Followers

Sunday, January 9, 2011

My Secret Love [2]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

------------------------------------

“O-huhuhuhu! Ano ba to? Mabibisto yung pinagsusulat ko dun.” Ang bulong ko sa sarili. “Hmpt! E, ano ngayon? Sa pagka-antipatiko ng lalaking iyon, hindi ko sya gusto ah! Engot! Tanga! Torpe! Kaya ko sya. Aawayin ko na naman iyon para di nya isipin na crush ko sya. Kapal nya ha. Di nya napansin ang beauty ko. Hmpt!” ang sigaw naman ng isang parte ng utak kong inaalipin ng matinding pride.

Kinuha ko ang notebook nya at binuksan iyon. “Aba… ang ganda ng penmansip…”

Binuklat ko pa ito at sa isang page, may sulat kamay na isang composition. Binasa ko ito:

“Dear Trisha, I have thought about this for the past days and I have made up my mind: I call it quits. I told this to you a few times already but I never had the courage to really stand up to it. This time, it is final. It was not easy on my part to come up with this decision because as you know, you mean so much to me… Unbearable as it may be, I have resigned to the fact that we are not meant for each other, and the only way out is letting go. I do this with a heavy heart and a deep feeling of devastation.

I can’t thank you enough for all the things oyu have done. All I can say is that the relationship we’ve shared was more than I could bargain for. I am sorry for the all the misunderstanding, the mess, and the pains. I am sorry for the harsh words and things said and done.

I have enrolled in another school. This is to keep me away from the things that remind me of you, and to give myself a time to grieve, to collect myself, and to heal.

After this, I will try to keep my silence… until the pain is gone and I can smile again, maybe look back and tell myself how stupid I was… you will be the first to know.

I got to go. My heart is laden with pain and uncertainty for the future but I want to smile for you and wish you all the best. I hope you would wish the same thing to me too, especially, love.

Thank you for your friendship. Thank you for the time spent with me. Thank you for your understanding and thoughtfulness, Thank you for the memories and the things we shared. Thank oyu for your love. I will keep all these in my heart.

Until the next time, when our paths cross once more. With all my love – Francis.”

Nung mabasa ko iyon, nakaramdam ako ng awa sa kanya. Tila bumalik-balik na naman sa isip ko ang ngangyari din sa akin ng boyfriend ko, ang paghiwalay namin, ang panloloko nya… “O my God, ansakit-sakit! Tumagos sa buto ko ang mga isinulat nya. Kawawa pala ang taong to. Kaya pala nung Makita ko sya sa library ay parang napakaliungkot nya. Ganyan pala sya” Ang nasambit ko sa sarili. At pakiramdam ko sa nabasa kong sulat, lalong lumalim ang pagkainterest ko sa kanya. “Hmmm. In fairness, ganda ring magsulat ng lolo mo ha. Nakaka-in love!” ang paghanga ko naman sa sulat na ginawa nya.

“Hindi! Hindi ako dapat magpaalipin sa naramdaman ko sa kanya. At wag akong tatanga-tanga sa mga ganyang klaseng lalaki! Lahat sila manloloko!” ang sigaw naman ng isang parte ng utak ko.

Kinabukasan, inaabangan ko talaga sya sa library. At hindi ako nabigo dahil sa pagupo ng pag-upo ko pa lang sa dati ko pa ring inuupuan, ay sya naman ang pagpasok nya. Aba… umupo din sa dati nyang inupuan! Ngunit dahil may iba na ring mga estudyanteng nakaharang kaya di kami diretsong magkatinginan.

Ayan na naman, lakas na naman ang kabog ng dibdib ko. “Ano ba to? Gusto ko na syang sugurin pero di ko magawa! At ang honghang, ni hindi na naman ako pinansin. Nakakainis talaga ang taong ito. Di man lang inisip na nandun sa kanya ang notebook ko. Gusto pa yatang ako ang magmakaawa sa kanya, Sineswerte sya.”

So basa kunyari, basa at sulyap na naman sa kanya. “Ano ba to, naku-kyutan na ako sa iyo ha, bakit ba torpe ka! Ah… hahanap ako talaga ng tyempo, baka maabutan pa ako sa pag-alis ng loko, e di ko na makuha pa yung notebook ko!”

Tamang-tama namang tumayo sya, tinungo ang shelf upang kukuha ng libro kaya dating gawi, tumayo ako at dali-daling tinungo, kunyari kukunin ko ang isang libro at isinagi ko na naman ang sarili ko sa kanya. Laglag ang librong kinuha nya sa shelf.

“Oppsss!” sabi nya.

Kunyari shocked ako. Tiningnan sya. “Ikaw na naman!”

“Ay… ikaw pala. Sorry.”

“Anong sorry ka jan! Nananadya ka yata ah!”

“Hindi ah! Di ko talaga alam na jan din ang punta mo. Di nga kita napansin eh.”

“O sya, sya…. Ang notebook kop ala, nasa iyo, akin na!” ang pasigaw kong sabi.

“Oo nga pala… Balak ko talagang isoli sa iyo yun nung mapansin kong hindi sa akin ang naibigay mo sa araw ding iyon. Kaso, ambilis mong maglakad eh. Para kang kabayong nagtatakbo eh.” Sabay ngiti.

“Aba! At anong ibig mong sabihin? Mukha akong kabayo?”

“Hindi, yung takbo mo, ambilis kasi!”

“Whatever! Akin na yung notebook ko!”

At agad naman niyang tinungo ang mesa kung saan nakalagay ang mga gamit nya. “Heto o!” sabay abot nun sa akin.

Nung tinanggap ko, “Hindi mo binasa ang laman nito ha?”

Ngiti lang ang isinagot nya.

“Hoy! Tinanong kita, binasa mo ba?”

“Konti. Ang galing mo palang magdrowing.”

“Hoy! Hindi ikaw yung drinowing ko jan ah!”

“Wala naman akong sinabi ah. Pero ang ganda talaga ng pagka-drawing. Kuhang-kuha lahat ng parte ng mukha eh, pati buhok…” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

“Heh! Baka isipin mo ikaw yun. Tsura neto! Sino pa ang nakakita nito?”

“Girlfriend ko!”

Lumaki naman ang mga mata ko sa pagkagulat, di inaasahan ang narinig, taliwas sa nabasa ko dun sa notebook nya na hiwalayan nila ng girlfriend nya. At pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat patungo sa ulo. “Haaaa?!!! May girlfriend ka?”

Hindi sya sumagot, tiningnan lang ako.

Sa nakita kong reaksyon di ko lubos maintindihan ang naramdaman. Pagkadismaya, lungkot na meron pala syang girlfriend, galit sa kasinungalingan nya. “Kayo talagang mga lalaki! Manloloko!” ang pasigaw kong sabi sabay talikod, nagdadabog.

“Walang ibang babae ang crush mo.” pahabol nyang mahina ang pagkasabi, sinadyang hindi iparinig.

Ngunit narinig ko iyon. Bigla akong napalingon at nakita ang agarang pagyuko nya na parang niloloko lang ako dahil dun sa sinulat ko sa notebook. Bumalik ako sa kinaroroonan nya“Tse! Sinungaling! At hoy! Wala akong crush at kung meron man, hindi ikaw yun! Hmpt!” At dali-dali ulet akong tumalikod.

Unang tagpo namin ng klase ko sa English 2 nung hindi ko inaasahang papasok din dun si Francis. “Wah! Kaklase ko sya sa subject na to?” sambit ko sa sarili.

Tapus na kaming magself-introduce nung sinimulan na ng guro namin ang klase. Syempre, may review questions sya tungkol sa mga pinag-aralan namin sa English 1.

“What is a noun?” tanong ni Prof. Galvez.

Walang tumaas ng kamay kaya’t ako na ang sumagot, “A noun is a name of person, place, or thing.”

“Good! Sabin g professor. How about a pronoun?”

Wala pa ring tumaas ng kamay kaya ako na naman ang sumagot, “A pronoun is a word that takes the place of a noun”

“Adjective?”

Wala pa ring tumaas ng kamay kaya’t ako ulet, “… a word that describes or modifies a noun, and a pronoun”

“Verb?”

Wala pa ring tumaas ng kamay. Ewan ko ba kung bakit ayaw magsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko kaya hanggang ang interjection ay ako pa rin ang sumagot. “Chicken!” sabi ko sa sarili. Syempre, proud na proud naman ako sa sarili at kada comment ng “very good” ng professor, sinusulyapan ko naman si Francis, tila hinahamon at sinasabing, “O, e di wala kang maisagot no?” habang si Francis naman ay di natitinag, titingin lang sa akin, at yuyuko na, na para bang napakalalim ng iniisip.

Hanggang sa dumating ang question ng professor na, “There are three types of verbals – the infinitive, the participle, and the gerund. As you know, many verbals in the present participle also end in –ing like the verbal gerund. My question now is: How would you differentiate a verbal participle from a verbal gerund?”

“Waahhhh!” sabi ko sa sarili. “Di ko alam iyon” Kaya yumuko na lang ako upang wag nang tatawagin pa ng professor.

Ngunit tinawag ulet ako ng professor. “Miss Carmen Flores? Would you like to answer?”

Nag-aalangan man, tumayo pa rin ako. “Errr… both are verbs in form but are not really verbs?”

“You are correct, Miss flores. But you did not answer my question.”

Napangiwi nalang ako at dahan-dahang umupu, hindi na magawa pang tumingin sa kinaroroonan ni francis.

Marahil ay sa pagkainis na walang sumagot sa tanong, kitang-kita na sa mukha ng professor ang pagka-inis. “If no one will answer that question, I will not proceed with our lesson and I will remain seated here. You should know how to answer that question. It’s being discussed on your English 1 subject.”

At umupu nga ang professor. Nagbabasa ng libro at pinabayaan kaming mag-isip.

Wala pa ring nagtaas ng kamay. “One one will still try?” Nagtawag sy ng iba’t-ibang mga pangalan ngunit wala pa ringsumagot at ang iba ay talagang walang maisasagot. Si Francis naman ay tila walang pakialam, napakalalim pa rin ng iniisip.

Marahil ay napansin ang katahimikan namin at ang di pag move ng klase, bigla syang nagtaas sya ng kamay. “Yes, Mr. Villamor?” pag acknowledge ng professor sa kanya.

Tumayo si Francis. “Can you please repeat the question professor?” ang sabi niya.

“As I was saying, “There are three types of verbals – the infinitive, the participle, and the gerund. As you know, many verbals in the present participle also end in –ing like the verbal gerund. My question now is: How would you differentiate a verbal participle, from a verbal gerund?”

Bahagyang nag-isip si Francis. “The verbal present participle is used as a modifier in a sentence while the gerund is used as noun…?” tila di sigurado sa sinasabi

“U-hum?” Tatango-tango naman ang professor. “Ok, can you give me an example of what you are saying, Mr. Villamor?”

Pumunta ng blackboard si Francis at isinulat –

“1. The playing coach lodged a complaint against the referee”
“2. I like playing”

“So… where is the verbal participle and where is the verbal gerund in those two sentences?”

“In the first sentence, ‘playing’ is the verbal participle, modifying the noun coach, while in sentence number 2, ‘playing’ is a noun used as a direct object of the verb ‘like’.”

“Hmmm, very impressive!” sabi ng professor na kitang-kita sa mukha ang paghanga.

Palakpakan naman ang mga kaklase syempre, siya ang nagging tagapagligtas ng klase.

“You should say thank you to Mr. Villamor. He saved your butts!” ang patawa naman ng professor habang ipinagpatuloy na ang pagka-klase.

Pero sa ipinapakitang galing ni Francis, lalo naman akong nainis…

(Itutuloy)

1 comment:

  1. First and seconf chapter pa lang ang nababasa ko pero aliw na aliw kaagad ako, just wonder why walang comment dito, to think na ang ganda kahit sa umpisa pa lang, marahil ay di interesado ang mga reader story ng mga straight.

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails