WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.
May Akda: Jayson Paalinghug
May Akda: Jayson Paalinghug
Genre: Homo-Erotic, Fantasy
Note: Pasensya na at natagalan ang pag post ng part na ito. Kung may naghintay man sa kabanatang ito, heto na po. Sana ay magustuhan ninyo at pag pasensyahan kasi di ko na na edit ang grammar niyan. Enjoy reading and I will be thankful if you will leave some comments after reading the story upang ma improve ko naman kung may dapat i-improve.
Medyo na delay pag post ko dito kasi di ako nagtagtagal sa PC pinagbawalan muna ako doctor ko. Mga admins ng MSOB, sensya at di ako naka attend ng meeting, medyo nahihirapan talaga ako lately. i will read my emails later tonight siguro. Ingat ang God bless.
**************************************
Habang tinatahak nila ang daan pabalik sa kweba, napansin ni Jed ang ibang taong naging statwa; isa dito ay isang batang lalaki, isang gintong corona naman ang hawak hawak nito. Sa puntong iyon napagtanto ni Jed na lahat ng mga isinumpang bagay ay mga bahid ng berdeng liwanag sa paligid nito.
“Ano sa tingin mo ang kaibahan ng isang ito?” tanong ni Joseph.
“Wala naman, gusto ko lang malaman kung ano ang mangyayari kapag hinalikan ko ang isang ito,” sabi ni Jed, sabay lapit sa statwa at hinalikan ito sa labi. Ngunit walang nangyari.
“Sa tingin ko ay mas gusto niyang babae ang humalik sa kanya,” sabi ni Joseph.
“Subok lang naman eh, malay mo! At saka iniisip ko rin kung may iba pang paraan upang maiwasan ang mga engkantadong bagay sa lugar na ito. Sabi ni Jed
“Hmmm...mukhang natuto ang bata...mapagmasid at matalino.”
“Panginoon, sa tingin mo, alam na niya ang kaibahan ng mga engkantadong bagay?”
“Hmm, parang ikaw rin ay natutoto munting nilalang. Oo, naniniwala akong sa ngayon ay madali na niyang nakikilala ang mga engkantadong bagay, ang tanong ngayon ay kung papano niya makikilala ang mga ito?”
Sa may di kalayuan ay natatanaw na nila ang pang-pang, at ang daang kanilang tinutunton ay patungo sa pang-pang na iyon. Dapit hapon na ng marating nila ang paanan ng pang-pang na iyon at napansin nila ang isang maliit na lagusan kung saan agad na pumasok si Jed.
“Kakaiba,” sabi ni Jed, napahinto siya sa may bungad ng lagusan.
“at ano na naman ang napansin mo ngayon?” tanong ni Joseph.
“Ang lugar na ito, dito tayo nanggaling noong nakaraang gabi!”
“Imposible ang sinasabi mo!”
“tingnan mo, di bat iyan ang lamparang iniwan mo noong isang gabi?” sabay turo ni jed sa lampara sa tabi ng pang-pang.
Pinulot ni Joseph ang lampara at inusisa ito, pagkatapos ay tuluyan na silang pumasok sa maliit na lagusan at nakita nila ang mga damit na nakakalat sa lupa. Halos magtatalon sa tuwa si Jed habang pinupulot niya ang mga damit at isinoot ito. Nandoon din ang isang lamesa na puno ng pagkain at alak, ngunit sa puntong iyon maingat na si Jed sa paghawak at pagkain ng mga ito.
Tinikman niya ang sabaw ng sinigang na baboy, pumulot din siya ng mansanas, lechong baka at isang pitsil ng juice. Kumuha din siya ng isang plangganitang kanin at isang platong gulay. Ang mga iyon ang kinain nila sa kanilang hapunan. Hindi man lang nila nilapitan ang mga pagkaing may bahid ng berdeng liwanag sapagkat alam nilang isinumpa ang mga ito.
Nang gabing iyon, natulog si Jed sa tabi ni Joseph. Masarap ang pakiramdam na parang nasa langit siya at alam niyang ligtas siya sa bisig na nakayakap sa kanya boong gabi.
Kinaumagahan, naunang gumising si Jed at napansin niyang tulog pa si Joseph; ngunit ang alaga nito ay buhay na buhay, tigas na tigas at tila nagmamakaawang himasan at maisubo ng mainit na bibig ni Jed. Hindi na siya ngadalawang isip pa at sinunggaban na niya ito, isinubo at determinado siyang managinip kasama ang napakakisig na lalaking iyon. Nagising naman si Joseph sa sarap na naramdaman at habol ang kanyang hininga habang ang kanyang alaga ay lumuluwa na ng katas ng kaligayahan na siya namang sinipsip at nilunok ni Jed na parang isang matamis na pulot pukyutan.
Nang muli na silang bumalik sa totoong mundo galing sa mundong kanilang nilikha kung saan pinagsaluhan nila ang sarap at init ng kanilang mga pagnanasa, ay agad silang nagbihis at napansin nilang wala na ang mga isinumpang pagkain. Puro ordinaryo nalang ang mga pagkain kaya naman ay nagpakabusog sila at nagbalot pa upang makain nila sa kanilang paglalakbay. Paalis na sila ng mapansin ni Jed ang isang bagay na noon lang niya nakita sa lugar na iyon.
Isang itim na tungkod, sin laki ng hintuturo ni Jed at sing taas ng kanyang kamay. Ang bawat dulo nito ay nababalot ng ginto. Nakaka akit ang tungkod at para bang nangungusap itong pulutin ngunit wala ni isa man lang sa kanila ang naglakas loob na pulutin ito sa takot na baka isa na naman ito sa mga engkantadong bagay na nagtagtaglay ng sumpa. Di rin nakatiis si Jed at nilapitan ang bagay na ito at sinuri, kakaiba ang bagay na iyon at nakita nito ang asul na liwanag na bumabalot sa tungkod. Iba ito sa mga isinumpang bagay kayat kahit binalaan pa siya ni Joseph ay pinulot niya pa rin ito. Wala namang nangyari sa kanya. Nilaro niya ito at nang ilalapag na sana niya ay laking gulat niya ng hindi na ito matanggal sa kanyang kamay. Pilit niya itong tinanggal ngunit parang dumikit na ito at ayaw matanggal, nalilipat niya ito sa kabilang kamay at sa ibang parte ng kanyag katawan ngunit kapag ihiniwalay niya ito ay kusa itong dumidikit muli. Dahil sa napagod na siya sa kakatanggal at naiirita na rin siya sa mga paninisi ni Joseph ay nagsimula nalang sila sa kanilang paglalakbay at idinikit ang tungkod sa kanyang bewang.
“Parang di yata nagustuhan ng bata ang regalo ko kanya”
“Sa tingin ko panginoon ay dapat siyang magpasalamat. kapag ako ang nakakita ng bagay na ayaw na humiwalay sa aking katawan ay iisipin ko agad ni biyaya ito at hindi isang sumpa.”
“Hindi katulad natin mag isip ang mga taong mortal, munting nilalang. Ang nakakatuwa lang ay madaling niyang nalaman ang kaibahan ng mga engkantadong bagay dito sa loob ng engkantadong gubat.”
“Tama ka panginoon, ngunit sa tingin mo ay matutuklasan kaya niya kung paano gamitin ang mahiwagang tungkod?”
“Sa swerteng taglay ng batang iyan ay din a ako magugulat kung madiskobre man niya ito.”
Dinala sila ng daang kanilang tinunton sa isang ilog na nagdudugtong sa dalawang pang-pang. Tanghali na at sakto namang nakakita sila ng isang puno kung saan sila huminto at kumain ng tanghalian. Pagkatapos nilang makapagpahinga ay muli nilang tinunton ang daan. Nang malapit na nilang marating kabilang pang-pang, biglang huminto si Joseph at tinakpan ang bibig ni Jed.
Natanaw nila mula sa kinaroroonan ang kabilang pang-pang at sa paanan nito ay may lagusan papalabas sa lugar na iyon. Sa bunganga ng lagusan napansin nila ang isang higanteng nilalang na ubod ng itim at ang katawan nito ay nababalot mga balahibo. Ang ilong nito ay pango, may matutulis na ngipin na nakalabas sa bibig nito. Ang mga mata ay nanlilisik at lubhang nakakatakot. Kahit hindi naman nakikita kung anong meron sa gutna ng kanyang mga hita, ngunit sa hubog ng katawan nito alam ni Joseph na lalaki ang nilalang.
Hinila ni Joseph si Jed upang ikubli ang kanilang mga katawan sa isang malaking bato at bumulong, “Isang agta.”
“Ano...” pabulong na sabi ni Jed ng tanggalin na ni Joseph ang kamay sa bibig nito.
“Isang agta. Akala ko ay sa mga alamay lang nabubuhay ang mga nilalang na iyan. Ngunit ngayon ang nakikita na ng dalawang kong mata, totoo pala ang mga ito,” bulong ni Joseph.
“Delekado ba ang nilalang na iyan? Tanong ni Jed.
“Delekado?” pag ulit ni Joseph sa tanong ni Jed. “Kung totoo ang mga kwentong narining ko tungkol sa mga nilalang na ito ay tiyak paglalamayan na tayo. Halimaw ang mga iyanm mahinang magi sip ngunit lubhang malakas. Kumakain din daw sila ng mga tao. Hindi sila masyadong nakakakita sa umaga ngunit magaling ang kanilang pang amoy. Di magtatagal ay maamoy tayo ng halimaw na iyan.”
“Di ba tayo pwden lumaban?”
“Tanging kutsilyo lang ang dala ko; parang toothpick lang ito kung lalaban tayo, pero ewan ko lang diyan sa tungkod mo kung ano ang pwedeng gawin niyan,” sabi ni Joeph.
Tiningnan ni Jed ang tungkod na nakadikit pa rin sa kanyang bewang
Sana ay may espada tayo; kapag nagkaganun eh di may laban na tayo sa halimaw na iyan,” sabi ni Joseph.
Gaya ni Joseph, himiling din si Jed n asana ay may mga espada sila! Bigla nalang sumabog ang isang asul na liwanag na may kasabay na pagsabog at nang makarecover sila ay nakita nila na ang tungkod ay naging isang espada, gulat man ay nahimasmasan agad sila ng marinig nilang papalapit na ang halimaw.
Umatras sila at tumayo sa tabi hawak hawak ang mga espada. Nasa harapan na nila ang halimaw, naamoy sila nito at ngayon ay may hawak pa itong isang malaking kahoy. Mas nakakatakot ang halimaw sa malapitan, napakalaki nito at wala itong saplot. Nanlilisik ang mga mata nito at umungol nang napakalakas.
“Kahit anong mangyari, wag mong hayaan na mapatakan ka ng dugo ng agta.” Sabi ni Joseph, ngayon handa ng sumugod.
Kahit ayon sa mga alamat na mahinang mag isip ang mga agta ay hindi naman ibig sabihin na makupad itong kumilos, napakabilis nito at napaka lakas. Hinarap ng agta si Joseph at iwinasiwas nito ang dalang kahoy, buti nalang ay di tinamaan si Joseph dahil kung tinamaan ito ay malamang patay na siya sa puntong iyon.
Habang inaataki ng halimaw si Joseph, agad naman sumugod si Jed mula sa likuran at tinaga nito ang agta at nasugatan ang kaliwang braso. Nagulat naman si Jed sa kanyang nagawa at sa nakitang berdeng dugo na umagos mula sa sugat ng agta. Sumigaw sa sobrang sakit ang halimaw at binaling ag atensyon kay Jed. Umatras naman si Jed at hinigpitan ang hawak ng kanyang espada. Nang tumalikod ang agta upang atakahin si Jed ay agad namang sumugod si Joseph mula sa likuran at initak ang hita ang agta. Lubhang nasaktan ang halimaw at nalugmok ito sa lupa.
Magaling ang teamwork ng dalawa, ang isa ay umaatake habang ang isa naman ang kumukuha ng atensyun ng kalaban. At kapag bumaling ang atensyun ng halimaw ay nagpapalit naman sila ng posisyon. Di nagtagal at di na makalaban pa ang halimaw sa dami ng sugat na natamo nito. Iniwasan nilang mapatakan ng berdeng dugo at pinagmasdan ang agta’ng nakahandusay sa lupa. Patay na.
Humihingal pa sila at ng maka rekober ay nagtanong si Jed, “Bakit kailangan’ng iwasan natin ang dugo ng halimaw?”
“kasi, sabi ng matatanda kapag napatakan ka ng dugo ng agta ay mag iiwan ito ng isang matinding mantas sa katawan mo at hindi na ito mabubura pang habang buhay.” Sagot ni Joseph.
Natawa si Jed at akmang sisipain niya ng pabiro si Joseph at agad namang nawala ang espadang hawak ni Jed, ang natira na lang ay ang tungkod na sa puntong iyon ay nakadikit na naman sa bewang ng bata.
“Hmmm,” sabi ni jed, “Humiling ako ng espada at naging espada ang tungkod; bongga! At ngayong di ko na kailangan ang espada, bigla nalang itong naging tungkod ulit.”
“mamaya na tayo mag usap, kadalasan ay di nag iisa ang mga agta. Kailangan na nating makalayo ditto bago pa tayo maabutan ng mga kasama ng halimaw na ito.” Sabi ni Joseph.
Tinunton nilang muli ang daan at pumasok sa lagusan kung saan naka upo ang agta kani kanina lang. Nasa loob pa lang sila ng lagusan ng makarinig sila ng ingay, isang grupo ng mga agta ang ngayon ay papalapit sa kanila. Mukhang di naman sila nakikita ng mga halimaw ngunit patungo ito sa kanilang kinaroroonan.
“OMG..di na ito kaya ng isang itak at isang espada, ang tanging magagawa natin ngayon ay tumakbo kundi patay tayo” sabi ni Joseph.
Pinikit ni Jed ang kanyang mga mata at humiling, sana maging kabayo akong muli upang makatakas kami ditto ng ligtas. At biglang sumabog muli ang asul na liwanag at bigalang nag anyong kabayo muli si Jed. Nang marinig ng mga halimaw ang pagsabog ay agad itong sumugod sa kanilang kinaroroonan.
Sa puntong iyon, nang magpalit anyo si Jed ay hindi na hubad. Mistulang kabayo na pagmamay ari ng isang prinsepe ang kanyang dating. Agad namang sumakay sa likod no Jed si Joseph at hinawakan ng mahigpit ang renda. Agad na kumaripas ng takbo si Jed papalayo sa pang-pang na pinamumugaran ng mga agta.
Napakabilis ng kanilang takbo at bago pa lumubog ang araw, napansin nilang nasa loob nanaman sila ng gubat. Huminto sila at nang makababa na si Joseph ay bigla namang nagbagong anyo muli si Jed. Sa puntong iyon ay hindi naman natuwa si Joseph kasi may damit parin ang bata di tulad nung dating nagbagong anyo ito na walang saplot sa katawan.
“Tama nga ako; nalaman nga niyang pwede syang humiling sa tungkod na iyon at masasabi kong ginamit niya ito ng tama”
“Sang ayon ako panginoon, noong may binigyan ka ng tungkod na iyon sa nakaraan ay hindi nila ito ginamit ng husto, bagamat inabuso nila ito”
“Kadalasan, ganun talaga ang mga tao. Mapagsamantala at makamundo. Ngunit iba ang batang ito. Oh, sige na munting nilalang mukhang magdadapit hapon na, buksan mo na ang lagusan ng kweba upang makapag pahinga ang ating mga bisita.”
“masusunod po panginoon.”
Nang makatayo na si Jed, agad naman nilang nakita ang lagusan at pumasok sila dito. Nakita nila ang lampara, sinindihan ito at tumuloy sa loob ng kweba. Hindi na sila nagtaka kung bakit nadoon na naman sila sa pamilyar na lugar na iyon, sadayang mahiwaga ang loob ng gubat. Nandoon na naman ang mga pagkain at sa pagkakataong iyon puro masasarap at wala ng bahid ng berdeng liwanag na palatandaan ng engkantadong sumpa. Kumain sila at nagpakabusog, uminom ng kaunting alak si Joseph at umandar na naman ang kanyang kalibugan, ngunit si Jed ay pagod na pagod at pagkatapos kumain ay agad bumagsak sa higaan at nalatulog ng mahimbing.
-itutuloy-
`enkantado nga...kaloka
ReplyDelete