Followers

Sunday, January 16, 2011

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [9]

Author's Note: Pasensya na talaga kayo kung ngayon lang ulit ako nakapag update kasi busing busy kasi ako eh i hope na naiintindihan nyo ako :)

Batian Portion:

Bunso: Ayaw kong mawala ka sa akin, sana kung ano man ung mga problema na dumating sa atin ay makayanan natin, sorry na oh.

Binabati ko rin ang Chatmate ko Dito na si Jishin. wew wala kna kakulitan pag gabi kasi wala na ako sa manila..hehehe

"i want to be remembered as the boy who smiles even though his heart is broken and the one who can always brighten up your day even if he couldn't brighten his own"

kay enzo: wew sayang hindi mo ako nakita nung nasa SM North Edsa ako..hehehe

kay kuya mike: ingat ka po lagi dyan.



ANNOUNCEMENT!

Nasa facebook ko na po lahat ng part nito at ung mga video. wag na kayong mag email sa akin dahil hindi ako magrereply! thanks.


by:oonheru
email:watashioonheru03@gmail.com
fb:oonheruwatashi03@gmail.com


SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO 9





Hindi na natuloy ang aming praktis dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga seniors ng aming squad kaya umuwi na lang ako para makapag pahinga.

Alas sais na noon ng gabi, habang naglalakad kami ni francis sa corrigidor ng aming university ay dumadampi sa aming mga balat ang napakalamig na simoy ng hangin, kakaiba talaga ang klima dito parang baguio din dahil sa napakalamig.

Napadaan kami sa aming Admin building ng aming university, napakaganda talagang pagmasdan kahit na hangang fourth floor lang ang taas nito. Sa labas pa lang at makikita mo na ang nag gagandahang mga halaman na may mapupulang bulaklak na namumukadkad at ang puno ng mangga na nagbibigay lilim sa parking lot nito.

Hindi ko naman maiwasan na hindi smaalala ang nakaraang enrollment.
alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako, nagmadali akong nag ayos papunta ng school para magpa enroll.

eksaktong alas syete na ng makarating ako sa school, dumiretso agad ako sa aming building para hanapin ang aming chairman para mag pa evaluate ng grade. ewan ko ba kung bakit me ganun pa ang daming ka churva ek ekan.
umakyat ako ng thirdfloor ng aming building dahil nandoon ang office ng chairman namin.
hindi na ako nagtaka nung makarating na ako dahil sa haba na ng pila.
pumila agad ao sa pinakadulo, wala akong makitang classmate ko kaya nagtiis ako doon dahil late na naman ako nagpa enroll.

halos tatlong oras akong nakapila doon bago natapos dahildahil sa sobrang dami ng mga studyanteng naniningit sa pila na walang paki alam sa mga nasa hulihan. basta makakita lang ng kakilala o kaya ay kaibigan ay ichichika muna ng kauntian tapos ayon success naka singit na siya sa pila.

ganyan lagi ang senario sa aming school, paraparaan para madaling matapos at hindi maubusan ng slot kundi international ka, kelangan madiskarte ka kung hindi, hindi ka talaga aasenso sa pila.hehe
Ganyan din ang ginagawa ko pag minsan, laging sumisingit sa pila, kapag sumingit ang isa sa kaklase ko buong section na iyan. hehe bagamat galit na galit ang mga nasa hulihan ay wala naman silang magawa, at kung nakakamatay lang ang mga sinasabi ng mga naiinis dahil sumingit ka matagal ng maraming namatay sa pila..pero pagkapasok sa tenga namin labas din sa kabila. wapakelsz ba.

Pagkatapos kong magpa evaluate ng grades sa aming chairman ay panibagong pila nanaman sa assessment at dating gawi ganun pa rin.
napakatagal ng process ng assesment kaya naman super kakabagot sa pila at nakakagutom pa.
kitang kita mo sa bawat mukha ng mga studyanteng naka pila ang pagkainis at mukhang stress na stress at ang masaklap pa dito ay pag inabot ka ng cut off. mag iintay ka na naman ng another 1 hour bago makapag pa encode ng mga subject mo at makakakuha ng registration form mo.
ewan ko ba sa school namin kung bakit sobrang bagal ng enrolment process dapat sana may online enrolment na lang para hindi na mahirapan ang mga estudyante sa pagpila ng bonggang bongga. kung minsan pa nga aabutin ka ng isang linggo bago ka makapag pa enroll.

after ng assessment kelangan mo na namang pumila sa cashier para bayaran ang tuition fee mo. kakaloka talaga ang enrolment eh. at kapag nakapag bayad kana saka ka palang makakapag paenrol. pero pagkatapos noon ay ibayong ligaya ang iyong madarama dahil tapos kana.

Nang matapos na ako magpa enrol ay nagpasya narin akong umuwi dahil sa sobrang pagod. malapit na ako sa gate ng makita ko ang guwardiyang hindi nagpapasok sa akin. nag aapoy ang galit ko sa kanya dahil kung pinapasok niya ako hindi sana iyon mangyayari. napakahigpit talaga ng mga mokong na gwardya.
Naalala ko noong may nakasabay akong isang studyante sa pagpasok sa gate ng bigla siyang hinarang ng guard dahil naka tsinelas lang siya at sinabihan siya ng ganito:

"bakit naka tsinelas ka? hindi mo ba alam na bawal pumasok ang naka ganyan? babae kapa naman. hindi ka ba binibili ng magulang mo ng sapatos?"
aba sa isip isip ko ay ano naman ang karapatan ng walang hiyang gwardya na ito para pagsabihan c ate ng ganun? taga bantay lang siya hindi taga puna. ahmf..
at ddali daling umalis ang babaeng pinahiya ng guard sa ibang estudyanteng pumapasok sa gate.

Nakalabas na na kami ni francis ng school at nakita ko naman si Ana na kanyang girlfriend na papalapit sa amin. bigla niyang niyakap si francis at hindi alintana ang mga estudyanteng nasa paligid.

"ang landi ng gaga" sa isip isip ko lang. pinag masdan ko lang siya at may nilingon siya, tiningnan ko ang nilingon niya at nakita ko ang magsyota ata yun at ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin noon, hindi ko na lang iyon pinansin.
kumalas siya sa pagkakayakap kay francis at akmang hahalikan niya ito

"hoy!! mahiya naman kayong dalawa sa mga estudyanteng nakakakita sa inyo at tingnan nyo oh may CCTV camera!" sabay turo ko sa CCTV Camera na nakaharap sa amin sa taas. tila natauhan naman ang hunghang sa sinabi ko at hindi na itinuloy ang paghalik niya kay francis. "ahmf ang landi landi".

umuwi akong mag isa sa boarding house dahil hindi na ako ihinatid ni francis na lagi niyang ginagawa kung hindi lang umepal ang babaeng iyon.
nang makapasok na ako sa aming kwarto ay inilapag ko na ang mga dala kong gamit at tinungo ko ang locker para magpalit ng damit pambahay. boxer lang ang sinuot ko kasi sanay ako na iyon ang laging suot kahit sa totoong buhay. hehehe
humiga ako sa aking kama at napa buntong hininga ako. ahmp.
kinakausap ko na naman ang sarili ng mga oras na iyon.

"bakit ba ganun ang nararamdaman ko? bakit lagi na lang akong nagseselos kapag kasama namin ni francis si Ana? ayaw ko namang sabihin ito kay francis baka mag iba ang pagtingin niya sa akin o baka layuan niya ako. natatakot akong mangyari iyon. at ayaw ko ring masira ang friendship namin dahil lang sa maling nararamdaman ko.
Pero bakit parang may nararamdaman din ako sa aking textmate? sa katunayan masaya ang araw ko pag nagtetext siya ewan ko ba kung bakit ganun ang nararamdaman ko. sa katunayan nga eh puro text lang niya ang laman ng inbox ko wala ng iba. kahit simpleng "goodnight o goodmorning" ay hindi ko dinedelete. at kapag mag isa lang ako ay wala akong ginagawa kundi basahin lang ang mga text niya.

Bumaba si kuya ko sa higaan niya at humiga sa higaan ko.

"oh bakit dito ka humiga?"ang tanong ko sa kanya.

"wala gusto lang kita makatabi ulit sa pagtulog, na miss ko kasi yung lagi tayong magkatabi sa pagtulog pag nasa isla tayo" ang pagpapaliwanag niya.

"ako rin eh na miss ko rin ang kuya ko na katabi ko sa pagtulog, at syempre ung mga yakap mo. hehehe" ang sabi ko naman.

"hhmmmmm,,wag kang malikot matulog ha?" sabay gulo ng buhok ko.


"opo hindi na ako malikot matulog" ang pag depensa ko naman.

"wehh? hindi nga?"

"oo promise" sabay tawa ko.

tumawa na rin siya.pero sa kabila ng pag tawa kong iyon ay may lungkot pa rin akong nararamdaman.

tumayo ako at kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko. humiga ulit ako sa tabi ni kuya at nag text ako sa textmate ko. magkaharap kami parehas ni kuya kasi baka mabasa niya ang mga text ko kasi super pakialamero yan.
nag send ako ng sad face sa textmate ko.

":(" ang text ko.

"oh bakit may problema ba?" ang reply niya.
haixt naman oh pagkabasa ko pa lang ng text niya parang nawala na ang lungkot ko.

"ah wala naman, anong gawa mo?" ang pag lilihis ko sa unang text ko.

"eto nakahiga katabi ang kapatid ko, sigurado ka ba na wala kang problema?" ang pangungulit niya.

"wala nga" ang reply ko.

"hmmm alam ko may problema ka, sige na sabihin mo na baka makatulong ako"
wala na rin akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya

"eh kasi ano eh" ang pagbitin ko sa sasabihin

"anu?" ang reply niya

"baka naman pagtawanan mo ako" ang sabi ko naman.

"hindi, promise" ang paniniguro niya.

"eh kasi ewan ko ba sa sarili ko hindi ko maintindihan"

"ang alin ang hindi mo maintindihan?" ang tanong niya ulit.

"hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos ako sa girlfriend ng kaibigan ko sa tuwing makikita ko silang magkasama." ang pag amin ko sa kanya.

"ah ganun ba. natural lang naman na mag selos ka kahit wala kang karapatan, basta mayroon kang nararamdaman sa kanya hindi un maiiwasan. kaya wag ka nang malungkot. please?"

wow grabe talaga, napangiti ako sa text nyang iyon.

"hoy!! anong nginingitingiti mo dyan?" ang tanong sa akin ni kuya.

"ah wala po" ang pag sisinungaling ko.

"wala daw. ok" ang sabi nya.

"ah ganun ba iyon?" ang freply ko sa textmate ko.

"yup. gusto mo kantahan na lang kita para hindi ka na malungkot?" ang text niya

"huh? paano naman?" ang reply ko agad.

"tatawag ako syo ngayon."

(itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails