Followers

Tuesday, February 22, 2011

Ang Masarap Na Ping Ping's Lechon



*******Wednesday Afternoon*******

Three days na lamang at darating na ang Birthday ng Maid na si Ate Katie kaya nama'y napaka Busy talaga ng buong Mansion.

Naging tradition na ni Ate Katie ang magCelebrate ng kaniyang Birthday sa Mansion at talaga namang napakaBig Deal nito sa kaniya dahil iniimbitahan niya ang lahat ng mga members ng Yayas and Maids Association sa kanilang Executive Village.

Payag naman din si Ma'am Silvs dito dahil nag e enjoy din naman siya dito lalong lalo na ang kaniyang one and only 'Special' 28 yrs old son na si Joey Boy.

Looking forward parati itong si Joey Boy sa Engrandeng Birthday Celebration ng kaniyang Ate Katie sa kanilang Mansion because of one thing...

"Okay na ba ang lahat lahat?" Tanong ni Ma'am Silvs kay Katie habang nag che check sila ng mga menu and party paraphernalia.

"Okie na po Ate Silvs... Ready na po lahat..." Ani naman ni Katie habang itinatabi na niya sa kitchen cabinets ang mga napag grocerihan nila kanina.

Pinag iipunan talaga ni Katie for the whole year ang kaniyang Birthday Party and inabutan din siya ni Ma'am Silvs ng Money pangdagdag gastos.

"Teka... Hindi mo pa ba yan papalitan..." Ani ni Ma'am Silvs nang mapansin niya ang tarpauline sa isang upuan sa kitchen.

"Naku Ate hindi na po at may sentimental value kasi eh..."

"JUSMIO! 15 years mo nang ginagamit yan Katie!" Ang outburst ni Ma'am Silvs.

"Eto ang pera at magpagawa ka ng bago para hindi palaging HAPPY 25th BIRTHDAY KATIE yaan..." Dagdag pa ni Ma'am Silvs.

"Sige Ate pero pwede bang 25 pa din ang ipalagay ko?" Ang nahihiyang sambit naman ni Katie.

"Ilagay mo ang tunay mong Edad!"

"AYOKO ATI!!!" Ang outburst naman ni Katie.

"Bakit mo ikinahihiya na 40 yrs old ka na?!" Ang natatawang sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Basta Ati..."

"Anong basta..."

"It's a gurl thing..." Ang maarteng explain ni Katie na sinimangutan na lamang ni Ma'am dahil batid naman niyang mas Sosyal at Conyo pa sa kaniya ang kanilang maid.

Hindi naman nagrereklamo si Ma'am Silvs kay Katie dahil bukod sa napaka sipag ay mapagkakatiwalaan at maasahan niya itokahit napakarte nito.

"Magkano na ba ang pinakamalaking Lechon sa Ping-Pings?" Ang tanong ni Ma'am Silvs.

"Last year po eh umabot ng P7,500 ih..." Ani naman ni Katie.

"Eto ang P10,000.00 at umorder ka na sa Ping-Ping's Lechon... Yung pinakamalaki nila..." Ang next na sambit ni Ma'am Silvs habang kumukuha siya ng pera sa kaniyang Gucci Purse.

"Naku Ati huwag na po at may..." Ang sambit naman ni Katie.

"EHEEEEEEEK!!!!!" Ang malakas na outburst ni Joey Boy out from no where.

"DID I JUST HEARD SOMETHING DELICIOUS???!!!" Ang next na sambit ng excited na sabi ni Joey Boy kasabay nang bigla niyang pagbulaga sa kitchen.

Hindi namalayan nina Ma'am Silvs and ni Ate Katie na nagtatago lang pala ang masayang si Joey Boy sa likod ng Ref...

Napailing na lamang itong si Ma'am Silvs sa antics ng kaniyang anak dahil suko na siya sa kakulitan nito...

Since nang makabalik sila from their trip sa Singapore ay halos araw araw na lamang nakikipaglalaro itong si Joey Boy sa kaniyang pet Askal na si Britney ng Hide-And-Seek...

Nag enjoy kasi siya sa pakikipaglaro sa mga Cats na sina Tico and Taco sa Singapore...

"Anong narinig mo Joey Boy?" Ang tuksong nakasmmile na si Katie.

"I HEARD SOMETHING DELICIOUS..."

"Wala naman kaming sinasabi Baby eh..." Ang sweet na ani naman ni Ma'am Silvs.

"I heard you talked about Ate Katie's Birthday Party and you mentioned my Favorite!" Ang hindi sumusukong si Joey Boy.

"Ano nga yun..." Pang aasar naman ni Katie.

"You mentioned my Favorite!"

"Alin... Yung Ping=Ping's Lechon?" Ang natatawang sambit ni Ma'am Silvs.

"EHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEK!!!!!!!!" Ang masayang masayang outburst ni Joey Boy ang name ng kaniyang pinakaFavorite na food.

Ang Ping-Pings Native Lechon kasi ang pinakapaborito ni Joey Boy na food sa lahat at ito ang kaniyang pinakaka looking forward sa tuwing magpaParty ang kaniyang Ate Katie...

"ARF! ARF! ARF!" Ang narinig na lamang nila na pagkahol ni Britney na papasok na sa kitchen.

"UH OH! I NEED TO HIDE!" Ang mabilis na sambit ni Joey Boy sabay labas niya sa door ng kitchen na papuntang likod ng bahay.

"Kulit talaga!" Ang nasambit na lamang ni Ma'am Silvs habang pinagmamasdan niya si Joey Boy na nagpupumilit pumasok sa kanilang washing machine.

"ARF! ARF! ARF!" Ang malakas na kahol ng Askal na si Britney nang makapasok ito sa Kitchen.

"Hay naku! Nakaalis na si Joey Boy!" Ang usal ni Ate Katie kay Britney.

Napangiti na lamang sina Ma'am Silvs and Britney nang umiling iling itong si Britney at matamlay na lumabas ng kusina...

Palagi kasi siya ang taya kapag naglalaro silang dalawa ni Joey Boy ng Hide-And-Seek...

"Ati..."

"Ano yun Katie..."

"Ahm... Yung tungkol po sa Ping-Ping's Lechon..." Ang pagpapatuloy ni Katie sa naudlot ni Joey Boy kaninang sasabihin niya.

"Anong tungkol sa Ping-Ping's Lechon..."

"Huwag na po kayong mag abala pa... Okay na po yung Lechon para sa Birthday ko..."

"HUWAW NAMAN KATIE! ASENSADO KA NA!!!" Ang natutuwang sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Hindi po Ati... May magreregalo po sa akin ng isang buong Lechon..."

"Sino?"

"Yung bago ko pong BoyFriend... Lechonero po sa Palengke!" Ang proud na proud na sambit ni Katie sa kaniyang Amo.

"Eh yung Taxi Driver?" Ang nagtatakang sambit ni Ma'am Silvs dahil until now ay bilib na bilib talaga siya sa kamandag ng kanilang Sosyal na Maid.

"Break na po kami Ati..."

"Anyare..."

"Two timer po! Pinagsabay ba naman kami nung maid nina Mrs. Cutapay na si Leslie!"

"Di bale at nakakita ka naman ng Lechonero!"

"Uu Ati... Wala pang ilang seconds ng break up namin eh nagkaBF kaagad ako! SALAMAT SA GINOO!" Ang thankful na thankful na usal ni Katie na nginitian na lamang ni Ma'am Silvs.

"Teka Katie... Masarap ba yung Lechon?"

"Sabi ni Justin eh masarap daw!"

"Sinong Justin?"

"Yung BF ko Ati..."

"Ahhh... Hindi mo pa ba natitikman yung Lechon?"

"Hindi pa Ati..."

"Baka hindi magustuhan yun ni Joey Boy..."

"Sabi naman po ni Justin eh masarap daw po talaga!"

"Ganito na lang... Bumili ka na lamang ng isa sa Ping Ping's Lechon just in case na hindi magustuhan ni Joey Boy yung regalo ng BF mo..." Ani ni Ma'am Silvs at alam niyang pihikan na pihikan sa Lechon si Joey Boy at tanging Lechon lamang ng Ping Pings ang kinakain nito.

"Huwag na po Ati at tiyak na magugustuhan iyon ni Joey Boy..."

"Sige na..." Ang pilit ni Ma'am Silvs habang iniaabot niya ang tig 1,000 peso bills kay Katie.

"Sige na nga Ati..." Ang sambit na lamang ni Katie.

Nahihiya na kasi itong si Katie kay Ma'am Silvs pero naisip din niya itong si Joey Boy na baka magwating kapag hindi Ping-Ping's Lechon ang binili niya.

"Pano na ba ito..." Ang bulong ni Katie sa kaniyang sarili pagkakuha niya ng Pera dahil nag aalala siyang baka magtampo ang kaniyang Lechonerong BF na si Justin.

*******Thursday Morning*******

Madaling araw pa lamang ay nagising na itong si Ate Katie upang maglinis sa buong mansion. Ito na ang naging routine niya dahil mas like niya kapag tulog pa ang mga tao sa mansion dahil lalong mapapadali't mapapabilis ang kaniyang paglilinis.

"ATE KATIE!!!" Ang malakas na sambit ni Joey Boy na ikinatalon sa gulat ng kanilang maid.

Hindi niya napansin itong si Joey Boy na nasa sa likod ng Flat Screen TV sa Salas...

"ANU KA BA JOEY BOY! HUWAG KANG MANGGUGULAT!" Ang saway ni Katie sa expert nang magHide na si Joey Boy.

"Where's the Ping-Ping's Lechon..." Ang tanong ni Joey Boy.

"Sa Saturday pa..."

"EHEK..." ANg hindi makapaniwalang sambit ni Joey Boy kasabay ng kaniyang pagFrown.

"Uu Joey Boy sa Saturday pa ang Party!" Ang explain ni Katie.

"Okay Ate Katie! Let's go Britney!" Ang sambit lang ni Joey nang iwanan na niya ang nagwawalis na si Katie sa salas at lumabas na sa kanilang Mansion upang magJogging na paikot sa kanilang Executive Village together with Britney.

"Haaaaaiiiiisssst!!!" Napabugtong hininga na lamang si Katie dahil alam niyang kukulitin siya nitong si Joey Boy untile Saturday.

*******Lunchtime******

"ATE KATIE!!!" Ang masayang sambit ni Joey Boy sa kanilang naghahain sa mesang Maid.

"AY!!!" Ang malakas na tili ni Katie dahil sa pagkagulat.

"Di ba sabi ko sa iyo eh Huwag kang mangugulat!" Ang pagsaway muli ni Katie sa nagtatago sa loob ng Rice Dispenser na si Joey Boy.

"WHERE IS THE PING-PING's LECHON???" Ang excited na sambit ni Joey Boy disregarding what his Ate Katie just said.

"Sabi nang sa Saturday pa ih!"

"But I want to eat Ping-Ping's Lechon!"

"Huwag makulit Joey Boy!"

"I MISSED EATING THE CRUNCHY SKIN OF PINg-PING's LECHON..."

"Sa Sabado..."

"Promise Ate Katie..."

"Promise Joey Boy..."

"Okay!" Ang sambit na lamang ni Joey Boy.

"ANYARE!!!???" Ang naiusal na lamang ni Katie nang biglang nawala si Joey Boy sa loob ng Rice Dispenser.

Napatawa na lamang siya that time dahil dati ay kulelat sa Taguan itong si Joey Boy at kinakailangan pa siyang itago ng kaniyang mga playmates everytime pero ngayo'y ang galing galing na talagang mag Hide-And-Seek ni Joey Boy...

*******Evening*******

Nasa intimate nang pag uusap sa kanilang mobile phone itong sina Ate Katie and the Lechonerong BF nitong si Justin at pareho silang excited na excited for Saturday...

"HA!!!??? Ang bastos mo naman!!! HI HI HI!!!" Ang hagikhik ni Katie habang nakahiga siya sa kaniyang bed at kausap itong si Justin.

"Anong bastos dun Honey... Tinatanong ko lang naman kung ano ang suot mo..." Ang pilyong sambit naman ni Justin from the other line.

"Hi hi hi.. Ba't gusto mo namang malaman Sweetie Pie..." Ang malanding sambit ni Ate Katie.

"Para maanaginipan kita Honey... Ano ba ang suot mo ngayon..."

"Hi hi hi... Sige na nga! Naka manipis lang akong nighties..."

"Siguro ang sexy sexy mo!" Ang nang gi gigil na reply naman ni Justin.

"Hi hi hi... Wala akong bra at panty..." Dagdag pa ni Katie.

"WHY ARE YOU NOT WEARING ANY UNDERWEAR!!!" Ang malakas na pagsinggit na tanong ni Joey Boy na nakatayo na pala malapit sa Bed ng kaniyang Ate Katie.

Bitbit ni Joey Boy na parang Teddy Bear ang kaniyang Pet Askal na si Britney...

"AAAAAYYYYY!!!" Ang malakas na tili ni Katie.

"ANYARE???!!! SINO YUNG NAGSALITA???" Ang nagpaPanic na tanong kaagad ni Justin nang marinig niya ang pagtili ni Katie.

"WHEN WILL THE PING PING's LECHON ARRIVE???" Ang walang pakialam na tanong ni Joey Boy.

"Si Joey Boy ba yun?" Ang natutuwang sambit ni Justin from the other line.

"Uu Sweetie Pie... Atat na atat sa Lechon..." Ang naghihikahos na explain ni Katie sa kaniyang BF.

"Ha ha ha... Sabihin mo eh mas masarap yung Regalo kong Lechon kaysa sa Ping-Pings..." Ang proud na proud na sambit ni Justin.

"Tuloy na lang natin mamaya ang SOP natin..." Pakiusap ni Katie sa kaniyang BF.

"Matatapos na ang unlicall ko eh..." Ani naman ni Justin.

"WHAT's SOP???" Ang curious na tanong naman ni Joey Boy sa kanilang Maid.

"Ako na lang ang tatawag sa iyo mamaya... Ba Bye na... Luv you!" Ang nagmamadaling paalam ni Katie sa kaniyang BF bago niya pinutol ang kanilang phone conversation.

"ATE KATIE...WHY DOES THE PING PINGs LECHON TAKING SO LONG???!!!" Ang impatient na sambit ni Joey Boy.

"Sa Saturday pa..."

"Tomorrow???"

"Dalawang sleep pa..." Ang explain ni Katie dahil hindi marunong sa Days itong si Joey Boy.

"Okay!" Ang sambit naman ni Joey at pagkatapos ay kaagad na silang lumabas ni Britney sa room ni Katie.

"Aatakihin ata ako sa iyo Joey Boy..." Ang na i Sigh na lamang ni Katie nang makalabas na si Joey Boy.

"SYET!!!" Ang next na nai outburst ni Katie at pagkatapos ay kaagad niyang tinawagan si Justine habang ini la lock niya ang pintuan ng kaniyang room upang wala nang makaistorbo sa pakikipag SOP niya sa kaniyang BF.

*******Friday*******

Mabuti na lamang ay tumulong si Nanay Cion sa pagpre prepare ng mga putahe na ihahanda tomorrow sa Paty ni Katie dahil buong day na hindi tinantanan ni Joey Boy ang kanilang Maid...

Tumulong na din sa kaniyang Nanay and kay Ma'am Silvs itong si Carl dahil kahit na yayain niyang mamasyal itong si Joey Boy ay hindi ito pumayag na sumama at talaga namang hindi ito umalis sa tabi ng Ate Katie nito...

Mabuti na lamang ay sumama itong si Joey Boy kinahapunan sa kaniyang Kuya Carl at kay Manong Cris upang umorder na ng 3 layers na Cake para sa Party ni Katie bukas kaya nama'y nagkaroon ng pahinga itong si Katie sa sunod sunod and paulit ulit na pagpa follow up ni Joey Boy kung kailan darating ang Ping Ping's Lechon...

"Excited na si Joey Boy... Siguraduhin mong on time yung Delivery ng Ping-Pings ha..." Ang pag papaalala ni Ma'am SIlvs sa kanilang Maid.

"Yis Ati..." Ang pagsisinungaling naman ni Katie.

Plan kasi ni Katie na hindi na siya mag o order at isasauli na lamang niya tomorrow ang perang ibinigay sa kaniya ni Ma'am Silvs na pang Order sa Ping-Ping's Lechon...

Sure na sure si Katie na masasarapan itong si Joey Boy sa Lechong ireregalo sa kaniya ng kaniyang BF...

*******Saturday - Ate Katie's Big Birthday Celebration********

*******Exactly 3:00 pm*******

Engrandeng engrade talaga ang naging set up ng malawak na Garden nina Ma'am Silvs...

NagRent itong si Katie ng mga table's and Chair with matching table clothes na kulay Baby Pink which is her favorite color...

Pinagamit din Ma'am Silvs ang kaniyang Gourdo's platter and utensils sa araw na iyon...

NakaReady na din ang mga niluto nilang mga putahe like...

Java and Shanghai Rice

Menudo

Fried Chicken

Embutido

Kare Kare

Caldereta

Caesar's Salad (For the Vegetarian maids and Yayas na guest)

Naghanda din sila ng Menu for the kids dahil bitbit ng mga Yayas and Maids ang kanilang mga inaalagaang mga chikiting ng kanilang mga Amo...

Mayroong...

Spaghetti

Baked Macaroni

Hotdog on Sticks

Barbeque

Complete na din ang Dessert table...

May Buko Panda...

Leche Flan

Halayang Ube

At nasa Center nito ang three layered Baby Pink na Cake ni Katie...

Nakasabit na din ang 15 years old na 'HAPPY 25th BIRTHDAY KATIE'...

Umaatikabo na din ang sound system for the Party na nirentahan ni Katie from her ex BF...

Jamp packed na jamp packed na ng mga Guest ni Katie ang buong malawak na Garden nina Ma'am Silvs...

"Where's the Ping Ping's Lechon???" Ang makulit na sambit ng hindi makapaghintay na si Joey Boy.

Nakasuot ito ng party hat para sa Party...

"AYAN NA JOEY BOY!!!" Ang masayang sambit ng naka Fuscha Pink na gown na si Katie nang makita niya ang kaniyang BF na papasok kasama ang isa pa nitong kasamahan sa work.

"EHEK!!!" Ang masayang sambit naman ni Joey Boy.

Bitbit nila ang nakabalot sa Manila Paper na Lechon...

Halos maamoy ng lahat ang linamnam ng Regalong Lechon ni Justin...

Nagmamantika na ang nakabalot na Manila Paper sa Lechon...

Bitbit din nila ang isang malaking 5 Gallon na Sarsa ng Lechon...

"Happy Birthday Honey..." Ang usal ni Justin nang mailapag na nila ang Lechon sa long table.

"Thank you so much Sweetie Pie... Mwuaaaahhhh..." Ang reply naman ni Katie at pagkatapos ay ni lips to lips kaagad niya ang pawisan at amoy usok na si Justin sa harap ng mga gueast.

"IS THAT PING PING's LECHON?" Ang curious na tanong ni Joey Boy nang mapansin niyang iba ang cover ng Lechon.

"Hindi yan Ping Ping's... MAS MASARAP YAN..." Ang proud na proud na sambit ni Justin.

"EHEK!!! BUT I WANT PING PINGs..." Ang pagtanggi naman ni Joey Boy.

"Nasan na yung pinabili kong Ping Ping's Lechon..." Ang sambit naman ni Ma'am Silvs.

"Hindi na po ako umorder Ati at sure na sure akong magugustuhan yan ni Joey Boy..." Ang proud na proud ding sambit ni Ate Katie.

"BUT MY FAVORITE IS PING PING's LECHON..." Ang naiiyak na sambit ni Joey Boy.

"Try mo muna Joey Boy at pag di mo nagustuhan eh ibibili kita ng 10 na Ping Ping's Lechon..." Ang baby talk ni Justin habang inaalis na niya ang nakabalot na Manila Paper ng gift niyang Lechon.

"MMMMMMMM..." Ang di napigilang sambit ni Joey Boy nang lalong kumalat ang masarap at malinamnam na amoy ng gift na Lechon ni Justin.

"Try mo ha... Masarap yaan..." Ang sambit muli ni Justin kay Joey Boy while crossing his fingers.

"Okay!" Ani naman ni Joey Boy at talagang natakam siya sa aroma ng nakahaing Lechon.

"Masarap din ang Sauce nyan..." Ang pagbibida naman ng kasamahan ni Justin nang binuksan na niya ang 5 Gallon container na lagayan ng Sarsa ng Lechon.

"HUWAW!!!" Ang nasambit na lamang ni Joey Boy habang naglalaway na siyang maisawsaw ang Lechon sa Sarsa.

Nakahinga naman ng maluwag itong sina Ma'am Silvs and Ate Katie dahil akala nila'y magwawating na itong si Joey Boy...

"I WANT TO EAT NA THE LECHON!!!" Ang hindi makapaghintay na outburst ni Joey Boy.

"Kantahan nyo na si Katie ng Happy Birthday para makakain na tayo!" Ang masayang announcement ni Ma'am Silvs sa mga guest.

Kaagad namang nagkantahan ng Happy Birthday ang mga Guest habang inihahanda na ni Justin ang itak na ipanghahati at hiwa niya sa Lechon...

"Happy Birthday To You... Happy Birhday Katie...." Ang pagtatapos ng kanta sabay palakpakan ng mga Gueast at lahat sila'y ina anticipate ang pag itak sa malinamnam na Lechon.

"Tabi ka Joey Boy at baka matalsikan ka..." Ani ni Justin sa katabi niyang si Joey Boy.

"Eheeek..." Ang gigil na gigil na nasambit na lamang ni Joey Boy habang pinagmamasdan niya si Justine.

"TSAAAAAAAK!!! CRRRRRRRRAAAAAAACK!!!" Ang malakas na tunog ng pag itak ni Justin kasabay ng pag Crack sa mamanti mantikang balat ng Lechon.

"SO CRRRRRIIIIIIIIIISPY!!!!!" Ang hindi mapigilang sambit ni Joey Boy dahil parang music in his ear ang tunog ng pagCrack ng balat ng Lechon.

Nagpalakpakan din ang mga Guest dahil kahit sila'y natakam sa masarap na Lechon...

"Masasarapan ka dito Joey Boy..." Ang nakaSmile na sambit ni Justine nanginaangat na niya mula sa middle ng Belly ng Crispy Lechon ang itak.

"BZZZZZZZZZZ..." Ang bigla na lamang narinig sa buong garden na ikinatahimik ng lahat ng mga guest.

...

...

...

"BZZZZZZZZ..." Palakas ng palakas ang buzzing sound na naririnig ng lahat sa Garden.

...

...

...

"WHAT's THAT???!!!" Ani ni Joey Boy.

"Saan galing yun?" Ani ni Ma'am Silvs.

"Dyaan ata sa Lechon!" Ani naman ni Nanay Cion at kahit na si Carl ay lumaki ang mga mata nang mapatingin sa Lechong initak sa Belly.

...

...

...

"BZZZZZZZ...."

"YUCK!!!" Ang sambulat ng isang Yaya nang mapansin niyang may lumabas na isang Bangaw mula sa initak na bahagi ng Lechon.

"PARANG EXORCIST!!!" Ang tili naman ng isang batang bitbit ng isang Maid na Guest nang sunod sunod ang paglalabasan ng mga matataba't malalaking Bangaw mula sa tiyan ng Lechon.

"Halos manlaki ang mga mata ni Katie habang pinagmamasdan niya ang mga pintog at nagbubundatang mga lumilipad na langaw mula sa loob ng Lechon...

Kahit si Ma'am Silvs ay biglang nagPanic na din...

...

...

...

"EEEEEEEWWWW..."

"GROSSSSSS..."

"KADIRI..."

"YUCKIE..."

Ang sambulat ng mga bata sa initak na Lechon...

...

...

...

Hindi nagpaPanic sina Ma'am Silvs and Ate Katie dahil sa mga naririnig nila...

But nagpaPanic sila dahil sa unti unting pag asim ng mukha ng naShock na si Joey Boy...

...

...

...

Alam nilang takot sa insekto itong si Joey Boy...

...

...

...

"IPIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS ! ! !" Ang malakas na sigaw ni Joey Boy.

"IPIS! IPIS! IPIS! IPIS! IPIS!" Ang sunod sunod na sigaw ni Joey Boy habang patully pa din ang paglabas ng bangaw mula sa initak na Lechon.

"EHEEEEEEK!!!" Ang malakas na pag iyak ni Joey Boy nang bigla siyang niliparan ng mga chubby na bangaw.

"JOOOOOEEEEEY BOOOOOOY!!!" Ang tili na lamang ni Ate Katie nang makita niyang hinawakan ng umiiyak at nagpa Panic na si Joey Boy ang mesang pinaghahainan ng Lechon.

"TABI KAYO!!!" Ang sigaw naman ni Ma'am Silvs sa mga guest.

"EHEEEEEEEK!!!" Ang malakas na muling outburst ni Joey Boy kasabay ng pagbaligtad niya sa mesa.

Dahil sa pagkatakot ay talagang nalakasan ni Joey Boy ang pagtaob niya sa table kaya nama'y tumilapon sa mga nagtatakbuhang mga guest ang initak na binabangaw na Lechon...

****************

Halos three hours na natigil ang Celebration ng Party ni Katie dahil sa pagwawala at pagwawating ni Joey Boy...

Mabuti na lamang ay hindi na apektuhan ng mga bangaw from the lechon ang iba pang handa ni Katie dahil maagap ang mga Yayas and Maids na binugaw ang mga ito from the food...

Ginamit din ni Ma'am Silvs ang kaniyang mga Connection at naipa Rush niya ang pagde Deliver ng Ping Ping's Lechon...

Nang maiDeliver na ang Ping Ping's Lechon ay that time na din tuluyang kumalma itong si Joey Boy...

Kaya nama'y after ng masalimuot na pagtatahan at pagpapakalma kay Joey Boy ay naituloy na din ang Birthday Party ni Ate Katie...

"Ati... Sorry po..." Ang nahihiyang usal ni Katie nang nilapitan niya ang nagpapahingang si Ma'am Silvs.

"Sorry po talaga Ate..." Ani naman ng nakayukong si Justin.

"Saka na lang tayo mag usap at ang importante ay okay na si Joey Boy... Just Enjoy your party..." Ang nakaSmile na sambit lamang ni Ma'am Silvs.

Kahit na medyo naBadTrip itong si Ma'am Silvs sa magJowang sina Katie and Justin ay hindi niya mapigilang mapa i Smile habang pinagmamasdan niya ang maganang kumakaing si Joey Boy...

Nagse sebo na ang nguso nito habang nilalantakan ang isang plato ng Ping'Ping's Lechon...

Magiliw at maingat na sinasawsaw ni Joey Boy ang mga pieces ng Freshly roasted na Ping-Ping's Lechon sa masarap nitong Sarsa...

"MMMMMMMM.... SO CRISPY...." Ang outburst ni Joey Boy nang malutong na nagka Crack sa kaniyang bibig ang kaniyang nginunguyang Ping Ping's Lechon.

"SO DELICIOUS!!!" Ang next na outburst ni Joey Boy habang nagsa sawsaw muli siya ng Lechon sa Sarsa nito.

"THAT's WHY I SO MUCH LOVE PING PING's NATIVE LECHON... EHEK!!!" Ang last na sambit ni Joey Boy nang isinubo na niya ang hawak niyang Pice of Ping Ping's Lechon with Balat na puro sarsa.

Fin

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails