Followers

Friday, January 14, 2011

My Secret Love [9]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

-----------------------------------------------------------

Thanks to Gelo for the fan sign.


Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan nila. Sumisigaw, nag-iiyak, nagtatalon na parang bata. “Francissssss!!!! Mamang pulis, wala po syang kasalanan. Maawa po kayo sa kanya! Wag nyo po syang ikulong!”

“A, e… Miss. di pa naman namin sya ikinulong eh. Pinosasan pa lang.” Sabi nung isang pulis.

“Antipatiko! Pinosasan, ikulong, wag nyo syang saktan!” Ang lalo ko pang pagsigaw, dinilatan ng mata ang pulis, ramdam ang pagkulo ng dugo ko sa binitiwang biro. “Binibiro nyo ako, e, di naman nakakatawa itong ginawa nyo! Isusumbong ko kayo sa human rights. This is harassment. Ni wala kayong ibidensya!”

“Sorry Miss, may arrest warrant na sa kanya kaya wala na kaming magawa kungdi ang ipatupad ito. Sumama ka na lang sa amin sa presinto.” Dugtong ng pulis.

“Huhuhuhu! Ano pa nga ba ang magawa ko! Buwesit!”

“Sundan nalang natin ang gusto nila, Carmen upang wag lalong uminit ang sitwasyon” Ang kalmanteng sabi ni Francis. “Ok lang ako…”

“Pwes, hindi ako OK noh. Ang sungit-sungit ng mga pulis na to, ampapagnit naman!”

“Hoy! Narinig naming yun!” Sagot ng isang pulis.

“Ano ngayon kung narinig nyo. Pangit! Pangit! Pangit!” Pang-aasar ko pa.

“Sige, mang-asar ka pa. tingnan natin mamaya kung makakapang-asar ka pa!”

“Abababababa! Tinakot mo ba ako? Ha?”

“Wag ka na ngang magsalita plis…” Ang pagmamakaawa ni Francis sa akin. “Lalo tayong mapahamak sa ginagawa mo eh”

Isinara ko na lang ang bibig ko.

Sumakay kami sa police patrol, at nung makarating na sa presinto, agad-agad kaming dumeretso sa pinaka-head nila.

Ang ipinagtataka ko lang ay parang hindi kapani-paniwala ang presinto nila. Bagong pintura, maliiit lang ang silid, at ngayon ko lang nakita ang presinto na iyon. At ang ipinagtataka ko sa lahat ay dun kami mismo dumaan sa gate ng multi-function center.

Nagkataon namang may okasyon yata kaya may mga taong naglalabas-masok din; ang iba ay busing-busy sa pag-aayos ng kung anong function o kainan meron. Alam ko kasi ang center na iyon dahil doon kadalasang ginaganap ang iba’t-ibang activities kagaya ng programa, kasalan, graduation, kainan, birthday, variety show, o kung anu-anong pakulo.

Pero sumiksik din sa isip na baka nag-pagawa na talaga sila doon ng presinto gawa ng pinakamalapit ang lugar na yun sa sentro ng bayan kung saan nandun ang palengke, shopping malls, mga kainan, recreation centers, etc.

Nakadating din kami sa loob ng presinto. Ngunit imbis na tatanungin pa nila si Francis, ideneretso na nila ito sa kulungan.

“Bat nyo ikinulong yan!? Akala ko ba tatanungin nyo lang sya.”

“Yan ang procedure Miss. Pagpatay ang kaso laban sa kanya kaya ikulong talaga sya.”

Di ko alam kung ano ang gagawin sa mga pagkakataong iyon. Humiyaw ako ng humyaw, “Mga salbahe kayo! Mga wala kayong puso! Hindi Kriminal si Francis! Hindi!!!”

Marahil ay nairita na, hinawakan na ako sa kamay ng dalawang pulis. Ngunit hindi ko pa rin nilubayan ang pagwawala at pagsisigaw.

Ang ginawa ng dalawang pulis, binuksan ulet ang kulungan ni Francis, pumasok sila at binugbug nila si Francis.

“Tangina mo! Pinatay mo ang janitor na walang kalaban-labannnn! Hindi ka dapat tularan! Gago!” Ang sigaw ng dalawang pulis habang binubugbug nila sya.

“Agh! Agh! Agh!” Sigaw ni Francis sa bawat tama ng suntok ng pulis sa katawan nya.

O, ano? Ayaw mo pa ring tumigil sa kakatalak?” Tanong ng head nila sa akin.

Sa galit, kinapa ko ang cell phone sa bag ko. “Sige! Bugbugin nyo sya at kukunan ko kayo ng video!”

Tinutukan ko na ng cp ang eksena nung bigla namang iniswitch off ng isang pulis ang ilaw. Naramdaman kong nagkagulo sila at panay ang sigaw ni Francis ng “Ugh! Ugh! Ugh!” Mistulang patuloy pa ring binubugbog.

Nung mag-ilaw na. Kitang-kita ko sa mga mata ang dugo sa bibig, mukha, at sa t-shirt ni Francis. Sinigawan naman ako ng isang pulis. “O ano, vivideohan mo pa ba? Ha? Papatayin ulet namin ang ilaw. Gusto mo?”

Ngunit hindi ako nakinig. Itinuon ko ulet ang cp ko upang tuluyan ng kunan ng video si Francis na nababalot na ng dugo.

Isiniswitch off ulet ng isang pulis ang ilaw. At muli narinig kong nagkagulo na na naman sila at sumisigaw na naman si Francis ng ““Ugh! Ugh! Ugh!”

Nag-ilaw ulet at lalo akong natakot nung pati ulo ni Francis ay nabalot na ng dugo, at nakahandusay na ito sa sahig.

“O, gusto mo uling kunan ng video ang boyfriend mo?”

“Hindi ko boyfriend yan!” Ang mabilis ko namang sagot.

“Ah, hindi mo naman pala boyfriend, e bakit naki-iyak ka?”

“Bakit, wala ba akong karapatan? Kaibigan ko yan at handa akong magdusa para jan!”

“Hahahaha!” Ang malakas na tawa ng pulis “Siguro… in love ka sa taong ito ano?”

“Hindi ah! Kaibigan ko lang iyan.” Ang mabilis kong tugon. “Pakawalan nyo na sya plisss?”

“Totoo? Di mo sya mahal? Ba’t di ka makatingin sa amin?” Ang pang-aasar pa ng isang pulis.

“Ano bang pakialam mo! Pakawalan mo na sya, kung hindi sisigaw ako!”

“O di sumigaw ka.” Lalong lumakas ang tatawanan ng mga pulis.

“Tulooooonnnnngggggggggg!!!!”

“Hahahaha!” Ang malakas ng tawa ng mga pulis.

“O sige, ito na lang ang kundisyon.” Ang sabi ng head nila. “Heto ang susi” Sabay abot ng susi sa akin, “… buksan mo ang kulungan, palabasin namin yang kaibigan mo at dalhin kaagad sa ospital. Pero, ikaw ang papalit sa kanya jan sa loob ng kulungan. Gusto mo?”

Bigla akong natigilan sa sinabi ng head ng pulis. Kinakabahan. Ang nasa isip ko ay si Francis. May naramdaman din akong selos sa sinabi nyang may napupusuan na sya. Ngunit mas nangingibabaw ang pagkaawa ko sa kanya, ang pagdamay nya sa akin sa putikan. Hindi ko na inisip pa ang kung ano man ang mangyayari sa akin. Buong tigas ang boses kong sinagot ang tanong. “Akin na yang susi. Ako na ang papalit sa pwesto nya!”

Sa pagkasabi ko na yun, animoy may narinig naman akong mga taong nagpalakpakan sa labas, naghihiyawan. Na lalo ko namang ikinaiinis. Nandoon ako sa isang lugar na may maraming tao ngunit hindi nila alam ang karumal-dumal na nangyayari sa loob. “Ano ba tooooo! Wala man lang makatulong sa amin! Ang ingay-ingay ng mga tao hindi tuloy maririnig ang sigaw ko!” sigaw ko sa sarili.

Ngunit ang nasa sentro ng isip ko sa pagkakataon na iyon ay ang kalagayan ni Francis.

Kaya agad ko na lang hinablot ang susi at dali-daling binuksan ang kandado ng rehas, at ako na mismo ang nagbukas ng sliding door nito. Nung pumasok ako, sumisigaw ako ng sumigaw, umiyak, nung nayakap ko sa loob ng kulungan ang naliligo sa dugo at halos hindi na gumagalaw na si Francis. “Francis! Francis!!!!!”

Base sa napagkasunduan, inalalayan naman kaagad nila si Francis palabas at nung ako nalang ang mag-isa sa kulungan, ni-lock nila ang pintuan.

Doon ko naramdaman ang sobrang takot at panginginig nung bigla na namang namatay ang ilaw at ramdam ko ulet na nagkagulo sila at dinig na dinig ko ang pagtatakbuhan nila palabas ng presinto.

“M-mamang pulis!” Sigaw ko.

Walang sumagot.

“M-mamang pulis?”

Wala pa ring sumagot.

“Mamang pulisssssssss!!!!” Sigaw ko. Tila may narinig naman akong mga taong nagtatawanan sa labas. Dahilan iyon upang lakasan ko ang sigaw, “Saklolooooooo! Saklolooooooo! Sakloloooooo!”

Ngunit walang nakarinig sa mga sigaw ko. Marahil ay may mga 30 minuto iyong pagsisigaw ko hanggang sa nawalan na ako ng boses.

Wala na akong nagawa kungdi ang umiyak ng umiyak, naupo sa sementong sahig, ang mga kamay ay nakatakip sa mukha, hinayaang dumaloy ng dumaloy ang mga luha sa pisngi.

Di lubusang naintindihan kong nahabag sa sarili o sa kalagayan ni Francis, ang nasambit ko na lang ay, “Francis… mahal na mahal kita! Franciss!!! Huhuhuhuhu!”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails