Maraming Salamat din po kay kuya Mike sa pagpayag niya na magpost ako ng kwento sa blog niya.
COMMENTS, SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME.
Love at its Best “Deceit”
(Book 3 Part 7)
by: Migs
Iminulat ko ang mata ko at sinanay ito sa liwanag na nanggagaling sa bintana, pilit kong inalala ang napaniginipan ko, panandalian kong ipinikit ulit ang aking mga mata. Naaalala ko ang mga impit na halinghing, ang kiskisan ng mga balat at ang mga masusuyong halik, mga halik na nanggagaling kay..., bigla kong iminulat ulit ang aking mata, tinignan kung nasa sarili kong kwarto ako, napabalikwas ako nang marealize na hindi ito ang kwarto ko at hindi ito ang kama ko, agad akong napatingin sa kaliwang bahagi ng kama, anduon tulog na tulog si Drei.
Lumabas ako ng kwarto at kinuwa ang sinampay kong damit, ilang santo na ang tinawag ko at ilang dasal na ang dinasal ko para lang di magising si Drei, at bago niya marealize kung ano ang nangyari, alam kong may nangyari ulit samin kagabi at yun na nga ang kinakatakot ko ang maulit ang kung ano mang nangyari samin dati at mauwi iyon sa isang relasyon o pagkakaintindihan.
“I hate commitments!” sabi ko sa sarili ko.
Iginala ko ang aking mata para sa isang pares ng medyas na maaring nahulog nung maglalaba pa lang ako o kaya naman ay nahulog pagkatapos kong maglaba. Muli kong iginala ang aking mata sa buong condo, nang makita ko ang medyas sa malapit sa may pinto ng CR ay agad ko itong kinuha at umupo sa sofa para isuot ito.
Habang nagsusuot ng medyas ay napansin ko ang shelf na nakalagay sa magkabilang gilid ng TV, simula ito sa sahig hanggang kisame, andaming libro, CD at mga lumang plaka, my mga picture frames din. Lumapit ako at inayos ang isang picture frame na nakataob. Rumehistro sa akin ang galit, pagkabigla at sakit ng pinagtrayduran. Parang nawalan ng lakas ang aking kamay at nabitawan ang picture frame. Malutong itong lumagapak sa sahig. Nabasag ang salamin na pumuprutekta sa picture.
0000oooo0000
Agad agad akong lumabas, naghihintay na ako ng taxi ng makita ko si Drei, nagsusuot pa ito ng damit pang taas habang tumatakbo papunta sakin, isinara ko na ang pinto ng taxi ng maabutan niya ako, kinakatok niya ito.
“Sir, kasama niyo ho ba siya?” turo ng driver, habang patuloy parin si Drei sa pagkatok sa bintana at pinabababa ako ng sasakyan.
“Hindi po manong. Sige po Ortigas po tayo.” pagkasabi ko nito ay tumingin ang driver sa bintana at tinitigan si Drei at ng mapansin nitong nakatingin na ako sa kaniya ng masama ay nagpaharurot na ito ng sasakyan papuntang Ortigas.
0000oooo0000
“anong ibig mong sabihin na kailangan kong magpresent ng ID bago makuwa ang kotse ko?! Isn't the car keys that I'm actually holding right now enough?! Besides nagiwan ako ng ID sa gwardya na nakaduty kagabi ah?! Bakit di mo tignan yun at ikumpara ang mukha sa picture nung ID saka sa mukha ko?!” nanggagalaiti kong sabi sa gwardya. Umiling lang ito at humingi ng pasensya.
“Sir, ang iniwan nyo po kagabi dito ay calling card at hindi ID, ngayon kailangan ko po ng ID para malaman na kayo nga po ang Ramon Saavedra na sinasabi nitong calling card na hawak ko.” paliwanag ng gwardya, marahil dahil sa may tama na ako kagabi ay calling card ang naibigay ko sa gwardya kagabi. I can't believe I left my wallet at Drei's place, wala na nga akong maipangbayad sa driver ng taxi at ngayon di ko pa makuwa ang sasakyan sa bar na pinaginuman namin ni Drei kagabi. Nakita kong may kinakausap yung driver ng taxi na sinakyan ko kanina, galit na humarurot palayo ang taxi, nainip siguro. Pagkaalis na pagkaalis ng taxi ay may nakita akong lalaking nakatayo malapit sa pinagparadahan ng taxi kanina. Lumapit ito, magsasalita sana siya ng pigilan ko siya.
“We'll talk later.” matigas kong sabi, kinuwa ko ang wallet ko sa kaniya at kinuwa ang driver's license ko at pinakita ito sa gwardya.
“ok na?!” galit kong sabi dito at naglakad papuntang parking ng club, binuksan ko ang kotse at sabay kaming sumakay ni Drei dito, tahimik parin siya at parang balisang balisa.
“talk.” malamig kong sabi sa kaniya habang inilalabas ang kotse ko sa compound ng club.
“I should've told you about me and Dal. Alam ko, after what happened last night, alam kong dapat sinabi ko na sayo ang tungkol kay Dal. I mean I like you Ram...” natigilan siya saglit. “Her name is Dalisay Diaz-Chua, we got married three years ago. And she...” natigilan saglit si Drei “she's dead... patay na siya p..” dugtong niya na may halong kabiteran, nagulat ako sa sinabi niyang yun, napatingin ako sa kaniya at di ko napigilan ang sarili ko na abutin ang kamay niya at hawakan ito. Di na naituloy ni Drei ang sasabihin niya. Nasasaktan siguro siya masyado.
“coffee?” alok ko dito, binigyan niya lang ako ng matipid na ngiti.
Di kami halos naguusap ni Drei sa loob ng coffee shop, kita ko parin sa mga mata niya ang lungkot. Di ko naman din kasi inaasahan na makita ang picture na iyon, malay ko bang ang nakataob na picture frame na iyon ay ang picture ni Drei at ng kanyang asawa nung kasal nila. Pero pinigilan ko narin ang sarili ko na magtanong pa tungkol dito, sa halip nagisip ako ng paraan para makabawi dito.
“want to know kung bakit ako galit sa commitments and just prefer one night stands?” panimula ko at napaangat naman ng ulo si Drei.
“I left my girlfriend of four years to someone who is not worth it, he made me believe that he loves me and then on our first valentines date, he dumped me. That's why I hate commitments, commitments make us sacrifice something that is worth it for something that is not. I prefer One night stand kasi it makes me feel loved and cared even for a while and it makes me feel commited even for just that one night, without sacrifing anything.” napatahimik kami pareho, alam kong malalim ang iniisip ni Drei, inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito, nginitian ko lang siya.
“I'm sorry about Migs.”
“yeah, me too.” at nagbigay ako ng matamlay na ngiti.
“Remember the first time we met?” tanong sakin ni Drei, kahit di ko naman talaga naaalala ay tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.
“haha! I'm sure you don't. Let me remind you then...” nangingiting sabi ni mokong.
“Naaalala ko pa nung nagsimula kang pumasok sa LAX, no invites, no VIP card and you're not even on the guest list pero you got admitted ng ganun ganun na lang na parang ikaw ang may ari ng lugar.” nangingiti si Drei habang nakatingin sa mga mata ko at nakahawak parin sa kamay ko.
“of course you looked down, parang stressed out ka sa work or something pero marami parin ang nagbibigay ng pansin sayo, panong hindi eh black leather jacket, fitted v-neck white shirt, black semi fitted jeans and white kicks from nike ba naman ang...” nangiti si mokong, siguro dahil nakita niya yung reaksyon ng mukha ko, sinong di magugulat kung mi ultimo damit ko nung gabing magkakilala kami eh tandang tanda niya pa.
“you were drinking those tequilla shots like there's no tomorrow. And when I actually got the guts to talk to you, you just stared at me for a while then you asked me to dance with you.” natatawa niyang sabi habang nakahawak parin sa kamay ko.
“Habang nakikipagsayaw sayo, I can't help but think kung pano mauuwi yung gabing yun. And there, as it turned out, one night stands lang pala ang gusto mo. At nung nakipagkaibigan pa nga ako sayo, nagalit ka pa at naglakad palayo. Pero mapanukso talaga ang tadhana. Nakatarbaho pa kita, sabi ko sa sarili ko na kukuwanin ko ang loob mo, pero di umayon lahat sa plano ko. nagrambulan pa nga tayo sa office...” natatawang sabi ni Drei.
“pero lalo kitang nagustuhan, kahit na nakulong ako dahil sayo.” at sa sinabi niyang yun ako naman ang napatawa. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumayo.
“Where are you going?!” gulat na tanong ni Drei.
“going home so I can prepare for later.”
“what about later?”
“our first date.” nginitian ko siya, alam kong nagulat din si mokong sa bigla kong pagaya sa kaniya, alam ko rin naman kasing gusto ko siya, di ko lang siguro maamin sa sarili ko.
0000oooo0000
“What the hell Drei!? Asan ka na!” isang oras na akong nagiintay sa isang restaurant na pinagusapan namin ni Drei. “I swear Drei, babalatan kita ng buhay!” sabi ko ulit sa sarili ko habang kinakabahan akong nakatingin sa mga waiter. Napatingin naman ako sa pinto ng restaurant at nakitang pumasok na si Drei at naglalakad na papunta sa table namin.
“where have you been?!” naiirita kong tanong kay kumag, pero di ko parin mapigilang humanga kay mokong, red fitted shirt, faded blue jeans and sneakers, simple pero humahakot ng pansin.
“di ko alam na may phobia ka pala sa restaurants.” nangiinis na sabi nito sakin.
“phobia?”
“yup, your eyes keep shooting from left to right, your palms...” sabay hawak ni kumag sa kamay ko. “...palms are sweaty at may butil butil ng pawis sa may ilong mo....” sabay pahid ng pawis ko sa ilong. Tapos sunod niyang hinawakan ang dibdib ko. “... and of course palpitations, classic signs of a person facing their phobia.”
“I've been here for an hour without someone to talk to, I look stupid staring at the chair opposite me while everybody is dodging glances at me thinking how stupid I am for waiting for a date who seems to have bailed on me.” naiinis kong sabi kay Drei.
“chill. Andito na ako.” sabay ngiti ni mokong na nakakaloko. Di na ako kumibo. Umupo na siya silya sa tapat ko. Tinawag niya ang waiter at umorder na.
“how about you Sir?” baling sakin ng waiter.
“I'll have the same.” matipid kong sagot. Maaring napansin ni Drei na nawala ako sa mood. Tinaas niya ang baso niya at nagpropropose ng toast.
“to us.” sabi niya. At nang ibabangga ko na ang baso ko sa baso niya ay bigla niya itong hinila at ibinaba ulit sa lamesa sabay tingin sa mata ko at halik sa labi ko, nagulat ako. Ngayon ang mga tao sigurong nagiisip na para akong tanga kanina ay sigurado kong naiiskandalo na ngayon sa nakikita nilang dalawang lalaki na naghahalikan. Pero hindi ko na sila pinagbalingan ng pansin at ipinikit narin ang aking mata.
0000oooo0000
“medyo nabitin ako dun sa dinner natin.” sabi ni mokong pagkalabas na pagkalabas namin ng restaurant.
“bitin ka padin dun?! Ano bang bulati meron ka?” nangingiti kong tanong sa kaniya.
“tara dun tayo!” sabay hila sakin ni Drei papunta malapit sa parking lot.
“balot?!” nasabi ko nang makita ko kung saan ako balak dalin ni kumag.
“not just balut, but the best balut in town!” nangingiting sabi ni Drei. Hinila niya ulit ako papunta sa isang makeshift na lamesa na inilagay doon para talaga sa mga kakain ng balut at iba pang street foods na binebenta doon. Umupo na kami, napansin kong may tinitignan si mokong sa likod ko, parang may sinesenyas.
“type mo si manong?” pangaasar kong tanong sa kaniya.
“bakit naman ako titingin kay manong eh nandiyan ka naman sa harapan ko.” pagkasabi niya nito ay napatawa ako ng malakas.
“oh anong nakakatawa?”
“ang keso mo kasi.” nangingiti kong sabi. Napatawa naman siya at nagulat ako ng pumalakpak ito, may naglitawan na mga manong sa paligid namin, naglagay ng kandila at flower vase sa lamesa namin. Di ko mapigilang mapatawa, pumalakpak ulit si mokong at naghatid nang sago gulaman ang isa sa mga manong sa isang plastic cup. Tumaas ang kilay ni mokong at tinignan ang table setting, parang may hinahanap na dapat nandun sa lamesa namin, pumalakpak ulit ito at naglagay ng bulaklak ang mga manong sa vase, napansin kong ito yung mga binebenta na plastic roses sa kalsada at mukhang puro alikabok pa, nagulat ako nang biglang may lumapit samin na manong at naglagay ng isang bowl ng balut sa pagitan namin ni Drei.
“that's more like it.” sabi niya at napatitig ako sa kaniya ng matagal.
“walang typhoid yan! Choosy nito!” sigaw niya sakin sabay simangot. Nakita kong parang may nagbago sa aura ni mokong kaya't sinipa ko siya.
“what's that for?!” sigaw ulit niya.
“thank you.” sabay ngiti ko sa kaniya nginitian lang din ako ni mokong.
0000oooo0000
“Himala, di ka ata lumabas at naginom kagabi?” bungad sakin ni kuya.
“good morning too kuya.” sarkastiko kong sagot sa kaniya.
“dito ka magbre-breakfast?” takang tanong ulit nito sakin.
“yup, bakit masama?” pangaalaska kong tanong kay kuya.
“well that's a first.” sabi ni kuya habang nakatitig parin sakin, titig na animo'y iniintay na magiiyak ako sa harapan niya at pangatawanan ang kanyang hinala na nababaliw na ako.
Marami na ang nakapansin ng pagbabago sakin, mas naging palabiro ako, palabati sa mga staff at malaki din ang pinagbago ng aking itsura, bumalik ang dati kong sigla, wala silang alam na si Drei ang nasa likod nito, pero alam kong may mga hakahaka na ang mga ito. Madalas din kasi kaming nakikitang nalabas at madalas kaming nakikitang magkasabay umuuwi at pumapasok.
“kulang na lang words of endearment eh.” narinig kong tsinitsismis ni Janine sa sekretarya ni Drei, wala namang kaso sakin yun, pagdudahan nila ang seskwalidad ko, wala akong pakielam, makalbo sila sa kakaisip kung ano talaga ako wala akong pakielam, sila naman tong namomoblema eh.
“words of endearment?” nabulong ko sa sarili ko, wala pa kami sa ganong stage ni Drei, gusto ko siya ang unang magtanong about sa topic na iyon, kung tanungin niya ako about sa status namin, ibabalik ko lang sa kaniya ang tanong.
“Sir, 5pm meeting is about to start.” pagbasag ni Janine sa aking pagmumunimuni. Pumasok ako ng conference room at umupo sa tabi ni kuya. Binuksan ko ang laptop ko at nag log in sa facebook, tumingin ako sa usual na inuupuan ni Drei, pero wala pa ito.
“looking for someone?” takang tanong ni kuya, siguro'y napansin niya na kanina pa ako palingalinga. Di ko na lang siya pinansin. Nang pumasok si Drei, pawis na pawis ito akala mo tumakbo sa 5km run to save the ilog Pasig marathon. Nang mapansin kong naka OL narin siya sa FB ay nag message agad ako sakanya.
Me: bakit ka late?
-Drei-: mamya ko na kwento sayo.
-Drei-: is off line (5:02pm)
“ayos ah!” bulong ko sa sarili ko at hindi ko na nilogout ang account ko at isinara ko na ang laptop ko with a snap. Nang matapos ang meeting, iginala ko ang mata ko at ng di makita si Drei ay tuloy tuloy na akong lumabas ng conference room at pumunta sa opisina ko. nakita kong nakangiti si Janine na nakakaloko sa tabi ng pinto bago pa man ako pumasok ng opisina ko, di ko na ito pinansin.
“what the...” gulat kong bulalas ng makita ang isang malaking poster na nakapatong sa tripod.
“follow the petals” basa ko sa mga salitang nakaprint sa poster na iyon. Napatingin ako sa sahig at nakita kong may mga petals na nagkalat sa sahig, sa sobrang galit ko siguro kay Drei ay di ko na napansin ang mga ito pagpasok ko. “kaya pala ang lawak ng ngiti ni Janine.” sabi ko sa sarili ko. sinundan ko ito palabas ng opisina ko papunta sa elevator kung saan nakita ko si Janine na pinipindot ang hold button, at ng makasakay ako dito ay lumabas ulit ito, hanggang sa may lobby ay may nagkalat na petals. “ano nanamang gimik to Drei?!” naiiinis kong bulong sa sarili ko. napasinghap ako ng makita ko ang dulo ng mga petals na iyon malapit sa nakabukas na pinto ng isang limousine, sumakay ako dito at agad humarurot ang limousine papunta sa isang lugar na hindi ko alam.
“table 23.” sabi ng driver ng limousine pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.
“thank you.” bulalas ko, agad akong pumasok ng restaurant at nagtanong sa receptionist ukol sa table 23, magiliw naman ako nitong sinamahan papunta doon, nakita ko si Drei na nakatayo at ngiting ngiti ang kumag.
“surprise!” sigaw nito.
“what's the occasion?” tanong ko, umupo ako at gayon din siya.
“we've been dating for the past 3 months already, Isn't it time to take the notch a little bit higher?” sabay nito ang paghawak niya sa kamay ko at tinitigan ako pero biglang nagbago ito ng reaksyon ang kanina lang ay nanlalambing na titig ngayon ay puno na ng gulat, bumitaw ito sakin at biglang tumayo.
“hi Drei. Kamusta?” galing sa isang babae na nasa likod ko, napatalikod naman ako at nakita ang isang pamilyar na babae.
“I'm Dalisay Diaz – Chua, and you are?” sabay abot ng kamay ng babaeng nagpapakilalang asawa ni Drei.
Itutuloy...
awch!!! si dalisay ba talaga un?
ReplyDelete