Followers

Friday, January 28, 2011

Now Playing Chapter 19

Posted by: Half
Blog:
http://halfofmeisyou.blogspot.com
-------
Pasensya na po ulit kung ngayon lang dumating ang latest soundtrack. Busy ako sa school work, siyempre. Exams week po kasi, dagdag pa ang thesis at reports na nakaka-stress. Time out po muna ako.

Sa lahat ng naghintay at hindi nagsasawa, maraming salamat po sa suporta. 'Wag po kayong mag-alala, may ending na ang kwentong ito. Yup! Tapos na, pero siyempre, one post at a time lang. Okay?

Salamat po sa inyong lahat. Love you all.
-------
Flashback:
>>>
"Naikwento ko na si Micco sa iyo, diba? Alam mo kasi, Clyde reminds me of Micco. Well, I love Clyde not because I saw Micco in him. Basta mahal ko lang siya. Ang problema lang, yung situation. Micco gave me a ring before, a silver ring with his name inscribed inside it. And Clyde did the same thing." ang sabi ko sabay taas ng kamay kong may singsing.
>>>
"You became my hero in every ways possible." ang dugtong ko pa. I'm so grateful with all of the things he did. But what makes me happy is the fact that he's my friend, and what makes me proud is that he remained to be the hero I love. And I will always love.
>>>
"Xander, gusto ko sanang sabihin sa iyo ito ng personal, pero ayokong patagalin pa. At ayokong sa iba mo pa malaman. Xander, si Clyde at ako, kaming dalawa na." ang sabi ko. Alam kong malulungkot siya sa mga sinabi ko, ngunit habang maaga, mas gusto kong malaman niya ang totoo.
>>>
"I love you, Clyde."

"I love you too, Edge." at tuluyang naglapat ang aming mga labi. Ang sandaling paghihiwalay namin kanina ang nagbigay sa amin ng pananabik sa isa't-isa. Ang labi niya ay inaakyat na naman ako sa langit. Nawawala ako sa sarili dahil sa kuryenteng dulot niya. Ang mahal ko. Ang pinakamamahal ko.
>>>
"O talaga? That's good. Paabot naman ng ketchup."
>>>
Tumayo ako sa taas ng hagdanan, at minasdan ang madlang nakatingin. Napakatahimik ng gabing ito, hindi ko mawari kung bakit. Tinignan ko si Clyde na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko tuluyan nang magiging tahimik ang lahat. Ngunit mula sa isa, naging dalawa, tatlo, ay sunud-sunod at sabay-sabay nilang ginawa ang iisang bagay.

Isang masigabong palakpakan.
-------
Now Playing Chapter 19
Life After You Part 03

"All that I'm after
Is a life full of laughter
As long as I'm laughing with you
I'm thinking that
All that still matters
Is love ever after
After the life we've been through
I know there's no life after you.."
- Daughtry, Life After You
-------
Patuloy pa rin ang palakpakan ng mga tao sa gabing ito. At habang bumababa ako ng hagdanan ay palakas ng palakas ang palakpak na naririnig ko. Sinalubong ako ni kuya Ced sa gitna ng hagdan at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.

"I love you, bro. You're the best birthday gift I've ever had. Thank you." ang bulong niya sa akin. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Inakbayan niya ako, at sabay kaming bumaba ng hagdanan. Sinalubong naman kami nila mama at papa pati nila mom at dad. Niyakap ko rin silang apat. I turned to Pat and Clyde na bakas sa mukha ang sobrang tuwa. At humarap naman ako kay Donya Cresencia.

"Lola.." ang tanging nasabi ko. Tuluyan na akong naluha sa tagpong iyon. Ibinuka niya ang kanyang mga bisig, inaanyayahan akong yakapin siya.

"Ang apo ko.." ang sabi niya. Yumakap ako sa kanya. Iba na naman ang pakiramdam, para akong ipinaghehele ng isang diwata. Ewan ko, pero I feel very safe in her arms.

"Nandito na po ako, lola." ang sabi ko habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Ikaw nga ang apo ko, walang duda. Kamukhang-kamukha mo ang kuya mo. Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? 'Wag ka nang mawawala ulit. Maliwanag ba?" ang tuloy-tuloy na sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo, at nginitian ko siya.

"Opo lola. Kamusta na po kayo?" ang sabi ko habang pinapahid ang sarili kong luha. Doon nagsimula ang gabi ko. Paulit-ulit niyang sinasabi na natutuwa siya at nagkatagpo na kaming dalawa. Ako rin naman ay ganoon ang nararamdaman. Kung kani-kanino niya ako ipinapakilala, mga kamag-anak, pinsan, mga amiga, at kung sinu-sino pa. Halos ayaw niyang bitiwan ang mga kamay ko. Parang wala pa rin yata ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko lutang na lutang ako. Masayang-masaya ako sa gabing ito.
-------
"Masaya po ako sa naging buhay ko sa piling ng pamilyang kumupkop sa akin. Mabubuti silang tao, wala silang hinangad kundi ang kabutihan naming magkapatid. Simple ang naging buhay ko kasama sila, pero naging napakakulay n'un dahil sa pagmamahal nila." ang sabi ko kay lola. Nasa isang malaking lamesa kami. Si lola, mama, papa, mom, dad, si tito Tristan at tita Minerva, kuya Ced, ang kambal na sila Chuck at Cassidy, si Pat, si Clyde, at ako.

"Natutuwa ako at naging mabuti ang pagpapalaki nila sa iyo. Maraming salamat sa inyo." ang baling ni Lola kila mama at papa.

"Hindi po ninyo kailangang magpasalamat. Anak rin po namin si Edgar, kaya ginawa lang po namin ang dapat naming gawin. Isa po siya sa mga anghel namin." ang sagot ni mama kay lola. Hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi. Tumayo ako ng upuan at niyakap si mama at nagpasalamat.

"Oo nga pala, Iho. Ito ang mga kapatid mo. Si Chuck Axel at si Cassidy Mae." ang pakilala ni lola sa kambal. Mas matanda ako sa kanila ng tatlong taon. Pareho silang 17 ngayon. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila, kaya nginitian ko na lang silang pareho.
-------
Si Chuck Axel ang unang lumabas sa kambal. 5'7", maputi, kulay tsokolateng buhok, may malamlam na mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Hindi tulad namin ni kuya Cedie na magkamukha, nahahawig si Chuck kay Mom. Si Cassidy Mae naman ay 5'6", maputi, kulay tsokolateng buhok, bilugang mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong, manipis na labi, pantay at mapuputing ngipin. Kahawig din ito ni Mom, pero sa totoo lang, mukha siyang manika. Jillian Ward? Hahaha.
-------
"Hi kuya." ang bati sa akin ni Cassidy.

"Hello." ang sagot ko kasama ang isang ngiti. Syempre nahihiya pa ako. Pero mahaba pa naman ang gabi.

Ano pa nga ba ang nangyari? Puro kwentuhan lang naman ang inatupag namin. Kwento ng mga pinaggagagawa ko sa buhay, sila naman tungkol din sa buhay nila. Pero parang wala namang pumapasok sa isip ko sa mga kinikwento nila. Lutang na lutang nga ata talaga ako. Iba ang saya na dulot ng malaking pamilyang mayroon ako. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa itaas.

Maya-maya, kahit tapos na kaming kumain ay kwentuhan pa rin ang nangyari. Kasalukuyan akong nagsasalita nang may magsalita sa likuran ko.

"Tignan mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo. Diba, Ed?" Luningon ako sa pinagmulan ng tinig, at nagulat ako sa taong nakita.

"Aries?" ang namamangha kong sagot. Ano'ng ginagawa niya dito?

"Kamusta, Edge." ang sabi niya sabay bitaw ng pamatay na ngiti. Oh God.. Lalo pang nadagdagan ang tuwa ko nang makita siya.

"Aries!" ang sabi ko sabay tayo at yakap sa kanya. Hay, ang tagal ko nang hindi nakita ang adonis na ito, kaya tuwang tuwa ako na makita siya ngayon.

"Aahh Ed, I can't breathe!" ang natatawang sabi ni Aries. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at sinuntok ng mahina ang kanyang dibdib.

"Ikaw ha. Na-miss kita. Kamusta? Bakit ka nandito? Ano-"

"Whoah, easy lang." ang nakangiti niyang tugon. Kumuha ako ng isa pang upuan at pinaupo ko siya sa tabi ko. Tinanong ko ulit kung ano'ng ginagawa niya dito, and he answered in as-a-matter-of-fact manner.

"2nd cousin ko kayo." ang naka-ngiti niyang sabi. Hala, magpinsan pa rin pala kami. Buhay nga naman.

"Talaga! Yeah, pinsan pa rin kita! Hahahaha" ang niyakap ko siya ulit.

"Teka, paano naman nangyari iyon?" ang tanong ni Papa kay Aries.

"Bale kapatid ni papa (Oliver Maclor) si tita Ysabella na asawa ni tito Lextur na kapatid ni tito Ace (Wallace 'Ace' Lewis, Edge's biological father). Pinsan ko po si Franklin, anak nila na pinsan rin nila Ed." ang sagot naman niya kay Papa. Ah talaga. Naman, nagka-dugtong-dugtong pala ang mga buhay namin.

"Naku pinsan 'wag ka nang magpaliwanag. Basta magpinsan pa rin tayo." ang natutuwa kong sabi. Naman eh. Nginitian naman niya ako, at malambing na tinampal ang pisngi ko. Tinanong ko kung bakit wala sila tito at tita, may trabaho daw kasi. At may exams sila Erol at Mikka kaya hindi nakasama.

"Nami-miss ka na nila, Ed, lalo na si 'bunsoy'" ang pagbibigay-diin niya sa huling salita. Napa-isip naman ako kung ano na ang nangyari kay Erol. Pero agad naman siyang nagsalita na parang nabasa ang laman ng isip ko.

"He's lonely, but definitely not alone, Ed. Kung matututo lang siyang magmasid at makiramadam, siguradong magiging makulay ang paligid niya." ang sabi niya na inilikot pa ang dalawang kilay. Alam ko ang sinasabi ni mokong. Mabait na bata si Erol. At gwapo pa. Kaya hindi nakapagtatakang nagkagusto sa kanya ang bestfriend niya. But that's another story.

"Tama ka, pinsan. But let's make him learn that by himself. That's much better. Oo nga pala, si Clyde." ang pakilala ko kay Aries kay Clyde. Tinapunan muna niya ako ng tinging nagtatanong bago humarap kay Clyde at nakipagkamay.

"Nice meeting you, pare."

"Same here."

"So Ed.." ang sabi ni Aries. Tumingin ako sa kanya, at iginalaw niya ang kanyang mga kilay. Alam ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. I mouthed 'later'.

Maya maya, matapos ang mahaba-habang kwentuhan, ay isa-isa na rin kaming nagtayuan. Konting halubilo, konting kwento, kulitan, at kung anu-ano pa ang pinaggagawa namin bago tuluyang nabawasan at nawala ang mga bisita. Pasado alas 12:00 na nang magsimula kaming magligpit. Naki-tulong kaming mga bata sa mga kasambahay para mas mapabilis ang gawain at para lahat kami makapagpahinga na. Pinauna na naming umakyat si lola, alam n'yo na, may edad na. Ako ang naghatid sa kanya sa kwarto niya, kasi request niya sa akin. Hay, naman.

"Apo.."

"Lola, matulog na po kayo." ang sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya pahiga sa kanyang kama. Hindi naman siya agad humiga, umupo muna siya dahil may gusto daw siyang sabihin sa akin.

"Iho, maaari mo bang i-abot ang kahong nasa tabi ng larawan ng lolo mo?" ang nakangiting sabi ni lola. Dali-dali naman akong tumalima sa kahilingan niya. Lumapit ako sa lamesang kinalalagyan ng larawan ni lolo at ng kahon. Saglit kong tinitigan si lolo. Napaka-kisig niyang tignan sa suot niyang kulay abong amerikana.

"Siya ang lolo Armand mo. Alam mo, napaka-buti niyang tao." ang sabi ni lola. Nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa larawan. Muli naman niyang ipinagpatuloy ang pagku-kwento.

"Apo, gusto kong sabihin sa iyo ang huling kahilingan ng lolo mo bago siya tuluyang namaalam." Kinuha ko ang kahong kulay abo na gawa sa kahoy. May maliit na kandado ang kahon. Umupo ako sa tabi ni lola at ibinigay sa kanya ang kahon. Binuksan ni lola ang pinakamataas na butones ng damit niya at inilabas ang isang kwintas. May pendant ito na hugis susi na gawa sa ginto. Tinanggal niya ang kwintas niya, at isinusi ito sa kandado. Bumukas ang kahon, at nakita kong may laman itong mga larawang niluma na ng panahon. Inilabas ni lola ang mga iyon at inilagay sa isang tabi.

"Nais niyang humingi ng tawad sa iyo. Nadamay ka kasi sa pagkakamali niya, ang pagtatakwil sa papa mo. Hindi niya inasahan na ganoon ang mangyayari kaya nagalit siya. Ngunit dahil wala na ang lolo mo, ako na ang hihingi ng tawad para sa kanya." ang malungkot na sabi ni lola. Patuloy pa rin ang pagtanggal niya sa mga litrato na parang may hinahagilap sa loob ng kahon.

"Lola.."

"Mapapatawad mo ba ang lolo mo, Edgar?" ang tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang isang kamay ni lola.

"Hindi po ako galit kay lolo. Inaamin ko po, noong malaman ko ang lahat, nagalit ako. Ang sinasabi ko ay galit ako kay mom at dad, o kay mama at papa. Pero ang totoo po, galit ako sa pagkakataong gumulo sa mga buhay natin. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, alam ko na nakatulong sa akin ng malaki ang mga nangyari. Kasi ngayon lola, mas malakas, mas marunong, mas matatag na ako, at ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng maging buo." ang sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako, at hinagkan ko ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang aking kamay at inilagay sa palad ko ang isang matigas na bagay. Inalis niya ang mga kamay niya at nakita ko ang isang gintong kwintas na may pendant na kasing laki ng sampung piso. May naka-engrave na letrang 'L' sa gitna na napapalibutan pa ng mabusising detalye sa paligid.

"Nais ng lolo mo na ibigay sa iyo 'yan. Namana pa niya 'yan sa ama niya. Sa tingin ng lolo mo, ikaw ang dapat mag-may-ari nito. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nais niyang pagbigyan niyan, ngunit kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam." ang sabi ni lola. Dinama ko ng aking hinlalaki ang bawat detalye ng pendant. Nakakamangha.

"Baka po "danyos"" ang sabi kong natatawa kay lola. Natawa rin siya sa sinabi ko, at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"'Wag na po nating isipin ang mga pagkakamaling nangyari. Ang mahalaga po ay magkakasama na tayo ngayon. Ayos po ba?" ang nakangiti kong tugon kay lola. Nagyakap naman kaming dalawa, at hinagkan ko siyang muli sa pisngi bago magpaalam.
-------
"Alam ko." ang sabi ni Aries sa akin. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa presensya ni Clyde. Bumalik kasi ako sa balkonahe pagkagaling sa kwarto ni lola. Nakita ko siyang nakaupo sa isang parte ng terrace, kaya nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod.

"What's new? Even before, sasabihin ko pa lang, alam mo na." ang sagot ko sa kanya.

"Be honest, Ed." bahagya siyang tumagilid para tumingin sa akin nang hindi naaalis sa yakap ko, at tumingin din ako sa kanya. Ito yung mga pagkakataon na kahit hindi kami mag-imikan ay magkakaintindihan kami. Ganito kalakas ang koneksyon namin ni Aries.

"Later ko na lang na-realize na may mga similarities pala sila. Natakot rin ako, dahil alam kong mahal ko na siya. Pero sa kabilang banda, magka-iba pa rin sila ni Micco. Si Micco ay si Micco, at si Clyde ay si Clyde." ang sagot ko sa kanya. Umikot siya ng upo para humarap sa akin. Ngayon ay magkaharap kaming magkayakap.

"Natatakot ako para sa iyo, Ed. Paano kung nakita mo nga lang sa kanya si Micco? Paano kung bigla kayong magkita ni Micco? Paano mo haharapin ang lahat?" ang sabi niya sa akin.

"Ayoko nang isipin ang mga iyan. If I live my life in what-ifs, then there's no way I'll experience the very meaning of happiness." ang sabi ko sa kanya.

"Ed?"

"Hmm?"

"You know I love you, right?" ang tanong ni Aries.

"Of course. I love you, cuz." ang sagot ko sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, at ganun din ang ginawa ko. Naku, kung hindi ko lang talaga alam ang katotohanan, iisipin kong mahal nga talaga ako ni Aries. Pero wala na iyon, pangarap lang. Basta ang mahalaga, nasa tabi ko siya.

"Thank you."

"Don't mention it, Ed."
-------
"Can't you see? He's a fag." ang narinig ko sa sala. Nagtago ako ng bahagya sa hagdanan para hindi nila ako makita.

"And so? He's still our brother. Don't make a fuss with that." ang sagot ni Cassidy kay Chuck. Sabi ko na nga ba, homophobic si Chuck.

"Cass, he's a fag. He kisses boys-"

"So I'm a fag too? I kiss my boyfriend everytime we get a chance."

"'Wag kang pilosopo. Hindi ka ba nadidiri sa kanya?" ang naiiritang sabi ni Chuck. Ewan ko, pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Para bang piniga ang puso mo, at nahihirapan kang huminga. Bakit sa lahat pa ng taong magsasabi n'un ay si Chuck pa?

"For Christ's sake, Chuck. What's the matter with you? Magkakambal tayo, pero I never knew na ganyan kakitid ang utak mo." ang napipikong sagot ni Cass. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-agos na ito. Pinahid ko ito, at habang ginagawa ko iyon ay may yumakap sa likod ko.

"Everything will be alright, Ed. I'll never give you up." ang bulong ni Clyde sa tainga ko. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Clyde.."

"Gagawa tayo ng paraan para ipa-intindi sa kanya. Maiintindihan niya rin, Ed. Maiintindihan niya kung bakit kita mahal. Pangako ko 'yan sa'yo. Mahal na mahal kita." ang sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang kanyang mga labi. Punung-puno iyon ng kanyang mga pangako at pagmamahal.

"Mahal na mahal kita, Ed."

"Mahal na mahal din kita, Clyde."
-------
Kinabukasan ay umuwi na rin kami. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na kami. Ang layo kaya ng Quezon sa Bataan. Naman.

Syempre si lola ayaw na akong paalisin. Nagpaliwanag naman ako na babalik ako sa katapusan ng October, sembreak namin kasi n'un. Sumama pa sa amin pabalik si kuya Cedie. Ewan ko ba dito. Mabuti na rin iyon para may sasakyan kami. Ginawang driver si kuya. Hahaha.

"Sige po, mauna na po kami. Babalik po ako dito sa sembreak, lola." ang sabi ko sabay halik sa kanyang noo.

"Kahit 'wag na.." ang mahinang sabi ni Chuck. Kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin. Tumingin ako sa kanya, at nakita kong yumuko siya. Nakatingin din pala sa kanya sila Pat, Clyde, at kuya Cedie. Tsk.

"Pangako iyan, ha? I love you, apo."

"Opo lola. I love you too." sabay yakap sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Chuck. Naniniwala akong magkaka-ayos din kami.

"Bye Chuck, Cass. Mami-miss ko kayong dalawa." ang sabi ko. Yumakap naman sa akin si Cassidy, at tumango lang sa akin si Chuck. Halatang napilitan.

"Mami-miss din kita, kuya." ang bulong ni Cass. Nginitian ko naman siya.

"Mom, Dad, aalis na po kami." ang paalam ko sa kanila. Niyakap din nila ako na ikinataba ng aking puso.

"Maraming salamat, anak. Babalik ka, ha?" ang sabi ni Dad.

"Opo." ang nakangiti kong sagot. Hinalikan muna ako ni Mom at hinaplos ang pisngi bago malambing na itinulak ako palabas.

"Sige na, iho. Mag-i-ingat kayo." ang sabi niya sa amin.

Paulit-ulit na paalaman pa ang nangyari bago kami tuluyang nakaalis.
-------
"Kuya Ced.."

"'Wag kang mag-alala, Chase. I'll handle Chuck." ang sabi ni kuya. Kanina pa kasi sya ngiti ng ngiti sa akin.

"Kuya, just let him."

"No, I won't."

"Maiintindihan niya rin iyon, in his own time. Besides, I don't expect other people's acceptance. Ang mahalaga alam niya. He's our brother. I'm sure he'll understand." ang sagot ko sa kanya.

"Hindi, Chase. Sa ating apat, si Chuck ang may pagka-rebelde. I know what he can do. Don't worry. Ako'ng bahala sa iyo." ang sabi ni kuya.

"How come na medyo rebel siya?" ang tanong ni Papa.

"I don't know, tito. Mabait naman si Chuck, but may mga pagkakataon nga lang na sumusobra ang pagiging pasaway niya. May sinabi rin si Cassidy sa akin na hindi ko pwedeng palampasin." ang sabi ni kuya. I can sense na nagiging aggravated si kuya.

"Kuya, just don't think too much. Okay, sige, Chuck may be a rebel or what, but he's still young. Maiintindihan niya rin iyon. Basta walang mang-aaway sa kanya. Nagkaka-intindihan ba tayo, kuya?" ang tanong ko kay kuya Ced. Natawa naman siya sa tanong ko.

"Opo. Ang kulit. Hahaha."

"We're just here, Eddy. Okay?" ang sabi ni Pat sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at masuyong hinalikan. Naku, ito na naman tayo.

"Yeah, Ed. Just don't worry." ang sabi naman ni Clyde sabay halik sa kanang kamay ko.

"Everything will be alright." si Pat sabay halik sa kaliwang pisngi ko.

"With me protecting you everytime." si Clyde sabay halik naman sa kanang pisngi ko.

"Mga Adonis ko, magsitigil nga kayo." ang naaaliw kong sabi. Uh-oh. Mukhang mali ang nasabi ko. Lalong lumuwag ang pagkakangiti ng dalawa at sabay pang humalik sa magkabila kong pisngi. Tss. Naman eeehhh. Ahahahaha kinikilig ako.
-------
Monday, 9:27 AM

"Late? Buti wala si Engr. Vasquez." ang sabi ni Lex. Oo, na-late kaming tatlo nila Clyde at Pat.

"Mabuti naman." ang medyo humihikab ko pang sabi.

"Nag-threesome siguro kayong tatlo, 'no?" ang sabi naman ni Mac. Sirena ka. Lagot ka sa akin ngayon.

"Foursome. Pati si kuya Adam kasama namin." ang sagot ko.

"S-si kuya Adam?" ang nagulat na tanong ni Mac. Tumango ako, at pilit pinigilan ang tawang kanina pa gustong lumabas sa bibig ko.

"Y-you're kidding, right?" ang tanong ulit niya.

"Kidding? Oo, gumawa kami ng bata." ang nangingiti kong sabi. Nanlaki ang mata niya, at tumingin kay Clyde. Pasipul-sipol naman si loko. At si Pat naman ay nagkibit-balikat.

"No.." ang sabi ni Mac.

"Yes." ang sabi naming tatlo. Hindi naman maka-relate si Lex. Pero maya-maya ay hindi na rin kami nakapag-pigil at tumawa na rin kami. Lalong naguluhan si Lex, pati si Mac.

"Huy, ano ba talaga?" ang parang nagmamaka-awang tanong ni Mac. Haha. Mahal na mahal niya nga si kuya Adam.

"Kinabahan ka, ano? Huli ka ngayon, Mac." ang sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Uh.." ang tanging nasabi niya, at pinamulahan siya ng mukha.

"Ikaw ha. Type mo pala si Clyde. Sana sinabi mo sa akin." ang bulong ko kay Mac. Napangiti naman siya. Magkamukha rin kasi si Clyde at ang kuya Adam niya.

"Alam ko namang ikaw lang ang mahal ni mokong. Pero mas gusto ko yung kuya niya." ang nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako at niyakap ko siya.

"Okay, sinabi mo eh." ang sabi ko sa kanya.

"Pa-share naman ako. Madadaya." ang sabi ni Lex. Tinawanan lang namin siya.

Wala lang. Dagdag eksena lang. Hahaha.
-------
Fast Forward.

Naging busy ulit kami sa school. Siyempre, kulitan with the barkada, happy-happy, at kung anu-ano pa. Nung dumating ang finals, group study ang drama. May sleep over kapag gumagawa ng thesis, at may party pagkatapos ng exams. Kailangang i-enjoy ang pagtatapos ng first semester.

Naging maganda ang relationship namin ni Clyde. Makulit, masaya. Ang tampuhan lang namin niyan ay kapag lumalabas ang pagka-flirt ko (na pilit kong binabawasan. Lol.) at siyempre, ang pagka-seloso niya (na ako naman ang may kasalanan. Hahaha.). Hindi, mabait naman ako. Diba? Um-oo ka na lang! Dali! Hahaha. Naging anak na nga namin si Jacob, yung Siberian Husky niya. Bakit ba 'pag hindi magka-anak ang dalawang tao ay aso na lang ang ginagawang anak? Hahaha. Basta, mahal ko si mokong. At gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Si Pat naman ay ni-resume ang pagiging bestfriend niya sa akin. Ewan ko sa'yo, Pat. Basta ikaw at ako, walang iwanan. Ok?

Si kuya Cedie naman ay lumipad na papuntang States. Balik trabaho na siya. Ang dami pa niyang ibinilin sa akin. Hahaha kuyang-kuya talaga. Sinabi niya na nakausap na niya si Chuck. I don't expect anything doon. Hindi mababago ang opinyon ni Chuck overnight. I said we should just give him more time. Syempre mami-miss ko si kuya ko, at nangako naman siyang papadalhan ako ng chocolates. Hahaha. Takaw.

Agad din akong nagpa-enroll 3 days after ma-release ang clearance namin. Two weeks lang kasi ang sembreak, kaya gusto kong matapos agad ang enrollment para masulit ko ang bakasyon ko. As usual, sabay-sabay kaming magbabarkada. Oo nga pala, 'out' na sila kuya Adam at Mac. At tuwang-tuwa naman ang barkada.
-------
Bago ako pumunta ng Quezon, hindi ko pinalampas ang pagkakataoog makilala ang kalahati ng pagkatao ko.

Edgar Stefan Villegas
March 27, 1991 - April 10, 1991

Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at sinindihan ang isang puting kandila. Bahagyang naaaninag ang apoy nito sa itim na marmol na lapida. Hinaplos ko ang makinis na lapida, at sinundan ko ng aking hintuturo ang bawat letrang naka-ukit dito. Pinakiramdaman ko ang lalim ng pagkaka-ukit dito na nakukulayan ng ginto. Bakit gan'un? Pakiramdam ko may nakahawak sa kamay ko, at sabay naming hinahaplos ang itim na tanda.

"Edgar, kamusta ka? Ako nga pala si Edgar. Ikinagagalak kitang makilala." ang mahina kong sabi. Patuloy pa rin ako sa aking ginagawa na parang wala sa sarili.

"Sabihin mo nga, Edgar. Nagagalit ka ba sa akin? Sa halip kasi na ikaw ay ako ang nagmay-ari ng pagkatao mo. Sabihin mo, ganitong klaseng buhay ba ang nais mo?" ang sabi ko ulit. Naramdaman ko naman ang malamyos na hangin na humaplos sa aking pisngi.

"Nabuhay ba ako sa paraang nais mo para sa sarili mo, o naging kahihiyan ba ako sa iyo?" ang malungkot kong usal. Biglang lumakas ang hangin na agad din namang nawala.

"Pasensya ka na, ha? Nakukulitan ka ba sa akin? Minsan kasi, hindi ko mapigil ang magtanong. Paano kung nakayanan mong malampasan si Death Reaper? Magkikita kaya tayo? Magkakakilala? Magiging magkaibigan? Siguro, hiniling mo rin na sana ay nakasama mo pa ng matagal sila Mama at Papa. Alam mo bang mahal na mahal ka nila? Kaya nga ibinigay nila sa akin ang pangalan mo, Edgar, dahil ayaw ka nilang kalimutan. 'Wag kang magagalit sa kanila, ha? Mahal na mahal ka nila." ang tahimik kong sabi. Naramdaman ko ang pagbalot sa akin ng hangin na animo'y yumayakap sa akin.

"Maraming salamat, ha? Alam ko kasing binabantayan mo ako. Salamat sa mga taong ipinadala mo sa buhay ko. Lahat sila ay talagang mahal ko. Alam kong ayaw mo akong mapahamak. Maraming salamat, Edgar." ang sabi ko sa lapida. Hinaplos na naman ako ng hangin sa pisngi.

"Maraming salamat at ako ang napili mong maging kalahati mo."
-------
And here I am, thinking my sembreak will be the best. I'm badly mistaken.
-------
Pumunta muna kami ng Manila bago sa Quezon. Kila Aries. Syempre nami-miss ko na ang mga iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Tuwang-tuwa naman sila Tito Oliver at Tita Vivian. Ganun din sila Mikka at Erol.

"K-kuya Ed?" ang nagulat na sabi ni Erol. Nakatalikod kasi siya sa akin at bigla ko siyang niyakap.

"Kamusta na, bunsoy?" ang sabi ko naman. Ang lapad ng ngiti ni mokong. Hahaha.

"Kuya!" ang tangi lang niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

"Hi Chad. Kamusta?" ang sabi ko naman sa isang lalaking kasama ni Erol. Oo, siya yung bestfriend ni Erol na may gusto sa kanya. Moreno si Chad, 5'6", singkit ang mata, matangos ang ilong, manipis.. Oo na, your typical gwapo guy. Hahaha tinamad mag-describe. Anyway, alam kong gusto niya si Erol (halata naman sa mga tingin at titig niya), pero 'di niya masabi. Torpe din. Hehe.

"Hello kuya." ang matipid na bati ni Chad. Hmm, if I know. Jealous. Hahaha.

Pumasyal kami nung araw ding iyon. Nanood kami sa isang Sunday variety show na pinapalabas din sa TV, nag-mall, nangulit at kung anu-ano pa. Take note, isang araw lang yan. Siyempre, sulit nga, diba?

Nagpasama ako sa kanila sa Recto. Oo na, cheap na. Bakit ba, libro din yang mga yan. Pareho lang sa bookstore. Hindi naman kasi ako maarte sa libro, basta nagagamit. At isa pa, mas marami kasi akong mabibili dito. Kasama ko si Pat, Clyde, Mikka, Chad at Erol. Habang naglalakad ay hindi ko naman sinasadyang nabunggo ang isang lalaki.

"Sh*t1" ang sabi ng lalaki.

"Uh, sorry, sorry. Ayos ka lang ba?"

"Yeah.. Well, well. Hello, faggot." ang sabi ng lalaki. Tinignan ko ang mukha niya, at nakilala ko kung sino siya. Si Chuck.

"Chuck! Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang banat niya.

"The hell you care-"

"Hey, umayos ka ng pagsasalita mo." ang pagsingit ni Clyde.

"Clyde-"

"Bakit? Susuntukin mo ako? Go. Magsama kayo ng boyfriend mo." ang matapang na sagot ni Chuck.

"Aba't-"

"Clyde, 'wag mo nang patulan." ang pag-awat ko sa kanya.

"Mabuti, dahil hindi ako pumapatol sa bakla." ang sabi ni Chuck.

PPPAAAAKKKKK!!!

"What's wrong with you?" ang biglang pagsulpot ni Cassidy. Sinampal niya ang kakambal.

"Cass, can't you see them? They're disgusting!" ang sabi ni Chuck habang sapo ang mukha.

"You! How could you say such things? Wala kang respeto. Kuya natin 'yang ginagago mo." ang galit na sabi ni Cass.

"Bakit, kakampihan mo ang kabaklaan niyan? Go. Magsama kayo." ang pangahas na sabi ni Chuck. Tinitigan muna kami ng masama bago tuluyang umalis.

"Kuya, sorry." ang sabi ni Cassidy. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Saan ka pupunta, Ed?" ang tanong ni Pat sa akin.

"Susundan ko lang si Chuck. Baka mapa'no." ang sagot ko.

"Ed, 'wag na." ang sabi ni Aries. Pero nagpumilit ako. Hinabol ko si Chuck hanggang sa kanto.

"Chuck! Saglit lang!" ang sabi ko. Kahit gan'un ang mga sinabi niya ay naiintindihan ko. Hindi ang dahilan niya kung bakit homophobic siya, kundi ang pagkabigla niya sa laha ng mga nangyari. Ayos lang. Magkaka-ayos din kami. Kailangan ko lang siguruhin kung ayos lang siya.

"Bakit ba sunod ka ng sunod? Leave me alone!" ang sabi niya.

"Chuck-"

"I said leave me alone!" ang sabi niya. Nakasigaw na siya sa akin. Hindi ako nakinig at lumapit pa rin ako sa kanya. At bigla na lang niya akong itinulak.

"Ed!" ang narinig kong sigaw ni Clyde.

"Kuya!" si Cassidy naman.

"No!" ang sigaw ni Aries.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon nila. Naramdaman ko na lang na parang hindi na nakasayad sa lupa ang mga paa ko..

BBBLLLLAAAAAGGGGGG!!!

"Ed....!!"

"Oh my God...!!"

"No, Ed...!!"

"Kuya..!!"

"Hindi..."

At nilamon ako ng kadiliman.
[ITUTULOY]

3 comments:

  1. wala na po ba itong kasunod???

    ReplyDelete
  2. nasan na po ang next chapter hanggang sa ending? :)

    I super love the story. :) ang ganda.

    nakakabitin tuloy. :)

    sana po ma post dito. :) thanks :D

    ReplyDelete
  3. after a year and half of the authors hiatus i think its about time that you finish your story, there are a lot of reader waiting for the chapters of this story. its a great story, so to the admins please follow up. we are waiting for the answer

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails