Followers

Friday, January 14, 2011

My Secret Love [8]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yaoo.com

-------------------------------------------------


“O my God! Si Francis? Nagagawa ba nya yun?” Sigaw ng utak kong naturete. Pumasok naman kaagad sa isip ko ang pagsabi nyang lilipat sya ng skul. “Di kaya binalak na ni Francis ang patayin yung janitor at kaya sya lilipat ng skul? OMG!”

“Ah… di kayang gawin ni Francis ang ganyan ah.” Bulong naman ng isang parte ng utak ko.

Tinext ko kaagad si Francis. Kahit di niya ako binigyan ng number, nakuha ko ang number nya dun sa naiwan nyang notebook sa akin nung una kaming magkita.

“Hey Francis! Musta?” Text ko.

“Ok lang. Hus ths?” Sagot naman nya.

“Si… Carmen.”

“Talaga? Ikaw si Carmen? Panu mo nakuha ang number ko?”

“Nagtanong lang sa mga kakilala.”

“A, ok… Anong balita?”

“Nasan ka ngayon?”

“Nasa Negros na… Bakit?”

“Woi… alam mo bang pinatay yung janitor na nakakita sa atin sa shower?”

“Huwatttt?”

“Oo. At ikaw ang main suspect… Hinahanap ka na ng mga pulis! Yan ang balita dito!”

“Wait ha… tawag ako.”

At dali-dali ngang tumawag sya.

“Anong sabi mo ulet?”

“Pinatay yung janitor, at ikaw ang suspect?”

“Panu nangyari yun?”

“Aba e malay ko ba…”

Natahimik ang kabilang linya.

“Francis… wala ka ba talagang kinalaman dito?”

“Tangna! Di ko kayang pumatay ng tao ah! Kahit nga sa paglalaro ng basketball, nagkakainitan, nagkakagulo ang mga players pero ako itong malamig pa rin ang ulo, gumigitna upang di tuluyang magkasakitan. Hindi ako bayolenteng tao. Hindi ko kayang pumatay!”

“Eh. Nagtatanong lang ako. May sinabi ka kasing gantihan mo sya...”

“Sinasabi ko lang iyon sa galit ko. At ibang klaseng ganti ang ibig kong sabihin. Wala akong intensyong patayin sya!”

“E… paano na yan?”

Tahimik. Di sya makapagsalita. Pakiramdam ko, kinabahan sya at naapektuhan.

“Ano ang plano mo ngayon… Kinakabahan ako Francis.”

“Babalik ako jan ngayon din. Susurrender ako sa mga pulis.”

“Gusto mo samahan kita?” Pagmungkahi ko.

“Ok… Mas mabuti.”

“E… yung girlfriend mo, baka magalit sa akin” Ang pagparamdam ko.

“Hehe. Wala akong girlfriend.”

Kiniliti naman ako sa narinig. “T-talaga? E… Si Ann?”

“Si Ann? Alam mo bang pinsan ko yun! Jan lang kami nagkakilala. Negros din pala ang family roots nila. Bale mag-third cousin kami. Magpinsan ang mga nanay namin.

“O Gosh! All those times, nagagalit ako sa best friend kong si Ann dahil sa pag-aakalang mag-on sila. Yun pala…” Sa isip ko lang. Parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko, hindi makapagsalita, nahiya sa sarili.

“Kapag dumating na sa buhay ko ang babaeng mamahalin ko, promise, di ko na sya muling pakawalan pa. At sana, malampasan ko na tong gulong nangyari ngayon upang ligawan ko na sya. ” Ang dugtong nya.

“Ibig mong sabihin… meron ka ng napupusuan? S-sino?” Ang may halong kabang tanong ko.

“Hmmm… Maganda sya, mabait, matalino. At alam ko, mahal din nya ako, at sa palagay ko, ipaglaban ako nun ng patayan. Pero… sikret nalang muna. Promise, bago niya malaman na mahal ko sya, ikaw muna makaalam neto, hehehe. At… ang pinakamahalaga sa lahat, balak kong sa birthday ko sya mismo liligawan!” Sabay bitiw ng malutong na tawa na nakakaloko, mistulang nakalimutan na ang kinakaharap na problema.

“Sandali! Kelan ba ang birthday mo? At sino ba talaga ang babaeng yan?” Ang pangungulit kong may halong pagka-pikon. Alam ko, pinaparinggan nya ako dahil sa katarayan ko.

“Wag kang mainip. Mamaya pagdating ko jan, sasabihin ko kung kelan ang birthday ko. At yung sikreto kong napupusuan, sasabihin ko din yan sa iyo sa takdang oras.”

“Bakit di nalang ngayon?”

“Wag muna… basta.”

“Sana talagang mabait yang babae mong yan dahil kapag hindi, aawayin ko talaga sya! Hmpt!” Ang sabi ko naman.

“Hahahaha!” Ang malakas nyang tawa. Tas natahimik ng sandali. “Ang mahalaga muna ay itong problema ko ngayon. Dapat harapin ko to.”

“Ah… oo nga pala. Unahin mo iyan! Saka na yang babae mo!” Ang sagot ko, halatang nagdadabog.

Ewan ko… naghalo ang naramdaman ko sa kanya sa pagkakataong iyon. Naawa at natakot sa maaring mangyari sa kanya ngunit may tampo din na meron pala syang ibang mahal at di man lang pinaalam sa akin. Syempre, masakit. “Sana nga mabilanggo ka na nga lang! Hmpt!” Sigaw ng isang bahagi ng utak kong puno ng insecurity. “Swerte naman ng babaeng yun! Hmpt!”

Inilayo ko na sa tenga ko ang cell phone at putulin na sana ang linya nya nung biglang marinig ko ang pahabol nyang salita.

“Carmen…?”

“Yes?”

“Salamat ha…”

“Saan?”

“Dito sa pagtulong mo sa akin”

“Wag mong isipin yun. Ako nga itong nahihiya sa iyo eh. Kung hindi mo ako dinamayan sa putikan, e di hindi sana nangyari sa iyo tong kinasasadlakan mo ngayon. Ako ang dahilan ng lahat… Ano man ang mangyari sa iyo, di ko mapapatawad ang sarili. At…” Napahinto ako, nag-aalangan ituloy ang sasabihin. “…kawawa naman yung babaeng napupusuan mo. Isang convict ang magiging boyfriend nya!” Pagparamdam ko.

“Ikaw naman o. Palabiro ka talaga. Wag kang mag-isip ng ganyan. Tsaka yung pagdamay ko naman sa iyo sa putikan ay dahil na-miss ko na rin kasing maligo sa putik e. Joke!” Ang mabilis din nyang pagbawi.

“Namiss palang maligo sa putik ha? Ganun? Grrrrrrrr!”

“Joke lang. Syempre, naawa ako sa iyo. At tungkol naman sa kalagayan ko, malampasan ko din ang lahat ng ito. Promise.”

Promise ka jan. Sana nga. Basta kinakabahan talaga ako para sa iyo. Hindi ka ba natatakot?”

“Natatakot, syempre. Pero kapag wala kang ginawang kasalanan kasi, di ka naman dapat matakot, diba?”

Hindi ko na sinagot pa ang sinabi nya. “Sunduin nalang kita sa bus station mamayang hapon. See you!” Ang sabi ko sabay cut na sa line.

Alas kwatro ng hapon ang sinabi nyang pagdating ng bus na sasakyan nya. Alas tres y medya palang ay nandun na ako sa terminal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, at anlakas ng kabog ng dibdib ko.

Ngunit lalo pa akong kinabahan nung may makitang apat na naka-unipormeng pulis at sa pakiwari koy may inaabangan din!

Syempre, sa ganung sitwasyon na ang hinihintay mo ay wanted, nakakabahala iyon. Ang ginawa ko, lumipat sa isang kanto na hindi masyadong halata.

Mga alas kwatro kinse nung dumating na ang bus na sinakyn ni Francis. Sobrang kabog naman ng dibdib ko dahil umaaligid kaagad ang mga pulis.

“Dyos ko, paano na to?!” Sigaw ng utak kong di magkamayaw.

Nakita ko na kaagad si Francis na palabas na ng bus, may dala-dalang itim na knapsack. Nung nakalabas na, kitang-kita ko naman ang pagharang sa kanya ng apat na pulis, at pag posas dito.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails