Followers

Monday, January 10, 2011

My Secret Love [3]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------

Simula nun ay naging sentro na ng attention si Francis hindi lang sa English class namin kungdi sa buong campus. Di lang daw matalino, kungdi mabait na, at gwapo pa. At marami ding nagka-gusto sa kanya. Kumbaga, campus crush. Nag iba, tawag sa kanya ay “my hero”. Kaya lalo akong naiinis kasi kung dati ako ang hinahangaan ng marami, pakiramdam ko, out of place na ako. At hindi lang iyan, sobrang inis ko din sa kanya dahil sa hindi nya pagpansin sa akin, sa beauty ko ba namang ito, syeeet nya! Hmpt! (Lakas ng tama ko ha – lol!). At isa din sa nakakainis ay yung nalaman kong may girlfriend pala sya samantalang may nabasa akong hiwalayan na sulat. Ibig sabihin, sinungaling talaga sya. Naiinis din ako kapag may mga babaeng lumalapit o nagpapa-cute sa kanya. Ewan ko ba kung bakit naramdaman ko iyan, hindi ko naman kaanu-anu ang taong yan. At, wag ka, gustong-gusto din naman ng honghang yung may nagpapa-cute sa kanya. Kumukulo ang dugo ko talaga pag ganyan.

Kaya kapag nagkasalubong kami nyan sa lobby o kahit saan man, sinisimangutan ko iyan at kapag nasa malapit na, iirapan sabay parinig, “Hmpt!” Marahil sa loob-loob ay nagtatanung din sya kung bakit ganun nalang ako ka antipatika sa kanya. Pero, wala na akong pakialam.

Ewan ko ba kung bakit ganyan nalang ang galit ko sa kanya. O, ewan ko rin ba kung ang naramdaman ko ay talagang galit na masabi. Naguguluhan ako. May mga pagkakataon din kasi na naaawa ako sa kanya, lalo na kapang nakita ko syang malalim ang iniisip, nag-iisa, at nagmumuni-muni na tila pasan ang lahat ng kalungkutan ng buong sanlibutan. Minsan din, hindi ko maiwasang magtanung sa sarili kung ano ba talaga ang drama ng taong yan.

At syempre, yung kilig ding nararamdaman ko... grabe. Yun bang kapag nanjan sya, anlakas ng kabog ng dibdib ko, di mapakali, nanlalamig, lalo na kapag ganyang naka-jeans at body-fit na shirt, nakangiti, kitang-kita ang dalawang dimples sa pisngi… Wow! Heaven talaga. Diyos ko po, parang na-eelectric chair ako… Ngunit kapag nanjan na sya sa harap ko at nakikitang di ako napansin o may ibang mga babaeng pumuporma sa kanya, parang gusto ko din syang sakalin, pagsampalsampalin, sambunutan, sigawan o pagalitan, “Hoy! Engot! Torpe! Tanga! Nandito lang sa harap mo ang pinaka-byutipol sa lahat. Hayyyyyyyy…!”

Ewan! Ewan! Ewan! Di ko lubos maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya, Kaya lalo tuloy akong naiinis – sa sarili at sa kanya; pagkainis na hindi mabura-bura sa isipan ko.

Anyway, may mga isang buwan ang nakalipas simula nung magkapalit ang notebook namin. Ang buong akala ko ay naisauli ko na ang notebook nya dahil sa nasa akin na ang notebook ko. Ngunit nung may isang gabing nagbubuklat ako ng mga notes ko, napansin ko ang notebook ni Francis kung saan ko na basa iyong sulat nyang pakikipaghiwalayan sa girlfriend nya. “Oo nga pala, notebook ko lang ang naisoli nya ngunit di ko pala naibigay sa kanya ang notebook nya!” sa isip ko.

Kinuha ko ito at binuklat, binasa ulet ang sulat nya sa girlfriend at muli na namang gumapang ang awa ko sa kanya. Nung tiningnan ko ang likod ng cover nito, nakita kong nakasulat pala dito ang home address, email address at YM, at cp number nya.

Nagdadalawang isip ako sa gagawin – kung isosoli ba sa kanya ang notebook o hayaan nalang na kunin iyon sa akin. “Ah… bahala syang lumapit sa akin at hanapin iyon, ano!” ang sabi naman ng utak ko. Pero malakas din ang kutob ko na nalimutan na nya iyon kaya hindi na nya kinuha pa sa akin. “Ok, e di souvenir ko nalang to sa katangahan nya!” ang sambit ko.

So, hinayaan ko na lang iyon sa ibabaw ng mesa ko. Ngunit may nabuo akong plano. Mejo nagdadalawang isip din ako sa gagawin kong iyon pero dahil siguro sa umaalipin pa rin sa utak ko ang sobrang pagka-interes sa pagkatao nya, pursigido pa rin akong itutuloy ito, natatawa man sa sarili sa kabulastugang plano.

Kinabukasan, nagbukas ako ng isang bogus na account at nung mabuo iyon, ininvite ko kaagad si Francis at nagiiwan ng message sa kanya, “Hey! Can you be my friend? I will be online tomorrow at 5pm. I hope you’d like to chat with me.”

Excited ako sa pagdating ng kinabukasan. Alas 4 pa lamang ay nandun na ako sa internet café. Ngunit alas 5 na at wala pa ring sagot ang message ko sa kanya. Nawalan na ako ng pag-asa at nakipag-chat na lang sa mga friends kong naka-online gamit naman ang tunay kong account. Mag aalas 6 na iyon at uuwi na sana ako nung maisipang buksan ang bogus na account ko.

Aba, may reply ang hinayupak. “Hey! Tks for keeping in touch! Sorry I just opened my account now and I saw your message. If you’re still online now…?”

Dali-dali ko kaagad sinagot, di magkamayaw sa sobrang magkahalong kaba at sobrang excitement sa pagsagot nya. “I’m still online. So musta naman jan?”

“Ok naman, ikaw?” message nya.

“Eeeeeeeeeeeeeeeeee!” Sigaw ko sa sarili sa sobrang kilig. “Ok din ako…” sagot ko sa message nya.

“Panu mo pala nalaman ang YM ko?” tanong nya.

Tila binatukan naman ako sa nabasa, natuliro, nag-isip muna kung panu sasagot. “May nagbigay lang…” ang naitype ko.

“Ah, ok. So, anong atin?” message ulet nya na mistulang naiinip o gusto nang mag-out.

“Panu ba to, di ko alam anong topic… wag mong i-cut! Wag mong i-cut!” sigaw ng utak ko. Type ulet ako, “Wala lang, gusto ko lang may ka-chat…”

“Ah, ok. Maitanong ko lang, lalaki ka ba o babae?”

Napakamot ako sa ulo. Sasagutin ko sanang babae ngunit iniisip ko na baka mdaling mabuking ako kaya, “Lalake…” ang isinagot ko.

“A ok, nice! Kasi ba naman wala pa akong masyadong kaibigan pa sa skul. Siguro naman, schoolmate tayo. Ano nga pala name mo pare? Pare na tawagan naten ha?”

“Abahhhh! Sa ganda kong ito, pina-pare pare pa ako! Tanga talaga. Hmpt!” tawa ko sa sarili na parang mababaliw na sa pigil na pagtatawa. “Cris, pare!” sagot ko.

“Naglalaro ka ba ng basketball pare?”

“Hehehe! Basketball pa talaga. Wala akong kaalam-alam jan noh!” sa sarili ko lang. “Hindi pare. Skul lang ako tas nuod basketball?”

“Ah, sayang. Kasi, basketball talaga ang buhay ko pare eh. Varsity player ako sa dati kong skul.”

“Talaga! Wow! Sang skul ka nga pala dati pare?”

“Siliman U, pare”

“Di ba UP din yan?”

“Palagay ko… lol!” pabiro nya.

“Sus! Kaya pala ang tali-talino neto” sa sarili ko lang. “Waaah! Astig! Bat ka lumipat pare?”

“Dahil sa babae, pare. Sobrang mahal ko yung girlfriend ko tas nalaman ko na lang na niloko lang pala ako. Nalaman ko na lang nung mabuntis na at iba pala ang ama… sobrang sakit. Ininvite pa talaga ako sa kasal nila. Nag attend naman ako na parang utu-utu. Parang ilang beses pinunit ang puso ko pare, grabe. Kaya lumipat na lang ako ng skul para makalimot.”

“Ouchhhh!” sigaw ng utak ko, tinablan na naman ng awa sa kanya. “Totoo pala ang sulat nyang iyon”

“Eyyy… jan ka pa ba?” tanong nya nung di ako nakasagot kaagad sa message nya.

“Nandito pa pare. Sorry sa tanong ko ha…”

“Ok lang pare…”

“Kala ko ba, sa hitsura mong iyan, di ka mamomroblema sa babae…”

“Hehe. Kaw naman. Wala naman sa hitsura yun, pare. Pagmamahal ang pinag-usapan dito. Hirap palang magtiwala… at ibuhos lahat ng pagmamahal. I’ve learned my lesson.”

“Kaya pala may time na nakikita kitang sobrang lungkot…”

“Tama ka, pareng Cris. Mejo nahirapan pa akong maka move on”

“Di bale, siguro talagang di kayo para sa isa’t-isa”

“Marahil nga pareng Cris. Tks sa advice.”

Natuwa naman ako sa pagpapasalamat nya. “Pare, maiba ako, sigurado ka bang wala kang girlfriend sa ngayon? Sa hitsura mong iyan?” paniniguro ko dahil nga sa sinabi nyang nakita ng girlfriend nya ang drowing ko.

“Sigurado pare…”

Ramdam ko naman ang paglulundag ng puso ko sa narinig. “E… wala ka namang crush sa skul natin ngayon pare?” ang tanong kong tila may kumiliti sa kili-kili sa sobrang pagkikilig.

“Meron din pare, pero ayaw ko muna. Hindi pa ako handa.”

“Ano ba yan? Wala namang kabuhay-buhay ang sagot?” pagmamaktol ng utak ko. Gusto ko kasing marinig sana kung may crush sya sa akin. “Heto magandang tanong” dugtung ng isipan ko at itinype na ang - “Wala ka namang napansing may nagka-crush sa iyo sa skul?”

“Lol!!” ang sagot lang nya.

“Syeet! Ayaw mo talagang ibigay ha?” sigaw ko ulet sa sarili. Heto – “Kilala mo ba si Carmen Flores?”

“Yun ba yung man-hater?” ang sagot nya.

“Abah! Man-hater pa talaga ako ha!” pagmamaktol ko ulet. “Bat mo naman nasabing man-hater yun pare?” tanong ko.

“E, di ba galit yun sa lalaki? At ang taray-taray pa kaya nun, pare. Ilang beses na nga akong nakatikim sa bagsik ng taray nun e! Alam mo ba nung una pa lang kaming magka-engkwentro nyan? Nagkabangga kami at nalaglag ang mga notebooks at libro nya. Dahil naghanap nga ako ng kaibigan, inisip ko na kaibiganin sya. Sinadya kong kunyari nagkamali akong isama ang notebook ko sa mga gamit nya upang habulin sya at dun na, tatanungin ko na ang pangalan nya, cp number, address, etc. Aba, e hindi pa nga ako naka-porma, tinarayan ba naman ako. Kesyo daw style ng mga lalaki, pa gentleman-gentleman tas tatanungin ang pangalan, ang cp number, ang address ng babae at bibiktimahin na. Pare, badtrip! Panu nya nalaman yun? Di ko pa nga nagawa eh, alam na kaagad? Kamag-anak yata ni Madam Auring ang babaeng yan eh!”

Di ko napigilan ang paghalakhak sa nabasa na tila malaglag na ako sa kinauupuan. “Hindi naman siguro pare. Mabait yun. Baka na-love at first sight ka lang sya kaya mo nasabing mataray sya.” ang pagdepensa ko naman sa sarili.

“Love at first sight? Lol! Wala pare. Bad trip nga eh. At alam ko, kaya ako tinatarayan nun ay dahil sya itong may crush sa akin at di ko sya pinapansin”

“Awts! Ansakit nun ha!” ang nasambit ko sa sarili. “Panu mo nasabing crush ka nun?”

“Sa tingin pa lang ng babae pare, alam ko na. Malagkit eh! At may mga tila stardusts pang kumikinang-kinang sa kanyang mga mata. Kunyari lang yung galit pero nababasa ko pare, merong kilig yun.”

Ramdam ko ang unti-unti na namang paggapang ng magkahalong galit at hiya sa kalamnan ko. “G-ganun?” sigaw ng utak ko. At yun din ang nai-type kong sagut.

“Ganun yan pare. Dalawa lang ang alam kong rason kung bakit nagagalit ang babae sa lalaki. Either may pagtingin sya at di pinapansin, o may menstruation – lol! At di naman siguro linggo-linggo may menstruation yun no?” ang pabiro nya.

“Ă„babababaaaa. May kayabangan din pala ang taong to ah!” sigaw ng utak ko. “May iba ka pa bang pruweba kung bakit mo nasabing may crush yun sa iyo?” tanung ko ulet.

“Una, ang notebook nya pare… na sinadya ko lang namang magkamaling i-swap nung magkabangga kami. Una ko kasing napansin sa library pa lang, na tingin na ng tingin sya sa akin at tila nagdo-drowing. At di nga ako nagkamali pare. Nakita ko mismo sa notebook nya na drinowing nya ang mukha ko! At alam mo, kuhang-kuha pati ang nunal ko sa kaliwang pisngi. Ang galing palang mag-drowing nyan! Bilib ako. At may mga tanung pa sya dun tungkol sa akin. At pangalawang pruweba, yung notebook ko naman, nasa kanya pa, hindi isinosoli. Bakit? Siguro, gusto nyang gawing souvenir iyon…”

Pakiwari ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa ulo sa galit ko sa narinig. “Arrrgggggghhhhh!” ang sambit ng utak ko.

(Itutuloy)

1 comment:

  1. Galing! annnngg galing galing talaga!

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails