Followers
Wednesday, February 9, 2011
The Encounter with the Flirt 3
Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
CHAPTER 3
"Hindi ka na nakaimik diyan."
Ang tinig ni Eiji na bumasag sa kanyang saglit na pananahimik.
Ibinalik niya ang atensiyon sa hinihiwang patatas. Nalilito man kung bakit siya natataranta sa presensiya nito ay nanahimik na lang siya ng husto. Baka kasi ano pa ang masabi niya kaya di na lang siya iimik.
Patuloy siyang naghiwa kahit batid niyang ang mata ni Eiji ay nasa kanya. Nagmamasid ng matiim. Kahit naasiwa ay ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa. Nang masiguro niyang mainit na ang mantika sa kawali ay saka niya inihulog ang mga patatas.
Nang hindi na siya makatiis sa ginagawang pagmamasid sa kanya ni Eiji ay naiinis na binalingan niya ito.
"Please stop it?" he hissed.
"What?" said Eiji, looking clueless.
"You're staring."
Kumunot ang noo nito. "No I'm not."
"O sige, ako na."
Natawa ito. "Silly. I wasn't looking at you. I was thinking about you."
Muntik ng sumala ang kamay niya sa paghahalo ng paluto ng patatas sa kawali ng dahil sa narinig. He was thinking about him daw?
"Ahm... I don't..." sambit niyang di malaman kung itutuloy ang sasabihin.
"You don't what?" nagtatakang tanong ni Eiji sa kanya.
"I-i d-don't go for t-the same s-sex." uutal-utal niyang sabi.
Sukat humalakhak si Eiji pagkarinig ng sinabi niya. Talagang may kasama pang palakpak ang pagtawa nito ng malakas. Hindi itinago ang pagkaaliw sa sinabi niya na para bang iyon ay isang katawa-tawang bagay talaga. Napasimangot siya ng maisip na pinagtatawanan nito marahil ang hitsura niya.
"Anong nakakatawa?" asar niyang wika.
Sapo pa nito ang tiyan at eksaheradong kumapit pa sa lamesa na waring hinang-hina sa ginawang pagtawa habang umiiling pa. Lalo tuloy siyang naasar.
"Ano nga ang nakakatawa?" napipikon na talaga siya. Kapag di pa tumigil ito ay bubuhusan niya ito ng kumukulong mantika.
Pilit naman nitong kinalma ang sarili kahit pa ang pinipigil na tawa ay nakapagkit pa rin sa labi. Nag-isang linya rin ang mata nito tanda ng pinipigilan na emosyon. Umaalog-alog pa ang balikat na nagsalita ito.
"Wala! Hah! Wala! Walang nakakatawa!" exaggerated pa itong sumigaw-sigaw para kontrolin ang ginagawang pagtawa.
"Wala? Ano yun? Habit mo lang na tumawa ng tumawa kahit walang nakakatawa? Magpatingin ka na kaya?" naiiling na sabi niya. Inis na inis pa rin.
"Okay, nakakatawa yung sinabi mo kanina." pigil pa rin ang tawang sabi nito.
"Alin doon?" patay-malisya niyang sabi.
"You know what I mean. Teka lang, before you jump into conclusion na naman. I was thinking about you, yes, pero hindi sa paraang naiisip mo. For Pete's sake, please, paano mong naisip yun? I was thinking about you and the makeover na kasama sa proviso." anang natatawa-tawang si Eiji.
Nangalit ang bagang niya sa subtle na pangungutya nito sa kanya. Pero bago pa siya makapagsalita ay itinuro na nito ang kawali sa likod niya.
"Umuusok na. Mukhang tutong na yan." nakangising sabi pa ng kumag.
Dali-dali niyang pinatay ang stove at kinuha ang strainer para maahon ang french fries na ngayon ay medyo crunchy na. Nakangiwing mukha naman ni Eiji ang nakita niya pagkalagay niya ng pagkain sa iang bandehado.
Ayos! Nakaganti rin!
Tinaasan niya ito ng kilay ng magbaling ito ng tingin sa kanya. Biglang nagbawi ito ng expression. From power ngiwi to super smile naman ngayon. Ikinabigla lang niya ang parang biglang pagliwanang ng paligid dahil sa ngiti nito. Parang nagdiwang ang malungkot na ambiance ng lugar sa pagkakita ng malapad na ngiti ni Eiji. No wonder toothpaste companies are making a fortune from this guy's irresistible smile.
He shook his head. As if that way he can remove unwanted thoughts on his mind. Ano bang nangyayari sa kanya at lahat na lang ng tungkol sa taong ito ay napapansin niya? Nagulat pa siya ng makitang ngumunguya na ito.
"Hmm... sarap! Crunchy fries! First time!" Eiji said in between chewing.
"Masarap ka diyan." ingos niya kunwari.
"Oo nga."
Hindi na siya sumagot. Dumakot ulit ito ng mahiwagang fries. Siya naman ngayon ang napangiwi pagkarinig ng nagtutunugan pang patatas na kinakain nito.
"Bakit pinagtiyagaan mo pa ang mga iyan? You could've just ordered."
"Sayang eh." Eiji said nonchalantly.
"Weird."
"Touché." napapapikit pa ito habang ngumunguya. Wari bang sarap na sarap sa crunchy french fries.
Dahil curious ay dumampot sia ng isa at kumagat para lang ngumiwi sa lasa. Nagtaas-baba naman ang kilay ni Eiji ng makitang kumakain na rin siya ng pinagpala niyang luto.
"Sarap no?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Billy refused to answer. Hahaba lang kasi ang usapan kapag nagsalita pa siya. Sa halip, kinuha niya ang ketchup sa cupboard.
Hustong naglalagay siya ng ketchup sa platito ng sumawsaw agad doon ang nakalapit na palang si Eiji sa kanya sa ka tatawa-tawang umakbay sa kanya.
He stiffened. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya at naparalisa siyang bigla. Biglang umalinsangan ang pakiramdam niya.
"Hey!" untag sa kanya ni Eiji.
"Huh?!" gulantang na sagot niya rito.
"Uubusin mo ba iyang ketchup o ipanghihilamos mo?"
Napatingin siya sa platito ng umaagos na ketchup. Natatarantang kumuha siya ng kutsarita at ibinalik ang sobrang sawsawan.
"Huwag na. Hayaan mo na yan. Masisira lang yang nasa bote." pigil nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw ang may kasalanan nito eh. Kung bakit kasi..." maagap niyang putol sa sinasabi. Muntik na niyang ibuko ang sarili dito. Muntikan na niyang masabing iniisip niya ito at ginugulo naman nito ang isip niya.
"Bakit ako? Kasalanan ko bang iniisip mo ako? Siguro nadedevelop ka na sa akin no?" natatawang sambit nito.
Napamaang siya. What the...? Paano nito nalaman ang iniisip niya? Billy's mouth formed an "O", may gusto sana siyang sabihin pero pinili niyang tingnan na lamang ito ng matalim.
Tumigil naman ito sa pagtawa at sumubo ulit ng fries bagaman naroon pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito.
"Pakihugasan na lang ang mga ginamit natin." sabi niya saka lumabas ng kusina.
Hindi pa siya nakakalayo sa kusina ng magsalita ito. "We'll shop later. Please be ready at 3 o'clock!"
"Whatever!" sigaw niya sa hagdanan.
Eiji was more amused than irritated with Billy's actions. The man was trying his very best to annoy the hell out of him. Sa ibang pagkakataon hindi niya papayagan ang isang tao sa pang-iinis sa kanya. Lalong hindi niya hahayaan na minamaliit ang pagkatao niya. Sa isang banda, medyo nagmellow na ito sa ganoong gawi bagaman minsan ay may panaka-nakang misinterpretation ang pamangkin ni Franny sa mga kilos at sinasabi niya.
Katulad kanina. Kitang-kita niya kung paanong naasiwa at hindi mapakali ang lagay nito ng sabihin niyang iniisip niya ito. Hindi niya intensiyong sabihin iyon dito. Mali lang siya ng ginamit na salita. Gusto niya sanang sabihin ay iniisip niya kung ano kaya ang hitsura nito kapag nag-iba ito ng porma.
Naiiling na dinakot niya ang kanina pa pinagdidiskitahang crunchy patatas. Muli niyang naisip si Billy. The geeky guy was actually cute. Hindi lang mapansin kasi ang kapal ng suot na salamin at ang buhok, kung hindi brush-up, hati sa gitna na sobrang dapang-dapa. Pero ang damit nito ay hindi pang-geek. Mukha nga itong modelo magdala ng damit. Maayos at malinis.
Natutuwa pa rin siya kapag naaalala na virgin pa raw ito hanggang ngayon. Hindi siya naniniwala noong una pero kapag nakikita niya ang pamumula ng mukha nito sa mga topic at ginagawa niyang demostration ay parang gusto na lang niyang gumulong sa kakatawa.
Mukhang sa mahabang panahon ay tanging si Mariang Palad lamang ang kaulayaw nito, kung ginagawa man nito ang masturbation. Sa ginawang pagalala, napadako siya sa isang pagkakataon kung saan parang siya ang ginisa sa sariling mantika.
Paano ay sinubukan niyang i-demo dito ang mga kiliti ng isang lalaki. Bilang eksperto na rin sa larangang iyon, alam niya ang mga lugar sa katawan ng lalaki na kapag hinahaplos o nasasayaran ng hawak ay ikaliligaya talaga ng tunay.
Sa ginawa niya ay hindi niya napaghandaan ang napakagandang sorpresa ni Billy sa kanya. His pecs and abs are absolutely gorgeous. As if inviting him to touch them and devour the goodness of it. No excess fats. A geek indeed but a buff one. He knew that Billy's body is good but he didn't expected it to be "that" good.
Napalunok siya. Hindi niya naiwasang paginitan ng katawan. Isang matinding self-control ang kinailangan niya ng masilayan ang magandang torso nito. Natatandaan niyang mabilisan niyang tinapos ang session na iyon saka siya mabilis na nagtungo sa kwarto para mag-cold shower.
Ngayon, mukhang kailangan niya ulit. Naka-attention na naman kasi ang kanyang si junior sa loob ng board shorts niya. Buti at wala na si Billy kung hindi ay matataranta siya sa pag-iisip ng kung paano tatakpan "iyon".
Nang maubos ang kawawang french fries ay hinugasan niya ang mga ginamit at tinungo ang kwarto upang magpahinga sandali para sa lakad nila mamaya. Sisiguraduhin niyang mawawala ang kabaduyan sa katawan ng pobreng si Billy.
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Nabasa ko na yung buong story..grabe talaga..ang garbo..hindi mo na talaga iisipin na masasaktan ka pa kapag na inlove ka...bawat eksena kapana panabik...ang galing ng author..salamat sa kanya at sya ang nag pa inlove sa buong duty ko ngayong gabi...i'm inlove with Billy and Eiji..
ReplyDelete