Followers

Sunday, January 16, 2011

My Secret Love [10: Last Part]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

-------------------------------------------------
Thanks to Gelo for the fan sign.

Nasa ganung sitwasyon ako nung biglang umilaw ang paligid. Maya-maya, bumalik naman ang mga pulis, dala-dala nila ay mga balloons, ang isa ay naggitara, ang iba ay kumanta.

Dali-dali kong pinahid ang mga luha sa pisngi at tumayo. “Nasaan si Francis!”

Nilingon ng mga pulis ang pintuan at… nanlaki ang mga mata ko sa nakita. “Si Francis! Malinis na malinis ang damit, nakangiti, at walang kahit konting palatandaan na binugbog ito!” Sigaw ng utak ko.

Ewan ko pero sa nakita ko, sobrang nabighani ako sa postura nyang naka-puting sweatshirt na may stripes na black and red, straightcut na stone-washed maong na butas-butas, bakat na bakat ang ganda ng katawan na hunk na hunk naman ang dating. At sa mga kamay nya ay dala-dala ang isang bouquet ng mga malalaki at mamahaling bulaklak. Nung makita nyang nakatingin ako, binitiwan nya ang isang ngiting nakakabighani.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Lumapit sya sa kulungan, binuksan ang kandado nun at nung mabuksan na, iniabot sa akin ang mga bulaklak.

Di magkamayaw na tinanggap ko ang bulaklak. Ang matinding takot at panginginig ng katawan ay napalitan ng matinding kaba. Pakiwari koy napaso ang pwetan ko sa di mapakaling emosyon at sobrang pagkalito.

“A-ano ang ibig sabihin nito, Francis!” Ang tanong ko. “Akala ko ba ay ikaw ang suspect nila sa pagpatay…?”

Ngumiti lang si Francis. “Paano magkaroon ng suspect kung wala namang pinatay?”

“Di ba yung janitor, si Mang Erning ay pinatay?”

“Ah… Ayan sya o!” Sabay turo naman sa isang naka-uniporming pulis.

“Haaaa???!! Sya ba yan?” Sambit kong di pa rin makapaniwala.

Lumapit naman ang nakangiting si Mang Erning at sumaludo sa amin ni Francis.

“Yan ang sinasabi kong gagantihan ko sya. Para tulungan niya ako dito sa plano ko…” Sabi ni Francis.

“I-ibig sabihin, pakana mo ang lahat ng ito?”

Tumango sya.

Naglulundag naman ako na parang bata, naiinis na kinikilig na di mawari, niyakap sya. “Francisss! Kakainis ka. Kakainis ka talaga! Bakit mo naman ginawa ito sa akin?”

Imbis na sumagot, ikinumpas nya ang isang kamay at hinila ng isang pulis ang isang nakausling lubid sa loob ng presinto.

Nagulat na naman ako nung biglang bumagsak ang lahat ng dingding sa kinatatayuan naming inaakala kong presinto at lumantad sa akin ang kabuuan ng palapag ng multi-function center.

Nagpalakpakan ang mga tao. Mistulang nasa gitna kami ng isang entablado at sa harap namin ay ang mga manonod, ang iba ay kakilala ko, mga classmates namin, at maraming mga kaibigan ni Francis.

May mga palamuti ang buong paligid ng center; bulaklak, ribbons, naglalakihang ballons at sa di kalayuan ay may mga pagkaing nakahanda na at ang pinakasentro noon ay ang malaking cake.

Lumaki ang mga mata ko, yakap-yakap ang mga bulaklak na bigay ni Francis, ang mga kamay ay nakatakip sa nakabukang bibig. Inikot ng mga mata ko ang kabuuan center. Napansin ko ang malaking screen sa itaas ng dingding sa harapan lang namin at nandun kami, live! “Naka-video ang mga ginagawa namin kanina?!! Alam ng mga tao ang drama namin sa loob ng kunyari ay presinto?!!” Sigaw ng utak ko.

Tiningan ko si Francis. Sinuklian nya ako ng isang ngiti na nagpapahiwatig na alam nya ang nasa isip ko. Tumango-tango sya sa akin.

Yumakap ako kay Francis, itinago ang mukha sa dibdib nya sa sobrang hiya. Niyakap din nya ako. Mahigpit, tila pagpapahiwatig na hindi nya ako iiwan.

“Di ba sabi ko sa iyo kanina, na kung sakaling may napupusuan akong babae, sa iyo ko ito unang sabihin?”

Ramdam ko na naman ang pagbalot ng maintinding kaba sa buong katawan sa pagpapahiwatig nya. Nakakabingi ang kabog ng dibdib. Natatakot na masaktan ako sa sasabihin nya.

“N-ngayon mo na ba sasabihin?” Ang kagat-dila kong tanong ang mga mata ay nakatutuk sa mukha nya.

“Oo, at di ba sabi ko din sa iyo na sa birthday ko sya liligawan?” Dugtong nya sabay kumpas naman ng kamay.

At nakita ko ang malaking streamer na nakatiklop sa kisame. Unti-unti itong iniladlad at ibinaba. Nung nasa tamang taas na ito at tuluyan ng nakaladlad, binasa ko na ang nakasulat: “HAPPY BIRTHDAY FRANCIS!”

Palakpakan ang lahat ng tao, at tumugtog ang banda ng “Happy Birthday Song” at sabay-sabay na kumanta ang lahat.

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nastock up sa puso ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi.

“Ikaw ang babaeng mahal ko, Carmen… At ngayon na rin kita liligawan.”

Di ako nakasagot kaagad. “A.. e…” Ang nasambit ko na lang.

“Di bale… Alam ko na ang sagot mo. Dinig na dinig ng lahat ng mga tao nung sinabi mong mahal na mahal mo ako.” At idinampi nya ang mga labi nya sa labi ko.

Nakakabingi ang palakpakan ng mga tao na lahat pala ay bisita ni Francis sa birthday nya.

Matagal na naglapat ang mga labi namin; sabik na sabik sa isa’t-isa at pakiwari ko ay wala ng bukas pang darating. Nanginginig man ang kalamnan ko sa sobrang tuwa, ramdam ko pa rin ang init ng dampi ng mga katawan namin. Tila lumulutang ako sa ikapitong langit, huminto ang takbo ng oras, at ang lahat ay naka suspended animation.

Nung mahimasmasan na. “Kumusta si Pareng Cris ko?”

Nabigla na naman ako. “Hah?”

“Wag ka ng magkaila, Pareng Cris! Bistado na kita.” Sabay tawa.

“Panu mo nalamang ako din si Pareng Cris mo?”

“Obvious ba? Syempre, alam ko. Gawa-gawa ko lang ang YM account na iyon. Walang ibang nakakaalam nun, ako lang. Sinadya kong isinulat yun dun sa notebook na isinali ko sa mga dala-dala mong notebooks. Nagbakasakali ako na makipagchat ka. At yun… Taray mo kasi dati eh. Di ako makaporma. Kaya dun ko nalang idinaan sa patibong.” Ang paliwanag nya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Kinurot ko nalang sa gilid nya si Francis. At sabay kaming nagtawanan.

(End)

5 comments:

  1. kuya nice ng story...galing ni francis! talino! hahahaha...thumbs up sayo kuya! more stories pa!

    ReplyDelete
  2. i really like this one, binasa ko talaga mula una hanggang hulihan, at kinilig ako subra....


    good job author...

    ReplyDelete
  3. AWWW wish i could hav my own francis... naiiyak ao sa tuwa... nice story (TuT)

    from Neon M

    ReplyDelete
  4. the best!!! super kilig ahahiii!!! una tamad akong magbasa peo nung about sa notebook na, interesting:))) hahaha... super cooleets!! hahaha...super nice story:))

    ReplyDelete
  5. Until chapter 8 i can rate 8/10. last two chapter 6/10 lang, makornihan ako!

    Ben

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails