing reply naman ni Joey Boy.

"Are you ready for your test!" Ani naman ni Teacher Jai Cyrus.

"YEEEESSSS!!!" Ang excited na sambit naman ni Joey Boy.

"Did you eat breakfast ba para may energy ka?" Ani ni Teacher Nhinzy.

"Yes po! BURP!!!"

Napangiti na lamang itong sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus at kitang kitang busog na busog itong si Joey Boy.

"Nag Review ka ba para sa test mo?" Ang malambing na sambit ni Teacher Jai Cyrus.

"Yes po Teacher Nhinzy! Britney helped me!" Ang masayang tugon naman ni Joey Boy sabay bukas niya ng kaniyang Adidas Sports Bag.

"ARF!!!" Ang masaya't excited na kahol ni Britney nang makalabas na siya sa Bag.

Napailing na lamang ang dalawang teacher dahil sa antics nitong si Joey Boy. Sariwa pa sa kanilang mga ala-ala kung paano nag iiyak sa kanila itong si Joey Boy at nakikiusap na payagan na siya ng mga ito na isama si Britney sa School.

Na Curious kasi ang mga Teachers ni Joey Boy kung ano ang laman ng bitbit-bitbit nito palaging Adidas Sports Bag kaya nama'y nang makatiyempo ang dalawang Dalagang Teacher ay binuksan nila ito at doon nila nabuking na itinatago pala nitong si Joey Boy sa Adidas Sports Bag ang Pet nitong Askal.

Pumayag na din ang dalawang teacher ni Joey Boy sa wisyo nito dahil sa pagkaawa nila at aminado din naman silang nakukuha ni Joey Boy ang gusto nito sa kanila kapag iniyakan na niya ang mga ito.

"Make sure that you really study hard para pag nakapasa ka sa exam eh magiging Prep ka na!" Ang paalala ni Teacher Nhinzy kay Joey Boy.

"I'll be a Prep na!" Ang tuwang tuwang sambit ni Joey Boy.

"Kapag nakapasa ka sa Exam." Ang muling pag ulit ni Teacher Nhinzy.

"And bibigyan ka pa namin ng Prize!" Ang masayang dagdag pa ni Teacher Jai Cyrus at pagkatapos ay inilabas na nito sa kaniyang Prada Shoulder Bag ang isang pack ng Yakult.

"HUWAW! I LOVE YAKULT!" Ang nanginginig sa anticipationg outburst ni Joey Boy dahil favorite na favorite talaga niya ang Yakult.

Matagumpay na napangiti na lamang sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus dahil tingin nila ay motivated na motivated na talaga itong si Joey Boy na maipasa nito ang exam.

"LET'S START NA PO! I WANT TO DRINK THE YAKULTS!!!" Ang muling outburst ni Joey Boy.

"Sige Joey Boy. You're really ready na ha!" Ang matamis na sambit ni Teacher Nhinzy habang umuupo na ito sa kaniyang desk.

Si Teacher Jai Cyrus ay naupo na din sa kaniyang desk.

Talagang ni Request ni Ma'am Silvs sa Board ng Campus na dalawang matitinik na SPED Teacher ang maghandle dito kay Joey Boy.

"Mars, Talagang tu-tutohanin natin yung condition?" Ang pabulong na tanong ni Teacher Jai Cyrus kay Teacher Nhinzy.

"Yup!" Ang naka smile na tugon naman ni Teacher Nhinzy.

Napagkasunduan kasi nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus na kahit mali mali ang mga answer nitong si Joey Boy sa exam basta hindi nila ito maringgan ng kahit isang pag 'EHEK' ay ipapasa nila ito sa at gagawing Prep.

Hindi talaga sila makapaniwala nang kinausap nila ng seryoso itong si Joey Boy two months ago na huwag nang mag- 'Ehek' at sumunod naman ito. Ang hindi alam ng dalawa na talagang tinutoo nitong si Joey Boy ang kaniyang pagiging Kuya sa Baby ng kaniyang Tita Carmie kaya nama'y sumusunod na ito at nagpapakabait.

"What will be our test?" Ang curious na tanong ni Joey Boy.

"Recitation!" Ang naka Smile na sambit naman ni Teacher Nhinzy.

"We'll not write?" Ang tanong muli ni Joey Boy.

"Yes Joey Boy!" Ang masayang reply naman ni Teacher Jai Cyrus.

"YAHOOOOOOOOO!!!" Ang napakalakas na outburst ni Joey Boy na lalo pang ikinatuwa nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus dahil alam nilang ayaw na ayaw nitong si Joey na magsulat.

"Okay Joey Boy, Are you ready for the first question?" ANg pagsisimula ni Teacher Nhinzy.

"YES!!!" Ang palabang reply naman ni Joey Boy.

"ARF! ARF! ARF!" Ang malakas na kahol naman ni Britney para i-Cheer niya itong si Joey Boy. Big deal kasi para sa Askal na si Britney na maipasa nitong si Joey Boy ang exam dahil siya ang nagtiyagang magReview dito.

Nag inhale and exhale muna sina Teacher Nhinzy, Teacher Jai Cyrus and Britney dahil slight silang kinakabahan that time.

"Okay Joey Boy, What's the sound of a Pig?" Ang first question ni Teacher Nhinzy.

"Ahm... Ahm... Eh..." Ang nag iisip na usal ni Joey Boy.

"Joey Boy... Tinuro namin yan sa iyo..." Ang isip isip nitong si Teacher Jai Cyrus at talaga namang gusto niyang masagot iyon ng tama ni Joey Boy.

"Can you repeat the question Teacher Nhinzy?" Ang ani naman ni Joey Boy na ikinabugtong hininga naman ng mga guro nito.

Para bang nawalan sila ng pag asang makapasa nga itong si Joey Boy.

"I'll repeat it again so listen very carefully Joey Boy." Ang dissapointed na sambit naman ni Teacher Nhinzy.

"What's the sound og a Pig?" Ang pag ulit muli ni Teacher Nhinzy.

"OINK! OINK! OINK!" Ang malakas at masayang answer naman ni Joey Boy.

"Ikaw ba yan Joey Boy? VERY GOOD!" Ang hindi makapaniwalang sambit naman ni Teacher Jai Cyrus habang pinapalakpakan niya ang proud na proud na si Joey Boy.

"OINK! OINK! OINK!" Ang masayang ulit ni Joey Boy.

"Next Question na!" Ang masayang sambit naman ni Teacher Nhinzy.

They're also praying na tuluyan na ding naalis sa Vocabulary ni Joey Boy ang pag-Ehek.

"Wha't the sound of a Dog?"

"Britney tought me that! ARF! ARF! ARF!" Ang smart answer kaagad ni Joey Boy na ikinatuwa naman ni Britney.

"Dog also say this, AWOOOOOOOOOO!!!" Ang dagdag pa ni Joey Boy at dahil sa sobrang tuwa ni Britney ay sinabayan na din niya itong si Joey Boy sa pagHowl.

"Stop na Joey Boy. Next Question na!" Ang sambit ng ganadong si Teacher Jai Cyrus.

Tila nabubuhayan ng loob ang dalawang Teacher ni Joey Biy dahil parang makakapasa na talaga itong si Joey Boy.

"What's the sound of a Cat?"

"MEOW! MEOW! MEOW!" Ang sweet na sweet na sambit naman ni Joey Boy habang nag-a-action pang kunyari ay pusa siya.

"Very good talaga Joey Boy!" Ang hindi mapigilang sambit naman ni Teacher Nhinzy.

"What's the sound of a Bird?"

"TWEET! TWEET! TWEET!" Ang mabilis na Answer naman ni Joey Boy habang ikinakampay kampay niya ang mga hands niya just like a flying bird.

"How about the Cow?" Ang pagpapatuloy ni Teacher Nhinzy.

"MOOOOOO! MOOOOOO! MOOOOOOO!"

"Eto Joey Boy, Difficult ito!" Ang hamon naman ni Teacher Jai Cyrus.

"MOOOOOO! MOOOOOO! MOOOOOOO!" Ang hindi tumitigil na si Joey Boy.

"What's the sound of a Carabao?" Ang question naman ni Teacher Jai Cyrus.

"UNGAAAAA! UNGAAAAA! UNGAAAAAA!"

"BIGYAN NG YAKULT!" Ang hindi mapigilang sambit naman ni Teacher Nhinzy at siya na mismo ang nagbigay ng 2 pieces of Yakult sa tuwang tuwang si Joey Boy.

"TENCHU TEACHER NHINZY! MWAH! TENCHU TEACHER JAI! MWAH!" ANg sambit naman ni Joey Boy habang kinukuha niya ang kaniyang Yakult at pagkatapos ay binigyan niya ng matatamis na kiss sa Cheek ang kaniyang mga teacher.

Tuwang tuwa talaga sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus at hindi sila nakarinig ng 'Ehek' from Joey Boy.

"We will give the rest of the Yakult if you answer the next questions correctyl." Ang explain ng natatawang si Teacher Jai Cyrus nang biglang tumahimik itong si Joey Boy habang tinitignan nito ang 3 pieces ng Yakult na nasa desk pa ni Teacher Nhinzy.

"What's the sound of a Mouse?"

"SQUEEEEK! SQUEEEEK! SQUEEEEK!" Ang proud na proud na sambit kaagad ni Joey Boy at talaga namang desidido siyang makaPerfect upang makuha niya lahat ang Yakult.

"Mars! Nagbunga na ang pinaghirapan natin!" Ang masayang ani ni Teacher Jai Cyrus.

"Thank you Lord!" Ang pag sang ayon naman ni Teacher Nhinzy.

"What's the sound of a Bat?"

"IKIK! IKIK! IKIK!" Ang answer ni Joey with matching actions pa like a flying bat flapping its wings.

"How about the sound of a Lion?"

"GROWWWWWWL! GROWWWWWL! GROWWWWWL!" ANg malakas na pag atungal ni Joey Boy with facial expression pa imitating a lion.

"What's the sound of a Chicken?"

"KUKUK! KUKUK! KUKUK!"

"What's the sound of a Goat?"

"MEEEEEEE! MEEEEEEE! MEEEEEEE!"

Nagtinginan itong sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cayrus dahil nasa sa last sets of Questions na sila for Joey Boy na medyo tricky.

"Joey Boy, What's the sound of a Bee?"

"BUZZZZZZZZ! BUZZZZZZZZZ! BUZZZZZZZZ!"

" What's the sound of a Mosquito?"

"ZZZZZZZZZZZ! ZZZZZZZZZZ! ZZZZZZZZ!"

"How about a Sheep?"

"MEEEEEE! MEEEEEE! MEEEEEE!" Ang ginaganahang answer naman ni Joey Boy.

"That's not a sheep Joey Boy." Ang reminder nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus sa biglang natigilang si Joey Boy.

"ERASE! ERASE! ERASE!" Ang nagpaPanic na sambit ni Joey Boy.

"Okay Joey Boy. What's the sound of a sheep?" Ang pag ulit muli ni Teacher Nhinzy while crossing her fingers just like the tensed Teacher Jai Cyrus.

"Ahm... Ehm.... Ahm...."

"The sound of a sheep... hmmmm.... ahmmmm...." Ang binubulong ni Joey sa kaniyang sarili habang pilit niyang inaalala ang niReviw nila ni Britney kagabi.

Tense na tense din itong si Britney at that moment.

"I KNOW NA!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy."

"WHAT IS IT JOEY BOY?" Ang sambit nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus.

"BAAAAAAAA! BAAAAAAA! BAAAAAAA!" Ang masayang answer ni Joey Boy.

Halos pumalakpak ang tainga nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus at nasagot lahat ng tama ni Joey Boy ang mga questions sa exam nito and all through out ay hindi nila naringgan ito ni isang 'Ehek'.

"Get your Yakult na Joey Boy!" Ang masayang sambit kaagad ni Teacher Nhinzy sa nagse-Celebrate na si Joey Boy.

"Ahm..." Ang sambit bigla nitong si Joey Boy sabay bigay niya ng isangs erious na pagtingin sa dalawa niyang magagandang Teacher.

"Ano yun Joey Boy?" Ang nagtatakang tanong naman nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus nang makita nila ang nakaFrown na si Joey Boy.

"You didn't ask what's the sound of a Duck because Britney and Me reviewed it last night?" Ang inosenteng tanong ni Joey Boy na ikina Smile naman ng kaniyang mga Teacher.

"Sige na nga! What's the sound of a Duck?" Ang tanong ni Teacher Nhinzy dahil sa narinig niya from Joey Boy.

"QUACK! QUACK! QUACK!" Ang ganadong sambit kaagad ni Joey Boy at talaga namang gusto pa niyang huwag matapos ang kaniyang exam dahil ganadong ganado pa siya at talaga namng he's having a great time.

"VERY GOOD JOEY BOY!"

"Ask me What's the sound of a Frog please." Ang ganado pa ding si Joey Boy.

"What's the sound of a Frog?"

"KOKAK! KOKAK! KOKAK!"

"WOW NAMAN! TALAGANG NAGREVIEW KA NGA JOEY BOY!" Ang proud na proud na bati nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus sa kanilang pinaka Favorite na student.

"Eh ask me naman po What's the sound of a Fox?" Ang pakiusap muli ni Joey Boy.

"HA?" Ang clueless na sambit naman ng dalawang teacher nito.

"Ask me po what's the sound of a Fox?"

"Eh Joey Boy wala naman kaming tinuro sa iyong ganyan eh." Ang explain naman ni Teacher Jai Cyrus.

"But Britney reviewed me on that question eh!" Ani muli ni Joey Boy.

Biglang kinutuban ng masama itong sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus at napatingin sila kay Britney.

Sakto namang napatingin itong si Britney sa dalawang dalaga at pagkatapos ay aksidenteng nagtama ang kanilang mga paningin...

Napalunok bigla ng kaniyang laway itong si Askal na si Britney nang mapansin niyang tumatalim ang pagtitig sa kaniya ng dalawang Teachers ni Joey Boy...

Batid ng Askal na naGets na nito ang sinasabi ni Joey Boy...

"PATAY!" Ang POV ni Britney sabay mabilis niyang pasok sa loob ng Adidas Sports Bag ni Joey Boy at siya na mismo ang nagsara sa Zipper nito.

Hindi naman kasi talaga inakala nitong si Britney na ime-mention ni Joey Boy sa kaniyang mga Teacher ang itinuro niya dito...

Naaliw lang talaga itong si Britney kagabi sa ka inosentehan nitong si Joey Boy habang nagre- Review sila...

Habang takot na takot itong si Britney na nasa sa loob ng Adidas Sports bag ay unti unti namang kinakabahan itong sina Teacher Nhinzy and Teacher Jai habang dahan dahan nilang pinagmamasdan ang nakatayo ng tuwid na si Joey Boy...

Kasabay nang panlalaki ng dalawang mga mata ng mga teacher ni Joey Boy ay malalim itong nag Inhale...

Pagkatapos ay ilang seconds itong hindi huminga...

Kasabay ng kaniyang pag Exhale ni Joey Boy ay nagsalita ito ng ubod ng lakas na para bang nasa declamation contest...

"WHAT THE FOX SAY....

EHEK... EHEK... EHEK... EHEK... EHEK... EHEK... EHEK... EHEK..."

Halos magunaw ang buong mundo nina Teacher Nhinzy and Jai Cyrus habang pinapanood nila ang masayang sumasayaw at kumakantang si Joey Boy sa kanilang harapan...

Nanglalambot ang tuhod ng dalawang magagandang guro ni Joey Boy dahil pakiramdam nilang parang nawalang parang bula ang kanilang pag-asang hindi na mag 'Ehek' itong si Joey Boy...

"WHAT THE FOX SAY...

EHEK... EHEK... EHEK..." Ang masayang walang tigil pa din ni Joey Boy sa kaniyang song and dance number.


*******At The Mansion*******


Napapailing na lamang itong si Ma'am Silvs habang pinagmamasdan niya ag ginagawang pang aalo nina Kuya Carl and Katie sa umiiyak na si Joey Boy.

"Hu... hu... hu..." Ang hikbi nitong si Joey Boy at talaga namang na Upset siya dahil hindi siya nakapasa at nag level up papuntang Prep.

"Tahan na Joey Boy... May next time pa naman..." Ang magpapatahan ni Kuya Carl sa kaniya.

"Sige na Joey Boy... Stop na sa pag Cry... Buti nga hindi binawi sa iyo nina Teacher Nhinzy and Teacher Jai Cyrus ang ibinigay nilang mga Yakults sa iyo eh..." Ang sambit naman ni Katie.

Awang awa talaga sila kay Joey Boy dahil since nang sinundo ito from School hanggang ngayon ay umiiyak pa din ito.

Napailing na lamang itong si Ma'am Silvs habang binabasa muli niya ang note para sa kaniya from the Teachers of Joey Boy...

Dear Mrs. Valdez,

Please supervise and pakibantayan po ang mga pinapanood sa TV at pinakikinggang mga music ni Joey Boy.

Thank You.

Sincerely,

Teacher Nhinzy De Jesus and Teacher Jai Cyrus

8 comments:

  1. Kaloka!!! Kill britney... HHahahaha

    ReplyDelete
  2. salbaheng britney yan. i really miss joey boy. tnx ponse

    randzmesia

    ReplyDelete
  3. EHHHHHHHHHHHHH HEEEEEEEEK

    ReplyDelete
  4. hahaha... nakakatawa naman to...

    ReplyDelete
  5. hahaha... nakakatawa naman to...

    ReplyDelete
  6. namiss ko tlaga si joey boy EHEK

    ReplyDelete
  7. I miss joey boy...tnx Mr. Author .... zenki of kuwait

    ReplyDelete
  8. Gusto ko lahat ng kwento na isinulat no kuya ponse lalo na si joey boy ehek....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails