My Secret Love [4]
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
--------------------
“Punyeta talaga ang lalaking to! Talagang lumalabas ang pagka-hustler!” sigaw ng utak ko.
“Pare, nanjan ka pa?” Message nya ulet nung di ako nakasagot kaagad.
“Dito pa pare… baka naman talagang hobby nya ang magdrowing, pare. Atsaka yung notebook mo sa kanya, baka din nakalimutan lang.” pagdepensa ko ulet sa sarili.
“Hmm… marahil din. Teka, para yatang denedepensahan mo sya ah, duda na ako nyan.”
Kinabahan naman ako sa nabasa iniisip na baka napansin nyang ako si Carmen. “Panung duda?” ang padabog kong type sa keyboard.
“Na baka kaibigan mo sya, o kaya nanliligaw ka dun”
“Tanga talaga! Panu ko liligawan ang sarili ko?” bulong ko sa sarili. “Di ah! Sobrang ganda kaya nun para ligawan ko” loko ko naman, nanghikayat na mag-react sya sa sinabi kong “maganda” ako.
“A… ok.”
“Abah! Walang affirmation na maganda talaga akoh! Josh koh, talagang aatakehin ako ng high cholesterol at high blood sugar nitong taong to! Grrrrr! Makalayas na nga! Niinis na ako sobra!” Sa sarili ko lang. “Pare, off muna ako ha? May gagawin pa ako.” Ang message ko.
“Ok pare. At magkita nalang kaya tayo sa skul para may kaibigan na ako dun?”
“Honghang!” sigaw ko. “E… next time na pare. Got to go…” ang message ko nalang.
“So chat ulet tayo pare?”
“Tingnan ko pare.”
At yun… natapus ang chat namin na lalong tumitindi ang galit ko sa kanya. “Lokong tao talaga yun? Naisahan pala ako? Souvenir pala ha!” pagmamaktol ko sa nalamang pinaghihinalaan pala nya ang di ko pagsoli sa notebook nya. “Pwes bukas na bukas, isosoli ko sa iyo ang lecheng notebook na yan!”
At dinala ko nga sa skul kinabukasan ang notebook nya. Nung pumasok na ako ng library at nakitang nakaupo sya sa isang mesa, nilapitan ko kaagad sabay hagis ng notebook sa harap nya. Sa pagkabigla, di na nya makuhang magsalita. Tiningnan lang ako, ang bibig ay nakabuka. Napatingin naman sa amin ang mga estudyanteng nandun.
“Yan ang notebook mo! At hoy, Mr. Mayabang, baka isipin mong hindi ko isinoli kaagad yan dahil sa gusto kong gawing souvenir. Hindi! Hindi ako nag-iilusyon sa mga bagay na galing sa mayayabang, sinungaling, at engot na kagaya mo! Wala akong pinakialaman jan, wala akong binaklas jan, kumpleto lahat ang mga pahina jan. Pati mga original na alikabok na galing sa pa sa alikabuking kalye patungo sa bahay nyo, nanjan pa rin silang lahat, inisa-isa ko talagang i-preserve para di mo masabing may kinuha akong souvenir sa iyo!”
Bakat sa mukha ni Francis ang pagkalito at pagkahiya hindi malaman ang gagawin habang nakatayo ako sa harap nya, tinatalakan sya, at ang mata ng mga estudyante ay nakatutuk sa kinaroroonan namin.
“At kung iniisip mo na hahabol-habulin kita, nagkamali ka! Hindi kita type at hindi ako maaaring magkakagusto sa isang katulad mo! Tsura neto! Mas gugustuhin ko pa ang alagang unggoy sa kapitbahay namin kesa iyo noh!”
Marahil ay di na mapigilan ang sarili, nagsalita na rin sya pero kalmante. “Sandali… ano ba ang problema mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama o sinasabi tungkol sa iyo ah…”
“Yan ang akala mo! Mag-isip-isip ka nga kung ano ang nagawa mo sa akin? Di ba matalino kang tao? Gamitin mo ang utak mo!” at sabay talikod, naiwan si Francis na lalong naguguluhan, tila natulala sa huli kong sinabi.
Tila may kaunti namang feeling panalo akong naramdaman. Syempre, dahil dun sa huling sinabi ko, mag-iisip sya o kaya magtatanong kung ano ba talaga ang nagawa nyang di maganda sa akin.
Dahil sa tila di ko na rin kayang isarili ang naramdaman, naibunyag ko rin ito sa kaibigang si Ann.
“Ewan ko ba talaga, Ann, naiinis ako sa kanya, tas minsan naaawa din… Wala namang ginawa sa akin yung tao.”
“Eeeeeeeeeeeeeeee!” Ang sigaw ni Ann na kinikilig nung malaman na si Francis ang problema ko. “Alam mo fwend, crush ko rin sha pero tila mas matindi yang naramdaman mo kaya’t sa iyo na sha!” sabay tawa naman.
“Hah! Anong mas matindi?”
“Lahat ng mga sinasabi mo, simtomas ng isang sakit na delikado, nakakamatay!”
“Ha? Anong sakit? Kakatakot ka ha.”
“Sakit sa puso! Eeeeeeee!” ang sigaw na naman nyang kinikilig. “Naghahanap yan ng ka-puso, na maging ka-pamilya din sa bandang huli.” Dugtong nyang patawa.
“Hoy ikaw ha, OA ka. Ano ako, TV channel? Ayusin mo nga salita mo? Seryoso ako.”
“Umiibig ka fwend… Love is in the air. Naaamoy ko.”
Nabigla naman ako sa casual na pagkasabi ni Ann sa salitang pag-ibig, lumaki ang mga mata, napatakip ng bibig. “O, shut up!”
“Heh! May pa shut-up-shut-up ka pa jan. Face the truth. Nasa matinding state of denial ka lang. Side effect yan sa matinding sakit mo ngayon.”
“Hah! E… ano ang gagawin ko?”
“E, di kaibiganin mo sya, maghanap ka ng paraan.” Sabay bitiw ng nakakalokang ngiti.
Naintriga naman ako sa inasta nya. “No way!” ang sigaw ko.
“E, di magdusa ka kung ganun. Madali lang naman kung gusto mo syang kaibiganin eh. Pwedeng sa santong dasalan pwede ring santong paspasan. Pero I advise, paspasan na, mahirap na kung maunahan ka pa, nagpipilahan na yata yung iba!”
“Hahaha! Pilahan pa talaga. Ano yun, NFA rice?” At ano naman yung paspasan?”
“Kunyari, habang nanjan sya sa tabi mo, bigla kang himatayin at matumba ka kunyari sa direksyon nya. Sigurado sasaluhin ka nun.”
“Ay hindi mangyari yan. Hayaan nya akong babagsak sa semento!”
“O di wag kang gumalaw kung nabagsak ka na sa samento at hayaang dumugo ng dumugo ang bungo mo, grabe naman kung di ka pa nya pansinin”
“Sus! Tatakbo yun upang di mapagsusupetsahang sya ang dahilan ng pagkamatay ko! Ano ba? Kailangan ba talagang magpakamatay ako para sa taong yan?” ang naiinis kong sigaw.
“O di ganito nalang. Kakain ka ng kendi sa harap nya, ingayan mo lang at kapag tumingin na sya, sadyain mong tanggalin ang kendi sa bibig mo kagatin iyon upang mahati at iabot sa kanya ang kalahati sabay tanong, “Gusto mo?” Sigurado, matatawa yun. Pwede ding umutot ka, yung may sound na halatang iniipit, high-pitched baga at kapag lumingon na sya sa iyo, mag-iinosentehan ka, pa-beautiful eyes pa at itanong, “Narinig mo rin?”
“Eeeeew! Hahahaha!” sabay kaming nagtawanan. “Kaw fwend, puro ka biro. Hindi nga pwede akong makipagkaibigan jan. Grabe ang allergy ko jan.” sabi ko.
“O sige, ako na ang maghanap ng paraan.”
“Bahala ka…” Yun ang nasabi ko sa suggestion nya.
Ngunit, lalong napasama yata ang pagtulong ni Ann sa akin. Ewan kung anong ginawang diskarte niya at isang araw, nakita ko nalang sila ni Francis na nagtabi sa pag-upo sa damuhan ng botanical garden ng skul, masayang nagkukwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan. At hindi lang isang beses iyon.
Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman. Magkahalong selos, galit, at… awa sa sarili. Feeling ko, durog na nga ang puso, sinaksak pa ng kaibigan sa likuran, at pinagtatawanan.
Napakasakit talaga ng naramdaman ko, Ate Charo, Dra. Holmes, at napakatindi ng pagkahabag ko sa sarili. At doon ko narealize na siguro nga, tama ang sinabi ni Ann na umiibig ako kay Francis. Pero, nawalan na ako ng pag-asa. Alam ko, hindi pweding maging kahit magkaibigan pa kami ni Francis. At ayaw ko na ring bigyan ang sarili ng pag-asa dahil sa alam kong wala namang naramdaman o kahit katiting na pagtingin yung tao sa akin. Yun bang feeling hopeless ka na; nanjan lang sana sa harap mo ang taong mahal mo ngunit di mo pa rin sya maaabot dahil di ka nya nakikita o di nya alam na nag-iexist ka pala… Nakikita mo ang bawat galaw nya, ang bawat ngiti, ang bawat saya at kalungkutan sa mukha nya ngunit walang paraang maging bahagi ka ng mga ito dahil para sa kanya, hindi ka tunay…
At, sobrang taas nya – matalino, maraming umiidolo, maraming nagka-crush, mabait... samantalang ako, mataray, di kasing talino nya. Hindi kami bagay. Ewan. Nabaligtad na yata ang sitwasyon at ako ang naging engot at tanga, gaga sa pagkakataong iyon.
Kaya sa sobrang depression ko, ang ginawa ko ay iniwasan na ang mga lugar kung saan ko pweding makita si Francis. Hindi na rin ako nakikipag-usap kay Ann. Lagi nalang akong nag-iisa, sa isang sulok, nagmumukmok, umiiyak, sinasarili ang naramdaman, pinigil ang kasabikang makita si Francis, nilabanan ang sakit na dulot ng pagdurugo ng puso. Feeling ko, nag-iisa nalang ako sa mundo, o kung may ibang mga tao man, lahat sila ay pinagtatawanan ako.
Sa pag-iisa ko, na-compose ko ang isang poem na pinamagatan kong “So Close Yet So far Away” na ini-uukol ko para kay Francis –
“Our paths crossed one day. It was the least-liked getting-to-knows, but I became so engrossed with you; my heart had been captured by your spell and all that my mind could imagine was you.
Since that time, my little world revolved around you. I think about you every time – in my works, in the midst of a crowd, when I get up from bed, or before I go to sleep. The thought of you haunts me even in my dreams. I see your smile in every face. I hear your giggles in every laughter, and I feel your touch as the wind blows through my skin.
I picture you in every new friend I meet, in every place I go, and in everything I do. And whenever I’m happy or sad, it’s your face I see...
But between us lie great barriers and horizons to cross. My heart beats your rhythm but you don’t feel it. And even if I shout this feeling to the highest peak of my voice, you never hear it. You are so close but yet so far away from me.
So I close my eyes and there I see you come alive to my senses. The world is only between you and me. The heavens are within my reach and the oceans are just a step apart. And you are there – just a heartbeat away.
There, you smile back at me. We touch each other. We stare straight into each other’s eyes, and our thoughts meet. We kiss and our hearts beat together as one. I shout loud to the highest peak of my voice this feeling as you answer it back with a whisper in my ears.
There, every tick of a second spells like endlessness. We go to the beach. We cuddle in each other’s arms. We talk of nonsense. We watch at the vast nothingness. We pretend to reach the horizons as we meander barefooted hand in hand by the sandy shore.
There, we don’t care about the world. We play lovers’ games. We do crazy things. We explore and fill up each other’s longings. We fathom the depths and the heights of our personhood, until our emotions consume us and we reach the summit of our burning passions.
But as the sun finally sets and the crimson sky turns darker and darker and envelopes our little world, we come to realize that happiness is transient that not even the deepest love nor the strongest feelings on earth have the power to hold on or turn back the hands of time.
Then I wake up from my deep slumber and find myself alone. My grieving heart bleeds to search for you. And you weren’t there.
I give up and close my eyes. And there again, in the corners of my mind, I see your face – so close yet so far away…”
Sa sobrang kawalan na ng pag-asa, nasabi ko na sa sariling wag nang mag-ilusyon pa at turuan ang sariling makalimot. Para sa akin, hanggang panaginip nalang sya. Yun bang naaabot ko lang ang paghahangad ko sa kanya kung ipipikit ko ang aking mga mata. Ansakit di ba? Pero ok lang. Ganyan talaga ang buhay…
Naalala ko bigla ang YM ni Francis at napag-isipisip ko na makikipag-chat sa kanya at isiwalat sa kanya ang totoong s Carmen pala ang ka-chat nyang nagpapanggap na pareng Cris nya, at pagkatapus, manghingi ng sorry at yun… hindi ko na sya bubulabugin at para sa sarili, pakawalan ko na ang galit, selos, at kung ano mang merong naramdaman para sa kanya dito sa puso ko.
Kinahapunan, nagonline ulet ako, hoping na nandun din si Francis at naka-online. At hindi naman ako nabigo. Nung tiningnan ko ang status nya, naka-online sya. “Siguro… ka-chat niya bagong nililigawan nya o di kaya, si Ann” bulong kong may halong selos at pagkahabag sa sarili.
“Hey, musta…” ang malamig kong message sa kanya.
“Pareng Cris. Buti’t naka-online ka. Long time no hear… Na miss ko ung kwentuhan naten.”
“Ok lang… may sasabihin sana ako sa iyo eh” ang paunang message ko pag-handa sa ibubunyag na katotohanan.
(Itutuloy)
Followers
Monday, January 10, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Naluluha ako sa sobrang katatawa habang binabasa ko ang chapter na to. i really love this story.
ReplyDeleteAlmost a year na rin akong follower nitong MSOB pero marami pa akong stories na di pa nababasa. Yung iba naman paulit ulit ko pang binabasa kasi sobrang ganda. Mga sories mo din yun Mr Mike, galing mo kasi eh!
Ben